CHAPTER 3 Directly Under Her
Seraphine’s POV:
“Hays, goodness!” Heto ako ngayon, hinihingal habang naghihintay ng masasakyan.
Inutusan ako ni Ma’am Stella yung nag-interview sakin na kumuha ng mga papers sa kabilang company.
Mag-iisang linggo na rin niya akong pinapahirapan.
Kala mo naman siya ang CEO ng company namin.Hindi ko maintindihan, pero magtatatlong araw nang mainit ang ulo niya.
Rinerigla ata. Sa pagkakaalala ko, secretary ang pinasukan ko.
Pero bakit parang lahat na lang iniuutos niya sa akin?
Baka magtaka kayo wala pa kasi ang boss ko, ang Vice President. Nasa ibang bansa siya kasama ang kasalukuyan niyang secretary na magre-retire na. May inaayos silang business matters, at gusto raw ng VP na pagbalik nila, may kapalit na agad ang secretary niya.
So technically… training phase ko pa lang.
Pero sa reality?
Ginagawang all-around alipin ni Miss Stella.
From picking up documents, scheduling meetings, printing reports, hanggang sa pagkuha ng kung anu-ano na hindi naman talaga sakop ng job description ko. Parang may invisible label ako sa noo ko na: “Utusan.”
“Manong, manong!” Para ko sa taxi. Agad naman itong huminto.
After thirty minutes sa traffic, nakarating na rin ako sa building. Saktong lunch na rin, kaya balak ko munang dumaan sa cafeteria sa 23rd floor para kumain. Mamaya pa naman kailangan yung papers, so chill muna ako.
Habang naglalakad, may nakita akong pamilyar na pigura mula sa malayo.
Teka si Collie ‘yun ah?
“Collie!” Hindi ko napigilang isigaw, sabay takip ng bunganga ko sa sobrang excitement. Huling kita ko kasi sa kanya sa parking pa.
Lumapit ako at tinawag siya ulit.
“Collie,” Tawag ko.
Binigyan lang niya ako ng who are you? look kaya napakamot ako sa tenga ko, lalo na’t may kasama siya.
“Sorry, but-” Magsasalita sana siya, pero hindi ko na siya pinatapos.
“It’s me, Sera. Yung sa elevator at parking,” Nakangiti kong sabi.
Tinitigan lang niya ako. Parang may bago sa kanya.
Hindi katulad nung nakaraan na naka-hoodie at pants lang siya. Ngayon, parang literal na little lady boss na may cute na boses. Yung aura niya sobrang tapang at lamig, parang kahit matanda ka, mapapatino ka sa isang tingin niya.
Binigyan niya lang ako ng tingin na parang ini-scan buong pagkatao ko.
“Excuse me?” Malamig niyang sagot. Hindi mataas ang boses, pero sapat para maramdaman kong bumaba ang temperatura sa lobby luh oa.
Napakurap ako.
“It's me. Sera. Yung sa elevator and parking?” Ulit ko, medyo mas mahina na.
She tilted her head slightly. Parang may iniisip o baka iniisip kung tatawag ba siya ng guard.
“I’m afraid you’re mistaken.” Diretso. Walang emotion walang recognition. Napatanga ako.
Mistaken? Eh halos magka-eyelock pa kami last time sa parking ah.
“Ah sorry.” Napakamot ako sa batok.
“Kamukha mo lang kasi friend ko.” Dagdag ko. Friend? Since when naging friend ko si Collie?
She looked at me one last time head to toe then turned to the man beside her yung driver nya na nakasakay sa SUV nung nakaraan.
“Let’s go. We’re already late.” Her voice changed. Mas authoritative na cute. Sabay lakad siya palayo ni hindi man lang ako nilingon.
Naiwan akong nakatayo sa gitna ng lobby na parang naiwan ng field trip bus.
“Okay” Bulong ko sa sarili ko.
“Anong nangyari dun?” Napabuntong hininga ako. Naglakad na lang ako papunta sa elevator. Habang naghihintay, tinitigan ko reflection ko sa elevator door.
“Bat parang may bago sa batang ‘yun?” Bulong ko.
“Di naman siya ganyan kataray nung unang kilala namin” Napakunot noo ako.
“Ano yun? Rinerigla? Parang si Ma’am Stella .” Napailing ako sa iniisip ko.
“Grabe aura niya ngayon. Literal na little lady boss. Parang kahit CEO matatakot.”
Ding.
Bumukas ang double-sided elevator at pumasok ako, hindi ko napansin na may huminto rin sa likod ko.
“Ewan ko ba” Bulong ko sa sarili ko habang pinipindot ang 23.
“May bago talaga sakanya. Parang hindi siya yung nakilala ko.” Kausap ko sa sarili.
Bigla kong naramdaman na may presensya sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita. Nakatayo sa sulok at Naka arms crossed. Cold eyes at this time she was looking straight at me not amused not smiling. Just watching.
“Regla?” She said calmly. Parang tumigil mundo ko.
“I beg your pardon?” Dagdag nya.
Parang natuyo lalamunan ko.
“Ha? Ay joke lang yun. Internal monologue. Hindi para marinig ng ibang tao.” Pilit kong tawa.
She didn’t smile not even a little.
The elevator doors closed.
Tahimik.
“Be careful with your words, Walls have ears. Elevators too.” She said calmly. Hindi mataas ang boses pero may bigat. Napatuwid ako ng tayo yung gutom ko nawala.
“Sorry po.” Po? Kailan pa ako nag-po sa six years old not sure pero feeling ko kasi six to seven na sya medyo bulol rin kasi.
SIX, SEVEN ??
She studied me again. Parang may hinahanap sa mukha ko.
“You seem comfortable,” She said.
“Ha?”
“With people you barely know.” Sabi nya. Ouch pakak.
“I thought you were someone else. You just look exactly like someone I met before,” Paliwanag ko agad. Isa pa, hindi ako pwedeng magkamali. Baka wala lang siya sa mood o baka napagalitan dahil nakikipag-usap sa hampas-lupa na tulad ko.
“I’m one of one. Unique,” She said smoothly. Napakurap ako.
Hindi ko pa naman naririnig kay Collie kung may kapatid siya o wala. Baka wala lang talaga siya sa mood makipagkulitan of nakalimutan nya lang ako.
“Ah. Sorry. My mistake,” Sabi ko nalang.
Ding.
Huminto ang elevator sa 15th floor. Walang pumasok. She didn’t press any button.
“Anong floor ka?” Tanong ko para may masabi lang she looked at the panel.
Then at me.
“Wherever I need to be.” Okay. Mysterious yarn parang nung nakaraan lang.
Bigla siyang nagsalita ulit.
“You work here?”
“Yes.”
“New.” Hindi iyon tanong isa iyong statement.
“Opo. I mean-yes.” Her eyes slightly narrowed.
“Be careful. This company isn’t a playground.” She said calmly.
Parang may hidden meaning putik bat parang ako pa ang naging bata saming dalawa.
Ding.
23rd floor.
Bumukas ang pinto. Lumabas ako agad.
Huminga ako ng malalim paglabas ko.
“Grabe naman yun,” Bulong ko habang naglalakad papunta sa hallway.
“Kung hindi siya si Collie, bakit sobrang magkamukha? At kung siya man yun bakit parang ibang tao?” Kausap ko sa sarili ko.
Huminto ako saglit.
“Hindi naman siya ganun ka-taray. Ano yun? Personality development?” Napailing ako at tawa sa mga naiisip ko.
“Or baka may secret identity CEO vibes parang si Ma’am Stella pero mas bata version.” Napatawa ulit ako mag-isa.
“Baka nga rinerigla.” Sabi ko not thinking kung may tao sa paligid.
“And you seem very interested in my cycle.” Tumigil ang mundo ko. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya sa likod ko. Arms crossed.
“How many assumptions are you planning to make today?” She asked calmly. Hindi siya galit mas delikado. She was amused.
My heartbeat: Olympic level.
“Ano ba talaga problema mo sakin?” Tanong ko bigla hindi ko rin alam saan ko nakuha lakas ng loob. Her eyebrow lifted slightly.
“Problem?”
“Yes. Since lobby pa, you’ve been giving me that look.” Sabi ko na para bang ka age ko kausap ko.
She stepped closer.
“You approached me,” She corrected.
“You shouted a name that isn’t mine. You assumed familiarity. You assumed mood. Now you’re assuming hostility.” She tilted her head bata ba talaga to.
“Tell me. Who exactly do you think I am?” Sabi nya gamit ang cute at medyo bulol nyang pananalit napabuka bibig ko pero walang lumabas because at that moment. I wasn’t sure anymore.
For the first time mula kanina may faint smile sa lips niya. Feeling ko tuloy si Collie talaga to nangtritrip.
“You should learn to observe before
you speak, It will save you from embarrassment.” She said softly. Then she walked past me. Pero bago tuluyang lumayo ahe stopped pero hindi lumingon.
“Next time you see that ‘Collie’ you’re talking about tell her she should choose her friends more carefully.” She added calmly, Then she left iniwan niya akong nakatayo doon confused at first time na hurt ng feelings ko.
AFTER FEW MINUTES
Kakatapos ko lang mag-lunch.
Nakaupo pa ako malapit sa pantry, hawak ang baso ng tubig, iniisip kung deserve ko ba talaga yung extra rice na kinain ko. Tahimik ang paligid, typical corporate afternoon yung tipong lahat pagod pero nagpapanggap productive.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.
CALL FROM: MISS STELLA.
“Hello po?” sagot ko, medyo alanganin.
“Miss Reyes. You need to go to the 25th floor immediately. The CEO is arriving.”
Boses ni Miss Stella formal diretso walang intro-intro.
Parang may malamig na tubig na binuhos sa likod ko.
“P-po? Ngayon po?”
“Yes. Now!”
Click.
Pinatay ang tawag.
Napaupo ako nang tuwid. 25th Floor ? CEO? Immediately? Hindi ako ready. Hindi prepared ang utak ko. Hindi prepared ang kaluluwa ko.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at halos tumakbo papunta sa elevator ang lakas ng tibok ng puso ko, parang may sariling background music, pagbukas ng elevator. Napatigil ako may tao na sa loob isang babae at mukhang hindi basta-bastang babae.
Tall. Slender. Composed. Nakasuot ng eleganteng office attire black fitted blazer, silk blouse na kulay ivory, pencil skirt na sakto ang haba.
Yung tipo ng suot na hindi sumisigaw ng “mayaman,” pero ramdam mong hindi ka ka-level.
Ang buhok niya mahaba. Sobrang haba.
Brown na curly, Skin niya? Clear. Hindi lang clear porcelain smooth.
Parang hindi siya tinatamaan ng araw. Parang hindi siya nagkaka-pimple.
Sharp jawline. Perfect nose. Lips na natural pink.
At yung mata niya malamig. Not empty. Not bored calculated. Parang bawat galaw mo, napapansin niya.
Napakurap ako.
Grabe. Ang ganda niya. Hindi lang maganda. Nakakatakot yung ganda niya.
“Uh hi?” Sabi ko, medyo awkward.
Wala siyang sagot hindi man lang tumingin. Nakatayo lang siya, straight hands relaxed sa side niya na parabang mannequin.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 25th Sobrang tahimik.
“Going to 25th floor din?” Tanong ko, kahit obvious naman. Slowly, lumingon siya isang tingin lang hindi ngumiti.
“Yes.” Isang salita. Ang lamig ng boses niya hindi malakas hindi mahina. Pero precise napayuko ako ng bahagya.
“Ah… same.” Bakit ba ako nagsasalita.
Biglang-
Flick.
Nag-flicker ang ilaw napahawak ako sa wall.
“Please don’t,” Bulong ko at parang may nakinig biglang huminto ang elevator.
Total silence.
Patay ang ilaw.
“Ha?! No, no, no, no, no-huwag ngayon!” Napasigaw ako.
Pinindot ko lahat ng buttons. Emergency. Close door open door kahit ano.
Walang nangyari.
“Okay. Okay. Calm down. Calm down, Amor. Hindi ka mamamatay sa elevator. Siguro,” Bulong ko sa sarili ko.
Then I realized-
May kasama pala ako napalingon ako sa kanya nakatayo pa rin siya.
Still.
Walang reaction parang hindi kami na-trap sa kahon na bakal.
“Uh you’re not panicking?” Tanong ko.
She looked at me.
“You are.” Grabe lamig nya statement not question.
“Oo, syempre! Elevator ‘to! Nakastuck tayo! May CEO meeting ako! What if ma-late ako? What if mawalan ng oxygen? What if masungit sy-” Hindi ko mapigilan ang sarili
“You’re wasting energy.” She said
Napahinto ako.
“What?”
“Panic won’t fix the elevator.” She said casually.
gusto ko siyang sagutin ng “wow, helpful,” Pero pinigilan ko.
“Okay sorry. I just… I tend to overthink.” I said. She stared at me for a few seconds.
“Obviously.”
Excuse me? Pero imbes na ma-offend, mas lalo lang akong nagsalita.
“I’m not crazy by the way ahh. I just talk a lot when I’m nervous. Para hindi ako ma-mental breakdown. Corporate survival technique.” Sabi ko walang syang response.
Then-
“Your coping mechanism is inefficient.” She said napaawang ang bibig ko.
“Inefficient?!”
“Yes.”
Grabe siya.
“Wow. So ano po bang efficient?”
“Silence. Observation. Breathing.”
Parang lecture.
“Are you a therapist?” Tanong ko.
“No.”
“I just don’t panic.” Ang yabang ng dating. Hindi ko alam kung maiinis ako o ma-iimpress.
Biglang-
Click.
Bumalik ang ilaw at umusad ang elevator napahawak ako sa dibdib ko.
“Thank You, Lord.” Tumingin ako sa kanya ulit. Walang pagbabago. As if nothing happened. Pagdating sa 25th floor, bumukas ang pinto lumabas agad ako. Paglingon ko nasa likod ko pa rin siya.
Pero habang naglalakad ako papunta sa left side, kung nasaan ang office ni Miss Stella, siya naman lumiko sa right.
Daan papunta sa CEO’s office. Napahinto ako.
Wait…
CEO’s office?
Paglingon ko ulit wala na siya.
Empty hallway. Parang hindi siya naglakad parang naglaho.
“Okay baka mabilis lang talaga siya.” Bulong ko at pinilit kong huwag isipin pa.
Pagdating ko sa office ni Ma’am Stella, kumatok ako ng dalawang beses.
“Come in.”
Pagpasok ko, hindi man lang siya tumingala agad. Nakatutok sa laptop, mabilis ang pagta-type. Parang may kaaway ang keyboard.
“You’re late,” She said flatly.
“Thirty minutes early po ako sa expected time,” Sagot ko, pilit kalmado.
She looked at her watch. Then at me. Walang apology.
“Sit.” Umupo ako sa harap niya.
“There’s a change of plan,” She began.
“The documents you picked up? They’re for the CEO.” Napatuwid ako ng upo.
“CEO as in THE CEO?”
“Yes, Miss Walls. We only have one.” Okay. Sarcasm noted.
“she requested a personal turnover.”
Napakurap ako.
“Personal? Bakit ako?” Bulong ko pero narinig nya her eyes sharpened slightly.
“Because you’re new. You’re not involved in internal politics yet. And…” She paused, studying me,
“Makikinig ka lang. You will not speak unless asked. You will hand the documents directly to her. Clear?”
“Opo.”
Tumayo siya. “Let’s go.”
Tahimik kaming naglakad papunta sa executive area. Mas tahimik dito. Mas carpeted. Mas intimidating. Pagdating sa dulo ng hallway, tumigil siya sa harap ng malaking pinto.
CEO’s Office.
Napansin ko ito ‘yung hallway na pinuntahan nung girl kanina.
Miss Stella turned to me.
“You’ll go in alone.”
“Ha?”
“she doesn’t like unnecessary people inside.” She said
Napatingin ako sa pinto. Biglang parang naging mas mabigat yung hawak kong envelope.
“You’re the only one allowed to enter,” She added.
“Knock. Wait. Then step in.” Turo nya na para bang isang mali lang patay kaming dalawa.
“And you’re not allowed inside?” Tanong ko bago ko napigilan sarili ko. Her jaw tightened slightly.
“That is not your concern.” She said bago umalis
Tumayo ako sa harap ng pinto.
Naririnig ko sariling tibok ng puso ko. Biglang pumasok sa isip ko lahat ng sinabi nung babae sa elevator.
Observe before you speak.
“Okay, Sera,” Bulong ko sa sarili ko.
“Knock lang. Tao lang ‘yan. Hindi dragon.” Huminga ako ng malalim.
Tok. Tok.
Three seconds.
“Come in.” Malamig. Pamilyar.
Binuksan ko ang pinto at doon ko siya nakita.
Nakatayo sa harap ng malaking floor to ceiling window. Likod ang nakaharap sa akin. Nakatanaw sa city skyline. The sun was hitting her silhouette, making her look almost unreal.
Arms crossed poised untouchable.
The woman from the elevator tumigil utak ko.
“…You.” Di ko mapigilang sabihin
Hindi siya agad lumingon.
“So,” She said calmly, voice smooth as glass, lowly she turned. Same cold eyes. Same unreadable expression.Pero ngayon, mas malinaw. Mas powerful.
“You’re the-” Natigil ako. Her eyebrow lifted slightly.
“The what?”
My brain: loading... loading... error.
“CEO?” Halos pabulong kong sabi.
She didn’t answer directly.
Instead, she walked toward her desk. Umupo siya sa malaking leather chair. The chair.
Umupo sya. Umupo sya. Umupo sya.
“You talk too much.” She said resting her chin lightly on her fingers. I swallowed.
“You’re Miss Walls, correct?”
“Yes.” She extended her hand.
“The documents.”
Lumapit ako, parang may sariling gravity ang office niya. Iniabot ko ang envelope. Our fingers almost brushed.
She opened it. Skimmed the pages.
Tahimik ulit. Pakiramdam ko nasa interview ulit ako. Pero mas intense.
“Interesting,” She murmured.
Hindi ko alam kung para sa papers o para sakin.
After a few seconds, she closed the folder.
“Do you know why you’re here?”
“To… deliver that?” Mahina kong sagot.
A faint smile appeared. Barely there.
“I see. The Vice President’s new secretary.” Sabi niya, almost bored.
“Yes Sir-- I mean Ma’am-” Nauutal kong sabi.
"Miss walls" Sabi nya
“miss walls,” Ulit ko, testing the name.
Her eyes sharpened slightly. Parang chine-check kung paano ko bigkasin.
“Miss Walls,” She repeated. Not correcting. Not clarifying. Just placing distance. She studied me for a few seconds longer than comfortable.
“You were very loud earlier,” She said calmly. My internal organs resigned.
“In the elevator.”
“Yes, Ma’am,” I muttered. “Temporary panic glitch.”
“You pressed every button.” There was no judgment in her tone. Just fact.
“I- yes. That was… tactical desperation.”
I said.
“And yet,” She continued, “before that, you selected the twenty-fifth floor first.”
I blinked.
She noticed that?
“You panicked,” She said. “But you prioritized your objective.”
Oh.
“You ensured your destination was registered before losing control.” She said. I didn’t even realize I did that.
“That is not accidental behavior,” She added. Now that sounds intelligent. Not lucky.
“You react emotionally,” She continued, “but your decisions remain goal oriented.”
Goal-oriented.
That sounds better than chaotic.
“I was just trying not to get fired before my first month,” I admitted.
A faint shift in her gaze.
“Most people,in that situation focus on fear.” She said. Her eyes locked with mine.
“You focused on consequence.” Sabi pa nya di ko alam anong sasabihin ko.
Silence.
“You wasted energy, But you did not abandon direction.” She added while nodding.
“Thank you, Ma’am.”
Hindi ko alam bakit iyon ang nasabi ko. Automatic. Parang may corporate survival button sa utak ko na biglang nag-activate.
She didn’t smile. She didn’t comment. She just gave me a single, subtle nod.
Dismissed.
Hindi niya kailangang sabihin na you may go. Ramdam ko na agad. Isang tingin pa lang niya, parang may invisible sign na: Exit.
Napatuwid ako ng tayo, almost mechanical ang galaw ko. Naglakad ako palabas ng office, pero bago tuluyang maisara ang pinto, hindi ko napigilang silipin siya.
Nakatayo na ulit siya sa harap ng floor-to-ceiling window. Arms crossed. Untouchable. Parang hindi ako pumasok doon limang minuto ang nakaraan at hindi niya ako in-analyze from brain to bone.
Pagkasara ng pinto, saka lang ako nakahinga.
“Anong ‘Thank you, Ma’am’ ano yun?” Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway.
Thank you for what? For intimidating me? For dissecting my personality?
Napahawak ako sa dibdib ko.
Grabe.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o ma-excite. Kasi isang bagay ang malinaw-
She noticed me.
And I have a feeling… that wasn’t accidental.
I went back to my department pretending everything was normal.
Keyboard sounds. Printer noise. Office gossip about coffee.
But I couldn’t stop replaying the elevator and the office or I should say my ecounter with her.
“But you did not abandon direction.”
Who notices that?
Who even thinks like that?
Pagkatapos ng tense at nakakapagod na encounter sa CEO, bumalik ako sa office ni Ma’am Stella. Tahimik ang hallway, parang may residual aura ng malamig na presensya na naiwan. Huminga ako ng malalim bago pumasok.
“Miss Reyes,” Ma’am Stella greeted, parang normal lang. Pero alam kong may tension pa rin sa posture ko. Ipinakita ko sa sarili ko na composed ako.
“ Yung mga Dokumento na deliver na po, Ma’am,” Sabi ko habang iniabot ang folder.
“Good,” She said flatly, tumingin lang sa screen niya. Wala na siyang tanong. Parang regular na transaction lang. Pero sa loob ko ang dami kong iniisip.
Umupo ako sa chair na nasa harap ng desk niya, pero parang hindi ko maalis sa isip ang mga mata ng CEO, yung lamig na iyon, yung aura na halos nagpa-freeze sa katawan ko kanina.
Throughout the whole afternoon, halos lahat ng ginagawa ko, iniisip ko sya.
What does she really think of me?
Was I really that loud and chaotic?
Did she notice how fast my heart was racing? And was she impressed? Or just amused?
Hindi ko na ma-concentrate sa trabaho ang sarili ko. Mga numbers, schedules, emails lahat blurred.
Pagkatapos ng work umuwi na ako. At ito pagdating ko sa bahay, bumagsak ako sa couch, pagod na pagod. Pero hindi pa nagpapahinga utak ko tatlong email ang naghihintay. Una kong binuksan yung work-related.
The email arrived at 8:17 PM.
Subject: INTERNAL TRANSFER – EFFECTIVE IMMEDIATELY
I stared at the screen.
Transfers were not normal. Especially not quiet ones.
clicking open.
From: Office of the CEO
To: Seraphine Amor Reyes
You are hereby reassigned from the Office of the Vice President to the Office of the Chief Executive Officer, effective today.
New Position: Executive Assistant to the CEO
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halo. Takot? Excitement? Panic? Pride? Ewan.
Ang alam ko lang hindi na ito biro.
Bukas, kailangan hindi ako magmukhang ewan sa harap niya.
I mean… from the Vice President’s office straight to the Office of the Chief Executive Officer?
That’s not a promotion. That’s a battlefield transfer.
Just wanna know:
Have you ever been thrown into something you weren’t ready for? What did you do and why?