CHAPTER 4 Lines You Shouldnt Cross
Seraphine’s POV:
Friday na finally, sobrang excited ako kasi wala akong work bukas. Parang
ang gaan ng pakiramdam ko habang naglalakad papunta sa cafeteria ng office. Medyo kumakanta pa ako, pero mahina lang humming lang habang naglalakad medyo nakangiti weekend na talaga.
Sa hallway, nakasalubong ko si Hana. Friend ko na rin siya ngayon.
Nung first encounter namin medyo masungit si ante, akala mo laging may kaaway.
Pero habang tumatagal, okay naman pala siya.
Magkaiba kami ng department hindi ko sure exactly ano ginagawa niya doon, basta alam ko busy siya lagi at may hawak na tablet.
“Amor, saan ka pupunta?” Tanong niya pagkakita sakin.
“Diyan lang, kakain. Bakit?” Sagot ko.
“Hmmm… teka may naalala ako. Nag promise ka sakin na ililibre mo ako,” Sabi niya sabay taas ng kilay. Napahinto ako.
“Ha? Kailan ko sinabi?” Bigla siyang sumimangot.
“Ang lala mo. Nung isang linggo lang! Remember? Kasi nag-level up position mo.” Sabi nya.
Doon ko naalala. Kinabukasan nung natanggap ko yung message tungkol sa promotion ko, naikwento ko sa kanya sa cafeteria. Tapos etong si gaga nagpalibre agad.
“Ahh oo, naalala ko na,” Sabi ko, sabay tawa. Ngumiti siya agad.
“Syempre. Tara, libre mo ko.”
“Tara libre kita,” Sagot ko.
“Teka, wag diyan sa cafeteria. Hindi ka ba nagsasawa?” Sabi niya, Wow ha demanding parang si Lara kung maka-utos.
Sa restaurant sa harap ng building na lang daw kami kakain yung affordable lang, hindi masyadong mahal pero masarap naman pagkain. Yung tipong pang-office people na gusto lang kumain nang tahimik at sulit pa.
ENDORSER YARN.
Habang naglalakad kami palabas ng building, medyo gumaan lalo pakiramdam ko. Ang peaceful ng Friday nato. Wala munang pressure, wala munang deadlines. Iniisip ko na bukas makakapagpahinga ako. Siguro makakatulog nang mahaba. Siguro makakapag-isip nang maayos.
Kasi nitong mga nakaraan, puro stress talaga naramdaman ko.
Pagdating namin sa restaurant, umupo na agad ako sa isang table sa may gilid. Tahimik doon, sakto lang yung ilaw. Umorder na ako ng food namin. Si Hana naman biglang tumayo.
“CR lang ako,” Sabi niya.
“Sige,” Sagot ko.
Habang naghihintay ako, napasandal ako sa upuan. Tahimik. Maingay lang konti yung ibang customers. Amoy ulam at bagong lutong kanin.
Ewan ko ba, bigla ko na naman naisip yung interaction ko with Miss Walls.
Yung titig niya.
Yung paraan ng pagsasalita niya calm pero parang may hidden meaning.
Yung card.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin gets kung bakit ako binigyan ng access nung elevator mag three weeks pa lang ako. Hindi naman ako special.
Diba?
Napailing ako.
Pero kahit anong pilit ko, bumabalik pa rin sa isip ko yung boses niya.
“Don’t make me regret choosing you.”
Napabuntong-hininga ako.
Bakit parang mas nakaka-stress pa yun kaysa sa trabaho?
FLASHBACK
Andito ako ngayon sa harap ng office door niya.
Pinatawag niya ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero lahat ng nakakasalubong ko kanina sa hallway iisa lang sinasabi
“Goodluck.”
“Uy, ingat ka.”
“Bad mood si Ma’am ngayon.”
Grabe. Parang papasok ako sa final interview ng buhay ko.
Huminga ako ng malalim. Aangat na sana kamay ko para kumatok pero-
“Come in.”
Napatuwid ako agad. Hindi pa ako kumakatok. Parang naramdaman
niya presence ko.
Pagpasok ko, unang sumalubong sakin yung lamig ng aircon at yung sobrang linis na office. Minimalist. Organized. Walang kalat. Lahat may place.
Nasa swivel chair siya, naka-cross ang legs, may hawak na pen habang nagbabasa ng documents. Hindi niya agad ako tinignan.
Grabe yung aura. Tahimik pero mabigat.
“Yes, Miss Walls. What can I do for you?” Tanong ko, pilit steady ang boses. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.
Diretso walang ngiti walang emotion.
“I just want to tell you my rules.” She said. Tumango lang ako. Medyo nag-straighten pa ako ng likod.
“First, don’t talk unless asked.” Her lips pressed into a thin line.
“Second, don’t flirt or play around. Focus on work.”
Saglit siyang tumayo mula sa chair
niya hindi nagmamadali. Calm and controlled.
“I personally asked for you to work under me because I’ve seen how you do your job.”
Teka.
Paano niya nakita? Halos mag dadalawang linggo pa lang kami nagkakilala.
Siguro obvious sa mukha ko yung tanong. She tilted her head slightly.
“I know that look. You’re aware of CCTV, right?” She said calmly. Tumango agad ako.
“Yes, ma’am.” Sagot ko.
“I observe everything,” She said softly.
She walked around her desk. Each step measured parang sanay na sanay siya sa authority.
“To inform you, the elevator you’ve been using is exclusive for certain people.”
Napabuka bibig ko. Kaya pala bihira akong may makasabay. Siya pa lang
at si Collie.
“Sorry Ma’am. I didn’t know,” Sabi ko agad.
“It’s not your fault, It has eye recognition. There seems to be a system issue.” Sagot niya.
System issue… or ako?
Her eyes stayed on me longer than necessary. Parang nagaanalyze.
“To continue,” She said, voice colder again. “Whatever you hear in this room meetings, private conversations will stays in this room.”
Tumango ako.
“You are not allowed on the 30th floor. That’s my private space. My main office is located there. You may only go when I ask you to.”
“Okay, Miss.”
She opened a drawer and pulled out a sleek black card.
“You might ask why I’m telling you this.”
Lumapit siya. Hindi sobrang lapit. Pero enough para maramdaman ko yung presence niya. Yung perfume niya subtle lang pero ang bango napaka expensive ng amoy.
“I changed the elevator access. This card now allows entry to the 30th floor.” She said. Bago iabot sakin yung card.
Natulala ako saglit.
Bakit ako? Third week ko pa lang tama ba ahh basta.
“Okay, ma’am. Copy,” Sabi ko nalang habang tinatanggap yung card.
For a split second, nag-touch yung fingers namin napasinghap ako sa loob.
Siya? Wala. Controlled pa rin expression niya. Pero I swear, may konting pag-igting sa jaw niya.
“No concern for each other’s personal lives. Work is work.” Her tone dropped lower.
“I understand everything, ma’am,” Sagot ko. Kahit medyo nawawala na utak ko.
Grabe kasi ang ganda niya.
Sharp features.
Straight posture.
Confident.
Yung tipong alam niya worth niya at hindi niya kailangan patunayan.
Huy, self magtigil ka
straight ka parang ruller. Teka mali, nababaluktot pala yun.
Spaghetti. Mali rin, nababaluktot rin pag nababasa.
Flagpole ayun diretso yun. Bigla siyang lumapit ng konti. Mas malapit kaysa kanina.
“Are you distracted, Miss Reyes?” She asked softly.
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.
“N-no, ma’am.”
She leaned slightly forward hindi seductive more like testing.
“Good. I don’t tolerate incompetence.” She said. At lumayo na.
Pero bakit parang may ibang meaning yung titig niya? Parang hindi lang trabaho yung tine-test niya.
“You can go,” She said finally, turning away from me and walking back to her desk.
Pero bago ako tuluyang makalabas-
“And Miss Reyes.” Tawag nya. Huminto ako.
“Yes, ma’am?” Tanong ko . Her eyes softened just a little halos hindi mapansin.
“Don’t make me regret choosing you.” She said. Hindi ko alam kung warning ba yun… o challenge.
“Yes, ma’am.”
Lumabas ako ng office niya na parang naubusan ng hangin.
END OF FLASHBACK
“Hoy! Te, kain na kanina pa andito yang pagkain mo baka lumamig na yan. Kanina ka pa tulala diyan parang iniwan,” Reklamo ni Hana habang tinutulak papalapit sakin ang plato. Napakurap ako.
“Ha? Ah-sorry may iniisip lang.” Sabi ko
“Asus. May iniisip daw jowa mo yan no?” Umupo siya sa tapat ko. Agad akong umiling.
“Loko ka NBSB ako, hello? Tsaka isa pa, wala akong time para sa ganyan. Mahal ang bilihin, Hana. Hindi pwedeng landi muna bago sweldo.” Sabi ko. napatawa naman sya
“Wow. Practical.” Tinaasan niya ako ng kilay.
"Naman" Sabi ko.
“Pero iba yung ngiti mo kanina. Yung tipong may nag-good morning na may heart emoji.”Asar nya sakin
“Wala nga!” Depensa ko, sabay subo ng kanin para lang may excuse na hindi magsalita.Binigyan niya ako ng di mo ako maloloko look.
Maya-maya, napatingin siya sa bintana. Tanaw mula roon ang entrance ng building namin.
“Anjan na naman siya,” Sabi niya sabay irap.
“Sino?” Tanong ko,
“Sino pa edi yung mayaman na mayabang. Na di kagwapuhang boyfriend ni Miss Walls.” Tuloy-tuloy nyang sabi.
Parang automatic na napalingon ang ulo ko sa tinitignan nya. Isang lalaki ang kakalabas lang sa itim na BMW maayos ang suot, confident ang lakad. Parang alam niyang may mga matang sumusunod sa kanya.
“May boyfriend si Ma’am?” Tanong ko, pilit na casual ang tono. Napalingon siya sakin.
“Uy. Hindi mo alam? Sabagay bago ka pala. Baka hindi mo rin alam na may anak siya.” Casual nyang sabi. Napatigil ako sa pagsubo.
“Ha?”
“May anak siya,” Ulit ni Hana.
“Hindi lang halata kasi sobrang composed niya lagi. Tsaka bihira niya pag-usapan personal life niya.” Tuloy nito
Boyfriend.
Anak.
Ewan ko ba. Parang may kung anong biglang bumigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
“Hindi…” Mahina kong sagot.
“Grabe ka. Hindi mo talaga alam?” Tawang-tawa siya.
"Hindi" Sabi ko.
“Ikaw pa naman yung laging nasa office niya tas di mo alam.” Di makapaniwala nyang sabi.
“Hoy! Work-related yon.” Umirap ako.
“Sure ka?”
Hindi ako sumagot.
Muli akong napatingin sa lalaki. May kung anong familiarity sa tindig niya. Hindi ko maipaliwanag. Parang nakita ko na sya pilit kong inaalala pero hindi ko maabot.
“Alam mo,” Tuloy ni Hana habang kumakain.
"Ano?" Tanong ko.
“kung mayaman lang ako at lalaki, baka niligawan ko na si Ma’am. Mas lamang naman ako doon sa pangit na yon.”
Sabi nya sabay ngiti at parang may iniisip.
“Gusto mo si Ma’am?” Tanong ko.
“Before pero crush lang. Kaso bali-balita, ayaw daw niya sa mga katulad ko.”
“Mga katulad mo?”
“Bisexual, Though hindi ko naman sure kung totoo yung chismis. Pero alam mo naman sa office, mabilis kumalat ang kwento.” Diretso niyang sagot. Tumango ako at tumikhim.
“Ah… eh siya ba yung tatay ng anak ni Ma’am?” Tanong ko, pilit na parang wala lang.
“Aba malay ko, Pero may naalala ako. Two years ago, napunta ako sa 30th floor. May nakita akong framed photo sa shelf ni Ma’am dalaga pa siya sa picture at ang ganda niya doon mas carefree.
May kasama siyang lalaki. Poging-pogi. Hindi ko lang masyadong maalala mukha.
Muntik na kong matanggal.” Kibit-balikat niya.
“Anong nangyari?” Tanong ko.
“Eh kasi mali ng utos si Miss Stella hindi ako dapat ang nandoon. Si Miss Boyog dapat.” Napangiwi siya.
Napatawa ako.
“Hoy! Bat ka tumatawa?”
“Sorry! Boyog kasi!” Sabi ko, hindi mapigilan may naalala kasi ako.
“Apelyido yon teh! dating head ng department namin.” Tawa na rin niya.
Unti-unti, humupa ang tawanan.
Napatingin ulit ako sa bintana. Nakapasok na sa building yung lalaki.
Boyfriend.
Anak.
Isang lumang larawan sa 30th floor.
At ako?
Ano ba talaga tong nararamdaman ko?
Hindi naman ako dapat maapektuhan. Wala naman akong karapatan. Trabaho lang to dapat professional lang pero bakit parang may kung anong kumikirot sa tuwing may nalalaman ako tungkol sa kanya? Paano na ak-
Napailing ako sa sarili kong iniisip.
Mali, Amor. Ano ba tong iniisip mo?
Hindi ka dapat ganito hindi mo siya gusto hindi ka parte ng personal life niya. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maikakaila- May kung ano sa loob ko. At natatakot akong baka huli ko na namalayan.
Tahimik kaming nag-ayos ng pinagkainan matapos kumain.
“Balik na tayo bago pa tayo hanapin,” Sabi ni Hana habang inaayos ang buhok niya sa phone camera.
Paglabas namin ng restaurant, sabay pa kaming naglalakad pabalik sa building. Tahimik ako, siya naman paminsan minsang sumusulyap sakin na parang may binabasa sa mukha ko.
“Alam mo, kung ganyan ka lagi pagdating kay Ma’am, mapapansin ka niyan.” Bigla niyang sabi,
“Anong ganyan?” Kunot-noo kong tanong.
“’Yung mukhang may existential crisis tuwing may lalaking lumalapit sa kanya.”
“Imbento ka,” Sagot ko, sabay tulak sa braso niya.
Pagpasok namin sa lobby, biglang tumunog phone niya.
“Wait lang,” Sabi niya, sabay sagot.
“Hello? Yes, Ma’am Stella? Ha? Ngayon? Sige po, paakyat na ako.” Pagkababa ng tawag, napatingin siya sa’kin.
“Mauna na ako. Pinapatawag ako sa accounting mukhang may mali na naman sa report.” Sabi nya.
“Go,Kaya mo yan.” Sagot ko.
“Alam ko,” Taas-noo niyang sabi.
"Aba"
“Ikaw, wag ka masyadong mag-isip. Pangit ka pag nag ooverthink.” Hirit nya
“Hoy!”
Tumawa siya, sabay takbo papunta sa regular elevators. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng lobby, napatingin sa kabilang side doon sa mas tahimik na hallway. Doon nakalagay ang private elevators, personal use limited access na para lang sa executives at may special clearance.
Huminto may access na ako. Full access, actually, parte ng bagong assignment ko. Pero ewan ko ba, parang may invisible line pa rin akong hindi gustong tawirin.
“OA mo, Elevator lang to.” Bulong ko sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim at naglakad papunta roon. Pagdating ko, may nakita akong pamilyar na likod maliit, naka-hoodie, at medyo iritable ang aura kahit nakatalikod alam kong sya yun.
Ang nag-iisang Collie.
Nakatayo siya sa harap ng elevator panel, paulit-ulit pinipindot ang button kahit hindi umiilaw. Napangiti ako.
“Uy,” Tawag ko. Napalingon siya.
“You.” Bungad nya sakin.
“Wow, Ganyan agad energy mo?” taas-kilay kong sabi.
“Hindi po gumagana to,” Reklamo niya, sabay turo sa panel.
“Private yan, Hindi talaga mag-o-open basta-basta.” Ragot ko.
“Alam ko po, Sira siguro.” Sagot niya, pero halatang hindi niya alam.
“Sira? Collie, kailangan mo ng access card diyan.” Natawa ako.
“Meron po ako. Sa kabilang elevator.” Napatingin siya sakin, medyo defensive.
“Exactly.”
Saglit kaming nagkatitigan. Naalala ko tuloy ’yung last encounter namin yung attitude niya na parang ako pa ang mali kahit siya ang masungit. Napatingin siya sa ID ko na nakasabit sa leeg ko.
“May access ka po?” Tanong niya.
“Hmm.”
“Pwede bang sumabay?” Diretso walang arte.
“So marunong ka palang makiusap?”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Depende po sa kausap.”
“Wow.”
Lumapit ako sa panel pero hindi pa ako nagta-tap.
“Alam mo, iba ka ngayon.” Sabi ko,
“Anong ibig mo pong sabihin?” Tanong nya. Iba talaga pag tagalog ang galang.
“Last time we talked… medyo masungit ka.” Sabi ko. Bahagya siyang napakunot-noo.
“When?”
“Jan sa lobby. You even told me- Next time you see that “Collie” you’re talking about tell her she should choose her friends more carefully.” ginaya ko pa tono,
Tahimik siya, tinitigan niya ako na parang ina-analyze bawat salita ko.
“Sinabi ko po yan?” Tanong niya.
“Word for word.”
Sandaling katahimikan. Ramdam ko na hindi siya nagbibiro.
“Hindi ko po maalala,” Mahinahon niyang sabi. Napangiti ako ng bahagya.
“Ano yan selective memory?” May pagka sarcastic kong sabi.
“Hindi. Sigurado ako.” Sabi nya. Napakunot-noo ko.
“So hindi ikaw yon?”
Tahimik ulit siya. May kung anong nag-flash sa mata niya recognition? Realization? Pero mabilis niyang tinago.
Then
“Sorry,” Sabi niya.
“Hm?”
“If I said that sorry. I wasn’t in the mood last time.” Diretso nyang sabi.
Tinitigan ko siya. Parang may kulang, parang may hindi niya sinasabi. Pero hindi ko na pinilit.
“Okay,” Sabi ko, sabay tap ng card ko.
Ding. Bumukas ang elevator pumasok kami tahimik sa loob. Habang paakyat, sumandal siya sa gilid.
Then bigla-
“Payag ka po?” Tanong niya. Napalingon ako.
“Ha?”
“Payag ka po ikaw pinaka maganda sa buong mundo,” Seryoso niyang mukha, “pero ikaw lang ang tao.” Hagikgik nya.
Natawa ako.
“Grabe naman yon.”
“Answer.” Sabi nya.
"kailangan ba?" Tanong ko. tumango lang sya
“Hindi. Ikaw?” Bahagya siyang ngumiti.
“Payag ka maganda ka,” Sabi ko, lumapit ng konti, “pero sa bunganga ka umuutot.” Natawa ako nanlaki naman mata niya.
“Excuse me?!”
“Answer,” Matatawa kong sabi.
“Hindi!” Sagot niya agad. “Ikaw kaya.”
“Payag ka nine po ang life mo,” Dagdag niya, “pero lahat may taning.” Tumawa ako.
"Nope, ito." Sagot ko
“Payag ka kakain ka ng unli wing,” Sabi ko, “pero pakpak ng eroplano.” Pareho kaming tumawa.
"Hello no" Sabi nya.
“Payag ka tagaputol ka ng kahoy,” Sabi nya. “pero nail cutter po ang gamit.” Napahawak ako sa tiyan ko dahil kakakain ko lang pero ito agad ang bungad niya sakin.
HAHAHAHAH!!!! Tawa naming dalawa.
“Payag ka manananggal ka,” Sagot ko, “pero length wise yung hati mo.” Napaupo siya sa kakatawa, tawa lang kami ng tawa parang may bagong energy sa pagitan namin.
Bago pa kami makarating sa floor na pupuntahan namin, bahagya nyang inaayos ang sarili. Kaya inayos
“Next time, kung may sasabihin akong masama… make sure na ako po talaga yon.” Sabi niya, bahagya ang ngiti
Tumigil ako sandali, pinagmamasdan siya. Parang may alam siya na hindi ko pa nauunawaan. Tumango na lang ako.
Ding. Twenty-third floor.
Bumukas ang elevator doors at ako ang unang lumabas. Sumunod si Colly ng ilang hakbang lang sa likuran ko, maliit at mabilis, halos tumatalon para lang makahabol.
Inaayos ko yung ID ko at tiningnan siya saglit, napangiti ako ng kaunti. Kids really do move faster than you expect.
Parang gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nang bigla-
“Mom!”
Napalingon ako agad. Collie’s voice was lighter than I’d ever heard it. She was already walking toward a woman standing near the glass wall. And for a second, I forgot how to breathe.
The woman was… striking.
Mahabang blonde na buhok na maayos ang pagkaka-style.
Maputi ang balat niya at malinaw ang features, matulis ang ilong at mataas ang cheekbones.
Hindi siya ganap na Pilipina siguro half American.
Elegante ang tindig niya at graceful ang kilos.
Parang kahit hindi siya magsalita ng malakas, ramdam mo na agad ang presence niya at nakukuha ang attention ng lahat sa paligid.
Collie reached her and lightly held her arm.
“You said you’d wait,” Collie said. Haha cute.
“I did,” The woman replied, calm and refined. So this is her mom. I didn’t know why that thought made me straighten my posture.
Collie glanced back at me.
“Oh Mom, this is Amor. She works here.”
The woman’s eyes shifted to me. And stayed not the usual polite glance. It lingered, like she was trying to remember something. Or someone.
I forced a small smile and stepped forward.
“Good afternoon, ma’am.” Bati ko.
She smiled almost practiced.
“Margaret Norwood,” She introduced herself her voice was smooth, confident.
“Seraphine Amor Reyes,” Sagot ko, automatically giving my full name.
For a split second, something changed in her expression. It was subtle, too subtle for anyone else to notice. But I did.
“Reyes,” She repeated softly. Parang may sinusukat.
“Yes, ma’am.”
“How long have you been working here, Ms. Reyes?” She asked.
“Not that long.”
“And you and Collie are…?”
“We’re fri-” Di ko pa nasasagot nang putulin ako ni Collie.
“Elevator rivals,” Collie smirked.
“Excuse me,” I shot her a look, sabay tingin sa nanay niya na may kaba, tumawa lang si Collie.
Margaret chuckled lightly, pero bumalik agad ang tingin niya sa akin. And there it was again that look not warm not cold. Just… searching.
I suddenly felt aware of everything the way I was standing, the way I was speaking earlier in the elevator, the stupid jokes. Parang may ginawa akong mali. But I didn’t know what.
“It’s nice to meet you, Seraphine,” She said. The way she said my full name felt intentional.
“Likewise, ma’am.”
There was a pause. A thin, stretched silence. Then she glanced at Collie.
“We have to go. I still have something to attend.” She said
“Now?” Collie asked. For the first time, she didn’t sound untouchable. She sounded small, fragile and childlike. After all bati naman talaga sya.
“Yes.”
Without another word, Margaret turned slightly and I noticed the access card in her hand. Private elevator ulit. Of course she had access she doesn't look like she works here I'm guessing isa sya ka business ni Miss Walls.
They stepped toward it and before entering, Margaret looked at me one
last time direct. Steady. As if she's memorizing my face.
“It was nice meeting you,” She repeated.
“Yes, ma’am.” Colly waved casually.
“See you around, Amor.”
“Yeah.”
The elevator doors slid shut. And I was left standing there, staring at my own reflection on the glass wall.
Why did it feel like she knew me? Or worse- like she knew something about me?
I shook the thought away. Maybe I was just overthinking. But her eyes… they didn’t look at me like I was a stranger. And I couldn’t decide if that scared me or intrigued me more.