CHAPTER 7 Triple Trouble

Seraphine's POV:

Nagising ako at dumiretso sa kwarto ni Lara. Rinig ko kasi ang ingay mula doon. Pagkasilip ko, parang binagyo ng ukay-ukay ang loob.

May mga damit sa kama.

May mga damit sa sahig.

May mga damit na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Tapos nandun si Lara nakaupo sa sahig, nakapikit pa habang nagkakape.

"Bakit parang sinalakay ng fashion police tong kwarto mo?" Tanong ko habang kinakamot ang tinga ko.

"Ha?" Sabi niya, sabay tingin sa paligid. "Ah naghanap lang ako ng isusuot mamaya pag umalis na tayo."

"Naghanap ka lang? Mukhang nag-open ka na ng ukay-ukay," Sabi ko. Umirap siya.

"Amor, tumulong ka na lang," Sabi niya. Pero imbes na tumulong, may napansin akong isang bra sa ibabaw ng kama. Tahimik ko itong kinuha, tapos sinuot ko sa mata ko na parabang goggles.

"Lara," Tawag ko. Hindi siya tumingin.

"Lara," Ulit ko.

"Ano?" Naiirita niyang sabi.

"Ready na ko mag-swimming," Sabi ko.

Pagharap niya sakin, tumigil siya ng dalawang segundo.

"AMOR!" Sigaw niya. Humagalpak ako ng tawa habang naka-bra goggles.

"Bagay ba?" Tanong ko. Hinampas niya ako ng unan.

"Bakit suot mo bra ko sa mukha mo?!"

"Tinitesting ko kung HD vision," Sagot ko, nakangisi.

"Hubarin mo yan!"

"Hindi pwede. Limited edition diving gear to," Sagot ko. Hinampas niya ulit ako ng unan, sabay tapon ng isang t-shirt sa mukha ko.

"Baliw ka talaga," Sabi niya sabay balik sa paghahanap.

After five minutes ng bardagulan, nakatayo na si Lara sa harap ko, parang stylist sa fashion show, habang nakasabit sa leeg niya ang DSLR at nakacross arms.

"Amor."

"Ano?"

"Magbibihis ka."

"Bakit ako?"

"Content." Sabi niya, yung salitang kinakatakutan ko sa TikTok world.

"Hindi pwedeng ikaw lang ang may magandang post sa TikTok," Dagdag niya, halos may smug na ngiti sa gilid ng labi.

"Eh natural na maganda ako." Sabi ko, medyo nagbabantay sa kanya habang naglalakad papalapit siya.

"Talaga?"

"Oo." Sabi ko, handa na sanang umalis ng bigla niya akong hilahin at itulak papunta sa banyo habang hawak ang mga isusuot ko.

"Magbihis ka." Sabi niya, at wala na akong nagawa kundi sumunod, pakiramdam ko parang ako na mismo ang subject sa kanyang fashion shoot.

Outfit 1

Paglabas ko ng banyo, nakasuot na ako ng black short-sleeve crop top, loose dark blue wide-leg jeans, striped headscarf, at brown shoulder bag. Sinamahan pa niya ng light sneakers.

Tumingin si Lara... tapos napanganga.

"Ay wow." Sabi niya. Kaya sinakyan ko na lang trip niya at naglakad parang model.

"Hello po. Welcome sa Amor Fashion Week." Biro ko, habang nag po-pose.

"Ang kapal mo," Sabi niya habang inaangat ang camera niya.

"Naman."

"Upo ka dyan, wag ka titingin sa akin."

Click. Click. Click.

"Angas." Sabi niya.

"Syempre."

"Pero ang tigas ng mukha mo."

"Ganito talaga pag professional." Sabi ko, tapos bigla akong nagpose parang action star.

Click.

"Anong pose yan?" tanong niya.

"Lost model sa Quiapo." Sabay kaming tumawa.

"Okay, next. Ito, sure ako maganda to," Sabi niya, sabay abot ng damit. Agad akong pumunta sa banyo.

Outfit 2

Para akong genggeng naka-red zip-up hoodie, white tank top, dark blue loose jeans with belt, at tan lace-up boots.

Paglabas ko, nag-slow walk ako.

"Street style," Sabi ko.

"Street? Mukha kang pupunta sa palengke."

"Fashion palengke." Sabi ko, sabay kindat.

Click. Click.

Bigla akong nag-peace sign, tapos tumalon.

Click.

"Amor!" Sigaw niya.

"Dynamic shot." Sabi ko.

"Parang tanga." Sabi niya.

"Artistic." Sabi ko, sabay kindat.

"Ulol ito, dali!" Sabi niya, sabay abot. Agad ko namang kinuha, dahil nag-eenjoy ako.

Outfit 3

Ito na yung medyo classy dark brown button-up jacket, matching dark brown shorts, brown socks, at may maliit na necklace.

Paglabas ko, biglang tumahimik si Lara. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hmm."

"Hmm?" Tanong ko.

"Bagay." Lumaki ulo ko agad.

"Syempre naman."

"Pero wag ka masyado maangas."

"Hindi ako maangas."

"Amor."

"Oo?"

"Alam ko na gagamitin ko mamaya 'yan nalang." Sabi niya.

"Asus, nakita mo lang na bagay sakin ehh," Sabi ko. Inirapan niya lang ako sabay ngiti.

"Ikaw naman, dali. Ako naman pipili." Sabi ko.

Si Lara, nakasuot ng bagong outfit, nag-pose. Una, seryoso parang modelo sa magazine. Biglang, bumaluktot siya at gumawa ng weird pose, parang dinosaur.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko, medyo napapailing.

"Content." Sagot niya, walang halong hiya.

"Mukha kang sumasakit ang tiyan." Tinawanan niya ako, sabay

Click.Click.Click

Pagkatapos, umupo siya sa kama habang nag-e-edit ng video.

"Popost ko to sa TikTok."

"Tag mo ko."

"Hindi."

"Bakit?"

"Reputation ko."

"Hoy!"

"Ano na uli TikTok mo?" Tanong ko.

"Sheeesh," Sabi niya.

"Aba okay ka, ano nga sabihin muna?" Tanong ko, Tagal na namin mag tropa pero ayaw nya sabihin.

"Sheeesh nga," Sabi niya, sabay irap.

"Aba is-" Pagbabanta ko.

"Sheeesh nga kasi," Sabi niya, natawa ako ng marealize.

Ilang minuto lang nakaupo kami pareho, tinitingnan niya ako.

"Masaya, no?"

"Hmm."

"Simple lang." Tumango ako.

"Ganito lang naman talaga dapat, kaso stressful mga boss natin." Tumawa siya.

"Baliw," Sabi nya, tapos bigla niya akong hinampas.

"Pero wag mo na ulit suotin bra ko sa ulo mo."

"Hindi na, promise."

"Talaga?"

"Oo." Saglit akong tumahimik, tapos sabi ko-

"Next time panties naman." Sabay hagalpak.

Tinapon niya yung unan sa mukha ko.

"AMOR!" At doon na naman nagsimula ang panibagong bardagulan.

Kalaunan, tumawag si tita at pinapapunta kami sa bahay nila, kaya napilitan kaming itigil ang kalokohan... pansamantala lang.

Papunta pa lang kami sa bahay nila.

Bitbit ko yung maliit na paper bag ng tinapay na binili namin sa kanto.

"Amor," Sabi ni Lara.

"O."

"Pagdating natin sa bahay ha..."

"Ano?"

"Wag ka masyadong pabibo."

"Hindi naman ako pabibo."

"Last time ikaw yung unang niyakap ng mama ko."

"Eh wala akong control doon."

"Meron."

"Ano?"

"Lumayo ka."

"Ang sama mo." Sabi ko, Tumawa lang sya.

Pagdating namin sa gate, yung aso nila agad lumapit.

"Hoy," Sabi ko habang kinakamot siya. "Miss mo ko?" Tumalon pa siya sa tuwa.

"Ay wow," Sabi ni Lara. "Ako hindi nya ganyan salubungin ha."

"Selos ka sa aso?" Tanong ko.

"Hindi."

"Sure?"

"Shut up." Sabi niya, at nauna na papasok.

Pagpasok namin sa bahay...

"Ay si Amor!"

Lumabas agad si tita mula sa kusina. Ngumiti siya sa akin.

"Hi po!" Sabi ko.

"Amor! Buti dumaan kayo." Tapos niyakap niya ako literal, mahigpit na hug. Sa gilid namin nakatingin lang si Lara, nakatayo naka simangot.

Pagkatapos ng hug, tinaas niya kamay niya parang bata sa classroom.

"Hello po." Tumingin mom niya kay Lara.

"Ah, Lara, andyan ka pala."

Tumahimik ang buong sala ng dalawang segundo. Tapos ako hindi ko napigilan, hindi tumawa.

"Wow," sabi ni Lara, nakacross arms. "Andito ako oh, ako anak nyo ohh."

"Lagi ka naman dito ehh," Sabi ni tita, sabay tawa.

"Wow talaga." Tinuro niya ako.

"Si Amor na anak niyo ngayon?"

Tumawa mom niya.

"Hindi naman." Lumapit pa siya sakin.

"Pero mas masipag kasi siya."

"MA!" Tawa ng tawa si tita, humagalpak nalang rin ako kasama niya.

Umupo kami sa sala. Typical Filipino house vibes may TV na bukas kahit walang nanonood, may electric fan na maingay kahit naka aircon, at may pagkain na agad sa mesa.

"Amor, kain ka," Sabi ni tita.

"Salamat po." Inabot niya sa akin yung plato. Tapos kay Lara

"Lara, kumuha ka na lang."

"WOW." Napatingin ako kay Lara. Mukha siyang betrayed.

Habang kumakain kami...

"Amor," Tawag ni Tita.

"Po?"

"Kumusta work mo?"

"Okay naman po."

"Hindi ka ba pinapahirapan ni Lara?"

Bago pa ako makasagot-

"Ma!" Sabi ni Lara, medyo nagtatampo.

"Tinatanong ko lang."

Ngumiti ako.

"Sanay na po ako." Tumawa si tita.

Samantalang si Lara... tinapakan yung paa ko.

"Aray!"

"Deserve mo."

"Alam mo?" Bulong nya.

"Ano?"

"Feeling ko adopted ako."

"Hindi naman."

"Mas mahal ka nila." Ngumiti ako sa kanya, konting kilig habang tinitingnan ang side glance niya.

"Skill issue." Tinulak niya ko.

Tahimik sandali. Tapos sinabi niya, mahina-

"Pero thanks ha."

"Para saan?"

"Sa pagpunta dito lagi."

Tumingin ako sa kanya.

"Bestfriend mo ko."

"Alam ko."

"Kasama sa job description." Ngumiti siya, tapos bigla niyang tinapik ulo ko.

"Pero wag ka masyado maangas."

"Hindi ako maangas."

"Amor."

"O."

"Favorite ka na nila." Nag-smirk ako.

"Syempre." Hinampas niya ko ng unan.

"Yabang!" Sabi nya, sabay tawa.

Matapos kami sa bahay nila kinahapunan, pumunta na kami sa mall para kitain si Hana. Pinakilala ko na sila sa isa't isa nung nakaraan, at masasabi ko lang... hindi maganda ang unang encounter nila.

FLASHBACK

"Nakakairita, kala mo naman kung sino!" Rinig kong sabi ni Lara habang papalapit sa inuupuan namin, halatang galit-galit.

"Sino?" Tanong ko, medyo nagtataka.

"Yung babae sa CR! Kala mo naman, maganda lang siya, pero mas maganda ako!" Sabi niya, parang bata na nag-iingay. Tumawa naman ako.

"Ano ba nangyari?" Tanong ko.

"Aba, di tumitingin sa daan tas yun, nasagi ako! Nahulog yung mga gamit ko! Imbis na mag-sorry at tulungan ako, tinignan lang ako parang... alam mo na," Sabi niya, halatang frustrated.

"May mga ganung tao talaga," Sabi ko.

"Okay na sana, nag-sorry naman. Ang kaso... nagmukha akong alipin dun!" Dagdag niya, dramatikong hinga at nag-roll pa ng mata.

"Hahahaha sana nakita ko," Sabi ko.

Sumima siya, halatang irritated.

"Onga pala, asan na friend mo?" Tanong niya.

"Malapit na raw," Sabi ko.

"Ahh but-" Di pa natapos ni Lara sasabihin, biglang timawag ako ni Hana.

"Amor!"

"You!" Sabi ni Lara, biglang nag-shock at nakataas ang eyebrows.

"Ikaw!" Sabi ni Hana, parang galit pero may pagka-hyper.

"Teka teka, wait!" Sabi ko, bago pa sila makapag-bardagulan.

Nag-explain at nagkapatawaran naman yung dalawa pero parang temporary lang. Halata na may banat na agad susunod, medyo nagiging referee sa gitna, nakatayo, sabay facepalm.

At doon na nagsimula yung triple chaos ako bilang referee na medyo nahihirapan, si Lara at Hana na parang mga batang naglalaro ng tackle football, at kahit papaano, may konting katawa-tawang eksena habang naglalaban sila sa gitna ng aisle.

END OF FLASHBACK

Pagdating namin sa meeting place, wala pa rin si Hana. Kaya umupo muna kami ni Lara habang naghihintay. Maya-maya, dumating din siya. Pero agad kong napansin mugto ang mga mata niya, parang kakaiyak lang.

Hindi pa man siya nakakalapit, agad na siyang pinagtripan ni Lara.

"Ano yan, teh? Tumira ka ba ng shabs o may sore eyes ka lang?" Tanong nito sabay tawa.

Hindi ko mapigilang mapangiti, pero may halong pag-aalala rin.

"Wala to, gaga." Sagot ni Hana sabay simangot.

"Sure ka?" Tanong ko.

Tumango lang siya.

"Kayanin mo sana lahat ng bottles mo sa buhay," Sabi ni Lara habang itinataas ang bote na hawak niya na parang nagto toast.

"Birds can't fly without fact... fact." Sagot ni Hana sabay buntong-hininga.

Napailing na lang ako. Hindi ko talaga kinakaya ang dalawang to.

"Feeling ko mas mauuna pa akong mabaliw sa inyo kaysa sumakses sa buhay," Sabi ko sabay tawa.

"Alam nyo, kahit ako na lang maging okay. Huwag na kayo," Sabi ni Hana.

Sabay kaming napahampas sa braso niya ni Lara.

"Kaya mo yan. Give up lang!" Sabi ni Lara sabay malakas na tawa.

"Teka nga, bat ka pala late?" Tanong ko.

"Hindi ako late sadyang delayed lang." Sagot niya.

As usual, nag ikot ikot kami sa mall. Tinitingnan ang bawat shop na madaanan namin.

Tahimik lang ako habang itong dalawa, kung mag-usap, parang sila lang ang tao sa buong lugar.

"Pag kailangan ng gamot, wag mahihiyang umutot!" Rinig kong sabi nila.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila pero napailing na lang ako.

"Minsan tama ka, minsan mema ka talaga," Sabi ni Lara.

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Talkative ako, pero hindi ko sinabing maayos akong kausap," Sagot ni Hana.

"Ang lala nyo. Nakatingin na yung mga tao sa atin, oh," Sabi ko.

Wala naman silang pakialam.

"Asus, ayaw mo lang mag-talk para hindi mapag-usapan," Sabi ni Lara.

Nanlaki ang mata ko.

"Teka... ano yan? Bat hindi ko alam?" Tanong ni Hana.

"Yan! Boses ka pa kasi," Sabi sakin ni Lara.

"Tama na nga, Lara," Sabi ko sabay irap.

"Ano kasi?" Usisa ni Hana.

Tumingin si Lara sakin na parang humihingi ng permiso. Tumango na lang ako.

"Ito si gaga," Sabi niya sabay turo sakin, "may tama na sa boss nyo."

Agad napabuga si Hana ng iniinom niyang milkshake at gulat na tumingin sakin.

"'Di mo sinabi mahilig ka sa matanda!"

Napangiwi ako. Alam ko kung sino agad ang pumasok sa isip niya.

"Baliw! Hindi si Miss Stella," Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Mas lalo pang nanlaki ang mata niya.

"Don't tell me..."

Tumango na lang ako.

"Ate Georgia?!"

Napahampas ako sa braso niya habang si Lara naman halos matumba sa kakatawa.

Si Ate Georgia. Kuwarentay uno na siya, at tulad ni Miss Stella, single pa rin.

Kilalang-kilala siya ni Lara dahil madalas ko siyang ikuwento.

"Loko! Di na yon magkaka-jowa sa sobrang sungit. Kala mo!" Sabi ko.

"Si Miss Walls." Biglang sabi ni Lara.

Napatingin ako kay Hana, hinihintay ang reaksyon niya dahil nabanggit na niyang naging crush niya iyon dati.

"Sure ka na dyan?" Tanong niya.

Tumango na lang ako.

"Hahaha! Tinamaan! Isa na siyang Ganap na bading!" Sabi niya.

"Ipagdadasal na lang kita," Dagdag niya.

Napasimangot ako habang silang dalawa bumalik sa bardagulan at halos hindi makahinga sa kakatawa.

Ilang oras din kaming nag-ikot hanggang sa nag-aya ang dalawa na mag-dinner.

Sa isang restaurant kami napunta. Gusto raw nilang magpaka sosyal kahit isang gabi lang.

Nagpaalam si Hana na pupunta muna sa CR. Pagkaalis niya, agad nagkaroon ng ideya si Lara.

"'Yan, i-video mo ha. Wag ka papahalata."

Napatawa ako pero kinuha ko rin ang phone ko.

Pagbalik ni Hana, sakto ring dumating ang pagkain.

Habang kumakain kami, tumingin sakin si Lara. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Kinuha ko ang phone ko at nag-kunwaring may tinitignan. Sabay kindat sa kanya. Sinubukan niyang subuan si Hana. Nagulat naman ito.

"Tikman mo."

Umiling si Hana.

"Dali na."

Sa huli, sinubo niya rin.

Habang ako, halos mapunit na ang labi ko kakapigil ng tawa.

"Hoy, kain ka na. Maya na yang phone," Sabi ni Hana.

"Wait lang, may update lang," Sagot ko.

"Ito pa" Sabi ni Lara

"Ayaw" Sabi nito

"Dali na" Umiling ito

"Hoy baw-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang sinubuan ulit ni Lara, tapos lumapit sa tenga niya.

"Gusto mo sabaw?!" Sigaw niya.

Napaatras si Hana sa gulat.

Samantalang kaming dalawa ni Lara, hagalpak sa kakatawa.

"Baliw ka!" Sabi ni Hana.

"Okay! May pang TikTok na naman ako!" Sabi ni Lara.

Habang kumakain pa kami, may lumapit na waiter.

"How do you find our food, ma'am?" Tanong niya.

"Oh, we find it here." Sagot ni Hana.

Sabay kaming napaubo ni Lara.

"Baliw!" Bulong ko habang si Lara naman halos mamatay na sa kakatawa.

Namumula na ang mukha ni Hana sa kahihiyan. Nag-thank you na lang kami at umalis na ang waiter.

"Oh, we find it here." Ulit ni Lara, natawa kaming tatlo.

Kalaunan, humupa rin ang tawanan.

Pero si Hana, bigla na namang nagsalita.

"Nakahiga din ba kayo pag natutulog?"

"Kaya nga natutulog, di ba?" Sabi ko.

Kung ako tatanungin mo, ayaw ko nang tinatanong.

Sumimangot siya.

"Naka diving position, teh!" Dagdag ni Lara sabay tawa.

"Tigil nga muna kayo. Tapusin muna natin 'tong food. Baka mauna pa ako sa deadline," Sabi ko. Kanina pa kasi sila.

Pagkatapos naming kumain, nag-ikot ulit kami sa mall.

"Sapag dilat ng aking mata coins na lang ang aking kwarta." Sabi ni Hana sabay tawa. Tumawa na lang din kami.

"'Wag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa," Sabi ko.

"So hard mag-ipon, so easy gumastos," Dagdag ni Lara.

"Sana may ihulog si Lord na asukal de papa o mama yung malapit na rin niyang bawiin!" Dagdag nito. Napailing na lang ako habang tuloy ang walang sawang tawanan namin.

Hanggang sa bandang huli, ako na rin ang nag-aya.

"Uwi na tayo." Dahil kung hindi, baka hanggang madaling araw pa kami ditong nag tatawa.

Pagdating namin sa bahay ni Lara, pakiramdam ko parang naubos lahat ng energy ko sa kakatawa at kakalakad buong araw.

Tahimik ang buong bahay. Yung tipong kahit kaluskos ng tsinelas mo sa sahig, rinig na rinig.

"Sa wakas" Bulong ko sa sarili habang hinuhubad ang sapatos.

Dumiretso ako sa kwarto. Pagpasok ko pa lang, halos yakapin ko na yung kama sa sobrang pagod.

Nagpalit muna ako ng damit suot ko na ngayon yung paborito kong damit. Yung maluwag na oversized shirt na may print na "Do not disturb unless may pagkain." Kasama yung cotton shorts na halos ilang taon ko nang ginagamit.

Pagkahiga ko sa kama, agad akong napabuntong-hininga.

"Ang saya ng buhay kung hindi ka iisip ng problema," Sabi ko habang nakatingin sa kisame. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll-scroll lang sa kung ano-anong posts.

Maya-maya, nag-pop up ang notification.

Message from: Miss Walls

Napakunot agad ang noo ko.

"Ha?" Napaupo ako bigla sa kama.

Si Miss Walls.

At kung may isang taong hindi mo inaasahang magmemessage s ng ganitong oras siya 'yon. Tiningnan ko ang oras sa phone.

10:47 PM

"Grabe naman, ma'am... ang aga pa para sa work tomorrow." Bulong ko.

Binuksan ko ang message.

Miss Walls:

Are you still awake?

Napatingin ako sa kisame.

"Hindi po, ma'am. Multo po 'to nagre-reply." Napailing ako sa sarili ko bago nag-type.

Me:

Good evening po, ma'am.

Huminto muna ako saglit... tapos napangisi. Typical me. Nag-type ulit ako.

Me:

Yes po, awake pa naman. Hindi pa po ako officially patay.

Pagkatapos kong i-send, napatawa ako mag-isa.

"Bahala na..." Bulong ko. Makalipas ang ilang segundo, nag-typing ulit siya.

Miss Walls:

I just remembered something about the report.

Napahiga ulit ako habang nakatingin sa phone.

"Ahh trabaho pala," Sabi ko sa sarili ko.

Akala ko naman kung ano na.

Miss Walls:

Did you already send the revised file yesterday?

Napaisip ako sandali.

"Hmm..." Tapos bigla akong napangisi.

Me:

Yes po ma'am. Na-send ko na po.

Tapos nag-type ulit ako.

Me:

Promise po hindi ko po dinoktor yung numbers.

Napatawa ako mag-isa. Pagkatapos ng ilang segundo, nagreply ulit siya.

Miss Walls:

I didn't say you would.

Napakagat ako sa labi habang pinipigilan ang tawa.

"Patay baka seryoso siya." Pero dahil ako nga to hindi ko rin mapigilan.

Me:

Prevention is better than explanation po, ma'am.

Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa phone ko.

"Baka naiinis na siya" Bulong ko.

"Congratulations self. Tatanggalin ka na bukas." Maya-maya, nag-pop up ulit ang message.

Miss Walls:

You're very talkative for someone chatting with their boss.

Nanlaki ang mata ko.

"AY." Napaupo ulit ako sa kama.

"Patay." Nag-type agad ako.

Me:

Sorry po ma'am.

Tapos nagdagdag ako.

Me:

Ganito lang po talaga ako kahit kanino.

Napaisip ako sandali. Tapos nag-type ulit.

Me:

Equal opportunity po ang pagiging madaldal ko.

Napahiga ulit ako habang nakatingin sa kisame.

"Kung tatanggalin niya ako bukas at least naging totoo ako," Sabi ko sa sarili ko.

Makalipas ang ilang segundo, nagreply ulit siya.

Miss Walls:

I noticed.

Napakunot ang noo ko.

"Ha?"

Miss Walls:

You're like that even in the office.

Napangiti ako.

Hindi ko alam kung bakit... pero parang hindi siya galit. Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob mangulit ulit.

Me:

But I still do my work properly po.

Tapos dagdag ko.

Me:

Madaldal lang po talaga pero productive naman.

Napatawa ako mag-isa. Pagkatapos ng ilang sandali, nagreply siya.

Miss Walls:

That's true.

Napahinto ako. Tumingin ako sa screen.

"Uy..."

Hindi ko alam kung bakit... pero parang may maliit na feeling ng achievement. Parang napuri ka ng teacher na kinatatakutan mo.

Napangiti ako habang nakahiga sa kama.

Nag-type ulit siya.

Miss Walls:

Anyway, thank you for sending the report earlier then expected.

Nanlaki ulit ang mata ko.

"Thank you???"

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong ipagmalaki kay Lara at Hana. Boss ko nag-thank you sakin. History na 'to.

Me:

Welcome po ma'am.

Saglit na tahimik ulit ang chat. Hanggang sa may lumabas ulit na message.

Miss Walls:

You should sleep already.

Napatingin ako sa oras.

11:12 PM

"Ah..."

Miss Walls:

You have work tomorrow.

Napangiti ako habang nakatingin sa screen.

Me:

Yes po ma'am.

Tapos nagdagdag ako.

Me:

Good night po.

Saglit akong nag-isip... tapos nag-type ulit.

Me:

Try nyo rin po matulog. Hindi lang po report ang nasa mundo.

Pagkasend ko, napahampas ako sa unan.

"Grabe ka na talaga," Sabi ko sa sarili ko.

"Boss mo 'yon."

Ilang segundo ang lumipas. Nagreply siya.

Miss Walls:

Good night.

Napangiti ako habang nakatingin sa screen ng phone ko. Tapos dahan-dahan kong ibinaba ang phone sa tabi ng unan.

Humiga ako ulit at tumingin sa kisame.

Hindi ko alam kung bakit...

pero ang gaan ng pakiramdam ko.

"Ang weird," Bulong ko.

"Mas marami pa akong nasabi kay Miss Walls ngayon kaysa buong linggo sa office." Napapikit ako habang nakangiti.

At bago pa ako tuluyang makatulog, pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Lara kanina.

"Ito si gaga may tama na sa boss nila."

Napadilat ako bigla.

"Baliw." Napailing ako habang hinila ang kumot.

"Matulog ka na." Pero kahit nakapikit na ako hindi ko maiwasang mapangiti.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.