CHAPTER 8 Arts

Seraphine's POV:

Hindi ko alam kung bakit parang mas kabado ako ngayon kaysa sa unang araw ko sa trabaho. Siguro dahil hindi ito normal na araw sa opisina.

Karaniwan, nasa desk lang ako sa labas ng glass office ni Miss Walls, hawak ang tablet, inaayos ang schedule niya, sumasagot ng tawag, at sinisigurong walang sabit ang araw niya.

Pero ngayon nasa restaurant kami.

Hindi ito yung tipong casual na kainan lang. Elegante siya mahina ang ilaw, may mga chandelier sa kisame, at halos lahat ng tao sa loob ay naka-business attire. Amoy pa lang ng pagkain, alam mong hindi ito mura.

Tahimik akong nakatayo sa likod ni Miss Walls habang kausap niya ang hostess.

“Reservation for Walls,” Kalmado niyang sabi.

May natural na authority talaga siya kapag nagsasalita. Kahit simpleng dalawang salita lang, parang lahat napapatingin.

Agad kaming dinala sa isang mesa sa gitna ng restaurant. Inilapag ko ang tablet ko sa mesa habang tinitignan niya ang paligid. Mukhang hindi pa dumarating ang ka-meeting niya.

Bigla siyang tumingin sa akin.

“Miss Reyes.”

“Yes, Miss Walls?”

Tumingin siya sa direksyon ng bintana kung saan may maliit na mesa na bakante.

“Sit there.”

“Ma’am?” Napakurap ako.

“Just wait there. I’ll call you if I need something.”

“Ah... okay po.”

Hindi naman bago sa akin iyon. Madalas naman talagang hindi ako kasama sa actual meeting. Assistant lang ako kaya kinuha ko ang tablet ko at lumipat sa kabilang mesa.

Mula doon, kita ko pa rin siya.

Naka-upo siya nang tuwid, naka-cross ang legs, suot ang itim niyang blazer. Parang siya pa rin ang pinakaimportante sa buong restaurant.

Hindi nagtagal, dumating ang dalawang babae. Isa sa kanila naka-red dress, confident ang aura. Yung isa naman naka cream blazer at may hawak na designer bag. Nagbeso-beso sila kay Miss Walls bago umupo mukhang nagsimula na ang meeting.

Iniiwas ko ang tingin ko ay binuksan na lang ang tablet ko at nag-scroll sa schedule niya para sa susunod na mga araw.

Hanggang sa-

“Hi.” Napalingon ako. May babaeng nakatayo sa tabi ng mesa ko.

Matangkad siya, siguro mga late twenties, mahaba ang buhok na naka-loose waves. May hawak siyang baso ng juice at may ngiti na parang natural sa kanya makipag-usap sa strangers.

“Oh- hello,” Sagot ko, medyo nagulat.

“Sorry if I’m interrupting,” Sabi niya habang bahagyang tumuturo sa bakanteng upuan sa harap ko. “Can I sit for a moment?”

Napatingin ako sa mesa nila Miss Walls.

Mukhang busy naman sila sa pag-uusap.

“Uh… sure,” Sabi ko, medyo alanganin.

Umupo siya sa harap ko.

“Thanks,” Sabi niya.

“I just hate eating alone sometimes.” Dagdag nya. Napangiti ako ng kaunti.

“Same.” Sabi ko. Sandaling katahimikan bago siya muling nagsalita.

“I’m Elena, by the way.” Pakilala nya sabay abot niya ng kamay niya sakin. Bahagya akong nagulat pero kinamayan ko siya.

“Amor.”

“Amor?” Ngumiti siya. “That’s a beautiful name.”

“Salamat,” Sabi ko, medyo nahihiya.

“So are you waiting for someone?” Tanong niya habang sumisilip sa paligid.

“Ah kasama ko yung boss ko,” Sabi ko sabay turo kay Miss Walls sa kabilang mesa napalingon siya roon.

“Oh.” Saglit siyang natahimik habang pinagmamasdan si Miss Walls.

“Wow,” Mahina niyang sabi. “Your boss looks intimidating.”Napatawa ako ng mahina.

“Medyo.”

“Medyo lang?” Natawa siya. “She looks like she could fire someone with just a stare.” Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa.

“Hindi naman siguro.”

“So you work for her?”

“Oo.”

“As what?”

“Executive assistant.”

“Ah,” Tumango siya. “That explains why you’re sitting here while she’s in a meeting.”

“Oo.”

“Must be stressful.”

“Minsan,” Sagot ko. “Pero sanay na rin.”

Napansin kong mas nagiging relaxed na yung usapan namin.

“So how long have you been working for her?” Tanong niya.

“few months.”

“And you survived?” Napatawa talaga ako doon.

“Barely.” Natawa rin siya.

“You’re funny.”

“Hindi naman.”

“Are you from around here?” Tanong niya ulit.

“Oo.”

“Good,” Sabi niya habang nakasandal sa upuan. “Because I’m new here. Just moved a few weeks ago.”

“Talaga?”

“Oo. Work.”

“What do you do?”

“Interior design,” Sagot niya. “Mostly for hotels and restaurants.”

“Wow.”

“So if your boss ever wants to redesign her office,” Nakangiting sabi niya, “you know who to call.” Napangiti ako.

“Sasabihin ko.”

Habang nag-uusap kami, hindi ko napansin na napapahaba na pala ang conversation namin.

Hanggang sa…

“Amor.”

Biglang nanlamig ang likod ko. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong napalingon.

Nakatayo si Miss Walls ilang hakbang lang mula sa mesa namin hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon, Pero halatang hindi siya natutuwa. Lumapit siya bawat hakbang ng heels niya sa sahig parang mas lalong nagpapatahimik sa paligid ko huminto siya sa tabi ko.

Tumingin muna siya kay Elena bago nagsalita.

“Is there a problem?” Kalmado ang boses niya. Pero may lamig na hindi ko maipaliwanag, Bahagyang ngumiti si Elena.

“Oh, none at all. We were just talking.”

“She’s min-, I mean she's with me,” Sagot ni Miss Walls.

“Yeah, she told me,” Sabi ni Elena. sabay smirk “But she was sitting alone.”

“That’s because she’s my assistant.”

Sandaling katahimikan napatingin ako sa kanila. Parang may invisible na tensyon sa pagitan nila.

“Assistant or not,” Sabi ni Elena, “she looked bored.”

“She’s not.” Sabi ni Miss Walls.

Napataas ang kilay ni Elena.

“Well… if she’s part of your team, maybe she should sit with you?” Sabi ni Elena

Biglang nagsalita si Miss Walls.

“Fine.” Napatingin ako sa kanya.

“Come,” Sabi niya.

“Ma’am?”

“Join our table.”

“Pero—”

“Now, Amor.” Agad akong tumayo.

Pagbalik namin sa mesa nila, tahimik akong umupo sa tabi niya. Akala ko tapos na pa upo na ako ng lumapit ulit si Elena.

“Sorry,” Sabi niya habang nakatingin kay Miss Walls. “Did I interrupt something?”

“You did,” Malamig na sagot ni Miss Walls Napatawa si Elena ng kaunti.

“Wow. Protective?”

“Professional.” Sabi ni Miss Walls. Napatingin si Elena sa akin tapos parang may na-realize siya.

“Wait.” Napatingin kaming lahat sa kanya.

“Are you her girlfriend?” Tanong ni Elena, Halos mabulunan ako kakaubo.

“A-ano?!”

Pero si Miss Walls…

“I’m her boss.” Hindi man lang nagbago ang expression niya. Tumahimik si Elena.

“Ah,” Sabi niya. “Okay. My bad.”

Tumingin siya sa akin.

“Sorry if I made things awkward.”

“It’s okay,” Mahina kong sagot.

Ngumiti siya ulit.

“But still… can I get your number?”

Hindi pa ako nakakasagot nang biglang

Hinila ni Miss Walls ang pulso ko pababa sa upuan.

“She’s busy.” Sabi nya habang nakatingin sa mga kaibigan nya. Hindi na nagpumilit ulit si Elena pero bago sya umalis ibinigay nya ang isang calling card at umalis na.

Pag-alis niya, biglang natawa ang dalawang kaibigan ni Miss Walls at may sinasabi sila. Pero hindi sa English sa Spanish alam ko yun dahil kay Tita.

“?Desde cuándo te pones celosa por tu asistente?” Tanong ng kaibigan nya.

-(Since when do you get jealous over your assistant?)

Tahimik lang ako kunwari hindi ko naiintindihan.

“Tal vez le gusta,” Sabi naman nung isa.

-(Maybe she likes her.)

Natawa sila pero si Miss Walls hindi.

Sa parehong language siya sumagot.

“No estoy interesada.” Sabi nya

-(I’m not interested.)

“Soy heterosexual.” Dagdag nya, Humigpit ang hawak ko sa baso.

-(I’m straight.)

"Preferiría salir con otra persona... Pero no con ella." Sabi nya.

-(I'd rather go out with someone else... But not with her.)

“Aray-” Hindi ko namalayang nasabi ko nang malakas. Agad silang napatingin sa akin, gulat ang mga mata.

Napayuko ako kaagad at nagmadaling humingi ng paumanhin.

“Na-nakagat ko po dila ko sorry po,” nauutal kong sabi at nag iwas ng tingin.

Tahimik lang ako hanggang matapos ang lunch. Tahimik habang naglalakad kami palabas ng restaurant. Tahimik habang nasa kotse.

Hanggang sa makabalik kami sa opisina.

Sinubukan niya akong kausapin, pero pinili kong manatiling propesyonal. Wala akong ibang ipinakita kundi pagiging pormal sa kanya.

Tahimik ang opisina tuwing hapon.

Lalo na kapag bandang 3:30 PM na.

Karamihan sa mga empleyado nasa kani kanilang cubicle, abala sa mga report, email, o meeting. Ang iba naman nasa pantry para magkape.

Pero ako…

Nasa maliit kong desk sa labas ng opisina ni Miss Walls.

Naka-on ang desk lamp ko kahit may ilaw naman sa paligid. Nakasanayan ko na. Mas madali akong makapag-focus kapag ganito.

Tahimik ang hallway.

Sarado ang pinto ng office ni Miss Walls. May call meeting siya kaya alam kong hindi niya ako tatawagin for at least thirty minutes.

Which means…

Break ko muna dahan-dahan kong binuksan ang drawer ng desk ko sa loob nito hindi lang puro documents at sticky notes also my mga papers.

Kinuha ko ang isang blangkong papel pati ang mechanical pencil na lagi kong dala, Ito ang isa sa mga bagay na hindi alam ng karamihan sa opisina. Mahilig akong mag-drawing.

Hindi naman ako professional. Hobby lang talaga simula pa noong bata ako yan ang sabi ni tita, kapag stressed ako, nagdodrawing ako. Parang mas gumagaan ang utak ko kapag may nilalagay akong linya sa papel.

Sandaling tumigil ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang idodrawing ko. Hanggang sa kusang gumalaw ang lapis ko.

Mabagal una ang outline ng mata sunod ang kilay tapos ang hugis ng mukha. Huminto ako sandali napakurap ako.

“-Ay.” Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto kung sino ang nadodrawing ko, Si Miss Walls.

Hindi ko alam kung bakit siya ang lumabas sa sketch ko. Siguro dahil siya ang huling taong nakita ko bago ako bumalik sa opisina siguro dahil naalala ko yung sinabi niya sa restaurant.

Napailing ako agad.

“Focus, Amor,” Bulong ko sa sarili ko.

Binalikan ko ang drawing at tinuloy ko ang details yung buhok niyang laging maayos, yung matalim niyang mata na parang laging may iniisip.

Halos kalahati na ng mukha ang natatapos ko nang biglang-

brRRR.

Nag-vibrate ang phone ko sa mesa napatingin ako at tawag mula sa dalawa ang nakita ko.

Group Video Call – LOVE, JOY , HOPE

Napangiti ako agad.

“Hay nako…” Mahina kong sabi.

Pinindot ko ang accept agad lumabas sa screen ang dalawang mukha nila.

“AMOOOOR!” Sabay nilang sigaw.

Napaatras ako sa upuan ko.

“Shhh!” bulong ko agad. “ Nasa opisina ako!”

Natawa si Lara, hawak ang phone habang parang nakahiga sa kama.

“Arte mo,” Sabi niya. “Kala mo maririnig ka ng boss mo sa kabilang planeta.”

Sa kabilang screen naman si Hana, naka-hoodie at may hawak na chips.

“Wait lang,” Sabi niya habang ngumunguya. “Break mo ba?”

“Oo.”

“Good,” Sabi ni Lara. “Kasi bored na bored na kami.”

“Bored?” Ulit ko.

“Wala kaming chismis,” Reklamo ni Hana.

“Which is very dangerous for our mental health,” Dagdag ni Lara na parang seryoso.

“Ang dramatic niyo.” Napailing ako.

“Oy oy oy oy!” Biglang napansin ni Hana ang nasa mesa ko.

“Bakit?” Napakunot ang noo ko.

“Sketchbook ba yan?” Tanong niya.

Napatingin ako sa mesa.

“Ah… oo.”

“SHOW US!” Biglang sumigaw si Lara.

“Hindi!”

“Amor!” Sigaw niya ulit. “Best friends mo kami!”

“Exactly,” Sagot ko. “Kaya alam kong aasarin niyo lang ako.”

“Promise hindi,” Sabi ni Hana. Tahimik sandali si Lara bago nagsalita.

“Okay fine… aasarin kita.” Sabi nya. Napatawa ako.

“See?”

“Pero show mo na,” Sabi ni Hana.

Napabuntong-hininga ako bago bahagyang tinapat ang camera sa drawing ko. Sandaling katahimikan.

Tapos-

“AY!”

“AY!”

Sabay silang sumigaw. Napaatras ako ulit.

“Ano?!”

“Bakit parang si-” Tinuro ni Lara ang screen.

“MISS WALLS YAN!” Sigaw ni Hana.

“Hindi ah!”

“Amor,” Sabi ni Lara, naka-cross ang arms. “Alam mo kung bakit ako magaling na detective?”

“Bakit?”

“Kasi obvious.”

“Hindi siya obvious!”

Hana biglang lumapit sa camera.

“Girl… the sharp eyes? The hair? The expression na parang mang-a-terminate ng employee?”

“Coincidence lang.” Napahawak ako sa noo ko.

“COINCIDENCE MY-” Sigaw ni Lara bago napigilan ang sarili niya. “Ay wait nasa opisina ka nga pala.”

Napatawa si Hana.

“Baka mahuli siya.”

“Wait.” Biglang nagbago ang expression ni Lara.

“Ano?” Napakunot ang noo ko.

“Kumusta lunch niyo?” Tanong nya. Biglang uminit ang tenga ko.

“Normal.”

“Normal?” Ulit niya.

“Yeah.”

“Normal like walang nangyari?” Tanong ni Hana.

“Wala.” Sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa.

“Tingin ko nagsisinungaling siya,” Sabi ni Lara.

“Same,” Sagot ni Hana.

“Ano ba!”

"Alam mo Amor honestly it the best calamity" Sabi ni hana

“Amor,” Sabi ni Lara, “ kilala kita since Swimmer ka palang.”

“At kilala kita since palaka,” Dagdag ni Hana. Sabay sila natawa.

“May nangyari.” Napabuntong-hininga ako.

“May lumapit na babae.” Dagdag ko. Pareho silang napasigaw.

“ANO?!”

“SHHH!”

“Teka teka teka,” Sabi ni Lara. “Random girl?”

“Oo.”

“Flirting?”

“Maybe.”

“GRABE.” Napahawak si Hana sa ulo niya.

“Then?” Excited na tanong ni Lara.

“Then nakita ni Miss Walls.”

Pareho silang tumahimik. Tapos sabay nilang sinabi-

“OHHHHHH.”

Napapikit ako.

“Ano yung ohhh?”

“Jealous boss trope,” Sabi ni Hana.

“Classic,” Dagdag ni Lara.

“Hindi siya jealous!”

“Sure,” Sabi ni Lara.

“Very sure,” Dagdag ni Hana.

Napailing ako.

“Guys…”

“Did she drag you away?” Tanong ni Lara.

“Yes.”

“AY KINIKILIG AKO!” Biglang sumigaw si Hana sa tuwa.

“Hana!” Sabi ko agad.

“Sorry!”

“Pero wait,” Sabi ni Lara. “Ano sabi ng babae?”

“Tinatanong kung girlfriend niya ako.”

Biglang nagfreeze ang dalawa.

Tapos sabay sumigaw-

“WHAT?!”

“Shhh!”

“Tapos?” Sabik na tanong ni Hana.

Tahimik ako sandali.

“Sabi ni Miss Walls… she’s the boss.”

Napahawak si Lara sa dibdib niya.

“Girl… this is drama.”

“Netflix series levels,” Sabi ni Hana.

Napatawa ako kahit papaano.

Hanggang sa napansin ni Lara ang expression ko.

“Pero bakit parang sad ka?” Tanong nya

Tahimik ako sandali.

“Wala.”

“Amor.”

“Sabi niya kasi she’s straight.” Tahimik ang call. Nawala ang chaotic energy nila.

“Ay,” Mahina sabi ni Hana.

“Okay,” Sabi ni Lara, mas kalmado ngayon.

“Tapos sinabi niya she’d rather date someone else.” Dagdag ko mas tahimik lalo.

“Pero hindi ako.”

Hindi agad sila nagsalita.

Hanggang sa biglang umubo si Lara.

“Okay first of all—”

“our boss is blind,” Sabi ni Hana.

“Second,” Dagdag ni Lara, “kung hindi ka niya gusto…” Tumigil siya sandali bago ngumiti.

"Never beg someone to stay, because to beg is water" Singit ni hana.

“Baliw.”

“Pero seryoso,” Sabi ni Hana. “Don’t overthink it.”

“Yeah,” Sabi ni Lara. “Baka defensive lang siya.”

“Isa pa kung hindi ka talaga niya gusto Someone else will.”

CLICK.

May bumukas na pinto sa gilid ko.

Nanlamig ang likod ko. Dahan-dahan akong napalingon. Nakatayo sa pintuan ng office niya si Miss Walls.

At mukhang…

Narinig niya ang huling sinabi ni Lara sa phone.

"Someone else will."

Hindi ako agad nakagalaw.

Parang may nag-pause na button sa katawan ko.

Nakatayo si Miss Walls sa pintuan ng office niya, isang kamay nasa doorknob, habang nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.

Ang huling narinig niya…

"Someone else will."

Dahan-dahan akong napalingon ulit sa phone ko.

Sa screen, parehong naka-freeze ang mukha nina Lara at Hana. Pareho silang nakadilat nang malaki ang mata.

“Amor…” Bulong ni Lara.

“Si Miss Walls ba yan?” Mahina ring tanong ni Hana. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa.

“Guys,” Bulong ko, halos hindi gumagalaw ang labi ko. “Nandito siya.”

“PATAY!” Biglang nagpanic si Hana.

“Bye!” Mabilis na sabi ni Lara.

“CALL END NA!”

BEEP.

Nawala agad ang video call.

Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko sa mesa. Pakiramdam ko parang estudyante akong nahuli ng teacher habang nagche cheat sa exam. Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Miss Walls.

“…Ma’am.” Tawag ko. Hindi siya nagsalita agad.

Naglakad sya papunta sa desk ko. Ang tunog ng heels niya sa sahig parang mas lalong nagpapakaba sa dibdib ko.

Huminto siya sa harap ng mesa ko. Napansin ko agad ang drawing ko kitang-kita ang drawing. Napabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko agad naisip itago. Tumingin siya dun kaya agad ko tinabi.

Sandaling katahimikan.

Hindi ko alam kung napansin niya kung sino ang drawing.

“Break time ko po,” Mabilis kong sabi, parang nag-eexplain kahit hindi pa siya nagtatanong. Bahagya siyang napataas ang kilay.

“I didn’t say anything.”

“Ah… oo nga po.” Napahiya ako sa sarili ko. Tumango siya ng kaunti.

“You can take your break.” Sabi nya. Akala ko babalik na siya sa office niya pero hindi.

“Your friends seem… loud.” Napapikit ako sandali.

“Pasensya na po.”

“Are they always like that?”

“Usually po.”

Bahagyang nag-angat ang sulok ng labi niya. Hindi ko sure kung ngiti ba iyon o imagination ko lang.

“Chaotic.”

“Very,” Sagot ko agad.

Napatingin siya sandali sa phone ko sa mesa.

“Love, Joy, Hope?” Sabi nya. Napakurap ako.

“Na-narinig niyo po?”

“Not really but they kinda loud.”

“Sorry po.” Napakamot ako sa tenga ko.

Akala ko tapos na ang usapan. Pero bigla siyang nagsalita.

“What were you drawing?” Tanong nya

Parang biglang huminto ang mundo ko.

“…Ma’am?”

“The drawing.”

“Wala lang po.” Pakiramdam ko biglang uminit ang tenga ko.

“ There's a face.”

“Random lang po.”

“Random.” Sabi nya. Tumango ako agad.

“Opo.”

Hindi ko alam kung naniniwala siya.

Pero hindi na siya nagtanong pa. Sa halip, tumingin siya sa orasan sa wall.

“Finish it.”

“Po?”

“Your break.”

Ah.

“Ah-yes po.”

Tumango siya ng bahagya bago tumalikod. Akala ko papasok na siya sa office niya. Pero bago siya tuluyang makalayo, bigla siyang huminto. Hindi siya lumingon sa akin nang magsalita.

“Reyes.”

“Yes, Ma’am?”

Sandaling katahimikan.

“Your friends.”

“Opo?”

“Tell them to lower their volume next time.”

“Opo.”

Nagpatuloy na siya sa paglalakad pabalik sa office niya.

CLICK.

Sumara ang pinto tahimik huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ngayon lang ulit bumalik ang normal na tibok ng puso ko. Napatingin ako sa phone ko.

May 32 unread messages sa group chat namin napailing ako.

Binuksan ko.

LARA:

BUHAY KA PA BA

HANA:

HUMIHINGA KA PA BA

LARA:

NAFIRE KA NA BA

HANA:

BLINK TWICE IF YOU NEED HELP

Napatawa ako ng mahina.

Nag-type ako ng reply.

AMOR:

Buhay pa ako.

Agad nagreply si Lara.

LARA:

ANO SABI NIYA

HANA:

NARINIG BA NIYA

AMOR:

Konti.

LARA:

PATAY

HANA:

AYOKO NA

Napangiti ako habang binabasa ang messages nila. Pero bago ako makapagreply ulit napatingin ako sa drawing ko dahan-dahan ko itong binuksan. Ang mukha ni Miss Walls.

Napabuntong-hininga ako.

“Bakit ba kasi ikaw,” Mahina kong bulong. Kinuha ko ulit ang lapis ko.

Akala ko titigil na ako sa drawing.

Pero sa halip tinuloy ko pa rin.

Hanggang sa makauwi ako, siya pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko na talaga mapigilan si heart bahala na si bathala.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.