CHAPTER 9 Collie The Ultimate Sugar Baby

Seraphine's POV:

Maaga akong dumating sa opisina, as usual tahimik pa ang lobby ng building. Ilang empleyado pa lang ang dumarating, karamihan busy sa kani-kanilang phone habang naglalakad papunta sa elevator. Umalingawngaw ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig habang papasok ako.

Pag-angat ko ng tingin, may nakita akong pamilyar na maliit na figure na nakaupo sa sofa.

Collie.

Nakaupo siya nang maayos, tuwid ang likod. May hawak siyang libro sa kamay, sobrang focused sa binabasa niya. Napakunot ang noo ko. Ang tahimik niya ngayon.

Lumapit ako.

"Ang aga mo," Sabi ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Diretso ang tingin. Halos walang emosyon ang mukha.

"Good morning," Sagot niya. Napataas ang kilay ko nang bahagya.

"Good morning," Sagot ko rin. Saglit kaming nagkatitigan.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Isinara niya ang libro niya nang mahinahon.

"I'm waiting for my mom." Maikli. Diretso. Parang walang interes makipag-usap. Napabuntong-hininga ako.

"Kaya pala ang aga mo." Tumango lang siya. Tahimik ulit. Weird. Hindi siya madaldal. Hindi siya makulit. Hindi siya yung batang halos hindi nauubusan ng energy. Pero hindi ko na pinansin at baka wala lang sa mood.

"Sige," Sabi ko. "Mauna na ako."

"Okay," Sagot niya. Yun lang. Walang dagdag. Iniwan ko siya sa lobby at dumiretso ako sa elevator.

Habang umaakyat ang elevator, napatingin ako sa reflection ko sa salamin at bahagyang inayos ang damit.

Pagdating sa 25th floor, bumukas ang elevator napahinto dahil sa hallway may batang tumatakbo.

"VROOOOM!" Hawak niya ang maliit na toy car at stuffed toy habang tumatakbo sa corridor.

Nakasuot siya ng hoodie at shorts. Medyo magulo ang buhok niya, parang kakarating lang o kakagising lang.

Huminto siya nang makita ako. Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"MISS AMOR!" Sigaw niya. Tumakbo siya papunta sa akin. Natigilan ako.

"Collie?" Tanong ko.

"Opo!" Masigla niyang sagot. Napatingin ako sa suot niya, tapos bumalik ang tingin ko sa mukha niya.

"Kanina nasa lobby..." Dahan-dahan kong sabi.

"Opo?" Inosente niyang sagot.

"Hindi ba naka-puting polo ka kanina?" Tanong ko. Napakunot ang noo niya.

"Ha?"

"Seryoso ka ba?" Tinitigan ko siya.

"Opo!" Tumango siya agad. Napabuntong-hininga ako.

"Collie," Sabi ko, medyo mabagal ang tono ko, "kanina tahimik ka. Nagbabasa ka pa nga ng libro." Mas lalo siyang nagmukhang nalito.

"Ako po?"

"Oo."

"Hindi po." Umiling siya. Natigilan ako.

Napatingin ulit ako sa suot niya.

Sa buhok niya.

Sa mukha niya.

Parehong bata.

Parehong mukha.

Pero... napabuntong-hininga ako.

"Forget it," Sabi ko. Ngumiti siya bigla, parang may naalala.

"Miss Amor?" Magalang pa rin ang boses niya, kahit obvious na sobrang energetic siya.

"Ano?" Tanong ko.

"May coffee shop po sa tapat ng building." Tahimik lang ako.

"So?" Tanong ko. Mas lalo siyang ngumiti.

"Invite po kita mag-coffee!" Napatingin ako sa kanya.

"Collie."

"Opo?"

"Pitong taong gulang ka ba talaga?"

"Opo."

"At nag-aaya ka sa akin ng kape." Tumango siya, seryoso pa.

"Libre ko po!" Sabi niya, sabay ngiti.

"Saan ka kukuha ng pambayad?" Tanong ko. Ngumiti siya ulit.

"Sa bulsa ko po," Sabi niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Please po?" Dagdag niya, sobrang polite.

Tinitigan ko siya sandali, tapos napailing ako.

"Five minutes," Sabi ko. Nanlaki ang mata niya.

"Talaga po?!"

"Sandali lang." Tumalon siya sa tuwa.

"YAY!" Sabi niya habang sumusunod sa akin.

Naglakad na ako papunta sa office hallway. Pero habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mag-isip.

Kanina sa lobby, sigurado akong siya yun. So paano- napailing na lang ako. Ang bilis naman niyang magpalit ng ugali at damit.

Pagkatapos sabay kaming bumaba.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag.

Siguro dahil maaga pa. Siguro dahil wala pa masyadong trabaho. O siguro dahil may isang pitong taong gulang na batang nakatingin sa akin na parang world peace ang nakasalalay sa sagot ko.

Kaya ngayon...

Papunta kami sa coffee shop sa tapat ng building. Naglalakad ako sa gilid niya habang tumatalon-talon siya sa sidewalk na parang hindi siya mapapagod.

"Collie," Sabi ko.

"Opo?" Masigla niyang sagot. Huminto ako saglit.

"Kanina sa lobby-" Bigla siyang nagsalita.

"Miss Amor! Ang lamig po ngayon, no?" Napakunot ang noo ko.

"Hindi naman."

"Opo, malamig po!" Sabi niya agad, sabay pasok sa shop na parang may hinahabol na deadline. Tinitigan ko lang ang likod niya. Pumasok ako sa loob.

Mainit ang amoy ng kape at tinapay sa loob. Konti pa lang ang tao. Diretso si Collie sa counter, parang sanay na sanay.

Tumayo ako sa gilid niya habang naka-cross arms.

"Good morning!" Bati ng barista.

Ngumiti si Collie. Yung tipong confident na ngiti, parang CEO na nasa meeting.

"Good morning po," Sabi niya. Napataas ang kilay ko. Bakit parang regular customer to?

"Anong order mo?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin.

"Miss Amor, ano po gusto niyo?"

"Kahit ano." Tumango siya, parang seryosong business decision ang ginawa ko.

"Okay po." Bumalik siya sa barista.

"Two hot chocolate po. Less sugar."

Napalingon ako sa kanya.

"Hindi kape?" Tiningnan niya ako.

"Seven years old po ako."

Fair point.

Nag-type ang barista sa register habang nakangiti kay Collie.

"You're cute," sabi niya. Ngumiti si Collie.

Tapos-

kumindat siya.

Natigilan ako. Kumindat ba siya?

Hindi ko alam kung nakita ko lang ba yun o hindi. Pero ang barista biglang natawa.

"Ay, ang cute naman," Sabi nito. Si Collie naman, parang walang nangyari.

"Magkano po?" Tanong niya.

"360." Tumango siya.

Tapos...

Dahan-dahan niyang inilabas ang isang itim na card mula sa maliit niyang wallet. Inabot niya ito sa barista. Tahimik akong nakatingin Napatingin din ang barista sa card, tapos kay Collie, tapos sa card ulit.

"Uh... card po?" Sabi niya.

"Opo." Napatingin ako sa bata sa tabi ko.

"Collie."

"Opo?"

"Bakit may credit card ka?" Tinignan niya ako na parang normal lang ang lahat.

"Hindi po credit card," Sabi niya. Napataas ang kilay ko.

"Ahh, basta same lang yun," Sabi ko, umiling siya.

" It's Black card po."

Mas lalong hindi nakatulong yun. Napahawak ako sa noo ko.

Habang binabayaran niya ang order, lumingon ako sa kanya ulit.

"Collie."

"Opo?"

"Kanina sa lobby-" Bigla siyang nagsalita.

"Miss Amor, gusto niyo po ba ng muffin?"

Napapikit ako sandali.

"Collie."

"Opo."

"Tinatanong kita-"

"Chocolate muffin po masarap."

Tinitigan ko siya. Diretso siyang nakatingin sa menu board, parang sobrang interesado sa muffins. Bumuntong-hininga na lang ako.

"Forget it." Tumango siya agad.

"Okay po!" Parang masaya pa siya na natapos ang usapan. Ilang minuto lang, inabot na ng barista ang dalawang cup ng hot chocolate.

"Here you go," Sabi niya.

"Thank you po," sagot ni Collie. Kinuha niya ang tray. Bago kami umalis, lumingon siya sa barista-

at kumindat ulit.

"Have a nice day po." Napabuga ng hangin ang barista sa tawa.

Habang naglalakad kami papunta sa table, hindi ko na napigilan.

"Collie."

"Opo?"

"Tumigil ka sa pag-kindat sa mga tao." Napakunot ang noo niya.

"Bakit po?"

"Pitong taong gulang ka," Sabi ko. Tumango siya.

"Opo," Sagot niya. Napailing na lang ako.

Tahimik kaming umupo.

"Salamat." Sabi ko.

"Miss Amor?" Ngumiti siya nang maliit.

"Ano?"

"Ang saya niyo po ka-date," Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ito date," Sabi ko. Napangungso siya agad.

"Okay po," Sabi niya. Humigop siya ng hot chocolate. Tapos nagbulong na parang may sikreto.

"Pero parang date po."

Napairap ako.

Pero sa loob-loob ko- Hindi pa rin nawawala sa isip ko... yung batang nakita ko sa lobby. Tahimik ulit kaming umupo.

Sa labas, makikita mo ang building namin sa kabilang side ng street. Ilang empleyado ang naglalakad papasok habang hawak ang kani-kanilang kape.

Sa harap ko, si Collie.

Parehong kamay nakahawak sa cup ng hot chocolate niya. Mukhang syang masaya yung tipong parang nanalo sa raffle.

"Salamat," Sabi ko ulit habang hinihigop ang inumin. Ngumiti siya.

"You're welcome po," Sabi niya. Tahimik ulit. Pero bago pa ako makapagsalita may narinig akong boses sa likod ko.

"Amor?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Elena.

Yung interior designer na nakilala ko noong nakaraang linggo sa restaurant habang sinasamahan ko sa meeting si Miss Walls. Nakasuot siya ngayon ng beige blazer at may hawak na iced coffee.

"Ah," Sabi ko. "Good morning." Lumapit siya sa mesa namin.

"I didn't expect to see you here," Sabi niya. Napatingin siya kay Collie. Ngumiti siya agad.

"Oh my god," Sabi niya. "Is this your child?" Tahimik akong nakatingin sa kanya. Tapos napailing ako nang kaunti.

"Hindi," Sabi ko. Tiningnan niya ulit si Collie.

"Really?" Sabi niya, medyo naguguluhan. "But she kinda looks like you." Sumagot si Collie bago pa ako makapagsalita.

"Magka-date po kami," Sabi niya. Napapikit ako, Great.

Natawa si Elena.

"That's adorable." Tinignan niya ako ulit.

"She's cute."

"Hmm," Sagot ko lang. Tumango siya.

"Well, I won't interrupt your... date," Sabi niya na may maliit na ngiti.

"See you around, Amor." Tumango lang ako. Pag-alis niya, bumalik ang tingin ko kay Collie. Tinitigan ko siya. Tahimik siyang umiinom ng hot chocolate niya, parang walang ginawa.

"Collie."

"Opo?"

"Hindi tayo magka-date." Tumango siya agad.

"Opo."

"Bakit mo sinabi yun?" Napaisip siya sandali.

"Para po cute." Napabuntong-hininga ako. Humigop ako ng hot chocolate ko.

Tahimik ulit ang mesa. Pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita siya.

"Miss Amor?"

"Ano?" Tanong ko. Tiningnan niya ang direksyon kung saan umalis si Elena. Tapos bumalik ang tingin sa akin.

"Mas maganda po si Mommy kaysa sa kanya." Napataas ang kilay ko.

"Talaga?" Tanong ko. Tumango siya, seryoso ang mukha.

"Opo." Tahimik ako sandali.

"Bakit mo nasabi?" Sumandal siya sa upuan niya, parang proud.

"Kasi si Mommy po pinakamaganda sa buong mundo." Napangiti ako nang kaunti.

"Bias ka," Sabi ko. Ngumiti siya.

"Opo." Humigop ulit siya ng hot chocolate niya. Ako naman, napatingin sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung bakit...

Pero parang ang dami niyang tinatago.

Matapos naming maubos ang hot chocolate, tumayo na kami ni Collie.

"Tara na po, dude!" sabi niya, masigla habang hawak ang toys niya.

"Dude?" Sagot ko. Tumango sya sobrang hyper niya.

Nasa labas na kami ng coffee shop. Tumawid sa street para bumalik sa building. Pumasok kami sa lobby, at tumalon pa siya nang kaunti sa hagdan.

"Bye, Dude!"

"Bye, Collie," Sagot ko. Napangiti sya kaya napangiti narin ako.

Pumasok ako sa elevator at tumaas papunta sa 25th floor. Paglabas ko, diretso ako sa opisina ko sa labas ng office ni Miss Walls.

Bago ako umupo, nag-beep ang indicator sa desk ko.

Great. Time to work.

Lumapit ako sa pinto at kumatok nang maayos.

"Miss Walls?" Sabi ko, malumanay.

"Come in." Cold at professional pa rin ang tono niya. Pumasok ako at napatingin ako sa desk niya at napansin ang book.

Wait...

Pareho ng book na hawak ni Collie sa lobby. Parehong cover. Parehong kulay. Napakunot ang noo ko sandali. Pero mabilis ko ring inalis ang tingin ko.

Coincidence lang siguro.

"Good morning, Miss Walls," Bati ko.

"Morning," Sagot niya, cold as usual.

"A task for you, Amor. Prepare the briefing for the board meeting by 11," sabi niya, walang halong emosyon, diretso sa punto.

Ngunit bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Sir Edward, may dala-dalang bouquet ng bulaklak. Lumapit siya sa desk ni Miss Walls, parang sanay na sanay habang ako tahimik lang akong nakatayo sa gilid.

"Good morning, Celestine," Bati niya, may kumpiyansang ngiti.

Wow first name basis.

"Edward," Malamig ang boses ni Miss Walls. "I'm busy. I don't have time to date today."

Ngumiti si Sir Edward nang medyo smug.

"But you promised." Sabi nya. Napataas ang kilay ni Miss Walls.

"Promises are meant to be broken," Sabi niya, kalmado. "I also told you before I let you court me that I have no time."

May kakaibang tension sa pagitan nila.

Pero wala sa kanila ang nagtaas ng boses.

Napatingin siya sa akin saglit.

"You can go."

"Yes, Miss Walls," Sagot ko agad.

Lumabas ako ng opisina at bumalik sa desk ko napangiti ako nang kaunti.

Interesting.

Si Miss Walls... single pala. At si Sir Edward... nanliligaw pa lang.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kaunting excitement sa loob ko.

Parang... nakakatuwa.

Umupo ako sa desk ko at nag-open ng laptop. Pero hindi ko mapigilang mag-smile nang kaunti.

Hmm...

Celestine, huh?

Interesting.

Nagbalik ako sa trabaho ko habang tahimik ang buong opisina sa paligid.

FEW HOURS LATER

Makalipas ang ilang oras, busisi ako sa pagtatrabaho. Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin ako. Executive assistant na ako ng CEO ng buong kumpanya, pero minsan... pakiramdam ko hindi pa rin ako sapat.

Tahimik ang opisina ni Miss Walls ngayon. Nasa meeting siya sa kabilang building, kaya naiwan ako sa desk ko sa labas ng office niya ang lugar kung saan halos lahat ng desisyon ng kumpanya dumadaan.

Sa harap ko, nakabukas ang laptop.

Isang proposal.

Isang proposal na kailangan kong i-review at ayusin bago ipasa sa kanya.

Simple lang dapat.

Pero habang binabasa ko itO mas lalo akong napapangunot noo.

What if may mali akong ma-overlook?

What if may detail na hindi ko napansin?

Hindi lang ito basta trabaho.

Kapag may pumalya rito diretso kay Miss Walls ang tama. Napahinto ako sa pagta-type. Napabuntong-hininga.

"Amor" Mahina kong sabi sa sarili ko.

Executive assistant ka na.

Dapat kaya mo na to.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko parang may maliit na boses sa isip ko na nagsasabing-

What if you're not good enough?

"Why did you stop?"

Napatigil ako. Dahan-dahan akong napalingon sa pinto ng opisina.

At doon ko siya nakita.

Nakatayo si Miss Walls sa doorway ng office niya, hawak ang bag niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko narinig na dumating siya. Agad akong tumayo.

"Good afternoon, Miss Walls." Bati ko.

Lumapit siya sa desk ko at ang bawat hakbang niya sa marble floor ay parang masyadong malakas sa tahimik na hallway.

Huminto siya sa tabi ko hindi siya nagsalita agad. Tiningnan niya lang ang screen ng laptop ko... tapos ako.

"You were working on the investor proposal." Hindi iyon tanong.

Statement iyon.

"Yes, Miss Walls."

"Then why did you stop?" Tanong nya.

Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsinungaling o magsabi ng totoo.

Pero sa huli...

"I'm not sure if I'm doing it right."

Tahimik.

Para akong nakatayo sa harap ng isang judge na naghihintay ng verdict. Tapos dahan-dahan siyang umayos ng tayo.

"I don't like people who doubt themselves," Sabi niya habang diretso ang tingin niya sa akin. Walang emosyon ang mukha niya.

"I especially don't like people who don't have courage." Dagdag nya. Napayuko ako sandali. Hindi galit ang boses niya.

Pero sapat na iyon para maramdaman ko ang bigat ng bawat salita. Tapos sinabi niya ang tanong na nagpahinto sa paghinga ko.

"Can you do it or not?" Diretso. Walang paligoy-ligoy. Sandaling tumahimik ang buong paligid. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng desk.

Can I?

Kung hindi ko kayang gawin ang ganitong bagay... Paano ako naging Executive Assistant ng CEO dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Huminga ako nang malalim.

"...I can do it." Sabi ko. Tahimik siya sandali.Parang sinusukat kung seryoso ba ako. Then she nodded once.

"Good." Lumapit siya sa laptop ko at bahagyang yumuko para tingnan ang screen. Masyado siyang malapit.

Naamoy ko ang subtle na pabango niya- malinis, elegant, pero hindi overpowering. Napapikit ako sandali bago ako tumingin ulit sa screen.

"Because if you can't," Sabi niya nang mahina, "I wouldn't have hired you."

Tumuwid siya at tinalikuran ako.

Pero bago siya bumalik sa office niya

napansin ko may maliit na bagay na nahulog mula sa bag niya. Isang maliit na pink hair clip. Parehong-pareho ng suot ni Collie kanina habang tumatakbo sa hallway.

Napakurap ako.

Pero mabilis niya itong pinulot bago ko pa masabi ang kahit ano. Tumigil siya sa pinto ng office niya.

"Finish it, Miss Reyes. I'll review it in thirty minutes."

At pagkatapos nun...

nagsara ang pinto ng opisina niya.

Naiwan akong nakatayo sa desk ko.

Tahimik ang buong floor pero ngayon... iba na ang pakiramdam.

Umupo ako ulit sa harap ng laptop.

Tiningnan ko ang proposal.

Tapos nagsimula ulit akong mag-type.

Sa pagkakataong ito-

wala nang pagdududa pero sa likod ng isip ko hindi mawala ang isang tanong.

Bakit may hair clip ni Collie si Miss Walls?

Doon ko lang na-realize na pinsan pala ng mama ni Collie si Miss Walls. Kaya pala ganun na lang kayaman si Collie.

FEW HOURS LATER

Late na ng hapon, kailangan ko nang umalis. Nakaayos na lahat sa desk ko, at natapos ko na rin yung briefing para kay Miss WallS, Papunta na ako sa elevator nang biglang mag-close ang pinto.

"Wait!" Sigaw ko. Mabilis akong tumakbo at hinawakan ang pinto.

Phew...

Pumasok ako, napangiti nang kaunti- pero biglang huminto ang tibok sa dibdib ko.

Miss Walls.

Nakatayo siya sa loob ng elevator, hawak ang isang bouquet ng bulaklak sa isang kamay at may nakasiksik na book sa kabilang kamay, kasama ang bag niya.

Napakunot ang noo ko, medyo nahihiya.

"Oh... Miss Walls," Sabi ko, medyo nagdadalawang-isip. "Let me help po."

"Hmm?" Tanong niya, parang walang masyadong emosyon. Pero pinagmamasdan niya rin ako habang hawak ang bulaklak at libro.

"Pwede ko pong hawakan ang bag niyo?" Alok ko, dahan-dahang iniaabot ang kamay ko. Tumingin siya sa akin, tila sinusuri kung seryoso ako.Ngumiti lang ako nang kaunti. Bahagya siyang

tumango at ibinigay ang bag saakin.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano- yung tipong simpleng elevator ride lang dapat, pero parang may maliit na mundo na kami lang ang nandun.

Tahimik kami.

Pero nakakaramdam ako ng kakaibang saya.

"Thanks, Miss Reyes," Sabi niya, malamig pero may hint ng softness sa tono.

"Of course, Miss Walls," Sagot ko, medyo nahihiya habang hawak ang bag niya, nag-iingat na hindi mahulog- at mukhang mas mahal pa ito sa buhay ko.

Napansin ko na parang nag-smile siya nang bahagya O baka imagination ko lang. Habang humihinto ang elevator sa bawat floor, nakatingin lang kami pareho sa pinto. Wala kaming masyadong sinasabi.

Pagdating ng lobby, nag-step back ako nang kaunti para maayos siyang makalabas. Paglabas namin ng elevator, tahimik lang ang paligid.

Habang naglalakad kami papunta sa parking area, nakita ko si Hana na nakasandal sa gilid ng sasakyan ko.

Paglapit namin, agad niya akong tinawag.

"Love!" Sigaw niya. Napatingin ako sa kanya, medyo nahihiya.

Ang awkward ng vibe.

Habang naglalakad kami palapit sa kotse, biglang huminto si Miss Walls, Tiningnan niya ako. bahagyang tinaas ang kilay niya.

"Give me my bag. I think your girlfriend is waiting," Sabi niya, walang emosyon.

Napapikit ako sa gulat.

"Eh... she's not my girlfriend, ma'am!" Dali-dali kong sabi, medyo defensive.

"Bye, MISS REYES."

Walang emosyon ang boses niya.

Bumuntong-hininga ako habang iniabot ko sa kanya ang bag. Lumapit si Hana sa amin at bumati kay Miss Walls.

"Good afternoon, ma'am." Bati nito.

Pero parang hindi siya narinig ni Miss Walls. Diretso lang siyang dumaan, pumunta sa sasakyan niya, at umupo sa driver's seat.

Nagulat si Hana.

Pero kalaunan... tumawa siya.

"Ha? Bakit ka tumatawa?" Tanong ko, medyo irritated.

"Para kang nahuli na nag-cheat," Sabi niya habang tumatawa. "She's not my girlfriend! She's not my girlfriend! Kapa diyan!" Inirapan ko siya.

"Loko ka. Ikaw mismo nagsabi na ayaw niya sa mga bading! Baka matanggal ako sa trabaho!" Sabi ko.

Half true.

Nagtaas ng kilay si Hana.

"Okay... sabi mo eh," sagot niya. "Pero bakit parang nagselos si ma'am? Hindi ako pinansin eh."

"Imagination mo. Magtigil ka," Sabi ko.

Ngumisi siya- yung tipong nakakainis na playful.

Sumakay na kami sa sasakyan at ako ang driver. Tinatamad na naman siya.

Nasa kotse na kami ni Hana. Hawak ko ang steering wheel habang nagmamaneho. Pero halos hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ang nangyari sa office.

"Naku... iba na yan. May nangyari, noh?" Sabi niya habang naka-ngisi sa passenger seat.

"Manahimik ka," Sabi ko sabay irap.

"Hindi po, ate. Tawagan ko nga si Lara," Sabi niya sabay pindot sa phone.

Naka-speakerphone.

"Laraaa!" sigaw niya.

"O, gaga, mukhang maganda ang chika ah," Sabi ni Lara sa kabilang linya.

"Alam mo ba? Alam mo na ba? Alam mo na ba?" Sabi ni Hana.

"Ano? Dali!" Sabi ni Lara.

"Na ang ganda ko." Sabi ni Hana.

Biglang nawala ang ngiti ni Lara.

"Iwan ko sayo," Sabi niya, papatayin na sana ang call.

"Teka teka! Ito na!" Sabi ni Hana.

"Ano? Dali, nag-skincare pa ako," Sagot ni Lara.

Wow ah.

"So ito... sa parking. Guess who itech ang nakita ko," Sabi ni Hana. Hindi na lang ako umimik at nag-focus na lang sa pag-dradrive.

"Sino?" Tanong ni Lara.

"Si Amor kasama si Miss Walls."

"Tapos? Dali, wag mo ako bitinin!"

"So ito. Magkasama sila. Tapos itong si gaga bitbit ang bag ni Miss Walls. Tapos, te, tinawag kong 'love' si Amor- aba! Sabi ni Miss Walls, your girlfriend is waiting."

"Then itong kaibigan natin super explain, parang nahuli na nag-cheat. Tapos si Miss Walls biglang walk out. Tapos hindi man lang ako pinansin nung nag-hi ako!"

Diretso niyang kwento.

"Ano?! Ano nangyari, Amor? Grabe ka talaga. Parang caught on cheating ang peg!" Sabi ni Lara habang tumatawa na rin.

Napapikit ako at napailing.

"Issue niyo. May nanliligaw yung tao. Isa pa, may anak na siya. At straight yung tao," Sabi ko.

"Ow... so di pa niya sinabing pangit ka?" tanong ni Hana.

Wala sa ulirst akong tumango ako.

Bigla niya akong hinampas sa balikat at tawa.

"May chance pa si gaga!" Sabi ni Lara sa phone, parang victorious.

"Bahala kayo! Next time, Hana, wag mo na akong tawaging love. Baka mawalan tayo ng trabaho!" Sabi ko, medyo defensive.

Tumawa si Lara sa phone.

"Anong mali dun? Amor is love in Spanish."

"Tama, tama!" Sabi ni Hana sabay high-five sa phone.

"Oo nga," Sabi ko, medyo napangiti, "pero baka iba isipin niya."

At hanggang sa makauwi kami, hindi tumigil sa tawa at pang-iingay yung dalawa. Habang ako naman nagmumukhang kamatis na sa pang-aasar nila.

Pero sa totoo lang... I'm secretly enjoying the chaos.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.