CHAPTER 10 The First Time
Seraphine's POV:
Tahimik ang buong floor. Hindi yung normal na tahimik yung parang may mabigat na hangin na nakakalat sa paligid. Nakasandal ako sa upuan ko habang nakatingin sa indicator.
Tahimik.
Walang tawag mula sa kanya. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa glass wall ng opisina ni Miss Walls. Sarado pa rin ito buong umaga.
“Strange” Bulong ko.
Karaniwan kasi, by this time, tatlong beses na niya akong tatawagin para sa kung anu anong instructions meetings, reports, and coffee. Pero ngayon?
Wala.
Earlier this morning, isang utos lang ang sinabi niya sa akin.
“Cancel all the meetings for today.”
Yun lang. No explanation, no follow-up. At pagkatapos nun, hindi na siya lumabas ng opisina niya.
Tinignan ko ulit ang oras.
11:53 AM.
Malapit na mag-lunch pero hindi pa rin siya tumatawag. Napailing ako.
“Baka busy lang.”
Pero kahit sabihin ko yun sa sarili ko, hindi pa rin mawala yung pakiramdam na may mali.
Lalo nat…
Wala ring ibang pinapayagang pumasok sa office niya. Except for one person.
Si Mrs. Celine.
Siya yung pinakamatandang staff na kilala ko dito. Halos lahat ng empleyado dito kilala siya tahimik, mabait, at maganda.
And somehow parang siya lang yung taong kayang kausapin si Miss Walls nang walang formal barrier.
Napabuntong hininga ulit ako.
“Okay, pagkain muna.”
Tumayo ako mula sa desk ko at kinuha ang phone ko.
Kung hindi man ako tatawagin ni Miss Walls, at least makakain man lang ako bago ako mahimatay dito.
Lumabas ako ng opisina at nagsimulang maglakad, pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Miss Walls.
Automatic akong napahinto.
Lumabas si Mrs. Celine.
Hawak niya ang isang tray na may tea cup. Napangiti siya nang makita ako.
“Hi, Miss Reyes.”
“Good afternoon po, Mrs. Celine.”
Lumapit ako nang kaunti at tumango siya.
“Papunta ka sa cafeteria?”
“Opo.”
Sandali akong nag-alinlangan bago nagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong, pero hindi ko rin mapigilan.
“Um... Mrs. Celine” Nahihiya kong sabi.
Napatingin siya sa akin.
“May I ask something?”
“Of course, dear,” Sabi niya. Napalingon ako sandali sa pinto ng opisina ni Miss Walls bago ulit tumingin sa kanya.
“Is Miss Walls, okay?” Saglit na natahimik si Mrs. Celine. Hindi siya agad sumagot.
Tumingin lang siya sa saradong pinto ng opisina, then bumalik ang tingin niya sa akin. May maliit na ngiti sa labi niya, pero parang may lungkot sa mata niya.
“Miss Reyes, just do your job for today,” Mahina niyang sabi. “Don’t mind what’s going on with Miss Walls.”
“Po?” Lalo akong nalito. Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit.
“Every year,” Huminto siya sandali, parang nag-iisip.
“On this exact date, Walls becomes like this.” Napansin kong mas humina ang boses niya. Parang mas lumamig ang hangin sa paligid.
Napakagat ako sa labi ko.
“Should we be worried?” Tanong ko.
Mahina siyang natawa. Hindi yung masayang tawa yung parang may tinatago.
“She’ll be fine. I need to go.”
Tumango na lang ako pagkatapos nun habang dahan-dahan siyang naglakad palayo.
Pero bago siya tuluyang umalis, huminto siya sandali. Hindi siya lumingon sa akin, pero nagsalita siya.
“Just give her space today.”
Pagkatapos nun, tuluyan na siyang naglakad palayo. Naiwan akong mag-isa sa hallway. Napatingin ulit ako sa pinto ng opisina ni Miss Walls. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas lalo akong nag-alala.
Napabuntong-hininga ako.
“Miss Walls” Muli akong napatingin sa oras.
11:59 AM.
Lunch na pero parang wala akong gana kumain.
Sa loob ng opisina na yun, hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Pero isang bagay lang ang sigurado ko.
Hindi siya okay.
At kahit sinabi ni Mrs. Celine na huwag makialam hindi ko mapigilang isipin kung dapat ba talaga akong makinig.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagdating ko sa cafeteria, agad akong sinalubong ng ingay hindi yung normal na ingay. Yung parang may isang taong nagde deliver ng stand up comedy sa gitna ng mesa.
And I already knew who it was.
“Hala ka! Sabi ko na nga ba mali yung email mo!” Malakas na sabi ni Hana habang hawak ang tray ng pagkain.
Napahawak ako sa noo ko.
“Of course” Bulong ko. Lumapit ako sa mesa niya. Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumisi.
“Uy! Eto na si Miss Responsible!” Sabi nya. Umupo ako sa tapat niya at napailing.
“Hana, buong cafeteria naririnig ka.”
“So?” Taas-kilay niya. “Public service. Entertainment.” Sabi nya. Napatawa ako nang kaunti.
“Anong entertainment? Ikaw lang nag-eenjoy.”
“Excuse me,” Sabi niya habang tinuturo ang dalawang empleyado sa kabilang mesa na halatang nakikinig sa kanya, “audience ko sila.” Napailing na lang ulit ako.
Typical Hana.
“Nasaan si Lara?” Tanong ko.
“Busy daw. May meeting mamaya,” Sagot niya bago kumagat sa pagkain niya. “Ikaw? Bakit parang wala kang energy today?” Tanong nya. Napabuntong hininga ako.
“Nothing”
Pero hindi talaga nothing. Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Mrs. Celine kanina.
Every year… on this exact date.
Tahimik ako habang kumakain habang si Hana naman tuloy pa rin sa kwento niya tungkol sa kung paano siya muntik makipag away sa printer ng opisina.
“Sinabi ko sa printer kung hindi ka magpi-print ngayon, lalagyan kita ng resignation letter mo!” Sabi nya. Napatawa ako kahit papaano.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na ako.
“Okay, babalik na ako sa office.”
“Ha? Ang bilis mo naman,” Sabi ni Hana.
“May work pa.”
“Workaholic,” Bulong niya. Ngumiti lang ako bago naglakad palayo.
Habang dumadaan ako sa counter ng desserts, may napansin ako.
Cupcakes.
Huminto ako at may biglang naalala
sa office ni Miss Walls, madalas kong makita sa desk niya yung ganitong cupcake. Simple lang, walang gaanong design, pero laging meron.
Napaisip ako sandali. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong kumuha.
Dahan-dahan akong lumapit sa counter at kumuha ng isa.
“Take out po,” Sabi ko sa staff.
Pagkatapos nun, bumalik na ako sa floor namin. Pagdating ko sa desk ko, inilapag ko ang maliit na box sa ibabaw ng mesa at tinitigan lang ito.
“Okay…” Bulong ko sa sarili ko.
“How am I supposed to give this?” Napailing ako.
Ang awkward.
Hindi naman ako pwedeng biglang pumasok sa office niya at sabihing
“Miss Walls, I bought you a cupcake because you look sad.”
Grabe. Ang weird.
Napabuntong-hininga ako habang iniisip kung ano ang gagawin ko.
Biglang may narinig akong pinto na bumukas napalingon ako agad at doon ko siya nakita.
Si Miss Walls.
Kakalabas lang niya ng office niya automatic akong napaupo nang maayos. Napatingin ako sa cupcake sa mesa ko.
“Sh-”
Mabilis ko itong tinago sa drawer.
Pagtingala ko ulit-
Nasa harap ko na siya.
“Miss Reyes.” Tawag nya. Napatuwid ako agad.
“Yes, Miss Walls.”
Pero bago pa siya magsalita, napansin ko yung mga mata niya.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, pero parang pagod. At may lungkot na hindi niya tinatago, pero hindi rin niya ipinapakita. Sandali akong natahimik.
Gusto ko sana magtanong.
Are you okay?
Pero hindi ko ginawa. Siguro dahil naalala ko yung sinabi ni Mrs. Celine.
Just give her space today.
Tahimik kaming dalawa sandali. Then she finally spoke.
“There’s nothing urgent left for today.”
Napakurap ako.
“Since tomorrow is Saturday,” Dagdag niya, calm as usual, “you may leave early.”
“Oh…” Tumango ako.
“Thank you, Miss Walls.” Sabi ko. Tumango lang siya nang bahagya at tumalikod na para umalis. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, bigla akong tumayo.
“Miss Walls.” Tawag ko. Huminto siya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.
Mabilis kong binuksan ang drawer ko at kinuha yung maliit na box. Lumapit ako sa kanya at inabot ito.
“For you po.” Sabi ko habang naka ngiti.
Napatingin siya sa box, then bumalik ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang ako nang kaunti simpleng ngiti lang.
“Everything will be okay, Miss Walls.”
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, pero parang yun lang ang gusto kong sabihin. Matagal siyang nakatingin sa akin. Then dahan-dahan siyang tumango.
Tinanggap niya yung cupcake.
“Thank you, Miss Reyes.”
Mahina lang ang boses niya.
Pagkatapos nun, tumalikod na siya ulit at naglakad papunta sa office niya. Naiwan akong nakatayo. Hindi ko alam kung may nabago ba.
Pero kahit papaano…
Parang gumaan nang kaunti yung pakiramdam ko.
AFTER AN HOUR
1:30 PM pa lang nang tuluyan akong makalabas ng building.
Maaga.
Hindi ko maalala kung kailan ako huling umuwi nang ganito kaaga mula sa trabaho.
Napatingin ako sa langit habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. Tahimik ang araw. Pero kahit tahimik, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Si Miss Walls.
Yung mga mata niya. Yung paraan ng pagtango niya nang ibigay ko yung cupcake. Napabuntong-hininga ako.
“Stop thinking about it, Amor,” Bulong ko sa sarili ko.
Pinayagan naman niya akong umuwi nang maaga. I should just take the break.
After a short drive hindi ko rin sure kung short ba talaga o busy lang talaga ang isip ko sa kakaisip sa kanya nakarating na rin ako sa bahay. Yung bahay na binili namin ni Lara.
Pagbukas ko ng pinto-
“HOY!”
Napahinto agad ako.
“Grabe ka naman!” Sigaw ni Lara mula sa sala habang naka-cross legs sa sofa at may hawak na chips.
“Hindi ka marunong mag-text na pauwi ka na?!” Tanong nya. Napailing ako habang hinuhubad ang sapatos ko.
“Bahay ko din to.”
“Bahay natin,” Sagot niya agad.
Napatawa ako.
“Bakit ka nandito? May meeting ka diba?” Humiga siya sa sofa na parang pagod na pagod.
“Cancelled.”
Tinaasan niya ako ng kilay.
“Imagine mo yun. Nag-ayos ako, nag-prepare ako, nagpakaprofessional ako tapos cancelled.”
“Sad life,” Sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig.
“Exactly!” Lumapit siya sa kitchen counter.
“Tapos ikaw naman,” Dagdag niya habang nakatingin sa akin nang suspicious, “bakit maaga ka umuwi?”
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
“Miss Walls told me I can leave early.”
“WHAT?” Nanlaki ang mata ni Lara.
Napatawa ako sa reaction niya.
“Anong ‘what’?”
“Miss Walls?!”
“Yep.” Tumango ako.
“Voluntary niyang sinabi na umuwi ka na?”
“Lara.”
“Ha?”
“Stop making it sound weird.”
“Because it is weird!”
Napailing ako. Typical Lara.
Bigla siyang napangiti nang parang may naisip. Kinabahan ako bigla. Yung ngiti na yun hindi maganda.
“Alam mo.. let’s go out tonight.” Sabi nya.
Napakurap ako.
“Ha?”
“Bar. Tonight.” Diretsong sabi niya. Napahawak ako sa noo ko.
“Lar-”
“Don’t ‘Lara’ me,” Sabi niya habang nakataas ang daliri niya na parang nagle-lecture. “Wala tayong pasok bukas.”
Napaisip ako sandali. Actually.. tama siya.
“Isa pa,” Dagdag niya, “nag-chat na ako kay Hana sa GC. Maaga rin daw siya makakauwi.”
Napabuntong-hininga ako. I already know where this is going.
“So?” Tanong niya.
“So…” Sagot ko. Ngumiti siya nang malaki.
“So party?” Sabi nya. Napatawa ako nang mahina.
“Fine.”
“YES!” Sigaw niya habang nagtaas ng kamay na parang nanalo sa lottery.
“Pero,” Dagdag ko, “matutulog muna ako.” Tumango siya agad.
“Go te.”
“Pero make sure magigising ka bandang 8 PM.”
“Why 8?”
“Para makapag-ready tayo pumarty.” Sabi nya sabay balik sa sofa. Napailing ako.
“Lara..”
“Discipline yan. Party discipline.” Sabi nya. Napatawa na lang ako.
“Copy, bossing.”
Ngumisi siya. “Good.”
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kwarto ko, narinig ko pa siyang sumigaw mula sa sala.
“Amor!”
Napalingon ako.
“Ha?”
Ngumisi siya ulit.
“Dapat maganda suotin mo mamaya.”
Napailing ako habang napapangiti.
“Kung hindi ako tatamarin magbihis,” Sabi ko bago isara ang pinto.
Pagpasok ko sa kwarto ko, agad akong nahiga sa kama. Tahimik ang paligid. Relaxing. Pumikit ako sandali.
Pero bago ako tuluyang makatulog may isang mukha na pumasok ulit sa isip ko.
Si Miss Walls. Yung mga mata niya kanina.
Napabuntong-hininga ako.
“Everything will be okay…” Murmured ko habang nakapikit. Hindi ko alam kung para sa kanya yun o para sa sarili ko.
Pagkatapos nun unti-unti na akong nakatulog.
AFTER A FEW HOURS
Maingay ang buong bar. Hindi yung simpleng ingay lang. Yung tipong kahit nasa private room kami nila Lara at Hana, ramdam pa rin yung bass ng music mula sa labas.
“SHOT!” Sigaw ni Hana habang hawak ang baso.
“Relax ka lang,” Sabi ni Lara habang tumatawa. “Hindi ito drinking contest.”
“Hindi naman!” Sagot ni Hana. “Celebration lang na wala tayong pasok bukas!”
Napailing ako habang nakaupo sa couch. Typical night with them. Chaotic.
“Amor!” Tawag ni Lara. Napatingin ako sa kanya.
“Hmm?”
Ngumisi siya. “Let’s go dance outside.”
Napakunot noo ko.
“Outside?”
“Oo,” Sabi ni Hana habang tumatayo na. “Mas masaya dun! Maraming tao!”
Napailing agad ako.
“Pass.”
“Ay wow,” Sabi ni Hana. “Madam introvert.”
“Hindi introvert,” Sagot ko. “Hindi lang ako mahilig makipagsiksikan sa dance floor.”
“Arte,” Sabi ni Lara habang tumatawa.
Tumayo na silang dalawa.
“Come on!” Sabi ni Hana habang hinihila si Lara palabas. Lumingon si Lara sa akin bago sila tuluyang umalis.
“Sumunod ka ha!” Sabi nya. Nag-salute ako nang pabiro.
“Yes ma’am.”
Pagkaalis nila, napabuntong hininga ako. Tahimik na ulit ang room. At honestly… mas gusto ko yun.
After a few minutes, tumayo ako.
“Fresh air muna.”
Lumabas ako ng private room at dumaan sa hallway ng bar. Hindi ako dumiretso sa dance floor. Sa halip, napansin ko ang isang maliit na garden area sa labas bago kami pumasok kanina kaya dun ako pupunta.
Tahimik. Dim ang ilaw. Maliwanag ang buwan sa langit.
Lumabas ako doon. Agad kong naramdaman ang malamig na hangin.
“Ah..” Mas peaceful. Mas tahimik.
Lumakad ako nang kaunti habang nakatingin sa buwan. Hindi ko napansin kung gaano katagal akong nakatayo doon. Hanggang may narinig akong kaluskos.
Napahinto ako.
“H-Hello?” Tahimik. Tumingin ako sa paligid pero walang tao.
“Baka pusa lang..” Bulong ko sa sarili ko.
Pero bigla ulit may narinig. Mas malapit. Napakagat ako sa labi.
“Okay, nope.” Mabilis akong tumalikod para bumalik sa loob.
Naglakad ako pabalik One step. Two steps. Three sa pang-apat na hakbang bumangga ako sa isang tao.
“Ah-!” Napaatras ako nang kaunti.
“Sorry!” Sabi ko.
Pagtingala ko parang huminto ang mundo ko. Si Miss Walls. Nanlaki ang mata ko. Pero hindi yun ang pinaka-nagulat ako.
Suot niya ang isang eleganteng Red dress. Simple pero sobrang bagay sa kanya. Ang buhok niya ay bahagyang magulo, at ang ilaw mula sa paligid ay tumatama sa mukha niya.
For the first time nakikita ko siya na hindi naka-formal office attire.
And God. She looked Gorgeous.
Hindi pa ako makabawi sa gulat nang makita siya. Bigla niya akong hinalikan mariin at walang babala. Ilang segundo akong natigilan, hindi makagalaw, para bang tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon.
Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ako papunta sa hotel, na nasa tapat lang ng bar.
“Miss Walls-” Hindi ko natapos ang sasabihin ko.
Bago pa kami makapasok sa elevator, hinawakan niya ang collar ng shirt ko at hinila ako palapit ulit.
At hinalikan.
Mas matagal. Mas madiin.
“Miss-”
“Call me by my name, stupid.”
Napakurap ako. na stupid panga.
Hindi ko na maalala kung paano kami nakarating sa kwarto. Ang alam ko lang… nasa kama na kami.
At ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin. First time ko to.
“C-Celes-” Hindi ako sigurado kung tama ang tawag ko. Napatingin siya sa akin.
“What?” medyo naiirita ang tono niya.
Napakagat labi ako.
“Di ko alam ang gagawin ko.” Halos pabulong kong sabi. Sandali siyang natahimik. Tapos ngumiti siya.
Hindi yung normal na ngiti. Yung slow, confident smirk na parang alam niya na kontrolado niya ang buong sitwasyon.
“Let me handle this for you, baby.”
Mahina pero seducing ang boses niya. Napalunok ako. Unti-unti siyang umupo sa ibabaw ng tuhod ko.
Napaupo rin ako habang nakatitig lang sa kanya. Ang ilaw ng kwarto ay dim lang, pero sapat para makita ko bawat detalye ng mukha niya.
Yung buhok niyang bahagyang magulo.
Yung mga mata niyang mabigat dahil sa alak. At yung paraan ng pagtingin niya sa akin parang ako lang ang nakikita niya sa mundo.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang laylayan ng tshirt ko. Hinila pataas. Napasinghap ako nang bahagya. Hanggang sa tuluyan niyang naalis. Bra na lang ang natira sa akin sabay tulak sa akin pahiga. Tumigil siya sandali. Tumingin sa akin na parang may hinihintay.
Permission?
Kaya kong tumanggi. Pwede kong sabihin na stop. Pero hindi ko ginawa. Dahan dahan akong tumango. Ngumiti siya ulit.
“Good girl.”
Parang may dumaloy na init sa buong katawan ko nang marinig ko yon. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang inilapag sa gilid ng ulo ko sa kama. Hindi siya marahas. Pero may authority sa bawat galaw niya.
Marahan niyang binuksan ang zipper ng pants ko, kasama na rin ang underwear ko. Tumingin siya sandali pababa, at sa isang iglap, parang may dumaan na kakaibang expression sa mukha niya.
Hindi ko alam kung tama ang nakita ko pero parang.. Disappointment?
Napakunot noo ako.
“Miss Celestine.” Mahina kong tawag.
Tumingin siya ulit sa akin.
“Emery,” Sabi niya. Napaisip ako, second name niya yun, gusto niya tawagin ko siya sa second name niya.
Huminga ako nang malalim.
“First time ko pa,” Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
Pero narinig niya. Lumapit siya. Sobrang lapit. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko nang bumulong siya…
“We can work things out, baby.”
Dahan-dahan siyang umatras para makita ulit ang mukha ko. Then she whispered
“Devour me.”
At bago pa ako makapagsalita ulit hinalikan niya ako. Mas marahan kaysa kanina. Mas malalim. Parang wala nang bukas.
Parang huminto ang mundo ko sa sandaling iyon. Hindi ako agad nakagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya, sa mga mata niyang parang alam na alam kung ano ang ginagawa niya sa akin.
“Miss-” Naputol ang salita ko.
Ngumiti siya nang bahagya. Yung tipong ngiti na parang may lihim.
“Emery,” Mahinahon niyang ulit. “I told you.”
Nilunok ko ang kaba sa lalamunan ko. Ramdam ko ang init ng mukha ko, pati ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko.
“Hindi ko alam kung…” Mahina kong sabi.
Hindi niya ako pinatapos.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang baba ko, katulad ng ginawa niya kanina. Marahan. Parang ayaw niya akong takutin.
“Hey,” Bulong niya. “Look at me.”
Napilitan akong tumingin sa kanya.
Mas lumapit siya. Halos magdikit na ang noo namin.
“First time mo,” Sabi niya, parang kinukumpirma lang. Walang panghuhusga sa boses niya. “That’s okay.”
Hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko kung saan mainit pa rin.
“Hindi tayo nagmamadali,” Dagdag niya. “You hear me?” Tumango ako nang kaunti.
Napakagat labi ako. Ang cute niya palang mag Tagalog o sadyang lasing lang ako?
Sandaling natahimik ang kwarto. Tanging ang mahina naming paghinga lang ang naririnig.
Tapos ngumiti siya ulit yung pilyang ngiti na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
“Pero…” Mahina niyang sabi.
Bahagya siyang yumuko, hanggang sa maramdaman ko ulit ang hininga niya malapit sa tenga ko.
“Kung gusto mo talaga,” Bulong niya, mas mababa ang boses ngayon,
“show me.”
Nanginginig ang mga daliri ko habang dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko, pero dahan-dahan kong pinagpalit ang pwesto namin. She’s now under me.
Nagulat siya nang bahagya.
“Amor-”
Hindi ko siya pinatapos.
Sa unang pagkakataon, ako ang gumalaw. Ako ang lumapit. Napahinto siya, nakatitig lang sa akin. Para bang sinusuri kung hanggang saan ako aabot.
“Akala ko ba first time mo?” Mahina niyang sabi, may halong amusement sa boses. Ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko, pero hindi ako umatras.
“First time,” Bulong ko. “Pero hindi ibig sabihin na hindi ko gustong matuto.”
Sandaling natahimik ang kwarto.
Pagkatapos ngumiti siya.
“Careful, baby,” Sabi niya nang mahina.
Pero bago pa siya makagalaw ulit, ako na ang gumalaw. Dahan-dahan kong ibinaba ang dress niya, at doon ko nakita ang napakaganda niyang balat.
Bahagya kong itinulak ang balikat niya hanggang sa siya naman ang napahiga sa kama. Hindi ko siya pinwersa pero sapat para ipakita na ako naman ang kumukuha ng sandali.
Nagulat siya.
“Look at you,” Bulong niya, may halong tawa sa boses.
Pinagmasdan ko muna siya ang mga mata niyang ngayon ay mas maingat na, mas interesado.
“Emery,” Sabi ko sa wakas.
Sandaling nagulat siya sa paraan ng pagtawag ko sa pangalan niya.
“Hmm?”
“Kanina ikaw ang may control,” Mahina kong sabi.
“Ngayon…” Bulong ko,
“ako naman.”
Napangiti siya ulit pero ngayon, may kakaibang kislap sa mata niya.
“You’re enjoying this,” Sabi niya.
“Maybe,” Sagot ko.
Dahan-dahan akong yumuko hanggang sa halos magdikit na ang mga noo namin. Sandaling nagsalubong ang mga mata namin parehong puno ng kaba at kuryosidad.
Pagkatapos ay marahan kong inilapit ang labi ko sa kanya.
Isang mabagal, maingat na halik.
Hindi nagmamadali. Hindi mapusok.
Pero sapat para maramdaman namin pareho ang init ng sandali. Naramdaman ko ang mahinang paghinga niya laban sa labi ko bago siya bahagyang umatras.
“Mukhang mabilis kang natututo.” Bulong nya. Napakagat ako sa labi ko, ramdam ang init sa pisngi ko.
“Maybe,” Sabi ko ulit.
“Or maybe,” Bulong ko,
“ikaw lang talaga ang magaling na teacher kahit wala ka pang tinuturo." Sabi ko bago siya halikan ulit. This time, mapusok. May diin na parang may gusto akong patunayan.
We kissed each other as if there’s no tomorrow.
“Ughh...” She moan.
Hinalikan ko siya sa labi marahan sa una, parang tinitikman ang sandali.
Dahan-dahan kong ibinaba ang mga halik ko mula sa kanyang labi pababa sa leeg, hanggang sa collarbone niya.
Napapikit siya habang ginagawa ko iyon, at halos marinig ko ang marahan niyang paghinga.
Nagpatuloy ang mga halik ko pababa hanggang marating ko ang bundok ng tralala.
“Amo-” Hindi niya na natuloy tawagin ang pangalan ko. Patuloy lang ako sa ginagawang pagkain sa dibdib nya, ramdam ko yung puso niya.
Hanggang sa bigla na lang, nawala yung kahit anong tunog mula sa kanya.
Pag-angat ko ng tingin, nakapikit na siya.
Tulog? O dinadama lang niya ang bawat sandali? Hindi ako sigurado. Kaya umangat ako ng konti at nakita ko, tulog nga talaga siya.
Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa puson ko.
Sigh…
Na left hanging ako. Si Miss Walls, tulog na, tapos ako stuck dito with all these feelings.
“Great thanks a lot, universe,” Bulong ko sa sarili ko, halakhak na may halong lungkot. “Next time na lang, Amor. Next time.” Akala ko may mga next steps pa pero eto, solo feels na lang.
Humiga ako sa tabi niya. The last thing I knew before I passed out was her hugging me from the side.
At sa sandaling iyon hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos.
Pero isang bagay lang ang sigurado ko.
Pagkatapos ng gabing to wala nang babalik sa dati.