CHAPTER 11 Game!!!

Seraphine's POV:

“Ready ka na?” Tanong ni Hana sa headset habang naglo-load yung multiplayer match sa Firing Range. Napairap ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

“Ready ako. Ikaw ang hindi ready. Last game, nag-panic ka lang tapos nagtatago ka.”

“Strategic retreat yun!” Depensa niya agad.

“Strategic o kaduwagan.”

“Hoy!”

Tumunog ang match start. Sumugod agad ako papunta sa A, dumaan sa gilid at pumasok sa trailer.

“Hana, watch mo Tower. May sniper diyan usually.”

“Copy copy” Sabi niya. Tahimik nang dalawang segundo, biglang

BANG!

“Ay! May sniper nga sa Tower!” Sigaw niya.

Napahinto ako sa loob ng trailer.

“Talaga? Kaya nga sabi ko watch Tower.”

“Hindi ko akalaing may tao agad!”

“Multiplayer to, Hana. Hindi sightseeing.”

Sumilip ako sa gilid ng Wood (Bottom).

May isang enemy na naka-headglitch sa taas ng Wood Top.

“Enemy sa Wood Top,” Sabi ko.

Nag-ADS ako. TAT TAT TAT

Down.

“Nice!” Sigaw ni Hana.

“Isa lang yun. Wag ka agad mag-celebrate.”

Bigla akong nakarinig ng footsteps mula sa Long A, pero di pumasok. Di ako makasilip dahil bawas pa ako.

“Wait… may papasok sa A, baka papunta sa Command,” Sabi ko.

“Push ko?” Tanong ni Hana.

“Push mo.”

“Sure?”

“OO.”

Tatlong segundo.

“Ay wait, wag pala-”

BANG BANG BANG

“Aaaah, patay ako!”

Napahawak ako sa noo.

“Bakit ka pumasok agad?”

“Sabi mo push ko!”

“Sabi ko push mo, hindi suicide mission!”

Nag-respawn si Hana.

“Ay, Amor, may tatlo dito sa Barn!” Panic niya.

“Tatlo?!”

“Oo! Isa sa loob ng Barn, isa sa Container, tsaka may isa sa likod ng target boards sa Range!”

“Okay, chill. Wag ka muna rush.”

“Too late.”

RATATAT

“Ay, patay na naman ako”

“Two seconds, record mo.”

“Hindi yun counted.”

Lumiko ako papunta sa Jungle.

May enemy na tumatakbo galing Mech papunta Tower. Tinamaan ko agad.

TAT TAT

“Eliminated.”

“Nice!” Sabi ni Hana.

“Score ko na 4.”

“Score ko 1.”

“Friendly fire ba yung isa mo?”

“Grabe ka.”

Habang tumatakbo ako pabalik, may lumabas bigla galing Shower Room.

Nagulat ako.

“Ay-”

TATATATAT

Pareho kaming nag-shoot.

Kill notification lumabas.

“Hana sabay kaming namatay.”

“Trade?”

“Trade.”

“Tingnan mo kahit pro ka, namamatay ka din.”

“Hindi ako pro.”

“Edi ano ka?”

“Mas magaling lang sa yo.”

“Hoy!”

Nag-respawn ako sa Defense side.

Biglang may dalawang enemy na lumabas galing Long.

“Contact sa Long!” Sigaw ko.

Nag-slide ako sa gilid ng trailer.

TAT TAT TAT

Isa, down.

“Isa pa!” Sabi ko. Sumilip si Hana bumaril siya.

Miss.

Bumaril ulit.

Miss.

“Ay, bakit ang hirap tumama-” Sabi nya.

Yung enemy, lumingon sa kanya kita ko.

BANG

Patay si Hana. Tahimik siya sa headset.

“Amor?”

“O?”

“Revenge mo ko.”

“Okay.”

Sumilip ulit ako sa trailer corner.

Enemy nagre-reload perfect timing.

TATATAT

Down.

“Revenge secured.”

“YEEES!” Sigaw niya.

“Pero next time, wag ka kasi tumayo sa gitna.”

“Akala ko friendly.”

“Barilan ngani!”

Patuloy lang kami, at nanalo rin.

Lumabas yung scoreboard.

Victory.

“Ay wow top player na naman si Miss Pro.” Sabi nya. Napairap ako kahit hindi niya nakikita.

“Tapos ako second to the last.”

“Hindi ko kasalanan kung naglalakad ka lang sa gitna na parang may field trip.”

“Hoy! Hindi ako naglalakad!” Protesta niya.

“Anong tawag doon sa ginawa mo sa Barn? Tumayo ka sa harap ng kalaban tapos nag-reload ka.”

Tahimik siya sandali.

“tactical mistake.” Sabi nya. Napatawa ako.

“Tactical kabobohan.”

“Grabe ka naman sa teammate mo.”

“Need mo improvement.”

“Grabe ka.” Sabi nya. Tumawa ako habang nag-exit kami sa match.

“Next game, ikaw bahala.”

“Of course, ako na naman.”

“Support role lang ako.”

“Support?” Tanong ko.

“Oo.”

“Ano sinusuportahan mo?”

“Emotional support.” Sabi nya. Kahit hindi ko nakikita alam kong Naka smirk sya. Napatawa ako nang malakas.

“Ano next game?” Tanong ko.

“No, tapos na. Break ko,” Sabi niya.

“GG,” Sabi ni Hana.

“GG,” Sagot ko.

“May gagawin rin pala ako,” Sabi ko habang nagtatanggal ng headset sa isang tenga.

“Anong gagawin mo? Matutulog?” Agad na tanong ni Hana.

“Hindi.”

“Maglalaro ulit ng ibang game?”

“Hindi din.”

“E ano?”

Kinuha ko yung oslo paper ko na nakapatong sa gilid ng desk ko.

“Itutuloy ko drawing ko.”

“Bye muna,” Sabi ko.

“Wait, wait,” Biglang sabi niya.

“Ano?”

“Pag natapos mo send mo sakin, ha?”

“Sa GC?”

“Oo! Para makita din ni Lara.”

“Sure.”

“Promise, ha.”

“Promise.”

Saglit siyang natahimik bago nagsalita ulit.

“Sige na balik na ako sa trabaho.”

“Good luck.”

“Bye, Amor.”

“Bye, Hana.”

Tahimik na ulit ang kwarto.

Umiikot yung lapis sa pagitan ng mga daliri ko habang nag-iisip. Naalala ko bigla yung match namin kanina sa Firing Range si Hana na tumatakbo sa Barn tapos biglang napatay.

Napatawa ako ng mahina.

“Ang gulo mo talaga Hana.” Bulong ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa ginagawa, dinagdagan ko pa ng detail ng mata, kilay, konting shadow sa gilid ng mukha.

Paminsan-minsan, tumitigil ako para umatras ng kaunti at tingnan yung drawing.

Hindi pa perfect.

Erase.

Lumipas halos ang isang oras.

Napahiga ako sandali sa likod ng upuan ko habang hawak ang lapis.

“Done.”

Hindi siya super perfect, pero okay na.

Isang portrait.

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan yung drawing sabay punta sa gc namin.

-LOVE, JOY, HOPE

Group chat namin.

Nag-type ako.

Amor:

Finished.

Mga dalawang segundo lang…

Hana:

WAIT WHAT

Napangiti ako.

Hana:

ANG GANDA??

Lara:

Yo, who is that drawing and who is the drawer?

Nag-uumpisa na naman si Lara.

Amor:

Yan ka na naman.

Dalawang typing bubbles agad lumitaw sa chat.

Hana:

Amor, hindi mo sinabi ganyan ka kagaling.

Amor:

Nakita mo na drawing ko dati, diba?

Hana:

Oo, pero hindi ganyan ka-detailed.

Lara:

Wait, sino yan sa drawing?

Napatingin ako ulit sa drawing ko napangiti ako ng konti bago nag-type.

Amor:

Random lang.

Agad nag-reply si Hana.

Hana:

Random my face. Mukhang may reference ka.

Napailing ako habang nakasandal sa upuan.

Amor:

Bumalik ka na sa trabaho mo.

Hana:

Hoy, wag mo ako utusan.

Lara:

Lmao, boss mo ba si Amor?

Hana:

Oo ata.

Napatawa ako.

Tinabi ko yung drawing ko sa desk habang nagbabasa ng chat. Tahimik ang bahay.

Hindi yung tahimik na relaxing kundi yung tahimik na parang may kulang.

Napatingin ako sa orasan sa dingding.

Usually, ganitong oras nasa kotse pa ako o kaya nasa office na ni Miss Walls, may hawak na kape habang inaayos yung mga files niya.

May meeting, may schedule, at may ginagawa. May dahilan kung bakit ako gumigising nang maaga.

Pero ngayon? Wala.

Nakasandal lang ako sa upuan sa sala habang hawak yung lapis ko, tinititigan yung drawing na nakapatong sa mesa.

Hindi dahil day off ko.

Hindi dahil nag-leave ako.

Hindi dahil late ako.

Kundi dahil…

Hindi na ako nagtatrabaho doon.

Napabuntong-hininga ako.

“Yeah… I got fired.”

Ang weird pa rin sabihin. Parang hanggang ngayon, hindi pa rin nag-sisink in. Ilang araw na rin at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Hindi ako sanay na walang ginagawa. Hindi ako sanay na nasa bahay lang.

Walang nagsasabing:

“Miss Reyes, can you handle this?” Napahiga ako sa sofa habang nakatitig sa kisame.

“Now what?”

Wala. To be honest, kasalanan ko rin naman.

Mabigat ang mga talukap ko nang unti-unti akong magising.

Parang may humahampas na martilyo sa ulo ko sa bawat pintig ng puso ko. Napasinghap ako nang bahagya habang pilit na inaalala kung nasaan ako.

Hindi ito ang kwarto ko.

Hindi ito ang kama ko.

Dahan-dahan akong napamulat ng mata.

Hotel room.

Dim ang ilaw. Bahagyang nakabukas ang kurtina, at may manipis na sinag ng umagang araw na pumapasok sa loob ng kwarto.

At doon ko siya nakita nakatayo siya sa may bintana.

Tahimik.

Nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas, hawak ang isang baso ng tubig. Ang buhok niya ay bahagyang magulo pa rin, at ang dress na suot niya kagabi ay nakalagay na lang ngayon sa isang upuan sa gilid ng kwarto. Nakasuot na siya ng puting blouse at slacks parang handa nang pumasok sa trabaho.

Parang walang nangyari.

Parang normal lang ang lahat.

Napangiti ako nang mahina.

Hindi ko mapigilan.

“Good morning” Mahina kong bati habang inaangat ang sarili ko mula sa kama.

Hindi siya gumalaw. Hindi rin siya sumagot. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin. Akala ko hindi niya ako narinig.

Pero pagkatapos ng ilang segundo nagsalita siya.

“Forget what happened last night.”

Malamig at diretso. Walang kahit anong emosyon sa boses niya. Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa ulo ko.

Napakurap ako.

“Huh?”

Dahan-dahan siyang lumingon.

Ngayon ko lang ulit nakita ang mukha niya nang malinaw. Pero ibang-iba ito sa kagabi wala na yung mabigat na mga mata dahil sa alak. Wala na yung slow smirk. Wala na yung init sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Ang natira na lang…

ay si Miss Walls. Yung boss ko.

“Last night shouldn’t have happened,” Sabi niya habang inaayos ang cuff ng manggas niya. “We were drunk.”

Napakunot ang noo ko habang tuluyang nauupo sa kama.

“Wait…” Sabi ko. “We both wanted that.”

Tahimik siyang tumingin sa akin.

Walang emosyon.

“Doesn’t matter.”

Parang may kumurot sa dibdib ko.

“Why not?” Tanong ko, halos hindi ko na mapigilan ang sarili ko. “You kissed me first.”

Nanahimik siya sandali. Tumingin siya sa akin na parang may tinitimbang sa isip niya. Tapos nagsalita siya ulit.

“Let’s say it wasn’t a mistake.”

Napahinto ako.

“But it was wrong.”

Mas lumamig ang boses niya sa huling salita.

“Wrong in the eyes of others,” Dagdag niya. “And wrong in the eyes of God.”

Parang may kung anong nabasag sa loob ko nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung galit ba ang naramdaman ko o sakit. Napababa ang tingin ko saglit bago ako napatawa nang mahina.

“Ah…” Bulong ko. Napailing ako.

“So tama pala talaga si Hana.” Dagdag ko.

Napatingin siya sa akin. Diretso.

“Homophobic ka.”

Tumigas ang expression niya. Mas lumamig pa ang aura niya kaysa kanina.

“Watch your words.”

Tumayo siya nang tuwid. At doon ko naramdaman ulit yung distansya namin.

Yung pagitan ng boss at empleyado lang.

“I’m your boss,” Sabi niya.

Diretso. Walang pag-aalinlangan.

“And you’re just an assistant.”

Parang may dumaan na matalim na kutsilyo sa dibdib ko. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Yung tawagin niya akong assistant lang o yung paraan ng pagsabi niya na parang wala lang ang nangyari sa amin kagabi.

Napakagat ako sa labi ko.

Hindi ko alam kung saan ako mas masasaktan sa sinabi niyang assistant lang ako o sa katotohanang para sa kanya, pagkakamali lang ang nararamdaman ko.

Lumakad siya papunta sa mesa kung saan nakalagay ang gamit niya.

“Listen carefully,” Sabi niya habang kinukuha ang phone niya. “If you want to keep your job, pretend nothing happened.”

Nanigas ako.

“I’ll ask Stella to transfer-”

“I like you.” Sabi ko.

Naputol ang sasabihin niya. Tahimik ang kwarto. Parang pati hangin tumigil. Napatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon. Siguro dahil pag hindi ko sinabi pagsisisihan ko habang buhay.

“I like you,” Ulit ko, mas malinaw.

Tinitigan niya ako nang matagal.

Walang emosyon. Walang kahit anong sign na naapektuhan siya.

Tapos nagsalita siya.

“I don’t.” Sabi nya mas mabilis pa sa bala ang tama ng dalawang salitang iyon.

“And I don’t think I want to see you again.”

Napangiti ako.

Hindi dahil masaya ako. Kundi dahil kung hindi ako ngingiti baka umiyak ako.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit.

“Prepare a resignation paper.” Sabi nya. Na parang wala lang. Parang simpleng utos lang sa opisina.

“So you can easily find a new job,” Dagdag niya. “It would be questionable if I fire you.”

Hindi ko na narinig ang sumunod

niyang sinabi. Dahil sa puntong iyon pakiramdam ko parang may kung

anong tuluyang nabasag sa loob ko.

Tahimik akong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan siyang kunin ang bag niya. Ni hindi siya lumingon ulit sa akin.

Para bang…

hindi kami naghalikan kagabi.

Para bang…

hindi niya ako tinawag na baby.

Para bang…

hindi niya sinabi na “devour me.”

Huminto siya sa may pinto.

Akala ko lilingon siya.

Akala ko may sasabihin pa siya.

Akala ko kahit konting pagsisisi man lang sa mga mata niya.

Pero wala.

Binuksan niya ang pinto. At bago siya tuluyang lumabas, sandali siyang huminto. Hindi pa rin siya lumilingon sa akin.

“I will send you a check,” Sabi niya, malamig pa rin ang boses niya. “For your salary this month and the next two months.”

Napapikit ako sandali. Parang may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib ko.

“I think that would be enough time for you to find a new job,” Sabi niya bago isara ang pinto.

Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa kisame.

“Wow” Mahina kong bulong sa sarili ko.

“Ang galing mo, Amor.” Napapikit ako.

Dahil ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng lahat.

“First kiss…” Napatawa ako nang mapait.

“First heartbreak.”

Unti-unting tumulo ang luha ko.

Habang nakatulala, biglang may nag-notify.

Lara: Hindi ako makaka-uwi nang maaga. Pwede bang ikaw na lang muna ang pumunta sa grocery para sa kailangan natin sa bahay?

Napabuntong-hininga ako.

“Of course. Why not?”

Hindi ko talaga feel lumabas, pero wala rin akong choice. Kailangan ko rin ng distraction. Dahan-dahan akong bumangon, kinuha ang damit ko, at nagmaneho papunta sa pinakamalapit na grocery store.

Pagpasok ko sa grocery, medyo tahimik.

Isa-isa kong hinanap yung mga kailangan. Hanggang sa nakita ko siya.

Si Elena.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko.

Parang sabay kaming nagulat nang magtama ang mga mata namin. Pero mas napako ang tingin ko sa hawak niya.

Isang bulaklak.

“Hi,” Sabi ko, pilit inaayos ang boses ko.

“Hi,” Sagot niya, may bahagyang ngiti. “Buying some stuff?”

“Ow, yeah,” Mahina kong sabi, napatingin saglit sa bulaklak bago umiwas. “Namimili ka rin?”

“Oo parang ganun.”

Sandaling katahimikan.

Hindi naman nakakailang pero hindi rin komportable. Dalawang beses pa lang kaming nagkikita, pero parang matagal na naming kilala ang isa’t isa.

“Hindi ka pa kumakain?” Tanong niya.

Nag-alangan ako.

“Hindi pa.”

“Halika,” Sabi niya. “May malapit na kainan.”

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Pero sumama ako pumunta kami sa malapit na kainan.

Nagkaharap kami ni Elena sa maliit na table.

Kakaupo pa lang namin, pero parang ang dami nang gustong sabihin ng katahimikan buti nalang Kalaunan naging maingay sya Kung anu-ano lang pinag-uusapan namin mga simpleng bagay, walang lalim.

May mga sandali na parang mapupunta na sa mas seryosong usapan hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag-umpisa akong magkwento.

I don’t know why but I feel comfortable towards her.

“Alam mo, Elena sobrang gulo ng life ko ngayon,” Sabi ko.

Ngumiti siya.

“Don’t worry, Amor. Kung may kailangan ka, kung need mo ng work, tawagan mo lang ako or I can be your ate.”

“Thank you” Sabi ko. Di ko pa kaya sabihin sakanya lahat pero nabanggit kona kanina na wala na akong trabaho.

“So” Sabi niya habang inaabot yung menu. “Ikaw yung tipo ng tao na naggo-grocery tapos walang plano?”

Napatingin ako sa kanya.

“Excuse me? May plano ako.”

“Talaga?” tinaas niya ang kilay.

“Oo. Bibili ako ng pagkain.”

Napatawa siya.

“Wow. Very specific.”

“Grabe ka naman,” Sabi ko habang kumukuha ng tubig. “Ikaw nga may hawak pang bulaklak sa grocery. Anong plano mo doon?”

Napatingin siya sa hawak niya, saka ngumiti.

“Backup personality.”

“Ha?”

“Pag hindi ako interesting, at least may bulaklak ako.”

Napatawa ako nang malakas si Elena yung tipo ng tao na pinapayagan ang loob ng mga tao sa paligid nya.

“Hindi ka naman boring.”

“Hindi ka sure,” Sagot niya agad. “Baka mamaya bigla na lang akong magkwento tungkol sa tax.”

“Okay, never mind. Medyo boring nga.”

“Hoy!”

Pareho kaming natawa.

Lumapit yung waiter.

“Order na po kayo?”

Napatingin ako kay Elena.

“Ikaw muna.”

“Hmm” Tumingin siya sa menu. “Ano ba masarap dito?”

“Hindi ko alam. First time ko dito.”

“So pareho tayong clueless?”

“Oo.”

“Nice. Adventure.”

“Sa pagkain?”

“Oo. Worst case, pareho tayong magsisisi.”

“Comforting.”

“Right?”

Napailing ako habang napapangiti.

“Sige, yung chicken na lang.”

“Same.”

Pag-alis ng waiter, sumandal siya nang bahagya sa upuan at tinitigan ako.

“So Amor.”

“Hmm?”

“Honest question.”

Kinabahan ako bigla.

“Bakit parang ang lungkot ng mata mo kanina sa grocery?”

Napahinto ako.

“Grabe ka naman. Ganun agad napansin mo?”

“Halata nohh isa pa, Observant ako.” Sabi nya.

“Or judgmental.” Dagdag ko.

“Pwede din.”

Napatawa ako nang mahina.

“Medyo magulo lang talaga ngayon.”

“Alam ko, pero hindi mo pa sinasabi ang dahilan. Boy problem?”

“Hindi.”

“Girl problem?”

Tahimik ako sandali.

Tumaas yung kilay niya.

“Ay meron nga.”

“Hoy!” Napatawa ako.

“Grabe ka, ang bilis mo mag-connect.”

“Experience.”

“Wow.”

“Joke lang.” Sabi nya. Napailing ako habang nakangiti.

“Hindi ko nga alam kung anong problema ko eh.”

“Okay lang yan,” Sabi niya. “At least aware ka na may problema ka.”

“Salamat ha.”

“Welcome.”

Sandaling katahimikan ulit. Mas comfortable. Bigla siyang ngumiti.

“Alam mo, Amor”

“Ano?”

“Kung sad ka”

“Ano?”

“Libre mo na lang ako.” Sabi nya.

Napatingin ako sa kanya, gulat.

“Ha?”

“Tingin ko makakatulong yun sa healing mo.”

Napatawa ako nang malakas.

“Grabe ka talaga.”

“Supportive ako eh.”

“Emotional support?”

“Financial support mo ako.”

“Baliktad.”

“Ganun talaga.”

Napailing ako habang tumatawa.

“Ang kapal mo.”

“Pero natawa ka.”

“Oo.”

“See? Effective.”

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. For the first time in days gumaan yung pakiramdam ko.

Nag-usap kami habang kumakain. Simple lang, pero relaxing. Gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkatapos naming kumain, sabay kaming lumabas ng restaurant. Hindi magkasama pero iisa ang direksyon.

Sabay kami papunta sa elevator.

Nagpapalitan kami ng ilang jokes.

Biglang bumukas ang elevator door

At nandoon siya.

Si Miss Walls.

Tahimik. Nakatayo sa tabi ng bago niyang assistant.

Tumingin siya sa akin.

Tumingin siya kay Elena.

Tumingin siya sa bulaklak.

Parang may iniisip.

Parang may naaalala.

Parang may story na binubuo sa isip niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng tension. Matinding tension.

Pumasok kami ni Elena sa elevator.

Biglang naging sweet siya sa akin.

Parang gusto niyang patunayan ang isang bagay o baka may pinaparamdam siya. Hindi ko na lang pinansin ang iniisip ko.

“I’ll see you tomorrow?” Sabi niya, sabay titig sa akin na parang sinasabing umoo na lang ako.

“Sure,” Sagot ko, ngumiti.

Kahit hindi sigurado kung ano ang tinutukoy nya dahil wala naman kaming usapan.

“Salamat pala sa bulaklak,” Sabi niya, medyo malambing.

Parang tumigil ang mundo ko sa sandaling yun. Hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako. Ang daming emosyon sa huli mas pinili ko nalang ang manahimik.

Lumabas kami sa elevator, papunta sa parking. Pakiramdam ko sumusunod sa likod namin si Miss Walls at ang assistant niya.

Rinig ko ang mga takong nila.

Na aamoy ko ang pabango niya.

Ramdam ko ang presensya niya.

Nagbuntong-hininga ako.

Hinatid ko si Elena sa sasakyan niya.

After saying goodbye, sumakay na rin ako sa sarili kong sasakyan. Napatingin ako sa gawi ni Miss Walls at nakita ko siyang nakatingin sa kotse ko. Pero bigla rin niyang iniwas ang tingin niya.

Umalis na rin ako.

Hanggang sa makarating ako sa bahay siya pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Pero ramdam ko hindi pa tapos ang kwento namin.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.