CHAPTER 13 Englishers

Seraphine's POV:

Maaga akong nagising.

Hindi dahil sa alarm ko kundi dahil hindi na ako nakatulog. Nakatingin lang ako sa kisame, paulit-ulit iniisip kung anong sasabihin ko kay Miss Walls. Ilang beses ko nang nire-rehearse sa utak ko pero wala pa ring sense.

Napabuntong-hininga ako bago bumangon.

“Okay… kaya mo to, Amor,” Bulong ko sa sarili habang papunta sa salamin. Huminga ako ng malalim at tumayo ng diretso.

“Good morning, Miss Walls. I-”

Napahinto ako, sabay umiling.

“Good morning, Miss Walls. I would like to-” Napangiwi ako.

“Ang formal ng mukha!” Napahawak ako sa noo ko.

“Ano ba kasi sasabihin ko?!” Tumayo ako ulit, mas seryoso.

“Miss Wall, tungkol po sa-”

Bigla akong naputol nang—

“GOOD MORNING, LOSER!” Napatalon ako sa gulat. Sino pa ba? Wala nang iba kundi si Lara.

“ANONG-?!” Napasigaw ako at napahawak sa dibdib ko. Ngumisi naman siya na parang nagyayabang

why?

Well, natalo niya ako sa 1v1 namin sa laro. Nasa pintuan siya, nakangisi at sa likod niya si Hana, nakasandal sa frame ng pinto, hawak ang kape.

“Practice ka nanaman?” Tanong ni Hana, halatang amused.

“Grabe ka, halos atakihin na ako!” Inis kong sabi.

“Eh ang funny mo eh,” Sagot niya. Pumasok pa sa kwarto ko na parang kanya.

“Anong ginagawa mo?” Tanong niya habang ginagaya ako sa salamin. “Good morning, Miss Wall~” Sabay arte.

“Hoy! Tumigil ka nga!” Tinulak ko siya palayo.

Nakaupo si Hana sa kama ko, tahimik lang na nanonood. “Alam mo, mas nakakatawa ka pag kinakabahan ka.”

“Salamat ha! sa support system,” Sarkastiko kong sagot.

“Relax ka lang,” Sabi niya, sabay inom ng kape. “Hindi ka naman kakainin nun.”

Sumimangot ako.

“Hindi ka sure,” Sabi ko. Napatigil ako kasi di ko rin inaasahang sabihin yon. Biglang sumingit si Lara.

“Kung kakainin ka man… sana all.”

“Sira ka ba?!” Hinampas ko siya ng unan.

“AY! VIOLENCE!” Sigaw niya habang tumatawa.

Naging magulo na naman ang kwarto- may unan na lumilipad, may sumisigaw, may tumatawa. Typical morning with them. Napahinto lang kami nung napatingin si Hana sa oras.

“Amor.”

“Oh?”

“You’re gonna be late,” Sabi niya. Napatingin ako sa orasan.

“…AY PUT-” Nataranta ako agad. “Bakit ngayon mo lang sinabi?!”

“Mas entertaining kasi yung panic mo,” Natatawa niyang sabi.

“Mamamatay ka talaga sakin,” Sabi ko habang nagmamadaling kumuha ng damit.

Ilang minuto lang, nakaayos na ako medyo hindi ganun kaayos pero goods na. Huminga ako ng malalim sa harap ng salamin.

“Okay… kaya ko to,” Sabi ko. Sa likod ko, naka-cross arms si Lara.

“Hindi mo kaya,” Sabi niya.

“Shut up,” Sagot ko, sabay irap.

Si Hana naman, nakangiti lang.

“Good luck,” Sabi niya. Napabuntong-hininga ako.

“Kahit ano mangyari bahala na,” Sabi ko.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto, pero bago ako tuluyang umalis

“Amor,” Tawag ni Hana. Lumingon ako.

“Don’t overthink,” Sabi niya.

Tumango lang ako. “I’ll try.”

“Try mo lang,” Dagdag ni Lara. “Kasi fail ka naman usually.”

“LARA—!”

Tumatawa sila habang lumalabas ako ng bahay. Rinig ko pa rin ang panggagaya sakin ni Lara at ang tawanan nila. Napailing na lang ako at napangiti.

A FEW MINUTES LATER

Habang naglalakad papunta sa building bumibilis ulit yung tibok ng puso ko.

“Good morning, Miss Walls” Bulong ko sa sarili. Napahawak ako sa bag ko.

“Okay, kaya mo to, Amor.”

Pagdating ko sa entrance, doon pa lang… gusto ko nang umatras.

Literal.

Nakatayo ako sa harap ng entrance, hawak yung bag ko na parabang lifeline.

“Okay, kaya mo to,” Bulong ko uli sa sarili ko. “Professional ka. Mature. Hindi ka magpa-panic.” Huminga ako ng malalim, sabay pumasok. Tatlong hakbang pa lang—

“DUDE KO!!!” Sigaw ng bata. Napalingon ako. At nakita ko si Collie tumatakbo papunta sakin na parang may hinahabol na libreng pagkain.

“Wait--Collie-wag--!”

BAM!

“OOF-!”

Diretso siyang tumalon sakin, sabay yakap agad.

“Miss na miss po kita!” Halos isigaw niya, at parang koala na nakakapit sakin.

“Collie--teka--hindi ako makahinga-!” Pilit kong tinatanggal siya pero mas lalo lang siyang kumapit.

“Mwah! Mwah! Mwah!” Sunod-sunod na halik sa pisngi ko.

“HOY--PUBLIC PLACE TO-!” Napatawa na lang ako habang umiilag.

“Sorry po,” Sabi niya. pero hindi tumigil.

“Mwah ulit---”

“COLLIE!”

“Last na po--mwah!”

“…Hindi yon last!”

“Promise po, last na po talaga-mwah--ay, nadagdagan po,” Sabi niya sabay hagikgik. Napailing ako dahil yung huling halik niya sa lips tumama.

“Grabe ka.”

“Ilang araw po kitang hindi nakita eh,” Sabi niya, nakapout.

“Magdadalawang linggo lang yon.”

“Ang tagal po nun para sakin,” Sagot niya, sobrang dramatic na parang teleserye para siyang pinagsamang Lara at Hana.

“Arte mo.”

“Mana po ako sayo,” Proud niyang sabi.

“Excuse me?”

“Diba po nagpa-practice ka sa salamin?” Sabi niya sabay taas kilay. Napatigil ako.

“Paano mo nalaman?” Nagtataka kong tanong. Ngumiti siya ulit yung ngiting may mapang-asar na tingin.

“Narinig ko po dati. Sabi mo pa, ‘Good morning, Miss Wall--’ tapos biglang ‘ay ang stiff! Meron pa po sabi mo pano ibibigay yung cupcake tapos--” Tuloy-tuloy niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bunganga niya.

“Psst, tama na--isa pa, pinakinggan mo yon?!”

“Opo.”

“Stalker ka ba?!”

“Para sayo po, opo.”

“Kadiri.”

“Mas kadiri ka po, you talk to yourself like a crazy woman.”

“HOY!” Sabi ko. Masakit yun ah… pero true. Pareho kaming natawa. Napailing na lang ako.

Grabe tong batang to.

“Okay, makinig ka,” Sabi ko, pilit bumabalik sa pagiging seryoso. “Stay ka lang dito, ha? Kakausapin ko yung CEO.”

“Ayaw po, baka di po ulit kita makita,” Sabi niya. Mas lalong kumapit.

“Dadaanan kita dito, kakausapin ko lang yung boss madam,” Sabi ko, pagsisigurado sa kanya. Bumaba naman siya.

“Ahh…” Tumango siya. Akala ko tapos na.

“Samahan na lang po kita, please,” Sabi niya. ayan na naman siya sa bulol niyang “please.”

“Ano?! Hindi pwede!”

“Bakit po?”

“Formal to, Collie!”

“Formal din naman po ako,” Sagot niya, sabay straight ng postura tapos biglang naglakad na parang runway model.

“Good morning po, Ma’am. I am Collie cutie, nice to meet you po,” Sabay bow na OA.

“Tumigil ka nga!” Natatawa kong hinila siya pabalik.

“See? Professional po ako, please,” Sabi niya, sabay ipit ng stuff toy sa kili-kili at pinag-dikit ang dalawang palad.

“Hindi yan professional, nakakahiya yan!”

“Hindi naman po ako nakakahiya… cute po ako,” Proud niyang sabi.

“Sino nagsabi?”

“Ako po at sabi ng girls ko,” May ngisi niyang sabi.

Napapaisip talaga ako. Well, hindi ko naman masasabi just by feeling it, pero kasi una pa lang ramdam ko na parang ako siya, siya ako, o si Hana ahh basta alam mo na, kasi ganun ka rin, ganun rin sila. Aminin, kaya nga binabasa mo to.

“Hindi ka sasama,” Ulit ko, sabay cross arms.

“Kilala ko naman po yung CEO,” Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

“Alam ko.”

“Opo.”

“Anong opo’??”

Ngumiti siya. “Basta po.”

“Collie”

“Trust me po,” Sabi niya, biglang seryoso pero may konting ngiti pa rin. Napabuntong-hininga ako.

“Fine. Pero behave ka.”

“Opo.”

“…Promise?”

“Opo.”

“…Sigurado?”

“Opo--medyo po.”

“COLLIE”

“Joke lang po! Promise po talaga!”

Hindi ako convinced pero sinama ko pa rin siya.

Nasa elevator kami paakyat ng 25th floor.

Tahimik. Nag-iisip pa rin ako ng mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ang gagawin ko lang naman ay ang tumanggi.

“Kinakabahan ka po?” Tanong niya.

“Hindi,” Sagot ko agad.

“Sinungaling ka po.”

“Shut up muna, Collie,” Linambutan ko ang pagkakasabi, baka isipin niya galit ako.

“Okay po,” Sabi niya, sabay kapit sa manggas ng damit ko na parang konting galaw of bitaw nya mawawala agad ako.

Ilang segundo lang.

“…Bakit ka tahimik?” Tanong ko.

“Sabi mo po shut up.”

Napapikit ako. “Hindi ganon yon--”

“Opo.”

“Collie…”

“Opo.”

“Wag ka mag ‘opo’ sa lahat!”

“Opo.”

“Hyst,” Natawa nalang ako kahit kinakabahan.

TING.

Bumukas ang elevator. Paglabas namin, parang ibang mundo—tahimik, malinis, nakakatakot.

“Ang fancy po no,” Bulong ni Collie.

“Behave,” Bulong ko pabalik.

“Opo,” Sabi niya this time mahina.

Naglakad kami papunta sa office ni Miss Stella. Huminto ako sa harap ng pinto. Huminga ng malalim.

Kumatok.

“Come in,” Sabi ni Miss Stella. Hindi na ako nagdalawang-isip at binuksan ang pinto.

“Oww, thank God you’re here. Kanina pa siya naghihintay,” Dire-diretso niyang sabi, sabay napatingin kay Collie.

“Ahh, Mis--” Magsasalita pa lang sana ako nang—

“Miss Stella,” Singit ni Collie.

Napatanga ako kasi yung tunog ng pagkakasabi niya parang mas matanda pa siya. Pagkalingon ko, bahagyang namula ang mukha ni Miss Stella.

…Wait, WHAT?

“Hi, cute. How are you?” Mahinhin niyang sagot, pero grabe ang ngiti—tila ba pag hindi siya ngumiti, matatanggalan siya ng trabaho.

“I’m good po,” Sagot ni Collie. “Can we go to the CEO office po?” Sabi niya. Parang sanay na sanay. Napakunot noo ko.

“Wow… diretso agad?” Bulong ko.

“Business po,” Sagot niya, taas noo.

“Sure, kiddo,” Sabi ni Miss Stella. Napasimangot si Collie.

“I’m not kiddo po,” Sabi niya, naka-cross arms.

“Ah yeah--right, sorry,” Pigil ang tawa ni Miss Stella. “Miss… Collie?”

“Good,” Sagot niya, parang pinagbigyan lang.

“Arte mo,” Bulong ko.

“Opo,” Sagot niya, proud. Napailing na lang ako.

“By the way,” Biglang sabi ni Miss Stella habang naglalakad kami, “ang charming mo naman, Collie.”

“I know po,” Sagot niya, sabay ngiti.

“Tigilan mo nga yan,” Bulong ko.

“Jealous ka po?” Balik niya agad.

“Hindi!”

“Okay po,” Pero halatang hindi siya naniniwala. Napahawak ako sa noo ko.

“Right, let’s go,” Sabi ni Miss Stella.

Nang makarating kami sa office ni Miss Walls, si Miss Stella na rin ang nagbukas ng pinto. Pagpasok namin—

Napatigil ako.

Nandoon si Miss Walls… nagbabasa ng mga documents. Kalmado. Tahimik. Parang walang pakialam sa mundo.

Wala namang bago.

Pero bago pa ako makapag-react—

“--MOMMY!!!”

“COLLIE--WAIT--!” Sigaw ko. Pero huli na.

Tumakbo siya diretso kay Ms. Walls. Sabay hug.

“Thank you po, Mommy! Thank you po, so much! Thank you po talaga!”

Sunod-sunod niyang sabi, halos maiyak sa saya. Hinalikan niya pa ito—diretso.

Nanlaki ang mga mata ko.

…Mommy?

…Hug?

…Kiss sa lips??

Teka, hinalikan niya rin ako kanina. Saglit akong napaisip. Salop ‘yon… so technically, nag indirect kiss kami ni Miss Walls?!

Bigla akong napatulala.

Tumawa si Miss Walls, yung mahinhin lang, kaya napabalik ako sa ulirat.

“Wait, baby, nakikiliti ako,” Sabi niya, bago niya hinaplos ang ulo ni Collie.

“Calm down.” Simple. Pero may lambot.

Mas lalo akong nalito kasi diba ang mama ni Collie at si—ahh basta.

Tumingin siya sakin.

“Miss Reyes,” Tawag niya. Bigla akong tumuwid.

“Good morning, Ma’am.”

“Sit.”

Agad akong sumunod. Si Collie, kapit pa rin sa kanya, parang ayaw bumitaw. Napabuntong-hininga si Miss Walls.

“Collie.”

“Yes po, Mommy?” Sabi niya. Napakurap ako ulit. Hindi ako makapaniwala.

“We still have a negotiation to discuss,” Sabi niya, na parabang ka business partner nya kausap nya“With Miss Reyes.”

“Yes po.”

“Collie,” Dagdag niya, this time mas firm.

“po?”

“Can you wait outside first?”

Biglang natahimik si Collie.

“Pero po-”

“Outside,” Sabi niya. Hindi galit. Pero hindi pwedeng kontrahin.

“…Opo,” Mahina niyang sagot.

Bumitaw siya… dahan-dahan, parang batang hindi nabigyan ng kendi. Pumunta siya sa sofa at kinuha ang stuff toy niya, at tamad itong hinila. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

Pero bago siya lumabas, lumingon siya sakin at ngumiti.

“Good luck po. She won’t eat you po, don’t be scared,” Bulong niya, kahit rinig naman ng mommy niya.

“Collie,” Sabi ni Miss Walls, this time may authority. Nag-peace sign naman ito.

Click.

Pagkasara ng pinto, parang biglang lumiit yung office. Ang bigat ng katahimikan yung tipong kahit huminga ka parang ang ingay na. Ang bigat ng katahimikan. Tumingin si Ms. Wall sakin mas seryoso, mas malamig.

“Now, Miss Reyes…”

Napalunok ako. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko habang nakaupo sa harap niya. Ramdam ko yung lamig ng aircon, pero mas malamig yung tingin ni Ms. Wall.

Diretso. Matindi. Nakakatunaw

“Y-Yes, Ma’am?”

Ilang segundo siyang tahimik, tinitigan lang ako. Parang sinusukat ako kung kaya ko ba to o hindi.

Gusto ko magsalita.

Gusto ko mag-joke.

Gusto ko tumakbo.

Pero wala akong ginawa. Umupo lang ako ng tahimik. Tapos bigla—

“I want you back.”

“Ha?” Sabi ko, napakurap ako.

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko.

“I want you back in the company,” Ulit niya, kalmado. Walang emosyon. Pero ramdam mo seryoso.

“Ma’am, I--”

“I’ll double your salary.”

Napatigil ako.

“Ha?”

“I can triple it if needed.”

Mas lalo akong napatigil.

“Ma’am, wait lang po--”

“A house,” Dagdag niya, parang nagli-list lang ng groceries. “If that’s what you want.”

Nanlaki mata ko.

“House?!”

“Fully furnished.”

“May aircon po ba?” Napalabas na lang sa bibig ko. Saglit siyang tumingin sakin.

“Yes.”

“Inverter?”

“Yes, Miss Reyes. I’m not joking,” Sabi niya, medyo seryoso. Napapikit ako saglit. Lord, sinusubok mo ba ako?

“I can give you anything,” Dagdag niya. “Name it.”

Tahimik ulit. Tumingin siya sakin mas matalim parang sinasabing name your price.

“So… what will it take for you to come back?” Tanong niya. Napakamot ako sa ulo ko, halatang hindi na kinakaya ng utak ko.

“Ma’am… pwede po ba condo na may view?” Tanong ko, sabay awkward na tawa.

“Yes,” Sabi niya. Nagulat naman ako kasi nagbiro lang talaga ako.

“May Netflix na po?”

“Yes.”

“May kasama pong free emotional stability?” Tanong ko. Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako.

“No. Just like I said, I’m not joking.”

“Sayang,” Bulong ko. Tapos napabuntong-hininga ako. Ngumiti ng konti pampagaan ng sitwasyon.

“Ma’am” Tumingin siya sakin. Mas kalmado na ako. Mas buo.

“Thank you po. Sobra.” Sabi ko.

Tahimik lang siyang nakatingin.

“But no.”

Two words lang. Diretso at final.

Bahagyang nagbago ang expression niya halos hindi mo mapapansin, pero kitang-kita ko bawat galaw niya.

“You’re refusing?”

“Opo.”

“Even after everything I offered?”

“Opo.”

Napahigpit ulit ang hawak ko sa bag ko.

“Hindi po kasi yun yung dahilan kung bakit ako umalis at hindi rin yun yung dahilan para bumalik ako.”

Tahimik. Mas mabigat. Pero this time… hindi na ako natatakot. Tinitigan niya lang ako. Matagal. Parang may hinahanap sa sagot ko.

“So what do you want, Miss Reyes?”

Huminga ako ng malalim.

“…Peace of mind po.”

Bahagya siyang sumandal sa upuan niya, hindi inaalis ang tingin sakin.

“Peace of mind…” Ulit niya, parang tinatimbang ang salita. Napayuko ako saglit.

Pero sa loob-loob ko—

Ibibigay mo ba sarili mo… pag sinabi kong ikaw? Bigla akong napakurap. Saan galing yon?

Napatingin ako sa kanya parang may gustong sabihin, pero hindi ko mabasa. At sa paraan ng pagtitig niya sakin…

“Peace of mind,” Ulit niya.

Parang hinihintay niya kung may sasabihin pa ako. Humigpit ulit yung hawak ko sa bag ko.

“Ma’am, kung may iba pa po kayong-”

“Nothing, Thanks for your time,” Putol niya agad.

“Po?” Bulong ko.

“Because what you’re asking for… isn’t something I can buy.”

Diretso. Walang paligoy-ligoy. Parang sampal pero hindi masakit. Mas totoo.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan kaya tumayo na ako pero tumayo rin siya. Dahan-dahan. Mas lalo akong napatayo ng tuwid, ramdam ang bigat ng presensya niya sa buong kwarto.

Lumapit siya ng kaunti hindi sobrang lapit, pero sapat para maramdaman ko ang tension, ang aura niya.

“Tell me, Miss Reyes…”

Bahagya siyang yumuko, just enough para magtama ang mata namin.

“If I say it’s me-”

Napatigil ang hininga ko.

“would you reconsider?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano yon? Joke ba ‘yon? Hindi. Hindi siya nagjo-joke. Siya ‘to.

Napatulala ako. Wala akong maisagot.

“Miss Reyes,” Tawag niya.

“Miss Reyes,” Matindi ngunit kalmado niyang sabi, “I said thanks for your time. You can go now.”

Napabalik ako sa ulirat ko nasa isip ko lang pala yon. At sa loob-loob ko

Ano ba to? Ano ako, swerteng kumagat para ibigay niya ang sarili niya?

“Okay, Ma’am. Thank you.”

Agad akong tumayo at inayos ang sarili, pilit pinipigil ang kaba at ang damdaming kumakalog sa dibdib. Naglakad ako papunta sa pinto at lumabas nang hindi pinilingon si Ms. Wall. Ramdam ko na lang ang malamig na presensya niya sa likod ko, parang nakadikit pa rin sa bawat hakbang ko.

Pagkalabas ko, agad akong sinalubong ni Collie. Ng yakap. Napahinga ako ng malalim, kumalma saglit sa init ng yakap niya.

“So… are you going to work here again po?” Tanong niya, may halong pag-asa sa tingin. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon.

Bumaba ako ng kaunti para maka-eye to eye siya at makausap ng masinsinan.

“Sorry, Collie… but I can’t work here anymore,” Sagot ko, mahina pero diretso. Agad namang nawala ang ngiti niya.

“Why po?” Tanong niya, halatang hindi maintindihan.

“May mga bagay tayo na hindi puwedeng ipilit, Collie,” Sagot ko, ngunit ramdam ko na unti-unti siyang nababasag sa sinabi ko. Lumabas sa mga mata niya ang luha.

“But… you promise that we will always play po, did Mommy do something bad to you po?” Tanong niya, umiiyak at may halong panghihinayang. Umiling lang ako, hindi ko alam kung paano sasabihin ang tamang salita.

“Hindi sa-” Sasagot pa sana ako nang bumukas ang pinto at lumabas si Miss Walls. Agad lumingon si Collie sa kanya, halatang may galit habang umiiyak.

“I hate you, Mommy!” Sigaw niya, sabay takbo palayo.

Tatayo pa lang ako para sundan siya, pero hinawakan ni Miss Wall ang pulso ko, mahigpit pero kontrolado.

“Give her time. Makakalimutin ka rin niya. You can go now and don’t show your face ever again,” Sabi niya, may diin sa bawat salita.

Tumango lang ako dahil wala akong maisip na sasabihin. Ang bigat sa dibdib ko, halos gusto kong bumagsak sa sahig at umiyak.

Lumakad ako pababa ng building. Pakiramdam ko ay tila may mga mata na sumusubaybay sa bawat galaw ko. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko parang may halong lungkot, panghihinayang, at konting pagkagulat sa sobrang bigat ng nangyari.

Pag-uwi ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at naroon na agad sina Lara at Hana, parang nakaabang na sa akin.

“Uy, where have you been, drama queen?” Bati ni Lara, nakangisi habang hawak ang remote, parang ready na sa next comedy show.

Napatingin ako sa kanila pagkatingin nila sa mata ko, biglang huminto ang tawanan nila.

“Amor… ano nangyari?” Tanong ni Hana, nakakunot ang noo pero halatang concerned. Huminga ako ng malalim at sinubukan kong ipaliwanag at tuluyang pumasok.

“Collie… si Collie anak pala ni Miss Walls. At… tumakbo siya kanina… umiiyak…”

Wala sa sarili kong sabi. Nagkatinginan sina Lara at Hana, sabay sabing,

“Wait… what? Anak ni Miss Walls?!”

“Teka lang… so parang she hate you now?” Tanong ni Lara, halatang hindi makapaniwala.

Umiling ako.

“Hindi… she just mad. At umiiyak. At tumakbo palayo…” Wala pa rin ako sa sarili, ang dami kong iniisip.

Pina-upo nila ako, at doon ko naikwento lahat ng kailangan nilang malaman. Kilala nila si Collie madalas ko siyang naikukwento sa kanila.

Sandaling katahimikan tapos biglang ngumiti si Hana, sabay sabing,

“Amor… you do what you want. Walang mali dun. Walang mali sa pag sunod sa puso mo. You follow the heart!” Sabi niya. Bahagya akong napangiti.

“Stop sa drama!” Sabay sigaw ni Lara. “Don’t worry, we make you happy now. We… we do the funny things!”

“Yeah! Yes yes yes!” Dagdag ni Hana, sabay palakpak. “We make the sad sad go away! Like magic happiness poof!”

Natawa ako, napailing. Ito na naman sila sa English tofutofu nila.

“Magic happiness poof?” Tanong ko.

“Of course!” Sabi ni Lara. “You sit there, big smile, we make the laughter big big! You feel funny funny, okay?”

Napangiti ako ng tuluyan. Sandali lang, at naramdaman ko na parang unti-unting nawawala ang bigat sa dibdib ko.

“Hindi kayo seryoso!” Sabi ko habang natatawa.

“Relax ka lang, Amor. Laugh laugh laugh. Forget the drama!” Sabi ni Hana, sabay exaggerated wink.

Tumingin ako sa kanila at napatawa

ako ng tuluyan. Kahit may bigat pa sa puso ko, sa harap nila… parang safe. Parang may magic na pumapasok sa bahay na ito.

“At… you know,” Sabi ni Lara habang naglalakad papalapit sa sofa, “wag mo masyado dapat iisipin. Lahat ng problema… Baka Mawalan kami pag sinarili mo. Ang kailangan mo… laugh laugh laugh!” Sabi niya na parang si Kris Aquino.

“Exactly!” Sabi ni Hana. “Big smile, big laugh, forget all the sad sad. Okay?” Sabi niya, at nag-umpisa silang magkwento ng kung ano-anong nakakatawa.

Hindi ko pa man natatapos ang pagtawa ko sa nakaraang kwento, biglang tumayo si Lara, kumaway sa hangin, at sinabi:

“Attention! Attention! All sadness leave now! Everyone go outside! Okay?”

“Wait-what? How?” Tanong ko, pagsakay ko sa kabaliwan niya. Napatingin siya sa akin pero halatang seryoso siya sa sariling absurdity.

“Simple lang!” Sabi niya, sabay kumindat. “We do the happy dance of the smile big big!”

At doon, nagsimula na siya ng napakabilis at nakakatawang sayaw kaliwa, kanan, tuloy-tuloy, parang may invisible drum na sinusundan.

Hindi nagpahuli si Hana. Tumayo rin siya, kumindat, at gumalaw ng exaggerated talking with invisible mouth gestures pa yan sya

Napahagalpak na ako. “Ano ba kayo?! Tumigil na kayo, baka may makakita na kapitbahay!”

“Yeah! Laugh attack incoming! Amor, prepare your tummy for laughing bomb!” Sabi ni Hana, sabay tumalon at sabay hug sa akin nang diretsahan.

“Wait, hahaha! Aaaaa-stop! Ang sakit ng tiyan ko!” Napapailing ako habang pinipilit na huminga. Kiniliti ako ni gaga.

Hindi ko alam kung bakit, pero pag kasama ko sila, para kaming mga isip bata. Kahit malapit na mawala sa kalendaryo, iniisip ko na lang pinupunan namin ang inner child namin.

“Pakiusap, wag na kayo mag-English ng ganito!!!” Sabi ko, sabay hawak sa ulo ko.

Pero hindi sila tumigil.

“English not perfect but feeling perfect! You happy now, yes yes yes!”

Kala ko tapos na pero nag pahinga lang pala sila tapos sabay sabing,

“See? All work stress gone! Only funny funny in this house! Laughter forever!”

Napangiti ako ng malapad, para bang naiwan lahat ng lungkot sa opisina.

Ang bigat sa dibdib ko? Parang nawala. Ang pagod?

Nabura. At sa harap ng dalawang kaibigan kong walang kuwentang parang professional comedians alam kong kahit gaano man ka-seryoso ang buhay kayang-kaya nilang gawing magaan.

Kaya kong tumawa ulit at kahit papaano, Okay na.

“Where we fail sa life, we succeed in making you laugh,” Sabi ni Lara, sabay kindat.

Simula nang mag-move in si Lara sa amin, mas lalo pang sumaya at gumulo ang bahay. Araw-araw may ingay, tawanan, at minsan kalokohan na hindi mo maiwasang sabayan. Kahit minsan nakakapagod o magulo, doon ko nararamdaman na hindi ako nag-iisa.

Sa bahay na kasama sila, parang laging may comfort at saya na hindi kayang palitan ng kahit ano. I’m really thankful of having them in my life. I feel blessed and loved.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.