CHAPTER 14 Panda
Seraphine's POV:
Sobrang sarap ng tulog ko. Yung tipong wala kang pake sa mundo, walang trabaho, walang problema, walang kahit ano.
Tapos biglang—
BANG. BANG. BANG.
Napakunot agad ang noo ko kahit nakapikit pa ako.
“Amor! Amor!” Parang galing sa kabilang buhay yung boses. Humigpit lalo yakap ko sa unan.
Hindi ako gagalaw.
Hindi ako babangon.
Hindi ko sila kilala.
BANG. BANG. BANG.
“AMOR!”
Napamura ako nang mahina. “Ano ba yan.”
Dahan-dahan akong dumilat, feeling ko kalahati ng kaluluwa ko naiwan pa sa panaginip.
“May sunog ba?” Bulong ko sa sarili ko.
Walang tigil yung katok.
Fine.
Bumangon ako, samantalang itong buhok ko parang nakuryente. Pagkatayo, naglakad ako papunta sa pinto pero bigla akong huminto.
“Hindi. Dapat mukha muna akong tao.”
Lumiko ako papuntang banyo. Kung mamamatay man ako ngayon, at least presentable ako. Binuhusan ko ng tubig yung mukha ko, napaigtad pa ako sa lamig.
“Grabe, gising na gising ka, ah,” Reklamo ko sa sarili ko. Pagkatapos,
nag-toothbrush narin ako nang wala sa wisyo sabay tingin sa salamin.
Namumungay pa ang mga mata ko. Buhok ko? Hindi ko na i-explain.
“Okay na to, pwede na,” Sabi ko, kahit hindi naman talaga.
BANG.
“OO NA!” Sigaw ko.
Naglakad na ako para buksan yung pinto at andun si Lara at Hana. Pero imbes na magsalita… parang ewan. Turo dito.
Turo doon. Tingin sa isa’t isa. Turo ulit.
Napakunot noo ko.
“Anong problema niyo?” Tanong ko, medyo annoyed na. Walang sumagot. Mas lalo lang silang nag-gesture. Napapikit ako sandali.
“Alam niyo, hindi ako marunong ng sign language lalo na kung kakagising ko lang,” Sabi ko. Pero hindi sila tumigil. Pareho silang nakatingin sa hagdan. Napabuntong-hininga ako.
“Kung multo to, babalik na lang ako sa kama.”
Naglakad ako papunta dun, ramdam ko na nakasunod sila sa likod ko tahimik, which is already suspicious. Hindi pa ako tuluyang nakakababa, may naamoy akong pamilyar na pabango at hindi ako pwedeng magkamali kung kanino yon.
Pagdating ko sa living room.
Napahinto ako. May mga tao. Someone na hindi dapat nandito biglang nagising ang diwa ko, nawala ang lahat ng antok ko.
Napakunot ang noo ko.
“Ay.”
Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat yung biglaang paggising ko o yung mga taong nasa harap ko ngayon.
Nandito lang naman si Miss Walls at si Miss Margaret.
“Miss, bakit po kayo nandito?” Nahihiya kong tanong. Kakagising ko lang, sila agad ang bungad sa umaga ko. Parang gusto ko bigla mag-disappear.
Tahimik lang si Miss Walls sa sofa, naka-cross arms, nakatingin sakin na parang binabasa buong pagkatao ko. Meanwhile, si Miss Margaret nakangiti. Yung ngiti na hindi mo alam kung mabait o may balak.
“Good morning, Amor,” Malumanay niyang sabi. “Sorry for the unexpected visit.”
Sa likod ko, narinig ko yung pigil na tawa nina Lara at Hana.
“Unexpected talaga,” bulong ni Lara.
“Kinabahan nga ako, kala ko matatanggal na ako sa work,” Bulong ni Hana. Pinandilatan ko sila kasi hindi to time para sa mga kalokohan nila.
“Uhm, okay lang po,” Sagot ko, pilit inaayos ang sarili. “May kailangan po ba kayo?”
Nagkatinginan saglit sina Miss Margaret at Miss Walls. Pero si Miss Walls, walang imik. Mas lalo lang siyang sumandal. Si Miss Margaret ang nagsalita.
“Straight to the point na tayo, Amor,” She said gently. “We’re here to talk about Collie.”
Parang may kumurot sa dibdib ko sa pangalan na yon.
“Si C-Collie po?” Ulit ko.
Tumango siya.
“We’ve been observing her. She’s still upset about what happened,” Dagdag niya. “And we think mas bagay ka to work for Collie.”
Napakunot noo ko.
“Po?”
Sa gilid ng mata ko, nakita kong gumalaw si Miss Walls pero hindi pa rin siya nagsalita. Tahimik.
“Instead of working under Celes,” Tuloy ni Margaret, “We want to offer you a different role.”
Tahimik ako.
Processing.
“Basically..” Singit ni Hana sa likod ko, mahina pero rinig ko, “Promotion ba to?”
Napatawa si Lyra. “Baka babysitting with benefits.”
“Shhh!” Singhal ko sa kanila, pero huli na.
Napalingon si Miss Margaret sa kanila habang nakangiti pa rin.
“Your friends seem lively.”
“Sometimes too lively,” Bulong ko.
“Amor,” mas seryoso na ang boses niya, “Collie needs someone she can trust. Someone patient someone warm. And that someone is you.”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Hindi po ba may ibang mas qualified?” t
Tanong ko.
“Meron,” Sagot niya agad. “Pero ikaw ang gusto niya.”
Biglang tumahimik yung paligid. Napatingin ako kay Miss Walls. Naka-cross arms pa rin siya.
Pero this time… nakatingin siya diretso sakin. Walang emosyon. Or maybe meron. Hindi ko lang mabasa.
“At kayo po?” Tanong ko, halos pabulong. “Okay lang po sa inyo?”
Saglit na katahimikan. Then—
“If you want it,” Malamig pero diretso niyang sagot, “you can take it.”
“Wow,” Bulong ni Lara. “Parang bumaba si Elsa.”
“Oo, ang lamig,” Dagdag ni Hana.
“Tumahimik nga kayo,” Bulong ko, pero hindi ko rin maiwasan kabahan. Napabuntong-hininga si Miss Margaret.
“We’re offering you this, Amor,” Sabi niya. “But of course the decision is yours.”
Decision. Napatingin ulit ako sa kanila. Kay Miss Margaret, nakangiti, hopeful. Si Miss Walls, tahimik, unreadable.
At sa likod ko—
“Accept mo na,” Bulong ni Hana.
“Libre pagkain pag bata kasama mo,” Dagdag ni Lara.
Napapikit ako sandali. Kakagising ko lang. Tapos ganito agad?
“Pwede po bang mag-isip muna?” mahinahon kong sabi. Ngumiti si Miss Margaret, parang expected na niya yon.
“Of course, Amor. But before that… maybe you’d like to hear the full offer.”
Hindi pa ako nakakasagot nang—
“Magkano po sweldo?” Sabat agad ni Lara.
Napalingon ako sa kanya. “Grabe ka.”
“Importante yon,” Dagdag ni Hana, tumango pa. “Practical lang.”
Napatingin si Miss Margaret sa kanila then ngumiti.
“50,000 a month.”
“HA?!” Sabay sigaw nina Lara at Hana.
“50K?!” Ulit ni Lara, parang nasaktan. “Parang sweldo ko na yan ng dalawang buwan.”
“Same,” Sabi ni Hannah.
Napapikit ako.
“Pwede ba, tumahimik kayo” Sabi ko.
Pero hindi pa sila tapos.
“May benefits po ba?” Dagdag ni Hana. “13th month? 14th? Emotional support?”
Napatawa si Miss Margaret.
“Well,” She said, amused, “it’s up to Amore if she accepts.”
“Accept mo na!” Bulong ni Lyra sakin. “Ako na magde-decide for you.”
“May libre po bang sasakyan?” Sabat ni Hana.
“Actually” Sagot ni Miss Margaret, calm na calm, “there is.”
Natahimik sila.
“Hala,” Bulong ni Lyra. “Gusto ko na siyang palitan.”
“Amor, ako nalang kaya,” Dagdag ni Hana.
Pinandilatan ko sila pareho.
“Pwede ba?!”
Napabuntong-hininga ako, tapos tumingin ulit kay Miss Margaret.
“Uhm… ano po bang gagawin ko exactly?”
Simple lang sagot niya.
“Babysitting Collie.”
“HAHAHAHA—” Hindi na napigilan ni Hana.
“BABYSITTING?!” Sabi Lara, habang tumatawa. “50K for babysitting?! Pwede bang ako nalang talaga?!”
“May opening pa po ba?” Dagdag ni Hana, Habang tumatawa. “Kahit part-time lang!”
Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya.
“Grabe kayo” Bulong ko.
Pero hindi pa rin sila tapos. Biglang tumahimik si Lara sandali, tapos ngumiti ng may halong kalokohan.
“Wait…” Sabi niya, tumingin kay Miss Margaret. “May kasama po bang mommy?”
Napatingin ako kay Miss Walls.
Sakto, nagkatinginan kami. Naka-cross arms pa rin siya.
“Lara,” Mahinang babala ko.
Pero si Lara, tuloy lang.
“Para po kasi mas motivated si Amor,” Dagdag niya, kunwari inosente.
“Shut up,” Bulong ko, pinipisil braso niya.
Napailing si Miss Margaret, pero halatang pinipigilan yung tawa.
“Let’s just say” Sabi niya, medyo playful na rin, “You’ll be working closely with the family.”
“Family daw oh,” Bulong ni Hana. “Close na agad.”
“Very close,” Dagdag ni Lara, sabay tingin ulit kay Miss Walls.
Ramdam ko yung biglang bigat ng hangin. Napasinghap ako ng mahina.
“Okay,” Sabi ko, pinipilit kontrolin yung sitwasyon. “I get it. Babysitting Collie.”
Tumango si Miss Margaret.
“Yes. Taking care of her, assisting her daily needs being there for her. Be there when she needs you. Help with homework, because I heard you have a good record in school in Spain.”
Napatigil ako.
Napatingin si Miss Walls sakin parang may naalala.
Bigla ring pumasok sa isip ko yung nangyari sa restaurant yung araw na nakilala ko si Elena.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko sina Lara at Hana parehong nakatingin sakin na parang may sariling agenda.
“Accept mo na,” Bulong ni Hana.
“Para mayaman na tayo,” Dagdag ni Lara.
“Hindi ‘tayo’,” Sagot ko agad.
“Selfish mo naman,” Sabi niya.
Napabuntong-hininga ako.
Napatingin ulit ako kay Miss Walls. Tahimik pa rin siya.
Pero this time… hindi ko maiwasang isipin—
Mas mahirap pa yata siyang intindihin kaysa sa offer na to.
Hindi pa ako nakaka-recover sa lahat sa offer, sa 50K, sa mga kaibigan kong walang ambag kundi ingay nang
biglang—
Ring. Ring.
Lahat kami napatingin kay Miss Margaret. She blinked, then glanced at her phone.
“Excuse me,” She said softly, stepping a little to the side. Tahimik kaming lahat.
Well—
kami sana.
“Kabahan ka na,” Bulong ni Lara sa tenga ko.
“Baka may twist pa yan,” Dagdag ni Hana. Pinandilatan ko sila.
“Tumahimik nga kayo.”
Meanwhile, si Miss Margaret unti-unting nagbabago yung expression niya.
“Hello? Yes—” She pause. Napakunot noo niya.
“…Collie did what?”
Napalingon agad ako. That tone, hindi maganda yon.
“Margaret?” Malamig na tanong ni Miss walls. Miss Margaret raised a hand, still on the call.
“…Are you serious?” Dagdag niya, medyo napapikit pa. Tahimik ulit. Then—
“She punched him?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Napasinghap si Hana at Lara.
“Grabe,” bulong ni Lara. “Violent era si babygirl.”
Napailing ako.
Collie…
Miss Margaret sighed, pinching the bridge of her nose.
“And what was her reason?” Tanong niya sabay hinga ng malalim. Lahat kami halos nakatingin na sa kanya, anticipating. Then—
Biglang napahinto siya. Parang pinipigilan mag-react.
"What" Miss Walls asked.
“…She said… ‘Ma’am, sinabihan niya akong pangit… eh hindi naman siya pogi.’”
Yung dalawang gaga nagkatitigan. Kita ko kung paano unti-unting nagbago expression ng mukha nila.
“HAHAHAHA—” Sabog agad si Hana.
“AY ANG LALA,” Si Lara, halos mapaupo sa kakatawa. “Valid. Very valid!”
Napakagat ako ng labi.
Lord…
Sa gilid—
napapikit si Miss Walls. At kung hindi ako nagkakamali—
parang may very slight na pag-angat ng labi niya.
“Unbelievable,” Bulong niya, pero hindi galit… parang tinatago lang.
Miss Margaret ended the call, then humarap sa amin.
“Well,” She said, composed ulit, “We need to go.”
“Obviously,” Sagot ni Miss Walls, tumayo na. Napakamot ako sa batok ko.
“Malala po ba?” Tanong ko.
“Let’s just say,” Sagot ni Miss Margaret, “your future.. um.. ward- has quite the personality.”
“Future ward daw oh,” Bulong ni Lara.
“Congrats, mommy,” Dagdag ni Hannah.
“Tumahimik nga kayo,” Singhal ko, pero ramdam ko na yung init sa tenga ko. Napatingin si Miss Margaret sakin.
“Amor.”
“Po?”
“She won’t listen to us,” Sabi niya.
Tahimik lang ako.
“She barely listens to anyone,” Dagdag niya. “But-” Napatingin siya diretso sakin.
“She listens to you.”
“Ha?”
Sa gilid, nag-cross arms si Miss Walls.
“Don’t ask why,” Malamig niyang sabi. “We don’t know either.”
“Baka natatakot lang sakin?” Sagot ko, half-joke.
“She punched someone,” Sagot ni Miss Walls. “I doubt fear is the issue.”
Fair point. Napabuntong-hininga ako.
“So… ano po gagawin ko?”
“Come with us,” Sagot ni Miss Margaret. “Talk to her.”
Napatingin ako sa sahig.
Hindi ko responsibility to.
Hindi ko anak si Collie.
Hindi ko buhay yon.
Pero bakit parang may humihila sakin?
Naalala ko yung bata. Yung mata niya.
Yung tapang na hindi mo alam kung saan galing. Yung ugali na parang walang kakampi. Huminga ako ng malalim.
“Sige po.”
Napataas kilay ni Miss Walls.
“That was fast,” Sabi ni Miss Margaret.
“Curious lang po ako kung paano niya ipagtatanggol sarili niya ngayon,” dahilan ko.
Sa likod ko—
“Go, future babysitter!” Bulong ni Hannah.
“Wag mo kami kalimutan pag mayaman ka na,” Dagdag ni Lara.
Hindi ko na sila pinansin. Naglakad na kami palabas, pero bago ako tuluyang sumakay—
“Amor,” Tawag ni Miss Margaret.
Huminto ako.
“Yes po?” Tanong ko. She smiled softly.
“About the offer” Napatingin ako sa kanya.
“I’ll take it,” Sabi ko. Parang kusang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na inisip. Hindi ko na plinano. Pero parang tama. Alam kong tama.
Sa likod ko—
“YES!” Mahina pero gigil na sigaw ni Lara.
“Mayaman na best friend ko!” Si Hannah.
Napailing si Miss Margaret.
“God help us,” Bulong niya.
“Welcome to the family, Amore.”
Family. Hindi ko alam kung bakit—
pero parang biglang bumigat… at gumaan sabay.
Sumakay na kami sa sasakyan.
Habang umaandar—
isa lang nasa isip ko. Collie punched someone. and somehow excited akong marinig side niya.
Tahimik ang buong biyahe. Well, hindi naman totally.
“Kaya mo yan,” Bulong ni Miss Margaret sa sarili niya.
“She doesn't need a pep talk,” Malamig na sagot ni Miss Walls. “She needs discipline.”
Ako? Tahimik lang sa likod. Iniisip ko pa lang si Collie sumasakit na ulo ko.
Pagdating namin sa school ni Collie, ramdam mo agad na hindi to pangkaraniwan.
Malaki yung gate, kulay itim na bakal na may gold accents, parang pang-mansion. Sa taas, naka-engrave yung pangalan ng school malinis, elegante, at halatang mahal. Pagpasok mo pa lang, sobrang linis. Yung tipong kahit dahon, parang walang karapatang mahulog.
Tahimik.
Hindi yung normal na school na maingay at magulo. Dito controlled. Parang bawat galaw may rules.
Iilan lang ang students. Hindi siksikan. Hindi overcrowded. Sadyang pili lang yung may kaya lang, at yung may utak.
Lahat naka-uniform. Plantsado. Walang gusot. Yung iba naka-blazer pa kahit bata pa lang. And halos karamihan… naka-eyeglasses. Hindi dahil uso kundi dahil halatang laging nag-aaral.
Yung vibe?
Nakaka-intimidate.
Hindi sila yung tipong naglalaro lang sa hallway. Instead, may mga nag-uusap tungkol sa lessons, may nagre-review kahit recess, may nagde-debate na parang nasa competition.
Mga bata pa lang pero parang mga future CEO na.
Yung tipong kahit quiz bee pa lang ramdam mong kakainin ka ng buhay.
Competitive.
Sharp.
Calculated.
Dito, hindi sapat na matalino ka lang.
Kailangan mas matalino ka sa lahat.
At habang nakatayo ako dito, hindi ko maiwasang isipin—
Anong ginagawa ni Collie sa ganitong lugar?
Nakatingin ang mga bata samin, may kumaway pa kay Miss Margaret na parang kilalang kilala nila siya.
“Ahh... sikat siguro si Collie,” Bulong ko.
“Unfortunately,” sagot ni Miss Walls.
Diretso kami sa dean’s office.
Pagpasok—
nandoon na agad yung dean. Mukhang pagod na pagod na sa buhay.
“Margaret,” Bati niya.
“Queen,” Sagot ni Miss Margaret na parang magtropa lang sa kanto.
Umupo kami.
“So…” Panimula ng dean, “your nephew, she’s on trouble again. This is her fourth time this month.”
Sasagot palang sana si Miss Margaret ng—
“Where’s Collie po?” Singit ko agad.
Napatingin sila sakin, hindi ko mapigilang hindi mag-alala.
“Ah-she’s in the clinic,” Sagot ng dean. “They’re treating her wound.”
Napakunot noo ko, mas lalong kinabahan.
“Wound?”
Hindi pa ako nakakapagtanong ulit
nang—
Click.
Bumukas ang pinto at pumasok si Collie. Medyo magulo ang buhok, mapula ang mukha, may band-aid sa tuhod at parang bagong galing sa gera.
“Collie-” Sabay sabi nila Miss Margaret at Miss Walls.
Pero bago pa sila makalapit—
“DUDE!”
Tumakbo siya diretso sakin.
“Atch—!”
Napaupo ulit ako sa bigat ng talon niya sa kandungan ko.
“Miss you!” Sabi niya, naka-ngiti pa.
Napatingin ako sa kanya.
“Anong ginawa mo?” Tanong ko, pinipigilan tumawa.
“Self-defense,” Proud niyang sagot.
Sa gilid napapikit si Miss Margaret. Si Miss Walls naka-cross arms, pero halatang inuunahan na niya sarili niyang pasensya.
“Collie,” Seryosong tawag ni Miss Margaret. Pero bago pa siya makapagsalita—
Bukas ulit ang pinto. Pumasok ang isang couple, mukhang galit. Diretso tingin nila kay Collie.
“Yan ba yung bata?” Tanong ng babae, matalim ang tingin kaya mas lalong kumapit si Collie sakin.
“Dude…” Bulong niya. Hinaplos ko ang likod niya.
“Okay lang.”
Then—
Pumasok yung bata, Ang shala ni kiddo kahit nasa loob ng office. Naka sunglasses. Umupo siya sa tapat namin, nag-cross arms. Napakunot noo ko.
“Can you remove your sunglasses?” Sabi ng dean. Dahan-dahan niyang tinanggal.
“OH MY GOD-” Bulong ko. Sabay tingin kay Collie na nakatingin pala sakin. Di ko alam kung imagination lang pero parang nag-smirk siya. Sabay kibit-balikat.
Dalawang black eye literal na parang panda. Napakagat labi ako, pilit pinipigilan ang di dapat.
Lord, patawad pero..
“Grabe,” Bulong ko kay Collie. “Tinodo mo.”
“Deserve po niya,” Bulong niya pabalik.
“DESERVE?!” Sigaw ng nanay nung bata.
“Tingnan mo anak ko!”
“Ma’am, please calm down—” Sabi ng dean.
“CALM DOWN?!” Sigaw ulit ng tatay. “Sinuntok ng anak nila ang anak ko!”
“Wag kayong sumigaw, may mga bata po,” Hindi ko mapigilang sabihin kahit galit sila. Sana isipin nila yung mga bata.
Tumayo si Miss Margaret.
“We sincerely apologize—”
“Hindi sapat yon!” Putol ng nanay. “Wala ba kayong disiplina sa bahay?!”
Tahimik si Miss Walls. Then tumayo siya.
“We’ll pay,” Malamig niyang sabi.
Napatingin lahat sa kanya.
“All medical expenses. Damages. Whatever you want.” Walang emosyon. Parang business transaction lang. Kinuha niya phone niya.
“I can write a check now,” Dagdag niya.
Nagkatinginan yung mag-asawa.
“If you don’t want to cooperate, then we’ll take this to court. They’re children. Napakadaling baliktarin ang kwento. And no matter what happens, Collie stays in this school. She will not be removed. Not on my watch.” Miss Margaret paused, her gaze hardening.
“But your child?” May faint, almost mocking smile. “Siguraduhin mong handa kang isugal ang future niya.”
Natulala yung mag-asawa, kahit ako siguro ganun din ang reaction kung future ng anak ko ang nakasalalay.
“Well—” Nag-iba ang tono ng nanay.
“Kung ganon” Dagdag ng tatay.
“Settle na natin,” Sabi niya agad.
Napailing ako.
Money really solves everything…
After ilang minuto, umalis na sila.
Tahimik ulit yung office.
“Collie,” Yawag ni Miss Margaret.
“Why po?” Sagot niya. Kumapit lalo sakin.
“Explain,” Sabi niya.
“He called me pangit,” Bulong niya.
“And?” tanong ni Miss Margaret.
“He said I don’t have a father,” Sabi niya. Unti-unting namumuo ang luha sa mata niya. Biglang bumigat yung hangin.
“He said… Dad doesn’t love us. That’s why he’s not here,” Sabi niya, mas humigpit ang kapit sakin.
“Enough,” Malamig na sabi ni Miss Walls.
Hindi ko alam kung galit ba siya o may tinatago lang.
Hinaplos ko ulo ni Collie.
“Hoy,” Mahinang sabi ko. “Pangit ka ba?”
Umiling siya.
“Hindi po.”
“Eh siya?”
“…Oo,” Sagot niya, diretso. Napangiti ako.
“Eh di panalo ka pa rin.” Sabi ko.
Napatingin siya sa’kin.
“Talaga?”
“Syempre. May mom kang maganda, may mommy kang sobrang ganda, at ikaw lang ang may dude na cute,” Biro ko. Napangiti siya ng konti.
“Gusto mo ice cream?” Tanong ko.
Biglang lumiwanag mukha niya.
“Yes.”
Napatingin si Miss Margaret sakin, parang relieved.
“Let’s go,” Sabi niya.
Sa loob ng sasakyan, tahimik ulit. Pero this time hindi na mabigat.
“Kuya,” Sabi ko sa driver, “Pwede po bang mag-stop sa 7-Eleven?”
“Yes, ma’am.”
Napatingin si Collie sakin.
“Anong flavor?”
“Yung favorite ko,” Sabi ko.
“Chocolate?” Tanong niya agad.
“Yes.”
“That’s my favorite too,” Sabi niya sabay palakpak.
Sa harap, nakatingin si Miss Walls sa labas. Habang hawak ko si Collie—
napaisip ako. Maybe this isn’t just babysitting.
After namin maka bili tahimik ang loob ng sasakyan. Naririnig ko lang yung mahinang tunog ng plastic ng ice cream na hawak ni Collie.
Chocolate, half-melted na. Nakaupo siya sa tabi ko, tahimik pero halatang nag-iisip. Hindi na siya kasing kulit kanina.
I sighed softly.
“Collie,” Mahinahon kong tawag. Hindi siya sumagot agad.
“…Hmm?”
Dahan-dahan siyang tumingin sakin habang kumakain ng ice cream niya.
“Alam mo bang mali yung ginawa mo?”
Tanong ko. Walang paligoy-ligoy napayuko siya.
“Pero siya nauna,” Mahinang sagot niya.
“I know,” Sabi ko. “Narinig ko.”
Huminga ako ng malalim.
“Pero hindi porket may nagsabi ng masama, sasabayan mo ng mas masama.”
Tumingin siya sa ice cream niya.
“Eh masakit eh,” Bulong niya.
“Alam ko,” Sagot ko, mas mahinhin.
“Masakit talaga pag may nagsasalita ng hindi totoo tungkol sayo.”
Napatingin siya sakin.
“Hindi naman totoo yon, diba?”
“Alin?”
“Na wala akong papa na nagmamahal sakin.”
Saglit akong natahimik, pinag-iisipan ang sagot ko.
“Collie.. kahit anong sabihin nila, hindi nila alam buong kwento mo,” Sabi ko bago huminga ng malalim.
“At hindi mo kailangang patunayan sarili mo sa kanila.”
Pinaglaruan niya yung kutsara niya.
“Pero gusto ko siyang saktan,” Bulong niya.
“Gusto kong iparamdam sa kanya na mali po siya.”
Napangiti ako ng konti.
“Gets ko yon.”
Napatingin siya sakin, parang nagulat.
“Pero alam mo kung anong mas malakas?” Tanong ko. Umiling siya.
“Yung kaya mong hindi pumatol.”
Nakatingin na rin sakin si Miss Margaret.
“Hindi dahil mahina ka,” Dagdag ko. “Kundi dahil alam mong hindi sila worth it.”
Tumingin siya sakin.
“Mas mahirap po yon,” Sabi niya.
“Exactly,” sagot ko. “Kaya mas strong ka kung kaya mo.”
“Pero sinuntok ko na po eh,” Sabi niya sabay kamot sa noo. Napatawa ako ng mahina.
“Oo nga.”
Sa gilid, napabuntong-hininga si Miss Margaret.
“Collie,” Sabi niya, mas seryoso na.
Napatingin si Collie sa kanya.
“What you did was wrong. No excuses,” dagdag niya. “No matter what he said.”
Napayuko si Collie.
“Yes, Mom.”
“Your grounded,” Malamig na sabi ni Miss Walls. Habang nakatingin sa rear-view mirror.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
“No gadgets. No cards,” Walang hesitation niyang sabi.
“W-what?” Napatingin si Collie, biglang nag-panic. “Even my games po?”
“Yes.”
“Even my allowance po?”
“Yes.”
“Even—”
“Yes.”
Biglang lungkot yung mukha niya.
“That’s not fair po, Mommy.”
“It’s discipline,” Sagot ni Miss Walls.
“Mom,” Hinging saklolo niya sa tita niya.
Pero umiling lang ito.
“And from now on,” Dagdag niya, tumingin ulit ako sa rearview mirror Naka tingin rin sya sakin kaya nagtagpo ang mga mata namin.
“Miss Reyes will be babysitting you.”
“Si dude?”
“Lucky you,” Bulong ko sa kanya. Napatingin siya sakin.
Then—
dahan-dahan siyang ngumiti.
“Yes, thank you, Mommy.”
Napatawa ako. Sa gilid, napailing si Miss Margaret.
“You’re not supposed to like it.”
“But I get dude,” Sagot niya, simple.
Hinaplos ko ulo niya.
“Next time ha,” Sabi ko, mahina lang.
“Words muna… bago suntok.”
Tumango siya.
“Try ko po.”
Napangiti ako.
“Good.”
Tahimik lang kami buong biyahe. Pagka-uwi, nag-set sila ng rules, kaya nagsabi rin ako ng gusto ko. Sinabi ko na ako ang bahala kay Collie, and I hope hindi sila mag-interfere sa kung paano ko siya disiplinahin para walang conflict.