CHAPTER 15 Whos Who?

Seraphine's POV:

Mahimbing ang tulog ko.

Yung tipong kahit may bagyo sa labas, hindi ako magigising ganon ka-deep. Kaya naman nung may naramdaman akong malamig at malambot na dumampi sa noo ko, akala ko panaginip lang. Pero hindi.

"Mwah!"

Napakunot ang noo ko.

Huh?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko medyo lutang pa, medyo sabog ang buhok, at definitely wala pa sa wisyo at ang unang bumungad sa akin

"Collie?"

Nakatayo siya sa gilid ng kama ko. Naka-uniform na plantsado maayos ang buhok at parang ready na pumasok

"Anong oras na?!" Bigla akong napabangon. Sumulyap ako sa orasan.

4:00 AM.

"Good morning po!" Masiglang bati ni Collie, parang hindi alas-kwatro ng madaling araw.

"Bat ka nandito ang aga pa ahh" Tanong ko. Juice colored tong batang to

"Excited lang po ako." Sabi nya Napakurap ako ng ilang beses, sinusubukang iproseso ang lahat.

Excited?

ALAS KWATRO?!

Doon ko lang napansin may dalawang multo pala sa likod niya.

Si Lara na nakasandal sa may pintuan habang nakapikit pa mukhang kalahating kaluluwa palang ang present. At si Hana na naka tulala na parang nag iisip san sya nagkulang.

"Hana?" Paos kong tawag. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin.

"Shhh ito lng ba ako syo-" Bulong nya hindi maintindihan

"Ha?"

"First day niyo po kasi," Sabat ni Collie, parang may sariling mundo. "Gusto ko po makita ka agad."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak.

"Collie..." Huminga ako ng malalim. "Alas kwatro pa lang..."

"Opo," Tango niya. "Late na po."

"LATE NA?!" Napasigaw ako nang mahina. Bigla na lang siyang ngumiti yung tipong nakakawala ng galit. At bago pa ako makapag-react

BOOGSH. Tumalon siya sa kama.

"Collie!" Napahiga ulit ako sa lakas ng impact.

"Cuddle po!" Sabi niya habang yumayakap sa akin, naparang wala lang.

"Hoy-teka-"

"Uy may space pa ba?" Biglang singit ni Hana, sabay lapit.

"At bakit parang may party na hindi ako invited?" Dagdag ni Lara, sabay hikab.

"Lara wag ka-"

BOOGSH x2.

Dalawa pa silang sumampa sa kama.

"Aray!" Napangiwi ako habang naipit sa gitna.

"Group hug!" Sigaw ni Hana.

"Hindi ito hug, wrestling na to!" Reklamo ko.

"Arte mo," Sabi ni Lara, sabay yakap din.

"Excited lang po kami," Dagdag ni Collie, mas lalong sumiksik.

"Excited kayo matulog ulit?!" Inis kong sabi.

"Oo," Sabay-sabay nilang sagot.

Mainit. Siksikan. Pero somehow ang sarap sa pakiramdam.

"Five minutes lang" Bulong ni Hana.

"Five minutes lang po," Echo ni Collie.

"Five minutes tapos gising na tayo," Dagdag ni Lara.

Napapikit na lang ako.

"Fine."

A FEW HOURS HAD PASSED

BEEP. BEEP. BEEP.

"AAAAAAAAA!"

Sabay-sabay kaming nagising.

"Sinong may alarm?!" Sigaw ni Lara.

"Ako!" Sagot ko, sabay hanap.

"Ang ingay!" Reklamo ni Hana habang tinatakpan ang tenga.

"Gising na po!" Masiglang sabi ni Collie, parang hindi siya ang dahilan kung bakit kami puyat.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Lara.

"Hindi po," Proud na sagot niya.

"Suspicious, ano ka tiyanak." Sabi ni Lara.

"Hindi po baka kayo po chaka" Sabi ni collie na ikinatawa namin ni Hana.

Pagkatapos ng chaos sa kama, diretso ako sa kusina. Kailangan kong maghanda ng breakfast first day ko pa naman.

Habang nagluluto ako, unti-unti nang nagigising ang bahay at syempre, kasama doon ang dalawang disaster.

"Amor, anong umagahan?" Tanong ni Hana habang nakasandal sa counter.

"Surprise."

"Sana edible."

"Excuse me?"

"Joke lang!"

Sa kabilang side naman si Lara, hawak ang kape ko.

"Uy, akin yan."

"Tinitest ko lang kung lason," Sagot niya.

"Lara."

"Relax, buhay pa ako."

"Bigay mo na."

"Hindi pa, mainit pa."

"LARA!"

Nasa ganung sitwasyon kami ng pumasok si Collie. Sa kusina na parabang siya ang may-ari ng bahay diretso sa ref, relaxed, parang hindi bisita umupo pa siya sa upuan na parang siya ang boss. Nagkatinginan kami ni Lara. At doon nagsimula.

"Aba" Sabi ni Lara, naka-cross arms, may smirk. "Nandito na si madam."

Tumaas ang isang kilay ni Collie.

"Magandang umaga po," Kalmado niyang sagot.

"Anong nais mong kainin, mahal na prinsesa?" Dagdag ni Lara, OA ang tono. Napailing ako.

Nag-cross arms si Collie. Oh no. Hindi to maganda. Tinitigan niya si Lara mula ulo hanggang paa.

"Wala po," Malamig niyang sagot. "Not from you."

"Ouch," Sabat ni Hana. "Tinanggihan ka, Lara."

"Excuse me?" Taas kilay ni Lara. "Ako pa tinanggihan?"

"Opo," simple Niyang sagot. "Hindi po kayo waiter."

"Ah ganon?" Kgumiti si Lara yung ngiti na may kasamang kalokohan. "Edi ikaw na magluto."

"Marunong po ako," Sagot ni Collie, proud. Napangiti ako

"Ay wow."

"Mas masarap po sa inyo."

"Hoy-"

"Just saying facts po."

Natahimik sandali si Lara parang nag iisip ng sasabihin.

"Hana, narinig mo yon?"

"Oo," Tawa ni Hana. "Saklap."

"Ako pa nasabihan ng mas masarap siya?" Hawak ni Lara ang dibdib niya. "Nasaktan ako doon ah."

"Truth hurts po."

"Collie-"

"Lara, pagkain usapan," Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hahaha," Tawa ni Collie sabay labas ng dila.

"Tama na kayong dalawa," Sabat ko, pinipigilan ang tawa. Pero hindi pa tapos.

"Alam mo," Sabi ni Lara, lumapit ng konti. "Masyado kang confident para sa pitong taong gulang."

"Opo," Tango ni Collie. "Kasi po may basis."

"Anong basis mo?"

"Mas mahal po ako ni dude."

Biglang tumingin sa akin si Lara.

"Amor"

"Ha?"

"Totohanin mo sagot mo."

"BAKIT AKO NADAMAY?!" Tanong ko ayaw ko maipit sa kanila. samantalang yung isa tawang-tawa si Hana sa gilid.

"Fight! Fight! Fight!"

"Hindi ito laban!" Sigaw ko. Pero si Lara...

"Ah ganon?" Ngumiti siya ulit. "Sige, Collie. Simula ngayon competition tayo."

"Okay po."

"May the cutest win."

"Game po." Sabi ni collie. Sabay abot ng kamay.

"Hoy!" pigil ko. "Hindi kayo maglalaban-"

"Judge ka, Hana," sabi ni Lara.

"Ayoko!"

"Too late," Sabay nilang sabi.

Napahawak na lang ako sa noo ko.

First day ko pa lang pero parang pagod na agad ako.

Pero habang tinitingnan ko sila.. si Collie na nakangiti, si Lara na parang asar na asar pero natutuwa, at si Hana na walang ginawa kundi manggulo ay

hindi ko napigilang mapangiti.

Magulo. Maingay. Pero Masaya.

"Sige na nga," Buntong-hininga ko. "Kain na tayo bago pa kayo magbakbakan."

"Copy po!" Salute ni Collie.

"Hindi pa tapos to," Bulong ni Lara.

"Ready po ako."

"Ay Juice Colored," Bulong ko sa sarili ko.

Unang araw ko pa lang sa trabaho...

Pero mukhang hindi trabaho ang magiging problema ko. Kundi sila. At ang walang katapusang asaran.

Hindi pa rin nawawala ang antok ko.

Kahit nakapag-almusal na kami, kahit nakaayos na ako, kahit ilang beses na akong sinampal ng katotohanan na first day ko ngayon parang kalahati pa rin ng kaluluwa ko ang naiwan sa kama.

"Ready na po!" Masiglang sabi ni Collie habang hinahawakan ang bag niya at ang stuff toy niya.

Napatingin ako sa kanya.

Maayos. Malinis. Naka-uniform. Parang batang galing commercial.

"Bakit parang ikaw pa ang may energy sa ating dalawa?" Tanong ko.

"Excited po kasi ako," Sagot niya, parang proud pa.

"Halata."

Sa likod namin-

"Bye, favorite child!" Sigaw ni Hana.

"Hindi ikaw yon," Sagot ni Lara.

Inirapan lang siya ni Collie.

"Kayong dalawa, tumahimik nga kayo," Sabat ko habang binubuksan ang pinto.

"Good luck sa trabaho mo!" Dagdag ni Hana.

"At good luck sa pag-survive sa batang 'yan," Pahabol ni Lara.

"LARA!" Sigaw ko. Tumawa lang siya.

Nasa loob na kami ng sasakyan. Nakasandal ako sa upuan, nakatingin sa kisame ng kotse, pinipilit gisingin ang sarili ko.

"Kuya, sa bahay po muna tayo," Biglang sabi ni Collie. Napakunot ang noo ko.

"Huh?"

Napalingon ako sa kanya. "Bahay? Bakit?"

"May kukunin lang po ako," Sagot niya, casual.

"Hindi mo pa ba nadala lahat?"

"Hindi pa po," Sabi niya sabay ayos sa sarili. Napabuntong-hininga ako.

"Okay"

FEW MINUTES LATER

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakataas na gate.

Hindi siya yung typical na gate na makikita mo sa mga subdivision this one was different.

Matte black, gawa sa makapal na bakal, with intricate gold details na parang sinadya talagang ipamukha na hindi basta-basta ang may-ari ng lugar na to.

Sa gitna nito, may malaking emblem hindi ko man agad ma-recognize kung ano, pero halatang may meaning.

Napalunok ako.

Sa likod ng gate, halos wala akong makita.

Hindi dahil madilim kundi dahil sa sobrang kapal at taas ng hedge fence na nakapalibot sa buong property. Perfectly trimmed, uniform ang height, na parang ginupitan gamit ang ruler. Yung tipong kahit sumilip ka wala kang makikitang kahit ano sa loob.

"Grabe" Bulong ko. "Privacy level billionaire."

Unti-unting bumukas ang gate-automatic, Smooth, Tahimik, Sosyal, Na nanampal ng mahirap.

Pagpasok ng sasakyan, doon ko lang nakita ang loob at literal na napahinto ang paghinga ko.

A long driveway stretched in front of us, gawa sa light gray stone tiles, malinis na malinis halatang araw-araw inaasikaso. Sa magkabilang gilid, naka-line up ang mga imported plants at sculpted topiary may hugis bilog, may parang spiral, may iba pa na mukhang mini statues.

"Ang shala" Hindi ko napigilang sabihin.

Sa dulo ng driveway nakatayo ang mansion.

Hindi siya basta malaking bahay. It was a full-on luxury mansion.

Three floors, modern classic ang design combination ng white marble exterior at floor-to-ceiling glass windows na kumikinang sa tama ng araw.

May mga tall columns sa harap, parang mga bahay sa Europe na nakikita ko lang dati sa Pinterest.

Sa gitna, may grand entrance na double doors dark wood with gold handles, sobrang taas, parang dalawang tao ang kailangan para mabuksan.

At sa harap nito Isang fountain. Hindi lang basta fountain.

It was a multi-tiered marble fountain, may statue sa gitna isang babaeng may hawak na vase kung saan tuloy-tuloy ang agos ng tubig.

The sound alone? Nakaka-relax. Nakaka-intimidate.

"Hindi to bahay" Bulong ko. "Palasyo to."

Napalingon ako kay Collie. Relax lang siya parang normal lang lahat.

"Dito po kami nakatira," Sabi niya casually.

"Dito kayo nakatira?!" Napatingin ulit ako sa mansion. "Collie ilang tao ba nakatira dito?"

"Konti lang po," Sagot niya.

"Konti?!"

"Mga kami lang po."

Napatingin ulit ako sa buong paligid.

From the massive lawn na parang golf course sa laki, hanggang sa perfectly aligned na mga halaman, hanggang sa mansion na mukhang pang-movie set

"Hindi mukhang konti," Bulong ko.

Huminto ang sasakyan sa harap mismo ng entrance. May dalawang staff agad na lumapit para buksan ang pinto.

Napalunok ako ulit. First day ko pa lang pero pakiramdam ko, pumasok na ako sa ibang mundo.

"Wait lang po," Sabi niya, sabay baba.

Pinanood ko siyang pumasok. Pagkasara ng pinto napahiga ako sa upuan humarap ulit sa kisame. Inaantok pa rin ako.

"Five minutes" Bulong ko sa sarili ko.

Hindi naman siguro masama kung ipikit ko lang saglit ang mata ko, diba?

Click.

Narinig kong bumukas ulit ang pinto ng sasakyan. Hindi pa rin ako gumagalaw. Pagod ako.

"..."

Hindi ko kinaya ang katahimikan.

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanan.

Nandoon si Collie.

Pareho pa rin ang suot niya, pero nagbago ang style ng buhok niya.

"Sino nag-ayos ng hair mo? Ang bilis naman," Tanong ko, paos pa rin ang boses ko.

Tinitigan niya ako. Diretso at walang emosyon.

"No," Sagot niya.

Lamig.

Parang hindi siya yung batang kanina lang eh halos tumalon sa kama ko para mang-cuddle.

Napakurap ako.

"...Ah, okay," Sagot ko, medyo naguluhan.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa kisame. Pinikit ko ang mga mata ko. Baka pagod lang ako. Baka inaantok lang ako. Baka-

"Hehe~"

Napamulat ako.

May narinig akong hagikgik. Cute, Mahina at sa bandang kaliwa ko.

Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko.

At doon nakita ko siya. Si Collie, nakangiti ng nakakaloko. Yung familiar na ngiti niya. Yung batang makulit, masigla, at puno ng energy.

"Collie?" Bulong ko.

"Po?" Sagot niya, nakangiti.

Dahan-dahan akong napalingon sa

kanan nandoon pa rin yung isa tahimik nakatingin lang sa labas walang emosyon bumalik ako sa kaliwa ngumiti ulit si Collie.

"Ready na po tayo?"

Bumalik ako sa kanan, medyo nahihilo na ako samantalang wala pa ring reaksyon yung isa.

"Sandali-" Napaupo ako ng maayos. "Ano 'to?"

Napatingin ako sa kaliwa.

"Collie"

"Po?"

Napatingin ako sa kanan.

"..Collie?"

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa labas ng bintana, para bang wala akong sinabing kahit ano.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Wait- wait- wait-" Sabi ko, huminga ng malalim.

"Bakit dalawa kayo?"

"Ah..." Napakamot sa ulo si Collie yung nasa kaliwa. "Nakalimutan ko pong sabihin."

"NAKALIMUTAN MO?!"

"May kapatid po kasi ako," Dagdag niya.

"Kapatid?"

"Opo," Tango niya, sabay nguso sa katabi ko. "Twin po kami."

Parang may sumabog sa utak ko.

"Twin?!"

"Siya po si Callie."

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanan.

Si Callie. Parehong mukha. Parehong suot. Pero ibang-iba ang aura. Kung si Collie ay parang araw si Callie naman ay parang buwan, Tahimik, Malamig, Malayo.

Hindi siya tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa bintana, parang wala siyang kasama.

"Siya po yung" Huminto si Collie, medyo lumapit at bumulong. "Medyo cold."

"Medyo?" Ulit ko.

"Konti lang po."

Napatingin ako kay Callie. Walang reaksyon.

"Sure ka?"

Hindi sumagot si Callie. Hindi man lang gumalaw. Para bang hangin lang ako sa tabi niya at doon unti-unting nag-connect ang lahat yung mga pagkakataon na sobrang lambing ni Collie ay may mga araw na halos hindi ako pinapansin.

Yung mga titig na malamig.

Yung mga sagot na maikli.

Yung batang parang may distansya.

Akala ko mood swings.

Akala ko pagod lang siya.

Akala ko may nagawa akong mali.

Pero-

"Hindi ikaw," Bulong ko. Napatingin si Collie sa akin.

"Po?"

Dahan-dahan akong napailing.

"Hindi ikaw yung mga araw na malamig ka I mean, halos ayaw mo ako kausapin."

Napatingin ako kay Callie.

"Ikaw yon."

Tahimik lang sya pero kahit hindi siya magsalita parang tama ako. Napabuntong-hininga ako, sabay sandal ulit sa upuan.

"Grabe"

Napatingin ako sa kisame ulit.

"Dalawa pala kayo"

"Surprise po," Masayang sabi ni Collie.

"Hindi to surprise," Sagot ko. "Heart attack to."

Natawa siya.

"Sorry po."

Napatingin ako sa kanya.

"Simula ngayon pakisabi agad kung sino sa inyo ang kausap ko."

"Opo!"

"At sana wag kayo magpalit nang hindi ko alam."

"Opo!"

Napatingin ulit ako sa kanan.

"Ikaw rin."

Walang sagot.

Pero-

Sa gilid ng mata ko parang bahagyang gumalaw ang mata ni Callie, papunta sa direksyon ko saglit lang tapos bumalik ulit sa bintana napangiti ako ng konti.

"Okay."

Mukhang mas magiging komplikado ang buhay ko.

Hindi lang dahil sa trabaho.

Hindi lang dahil kina Lara at Hana.

Kundi dahil-

Hindi isa. Kundi dalawa ang batang kailangan kong intindihin at pakiramdaman mas mahirap pakisamahan yung isa.

Tahimik ang byahe namin papunta sa school. Nasa likod ako, habang si Collie at Callie ay abala sa sarili nilang mundo si Collie madaldal, si Callie tahimik lang. Ako dito sa gitna, pilit ginigising ang sarili.

Pagdating namin, bumaba agad sila. yumuko naman ako nang bahagya para ayusin ang buhok ni Collie.

"Behave, okay?" Mahinahon kong sabi.

"Copy, dude!" Masiglang sagot ni Collie.

Samantalang si Callie, tumango lang. Kaya ngumiti na lang rin ako mana sa nanay.

Hindi naman required na mag-stay ako, so why not take advantage of it? Kaya agad kong sinabi sa driver na ihatid ako sa malapit na café. Gusto ko lang magpahinga magbasa at kahit papaano, makatulog.

Mahina ang tunog ng aircon, may halong amoy ng kape na parang yakap sa pagod kong katawan. Nakaupo ako sa sulok, hawak ang libro, pero hindi ko na namalayan kung kailan bumigat ang talukap ng mata ko.

Hanggang sa-

"Amor"

Napamulat ako napatingin sa oras.

At sa taong tumawag sa pangalan ko.

"Elena?" Gulat kong sabi.

"Sorry did I wake you up?" Apologetic niyang tanong.

Umiling lang ako at ngumiti. "Hindi naman."

Umupo siya sa tapat ko, pinagmamasdan ako sandali.

"You look tired," Sabi niya. "Still working with Miss Walls?"

Tumango ako. "Yes, pero more on sa twins na."

"Twins?" Napakunot noo niya.

"Yeah," Napangiti ako. "Mga anak ni Miss Walls."

"Kamusta naman?"

Napaisip ako saglit, tapos napatawa.

"Yung isa parang yelo," Sabi ko, naaalala si Callie. "Tahimik lang at minimal magsalita pero cute."

"Tapos yung isa" Napangiti ulit ako. "Parang bulate."

Natawa siya. "Bulate talaga?"

"Hindi sa panget ah," Agad kong depensa, natatawa rin. "Ang ingay, ang saya parang di nauubusan ng energy ang likot."

Napataas kilay ni Elena, amused.

"Interesting," Sabi niya, naka-ngiti pa rin.

Nagkamustahan pa kami saglit mga simpleng bagay, trabaho, buhay. Hanggang sa tumingin siya sa relo niya.

"I have to go," Sabi niya. "Marami pa akong gagawin."

Tumango ako. "Same."

"Take care, Amor."

"You too."

Ngumiti siya bago tuluyang umalis.

Isang oras na lang lunch na. Kaya nagpatuloy ako sa pagbabasa. Sa kasamaang palad pagtingin ko sa oras.

"Sh-" Napatayo ako agad, nagmamadaling lumabas. Hindi ko na namalayan ang oras. Parang sobrang bilis ng oras ngayon o sadyang lutang lang ako.

Pagdating ko sa school, nandoon na agad sina Collie at Callie, naghihintay.

"Late ka, dude!" Reklamo ni Collie pero may halong tawa.

"Sorry na" Napangiti ako habang ginugulo ang buhok niya. Habang nasa kotse kami, nagsimula na naman ang ingay.

"Alam mo, dude, kanina-" Tuloy-tuloy ang kwento ni Collie, halos hindi na humihinga.

"Talaga?" natatawa kong sagot. Napatingin ako kay Callie.

"How about you, Callie?" Tanong ko.

"Just fine."

"May nangyari ba?"

"Nothing."

"Friends?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Napailing na lang ako, napangiti. Typical Callie 1 to 3 words lang palagi. Pero kahit ganon, ramdam ko na nakikinig siya.

Pagdating namin sa building, agad kong kinuha ang bag ni Collie.

"Bigay mo na," Sabi ko.

"Yey, thank you!" Masaya niyang ibinigay.

Pagharap ko kay Callie, sinubukan kong kunin ang bag niya. Pero agad siyang umiwas.

"No."

Napahinto ako, napatingin sa kanya.

"You sure?"

Tumango lang siya, mahigpit ang hawak sa bag.

"Okay" Mahina kong sagot. Hindi ko na pinilit.

Pagdating namin sa office ni Miss Walls wala siya. Tahimik ang paligid.

"Miss is in a meeting," Sabi ng assistant niya.

Tumango ako. "Okay, thank you."

As usual, dinala ko ang dalawang bata sa sofa. Umupo agad si Collie, habang si Callie ay tahimik na tumabi sa kanya. Napangiti ako, saka sumandal.

"So" Tumingin ako sa kanila.

"How does it feel to have a twin?"

Agad napatingin si Collie kay Callie.

"Masaya!" Mabilis niyang sagot. "Sometimes people think I'm her!"

Napalingon ako kay Callie.

"Annoying, loud, crazy." Sagot niya.

Natawa ako.

"Ouch," Sabi ni Collie sabay nguso.

"Stop pouting, you look like a duck," Sabi niya.

"Grabe ka naman," Biro ko. Pero kita ng mata ko kung paano siya bahagyang sumandal kay Collie at si Collie, parang sanay na, hinayaan lang siya.

Napangiti ako.

Siguro ganon talaga hindi man sila pareho ng personality, pareho naman sila ng pakiramdam. At kahit hindi nila sabihin, nandon sila para sa isa't isa.

Hindi pa kami gaanong nagtatagal sa loob ng office nang biglang bumukas ang pinto.

Napatayo si Collie agad.

"Mommy!"

Tumakbo siya papunta kay Miss Walls na kakapasok lang. Kita agad sa mukha nito ang pagod kulang sa tulog, seryoso ang mata pero sa sandaling niyakap siya ni Collie, parang nawala lahat ng bigat.

Ngumiti siya. Yung klaseng ngiti na bihira mong makita malambot at totoo.

"Hi, baby" Mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ni Collie. Pag-angat niya ng tingin, napatingin

siya sakin pati kay Callie.

"Have you eaten?" Tanong niya.

Umiling si Collie. "Hindi pa, mommy!"

Napatingin siya kay Callie.

"And you, baby?" Tanong niya. Kala ko hindi siya sasagot.

"Mommy can we eat in a Japanese restaurant I want sushi."

Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. Ang haba ng sinabi niya.

"Eh ako, mommy! I want Italian food!" Sabat ni Collie agad. "Pasta!"

Napabuntong-hininga si Miss Walls, hinimas ang noo.

"I can't go out, girls... I still have papers to work on," Mahinahon pero halatang pagod. "Let's just order."

Tumango ang dalawa, kahit halatang medyo disappointed. Tapos napatingin si Miss Walls sakin.

"How about you, Miss Reyes? What do you want to eat?"

Napakurap ako, medyo nabigla.

"A-ah pwede po bang karenderya na lang"

Saglit siyang natigilan.

"Alright," Simpleng sagot niya.

"M-Mommy" Si Collie, halatang curious. "What is karenderya?"

Bubuka pa lang sana bibig ko para sumagot pero-

"Karenderya is a small local eatery,"

Si Callie ang sumagot. Napatingin ako sa kanya. Diretso ang upo niya parang nagre-report.

"So it's like buffet?" Tanong ni Collie.

"Yeah, but usually homemade. Affordable. Different dishes every day like adobo, sinigang, pakbet then you choose whatever you want but you have to pay for each ulam."

Napatitig ako, Buong explanation hindi lang 1 to 3 words si Collie, napatingin din sa kanya.

"Wow... ang dami mong sinabi, yun din naman yun."

Inirapan lang siya ni Callie. Si Miss Walls, umiling lang sabay may tinawagan sa phone. Di ko na narinig ang sinabi niya sa kausap kasi lumabas rin siya ng office.

After 20 minutes...

Dumating na ang pagkain. Pero-

Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Marami. May Japanese sushi, ramen. May Italian pasta, pizza. At sa gilid mga ulam mga lutong bahay. Adobo, Sinigang, Torta at Gulay. Parang buong karenderya napatingin ako kay Miss Walls.

"I don't know what you want to eat," Sabi niya. "So I ordered everything."

Napangiti na lang ako, bahagyang tumango.

"Thank you po."

Nagsimula kaming kumain. Tahimik sa una puro tikim. Kumuha ako ng ulam.

Unang subo-

napahinto ako. Parang pamilyar. Parang nakain ko na. Kumuha pa ako ng iba.

Isa pa. Pareho. Yung lasa hindi bago.

Parang may alaala na nakakabit. Hindi ko lang maalala kung saan.

Napatingin ako sa plato ko, nagtataka. Hanggang sa-

"Any problem?"

Napatingin ako kay Miss Walls. Nakatingin siya sakin, diretso.

"Wala po" Agad kong sagot. "Masarap po."

Pero sa totoo lang may kung ano sa isip ko.

"Mommy," Tawag ni Collie sa mommy niya.

"Hmm?"

"You know po me and dude we have the same allergy."

Napatingin ako kay Miss Walls. Napatingin din siya sakin. Kaya nagtagpo ang mga mata namin.

"Is that so?" Tanong niya. Tumango lang ako ng dahan-dahan.

Natapos din kaming kumain.

Bumalik si Miss Walls sa table niya, agad na ulit nagtrabaho parang walang pahinga. Samantalang ako naka upo sa tabi ni Collie.

"Homework time," Sabi ko.

"Aww" Reklamo niya pero ngumiti rin.

Kinuha ko ang notebook niya, tinulungan siyang magsagot.

Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Callie tahimik lang nagbabasa ng libro niya. At kahit abala ako kay Collie hindi ko maiwasang isipin yung lasa ng mga ulam kanina familiar talaga, o sadyang miss ko lang kumain ng lutong bahay.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.