CHAPTER 16 Who Let The Dogs Out!!!

Amor’s POV

Finally finally my favorite day of the week.

Day off.

Yung tipong hindi ako gigising ng alas kwatro ng umaga dahil sa batang may energy ng sampung tao. Walang sigawan, walang “Dude!”, walang takbuhan, walang gulo, walang aso at pusa.

Sana pero-

“AMOR! BILIS!”

Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang sigaw ni Hana habang hinihila niya ako papasok ng mall. Halos madulas pa ako sa lakas ng pagkakahatak niya.

“Ano kayo, hinahabol?!” Reklamo ko, pero hindi ko rin napigilang hindi mapatawa habang sumasabay sa kanila.

“Dali na para masulit natin!” Sabi ni Lara, nakangiti pa na parang may plano nang gastusin ang buong sahod ko.

Napailing na lang ako, pero may maliit na ngiti sa labi. Ganitonaman talaga kami. Maingay, magulo… pero masaya.

Habang naglalakad kami sa loob ng mall, ramdam ko yung kakaibang gaan ng pakiramdam ko. Dalawang linggo na rin kasing puro si Collie ang iniisip ko yung kakulitan niya, pati na rin yung aso't pusa nila ni Lara na parang may sariling mundo pag nag-aaway.

Pero ngayon?

Tahimik.

Walang batang sumisigaw ng “Cuddle po!”

Napangiti ako nang bahagya.

“Anong una?” Tanong ko, nakataas ang dalawang kilay.

“Food,” Mabilis na sagot ni Hana, parang kanina pa naghihintay ng cue.

“Shopping,” Sabat ni Lara, naka-cross arms pa at may confident na ngiti.

“Rest kaya,” Sagot ko, sabay hilamos ng mukha ko gamit ang palad ko. Napahinto silang dalawa, sabay nagkatinginan.

“Arte mo,” sabay nilang sabi, deadpan ang mukha.

Napairap ako. “Di sana natulog ka nalang sa bahay, nohhh.” Sagot ni Lara, sabay taas ng isang kilay.

“Aba, loko! Sino bang hinila ako palabas?” Sabi ko.

“Ah basta! Kain muna tayo,” Putol ni Lara, sabay hila ulit sa braso ko.

“Mahirap ba maging mommy?” Tanong bigla ni Hana, nakatingin sa akin na parang curious na curious.

Napahinga ako nang malalim, napakamot sa noo.

“Medyo lalo na pag si Collie ang inaalagaan mo,” Sagot ko, may halong pagod pero may ngiti rin. “Pero masaya.”

“Sabagay,” Singit ni Lara, “Ikaw ba naman mag-alaga ng tiyanak. So difficult nun! Isipin mo, sasabihin niya ‘may orange siya.’ Pag tinanong mo kung maasim, sasabihin ‘color po.’ Pag tinanong mo kung color, sasabihin ‘maasim.’”

Napatawa si Hana.

“Alam mo, Lara,” Sabi niya. “kahit kailan hindi ka mananalo sa batang yun.”

“Ano nga pala score nila?” Tanong ko, curious na rin.

“1–3 lamang si Collie,” Sagot ni Hana, pigil ang tawa. “May kinuha lang si Lara sa labas ayun, inasar na siya ni Collie. Hindi napigilan ni Lara mainis.”

“Huy! Hindi ako naiinis!” Depensa ni Lara, sabay iwas ng tingin. “Namumula lang ilong ko!”

“Sus! Halos maiyak ka nga eh!” Asar ni Hana.

Napailing na lang ako, napapikit sandali. Mukhang magkaka, World War 3 na naman to.

“Tara, kain muna tayo,” Sabi ko agad, sabay taas ng dalawang kamay na parang referee.

Pero bago pa kami tuluyang makalakad—

Ring. Ring.

Napahinto ako.

Dahan-dahan kong kinuha yung phone ko sa bulsa, napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan sa screen.

Margaret.

“Sino yan?” Tanong ni Lara, nakasilip pa sa phone ko.

“Si Miss Margaret,” Sagot ko, sabay sagot ng tawag. “Hello po?”

“Amor,” Bungad niya, seryoso ang boses. Walang halong biro.

Bigla akong kinabahan.

“Can you go to Celes’ house?”

Napahinto ako sa paglakad. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.

“Po? Ma’am… day off ko po ngayon. Nasa labas po ako—” Sagot ko, alanganin.

“I know,” Putol niya agad. “But I need someone to check on her and the kids.”

Napatingin ako kina Hana at Lara. Pareho silang nakatitig sa akin, halatang nag-aabang.

“Kasama ko po friends ko,” Dagdag ko, halos pabulong.

Saglit na katahimikan.

“Bring them with you.”

“Po?” Napakurap ako.

“Bring them,” Ulit niya, mas firm na ngayon. Napalunok ako.

“Okay po,” Sagot ko na lang, kahit ang dami nang tanong sa utak ko.

Pagkababa ko ng tawag, napabuntong-hininga ako.

“Ano na?” Tanong ni Hana, naka-lean pa sa akin.

“Cancel. Kailangan nating pumunta sa bahay nila Collie,” Sabi ko. Agad nag-cross arms si Lara, nakakunot ang noo.

“Hulaan ko trouble na naman si tiyanak?” Sabi niya. Napailing ako.

“Hindii may kailangan lang i-check,” Sagot ko. “Kung gusto niyo, dito na lang kayo. Ako na lang pupunta.”

Umiling agad si Hana, seryoso ang mukha pero may concern sa mata.

“Samahan ka na lang namin.”

“Tara,” Dagdag pa niya.

“Tara sa bahay ng tiyanak,” Sabi ni Lara, pilit na matapang ang boses pero halatang kinakabahan. “Hindi naman siguro haunted house yun, di ba?”

Hindi ako nakasagot agad.

Napatingin lang ako sa harap habang naglalakad kami palabas ng mall.

Kung alam mo lang, Lara hindi lang yun basta bahay. Mansion yun.

15 minutes later…

“AMOR—!” Halos mapunit ang eardrums ko sa sigaw ni Lara habang nasa loob kami ng sasakyan. Hawak niya yung dashboard na parang anytime may mangyayaring aksidente. “Saan mo kami dinadala?!”

Napairap ako, pero may maliit na ngiti sa labi ko. “Relax ka lang wag kang oa. Malapit na tayo.”

“Alam mo, sana talaga hindi haunted house yan o bahay ni Elsa,” Dagdag pa niya, sabay yakap sa sarili niya. “Wala akong jacket!”

“Exactly,” Sabat ni Hana, kalmado lang, pero halatang natatawa.

Ilang segundo pa tuluyan kaming huminto tumambad sa amin ang isang napakataas na gate.

Napalunok ako.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Gate pa lang, pero sobrang intimidating na. Yung tipong kahit hindi ka pa pumapasok, ramdam mo na agad hindi ka belong dito.

“Amor” Mahina ang boses ni Hana.

“Hmm?” Sagot ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa harap.

“Mayaman ka pala,” Biro niya. “Hindi mo sinabi.”

Napatawa ako at napailing. “Hindi akin to, baliw!”

“Ang yaman naman ng tiyanak” Sabi ni Lara, nakabuka pa ang bibig habang nakatitig sa gate.

Biglang—

Sssshhhkkk…

Unti-unting bumukas ang gate.

Smooth, Sosyal at na nanampal ng kahirapan.

“Sh—” Napahawak si Lara sa braso ko, nanlaki ang mata. “Automatic…”

Napangiti ako. “Welcome.”

Pagpasok namin, diretso ang tingin nila sa loob at nang makita nila ang mansion sabay silang napasigaw.

“ANO TO?!”

Napatawa na talaga ako. “Told you.”

Pagkababa namin ng sasakyan, ramdam ko agad ang lamig ng hangin. Malinis. Tahimik. Halos walang ingay parang ibang mundo.

Lumapit agad ang guard akala ko haharangin kami, pero—

“Good afternoon, Ma’am Amor,” Bati niya, diretso at magalang. Napatingin agad sina Hana at Lara sa akin, sabay pa.

“Ma’am?” Bulong nila, pareho ang tono.

“Shut up,” Sabi ko pabalik, pinipigilan ang ngiti. Pinapasok kami nang walang tanong-tanong.

Pagpasok namin sa loob, sinalubong kami ng isang maid.

“Miss Amor,” Bati niya, nakayuko nang bahagya.

“Good day, Manang. Where’s Miss Walls?” Tanong ko agad.

“Miss Walls is sick.”

Napakunot ang noo ko. “Sick?”

“Yes, Ma’am.”

“Wow… Englisher,” Bulong ni Lara sa gilid, sabay siko kay Hana hindi ko na napigilang matawa ng mahina.

Hinatid kami ni Manang papunta sa sala malawak, elegante, parang pang-movie. Pagkatapos, tahimik siyang umalis.

“Grabe, teh…” Bulong ni Hana, paikot-ikot ang tingin sa paligid. “Kahit si Manang, Englisher.”

May sasabihin pa sana ako pero biglang—

“DUDE!”

Napalingon kami at doon nakita namin si Collie. Tumatakbo papunta sa amin, ang laki ng ngiti at kasama niya ang dalawang aso.

“AY—!” Napaatras si Lara, halos madapa. “ANO YAN?!”

“Dog po!” Masiglang sagot ni Collie, parang proud pa.

“Alam ko pero hindi ko tinatanong kung ano yan—BAKIT MAY GANYAN?!” Sigaw ni Lara, sabay tago sa likod ni Hana.

“’Cause they live here?” Inosenteng sagot ni Collie, nakakunot pa ang noo.

“HINDI! Bakit ganyan kalaki?! Mas malaki pa yan sa’yo!” Reklamo ni Lara, nanginginig pa ang boses.

Napatawa na lang ako.

Same reaction ganyan din ako nung una kong makita yang dalawang aso.

Dalawang Leonberger lang naman ang alaga ni collie halos mukhang leon sa laki, pero sobrang bait. Minsan nga, sinasakyan pa ni Collie.

Natawa si Hana.

“You’re just short po,” Sabi ni collie kay Lara, deadpan ang mukha.

Dumating ang dog trainer at kinuha yung dalawang aso. Dahan-dahan namang kumalma si Lara atinayos ang buhok niya, sabay cross arms kunwari composed ulit.

Pero halatang muntik na siyang umiyak kanina subrang takot na takot kasi siya sa aso. Kaya nga manok ang alaga niyan. Yung manok na trespassing sa kwarto ko.

“Tama na yan,” Sabi ko, pinipigilan ang tawa.

Pero si Lara—

“Tiyanak ka talaga!” Sabi niya kay Collie.

Napahinto si Collie, napakurap.

“Tiyanak?” Ulit niya, curious.

Tahimik mga ilang segundo, Tapos—

“A tiyanak,”

Isang malamig, kalmadong boses mula sa taas. Sabay-sabay kaming napatingin.

Nandoon si Callie.

Nakatayo sa hagdan, tuwid ang postura, walang emosyon ang mukha. Parang laging nasa sariling mundo.

Dahan-dahan siyang bumaba.

“A tiyanak,” Ulit niya, parang nagre-report sa klase, “Is a mythical creature in Filipino folklore. It is usually depicted as a baby that lures victims by crying then attacks them once approached.”

Natahimik sina Hana at Lara.

Hindi gumagalaw Parang…

nakakita ng multo.

“Some interpretations say they are souls of unbaptized infants,” Dagdag pa niya, diretso ang tingin sa kanila. “Others describe them as deceptive, loud, and attention-seeking.”

Napatingin siya kay Collie.

Saglit tapos—

“In short,” Sabi niya, bumaling kay Lara, walang kaemo-emosyon,

“You’re saying that Collie looks like a baby that doesn’t shower.”

Napabuka ang bibig ni Lara,

Si Hana napatigil.

“You should be mad,” Sabi ni Collie kay Callie, naka-pout pa.

“Disculpe, why would I?” Tanong ni Callie, bahagyang nakataas ang isang kilay.

“Cause we look alike,” Sagot ni Collie, seryoso.

“Yes, we do,” Kalmadong sagot ni Callie. “But I shower three to four times a day… so I don’t care about those kind of nonsense.”

Napapout si Collie, sabay tingin sa akin, parang nagsusumbong.

Napabuntong-hininga ako.

“Tama na yan,” Sabi ko, seryoso na.

Pero sa totoo lang—

Hindi ko alam kung matatawa ako… o kakabahan. Dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip nung dalawa ang tamahimik nila. Yung tipong kanina ang ingay-ingay nila, tapos ngayon parang na-freeze.

“Ha?” Si Hana, nakakunot ang noo, nakatitig pa rin sa harap.

“Wait, wait” Si Lara, sabay taas ng kamay na parang pinapatigil ang mundo. Dahan-dahan siyang napalingon sa akin. “Totoo ba tong nakikita ko?”

“OO NGA,” Dagdag ni Hana agad, hindi pa rin makapaniwala. “Hindi lang isa kundi DALAWA.”

Itinuro ni Lara si Callie, nakapikit pa ang isang mata na parang sinusigurado kung hallucination lang ba to.

“Pero mukhang mas matino yung isa,” Dagdag niya. Napakamot ako sa ulo, alanganin ang ngiti.

“Sorry hindi ko nasabi,” Sabi ko, sabay turo kay Callie. “That’s Callie. Collie’s twin.”

“TWIN?!” Sabay nilang sigaw, halos mag-echo sa buong sala.

“Surprise po,” Masayang sabi ni Collie, nakangiti pa nang todo, parang proud sa chaos na ginawa niya.

“Hindi to surprise” Bulong ni Hana, nakatulala. “Horror to.”

Napailing ako, pinipigilan ang tawa.

“Guys”

Huminga ako nang malalim, saka tumingin kay Collie.

“Nasaan si Miss Walls?”

Tahimik si Collie. Dahan-dahan siyang napatingin sa taas. Si Callie naman, bahagyang lumingon sa akin, seryoso ang mukha.

“Upstairs.”

Maikli, Diretso at biglang bumigat ang hangin parang may mali parang may hindi dapat.

Napalunok ako.

“Okay” Mahina kong sabi, sabay lingon kina Hana at Lara. “Stay here muna.”

“Ha?!” Si Lara, agad.

“Hindi,” Sabat ni Hana, tumayo pa. “Sasama kami.”

Napabuntong-hininga ako.

“Dito muna kayo. Samahan niyo tong dalawa,” Sabi ko, sabay turo kay Collie at Callie.

Hindi ko na sila hinintay sumagot.

Diretso na akong umakyat.

Habang paakyat ako ng hagdan, hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi ng maid.

Miss Walls is sick.

Simple lang dapat. Pero bakit ganito yung pakiramdam ko?

Parang hindi ako mapakali.

Parang may kulang.

Parang may mali.

Bawat hakbang ko sa hagdan, rinig na rinig ko. Kahit yung tunog ng sapatos ko parang ayaw makisabay sa katahimikan ng bahay.

Pagdating ko sa taas, agad kong nakita ang pinto bahagyang nakaawang.

Dahan-dahan ko itong itinulak.

Click.

Tahimik at mahina ang ilaw.

Nakasara ang mga kurtina, konting liwanag lang ang pumapasok sa gilid.

At doon—

Nakahiga si Miss Walls at mahimbing ang tulog pero hindi mukhang maayos.

Dahan-dahan akong lumapit.

“Miss” Mahina kong tawag.

Walang sagot.

Umupo ako sa gilid ng kama, saka marahang inilapit ang kamay ko sa noo niya at doon—

Napakunot ang noo ko.

“Ang init” Bulong ko.

Hindi to normal, Hindi to simpleng pagod lang. Agad akong tumayo kailangan ng tubig at towel.

Lumabas agad ako ng kwarto at bumaba ulit.

DOWNSTAIRS

Pagdating ko sa kusina, agad kong nakita si Manang.

“Manang,” Tawag ko, medyo nagmamadali. “Pwede po bang makahingi ng maligamgam na tubig at towel?”

Napatingin siya sa akin, halatang nag-alangan.

“Ah… Ma’am hindi po kasi sanay si Miss Walls sa ganon…” Sabi niya, mahina.

Napakunot ang noo ko. “Huh?”

“She doesn’t like it Ma'am”

Saglit akong natahimik, Tapos napabuntong-hininga.

“Ako na po bahala,” Diretso kong sabi. “Paki-prepare na lang po at amor na lang po itawag niyo sa akin.”

Hindi na siya kumontra tumango na lang.

Habang hinihintay ko, napatingin ako sa sala nandoon sila kaya lumapit ako.

Si Collie, naka-upo sa carpet, yakap ang paborito niyang stuff toyat himala tahimik sya.

For once.

Si Hana, naka-upo sa sofa, kumakain ng kung ano mang nakita niya, parang nasa sariling bahay lang.

At si Lara…

“Ayy—ganon na yon? Sino nauna sa inyo?!” Tanong niya, may hawak na tinidor pero parang hindi alam kung ano ang ginagawa.

“Me,” Kalmadong sagot ni Callie, diretso ang upo, parang nasa etiquette class.

Napataas ang kilay ko. Sumagot siya?

May sasabihin pa sana si Lara—

Pero napatingin si Callie sa akin.

May konting pag-aalala sa mata niya.

“How’s mommy po?” Tanong niya. Diretso walang paligoy-ligoy.

Napatingin din si Collie.

“She doesn’t want us to be near her po that's why we don't know what's going on” Sabi ni collie.

“Dude…” Dagdag n'yang sabi, hawak pa rin ang toy niya. “She’s gonna be okay, right?”

Saglit akong natahimik.

Tapos ngumiti ako ng bahagya, pinakalma ang boses ko.

“She just has fever,” Sabi ko. “Magiging okay din siya.”

“Magiging okay rin ang mommy niyo,” Sabat ni Lara, naka-cross arms, pero may konting lambot na sa boses. “Wag ka lang papakita baka matakot.”

Napalingon ako sa kanya. “Lara!”

Pero si Collie—

“Ha?!” sabay nguso. “Ang mean mo po!”

At bigla—

“Ha… ha.”

Isang mahinang hagikgik halos hindi marinig pero sapat para mapatingin kaming lahat.

Si Callie.

..tumatawa.

Hindi malakas.

Hindi halata.

Pero nandun.

Isang maliit na kurba sa labi niya.

Isang tunog na halos hindi mo mapapansin kung hindi ka nakatingin kaya napakurap ako.

She laughed…

“ABA,” Si Lara, napangiti, parang proud pa. “Mukhang ka-vibe ko to ah.”

Napatingin si Callie sa kanya.

Diretso at walang emosyon.

“I’m not laughing because of what you said po.”

Pause.

“…Especially me and my sister are look alike.”

Napatigil si Lara.

“I’m laughing,” Sabi niya, kalmado, “Because that’s not how you eat that po.”

Sabay turo sa plato ni Lara.

Napatingin kaming lahat at mali nga.

Kung paano siya kumain… parang first time niyang humawak ng tinidor.

“Excuse me?” Sabi ni Lara, napakunot ang noo.

“Parang mas bata ka pa po sa amin,” Asar ni Collie.

Agad namula ang mukha ni Lara, napagtanto rin siguro nya.

“—HOY!” Sigaw niya, pero halatang nahihiya.

Biglang natawa si Hana.

“HAHAHA! Yan kasi!” Sabay turo. “Malamang magkamukha sila pag sinabi mo yun, pati yang isa tatamaan!”

“True po!” Dagdag ni Collie, sabay high-five kay Hana.

“Hoy kayo—” Si Lara, napapailing, pero natawa na rin sa sarili niya.

Napahawak na lang ako sa noo ko.

“Magtigil nga kayo,” Sabi ko, pero halatang pinipigilan ko rin yung tawa ko.

Sakto—

“Ma’am,” Tawag ni Manang mula sa kusina. “Ready na po.”

Tumango ako.

“Kukunin ko lang,” Sabi ko, sabay lingon ulit sa kanila.

“Behave.”

“Opo!” Si Collie, taas kamay pa.

“Try namin,” Si Hana, nakangisi.

“Hindi ako nangangako,” Si Lara, taas kilay.

Napailing na lang ako bahala na kayo.

Pagbalik ko sa kwarto, dala ko na ang maligamgam na tubig at towel. Tahimik pa rin. Ganun pa rin siya.

Dahan-dahan akong lumapit ulit sa kama. Umupo, at marahang binasa ang towel. Piniga ko ito ng konti, saka dahan-dahang inilapat sa noo niya.

Saglit akong napahinto. Hindi ko alam kung bakit. Pero—

Parang may kung anong pakiramdam.

Pamilyar. Hindi ko ma-explain. Siguro dahil sanay na akong gawin to tuwing nagkakasakit si Lara.

Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, inaayos yung mga hibla na nakaharang sa mukha niya.

Mainit pa rin.

“Grabe ka naman…” Mahina kong bulong. “Hindi ka marunong magpahinga.”

Tahimik lang ang kwarto. Tanging hinga niya lang ang maririnig. Pinisil ko ulit ang towel at nag-umpisang punasan ang mga kamay niya.

Parang natural lang sakin. At doon—

Napahinto ako.

Napatitig sa kanya. Sa maganda niyang mukha.

Mahina ang ilaw sa kwarto. Yung tipong malambot sa mata. At sa ganung liwanag, mas lalo kong napansin ang ganda nya.

Miss Walls.

Mahaba ang pilikmata. Kahit nakapikit, halatang maganda. Yung balat niya kahit may lagnat, makinis pa rin. Yung features niya, matalas pero elegante.

Parang hindi siya totoo.

“Ang ganda mo… napaka tanga niya para iwan kayo,” Bulong ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo doon. Dahan-dahan akong napalapit ng konti. Hindi ko namalayan.

Nakatitig lang ako hindi ko alam kung bakit pero ang tahimik ng mundo sa paligid niya at sa sandaling to parang nawala lahat ng ingay.

Walang Hana.

Walang Lara.

Walang Collie.

Walang Callie.

Siya lang at ako.

“Grabe…” Mahina kong bulong, halos hindi ko na narinig sarili ko.

Hindi ko napansin na matagal na pala at sobrang lapit ko na.

Gumalaw siya kaya bigla akong napaatras ng konti.

At bago pa ako makapag-react at

Nagmulat siya ng mata.

Mas lalo akong napaatras. Hindi makatingin sa kanya, parang nahuli ako sa isang kasalanan.

Umupo siya nang diretso.

“What are you doing here?” Paos nyang tanong walang paligoy-ligoy.

Napakurap ako.

“Ah..uh...” Napakamot ako sa ulo ko. “Pinapunta po ako ni Ma’am Margaret… to check on you… and the kids…” Nauutal kong sabi. Tinitigan niya lang ako. Parang sinusuri pero bigla syang naubo

“Cough...”

Napakunot noo ko agad.

“Ma’am..”

“—I’m fine,” Putol niya agad, kahit halatang hindi.

“Hindi po,” Sabi ko, mas seryoso na. “May lagnat kayo.”

Tahimik siya pero ramdam ko ayaw niyang tanggapin.

“Tara na po,” Sabi ko, Sabay tumayo. “Punta na tayo sa hospital.”

“No.”

Diretso niyang sagot. Walang pag-aalinlangan.

Napahinto ako.

“Ma’am”

“I said no.”

Mas malamig at maotoridad nyang sabi. Pero hindi ako umatras.

“Need niyo po magpa-check,” Sabi ko, pilit pinipigilan ang inis. “Hindi ito biro—”

“No.”

Napapikit ako sandali. Huminga ng malalim. Tapos—

“Para sa mga bata.”

“Nag-aalala sila,” Dagdag ko, mas mahina na ang boses. “Si Collie tinatanong ako kung okay lang.”

Walang sagot. Pero nakita ko yung bahagyang pagbabago sa mukha niya hindi halata pero nandun.

“Callie asked too,” Dagdag ko.

Tahimik pa rin siya. Pero alam kong naririnig niya ako.

“At kahit hindi nila sabihin…” Sabi ko, “kailangan ka nila.”

Napabuntong-hininga siya. Parang sumuko ng konti.

“Just call the family doctor.”

Napatingin ako sa kanya.

“Tell her to come over.”

Sandali akong natahimik. Tapos tumango.

“Okay po.”

Hindi hospital pero at least may gagawin.

Kinuha ko ang phone ko.

At habang tinatawagan ko ang doctor, hindi ko maiwasang hindi mapatingin ulit sa kanya. Ngayon gising na siya.

Ngayon hindi ko maiwasang isipin na sinayang lang siya ng kung sino.

Napailing ako ng konti.

Focus, Amor, hindi ito yung oras para—

“Amor.”

Napatingin ako sa kanya diretso niyang tinawag ang pangalan ko.

“Stay.”

Isang salita hindi utos, hindi rin pakiusap. Pero parang pareho

napakurap ako.

“Po?”

“Stay here, Stay for the kids.”

Mas mahina ang boses niya. Hindi na kasing lamig siguro dala ng lagnat.

At hindi ko alam kung bakit—

Pero tumango ako.

“Okay po.”

At sa sandaling yon hindi ko na alam kung sino ang mas may kailangan ng lakas. Siya… o ako.

Tahimik ulit.

Pero this time, iba na. Gising na siya at ramdam ko na ang bawat galaw ko napapansin niya.

Paminsan-minsan, napapatingin ako sa kanya. Nakasandal siya sa headboard. Bahagyang nakapikit, pero halatang hindi siya nagpapahinga.

13 minutes after kong ibaba ang tawag sa doctor.

Pareho kaming napatingin sa pinto.

“I’ll get it po,” Mabilis kong sabi, halos tumakas sa bigat ng titigan namin.

Pagbukas ko ng pinto—

Isang babae ang bumungad. Mid-30s, maayos ang bihis, may dalang medical bag. Matalas ang mata halatang professional.

“You must be Amor,” She said.

Napakurap ako. “Po?”

“Margaret mentioned you, she called ahead,” She gestured lightly sa loob. “I’m Dr. Shane Villareal.”

Tumango ako agad at umatras. “Ah—yes po, please come in.”

Diretso siyang pumasok, parang sanay na sa lugar. Paglapit niya kay Miss Walls Biglang nag-iba ang aura niya.

From professional to warmth

“Celes,” She called softly. Napabukas ng mata si Miss Walls. Bahagyang napakunot ang noo niya.

“You came.”

“Of course I did,” Sagot ni Doc, sabay upo sa gilid ng kama. “Margaret sounded terrible over the phone.”

L“Lie down,” Utos ni Doc.

“I’m fine—”

“Celes.”

Isang salita lang pero napahiga siya hindi na pumalag.

Kinuha ni Doc ang thermometer at dahan-dahang inilagay. Habang hinihintay—

Hinawakan niya ang pulso ni Miss Walls. Sinilip ang oras sa relo niya. Focused. Kalmado. Tapos inilapit ang kamay sa noo niya. Napakunot ang noo ni Doc.

“Still high,” She murmured sabay tinanggal niya ang thermometer at tiningnan.

Then she sighed.

“39.2.”

Napasinghap ako ng mahina.

“Doc” Hindi ko napigilan.

She glanced at me briefly assuring.

Then bumalik ulit kay Miss Walls.

“Open your mouth.”

Sinunod siya ni Miss Walls, kahit halatang naiirita na.

Sinilip niya ang lalamunan gamit ang maliit na ilaw.

“Red. Inflamed.”

Next, inilabas niya ang stethoscope.

“Deep breath.”

Tahimik ang kwarto, maliban sa mahihinang paghinga ni Miss Walls.

Ilang segundo lang. Doc moved the stethoscope slightly.

“Again.”

After a few seconds she leaned back.

At doon, nagbago ang expression niya.

Hindi na basta concern mas seryoso na.

“This is not normal.”

“You have an infection, Celes,” She continued. “And it’s getting worse because you’re not resting.”

Napatingin ako kay Miss Walls.

Pero siya walang emosyon parang expected na niya.

“You need antibiotics. And more importantly—”

She paused.

“You need to stop working for now.”

Then biglang napalingon si Doc sakin.

“Amor, right?”

Napatuwid ako agad. “Po—yes po.”

“You need to take care of her.”

“Po?” tanong ko. Ngumiti lang sya na parabang sinasabing caregiver ako.

“No.”

Mabilis, Matigas, Diretsong sabi ni Miss Walls Napatingin kami pareho sakanya.

“The company needs me,” She said, malamig.

Doc exhaled sharply.

“Your daughters need you more.”

Tumahimik siya pero hindi pa rin bumigay.

“This can’t go on, Celes,” Dagdag ni Doc. “Hindi pwedeng lagi na lang ganito.”

Napakagat labi si Miss Walls parang may gustong sabihin. Pero—

Bumukas ang pinto sabay-sabay kaming napatingin. At doon—

Pumasok si Margaret.

Hindi siya nagmamadali pero ramdam mo agad ang concern niya.

“Don’t be stubborn, Celes,” Kalmadong sabi niya habang papalapit. “Narinig mo naman sinabi ni Shane.”

“How?” Tanong ni Doc.

“Hello? May tainga ako. Isa pa, the door was slightly open,” Sagot ni Margaret, parang older version talaga sya ni Collie.

Tahimik si Miss Walls. Pero halata naiipit na siya.

“How about the company?” Tanong niya.

This time, hindi na kasing tigas.

For the first time may bakas ng pag-aalala hindi para sa sarili niya

kundi sa responsibilidad niya.

Margaret crossed her arms slightly.

“Have a one-month break. I’ll take care of everything,” Sabi niya.

One month?

“That will also be your chance,” Dagdag niya, mas mahina, “To get closer with your daughters.”

Biglang napalingon si Margaret sakin.

“Miss Reyes.”

“Po?”

“I won’t be able to check on them every day,” She continued. “And I don’t trust just anyone.”

Parang huminto ang oras parang alam ko na ang kasunod nito.

“Can you stay here for a month… and help around?”

Hindi ako agad nakasagot. Naririnig ko pa rin yung tibok ng puso ko. Malakas, Mabilis.

“I’ll double your salary,” Dagdag niya.

Pero hindi na yon ang naririnig ko.

Hindi ko na iniisip.

“I just don’t know who to trust other than you.”

At hindi ko alam kung bakit, Pero—

“Yes po.”

Lumabas agad walang pag-iisip walang pag-aalinlangan.

Napatingin sila lahat sakin.

Pero ako nakatitig lang kay Miss Walls.

Hindi ko maipaliwanag bakit ako pumayag bakit parang hindi ako pwedeng umalis.

“Okay,” Mahinang sabi ni Margaret, satisfied.

Si Doc naman, bahagyang napangiti at napatingin kay miss Margaret parang nag uusap ang mga mata nila.

Pero si Miss Walls—

Tahimik lang nakatingin sakin ng malalim. At hindi ko alam kung anong meron sa tingin na yon—

Pero parang may binabasa siya.

At doon bigla akong kinabahan.

Hindi dahil sa sitwasyon kundi dahil sa sarili ko.

Ano ba tong pinasok mo, Amor…?

At ngayon hindi na lang ito simpleng pagbisita hindi na lang ito “pagtulong.”

Isang buwan.

Sa iisang bahay kasama siya at ang mga batang unti-unti ko nang Nakikilala.

Napabuntong-hininga ako, mahina. Halos hindi marinig pero sa loob ko—

Alam ko na.

Wala nang atrasan to, at mas lalo akong kinabahan dahil baka hindi na naman ako makapagpigil at gumawa ng hindi dapat.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.