CHAPTER 17 Almost Like A Family
Seraphine’s POV:
“Ba’t mo nagawa sakin to? Hindi mo na ba ako mahal? Am I… not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?!” Sunod-sunod na tanong niya.
“No,” Sabi ko.
“Then why? Bat mo ako iiwan?” She asked, tears is now forming in her eyes.
Napapikit ako sandali.
Huminga nang malalim.
At saka—
“Tama na,” Kalmadong sabi ko.
Pero syempre, hindi siya papatalo.
“Tama na? YAN LANG?! Eh bakit mo ako iiwan?! Ipagpapalit mo kami ng anak mo sa babaeng yon?!” Dagdag niya, sabay turo kay Hana.
Napatingin ako kay Hana… na kumakain lang ng chichirya sa gilid. Tahimik, Walang kaalam-alam na naging anak ko na siya sa drama ni Lara.
“Tama na,” Ulit ko, mas mariin na.
“NO! Ang selfish mo! Sige, umalis ka! Pero tandaan mo hindi mo na kami makikita ng anak mo!” Sigaw niya, may kasamang dramatic turn at hair flip na medyo sablay.
Napakamot na lang ako sa ulo.
“Isang buwan lang,” Sabi ko, parang walang nangyayari.
Bigla siyang napahinto.
“LANG?! Paano ako? Paano KAMI?!”
Inirapan ko lang siya.
Sa gilid, si Hana, nakatingin na rin at parang nanonood ng live drama.
“Pero… seryoso ka dyan?” Tanong niya, medyo natatawa pa.
Sumingit naman si Lara, naka-cross arms pa. “Ba’t parang every week may upgrade ka? Isipin mo, from outsider…”
“…To insider,” Dugtong ni Hana, nakangisi.
“From babysitter…” Sabi ni Lara, pinipigilan yung tawa.
“…to mommysitter,” Sabay nilang sabi at doon na sila tuluyang nagtawanan.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Grabe, parang hindi ako tao parang character development lang ako sa story nila.
Hindi pa sila tapos.
“Baka sa susunod mong update, di ka na bumalik dito. Ikaw na ang tatayong padre de ama ng pamilyang Walls,” Dagdag ni Lara, sabay tawa ulit nila ni Hana, na parang may sariling sound effects.
Yung tawa na parang tahol na pahigop
ahh basta si difficult.
“OA nyo. Doble sahod lang to, kaya pumayag ako,” Diretsong sagot ko.
Bigla silang natahimik.
Tapos—
“Asin?” Sabi ni Lara, nanlaki ang mata.
“Anong ‘asin’? As in, tehh?!” Sabi ni Hana, halos mahulog na yung hawak niyang chichirya.
“’Yun na nga yon, gaga!” Sagot ni Lara, sabay hampas sa braso niya.
"Owgag" Bulong ko nalang.
-(Oh my God)
Biglang nag-iba ang aura ng dalawa.
From dramatic… to interested, real quick.
“Pero teka…” Si Hana ulit, biglang mabait ang tono, “Pwede naman siguro kaming dumalaw, no?”
Napailing ako habang tinutupi ang mga damit ko.
“Itatanong ko pa. Update ko na lang kayo.”
Patuloy lang ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ko hindi naman marami. Kasi uuwi pa rin naman ako kada Linggo.
ONE WEEK HAD PASSED.
Ganun pa rin si Miss Walls, pero mas okay na siya ngayon. Hindi na ganun kaputla, at kahit papaano, marunong na ulit magsungit. Ngayon nga, nasa baba siya kasama ang mga kaibigan niya. Ako naman? Eto… nasa kwarto ko, kasama ang dalawang makukulit na batang to.
Sabado ngayon. Wala dapat akong pasok kasi mas pinili ko ang Sabado kaysa sa linggo pero itong dalawa, mapilit.
Kaya eto, naging instant tutor ako.
“So, saan na tayo?” Tanong ko habang nakaupo sa gilid ng kama.
“Math po,” Sagot agad ni Collie, sabay abot ng notebook niya.Napangiwi ako ng konti.
Math, Juice colored.
Kinuha ko ang notebook niya at binasa ang instructions.
“Add the following numbers.”
1. 12 + 7 = ___
2. 25 + 5 = ___
3. 9 + 6 = ___
Napabuntong-hininga ako.
“Collie… basic lang to ah,” Sabi ko, tinaasan ko siya ng kilay.
“Eh nahihirapan po ako..” Pa-cute niyang sagot.
Pero duda talaga akong nahihirapan siya. Last time I checked, Geometric Sequence na ang sinusulat niya pag nag-self study siya.
“Ha? 12 + 7 lang hirap ka na?” Napatawa ako. “Sige nga, gamitin natin fingers ko.”
“May fingers naman po ako!” Reklamo niya.
“Eh di gamitin mo, hindi display yan,” Sabi ko, sabay pigil ng tawa.
“Okay… 12…” Nagsimula siya, tapos tinaas ang pitong daliri na obviously kulang kasi dalawang kamay lang meron siya.
Napatigil siya.
“Wait.. kulang po”
Hindi ko na napigilan, natawa ako.
“Collie, hindi ka octopus,” Sabi ko habang tumatawa.
“Dude naman, eh!” Reklamo niya, pero natawa na rin.
“Sige, ganito,” Sabi ko, kinuha ko ang lapis. “12… tapos mag-add ka ng 7, Magbilang ka pataas.”
“13… 14… 15…” Dahan-dahan niyang binilang.
Habang ginagawa niya yun, napatingin ako sa kabilang side, tahimik lang si Callie, nakaupo, may hawak na libro.
Napakunot ang noo ko.
“Callie…” Tawag ko.
Tumingin siya sa’kin. “Hmm?”
“Anong binabasa mo?” Tanong ko.
Tinaas niya yung libro para ipakita sakin.
Napasingkit mata ako.
“Wait.. teka lang… pang matanda na yan ah?”
Mukhang hindi pambata yung title. Parang novel na may lalim.
“I can read and understand it already, so yeah,” Sagot niya, casual lang. Napakurap ako grabeng flex yun.
“Okay…” Sabi ko, bahagyang natahimik. “Ikaw na matalino.”
Ngumiti lang siya at bumalik sa pagbabasa.Napailing ako, pero may maliit na ngiti narin sa labi ko.
“Collie, focus tayo,” Balik ko sa bata sa gilid ko.
“16… 17… 18… 19!” Masayang sigaw niya.
“Good!” Sabi ko. “So ano sagot?”
“19!”
“See? Hindi ka naman pala bobo,” Sabi ko.
“Dude!” Reklamo niya ulit.
“Joke lang, joke lang,” Natatawa kong sabi.
Biglang—
Knock, knock.
Napalingon kami sa pinto at dahan-dahan itong bumukas.
Pumasok si Miss Walls kasama ang dalawang maid na may dalang tray
ng pagkain.
Napatayo ako agad.
“Miss Walls” Tawag ko. Ngumiti siya hindi gaanong malaki at halata pa rin yung pagod sa mata niya.
“Thought you three might be hungry,” Sabi niya, mahinahon ang boses.
Nilapag ng mga maid ang pagkain sa mesa may snacks, juice, at kung anu-ano pa.
“Waaah, pagkain!” Sigaw ni Collie, agad na tumayo.
Napailing ako. “Homework muna!”
“Isa lang!” Pakiusap niya.
“Isa lang,” Ulit ko, pero natawa rin ako.
Dahil sa itsura nya bago kasi kami mag umpisa kumain uli sya.
Napatingin ako kay Miss Walls.
Sandali kaming nagkatitigan pero may kakaibang init sa pakiramdam.
Parang kahit simple lang yung moment, kumpleto.
“Continue,” Sabi niya sakin, marahan.
Tumango naman ako.
“Okay, Collie… next problem tayo,” Sabi ko habang umuupo ulit.
Medyo malaki tong kwarto ko, sa totoo lang. Sa gilid ng mata ko, nakita kong naupo si Miss Walls sa sofa, pinapanood kami.
At sa totoo lang…
Hindi ko alam kung math ba ang iisipin ko o kung bakit parang mas bumibilis yung tibok ng puso ko pag nasa paligid na sya.
After a few math problems,
“Kain po muna tayo,” Pilit ni Collie. Tinignan ko siya.
Hindi rin nagtagal, sumuko rin ako.
“Sige na nga… snack break muna,” Sabi ko habang inaabot yung juice.
“Yey!” Sabay sigaw ni Collie at Callie.
Yes, si Callie, marunong na rin sya mag-ingay kahit papano.
Tahimik lang sa una kain, inom, simpleng kwentuhan. Pero syempre… hindi mawawala ang kulit.
“Dude… try this, po please,” Sabi ni Collie habang sinusubo niya sakin yung tinidor may maliit na slice ng chocolate cake.
Napatingin ako sa cake, Tapos napatingin ako kay Collie, Tapos kay Miss Walls, na nasa tabi niya, Bigla akong napaayos ng upo.
“Uh… wag na—” Sabi ko.
“Please…” Ulit niya. Yung tono niya na automatic na sinusunod ko. Napabuntong hininga na lang ako.
“Okay… ahh,” Sabi ko, pilit casual, kahit medyo naiilang. Bahagya akong umiwas ng tingin habang sinusubo niya ang cake sa akin.
Hindi naman sa maarte ako, pero ewan, biglang naging aware ako sa kanya, sa sitwasyon, kay Miss Walls, at sa sarili kong weird na kaba.
KABA? KABADINGAN
“Is it good?” Tanong ni Collie, nakatingin sa akin, parang naghihintay ng approval.
Tumango lang ako agad.
“Yeah… masarap,” Sagot ko, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“Yey!” Tuwang-tuwa siya. Akala ko tapos na, pero hindi pa pala.
“You too, Mommy… ahh!”
Agad akong napatingin.
Nakita ko si Collie, hawak pa rin ang parehong tinidor yung ginamit niya sa akin at sinusubukan niya itong isubo ngayon kay Miss Walls. Bigla akong napatigil. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may humigpit sa dibdib ko.
Napatingin si Miss Walls sa akin. Nagtama ang mga mata namin—tahimik, walang nagsasalita. Pero may kung anong dumaan, parang may tanong, may challenge… o baka ako lang ang nag-iisip.
“Mommy, say ‘ahh,’” kulit ni Collie. Akala ko tatanggi siya, akala ko iiwasan niya—pero hindi. Dahan-dahan niyang binuka ang labi niya at isinubo ang cake. Yung tinidor… yung galing sa akin.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam, pero biglang uminit
ang paligid—lalo na nung, habang ngumunguya siya, hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Diretso, matagal, at parang sinasadya.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung cake ba yung kinakain niya sa isip niya… o ako.
“Is it good, Mommy?” Tanong ni Collie.
“Mm…” Marahan niyang reaksyon, hindi pa rin inaalis yung tingin niya sakin. Tapos may bahagyang smirk maliit lang, pero sapat na para mapatigil ang mundo ko.
Bigla akong umiwas ng tingin. “Y-yeah… good,” Bulong ko sa sarili ko, kahit hindi naman ako ang tinanong.
“Is it good, Mommy?” Tanong ulit ni Collie, inosente.
“Yes, baby… it’s good.” Sagot ni Miss Walls.
Baby.
Nanigas ako hindi ko alam kung bakit, pero parang bumalik lahat. Yung gabing yun, yung paraan ng pagkakabig niya, yung boses niya mahina pero mabigat. Yung… “devour me.”
Napapikit ako sandali. Shit.
“Dude, ikaw ulit!” Biglang sigaw ni Collie, hawak ulit yung cake.
“Ha? Hindi na!” Mabilis kong sagot.
Natawa siya. “Duwag!”
“Hindi ako duwag,” Depensa ko agad.
“Then, ahh,” Hamon niya.
Napatingin ako sa kanya… tapos sa cake… tapos kay Miss Walls. Nakatingin lang siya—tahimik, pero parang may amused sa mata niya, parang may inaabangan. Napairap ako.
“Fine… last na,” sabi ko. Sumubo ulit ako, at ngayon, hindi ko na iniiwas ang tingin. Diretso ko siyang tiningnan. At nakita ko yung maliit na ngiti sa labi niya—soft, pero bigla ring nawala. Doon ko na realize hindi lang ako ang apektado. At mas lalong delikado yun.
“Okay… tapos na snack,” Bigla kong sabi, tumayo agad.
“Homework ulit!”
“Ang bilis naman!” reklamong sabi ni Collie. Sabay bumaling sa mommy niya, pero kahit mag-sumbong siya, wala naman siyang magagawa mommy niya isa. Kaya sa kondisyon ko, hindi siya pwedeng makialam.
“Mommy?”
“Yes?” mahinahon niyang sagot, hawak ang tasa ng tsaa.
“After we finish our homework… can we bake?”
Napatingin ako agad sa kanya. Bake? Wait… seryoso? Saglit na natahimik si Miss Walls, tapos ngumiti nang marahan.
“Okay,” Sabi niya. “I’ll tell the nannies to prepare everything.”
Agad niyang tinawag si manang at pinaayos ang mga gagamitin namin biglang lumiwanag yung mukha ni Collie.
“Yay, thank you po!”
Napakamot naman ako sa ulo. Paano to, itlog lang alam ko.
“Uh… wait lang,” Singit ko. “Hindi ako marunong mag-bake.”
Napatingin silang tatlo sakin.
“Hindi ka marunong, dude?” Tanong ni Collie, tinaasan ako ng kilay.
“Hindi nga,” Sagot ko. “Anong gagawin ko dun? Kakain lang?”
Napangiti siya.
“Well… kami ni Callie we always bake,” Sabi niya, parang casual lang.
“Talaga?” Tanong ko.
“Yeah.. So we kinda know, but Mommy doesn’t, cause she’s always busy with papers,” Dagdag ni Callie, may konting lungkot.
Napatingin ako kay Miss Walls, at kita ko ang pag-iwas ng tingin niya. Napatingin ako kay Collie.
“Eh ikaw? Anong ginagawa mo pag nagbe-bake kayo?”
“Ako, taga-tikim.” Sagot nya. Natawa ako.
“Ay wow, same pala tayo.”
“Hindi,” Sagot niya agad. “Mas pro po ako.”
“Grabe ka sakin, ah,” Sabi ko habang natatawa.
Tahimik lang si Miss Walls, pinapanood kami. Pero halatang may iniisip siya.
“So... ano, tapusin na natin?” Sabi ko pampagaan ng lahat.
“Then it’s settled,” Sabi ni Miss Walls. “Finish your homework first… then we bake.”
Napatingin si Collie, ngumiti nang malawak.
“You’ll join us, Mommy?” Tanong niya, ang saya ng itsura niya.
“Yeah, I think the instruction book will help. Also, you two will teach us, right?” Malambot na sabi ni Miss Walls, kaya di maiwasang mapangiti ang dalawang bata. Napangiti na lang rin ako, sabay tingin sa notebook ni Collie.
“Okay… balik tayo sa math,” Sabi ko.
“Aw…” Reklamo ni Collie.
“Gusto mo mag-bake, di ba?” Tanong ko.
“Opo…”
“Then, solve mo to.”
Tinuro ko yung next problem. Habang nagbibilang siya ulit napatingin ako kay Callie. Tahimik na ulit, pero may maliit na ngiti habang umiinom ng juice. At si Miss Walls… nakatingin lang samin.
“Focus on her not on me..”
Natigilan ako
’Di ako sure, pero ahh… basta bumulong siya.
’Di naman ata sasabihin ni Callie yun, nohh.
AFTER WHAT FELT LIKE FOREVER…
Natapos din ang homework.
“Done!” Sigaw ni Collie, sabay bagsak ng lapis na parang pagod na pagod.
“Finally,” Bulong ko, sabay unat ng likod. “Akala ko aabutin tayo ng bukas.”
“Excited na po ako!” Dagdag ni Collie, halos tumatalon na.
Si Callie naman, tahimik lang, pero halata sa maliit na ngiti niya na excited din siya. Napatingin naman ako kay Miss Walls.
She was already standing.
“Alright,” Sabi niya, mahinahon pero may authority. “Let’s go to the kitchen.”
Napakamot ako sa ulo. Here we go.
Pagdating namin sa kusina, ibang level
Malaki, Malinis, at Kumpleto parang hindi kusina parang cooking show set na to.
“Dito tayo lagi magba-bake,” Sabi ni Collie, proud.
“Okay…” Sabi ko, pero sa loob-loob ko.. patay na. Hindi ako marunong dito.
Lumapit si Miss Walls sa counter at kinuha yung isang maliit na cookbook.
“Recipe book,” Sabi niya.
Buti naman may guide.
Binuksan niya yon at mabilis na nag-scan.
“Chocolate cake again?” Tanong niya.
“Opo!” Sabay na sagot ng dalawa.
“Alright… ingredients first,” Sabi niya.
Napatingin siya sa listahan.
“Flour… sugar… eggs… butter…”
Habang binabasa niya isa-isa—
ako naman, automatic gumalaw.
“Flour,” Sabi niya.
“Check,” Sabi naming tatlo, para kaming mga students na naghihintay sa sasabihin ng teacher namin.
“Sugar.”
“Check,” Sabi naming tatlo ulit, sabay-sabay, kaya nagtawanan kami.
“Butter.”
Binuksan ko ang ref at kinuha yon doon.
Napatingin siya sakin.
“Efficient,” Sabi niya. Napakamot ako sa batok.
“Sanay lang,” Sagot ko.
Pero sa totoo lang, ewan ko rin. Parang instinct lang. Sa gilid, si Collie at Callie nakatingin lang.
“Woah…” Bulong ni Collie. “Parang team sila. I think they don’t need us.”
Napairap ako.
“Mm,” Simpleng sagot ni Callie.
“Hoy, tumulong kayo,” Sabi ko.
“Okay po!” Sagot ni Collie… pero hindi gumalaw.
Classic her.
“Next… eggs,” Sabi ni Miss Walls.
Napatingin kaming lahat sa isang tray ng itlog. Biglang tumahimik.
“Sino magca-crack?” Tanong ko.
Napatingin si Collie kay Callie.
Napatingin si Callie kay Collie.
Parehong umatras.
“Not me,” Sabi ni Callie.
“Same,” Dagdag ni Collie. Napabuntong-hininga ako.
“Seriously?”
“I can’t do it, po. It’s hard to separate the egg white from the egg yolk. Yaya always does it,” Callie said. Tumango naman yung isa, na pumapapak nanaman ng kung anong makain nya.
“Ang dali lang nun. Kaya ko nga kahit isang kamay lang,” Pagyayabang ko.
Napatingin ako kay Miss Walls. Napatingin siya sakin. Tapos—
“I’ll do it,” Sabi niya.
“Ako na po,” Sagot ko agad.
“No, me,” Sabi niya.
“Ako na po,” Sabi ko. Palipat-lipat naman ang tingin nung dalawa.
“From team to enemy. What do you think will be the next?” Bulong ni Collie kay Callie, pero medyo rinig pa rin. Siniko lang siya nito.
Nagkatinginan naman kami ni Miss Walls. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may silent challenge.
“Fine,” Sabi niya. “Let’s see who does it better.”
“Game,” Sagot ko agad.
“Wait—competition po?!” Sigaw ni Collie.
“YES!” Dagdag ni Callie, biglang buhay.
“Okay,” Sabi ko.
“Loser… will do what the kids want and her opponent,” Sabi niya. Tumango lang ako. Napataas ang kilay ni Miss Walls.
“Best of 3,” Sabi ko.
“Confident?” Tanong niya.
“Very.”
“Hmm…” Maliit na ngiti. “We’ll see.”
Kumuha kami ng tig-isang itlog.
“On three,” Sabi ko.
“One…”
“Two…”
“Three.”
Crack. Sabay. Pero—
“Ay!” Sabay naming sabi ni Collie. Nasa side ko siya, si Callie naman sa mommy niya. Yung sakin medyo sablay. May konting shell na nahulog.
Yung kanya—
Perfect, Clean, Smooth, at Walang shell.
“HAHAHAHA!” Tawa ni Collie.
“Dude, talo ka agad!” Dagdag pa.
Napakamot ako sa ulo.
“Warm up lang yon,” Depensa ko.
“Sure,” Sabi ni Miss Walls, may halong smirk.
Round two.
“Focus,” Sabi ko sa sarili ko.
“Pressure Dude?” Tanong ni Collie.
“Hindi,” Sabi ko.
“Liar.”
Napairap ako.
“Three.”
Crack.
Mas maayos na walang shell, so paghihiwalayin na lang.
“Nice,” Bulong ni Collie. Pero—
“Oops,” Sabi ni Callie.
Napatingin kami. Yung kay Miss Walls
nabasag agad. Natapon yung konting egg white sa counter. Napatingin siya sakin.
Tapos…
natawa siya mahina lang, pero totoo.
On these days, nakikita ko ang side na
di nakikita ng marami side na mga anak niya lang ang nakakaranas. Actually, I feel special, minsan lang kung maging ganito siya. She is known as a cold-hearted woman.
“At least I tried,” Sabi niya.
“Same,” Sagot ko.
“Round 3 na,” Sabi ko. Sabay kaming kumuha ng itlog, at sa iisang itlog lumapag ang kamay namin. Agad ko naman ilinayo ang kamay ko dahil may naramdaman akong kung ano.
“Sayo na po,” Sabi ko, sabay kuha ng iba.
“Dude, do everything to win, please,” Sabi ni Collie. Agad naman akong tumango kahit kinakabahan na.
“Okay, for the last round, after go,’” Sabi ni Miss Walls. Tumango lang ako.
“One…”
“Two…”
“Three.”
“Go.”
Crack. Sabay kami. Parehong perfect. Ang kailangan na lang ay ipaghiwalay ang white sa yellow.
Agad ko naman naisip yung ginagawa ko pag nagpe-feeling Japanese ako at kumakain ng noodles.
Gamit yung shell. Dahan-dahan kong pinaghiwalay, at boom.. pasado.
Si Miss Walls naman, pilit kinukutsara yung yolk hanggang sa nabasag.
“Yes!” Sigaw ni Collie, sabay high-five sakin. Bigla naman sumimangot si Callie at nagkatinginan sila ng mommy niya.
“I tried, baby,” Sabi niya.
“It’s okay, Mom,” Sabi ni Callie.
“Teka, bat malungkot ka, eh masusunod naman want nyo kahit sino manalo?” Sabi ko.
“Yeah, but Collie will decide for us, po, cause she voted for you,” Sabi niya. Now, alam ko na, kaya pala todo bulungan nila bago kami mag-start. May pa-handshake pa sila sa isa’t isa.
“So, what’s my punishment or what?” Tanong niya. Napatingin naman ako kay Collie. Nag-gesture naman siya na lumapit ako, kaya ginawa ko.
“Dude, what do you want?” Bulong niya.
“Di ko alam, eh. Ikaw ba?” Bulong ko pabalik.
“I want to go to an amusement park,” Bulong niya.
“Okay yan. Teka, mag-iisip lang ako,” Bulong ko, at nag-isip.
“Alam ko na—dinner na lang, kaya,” Bulong ko. Agad naman siyang tumango.
“Okay, so G,” Sabi niya.
“G,” Sabi ko.
“So me and dude already know what we want,” Naka-ngising sabi ni Collie.
“What?” Naka-cross arms na tanong ni Callie.
“Let’s go to Enchanted World for a day and have fun,” Sabi ni Collie.
“Enchanted World?” Tanong ni Callie. Napatingin ako sa kanya kasi for the first time, ngayon lang siya walang alam.
“Hindi mo alam ang EW?” Hindi makapaniwalang sabi ni Collie sa ate niya.
“Hmm… no. Sounds like a fairytale. Is there a princess there?”
“It’s like that! But it’s more fun. It’s like a big place with rides like roller coasters, Ferris wheels and then there are themes. It’s like… a magical playground,” Sabi ni Collie, sobrang lawak ng ngiti, na para bang it’s time to shine niya.
“Rides? The fast ones? I don’t like that…” Sabi ni Callie, curious at nakakunot noo.
“Not everything is fast! There are also some that are just chill. Plus, there are shows, food, lights… especially at night, it’s beautiful. It’s like you’re in another world,” She said, na parang iniisip niyang nandoon siya ngayon.
“Naka-punta ka na doon?” Singit ko. Agad siyang umiling.
“No, my classmates in school showed me some pictures they always talk about it,” Sabi niya.
“Another world? Is it real or just your imagination?” Singit na tanong ni Callie.
“Syempre totoo! Theme park yun. May castle pa nga doon parang pang-princess talaga,” Sagot nung isa, sabay umirap pero naka-smile.
“So… if we go there… will we be happy?”
Sa tono ni Callie, parang nang-aasar na lang, eh. Tinitingnan niya kung saan aabot ang pasensya ng kapatid niya, pero itong isa, masaya pa ring magkwento nang kwento ng kaibigan niya sa kanya about sa EW.
“Yeah… sobrang saya.”
“How can you say? You haven’t been there,” Sabi ni Callie.
“That’s why I wanna go,” Sabi ni Collie. Umirap lang si Callie. I know why she doesn’t like the idea cause she doesn't like noise, kaya for sure di niya magugustuhan dun.
“So, Enchanted World it is,” Sabi ni Miss Walls. Agad naman nagliwanag ang mukha ni Collie.
“Thank you, Mommy,” Sabi ni Collie, sabay kiss sa pisngi niya.
“How about you, Miss Reyes?” Tanong niya.
“Dinner nalang po sa labas kasama ang mga bata,” Sabi ko. Agad naman siyang tumango. Nagpatuloy na kami sa ginagawa namin.
Habang abala ulit kami hindi namin napansin yung dalawa sa likod ko.
“Collie…” Bulong ni Callie.
“Hmm?”
“Try mo to…” Sabi niya. Hindi ko na pinansin kung ano ginagawa nila dahil naka-focus ako sa utos ng mommy nila.
May hawak na pala siyang itlog.
“Anong gagawin?” Rinig kong tanong ni Collie. Bumulong si Callie. BDi ko na narinig. Pagkatapos—
Plak.
May malamig na dumaloy mula ulo ko pababa sa gilid ng mukha ko.
Slowly…
napapikit ako.
“—AY!” Sigaw ko.
“HAHAHAHAHAHA!” Sabay tawa ng dalawa. Hindi ko na napigilan.
“COLLIE ELERY WALLS!!!” Agad silang tumakbo sa tabi ng mommy nila.
“Sorry, dude!” Tawa niya, habang nakahawak sa tiyan.
“CALLIE ELOWAY WALLS!” Baling ko sa may pakana. Tahimik lang siya pero kitang-kita yung ngiti. Napahawak ako sa buhok ko.
Napatingin ako kay Miss Walls. Akala ko tutulungan niya ako, pero agad syang tumalikod umiling at yung balikat niya, gumagalaw nanginginig.
“You’re laughing?” Tanong ko di makapaniwala. Dahan-dahan siyang humarap. At doon ko nakita—
tumatatawa siya.
Hindi pigil.
Hindi formal.
Tawa talaga.
“Sorry” Sabi niya, pero halatang hindi.
“May itlog ako sa ulo?!”
“Organic, po!” Sagot ni Collie, tawa pa rin. Napabuntong-hininga ako.
“Grabe kayo…” Sabi ko. Pero kahit ganun, napangiti narin ako.
“Okay, okay,” Sabi ni Miss Walls, pinupunasan ang luha sa mata niya. “Focus. Let’s continue.”
“Focus?” Sabi ko. “May itlog ako sa ulo!”
Lumapit siya, sabay kumuha ng tissue.
At dahan-dahan pinunasan yung gilid ng buhok ko. Nag-iba na naman yung atmosphere natigilan nanaman ako. Yung tibok ng puso rinig na rinig ko.
“Stay still,” Bulong niya. Kahit hindi niya sabihin, hindi ako makagalaw. Hindi rin ako nakapagsalita. Ramdam ko lang yung kamay niya yung gaan at yung init.
“There,” Sabi niya, marahan. Napatingin ako sa kanya sandali ulit. Pero—
“EWWW, ANG SWEET!” Sigaw ni Collie.
“Focus, guys!” Dagdag ni Callie.
Bigla kaming napahiwalay.
“Hoy!” Sabi ko.
“Work mode!” Dagdag ni Miss Walls, pero may ngiti pa rin na parang walang nangyari.
Lumapit naman sa akin si Collie at nag-gesture na lumapit pa ako. Sinunod ko naman, pero natigilan ako nang marinig ko ang ibinulong niya.
“You like my Mommy, aren’t you?” Mahina niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot.
“Tuloy na natin,” Sabi ko na lang, sabay ayos ng tayo ko tinawanan niya lang ako, at sabay ngisi ng nakakaloko.
Nagpatuloy kami, at doon na talaga nagsimula ang chaos.
Flour—Natatapon.
Sugar—Nasosobrahan.
Collie—Kumakain ng raw batter.
Callie—Nagco-correct, pero natatawa rin.
Ako—Trying to survive.
At si Miss Walls—Na nasa gitna hawak ang recipe, pero paminsan-minsan ay napapangiti, at paminsan-minsan ay napapatingin sa akin.
For the first time, I felt na parang may pamilya ako. Kahit alam kong pansamantala lang ‘to, gusto kong i-cherish at i-treasure bawat moment na kasama sila.