CHAPTER 18 Thank You For Sunshine.

Seraphine's POV:

Ang lamig ng umaga, pero hindi sobrang lamig perfect na para sa tulog ko. Nakabalot ako sa kumot, nakapikit, (malamang) at ramdam ko ang katahimikan.

Nagising lang ako sa tunog ng maliliit na paa. Akala ko pa panaginip lang, hanggang sa marinig ko ang mahinang bulong.

"Dude, wakey wakey up!" Mahinang bulong ni Collie sa tabi ng tenga ko.

"A-Ah? Ano-anong oras na?!" Gulat kong sabi. Napamulat ako.

Pasilip pa lang ang liwanag sa kurtina, at sa loob ng ilang segundo gusto ko pa sanang bumalik sa ilalim ng kumot. Pero bago pa ako makapagreklamo may humawak na maliliit na kamay sa balikat ko at dahan-dahang hinihila ang kamay ko.

"Good morning! Today is the day!" Sabi ni Callie, sabay hikab na parang napilitan lang rin.

"Enchanted World na po!" Sabi ni Collie.

Hinimas ko ang mukha ko at umupo.

"I... I know, Callie, Collie. Pero ang aga pa" Reklamo ko.

"Early is perfect po!" Sagot ni Collie.

"It's better to be early than late, right?" Sabi ni Callie. pero parang lutang pa sya.

"Sige ka, dude, baka maunahan ka. Pabagal-bagal ka jan," Sabi ni Collie. Kahit nakapikit ramdam kong naka-ngisi siya.

Kumawala ako sa hawak nila at kinuha ang unan.

"Too early... sobra naman..." Sabi ko, tinatabunan ang mukha ko.

"Yeah! Exactly!" Sabi ni Collie. Minulat ko sandali ang mata ko.

"And we need to choose our clothes!" Sabi ni Callie.

"Today is a big day, dude!" Sabi ni Collie.

Napabuntong-hininga ako.

"Okay... five minutes lang please..." Sabi ko habang sinusubukan kong makatulog ulit.

Pero di nagtagal, naramdaman ko ulit ang dalawang maliliit na kamay nila sa magkabilang balikat ko. Patuloy nila akong pinipilit na tumayo determinado talaga sila.

"Dude... come on! Stand up!" Pakiusap ni Collie, halos pigil-hininga sa paghila.

"Yeah... let's go!" Dagdag ni Callie.

"No, please... maaga pa. Isa pa, hapon pa punta natin," Sabi ko. Akala ko di na nila ako pipilitin, pero umakyat sila sa kama habang nakatayo at pilit hinila ang mga kamay ko.

Kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin hinayaan ko silang mahila ako at umupo, saka ko ipinalibot ang mga kamay ko sa bewang nila at sabay hinila silang dalawa pababa sa kama. Tuluyan silang napahiga sa tabi ko.

"Five minutes lang," Mahina kong bulong, pero may halong ngiti. "Let's sleep for five minutes lang"

Napamulat ako para tignan sila sandali.

Nagtinginan sila, parang hindi nila mawari ang tactic ko pero sa huli pareho silang tumingin sa akin at inayos ang higa sa balikat ko.

"Yeah, but we need to choose clothes," Sabi ni Callie.

"Okay... five minutes. Promise?" Sabi ni Collie habang nakangiti sa akin.

Tumango lang ako.

"Five minutes and then we choose clothes. Deal?" Sabi ko, parang may maliit na negotiation.

"Deal!" Sabay nilang sagot.

Huminga ako ng malalim, ramdam ang kanilang maliliit na katawan na dumadampi sa akin.

MINUTES HAD PASSED.

Nagising ulit ang diwa ko nang may maramdaman akong tapik sa pisngi ko. Mahina lang, pero sapat para magising ako. Akala ko itong dalawa na naman.

"Wait... mamaya na, please, Collie... Callie..." Paos kong sabi, habang hindi pa rin dinidilat ang mata umaasang titigil na sila. Pero hindi mas lalo pang naging sunod-sunod ang tapik.

Napabuntong-hininga ako at tuluyang dumilat, at doon ko nakita kung sino talaga ang nasa gilid ko.

Si Miss Walls.

Nakayuko siya ng bahagya. Ang buhok niya ay bahagyang nahuhulog sa gilid ng mukha niya, at ang mga mata niya diretso lang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako agad nakagalaw.

Paano ba naman nasa magkabilang balikat ko ang dalawang makukulit.

Si Collie sa kanan, nakasiksik ang mukha sa leeg ko, mahimbing ang tulog. At si Callie naman sa kaliwa, yakap ako at parang ayaw na akong pakawalan kahit sa panaginip.

Para akong literal na naipit.

"They look so comfortable," Mahinang sabi ni Miss Walls.

Hindi ko alam kung saan ako titingin sa kanya ba, sa dalawa, o sa kisame na lang para iwas awkward.

"Maaga po sila magising sa sobrang excited..." Sagot ko, pilit na tumawa kahit halatang hindi ako kumportable sa pwesto ko.

"Kaya ayan napagod agad." Dagdag ko. Bahagyang tumango si Miss Walls.

"I see..."

Tahimik ulit, at mas lalo lang naging awkward.

"Coll-" Gagalawin ko na sana sila, pero bago pa ako makapagsalita.

"Let them."

Napahinto ako.

"Besides... we will go in the afternoon," Dagdag niya.

Napatanga ako.

Ha?

Akala ko gigisingin niya lang ako tapos aalis na siya, pero hindi. Kumuha siya ng upuan.

Oo upuan.

At umupo siya sa gilid ko. Nakatingin sa akin... sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatakas.

Parang naka-posas ako sa pwesto ko.

Tapos may nanonood pa.

Great.

Dahan-dahan niyang inabot ang buhok ni Collie at hinaplos iyon.

Napatingin ako sa kanya.

Ang lambing ng expression niya ibang-iba sa nakasanayan kong

seryoso at cold niyang aura.

Ngumiti siya.

Hindi yung pilit.

Hindi yung formal.

Kundi yung totoo.

Tapos lumipat ang kamay niya kay Callie. Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa tiyan ko dahan-dahan, maingat, parang ayaw niyang magising.

At doon ko lalo naramdaman yung kaba ko.

Hindi ko ma-explain. Basta-

Ang awkward.

Ang init ng mukha ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

At hindi ko alam kung bakit.

"It's really comfortable to sleep beside you."

Napatingin ako sa kanya nakatingin pala siya sakin at agad din akong umiwas ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Ah... ganon po ba..." Bulong ko, hindi alam kung anong tamang isasagot.

Tahimik ulit.

Pero this time iba na sa pakiramdam.

Hindi na lang basta awkward. May something na... na hindi ko maipaliwanag.

Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita.

"They don't usually sleep this peacefully," She said.

Napatingin ulit ako sa kanya.

"And yet... with you"

Hindi niya tinapos, pero sapat na yun para maintindihan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalo lang kakabahan.

"Siguro po... napagod lang sila kahapon," Sagot ko, pilit na binabalewala ang bigat ng tingin niya.

Pero umiling siya.

"No," Sigurado niyang sabi.

"That's not the reason."

Hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit parang ang hirap biglang huminga.

Hindi ko alam kung bakit parang... may mali sa sitwasyon o baka ako lang.

Lumapit siya ng kaunti.

"Amor." Tawag nya. Napatingin ako sa kanya at mas lalo akong napatigil.

Bihira niya akong tawagin sa pangalan ko ng ganito yung hindi formal, hindi cold, kundi malumanay.

"Hmm?" Sagot ko, pilit na kalmado.

"You're good with them."

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kumirot sa dibdib ko. Hindi masakit, pero hindi rin normal.

"Ah... ginagawa ko lang po ang trabaho ko" Sagot ko.

Pero hindi siya sumagot agad sa halip, tumingin lang siya sa akin diretso parang may hinahanap. Parang may gustong sabihin... pero pinipigilan.

"Tsk..."

Napakurap ako nang marinig ko ang mahina niyang pag-click ng dila.

Then bigla siyang tumayo.

Napaatras ako ng bahagya sa gulat.

"Rest more," Sabi niya.

"Besides hindi ka naman kakagalaw." Dagdag niya.

"Ah... opo"

Naglakad siya papunta sa pinto.

Pero bago siya tuluyang lumabas huminto siya at bahagyang lumingon.

"Amor."

"Po?"

"Don't get used to this."

Napakunot noo ako.

"Po?"

Pero ngumiti lang siya.

"At the same time..."

Saglit siyang tumigil, parang nag-iisip.

"Don't disappear either."

At bago pa ako makapagtanong, tuluyan na siyang umalis.

Naiwan ako.

Kasama ang dalawang batang mahimbing pa ring natutulog sa magkabilang balikat ko at isang puso na hindi na mapakali.

"Grabe" Mahina kong bulong sa sarili ko.

"Anong ibig sabihin nun?"

Tumingin ako sa kisame, iniisip ang mga sinabi niya, at pilit pinakalma ang sarili ko.

Pero sa bawat segundo na lumilipas-

Mas lalo lang akong nag-iisip ng kung ano-ano hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

HOURS HAD PASSED

Tahimik ulit ang kwarto. Yung tipong kahit sikat ng araw ay mahihiyang sirain itong payapang atmosphere. Nakapikit pa rin ako habang ramdam ko pa rin ang bigat ng dalawang maliit na katawan sa magkabilang side ko.

"DUDE!!!" Sabi ni Collie. Napamulat ako sa gulat.

"AH-ANO-ANONG NANGYARI?!" Halos mapasigaw ako at biglang bangon.

Diretso kong hinarap si Collie. Humawak siya sa magkabilang balikat ko.

"Late na tayo!!!" Sabi niya, halos mangiyak-ngiyak.

Napakurap ako.

"Ha?"

"Enchanted World na po! Two hours drive po yun! Hindi pa tayo ready! Hindi pa tayo nakakapili ng damit!!!" Sunod-sunod niyang sabi, parang mababaliw na.

Napalingon ako sa kabilang side.

Si Callie nakaupo na rin pero tahimik lang. Nakatingin lang sa amin ni Collie na parang sanay na.

Huminga ako ng malalim.

"Collie" Paos kong sabi habang hinahawakan ang ulo ko. "Relax anong oras ba-"

"Almost lunch na!!!" singit niya agad.

Napatigil ako.

"Lunch?"

Tumahimik ako sandali. Then-

Dahan-dahan kong hinilot ang sentido ko.

"Collie..."

"Opo?!"

"Afternoon pa tayo aalis." Sabi ko sabay tingin sa orasan

10:12 Palang.

"Ha?" Mahinang sabi niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Afternoon pa. Hindi tayo late. Hindi pa nga dapat tayo nagmamadali," Paliwanag ko habang inaantok pa rin.

Napatingin siya kay Callie.

Si Callie... umiling lang.

"Told you," Bulong niya.

"Duuuuude..." Biglang hina ng boses ni Collie, sabay bagsak ng noo niya sa balikat ko.

"Kinabahan ako..."

Hindi ko napigilang matawa ng mahina.

"Grabe ka kasi..."

Pero bago pa ako tuluyang makabalik sa higaan bigla siyang umangat ulit.

"WAIT!"

Napaatras ako.

"Hindi pa rin okay!" Dagdag niya.

"Ano na naman?" Tanong ko.

"We still need to choose clothes!!!" Sabi niya, parang may bagong mission sa buhay.

Napapikit ako.

"Collie"

"Big day to, dude!" Dagdag pa niya.

"And if we look good, the pictures will be even better!" Sabat ni Callie, ngayon ay fully gising na rin.

Napatingin ako sa kanila.

Pareho silang seryoso. Pareho silang determinedo at doon ko na-realize wala na akong takas.

"Five minutes?" Mahina kong attempt.

"No!" Sabay nilang sagot.

Wala na. GG na.

Ilang minuto lang ang lumipas at nagulo na ang buong kwarto.

Literal.

"NOOO! Hindi bagay yan!!!" Sigaw ni Collie habang hawak ang isang damit.

"Bagay kaya! You're the one with no taste.!" Sagot ni Callie, nakapamaywang pa.

"Excuse me?! Ako pa talaga?!"

Napaupo ako sa kama, hawak ang ulo ko habang pinapanood silang dalawa na halos mag-away dahil lang sa damit.

Mga damit-nakakalat.

Mga hanger-kung saan-saan napunta.

At ako? Nasa gitna.

"Guys" Mahina kong tawag. Hindi nila ako pinansin.

"Hindi pwede yan kay dude!" Sabi ni Collie, sabay hawak ng isang oversized hoodie.

""Why not? It's so cute!" Sagot ni Callie.

"Hindi cute too girly!" Kontra niya.

"Excuse me? Style yun!"

Napabuntong-hininga ako.

"Mas bagay tong hoodie," Sabi ni Collie.

"Guys"

Still ignored.

Tumayo ako, lumapit sa kanila at kinuha yung hoodie at damit sa kamay nila.

"Stop."

Tumahimik sila at parehng napatingin sa akin.

"Bakit parang fashion show to?" Tanong ko.

"Because it is," Sabay nilang sagot.

Napatingin ako sa kisame.

"Lord..."

"Dude, choose ka na!" Sabi ni Collie, sabay tulak ng limang damit sa akin, kasama ang hoodie.

"Wait bakit ang dami nito?!"

"Options!" Sagot niya.

"Hindi ba pwedeng isa lang?!" Reklamo ko.

"No!" Sabay ulit. Napailing na lang ako.

After what felt like forever at maraming

"hindi bagay,

"ang pangit,

"ay wow ikaw na fashion expert

"Mukhang maasin

Finally.

"Okay. Ito na," Sabi ko habang hawak ang napiling outfit.

Nagtinginan sila then-

"Hmm"

"Not bad"

Napabuntong-hininga ako.

"Finally"

Ilang sandali pa-

Ready na kami or at least mukhang ready na.

"Let's go!!!" Sigaw ni Collie habang hinahawakan ang kamay ko.

"Wait bag!" Paalala ni Callie.

"Phone!" Dagdag ko.

"Snacks!" Si Callie ulit.

"Hindi tayo magpi-picnic!" Sabi ko.

"Still!" Sagot niya. Napatawa na lang ako.

Habang pababa kami ng hagdan ramdam ko yung ingay, yung energy, yung saya.

Pero kasabay nun-

May kung anong kaba hindi ko alam kung bakit.

"Mommy," Tawag agad ni Collie, paikot-ikot ang tingin.

Walang sumagot.

"Where is she?" Tanong ni Callie, mas kalmado pero halatang may inaasahan.

Napalingon ako sa mga kasambahay na abala sa gilid.

"Ah ate, nasaan po si Miss Walls?" Tanong ko. Napatingin sa amin ang isa

sa kanila.

"Nasa office po niya," Sagot nito.

Napatigil si Collie.

"Office?" Ulit niya, parang hindi makapaniwala.

"Dito sa bahay po," Dagdag ng kasambahay. Hindi na siya nagsalita pa Bigla na lang siyang tumakbo.

"Collie wait!" Tawag ko, pero huli na.

"Let her po," Sabi ni Callie. Napatingin ako sa kanya. Tahimik lang siya pero ramdam ko yung lungkot sa mata niya.

"I know what will happen," Mahina niyang dagdag sabay buntong hininga.

Dumeretso si Collie sa office.

Hindi na ako nagdalawang-isip sumunod ako.

Pagdating namin-

Bahagyang nakabukas ang pinto. At mula doon, rinig na rinig ang boses ni Miss Walls.

"No. I said fix it before this afternoon."

Sabi nya. Matalim halata ang frustrations sa boses nya hindi yung kaninang malumanay.

Biglang bumagal ang lakad ko.

Napatingin si Collie sa akin sandali

pero hindi siya tumigil at dahan-dahan niyang itinulak ang pinto.

"Mommy"

Huminto si Miss Walls sa pagsasalita at nilingon kami, saglit lang, pero sapat para makita ko kung paano bumalik yung pagiging kalmado niya.

"Collie."

Lumapit si Collie. Hawak pa rin niya yung laylayan ng damit niya.

"Ready na po kami" Mahina niyang sabi.

Hindi sumagot agad si Miss Walls.

Sa halip, tumingin siya sa laptop niya sabay sa mga papel at sa phone na patuloy na nagvi-vibrate.

Huminga siya ng malalim.

"Collie, Callie" Tawag niya. Lumapit si Callie sa tabi ko.

"There's a problem in the company."

Walang paligoy-ligoy niyang sabi.

Napatigil si Collie.

"Po?"

"I need to handle it today," Dagdag niya.

Parang bumigat yung hangin sa paligid.

"I'm sorry."

Simple pero ramdam ko na hindi nya rin gustong hindi matuloy ang pagpunta namin.

"I'll make it up to you tomorrow."

Sabi nya.

Walang sumagot.

Walang gumalaw.

Hanggang sa-

"Okay po," Mahina at pilit na sabi ni Callie.

Napatingin ako sa kanya ngumiti siya.

Pero hindi umabot sa mata niya.

At si Collie?

Hindi siya nagsalita.

Hindi siya umimik.

Hindi siya tumingin.

Bigla na lang siyang tumalikod at tumakbo palabas.

"Collie!" Tawag ko. Pero hindi siya huminto.

Naiwan kami. Napatingin ako kay Miss Walls at sa unang pagkakataon-

Parang may nakita akong pagsisisi sa mukha niya pero mabilis din nawala.

Napalitan ng pagiging composed.

Professional na parang walang nangyari.

"Go after her," Sabi niya. Hindi na ako nagtanong lumabas na ako at sinundan si collie

Pagdating ko sa kwarto-

Nakasara ang pinto.

"Collie" Mahina kong tawag habang kumakatok.

Walang sagot.

"Collie, open mo please" Sabi ko. wala paring ingay mula sa loob huminga ako ng malalim.

Then-

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.

Unlocked.

Pagbukas ko nakita ko siya.

Nakatagilid sa kama nakatalikod sa

pinto ramdam ko na hindi siya okay.

"Collie" Ulit na tawag ko, this time mas malapit.

Lumapit ako sa pwesto nya sabay umupo sa gilid ng kama hindi siya lumingon.

"Hindi na naman po natuloy" Mahina niyang sabi.

Parang sanay na at hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang nararamdaman nya.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya dahan-dahan ko nalang hinaplos ang buhok niya.

"I'm sorry" Bulong ko.

"Hindi naman po ikaw" Sagot niya agad.

"Tama na po siguro ang too much expectation sa kanya," Dagdag niya.

Hindi ko alam kung paano sasagot

pero hindi pwedeng ganito hindi pwedeng matapos lang sa ganito.

Huminga ako ng malalim.

"Collie"

"Hmm?"

"Paano kung tayo na lang muna?" Tanong ko. Napalingon siya agad sa akin.

"Po?"

Ngumiti ako ng bahagya.

"Labas tayo."

"Mall, Food, Games, Kahit ano."

"Kasama sina ate Lara at Hana nyo."

Napaupo siya agad.

"Talaga po?"

"Kung papayag si Miss Walls," Dagdag ko.

May konting pag-asa sa mata niya.

Maliit pero nandun.

"Wait lang ha," Sabi ko. Tumayo ako at muling bumalik sa office.

Pagbukas ko ng pinto-

Nandoon pa rin si Miss Walls seryos parin ang mukha at busy sa mga papel

sa harap nya.

"Miss Walls" Tawag ko.

Hindi siya agad tumingin.

"Make it quick," Sabi niya. Diretso, professional ulit huminga ako ng malalim.

"Pwede ko po bang ilabas ang mga bata?"

Tanong ko. tumingin sa akin.

"Where?" Tanong nya

"Mall po."

Saglit siyang natahimik. Kasabay ng pag-vibrate ulit ng phone niya.

"Kasama sina Lara at Hana," dagdag ko.

Hindi siya sumagot agad tumingin siya sa akin at parang nag-iisip parang may binabalanse.

Responsibility or something else.

I don't really know how to explain pero kita ko ang concern sa mga mata nya.

"They'll be safe?" Tanong niya.

"Opo."

"I'll take care of them." Pangako ko.

"Fine."

Napahinga ako.

"But be careful."

"Opo."

"And Amor-"

Napatingin ako sa kanya.

"Don't let them feel like this is a replacement."

Napatigil ako.

"Po?"

"They were expecting today," Dagdag niya.

Tumango ako.

"I understand."

At bago pa ako lumabas-

"Thank you."

Napatingin ako sa kanya at sa pagkakataong yun-

Hindi siya mukhang boss.

Hindi siya mukhang cold.

Hindi sya mukhang matapang

Kundi isang taong hindi alam kung paano babawi ngumiti ako ng bahagya.

"Babalik po kami na masaya sila."

Sabi ko. At tuluyan na akong lumabas.

Pagbalik ko sa kwarto-

Nakatayo na si Collie nasa tabi nya si Callie pareho silang nakatingin sa pinto parang naghihintay.

Ngumiti agad ako.

"Get ready."

"She said yes?" Tanong ni Callie. Agad akong tumango.

"Mall Time."

Nagkatinginan sila. Then-

"REALLY?!" Sigaw ni Collie.

"Shhh!" Saway ni Callie pero nakangiti na rin.

" I'll call Lara and Hana," Sabi ko.

"At bilisan niyo luach na gutom na ako."

"YES, DUDE!!!"

At sa loob ng ilang segundo-

Bumalik ang ingay.

Bumalik ang saya.

Pero sa likod nun alam kong may kulang pa rin at habang pababa kami ulit-

Hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon ng office at mapaisip-

Hanggang kailan kaya puro "bukas" na lang?

Agad kong tinawagan ang dalawa at agad naman silang umoo, why not, ehh libre.

After 4 hours-

Kung saan-saan na kami napadpad, pero wala pa rin. Kanina pa kami nag-iikot. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko after kasi naming mag-lunch at magikot-ikot ito kami hinahanap si collie.

"Can we check the ice cream shop po?" Sabi ni Callie.

"Cal, we don't have time for that," Sabi ko, kinakabahan na.

"I know, but I know her very well po," Sabi niya. Umoo na lang ako. Naniniwala rin kasi ako sa twin instinct.

Pagkapunta namin doon, inilibot ko agad ang mata ko-

At nakita ko siya may mga kasama agad kaming lumapit.

"Dude!" Sigaw niya. Agad ko siyang niyakap.

"Thanks God" Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak maybe sa tuwa o sa takot na may nangyari sa kanya.

"Sorry, dude. Did I make you worried?" She asked.

"Oo wag mo nang uulitin, ah," Sabi ko.

Tumango siya.

"By the way, these are PengMi and Rielleee. They kept me safe and bought me ice cream," She said.

Napatingin naman ako sa mga kasama niya at hindi ko maiwasang mapangiti.

"Thank you. I really appreciate how you kept Collie safe," Sabi ko, ng may ngiti.

"And busog!" Dagdag ni Collie. Natawa naman silang dalawa.

"You're welcome. I'm just glad I could help," Sabi nung isa.

"If may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin," Dagdag ko.

"It's okay, no worries," Sagot naman nung isa.

"Thank you po," Sabi ni Collie, sabay kindat.

"Owgag" Bulong ni Callie.

(Ow my God)

"Lahat na lang talaga" Bulong ko.

"Thank you... for, uh... keeping Collie safe... and... protected from stranger things, we really appreciate your existance" Sabi ni Lara.

Inirapan ko lang siya.

"Yeah, yeah... you very, very nice. Me very, very scared. But... you help. Thank you, thank you so much!" Dagdag rin ni Hana.

Nagawa pa talaga nilang magbiro.

"Thank you for sunshine, thank you for rain, Thank you for joy, thank you for pain, It's a beautiful day, day, day." Pakantang sabi ni Lara.

"Tumigil nga kayo," Sabi ko.

Pagkatapos ng pagpapasalamat namin, nagpaalam na rin sila, hindi pala sila magkasama nagkataon lang na pareho nilang nakita si collie.

Hindi ko naman maiwasang hindi hampasin si Hana at Lara. Pareho ko sa kanila hinabilin si Collie at Callie dahil pumunta ako sa restroom pero yun nga, nangyari na. Buti na lang safe siya.

"Next time if you want something, just tell me. Let's buy it together, okay?" Sabi ni Callie, habang mahigpit ang hawak sa manggas ng damit niya.

"Do you know how worried we were?" Dagdag niya, halos pabulong pero ramdam na ramdam ang bigat. "What if something happened to you? What if someone took you and then did something bad to you?"

Napahinto siya. Napapikit sandali, parang ayaw nang ituloy.

"Who's going to annoy me in the morning?" Pilit niyang dagdag, pero basag na ang boses niya. "Who will fight my enemy at school? Who will ask all the questions that... sometimes don't make sense?"

It's not madness-it's more likely concern.

Si Collie naman, tahimik lang. Wala siyang sinabi lumapit lang siya at niyakap ang ate niya nang mahigpit.

"I'm sorry" Mahina niyang sabi, halos hindi marinig. "I didn't mean to make you worried"

Mas humigpit ang yakap ni Callie.

"Please don't do it again," Bulong niya.

"Please, Collie"

Tumango agad si Collie, kahit nangingilid na rin ang luha niya.

"Yes.. I won't, Promise."

Tahimik akong nakatingin sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumurot sa dibdib ko.

"Sorry... Callie... Collie... Amor..." Singit ni Lara, nakayuko, hawak ang sariling kamay.

Hindi ako agad nagsalita.

"Sorry... hindi namin napansin," Dagdag niya, nanginginig ang boses. "Mas inuna pa namin yung pang-aasar sa isa't isa"

Napabuntong-hininga ako.

Napatingin siya sakin, at doon ko nakita namumuo na rin ang luha sa mata niya.

Napailing lang ako ng bahagya.

"It's okay," Sabi ko, medyo mahina pero klaro. "Nangyari na eh. Hindi na natin mababalik."

Lumapit ako ng konti. Tinapik ang ulo ni Collie, tapos tumingin kay Lara.

"Isa pa" Dagdag ko, sabay pilit ng ngiti, "tama na ang drama na yan. Mukha na kayong dalawang unggoy simangot." Turo ko sa kanila ni Hana.

Bahagyang napatawa si Collie sa gitna ng pag-iyak.

"Sorry rin" Dagdag ko, sabay huminga nang malalim. "Sa mga nasabi ko kanina. Kinabahan lang din ako."

Sandali akong tumigil.

"Alam niyo naman na dragon nanay nila," Bulong ko sa dalawa.

"Ha? Ano po yun?" biglang tanong ni Collie.

"Wala!" mabilis kong sagot. "Wala akong sinabi!"

Napatingin sakin si Callie, parang nagdududa.

"Love" Nagulat ako sa itinawag niya sa akin.

"Shh!" Agad kong putol, sabay taas ng kamay.

"Secret yun. Bawal i-report."

Biglang natawa si Lara at Hana.

"Grabe ka, Amor" Sabi ni Lara, naka ngiti na rin kahit papano.

Huminga ako nang malalim, sabay tingin sa kanilang apat.

"Next time," Dagdag ko, mas seryoso na ulit ang tono,

"if may gusto kayo, dapat sabay-sabay. Huwag na kayong magkakanya-kanya. Gets?"

"Gets" Sabay-sabay nilang sagot, medyo mahina pero sincere.

"Good." Sabi ko. Nagpatuloy lang kami sobrang saya.

Pag-uwi, pinaliwanag ko lahat kay Miss Walls.

Kahit sinabi na ni Collie at Callie na huwag na sabihin, sinabi ko pa rin.

Nakatanggap tuloy ako ng sermon at habang pinapagalitan ako, nagvi-video

si Collie at yun senend nya sa gc kaya tampulan nanaman ako ng tukso nilang apat at bago matulog gumawa pa ako ng tsaa para lang mapatawad ako ng dragon.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.