CHAPTER 19 Her Pain.

Seraphine’s POV:

Gabi na.

It’s been days, pero hindi pa rin matuloy-tuloy ang pagpunta namin sa enchanted world. Why? Busy kasi si Miss Walls sa buong linggo. Sobra nga rin ang tampo ni Collie sa kanya it went to the point na hindi siya kinausap ng isang buong araw.

Sinubukan kong ipaintindi sa mga bata at gumawa rin ako ng paraan para gumaan ang pakiramdam nila.

Buti na lang, gumana. Kinausap na rin sila ni Miss Walls.

Sinabi niya na tatapusin lang niya lahat ng problema sa kumpanya, at hindi lang sa enchanted world ang pupuntahan namin kundi sa Disneyland na.

Ang shala, diba? Kaya agad na rin sumang-ayon si Collie.

And now, nakahiga na ako sa kama, nakatingin sa kisame.

“Finally,” Bulong ko sa sarili.

Napagod ako sa mga nangyari ngayong araw. Bakit? Sinama lang naman ako ni Collie sa kalokohan niya after class, kaya ganito ako ngayon bagsak ang katawan.

I was just about to close my eyes nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa bedside table.

Unknown number.

Napakunot-noo agad ako.

“Who even calls this late?” Bulong ko, pero sinagot ko pa rin.

“Hello?”

“Ah—Miss Amor?” Boses ng lalaki ang sumagot. Medyo maingay sa background may music, may mga ingay ng tao.

“Yes? Sino to?” Tanong ko.

“I’m calling from the bar po… kasama po namin si Miss Elena,” Sabi niya sa kabilang linya. Napaupo agad ako.

“Elena? Bakit—what happened?” Tanong ko. Ano nanaman kaya ginawa niya this time.

“Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po siya napano—lasing lang po. Well, hindi naman po siya totally wasted… pero she’s too drunk na po para gamitin ang phone niya ng maayos. Wala na rin po siyang load, at nakita ko po kasi ang pangalan mo sa unahan ng contacts nya.” Mahabang paliwanag niya.

“Elena, that woman again,” Buntong hininga kong sabi. Lagi na lang siyang umiinom, pero never niyang sinabi kung bakit lagi lang siyang nagmamakaawa.

“Saan siya ngayon?” Tanong ko agad.

“Nandito lang po siya.”

“Okay, I’ll be on my way. Please check on her,” Sabi ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Binaba ko agad ang tawag. Saglit akong napatingin sa pintuan at napaisip. 'tulog na siguro lahat.

“Sneaking out again,” Sabi ko bago tumayo.

Mabilis akong nagbihis, nagsuot ng jacket, at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Ingat na ingat ako sa bawat hakbang kasi parang konting ingay ko lang, mahuhuli agad ako.

Paglabas ko ng bahay, huminga ako nang malalim.

“Okay… let’s go find a drunk woman.”

A FEW MINUTES.

Pagdating ko sa bar, mas lalong lumakas ang music. At sa pinto palang sumasakit na ang mata ko sa liwanag ng ilaw.

Pagpasok, lumapit agad ako sa bar counter at agad naman akong kinausap ng barista na tumawag.

“Miss Amor?” Tawag nya.

“Yeah. Where’s Elena?” Tanong ko.

“Lumabas po siya.” Sabi nya sabay kamot sa ulo.

Napailing ako.

“Of course she did.” Bulong ko sa sarili.

Lumabas ako at dumiretso sa likod ng bar, papunta sa garden. Tahimik doon kumpara sa loob may mga warm lights, may mga halaman, at may malamig na hangin, or more likely sariwa malayo sa loob ng bar.

At hindi nga ako nagkamali dahil doon ko siya nakita. Nakaupo sa bench, hawak ang isang bote ng wine. Nakayuko siya… at kahit malayo pa lang ako, alam ko na.

She's crying again for sure. Dahan-dahan akong lumapit.

“Elena…” Tawag ko.

Hindi siya agad sumagot, kaya lumapit pa ako hanggang sa nasa tabi na niya ako.

“Anong oras na? Dapat umuwi ka na.”

Malumanay kong sabi.

Tahimik lang sya.

“Amor.” Sabi nya.

Tapos bigla siyang tumawa ng mahina pero parang paos ang boses, mukhang kanina pa siya umiiyak.

Napatingin ako sa mukha niya. Her eyes were red, cheeks slightly flushed at sigurado akong hindi lang dahil sa alak, kundi dahil sa pag-iyak.

“Why are you here” Mahina niyang tanong.

“Tinawagan ako nung barista,” Sagot ko.

“Ahh right, that madafucker.”

“Yeah. So now I’m here. Congrats.” Sarcastic kong sabi. Napangiti siya ng konti, pero agad din namang nawala.

Tahimik ulit kami.

Tapos nagsalita siya.

“Ang tanga ko, Amor.”

Napakunot-noo ako.

“Elena—”

“I was so stupid for letting go again. Pero anong magagawa ko? Dun sya magiging masaya.”

Natahimik ako.

“I tried to fight,” She continued, nanginginig ang boses niya. “I really did. Pero… how can you fight for someone… who doesn’t want you to fight anymore?”

Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit pakinggan kasi pano nga ba?

Napayuko siya habang mahigpit ang hawak sa bote.

“It’s funny, you know?” Mahina niyang tawa. “It’s easier to love that person again and again kahit masakit yung pinaparamdam niya. Dapat nga madali nalang na pakawalan siya ehh… but no, it’s so damn hard to let go.” Sabi nya. Napabuntong hininga ako. Mas humigpit pa ang hawak niya sa bote.

“Alam mo ba kung gaano ako kababa noon?” Bulong niya. “I begged… Amor. I actually begged for her to stay.”

Napatigil ako.

“I told her I can change, I can wait, I can understand everything and worst case, sinabi kong kahit ako na lang ang masaktan, basta huwag lang siyang umalis. Kahit may kahati, kahit kunti lang na pagmamahal ang natanggap ko. Pero wala.”

Tumulo lalo ang luha niya.

“But still, umalis siya iniwan ako… like I was nothing. Alam kong kasalanan ko, mali ko.”

Napakagat labi sya, pilit pinipigilan ang hikbi.

“Do you know what hurts the most?” She whispered. “Hindi yung iniwan ka… it’s realizing na habang ikaw lumalaban siya matagal nang sumuko.”

Napahigpit ang hawak ko sa sarili kong kamay.

Bakit parang naiintindihan ko siya?

“Sa una palang, kasalanan na ang mahalin siya yan ang sabi ng iba. At ngayon, mas magiging kasalanan kung ipipilit ko pa. Pero wala ehh—nagmamahal ako, Amor. Nagmamahal lang ako.” Sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“Elena,” mahina kong tawag.

Umiling siya.

“I kept bringing flowers,” Sabay tingin niya sa akin. “Tinatawanan mo pa nga ako every time we meet kasi sinasabi ko na para sa akin lang yun, pero hindi—those flowers are for her.”

“Why?” Di ko maiwasang itanong.

“Because she loves flowers,” Mahina niyang sagot. “And I thought… if I keep giving her something she loves… maybe she’ll love me the same way again.”

Napapikit siya.

“But love doesn’t work like that, right?”

Huminga siya nang malalim.

“I memorized everything about her, Amor… her favorite drink, her favorite songs, her favorite food, the way she smiles when she’s tired, happy or just looking at me, lahat ng nunal niya sa katawan.”

Saglit siyang natawa pero puno ng sakit ang bawat salita.

“Pero kahit isang beses… hindi niya man lang sinubukang alamin kung ano yung sakin, kung ano yung rason ko, kung bakit hindi ko siya nagawang ipaglaban noon. Natakot lang rin ako. I also suffered, Amor,” Sabi niya habang patuloy lang siyang umiiyak.

Natahimik ako.

“I wasn’t able to be always beside her before because I was busy building our future—kasi gusto ko hindi kami mahirapan. I tried naman ehh but I can't.”

Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat dahil hindi ko rin talaga alam ang dapat sabihin.

“Grabe maglaro si tadhana no? Now that I can be there for her, stay by her side, give her everything she wants…” Tumigil sya ng ilang segundo.

“…it’s too late.” Halos pabulong nyang sabi habang umiiyak—sobrang layo sa Elena na kilala ko nung una.

“Now that I’m available for her… she made me feel like I was too much.”

Napaluha siya lalo.

“I made her my home and she made me feel like I was just visiting.”

Parang may bumigat sa hangin. Lumapit ako ng konti at yumuko sa harap niya marahang hinawakan ang braso niya.

“You did your best,” Sabi ko.

Umiling ulit siya.

“My best wasn’t enough.”

Tahimik ulit.

“And the worst part?” Mahina niyang dagdag, halos pabulong na. “If she comes back right now… I’d still choose her, kahit mali, kahit hindi dapat.”

Napapikit siya,

“I hate myself for that"

Sa una hindi ko alam kung anong sasabihin. Hanggang sa nakaisip na ako .

“…Minsan,” Pag-imik ko, “ Kahit ibigay mo na lahat hindi pa rin sapat para sa maling tao.”

Napatingin siya sa akin.

“At hindi ibig sabihin nun na kulang ka,” dagdag ko. “Minsan… mali lang talaga yung taong pinaglalaanan mo.”

Natahimik siya.

"Sometimes we need to realize and face the truth that not all happy endings end in a romantic way.

Or I should say, not every story has the two people who love each other staying together.

Sometimes the two souls who hold each other in their hearts must walk separate paths to truly see themselves clearly," Sabi ko.

Nakikinig lang siya kaya nagpatuloy ako.

"And that, too, is a happy ending. Because to find, to truly find, yourself is to uncover the very foundation of love itself. To choose self-love above all else isn’t a rejection of what was shared; it’s an act of courage that saves us from carrying the weight of what could have been," Dagdag ko.

Patuloy lang ako habang hinahaplos ang ulo niya. Nakapikit lang siya.

"And honestly, it’s far better to embrace the fullness of who you are than to cling to love that keeps you from knowing your own heart, your own self," Sabi ko.

Dahan-dahan syang tumayo at inilapat ang ulo sa upper chest ko, as if seeking comfort. Hindi ako gumalaw hinayaan ko lang siya.

Umiyak siya, tahimik, pero ramdam mo ang bigat na dinadala nya.

“…It hurts,” Bulong niya.

“I know.” Sagot ko.

“I still love her.” Sabi nya. Hinaplos ko lang ang braso nya.

“I know.”

“And I hate that I do.”

"I hate my self not for loving her, but for giving my all hanggang sa wala nang natira para sa sarili ko.” Dagdag nya.

Napapikit ako.

“That’s how you know it was real,” Sagot ko.

Tahimik ulit kami.

Under the dim lights of the garden, with the night wrapping around us, one person was carrying something heavy in her heart and another who didn’t really know what to feel.

Hinayaan ko lang siyang umiyak, hinayaan ko lang siyang mapagod hanggang sa nakatulog na siya. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin, kaya tinawagan ko si Lara para maghanda. Sakto, wala siyang pasok bukas.

Dinala ko siya sa bahay, at pagkatapos kong masigurong okay na siya, umuwi na rin ako madaling araw narin kasi.

Pa-uwi na ako, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si Elena.

Sabihin na nating may mali siya, pero may sarili siyang dahilan.

Wala ako sa posisyon para sabihing ganun lang kadaling patawarin siya, pero kasi lahat naman deserve ng second chance diba.

Sabihin na nating hindi lahat, pero sigurado akong isa si Elena sa mga karapat-dapat.

FEW MINUTES HAD PASSED

Naka-uwi na ako nang payapa, pero hindi pa rin ako pumapasok sa bahay. Pinag-iisipan ko pa kung paano.

Umaga na rin kasi paniguradong gising na ang ibang angels.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Bahala na si Batman," Sabi ko sa sarili.

Tahimik akong pumasok, parang ninja or more likely, akyat bahay.

Pagpasok ko, medyo okay pa. Pero pagdaan ko ng sala nakakakilabot. Parang may mga matang nakatingin sa akin. At sa huli, hindi nga ako nagkakamali.

Bumukas ang ilaw.

Nakita ko si Miss Walls. Nakaupo siya sa sofa, may hawak na wine glass, naka-cross legs.

Ang aura niya? Ibang level.

“Where have you been? It’s already late,” She said, her voice low.

Bago pa ako makasagot, tumayo siya pero halos matumba, kaya agad akong lumapit sakanya. Agad naman siyang kumapit sa batok ko.

“Miss Walls… you’re drunk,” I managed to say, kahit hindi nanaman mapakali ang puso ko.

“I’m asking you, where have you been, baby?” Ulit niya. Sounded like teasing. Agad naman akong nakaramdam ng init sa mukha.

“Ah… pinuntahan ko lang po kaibigan ko,” Sabi ko habang iniiwas ang tingin. Pero hinawakan niya ang pisngi ko para iharap ulit sakanya.

“Look at me while talking, okay?” Sabi niya. Tumango naman ako.

“Who?” She asked.

“Lara or Hana?” Dagdag niya.

“Si Elena,” Sabi ko.

Plak.

Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko, pero nakatanggap ako ng sampal mula sa kanya.

“Miss Walls, anong pro—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makatanggap ulit ako ng sampal mula

sa kanya.

“So what did you do with that bitch?” Napalunok ako sa talim ng boses niya.

“Miss Walls, wala po. She’s drunk—tinulungan ko lang,” Paliwanag ko habang nakatitig sa kanya.

“Just make sure, Seraphine Amor Reyes, ‘cause if not, I’ll cut those fingers,” Pagbabanta niya. Agad akong napalunok at tumango.

“Yes, Miss Wall—”

Pinitik niya ako sa noo. Hinaplos ko naman ito gamit ang isang kamay, habang yung isa naka alalay sa

bewang niya.

“My name, stupid,” Sabi niya.

“Okay… Celes,” Sabi ko, halos pabulong.

The scent of wine and perfume was mixing… hindi ko alam kung yun ang dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga, o dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

Ngumiti siya parang yung ngiti ni collie pag nangtritrip, pero may softness sa mga mata niya.

“Gosh, I love it when you’re the one calling me that,” She said, smirking.

“Celes, tara na po sa taas,” Sabi ko.

“Remove the formality,” Sabi niya, eyes half-lidded.

“Let’s go upstairs,” Ulit ko.

Umiling lang siya.

“I want to drink more,” Sabi niya na parang bata.

“No, hindi pwede. Tara na. At bakit ka ba umiinom?” Tanong ko.

“Maybe because I like it when you worry,” She said, voice low, soft, almost purring.

Her hands didn’t move. She leaned in a little our faces almost touch. My breath hitched, at parang tumigil ang mundo sa paligid namin.

“Baka makita ka ng mga bata,” Sabi ko, halos pabulong. Pero hindi niya ako pinansin.

“They won’t mind. They love you,” Sabi niya.

Tinitigan niya ako. mula sa mata hanggang sa labi na parang inaaral ang mukha ko.

“I love those eyes,” She said, smiling.

“I missed them, sorry I was busy at work I wasn't able to give time to you and the kids,” Dagdag niya.

"It's okay naiintindihan naman na nila just make sure you won't break your promise next time," Sabi ko.

"Promise po," Sabi nya. Napangiti ako.

“Tara na sa taas,” Sabi ko, sabay kabig sa kanya papunta sa hagdan.

“Hmm… what are we going to do there, baby?” She said. Hindi ko maiwasang magdalawang-isip, pero binalewala ko na lang ulit.

Pagdating namin sa taas, agad ko siyang inihiga at inayos ng makita kong okay na.

Balak ko sanang bumalik sa baba

para kumuha ng gagamitin para mahimasmasan siya pero bigla

niya akong hinila.

“Please, don’t leave me,” Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. Napangiti naman ako naalala ko yung “please” ni Collie.

“May kukunin lang ako sa baba,” Sabi ko.

“Promise?” Sabi niya.

“Promise,” Sabi ko.

Ngumiti siya, sabay binitawan ang kamay ko.

Paglabas ko ng kwarto, napasandal ako saglit sa pader. Mabigat ang dibdib ko, parang may kung anong humihila sakin pabalik sa loob parang kahit ilang minuto lang, ayaw kong sayangin ang bawat sandali.

Huminga ako nang malalim bago bumaba. Tahimik ang buong bahay tanging tunog lang ng mga hakbang ko at ang mahinang kalansing ng mga gamit sa kusina ang maririnig.

Kumuha ako ng lalagyan para sa maligamgam na tubig, naghanap din ako ng malinis na towel at kumuha narin ng malamig na tubig para mainom niya, sabay dali-dali akong bumalik sa taas.

Pagbukas ko ng pinto, nakatagilid siya, yakap ang unan. Tahimik… pero halata sa paggalaw ng balikat niya na gising pa siya.

“Celes…” Mahina kong tawag.

Hindi siya sumagot.

Lumapit ako, inilapag ang mga kinuha ko sa bedside table, saka dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.

“Hey…”

Hinawakan ko ang balikat niya, marahan lang. Paglingon niya, nakita kong basa ang pisngi niya at namumula ang mga mata. Wala na yung matapang na aura nya.

Now she look like someone fragile.

“You came back” She whispered.

“Sabi ko naman,” Sagot ko agad.

Dinampi ko ang mga palad sa pisngi niya at pinunasan ang mga bakas ng luha.

Kinuha ko ang towel binasa ng maligamgam na tubig saka piniga at maingat kong pinunasan ang mga kamay niya papunta sa braso.

Tahimik lang siya, nakatingin sa akin.

“Stop crying,” Mahina kong sabi.

“Don’t tell me what to do,” Sagot niya agad sabay pout, kaya napangiti ako.

Ang cute niya.

“Stubborn.” Sabi ko. Napailing ako nang bahagya.

“Only with you.”

Napahinto ako.

Sandali kaming nagkatitigan. Walang nagsasalita, pero parang maraming gustong sabihin sa isa't isa.

Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko, hinawakan na parang takot na baka mawala ulit ako.

“You said you won’t leave…”

“I won’t,” Sagot ko agad.

“Stay… hanggang makatulog ako.”

Hindi ako sumagot agad. Pero imbes na tumayo, inayos ko ang pagkakaupo sa tabi niya.

“Fine.”

Ngumiti siya hindi abot sa mata, pero totoo.

Humiga siya nang mas maayos, pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Mas lalo pa nga niyang hinigpitan ang hawak, parang sinisigurado na nandito lang ako.

At ako… hinayaan ko lang siya.

Tahimik ang kwarto. Tanging paghinga niya lang ang maririnig, unti-unting bumabagal.

Pero ako?

Hindi ko alam kung bakit nawala ang antok ko. Siguro dahil bawat segundo na magkalapit kami… gusto kong sulitin.

“Amor,” Tawag niya.

“Hmm?” Sagot ko.

“Please take care of the kids… love them,” Sabi niya.

“Okay. Now go to sleep. Don’t be stubborn you drank too much,” Sabi ko, sabay haplos sa ulo niya.

“I miss you,” Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. Pagdududa? Hindi ako sigurado. How can she miss me kung lagi naman niya akong nakikita?

O baka naman talagang napaka-random lang ng tao kapag lasing.

“Hmm,” Sagot ko na lang.

“You think I need to be sober to tell you… how much I missed you?” She asked.

Her lips curved into a mischievous smile, but there was softness there something sincere that made my heart ache.

“I don’t know,” Sabi ko na lang kasi hindi rin ako sigurado.

Sabi nga ng iba, pag nalalasing ang tao, doon sila nagsasabi ng totoo. Pero paano ako makakasiguro kung sa paggising namin parang ibang tao nanaman siya?

Akala ko tuluyan na siyang nilamon ng antok dahil hindi na siya sumagot, pero nagkamali ako. Isang mahinang ungol ang kumawala sa mga labi niya bago siya dahan-dahang gumalaw hindi para lumayo, kundi para mas lalong lumapit sa akin.

Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan niya. Binitawan niya ang kamay ko, pero bago pa ako makahinga nang maluwag, naramdaman ko ang isang kamay na yumakap sa bewang ko at pilit akong inihiga sa tabi niya.

“C-Celes...” Nauutal kong tawag, halos pabulong ang boses ko sa pagkabigla.

Napatingin ako sakanya pero hindi siya sumagot. Sa halip, ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Ang mainit niyang hininga na may halong amoy ng alak, mint, at vanilla, ang dumampi sa balat ko dahilan para kilabutan ako.

My heart was pounding so hard against my ribs, it felt like it might just burst.

“Amor..” Bulong niya, humihina ngunit puno ng tensyon. Humiwalay siya nang kaunti, sapat lang para magtama ang mga mata namin.

Her eyes are bright, puno ng halo-halong matinding emosyon na pilit niyang itinatago.

Hinawakan niya ang panga ko, at ang hinlalaki niya ay dahan-dahang hinaplos ang ibabang labi ko.

"You're annoying," she whispered, her voice cracking. "Bakit ba palagi kang nandoon sa mga taong hindi ka naman deserve? Why Elena? Why them?"

"Celes, lasing ka lan—"

"No," pagputol niya, mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda niya. "I hate how you look at them. I hate how you care for them... and I hate how much I'm affected by it. Bakit ba ikaw ang hindi ko maalis sa isip ko? Sino ka ba para maramdaman to?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi ganoon din ang nararamdaman ko. Maybe it’s love at first sight, or maybe I’m just too delusional.

Umiling siya, halatang kinakalaban ang sarili niyang nararamdaman. "It's just the wine. Yes... it's just this stupid wine."

Pero kahit anong sabihin niya, ibang iba ang sinasabi ng bawat kilos niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya. Napapikit ako at sa isang iglap, naramdaman ko ang malambot at mainit niyang mga labi sa noo ko. Napamulat ako. Pagkatapos, bumaba naman sa dulo ng ilong ko, hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang pagdampi nito sa gilid ng mga labi ko.

Nanigas ako sa kinahihigaan ko. Para akong nakuryente dahil sa bawat galaw niya, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Celes, baka pagsisihan mo to bukas," babala ko, kahit na deep inside, ayaw ko siyang pigilan. Tumawa siya nang mahina.

"Then let me regret it tomorrow. For now... just stay. Be mine for just one night, Amor." Sabi niya. Hindi ko na nagawang sumagot. Bigla niyang hinawakan ang batok ko at muling sinakop ang mga labi ko.

This time, it wasn't just a brush. It was deep, hungry, and desperate—isang halik na tila ibinubuhos niya lahat ng selos, takot, at pag-ibig na hinding-hindi niya aaminin kapag wala siyang tama ng alak.

Napapikit ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong tumugon. My hands found their way into her hair, pulling her closer—as if we were trying to become one. The scent of her perfume mixed with the faint trace of wine was intoxicating, erasing every thought except her.

Ramdam ko ang frustration at pananabik sa bawat dampi ng labi niya.

"Ugh."

Celes let out a soft moan, her hands pulling me closer until there was no more space left between us.

Para kaming dalawang taong nauuhaw sa gitna ng disyerto, at ang bawat halik ay tila tubig na pansamantalang nagpapakalma.

I felt her tongue trace my lower lip, asking for permission, and I gave in losing myself in the heat of the moment.

Pero sa gitna ng mapusok na halikan namin, bigla kong naalala ang sinabi niya kanina tungkol sa kagustuhan niyang uminom pa.

Lasing siya.

Sa isang iglap, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bumalik sa alaala ko ang unang halikan namin ang mismong dahilan kung bakit niya ako tinanggal sa trabaho nung una.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit iwinaksi ang sarap na nararamdaman. Gamit ang natitirang lakas ng loob, dahan-dahan kong inilayo ang mga labi ko sa labi niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Celes... stop. Tama na," Hinihingal kong sabi.

"Why?" She asked confused. "Don't you want me?"

"Hindi sa ganun," sagot ko, habang inaayos ang nagulo kong buhok.

"Celes, hindi mo alam ginagawa mo. Lasing ka. Ayaw kong gumising ka bukas na galit sa akin o sa sarili mo dahil may nangyari sa atin habang wala ka sa tamang isip."

"I won't get mad. Come on," Sabi niya, balak pa rin akong halikan.

"No. I respect you too much to take advantage of this," Sabi ko sabay buntong hininga. Sandali siyang natigilan, tila unti-unting pumapasok sa isip niya lahat ng sinabi ko.

Humiga siya ulit at tumalikod sa akin, pero narinig ko ang mahina niyang hikbi.

"You're always so... good," She whispered. "And I hate it. I hate that you're the one making me feel vulnerable."

Hindi ako sumagot. Umupo lang ako sa tabi niya, hanggang sa bumagal ang paghinga niya. Masakit para sa akin na pigilan ang nararamdaman ko, pero alam kong ito ang tamang gawin.

The sober Celestine Emery Walls would deny this until her last breath.

Pero alam kong isang bagay ang totoo sa gabing ito, lasing siya at pwede niyang sabihin lahat ng yun at kalimutan kinabukasan. At kung totoo man lahat ng yun, hihintayin ko nalang ang pagkakataong sasabihin niya lahat ng iyon nang gising ang diwa at malinaw.

Humiga narin ako sa tabi niya. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

And just like that, for a moment, the world outside faded. It was just us. Just this slow, sweet burn the unspoken tension hanging in the air.

The kind of moment that maybe

changes everything tomorrow.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.