CHAPTER 20 Farewell
Seraphine's POV:
Mainit ang sikat ng araw, pero presko ang hangin dito sa park. Nakalatag ang picnic mat namin sa damuhan at puno ng pagkain may sandwiches, chips, prutas, at kung anu-ano pang baon namin na parang pang-isang barangay.
Nakahiga si Lara, naka-shades pa na kala mo naman nasa beach kunwari, kahit wala namang dagat. Si Hana naman busy sa pag-aayos ng pagkain, habang si Elena... tahimik lang, nakaupo, nakatingin sa malayo na parang may iniisip.
Day off namin ngayon. Pero hindi lang basta day off to farewell na rin ni Elena.
"Hoy," Biglang sabi ni Lara habang ngumunguya ng chips, "Bakit ka nga ba aalis, crush?"
Napatingin si Hana sa kanya. "Crush? Kailan mo pa naging crush si Sissy?"
"Matagal na," Sagot ni Lara sabay kindat. "Hindi mo lang napapansin kasi busy ka maging tanga."
"Hoy!" Napangiwi si Hana. "Mas tanga ka!"
Napangiti si Elena, sabay iling. "Kayo talaga..."
"Answer the question," Dagdag ni Lara, umayos ng upo. "Ba't ka nga ba aalis? Iiwan mo kami? Ang kapal ahh."
Huminga ng malalim si Elena bago sumagot.
"I'm going to Rome... to study."
Saglit na natahimik ang grupo.
"Rome? As in Italy?" Tanong ni Hana, nanlalaki ang mata. "Yung may pizza? Yung aesthetic na lugar? Yung pang-main character?"
Tumawa si Lara. "Ikaw talaga, pagkain agad iniisip mo."
"Eh ikaw?" Balik ni Hana. "Crush ka ng crush, di ka naman gusto!"
"Focus tayo," Natatawang sabi ni Elena. "Oo, sa Rome. May opportunity kasi... and I think-" Saglit siyang napahinto, "Ito na yung chance ko."
"Chance para saan?" Tanong ni Lara, medyo seryoso na.
"Para makahanap ng Italiano" Biro nya.
"Seryoso kasi" Reklamo ni Lara.
Ngumiti si Elena, pero may halong lungkot.
"Para mag-move forward."
"Move forward?" Ulit ni Hana. "May pinagdadaanan ka pala? Hindi mo kami sinasabihan ah."
"Hindi naman sa ganun," Mahinang sagot ni Elena. "Minsan... kailangan mo lang umalis para mas maintindihan mo sarili mo."
"Ay wow," Singit ni Lara. "Deep. Parang quotes sa Facebook."
"Lara," Sita ni Hana.
"Joke lang!" Taas kamay ni Lara. "Pero seryoso... mamimiss ka namin, ha."
Ngumiti si Elena. "Mamimiss ko rin kayo."
"May makakasama ka ba dun?" Tanong ni Hana, medyo nag-aalala.
"Meron," Sagot ni Elena. "May mga kakilala rin ako doon. And... siguro mas makakabuti na rin to sa'kin."
"Mas makakabuti..." Bulong ni Lara. "Grabe, parang ang bigat naman nun."
Tahimik ulit sandali.
At ako...
Hindi ko na halos naririnig yung usapan nila. Parang ang layo ng mga boses nila. Kasi ang nasa isip ko...
Yung gabing yun.
Yung mga titig niya.
Yung boses niya.
Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag kung tama ba o mali.
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatulala.
Hanggang sa-
Pak!
"ARAY!"
Napabalik ako sa realidad nang may tumama sa noo ko isang piraso ng sandwich.
"Hoy!" Sigaw ko, napahawak sa ulo. "Sino-?!"
"Welcome back sa Earth, Amor." Sabi ni
Lara, habang naka-ngisi.
"Tanga ka ba?!" Inis kong sabi habang pinupunasan yung mayonnaise sa noo ko.
"Kanina ka pa lutang," Sabi ni Hana, naka-cross arms. "Anong iniisip mo? Secret ba yan?"
"Wala," Mabilis kong sagot. "Nag-iisip lang."
"Uy, defensive," Pang-aasar ni Lara. "Baka naman... love life yan?"
"Wala nga!" Sabay kuha ko ng juice at inom.
"Hmm," Si Hana, nakatingin sa'kin na parang may binabasa sa mukha ko. "Hindi ka ganyan dati."
"Ganyan alin?" Tanong ko.
"Yung parang... wala ka sa sarili," Sagot niya.
Saglit akong natahimik.
"Pagod lang ako," Palusot ko.
"Sure ka?" Singit ni Lara. "O baka may 'Miss' na involved dyan?"
Bigla akong napatigil. Napatingin ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Medyo seryoso kong tanong.
Ngumisi si Lara. "Wala lang. Feeling ko lang. Alam mo na, intuition ng maganda."
"Feeling mo lang yun," Mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang kinabahan ako.
Tumawa si Elena, trying to lighten the mood. "Okay, okay. Tama na pang-iinterrogate kay Amor. Day off nyo ngayon, remember?"
"Fine," Sabi ni Lara. "Pero hindi pa tapos to."
"Wala naman kasing dapat tapusin," Bulong ko.
Pero kahit ako...
Hindi ko sigurado kung totoo lahat ng sinabi nya nung gabing yun.
"Alam niyo," Biglang sabi ni Hana habang kumakain ng prutas, "kahit aalis ka, Elena... hindi ibig sabihin nun mawawala ka na talaga."
"True," Dagdag ni Lara. "Group chat exists. Hindi ka makakatakas."
Napangiti si Elena. "Oo nga. Hindi naman ako mawawala."
"Tama," Sabi ko, pilit na ngumiti. "At andito lang kami maghihintay."
Pero sa loob ko...
Hindi ako sigurado kung ako ba mananatili rin sa sarili ko, o unti-unti na rin akong nawawala dahil kay Miss Walls.
"Okay," Biglang sabi ni Lara habang tumatayo at pinapagpag ang palda niya, "Since ang drama niyo na truth or dare na tayo."
"Ha? Bigla?" Tanong ni Hana.
"Oo, para ma-balance. Kanina paiyak na yung aura niyo eh," Sagot ni Lara. "Kailangan katangahan lang."
"Tama yan," Natatawang sabi ni Elena. "Last bonding na rin natin 'to."
Napatingin sila sa'kin.
"Amor?" Tanong ni Hana. "Game ka?"
Nagkibit-balikat ako. "Sige."
"AYAN!" Sigaw ni Lara. "Simulan na!"
Umupo kami paikot. May hawak na bote ng juice si Lara - siya raw ang official spinner.
"Pag sa'yo tumapat, wala kang takas," Babala niya.
"Eh kung tumapat sa'yo?" Tanong ni Hana.
"Syempre may takas ako. Ako organizer eh," Proud niyang sagot.
"TANGA KA BA?" Sabi ni Hana.
"Joke lang!" Tumawa siya. "Okay, spin na!"
Iniikot niya yung bote.
Ikot... ikot... ikot...
Tumigil at nakatuon kay Hana.
"YES!" Sigaw ni Lara. "Hana, truth or dare pader?!"
"Truth," Agad na sagot ni Hana.
"Ang boring mo," Reklamo ni Lara. "Fine. Ito sino ang pinaka-crush mo sa work ngayon?"
"Ha?!" Namula si Hana. "Wala!"
"Sinungaling!" Sabay sigaw namin ni Lara.
I forgot to mention, sa company na rin pala siya ni Miss Walls nagtatrabaho.
"Meron yan," Dagdag ko, nakangiti.
"Wala nga!" Pilit ni Hana, pero halatang nahihiya.
"Five seconds," Sabi ni Lara. "Five... four..."
"Sige na!" Sigaw ni Hana. "Si... si Kuya Guard!"
Tahimik.
Tapos -
"ANO?!" Sabay-sabay naming sigaw.
"HOY!" Namumula si Hana. "Ang gwapo kaya niya! Tsaka gentleman!"
"Yung guard na laging tulog?!" Natatawang sabi ni Lara.
"Hindi yun! Yung bago!"
"Ahhh," Sabi ko sabay tango. "Okay, gets ko na."
"See? May taste ako," Proud na sabi ni Hana.
"Sa guard?" Pang-aasar ni Elena.
"Hoy Elena!" Sita nya sabay tulak.
"Teka," Si Lara, humahagalpak. "So pag late ka papasok... hindi ka na kinakabahan, kinikilig ka na?"
"SHUT UP!" Sigaw ni Hana habang tinatakpan ang mukha niya. Nagtawanan kami.
"Next!" Sabi ni Lara, pag iiba nya ng topic sabay ikot ulit ng bote.
Ikot... ikot...
Tumigil - kay Lara.
"HAHAHAHA!" Sigaw ni Hana. "Karma!"
"Okay lang," Confident na sabi Lara.
"Truth or dare?" Sabay naming sabi ni Elena.
"Grabe kayo, excited! Dare!" Napangiwi siya.
Nag-isip si Hana, tapos ngumiti ng masama. DEMONYO YARN
"I dare you... tumakbo at pumunta dun sa mag-jowa sa bench... tapos sabihin mo, 'Ate, akin nalang po boyfriend mo.' Dapat pasigaw para rinig namin."
"HA?!" Nanlaki mata ni Lara. "Mamamatay ako!"
"Go!" Sigaw namin.
"Hindi pwede -"
"WALANG TAKAS, REMEMBER!" Sabay-sabay naming sigaw.
"Grabe kayo, Fine. G!" Reklamo niya, pero tumayo na.
Pinanood namin siya habang naglalakad papunta sa mag-jowa.
"OMG, gagawin niya talaga," Bulong ni Elena, habang natatawa.
Lumapit si Lara. Tumigil sa harap ng mag-jowa at huminga ng malalim.
Tapos -
"Ate!" Pasigaw nyang sabi, medyo kinakabahan, "Akin nalang po boyfriend mo!"
Hindi namin alam kung ano ang sinabi nung babae. Nagulat nalang kami ng biglang tumakbo pabalik si Lara.
"AAAAAAAAH!" Sigaw niya habang tumatawa.
Nagtawanan kami nang malakas.
"ANO SABI?!" Tanong ni Hana.
"Teh, parang sasampalin ako. Kala mo naman talaga mas pogi panga ako sa jowa nya. Pasalamat sya di ako naging lalaki!" Hingal at mahaba niyang sagot.
"Deserve!" Sabi ko.
"Next!" Sabi ni Elena, tumatawa pa rin.
Iniikot ulit ang bote.
Ikot... ikot...
Tumigil sa'kin. Bigla silang natahimik.
Nag katiting si Hana at Lara sabay ngumisi silang dalawa.
"Ay, ito na. Amor... truth or dare?"
Napalunok ako.
"Dare." Sabi ko baka pag true magtatanong nanaman sila about kay Miss Walls.
"OOOH," Sabay sabay nilang sabi.
"Amor, amor, amor!" Nag-iisip na sabi ni Lara parang contrabida sa teleserye, tapos biglang ngumiti ng kakaiba.
"I dare you..." Tumingin siya sa'kin nang may halong pang-aasar, "I-message mo yung last person na ka-chat mo at sabihing 'Miss you na po.' Tapos may pleading face or puppy dog eyes na emoji."
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Last person? Bigla akong napapikit. Di ako pwedeng magkamali, Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko at pag tingin ko tama nga si Miss Walls biglang nanlalamig ang kamay ko.
"Hoy," Sabi ni Hana. "Dali na."
"Gawin mo," Dagdag ni Elena, nakangiti.
Napatingin ako sa phone ko. Parang biglang bumigat.
"Amor?" Tawag ni Lara. "Wag kang umatras."
Hindi ako makapagsalita agad.
"Simple lang yan," Dagdag niya. "'Miss you na po.' Cute pa nga eh."
Cute?
Kung alam lang nila.
"Hoy, ano na?" Tanong ni Hana, nakasilip.
"Private!" Sabi ko, tinakpan.
"Sus," Sabi ni Lara. "Sige na, send mo na."
Huminga ako ng malalim.
Tapos -
Tinype ko: Miss you na po ??
Tinitigan ko yung screen. Parang ang bigat pindutin ng send. Pero dahil dare, pinindot ko.
Sent.
"DONE," Sabi ko, pilit kalmado.
"AYIEEE!" Sigaw ni Lara. "Sino yan?!"
"Secret," Sagot ko agad.
"Hindi pwede!" Reklamo ni Hana.
"Okay lang," Sabi ni Elena, nakatingin sa'kin. "May kanya-kanya tayong sikreto."
Napatingin ako sa kanya. Parang sinasabi ng mga mata nya: Alam ko kung sino, bading.
Biglang -
DING.
Tumunog phone ko. Napatingin silang lahat.
"Reply ba yan?!" Excited na tanong ni Lara. Hindi ako agad gumalaw.
"Basahin mo!" Sabi ni Hana. Dahan-dahan kong tiningnan.
At nakita ko ang reply: "Where are you?"
Bigla akong napalunok kasi di ko alam kung galit sya o talagang hanap lang ako.
"Anong sabi?" Tanong ni Lara.
Napatingin ako sa kanila. Tapos ngumiti ng pilit.
"Wala," Sabi ko. "Spam lang."
"Okay" Sabi ni Hana. halatang duda
"Hindi pa tapos 'to!" Biglang sigaw ni Lara, parang walang nangyari kanina. "Next round!"
"Grabe ka, hindi ka napapagod?" Natatawang sabi ni Hana.
"Ibang laro naman," Sabi ko.
"Hindi," Taas noo ni Lara. "Professional ako dito. Isa pa, di pa napipili si Elena."
"Professional tanga," Bulong ko.
"Hoy, narinig ko yun!" Sagot niya sabay ikot ulit ng bote.
Ikot... ikot... ikot...
Tumigil sa kanya kaya-
"HAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay kaming tumawa.
"Bakit laging ako?!" Reklamo niya.
"Karma mo yan," Sabi ni Hana.
"Okay fine," Nakapamewang si Lara.
"Truth or dare?" Sabay naming sigaw.
"DARE!" Sabi nya, talagang iniiwasan yung truth.
"Alam ko na," Biglang sabi ni Hana, sabay turo sa puno ng mangga sa gilid ng park. "Akyatin mo yan tapos kumuha ka ng mangga."
Napalingon si Lara kaya napalingon din kami mataas at medyo delikado tingnan.
"Excuse me?" Sabi ni Lara. "Hindi ako unggoy."
"Dare is dare," Sabi ni Elena, nakangiti.
"Grabe kayo sa'kin," Reklamo ni Lara, pero lumapit na siya sa puno. "Pag nahulog ako, kayo may kasalanan."
"Video ko ha," Sabi ni Hana, inilabas phone niya.
"HOY! WALANG VIDEO!" Sigaw ni Lara.
"Late na," Sabi ni Hana, "Naka-record na"
Dahan-dahang umakyat si Lara.
"Dahan-dahan!" Sigaw ko.
"Alam ko!" Sagot niya. "Hindi ako bobo-AY!"
Nadulas siya ng konti.
"AAAAAAAAH!" Sabay sigaw namin.
"Kaya ko 'to!" Sabi niya, kapit na kapit sa sanga. Pagkatapos ng ilang struggle-
"Nakuha ko na!" Sigaw niya, hawak ang isang mangga.
"YEEES!" Palakpak si Hana.
Dahan-dahan siyang bumaba pagdating sa baba, hinihingal siya o OA lang talaga.
"Never again," Sabi niya, umupo agad. "Hindi ako bayad para dito."
"Proud kami sa'yo," Sabi ni Elena, tumatawa.
"Ako hindi," Sabi ni Lara. "Next!"
Iniikot ulit ang bote.
Ikot... ikot...
Tumigil finally kay Elena na.
"Oooh," Sabi ni Hana. "Elena, your turn."
"Truth or dare?" Sabi ko. Ngumiti si Elena, calm lang.
Nagtinginan kami nila Hana.
"Dare," sabi ni Elena.
Ngumisi si Lara. Tapos tumingin sakin na may ngisi.
"I dare you to kiss the most attractive person here on your own opinion."
"AYIEEEEEEE!" Sabay sigaw namin.
"Grabe kayo," Natatawang sabi ni Elena, pero hindi siya umatras.
"Walang atrasan!" Sabi ni Hana.
"Okay," Sabi ni Elena.
Tumayo siya. Naglakad ng konti. Tumingin sa amin isa-isa. Tapos biglang lumapit siya kay Lara.
"Ha?" Napakurap si Lara. "Bakit-"
MWAH.
Hinalikan siya ni Elena sa pisngi.
Bigla syang natahimik. Tapos-
"AAAAAAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ni Hana.
"OWGAG!" Dagdag ko, napatawa.
Si Lara-
Nanigas. Literal. Namula siya nang sobra.
"W-WHAT WAS THAT?!" Nauutal niyang sabi, hawak ang pisngi niya.
"Dare," Simpleng sagot ni Elena, pero may ngiti.
"BAKIT AKO?! BAT DI SI AMOR?!" Sigaw ni Lara.
"Sinabi mo, most attractive for me. Another thing, baka may magalit pag si Amor," Sagot ni Elena. Napatingin ako sa kanya. Napataas ang isang kilay ko.
"EH AKO YUN?!" Hindi makapaniwala si Lara, parang hindi gandang ganda sa sarili minsan.
"Oo," Kalmadong sagot ni Elena.
Tahimik ulit sandali tapos-
"AYIEEEEEEE!" Sabay sigaw namin ni Hana.
"Shut up!" Sigaw ni Lara, sobrang pula na ng mukha. "Hindi nakakatawa!"
"Hindi ka na galit, kinikilig ka na," Pang-aasar ko.
"Hindi no!" Depensa niya. "Mainit lang!"
"Mainit sa puso?" Dagdag ni Hana.
"HOY!" Hinabol niya si Hana.
Tawanan ulit kami. Si Elena, tahimik lang, nakangiti. Ako naman... Nakatingin lang sa kanila. Ang sarap lang sa pakiramdam at the same time nakakalungkot dahil aalis na si Elena.
Collie POV:
Saturday po ngayon. Wala kaming pasok.
Dapat masaya ako, but no, hindi. I'm too bored. Wala si dude. Kanina pa po ako paikot-ikot sa kama ko, yakap ang stuff toy ko, staring at the kisame na parang may sagot doon sa lahat ng mga tanong ko sa buhay.
"Bakit parang iniiwasan ni dude si Mommy?" Nakataas ang isang kilay kong sabi. Sabay napabuntong-hininga ako.
I noticed po kasi, ilang araw na rin na pag nandiyan si Mommy parang biglang nawawala si dude. Parang multo.
Bigla na lang poof.
"Hmm..." Umupo ako. "Suspicious."
I stood up alam kona may kailangan akong kausapin.
Si Callie.
I walk out of my room and go to hers. Her room is at the end of the hallway. She said it's quiet there, kaya dun siya.
What can I say?
She's a beautiful, lovely, cute, gorgeous nerd. It's not really a compliment just for her, it's for me too, duh! We look alike po kaya, but not the nerd part. Let's give that title to her!
Pagkarating ko, agad ko binuksan ang door nya. Nasa pinto palang ako, sumasakit na ang ulo ko.
"Aray." Oa kong sabi. Agad syang napalingon sakin, pero agad rin bumalik sa libro nya.
"Bakit parang classroom ng alien 'to?" Bulong ko.
Puro math.
Puro science.
Puro books.
Astronomy, Geography, Anatomy, etc.
May nakasulat pa sa wall niya na kung anu-anong numbers na parang code ng spaceship.
Tapos siya-
Naka-upo sa kama, tahimik, nagbabasa ng makapal na libro na mukhang hindi pambata.
Napatingin siya sa'kin.
"What are you doing here?" Tanong niya, walang emosyon.
"Humihinga," Sagot ko.
"Then do it somewhere else."
"Ang sama mo," Sabi ko. Umupo parin akosa kama niya.
"Collie," Sabi niya, habang nakatingin sa book, "You're disturbing my peace."
"Your peace looks boring," Sagot ko. Tumingin sa libro niya. "Ano 'yan? Bakit walang pictures?"
"Because it's a book."
"Eh yung books ko may pictures."
"Because you're seven."
"Eh ikaw?"
"...Seven."
"Exactly."
Napatingin siya sa'kin sabay inirapan ako.
Tapos-
Binalik niya yung tingin sa libro niya.
"What do you need?" Tanong niya.
Lumapit ako ng konti.
"Napansin mo ba..." Bulong ko, parang spy, "Na iniiwasan ni dude si Mommy?"
Saglit siyang tumigil sa pagbabasa.
"...Yes."
"AYAN!" Sabi ko, tinapik siya. "Akala ko ako lang!"
"I'm observant," Sabi niya. "Unlike you."
"Hoy!" Napangiwi ako. "Observant din ako no! Kaya nga napansin ko!"
"After days."
"Still counts."
"Bakit kaya?" Tanong ko.
"I don't know," Sagot niya. "But something definitely happened."
"Diba?" Sabi ko. "Parang may drama like in na movie."
"Everything is drama with you. Also, fix the way you talk."
"Eh totoo naman!"
Napaisip ako. Tapos ngumiti.
"I have a plan." Sabi ko.
Hindi siya agad nagsalita. Pero alam kong nakikinig siya.
"Sasabihin ko na ba?" Tanong ko.
"Just say it," Sabi niya.
Lumapit pa ako, na parang secret mission yung sasabihin ko.
"Oorder tayo ng flowers."
She doesn't talk.
"Tapos..." Ngumisi ako, "lalagyan natin ng name ni dude."
"Hmm?"
"Then ipapadala natin dito sa bahay," Dagdag ko. "Tapos ibibigay kay Mommy!"
Napatingin siya sa'kin.
"...So you're going to fake a confession."
"Hindi fake!" Depensa ko. "Tinutulungan ko lang si dude!"
"That's still manipulation."
"Big words," Sabi ko. "Pero ang galing diba?"
Tahimik siya sandali. Tapos-
"It might work, but how can you be so sure that love likes Mommy." Tanong nya.
"SEE?!" Tumalon ako sa tuwa. "Genius ako!"
"Don't get used to it and answer my question."
"Cause I can feel it," I said, smirking. Napatingin naman sya ng May pagtataka.
"Bading instinct," I said. Umirap lang sya sakin.
She knows all the things about me. I never lie to her.
You guys might wonder why we know so much even though we're only 7.
At such a young age, we study a lot. We do play, but most of the time we're studying because Mom is busy with work, so we're always surrounded by tutors.
Buti na lang dumating si dude sa buhay namin.
"Continue," Sabi nya.
"Okay, next step!" Sabi ko, tumayo. "Tatawag tayo!"
"Do you even know how to order flowers?"
"Hindi," Sagot ko. "Pero kaya ko."
"k"
"Kasi cute ako." Sabi ko sabay kagat ng ibabang labi.
Kala ko wala lang sakanya, pero paglingon ko, nakatanggap ako ng unan sa mukha.
Hindi na rin po ako nakipagbangayan pa at baka mapunta nanaman sa solar system ang topic namin. Wala akong laban sakanya. Lumabas na ako ng kwarto niya bago pa siya magsalita ulit.
Pumunta ako sa sala para gamitin yung telephone.
Dial.
Ring...
"Hello, flower shop po," Sabi ng boses sa kabilang linya.
"Hello!" Sabi ko, sweet voice para cute. "Oorder po ako ng flowers."
"Para kanino po?"
"Para kay Mommy ko."
"Aww," Sabi nung babae. "How old are you and alam na ng parents mo to?" Tanong nya.
Napaisip ako. Di ko pwedeng sabihing hindi.
"Yes po, my other mom knows it. It's a surprise to my Mommy po, she just asked me to call," Palusot ko. Hopefully gumana.
"Ow okay. Anong name po?"
Nag-isip ako.
"From: Amor and To: Miss Walls po."
"Noted po." Sabi nya. Napangiti ako.
"Pakilagyan po ng card ha."
"Sige po, ano pong message?"
"Hmm..." Napaisip ako. "Secret muna po. Ako na lang po maglalagay."
"Okay po."
"Cash on delivery po, tama?" Tanong nya.
"Yes po. Thank you po!" Sabi ko, tapos binaba na yung phone.
"STEP ONE: DONE."
Next.
Letter.
Pumunta ako sa pool area.
"Yaya!" Tawag ko.
Lumapit sya. Everyone meet my favorite angel.
"O, baby Collie, anong kailangan mo?" tanong niya. Most of the time, people get confused between me and Callie, but her? Never. That's why she became my favorite.
"Yaya, pwede ka bang gumawa ng sulat?"
"Sulat? Para saan?"
"Secret," Sabi ko, sabay ngumiti. "Pero kailangan maganda handwriting mo ah."
"Maganda naman talaga," Natatawa niyang sagot.
"Good," Sabi ko. "Ganito isusulat mo-"
Lumapit ako at bumulong. Ngumiti naman Yaya.
"Naku, baby... parang may kalokohan ka ahh."
"Hindi kalokohan," Sabi ko. " It's for the name of LOVE."
"Love talaga?"
"OO."
"Okay, gagawin ko."
"Thank you, Yaya!" Niyakap ko siya.
"No problem," Sabi nya.
Bumalik ako sa sala at umupo.
Nag-antay. At nag-antay. At nag-antay
pa lalo.
"Ang tagal naman," Reklamo ko.
Tumakbo ako pabalik sa taas.
"CALLIE!" Sigaw ko, pumasok sa kwarto niya ulit.
"Now what?" Tanong niya.
"Ang tagal ng flowers!"
"It's been 10 minutes." Sabi nya sabay irap.
"Eh ang tagal nun!"
"Collie..."
"Gusto ko na makita reaction ni Mommy!"
"Patience."
"Wala ako nun."
"I know."
Umupo ako sa tabi niya.
"Sa tingin mo gagana?" Tanong ko.
"Maybe," Sagot niya. "If they actually like each other."
Ngumiti ako.
"Feeling ko oo."
"Why?"
"Kasi pag nakikita ko sila..." Sabi ko, iniisip, "Parang may spark."
"Spark?"
"Oo," Tumango ako. "Parang kuryente."
Di sya nagsalita. Napakunot noo lang sya. Di ko alam kung dahil sa binabasa nya ba o dahil sakin.
"Hindi yung nakakakuryente ha," Dagdag ko. "Yung romantic."
Napailing siya.
"Your imagination is wild."
"Thank you."
"I didn't mean it as a compliment."
"Tatanggapin ko pa rin."
Tahimik ulit. Pero sa loob ko, excited ako. Kasi ako si Collie at ako ang magse-save ng love story nila.
Bumalik ako sa sala. Naka-upo at
nag-aabang ulit. Parang guard ng mall na naghihintay ng sweldo.
"Nasaan na ba yun" Bulong ko habang naka-cross arms.
Biglang-
"Baby Collie!" Tawag ng yaya mula sa labas. "May delivery!"
Napatayo ako agad.
"AKO NA PO!" sigaw ko sabay takbo.
Pagbukas ng gate-
Ayun na. Bouquet of flowers iba iba ay ang ganda.
"Wow" Bulong ko. "Parang pang-teleserye."
"Ako na po," Sabi ko agad, inagaw-este kinuha ko nang maayos from yaya.
"Sigurado ka, baby?" Tanong niya.
"Opo!" Ngiti ko. "Important mission 'to. You can go inside na po. Kakausapin ko lang si kuya."
Hindi na siya nakaangal. Agad kong binayaran si kuya. Kinuha ko pa yung pinambayad ko kay Butchi, pumayat tuloy siya, my lovely piggy bank.
Pumasok na ako habang hawak itong flowers medyo mabigat ahh.
Tapos...
Mission mode activated, dahan-dahan akong naglakad Naka tiptoe parang ninja kahit hindi naman dapat.
"Shhh" Bulong ko sa sarili ko kahit wala namang kausap. Linagay ko narin yung sulat.
"Phase two," Sabi ko.
Pumunta ako sa office ni Mommy.
Medyo bukas yung pinto sumilip ako at andoon siya naka-upo sa desk, seryoso, may hawak na papers.
"Mommy..." Mahinang tawag ko.
Napatingin siya.
"Collie?" Sabi niya. "What are you doing here baby?"
Pumasok ako, hawak yung flowers.
"For you po," Sabi ko, inabot sa kanya.
Napakunot noo siya.
"For me?"
"Opo."
Tinanggap niya yung flowers.
"Who sent this?" Tanong niya.
Umiling ako.
"I don't know, Mommy," Inosente kong sagot.
"But it says... it's from dude."
Tahimik. As in tahimik parang tumigil yung mundo ko, kala ko magagalit siya.
"From... Amor?" Ulit niya.
Tumango ako habang nasa likod ko ang kamay ko, naka-cross fingers.
Dahan-dahan niyang kinuha yung maliit na letter. Binuksan at binasa.
At ang nakasulat lang naman-
I miss you.
Tinitigan ko siya at doon ko nakita.
Yung maliit na ngiti yung halos hindi halata pero andoon pero bigla ring nawala umayos ulit yung mukha niya.
Pero-
Namula siya.
"Ooooooh..." Bulong ko sa isip ko.
"Thank you, Collie." Sabi niya, medyo mabilis.
Tumango ako.
"Welcome po, Mommy."
Tapos dahan-dahan akong umatras palabas ng office. Pagkalabas ko-
"YES!" Pabulong kong sigaw, sabay fist pump.
Tumakbo ako papunta sa room ni Callie.
"CALLIE!" Sigaw ko, binuksan yung pinto niya nang walang katok katok.
"Ano nanaman-"
"GUMANA!" Sigaw ko.
"WHAT?" Tanong niya.
"YUNG PLAN!" Sabi ko, tumatalon. "Namula si Mommy! Tapos may smile! Tapos binasa niya yung 'I miss you!'"
Tahimik siya saglit. Tapos-
"...Really?"
"OO!" Tumango ako ng sobra. "As in legit!"
Bigla siyang tumayo hindi na kalmado.
"Then that means..." Sabi niya.
"THEY LIKE EACH OTHER!" Sabay naming sigaw.
"AAAAH!" Tumalon ako.
At nagulat ako ng tumalon din siya. Simula nang dumating si dude, nagiging makulit na rin sya kahit minsan lang.
Nag-high five kami.
"TEAMWORK!" Sabi ko.
"Unexpected," Sabi niya.
"Told you genius ako," Proud kong sabi.
"Don't push it."
"Next plan?" Tanong ko.
"Let's not get ahead of ourselves."
"Too late," Sabi ko. "Excited na ako."
Tumawa siya ng konti. Ako naman, ngumiti nang malaki.
Seraphine's POV:
Gabi na nang makauwi ako. Tahimik ang bahay, and honestly? Mas gusto ko sana na ganun lang tahimik - walang tao sa paligid, walang... siya.
Huminga ako nang malalim habang nasa labas pa lang ng pinto.
"Okay," bulong ko sa sarili ko. "Sneak in. Akyat. Pasok sa kwarto. Walang interaction."
Baka magtanong kayo. After kasi ng nangyari sa gabing yun, gumising ako na wala na siya sa tabi ko.
Akala ko pa matatanggal uli ako sa trabaho, pero hindi na.
Pa-extend pa lalo, pinilit kasi ni Collie na after nalang namin pumunta sa Disneyland para masulit raw niya na kasama ako, kaya wala narin akong nagawa.
Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang nasa isip niya. Takot rin akong harapin siya at baka hindi ko kakayanan ang mga bibitawan niyang masasakit na salita.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Click.
Pumasok ako tahimik. Malamang sa malamang, nasa garden sila kumakain. Madalas kasi dun, gusto ng dalawang bata.
Naglakad ako papunta sa hagdan ng-
"DUDE!"
Napatigil at napapikit ako. Mission failed. Dahan-dahan akong napalingon.
Si Collie.
Nakatayo sa gilid, naka-ngiti na parang may kung anong kalokohan nanaman.
"Let's eat dinner na. We've been waiting for you!" sabi niya, masyadong excited.
"Ah... oo," pilit kong ngiti.
At bago pa ako makatanggi-
Hinila na niya ako papunta sa garden.
Paglabas namin sa garden area, andoon na. Si Miss Walls at Callie, parehong naka-upo na. Tahimik at composed. Napatingin ako kay Miss Walls at hindi ko maiwasang maalala yung nangyari. Biglang bumilis tibok ng puso ko.
"Sit," sabi niya, kalmado.
Kaya umupo agad ako. Sa kanan niya. Habang sa kaliwa niya naman yung dalawang bata.
Perfect. Nasa gitna siya. Parang... center of gravity. Tahimik lang kaming kumakain, pero ang weird ng atmosphere. Hindi siya mabigat, pero hindi rin normal. Parang may something na hindi ko maipaliwanag.
Si Collie, paminsan-minsan tumitingin sa'kin. Ngumingisi.
Si Callie naman, tahimik lang pero halatang may iniisip.
Ako?
Focus kunwari sa pagkain. At si Miss Walls... Nakatingin lang sa plato niya.
Hanggang-
"Amor."
Napatingin ako.
"Yes po?"
Saglit siyang tumitingin. Parang nag-iipon ng lakas ng loob.
"...Thank you for the flowers," sabi niya, hindi pa rin tumitingin. Napatigil ako.
"Po?"
Napakunot noo ko. Flowers?
Anong-
Bigla akong napatingin sa dalawang bata. At doon ko nakita-
Si Collie. Nakatitingin sa'kin.
Tapos-
"Shhh!" gesture niya, daliri sa labi.
Si Callie naman, tumango nang konti. Parang sinasabi- Just go with it. Mas lalo akong nalito.
Pero-
Bumalik ang tingin ko kay Miss Walls. Hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatutok lang sa pagkain niya.
Pero...
Medyo mapula yung tenga niya. Napakagat labi ako bago magsalita.
"...No problem po," sabi ko, pilit kalmado. Ngumiti ako ng kaunti.
Kahit hindi siya nakatingin, napansin ko yung maliit na pagtaas ng gilid ng labi niya. At yung... halos hindi halatang paghinga niya.
Tahimik ulit. Pero this time... Mas iba na yung pakiramdam.
Pagkatapos kumain, agad akong tumayo.
"I'll go to my room na po," sabi ko.
Tumango siya.
"Alright."
Hindi na ako nagtagal. Diretso ako sa kwarto ko. Pagpasok ko-
Click.
"At anong nangyari...?" bulong ko. Habang nagpapalit ng pantulog at makabihis, napaupo ako sa kama. Hindi pa ako nakakaisip nang maayos nang-
Knock knock!
"Dude!" "Love!" sabay boses ng dalawa.
"Pumasok kayo," sabi ko.
Pagbukas, pumasok sila. Kaya agad akong napatingin. Parehong guilty ang mukha. Si Collie naka-ngiti pa.
"Okay," sabi ko, naka-cross arms. "Explain."
Nagtinginan sila. Tapos si Collie-
"Surprise?"
"Collie."
"Okay fine!" sabi niya. "Kami yung nagpadala ng bouquet of flowers!"
"...What?"
"Plan namin," dagdag ni Collie, calm lang. "To help."
"Plan mo," korni ni Callie. Inirapan lang siya ni Collie.
"To help WHAT?" tanong ko.
"YOU," sagot ni Collie. Napatulala ako.
"Ginamit niyo pangalan ko?" tanong ko.
Tumango sila.
"Sorry," sabi ni Collie, pero hindi halatang sorry. "Pero gumana diba?!"
Napahawak ako sa noo ko.
"Owgag, this kids."
"Tama ba kami dude?" tanong ni Collie. "Kasi namula si Mommy eh!"
"COLLIE."
"Anooo po?" tanong niya at ginamitan ako ng inosente niyang mukha. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa.
"...Kayo talagang dalawa," sabi ko nalang. Wala naman ng magagawa, nangyari na.
"Genius kami," proud na sabi ni Collie.
"Questionable," dagdag ni Callie.
Napailing ako.
"Sige," sabi ko. "Tama na. Bumalik na kayo sa kwarto niyo. Matulog na kayo at bukas ayusin natin 'to."
"Wait!" sabi ni Collie.
"Ano nanaman?"
"Pwede po ba kami dito matulog?" tanong niya, naka-puppy eyes.
"Please," dagdag ni Callie, mas subtle.
Napatingin ako sa kanila. Sabay napabuntong-hininga ako.
"...Sige."
"YEEES!" sigaw ni Collie.
"Thank you," sabi ni Callie.
Humiga sila sa kama ko. Si Collie, agad yumakap sa'kin. Si Callie naman, tahimik lang pero lumapit. Napatitig ako sa kisame.
Tahimik.
"Goodnight, dude," bulong ni Collie.
"Goodnight," sabi ko. Sabay halik sa mga noo nila.
"Goodnight," dagdag ni Callie.
Pinikit ko ang mga mata ko. At sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw... na pag-iisip, nakatulog ako nang payapa.
Kasama sila.