CHAPTER 21 The Debate

Seraphine's POV:

Today is school day.

Naka-sunglasses ako habang nagda-drive ang isang kamay steady sa manibela, tapos yung isa naman paminsan-minsan nag-aadjust ng gear. Tahimik dapat ang umaga… dapat.

Pero syempre, kasama ko ang kambal. Kaya alam nyo na.

“Seven times eight is fifty-six!”

“Eh di ako na panalo!” Sabi ni Collie, halatang proud na proud sa sarili niya.

"That's basic! That's just a question, not a debate!" Sagot agad ni Callie, naka-cross arms pa sa likod. Kitang-kita ko sa rearview mirror kung paano halos nagdikit ang mga kilay niya. Napailing nalang ako.

"Well, you're all about 'fun facts' that I'm not sure if it's true!" Dagdag pa niya.

“Excuse me?! May reliable source kaya ako!” Sabi ni Collie.

“What is your source? TikTok?!” Sabi ni Callie, may kasamang exaggerated na gasp.

"Hoy!" Biglang sabi ni Collie.

Napahinga ako nang malalim, pero hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa daan. Focus.

“Here's the thing, that's not possible. Because if you're a dinosaur, you're extinct!” Sabi ni Callie.

“Eh di ikaw na! At least sikat kami!” Sabi ni Collie sabay irap. “Sikat sa museum!”

“Yeah right, you should be there too cause you look like a fossil!” Sabi ni Callie na parabang hindi sila kambal.

“Grabe siya oh, Dude!” Reklamo ni Collie. Sabay tawag sakin.

Hindi agad ako sumagot. Naka-focus ako sa daan, isa pa, baka pag sumali ako, ako pa pagtulungan nila at tadtadin ng tanong.

“Dude!” Tawag ulit ni Collie.

Napakurap ako, saka bahagyang napabuntong-hininga. “Ano na naman ‘yon?”

“Sino mas cool, dinosaur o astronaut?” Tanong nila sabay, parehong nakasilip mula sa likod, parang life or death yung question.

“Hmm…” Saglit akong nag-isip, pero hindi ko pa rin sila tinitignan. “Astronaut.”

“YES!” Sigaw ni Callie, sabay hampas sa upuan.

“Bias ka!” Reklamo ni Collie. “Eh mas malaki ang dinosaur!”

“Patay naman na kasi sila,” Sagot ko, diretso.

“Aray mo pakak.”

“Told you!” Sabi ni Callie.

“Hindi counted ‘yon!”

Napailing ako, pero may konting ngiti sa labi ko.

Ilang segundong katahimikan kala ko tapos na. Hindi pa pala.

“Okay fine!” Sabi ni Collie. “New topic. Ano mas matalino, Octopus o Dolphin?”

“Dolphin,” Sagot agad ni Callie.

“Wrong! Octopus kasi kaya nilang mag-open ng jar!” Sabi ni Collie.

"Then be an octopus!" Sabi ni Callie sabay irap.

“At least flexible ako!” Sabi ni Collie.

“Flexible? You can't even split!” Sabi ni Callie.

“Hindi naman required ‘yon sa intelligence!” Sabi ni Collie.

Napahinga ako nang mas malalim this time.

“Dude…” Tawag ulit.

“Hmm?”

“Mas matalino ka ba sa octopus?” Tanong ni Collie, seryoso.

Saglit akong natahimik.

“Depende,” Sagot ko. Iniiwasan kong madamay pero ito nga wala na tayo magagawa.

“Sa?”

“Sa kung marunong siyang mag-drive.”

Sandaling katahimikan. Then –

“OOOOHHHH!”

“Octopus can’t drive!” Sabi ni Callie.

“Unless may license siya!” Sabat naman ni Collie.

“Underwater license yarn!” Sabi ko. Natawa na talaga ako this time.

Huminto ulit kami sa isa pang stoplight. May tumawid na estudyante, may nagbebenta ng taho sa gilid. Normal na umaga. Pero sa loob ng kotse parang mini debate competition.

“Okay, me too!” Sabi ni Callie. “ Ano ang mas useful – robot o human?”

“Robot,” Sagot ni Collie agad. “Kasi hindi napapagod!”

“Then be a robot!” Sabi ni Callie. One thing I know about her ayaw nya ng nauunahan.

“At least hindi ako umiiyak pag natatalo sa math!”

“I didn't cry!”

“Umiyak ka kahapon!”

“That's not crying.”

“Ehh ano ‘yon? Emotional expression!” Sarcastic na sabi ni Collie.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para hindi matawa.

“Eight times seven is fifty-six,” Maayos na sabi ni Callie bigla, parang nagre-recite lang.

“Alam ko ‘yan!” Sagot ni Collie agad.

“Sinasabi ko lang para ma-remind ka.”

“Remind me?” Napataas ang kilay ni Callie. “You literally shouted it like you just discovered math yesterday.”

“Eh at least ako confident!”

“Confidence doesn’t equal intelligence.”

“Wow ha, big words!”

“It’s not a big word. It’s basic.”

“Basic ka rin!”

Napahawak ako nang mas mahigpit sa manibela, pinipigilan yung ngiti.

“Okay, fine,” Sabi ni Collie. “Question ko naman. Ano ang pinakamabilis na hayop?”

“Cheetah,” Sagot agad ni Callie.

“Wrong.”

“…Excuse me?”

“Technically, peregrine falcon kapag naka-dive.”

Saglit na katahimikan. Then –

“…Okay, that’s actually correct,” Sabi ni Callie, medyo impressed kahit pilit niyang tinatago. “But that’s a very specific condition.”

“Eh di ako na panalo!”

“That’s not how debates work!”

“Eh di turuan mo ako!”

“I am trying!”

“Ang sungit mo kasi magturo!”

Napabuntong-hininga ako, pero hindi ako nagsalita. Focus lang.

“Fine,” Sabi ni Callie, mas kalmado na. “Let’s do proper debate. Topic: which is more intelligent Humans or Octopuses?”

Napapaisip talaga ako kanina pa sila sa octopus na 'yan, ang dami na nilang inilalaban dito, pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino talaga ang nanalo sa kanila!

“Octopus!” Sagot agad ni Collie.

“Why?”

“Kasi kaya nilang magtago sa predators.”

“That’s your argument?”

“Strong ‘yon!”

“That’s one example, not a full argument.”

“Eh ikaw, ano sayo?”

“Humans. Because we have complex language, advanced societies, and long-term planning.”

“Octopus din may planning!”

“Short-term. Also, they don’t build civilizations.”

“Malay mo lang, tinatago nila!”

“Tinago nila saan? Underwater city?”

“OO!”

Napakagat ako sa labi ko para hindi matawa parehong hindi na maipinta mukha nila.

“Collie,” Sabi ni Callie, medyo naiinis na natatawa? di ako sure. “What is your source?”

“Tiwala sa sarili!”

“That’s not a source.”

“Eh di imagination!”

“What Insta?!” Sabi ni Callie, this time may halong tawa.

“Hoy! Hindi ah!”

“Then where?”

“…YouTube? "

"Pwede"

That’s not better!”

“Depende sa channel!”

“Name one.”

“…basta marami!”

"You can't even name one"

"CoComelon" Sabi nya. Napangiwi ako.

“Dude!” Tawag ni Collie. Hindi ako sumagot agad.

“Dude!”

“Ano?” Sagot ko, hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan.

“Sino mas matalino octopus o human?” Tanong niya, seryoso.

“Human,” Sagot ko.

“Yes!” Sabi ni Callie agad.

“Bias ka talaga!” Reklamo ni Collie. “Team ka niya!”

“Hindi,” Sagot ko. “Mas madali lang turuan ang human.”

“What ever.” Sabi nya sabay nguso.

“Told you.”

“Hindi pa tapos ang debate!”

“Then continue,” Sabi ni Callie, parang teacher na.

“Okay! New argument!” Sabi ni Collie. “Octopus walang buto, flexible!”

“That has nothing to do with intelligence!”

“Advantage ‘yon!”

“In what way?!”

“Makakatakas sila sa kahit anong situation!”

“That’s survival skill, not intelligence!”

“Connected ‘yon!”

“Explain how.”

“Basta!”

Napahinga ako nang malalim, pero this time may kasamang ngiti. Huminto ako sandali, tapos dahan-dahang umandar ulit.

“Okay, ako naman,” Sabi ni Callie. “Which is more reliable facts or opinions?”

“Facts,” Sagot ni Collie.

“Good, Why?”

“Pero opinion ko ‘yon.” Sabi nya. Na parang nalilito rin.

Pilit kong pinipigilan ang matawa

“That defeats the purpose.”

“Eh di mixed!”

Napailing si Callie. “You can’t just mix logic like that.”

“Pwede ‘yon! Fusion!”

“That’s not how reasoning works!”

“Pwede!”

“No–”

“Basta para sakin pwede!”

“No!”

“Yes!”

“No!”

“Dude!” “Love!” Sabay nilang tawag.

“Ano na naman?” Tanong ko, medyo natatawa na.

“Sino mas matalino kami o ikaw?” Tanong nila sabay, seryoso. “Be honest.”

Saglit akong natahimik. Tumingin ako sandali sa rearview mirror. Pareho silang nakatingin, naghihintay. Bakit nadamay ako? Hindi nga ako nagsasalita para di nila pansinin, pero wala palang takas.

“Kayo,” Sagot ko.

“Ha?” Sabay nilang sabi.

“Talaga?” Sabi ni Collie.

“Explain,” Dagdag ni Callie agad.

“Kasi kahit ang ingay niyo… kahit nag-aaway kayo…” Sabi ko, “you still ask questions. Pareho kayong nag-iisip.”

Tahimik. Isang segundo. Dalawa.

“…That’s actually a good point,” Mahina na sabi ni Callie.

“Aww…” Sabi ni Collie.

Akala ko moment na. Pero –

“Pero ako pa rin mas matalino sayo,” Bulong ni Collie kay Callie.

“I heard that.”

“Good.”

“You want another debate?”

“Bring it on!”

Napailing na lang ako, tuluyan nang napangiti. Nagpatuloy lang ako sa pagda-drive. Hindi ko na namalayan kung kailan humina yung ingay sa likod.

Siguro napagod na sila kakadebate… or naghahanap na lang ng bagong topic na pag-aawayan.

Pagpasok ko sa school gate, kusang bumagal ang takbo ng sasakyan. May mga estudyanteng naglalakad, may mga nagkukumpulan na at may mga tumatawa, typical school grounds.

“Uy, nandito na tayo,” Sabi ko.

Biglang kumilos ang dalawa sa likod.

“Finally!” Sabi ni Collie, inuunat ang katawan.

“About time,” Dagdag ni Callie, inaayos na yung bag niya.

Huminto ako sa drop-off area.

“Okay,” sabi ko, pinapatay ang makina. “Ingat kayo ha.”

“Yeah yeah,” Sabi ni Collie, pero ngumiti rin.

“Of course,” Sagot ni Callie, mas maayos.

Lumingon ako sa kanila. Saglit lang.

Then I leaned back a little –

“Come here.”

Lumapit sila pareho, sanay na.

Una si Collie. Hinalikan ko

siya sa noo.

“Behave,” Sabi ko.

“Depends,” Sagot niya, nakangisi.

Sunod si Callie. Mas mahinahon.

I kissed her forehead too.

“Don’t overthink everything,” Bulong ko.

“I don’t,” Sagot niya agad… pero alam kong nagsisinungaling.

Napangiti nalang ako.

“Go,” Sabi ko.

Binuksan nila yung pinto, sabay baba. Narinig ko pa yung huling palitan nila habang naglalakad palayo.

“I’m still smarter.”

“No, you’re not.”

“Yes, I am!”

“Prove it!”

“Later!”

Napailing ako, pero hindi na nawala yung ngiti ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang makapasok sila sa gate.

Then –

ding

Napatingin ako sa phone ko na nasa dashboard. Isang message.

From: Miss Walls

Kunot ang noo ko habang binabasa.

“I need you to come to the office. We need to talk about something.”

Something.

Hindi niya sinabing kung ano. Hindi rin siya naglagay ng kahit anong context.

Napalunok ako.

“...What now?” Bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang phone, tinitigan ulit yung message, baka sakaling may ibang meaning pero wala same words

Huminga ako nang malalim, saka muling pinaandar ang sasakyan.

Paglabas ko ng school, hindi ko na napapansin yung paligid.

Mas tahimik na ngayon.

Wala nang debate.

Wala nang sigawan.

Ako na lang.

We need to talk. Ang daming pwedeng ibig sabihin nun.

May nagawa ba ako? May problema ba? O baka dahil sa bulaklak? Ilang araw na rin kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo si Collie kasi tinakot ako.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela.

Pagdating ko sa building, agad kong pinark ang sasakyan sa basement. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at diretso nang pumasok sa loob.

Mas malamig dito kumpara sa labas tahimik, organized. Halos marinig ko

pa yung tunog ng sapatos ko habang naglalakad papunta sa elevator.

Pagdating sa floor ng opisina niya, dumiretso ako sa reception.

“Good morning,” Bati ko.

“Good morning, Miss Amor.”

“Is Miss Walls here?” Tanong ko, pilit na casual.

“Ah, she’s currently in the meeting room,” Sagot niya. “But she said you can wait for her in her office. She’ll be there in a few minutes.”

“Alright, thank you.”

Naglakad ako papunta sa opisina ni Miss Walls. Wala pa ring nagbago yung glass walls, yung maayos na mesa, at yung faint na amoy ng kape na laging naririto.

Umupo ako sa sofa, at doon ko ulit naramdaman yung kaba.

Walang Collie. Walang Callie. Walang ingay. Ako lang… at itong iniisip ko. Napabuntong-hininga ako, saka sandaling pumikit.

“Relax,” Bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

“Amor.”

Napamulat ako agad. Si Miss Walls nakatayo siya sa may pinto, composed gaya ng dati.

Yes, yan na ang tawag niya sa akin simula nung araw na binigyan siya ng bulaklak ng mga bata. Pero ako, 'Miss Walls' parin ang tawag ko sakanya nahihiya rin kasi ako, baka mapagalitan pa.

“Sorry to keep you waiting,” Sabi niya habang papasok.

“It’s okay,” Sagot ko, tumayo rin ako.

She gestured lightly. “Sit.”

Umupo ulit ako, this time mas attentive.

Umupo siya sa harap ko, kinuha ang tablet niya, then looked at me.

“For Friday,” She started, “the Disneyland trip is already arranged.”

Saglit akong natigilan.

“…Disneyland?” Ulit ko, parang hindi agad nag-register.

“Yes,” She nodded. “Flights are already settled since we're flying with a private plane. Accommodation is confirmed, and everything’s aligned with our schedule.”

I blinked.

Iyon lang?

Iyon yung “something”?

“We’ll be leaving early in the morning,” Dagdag niya. “The twins are already excused from their classes, of course.”

Unti-unting gumaan yung pakiramdam ko.

Ah.

Yun lang pala. Hindi ko napigilan mapangiti ng bahagya.

“Okay… that’s good,” Sabi ko. “Thank you po.”

She studied me for a second, parang napansin yung pagbabago ng expression ko.

“You thought it was something else,” She said, almost amused.

Hindi ko na itinanggi. “A little.”

She set the tablet aside.

"Anyways, thank you for another bouquet this morning," Sabi niya. Napatanga ako.

Another? Kaya pala may ngiting kakaiba si Collie, Owgag yung batang yun talaga naman.

"Ahh, Miss Walls—" Pag-uumpisa ko pero pinutol niya ako.

"So what are your intentions?" Sabi niya.

"I don't play around, Miss Reyes," Dagdag niya.

"And even if my kids like you, that doesn't mean you'll get in easily," Sunod-sunod niyang sabi. Hindi ko

alam kung bilis na nang tibok ng

puso ko.

"So miss—" Hindi nanaman niya ako pinatapos.

"Let's not talk about it here," Sabi niya sabay talikod.

Let's not talk here pero sya naman ang nagtanong. Edi mali ako, ako nanaman ang mali.

"Sorry, miss," Sabi ko.

"Let's talk later," Sabi niya.

“Okay po,” Sabi ko.

I cleared my throat.

“Miss Walls,” Tawag ko.

“Yes?”

“Can I go down to the 23rd floor?” Tanong ko. “I just want to visit Lara and Hana.”

Hindi siya sumagot agad, parang chine-check niya kung may conflict sa schedule. Then she nodded.

“You may.”

Automatic akong napangiti.

“Thank you.”

She gave a slight nod. “Just don’t take too long. You still have things to prepare for Friday.”

“I won’t,” Sabi ko sabay tumayo.

Paglabas ko ng office niya, hindi ko maiwasang hindi napahawak sa dibdib ko. Yung tibok ng puso ko, grabe na.

Habang papunta ako sa elevator, hindi ko napigilang napailing. Si Collie talaga, pinapahamak ako sa mommy nila. Pero sa parehong oras, hindi ko rin maiwasang mapangiti, Disneyland! Pupunta kami sa Disneyland.

Pagdating sa floor nila, umupo ako sa couch sa parang mini lobby dito kung saan pwede tumambay. Sabi kasi nung isang ka work nila, may tinatapos lang sila saglit.

Ilang minuto pa ang lumipas.

"Ito kasi sabi ni Sir Alfonso okay lang raw!" Malayo palang rinig na rinig ko na si Lara.

"Naniniwala ka naman dun?" Sabi ni Hana.

"Ano nanaman yan?" Bungad ko sa kanila.

"Look who's here, pader!" Sabi ni Lara sabay hampas sa balikat ni Hana. Agad naman napatingin sa akin si Hana na nakafocus sa papers kanina.

"Ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Bumibisita. Bawal ba?" Tanong ko sabay simangot.

"Asus, ginawa mo pa kaming dahilan para makita sya!" Sabi ni Lara.

"Baliw! actually siya talaga pinunta ko dito pinatawag ako so basically sya ginawa kong dahilan para makita kayo, hindi para makita sya!" Sabi ko sabay irap.

Nagkatinginan sila parang sinasabing duda kami jan.

Umupo kami sa couch si Hana sa gilid ko, habang si Lara sinulo ang isang mahabang couch. Wala naman daw silang gaanong ginagawa kaya pwede tumambay saglit.

“Alam mo ba,” Sabi ni Lara habang nakahiga sa couch, naka-scroll pa sa phone niya na parang nasa bahay lang, “may kasabihan na kapag laging magkasama ang mag-partner… nagiging magkamukha sila over time.”

Napalingon ako sa kanya, kunot ang noo. “Ha? Parang… copy paste?”

“Hindi naman literal!” Natatawa niyang sagot. “Pero parang ganon. Same vibes, same expressions, eventually nag-aadapt sila sa isa’t isa.”

“Hmm…” Tumatangong sabi ni Hana. “So what if nag-break sila?”

Napatigil si Lara. “Huh?”

“What if nag-break sila?” Ulit ni Hana, mas seryoso na. “I mean… babalik ba mukha nila sa dati? Or stuck na sila sa mukha ng ex nila?”

“Hana…” Napatawa siya. “Hindi naman ganon ‘yon!”

“Eh paano kung yearly nagpapalit ng jowa?” Dagdag niya, tuloy-tuloy na. “So every year, new face? Parang update version? iOS 16, iOS 17 ganon?”

“Tigilan mo nga ako!” Natatawa na sabi Lara, sabay bato ng unan. “Hindi ka kung ano te na may update!”

“Eh ikaw nagsabi eh!” Depensa ni Hana. Napailing nalang ako, kanina si Collie at Callie, ngayon sila naman.

“Nagiging magkamukha daw amp!” Dagdag niya.

“Hindi literal!” Sabi ni Lara, pinipilit magpigil ng inis. “It’s about influence! Like habits, expressions—”

“So kung yung jowa mo laging naka-simangot, magiging simangot ka rin?” Curious kong tanong.

“…Possible.”

“Eh kung laging pogi?” Tanong ni Hana.

“Hindi transferable ‘yon!”

“Sayang naman,” Napailing kong sabi.

“Akala ko rin pwede i-download,” Pagsabay ni Hana sa sinabi ko.

Di man ako makasabay sa kambal, dito nalang ako babawi.

“AMOR!”

“Teka, teka,” Kunwari seryoso ako. “So ibig mong sabihin… love changes your face?”

“Yes!” Sabi ni Lara, finally feeling smart again. “In a way, yes.”

Saglit akong natahimik, tapos napangisi.

“So delikado pala ako.”

“Bakit?”

“Kasi kung every year iba jowa ko…” Tumingin ako sa kanya, kunwari nag-iisip. “Hindi na ako makikilala ng sarili ko.”

“Ewan ko sayo,” Napailing si Lara, pero halatang natatawa na rin napansin siguro niya na nang-tritrip nalang ako. “Ikaw lang yung ginawang science experiment ang love life.”

“At least evolving,” Sagot ko, proud pa.

“Evolving ka dyan, baka mawala ka na sa sarili mo!”

“Okay lang,” Kibit-balikat ko. “At least hindi boring.”

Napatingin siya sa’kin, tapos biglang ngumiti.

“Alam mo,” Sabi niya, “kahit ilang beses ka pa magbago…”

“Hm?”

“Yung pagiging weird mo, permanent na ‘yon.”

“Wow ha. That’s actually your strongest feature,” Sabi ko sabay irap. Napaisip siya.

“Unfortunately, yes. Pero seryoso kasi ako.”

“Oo na pero kasi kahit magkamukha pa kami ng magiging jowa ko…”

“Hm?” Sabi ni Lara sabay taas ng kilay, parang may inaabangang punchline.

“Maganda pa rin kakalabasan… ewan ko na lang kung ikaw.”

“Hoy—” Napahinto si Lara, napairap agad. “Grabe ka ha. At least ako, original. Hindi copy-paste.”

Napatawa si Hana sa gilid. “Oo nga naman, limited edition ka daw, Lara. Limited din ang ganda hirap makita.”

“Wow, thank you sa support ha,” Sagot ni Lara na halatang gusto mang-away pero tinatamad.

Ako, napailing na lang habang pinipigilan ang tawa. “Sige na nga, balik na tayo sa—”

"Ahem."

Biglang naputol ang usapan namin. When someone cleared their throat, sabay-sabay kaming napalingon.

Si Miss Walls.

At hindi lang basta si Miss Walls – si Miss Walls na naka-straight ang likod, nakatingin nang diretso, at mukhang professor na di pa nakukuha ang sweldo.

“Good morning,” Sabay-sabay naming bati, halos magkapatong pa ang boses namin.

Hindi kami nag usap usap, pero parang may silent agreement na tumayo agad. Delikado ‘to.

“Morning…” Sagot niya, pero may kakaibang tono. Parang… nag-iingat? O nag-iisip?

Nagkatinginan kami ni Hana at Lara. Bakit parang sya ang kinakabahan hindi ba dapat kami ang dapat kinakabahan?

Lumapit siya ng konti, tapos tumingin sa paligid, parang may hinahanap.

“Where’s Mrs. Labra?” Tanong niya, medyo mabagal.

Si Hana agad sumagot, medyo nagtataka. “Miss Walls… diba po naka-maternity leave si Ma’am Labra? Kayo rin po ang nagsabing magpahinga at mag hintay na sya sa bahay nila”

Ang awkward ng katahimik.

As in tahimik – yung tipong maririnig mo na lang yung aircon at sariling mong paghinga.

Napakurap ako. Si Lara, halos nakanganga. Si Hana naman, parang nagre-replay ng sinabi niya sa utak niya kung may mali ba.

Si Miss Walls… nanatiling nakatingin kay Hana. Parang na-caught off guard.

“Ah—” Bahagya siyang umubo, sabay tumikhim. “Right. Yes. Of course.”

Of course?

“Go back to work,” Dagdag niya agad, medyo mabilis, parang gustong i-cut yung awkwardness ng moment.

“Okay po,” Sabay-sabay ulit namin.

Pagtalikod niya—

Lumapit si Lara sa akin at bumulong, “Gusto ka lang nya makita love.”

Nanlaki agad ang mata ko. Loko ‘to—

Tiningnan ko siya nang masama, yung tipong tumahimik ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho.

Si Lara, napairap lang ulit pero may ngisi.

Biglang nagsalita ulit si Miss Walls, hindi pa pala tuluyang umaalis.

"Better be going, Miss Reyes,” sabi niya.

Miss Reyes pag may kasama, Amor pag wala. Wait, teka… ba’t parang nagre-reklamo ka ngayon, self?

Napalingon ako. “Po?”

“You need to prepare for the out of town.”

Napakunot noo ni Hana. “Out of town?”

Sumingit ako agad, “Oo… pupunta kami Disneyland.”

“Disneyland?!” Sabay sabi nina Hana at Lara, parang mga batang biglang inalok ng field trip.

Napangisi si Lara, sabay taas ng kamay na parang nasa classroom. “Miss Walls, baka pwede kami sumama… kahit sa Malita lang—”

“Sure.”

Natigilan kaming tatlo.

“…ha?” Sabay-sabay naming tanong.

Nagkatinginan kami. Ako kay Hana. Si Hana kay Lara. Si Lara sa akin.

Si Hana agad sumingit, kinakabahan. “Ay—Miss Walls, nagbibiro lang po si Lara”

“I don’t joke around,” Putol ni Miss Walls, diretso ang tingin.

Napaatras si Hana. “Ay—sorry po…”

Si Lara naman, biglang naging seryoso. “Talaga po? Sasama kami?”

“Yes.”

YES.

Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko.

Biglang napatalon si Lara sabay hinila si Hana. Nagulat ako sa sumunod na ginawa nila, Niyakap lang naman nila si Miss Walls.

Yinakap, as in yakap.

“Thank you po!!”

“Ang bait niyo po today, Miss Walls!!”

Ako, nakatayo lang sa pwesto ko, literal na nagulat. Ano nangyayari—

Si Miss Walls… nanatiling tuwid.

Hindi gumalaw.

Hindi nagsalita.

Hindi rin nag-react.

Parang statue.

Unti-unti akong lumapit, dahan-dahan. “Uh… guys…”

Si Lara at Hana, saka lang parang natauhan at bumitaw.

Sabay atras.

Tahimik ulit.

Mas awkward kaysa kanina.

Si Miss Walls, nakatingin lang sa kanila… tapos sa akin… tapos bumuntong-hininga nang mahina.

“Go back to work,” Ulit niya, mas kalmado na.

“Y-yes po…”

Paglabas niya—

“ANO ‘YON?!” Sabay sigaw ni Hana pabulong.

“Hindi ko alam!” Sagot ko rin pabulong.

Si Hana naman, hawak ang dibdib. “Parang ibang tao ‘yon ahh.”

Napatingin ako sa pinto kung saan siya lumabas.

Si Lara, hawak pa rin ang dibdib niya. “Guys… feeling ko… na-body snatch si Miss Walls.”

“Hoy tanga,” Sagot ni Hana, pero natawa rin. “Anong body snatch, sci-fi yarn?”

“Eh paano mo ipapaliwanag ‘yon?!” Giit ni Lara. “Si Miss Walls ‘yon ha—Miss Walls. ‘Yung tipong kahit ‘good morning’ mo parang kasalanan na.”

“True…” Sabi ko habang tumatango.

Bigla kaming natahimik. Tapos sabay-sabay kaming napangiti.

“Disneyland,” Mahina kong sabi.

“LIbrE TRIP?!” Halos mapasigaw si Lara pero pinigilan niya ang sarili niya, tinakpan ang bibig niya. “Disneyland ‘yon ohh. Buti nalang makapal mukha ko!”

“Wait—wait,” Si Hana naman, biglang naging suspicious ulit. “Hindi ba parang… masyadong maganda para maging totoo?”

Oo nga… parang… may mali.

“Exactly,” Sabi ni Lara. “Baka pagdating natin doon, training pala. Survival training.”

“Or team building,” dagdag nya.

“Or worse…” Sabay lapit ni Lara, parang may horror twist. “Emotional evaluation o baka ibenta tayo.”

“Shut up!” Sabay hampas sa kanya ni Hana. “Mas nakakatakot pa ‘yon!”

Napatawa ako, pero hindi ko rin maiwasang mag-isip. Bakit nga ba biglang pumayag si Miss Walls?

“Guys…” Sabi ko, medyo seryoso na. “Kahit anong mangyari… behave tayo ha.”

“Speak for yourself,” Sagot ni Lara. “Ako, mag-e-enjoy ako. Hindi araw-araw may himala.”

“Same,” Sabi ni Hana. “Pero… baka may catch talaga.”

“Wala na ‘yan,” Sabi ko, pilit inaalis yung doubt. “Sayang naman kung i-ooverthink natin.”

“Tama,” Sabi ni Lara. “Overthink later, enjoy now.”

“Wow, life motto,” Sabay tawa ni Hana.

“Message mo kami kung anong oras alis natin sa Friday,” Sabi ni Hana habang naglalakad kami. Ihahatid daw nila ako sa ibaba.

“Yan agad nasa isip nyo. Marami pang araw ang lilipas. Isa pa, mga passport nyo ahh,” Paalala ko.

“Meron na, don’t worry. Lagi naman tayong meron kahit never pa ako nag-ibang bansa,” Sagot ni Lara.

Naghiwa-hiwalay na kami, pero hanggang sa pag-uwi ko, hindi pa rin nawawala yung ngiti ko.

Pagdating ko sa bahay namin nila Lara, diretso ako sa kwarto.

Binuksan ko ang cabinet ko.

Tapos…

“…wala akong masuot.”

Classic.

Hinugot ko isa-isa yung damit ko, shirt, dress, jacket tapos tinatapon ko lang sa kama.

“Hindi… hindi… hindi rin…”

Napabuntong-hininga ako at naupo sa gilid ng kama.

“Disneyland…” Bulong ko sa sarili ko.

Bigla kong naalala—

Better be going, Miss Reyes.

You need to prepare for the out of

town.

Napangiti ako.

“Grabe ka talaga, Miss Walls…” Bulong ko. Tapos napahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame.

Di ko alam pero napapangiti talaga ako.

Umupo ulit ako bigla.

“Hindi. Focus.”

Tumayo ako at bumalik sa cabinet, mas determined na.

“Okay. Outfit first. Overthink later.”

After ilang minuto ng pagpili, hawak ko na yung isang hoodie.

“Tsk… pwede na.”

Tapos napangiti ako ulit, this time mas excited na.

“Disneyland, here I come.”

Inayos ko na ang mga gamit sa maleta so everything is good na. Nagdala narin ako ng mga extra kung ano ano lang. Bago umuwi at sinundo yung dalawang bata, pagkatapos ay diretso na kami sa mansion tuloy parin usapan nila sa kung ano ano.

Ilang oras ang lumipas, hindi ko namalayan na gabi na pala. Nakatulog ako. Nagising lang ako dahil sa masamang panaginip,

Napaupo ako sa kama.

“Hay,” Napabuntong-hininga ako. “Ang weird talaga.”

May napaginipan ako, di na para ikwento.

Tok tok!

Hindi pa ako nakakasagot, bumukas na agad yung pinto.

“Hi, Dude!” Sabi ni Collie sabay pasok nilang dalawa.

“This two,” Bulong ko sa sarili ko.

“Bakit hindi kayo marunong kumatok at maghintay?” Tanong ko, pero wala na ring dating kasi nakangiti na sila.

“Eh kumatok naman po kami,” Sagot ni Collie, sabay upo sa kama ko.

“You just didn’t answer,” Dagdag ni Callie, naka-lean sa pinto, naka-smirk na naman.

“Excuses,” Dagot ko, pero hinayaan ko na sila.

Tinignan ko sila nang medyo seryoso. “May itatanong ako sa inyo.”

Nagkatinginan silang dalawa. “Ano po ‘yon?” Sabay nilang sabi.

“Bakit ba binibigyan niyo ng flowers mommy niyo… tapos sinasabi niyo ako yung nagbigay?”

Biglang napangiti si Collie. Hindi normal na ngiti yung mapang-asar.

“Because you like her.”

Napakurap ako. “Ha?”

“Because you like mommy,” Ulit niya.

“Hindi ah—” Napahinto ako.

Wait.

“I mean… I do like her. As my boss. I mean—yes—ah—” Nauutal ako, hindi ko na alam sinasabi ko.

Biglang napa-hagikgik si Collie.

“See? You do,” Sabi niya, halos tumalon sa kama ko.

Si Callie naman, tahimik lang sa gilid, naka-cross arms, tapos yung smirk niya mas lumalim.

“Ang obvious mo po,” Dagdag niya.

“Hoy, hindi kaya!” Depensa ko, pero ramdam kong umiinit na tenga ko.

“Dude,” Sabi ni Collie, sabay lapit sa mukha ko, parang investigator. “You said yes.”

“Hindi ‘yon counted!” Sagot ko agad.

“Counted ‘yon,” Sabi ni Callie.

Napahawak ako sa noo ko. “Grabe kayo…”

“Anong masama?” Tanong ni Collie. “You like her, she’s pretty, she’s nice—well… minsan.”

“Just once in the blue moon lang ‘yon,” Singit ni Callie.

Napabuntong-hininga ako. “Hindi ganon kasimple.”

“Why?” Tanong ni Collie.

“Because…” Napahinto ako sandali. “We’re both women.”

“So?” Si Collie agad sumagot, diretso ang tingin sa akin. “Love is love.”

Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso niya… nakakagulat.

“Tsaka,” Dagdag ni Collie, “mommy deserves someone na magbibigay ng flowers, someone who will love and care for her and it’s you.”

“Hindi nga ako nagbibigay,” Mahina kong sabi.

“You want to,” Balik niya.

Napailing ako, pero hindi ko rin maitanggi.

“May nanliligaw na sa kanya,” Sabi ko, parang huling depensa.

“Nanliligaw lang,” Sagot agad ni Collie. “Hindi pa naman sila.”

“You still have a chance,” Dagdag ni Callie, parang nagbibigay ng business advice.

Napabuntong-hininga ako.

“Tsk…” Napangiti ako nang konti. “Ang kulit niyo.”

“So you agree?” Tanong ni Collie, naka-ngisi.

“Ewan,” Sagot ko, pero hindi ko napigilan yung maliit na ngiti.

Biglang—

“Kids! Dinner!”

Boses ng yaya mula sa labas.

“Andito na mommy nyo!” Dagdag pa niya.

Biglang tumayo ang dalawa. “Let’s go!”

“Wait, huwag niyo ‘kong iiwan—” Pero nauna na silang lumabas.

Napailing na lang ako bago sumunod.

Habang nasa dining table, tahimik as always naman. Itong dalawang bata lang naman maingay pero pag may pagkain biglang tumatahimik. Ang mommy naman nila, tahimik lang kumakain, elegante pa rin kahit simpleng dinner lang. Ako naman, Act normal lang. Kunwari di kinakabahan para mamaya.

Hindi ko alam kung imagination ko lang, pero parang mas… gentle siya ngayon.

Habang kumakain kami, si Collie at Callie panay tingin sa akin, tapos kay Miss Walls, tapos sa akin ulit.

May binabalak ‘tong mga ‘to.

“Stop it,” Bulong ko sa kanila.

“Stop what Dude?” Inosenteng tanong ni Collie.

“Exactly,” Dagdag ni Callie.

Napailing na lang ako.

Biglang nagsalita si Miss Walls.

“After dinner… go to the garden.”

Napatingin ako sa kanya. “Po?”

“You said you wanted fresh air, right?”

Dagdag niya.

Sinabi ko ba ‘yon?

“…yes po,” Sagot ko na lang.

“Good.”

“Para siyang aso,” Bulong ni Collie pero rinig ko parin. Napatingin ako sa kanya, nginitian nya lang ako. Kung pwede lang syang isako, nagawa ko na.

Matapos kumain, hinatid ko muna ang dalawang bata sa taas at pinatulog. Sa una ayaw pa nila, gusto din daw nila fresh air pang-aasar nila sakin.

At ngayon, Nasa garden na kami. Malamig ang hangin napayakap ako sa sarili bahagya kong naririnig ang sarili kong heartbeat ganon ka-awkward.

Katabi ko si Miss Walls.

Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o sa mga halaman.

Say something… Hindi, ikaw mauna. Hindi, siya dapat. Nag-aaway na ang puso at isip ko.

“—So…”

Napalingon ako agad.

She clear her throat, halatang hindi rin sanay sa ganitong… sitwasyon.

“So, what’s your plan?” Tanong niya, diretso.

“Po?” Napakunot noo ko. “Plan… saan po?”

Tumingin siya sa akin, medyo nagdadalawang-isip. “The flowers.”

Ah.

Ay… ‘yon pala ‘yon.

“What are your intentions?” Dagdag niya.

Biglang natuyo ang lalamunan ko.

Huminga ako nang malalim.

“Ma’am… about po doon…” Napakamot ako sa batok ko. “Hindi po… galing sa akin ‘yon.”

Napakunot noo niya. “What?”

Hindi ako sure pero biglang napalitan ng disappointment, confused ahh basta di ako sure.

“Galing po kina Collie at Callie,” Deretso kong sagot. “Sila po yung nagbibigay… tapos sinasabi lang nila na ako.”

Tahimik ulit.

Mas malala ngayon.

“So what about the message?” Tanong nya.

“About that naman po, dare lang po yun. Natalo po ako sa laro,” Nahihiya kong sabi.

“So you’re playing with me?” Mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig. “You don’t like me?”

Hindi ko alam kung galit na sya o ano—subrang dami kong nakikita sa mga mata nya.

Napatingin ako sa kanya agad. “No—! I mean—yes—ah—”

Ayos, Amor. Ang galing mo.

“I do like you, Miss Walls,” Sabi ko, mas maayos na. “Hindi po ‘yon… hindi ko lang—”

“But?” Putol niya.

Napabuntong-hininga ako.

“Kasi…” Tumingin ako sa baba sandali, bago bumalik sa kanya. “I don’t want to rush things.”

Tahimik ulit. Pero this time… hindi na awkward. Seryoso na ako sa kung

anong gusto ko at kung ano man

ang kalalabasan atleast sinubukan ko.

“So what do you want?” Tanong niya, mas kalmado na.

Huminga ako nang malalim.

“If you allow me…” Medyo mahina kong sabi, pero diretso. “Can we… be in the process of getting to know each other?”

Hindi siya agad sumagot. Tinitigan niya lang ako. Hindi yung simpleng tingin yung parang… pinag-aaralan niya ako. Yung bawat reaction ko, bawat galaw ko.

Parang gusto niyang siguraduhin na seryoso ako. Ilang segundo rin ‘yon. Pero pakiramdam ko, isang oras.

“Someone is already courting me,” Sabi niya, bigla.

Tumango lang ako.

“I know, Miss Walls,” Sagot ko. “Pero gaya po ng sinabi ko… hindi po ako nagmamadali. Another thing I'm willing to take a risk.”

Tumingin ako sa kanya nang diretso.

“I’m just asking… if we can get to know each other. Sa inyo narin po galing that you don't like people who don't have courage.”

Kala ko tatanggi siya. Kala ko sasabihin niya na 'I don't want to see you ever again' pero hindi.

“Okay.” sabi nya.

Isang salita lang. Pero ewan ko ba… parang biglang gumaan lahat.

“Thank you po,” Mahina kong sabi, hindi mapigilan yung maliit na ngiti.

"Also, if it's just us, I prefer you to call me by my name. And don't waste your chance," Sabi nya. Kaya mas lalo akong napangiti.

"Yes, Miss Wal a-ah I mean Celes," Nauutal kong sabi.

"Emery." She said.

"Po?"

"Call me Emery. I prefer that name." Sabi nya. Tumango nalang din ako hindi na kami nagtagal sa labas dahil lumalamig narin.

Naglakad kami pabalik sa loob ng bahay, magkatabi pero tahimik.

Hindi na awkward.

Comfortable na.

Pagdating namin sa taas, huminto siya sa tapat ng room niya.

“Goodnight, Emery,” Sabi ko.

“Goodnight, Amor.”

Pumasok siya.

Click.

Pagsara ng pinto.

“…yes—”

Pigil na sigaw ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatalon.

“YES, YES, YES—” Pabulong kong sabi, halos kinikilig mag-isa. Napakagat labi para hindi mapalakas.

Bigla akong umikot, parang ewan—

Click.

Bumukas ulit yung pinto.

FREEZE.

Bigla akong tumigil. Tumayo nang tuwid. Tumingin sa paligid na parang may hinahanap.

“Ah… um… yung—hangin…” Sabi ko, kunwari nag-iinspect ng hallway. “Maganda po yung hangin dito.”

Wow, Amor. Ang talino.

Nasa pinto si Emery, tahimik lang… nakatingin sa akin.

“…Yes,” Sabi niya, parang wala rin siyang maisip na dahilan kung bakit siya lumabas.

Tahimik.

Pareho kaming walang masabi parang bumalik sa awkward pero this time… may halong kilig.

“Goodnight… ulit,” Sabi ko.

“Goodnight,” Sagot niya.

"Ahm, I'll be going," Sabi nya sabay sara ng pinto.

Click.

Ng nakasara na ulit yung pinto, napahawak ako sa dibdib ko.

“Grabe…”

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko, hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Pagpasok ko, napahiga agad ako sa kama. Nakatitig sa kisame.

Pak.

"Aray" Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sinampal ko ang sarili ko.

"Okay" buntong hininga ko. This is really happening. At bago pa ako tuluyang makatulog, biglang bumukas ang pinto. Si Collie, may dalang unan at yung stuff toy niya.

"Dude, can I sleep here?" Sabi niya. Di pa ako nakakasagot, lumapit na sya at humiga sa tabi ko. Napangiti nalang ako at humiga narin ng maayos. Agad syang yumakap sakin.

"Goodnight, dude," Sabi nya. Halatang antok na antok.

"Hmm," Sabi ko nalang at niyakap sya pabalik. Sa huli, pareho kaming nakatulog ng payapa.

What a Goodnight

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.