CHAPTER 22 The Day.
Seraphine's POV:
Friday.
The day.
Yung pinaka-hinihintay ng kambal for the past weeks, Hong Kong trip. Three days. THREE. At syempre, highlight? Disneyland. Kahit ako, excited… pero hindi kasing level nila na parang pag may sariling fireworks sisindihan nila.
Kaya eto ako ngayon… tulog. Mahimbing. Walang pake sa mundo. Hindi ko alam kung anong oras na, di rin kasi ako nakatulog ng maayos tawag ng tawag kasi si Hana at Lara, kulang nalang tabihan ako.
“Ang bait niya no…”
Mahina pero malinaw. Parang galing sa malayo.
Hmm… nananaginip ba ako?
“Oo, pag tulog.”
Okay… familiar talaga. Parang… si Lara?
“Ang bad niyo po kay dude.”
Ay. Si Collie yun. Sure ako
Pero di pa rin ako dumilat. Bahala kayo diyan. Kung panaginip ‘to, napakasama naman sinundan pa talaga ako ng mga gaga.
“We should wake her up!”
Parang boses ni Callie.
“Wag muna panoorin muna natin. Baka maglaway.”
LARA?!
Gusto kong mag-react. Gusto kong magsalita. Pero mas nanaig ang antok ko. And honestly… medyo curious ako kung anong kabaliwan ang ginagawa nila.
What? Maglalaway? Ako?
Katahimikan sandali pero ramdam ko na parang may mga tao sa paligid ko. At biglang—
Click.
May bumukas na pinto.
“Guys, what are you doing?”
Oh no?
OH NO!
Pati ba naman si Miss Walls papasok sa panaginip ko.
Pero ewan ko ba, parang naka-freeze ang katawan ko, hindi ako agad naka-react. Parang half-dream, half-reality.
“Mommy tinitingnan lang po namin kung humihinga pa si dude.”
COLLIE?!
“Collie!” Sabay-sabay na bulong ng iba.
“Joke lang po” Dagdag niya, pero halatang hindi siya nagsisisi.
Doon na ako napamulat pero medyo slow. Yung tipong parang bagong reboot na computer naglo-loading pa utak ko.
Malabo pa paningin ko, masakit sa mata kaya hindi ko tuluyang binuksan kumbaga kalahati lang.
“Dude, wakey wakey.”
Si Collie.
Mukha niya ang unang bumungad sakin. Naka-ngiti. Suspiciously too happy, kitang-kita ko ang maputing ngipin nya kahit medyo malabo.
“Mm… mamaya na” Bulong ko sabay talikod, yakap ulit sa unan.
“Malelate na tayo.” Sabi nya.
Napakunot noo ko kahit nakapikit.
“Ayan ka nanaman eh… tapos three hours ahead pa pala,” Reklamo ko.
Kilala nyo naman s'ya.
SI COLLIE.
Si Collie na kahit madaling araw pa, walang pinipiling oras ang pagiging hyper nya.
"Dude, no! this is the right time," Pilit niya.
“Hmm, maya na sige ka,” Sabi ko.
"Dude!"
"Wait ngani! ibabalik talaga kita sa tiyan ng nanay mo…" Banta kong sabi. Wala akong pake sa paligid feeling ko kasi nanaginip lang ako.
Tahimik.
As in… sobrang tahimik. Then—
“Really?”
Hindi boses ni Collie.
Hindi boses ni Callie.
Hindi boses kahit sino kina Lara at Hana.
"Patay kang bata ka!" Boses ni Lara.
Sabay nakatanggap ako ng palo sa balikat.
Dahan-dahan akong napamulat ulit, pero this time kitang-kita ko na lahat.
Si Collie.
Si Callie.
Si Hana.
Si Lara.
Si Miss Walls. At—
“Margaret?” Sabi ko.
Nakatayo silang lahat. Nakatingin sakin, parang ako yung show at sila ang audience. Napatingin ako kay Miss Walls at napalunok naka-cross arms siya.
Processing…
Processing…
PROCESSING…
“AAAAAAAAAAH—!”
Bigla akong napaupo, sabay hila ng kumot hanggang ulo ko.
“GOOD MORNING, DUDE!” Sigaw ni Collie.
“WAG KAYO TUMINGIN!” Sigaw ko mula sa ilalim ng kumot.
“Too late,” Sabi ni Lara. “Nakita na namin”
“ANO?!”
“Kung gaano ka kabait matulog,”
Dagdag niya sabay tawa.
“LARA!” Sigaw ni Hana, pero tumatawa din.
“Are you drooling??” Tanong ni Callie.
“OO NGA DUDE, MAY LAWAY BA?” Dagdag ni Collie, sumisilip pa sa kumot ko.
“UMALIS KAYO DIYAN!”
Biglang tumawa si Margaret. Yung tipong hindi niya na napigilan.
“Amor, darling, relax,” Sabi niya.
“HOW CAN I RELAX PO?! MAY AUDIENCE AKO PAGKAGISING!”
“Technically… matagal ka na naming pinapanood,” Dagdag ni Hana.
“WHAT?!”
“Five minutes?” Sabi ni Callie.
“SEVEN,” Proud na sabi ni Collie.
“COLLIE!”
“Ano? Accurate lang.”
“Guys…” Singit ni Miss Walls, “Let her breathe.”
“Hindi siya humihinga kanina, Mommy,” Dagdag ni Collie.
“COLLIE STOP!”
Dahan-dahan kong ibinaba yung kumot… konti lang… sapat para makita sila.
Lahat sila nakangiti yung tipong hindi nakakainis, nakakahiya lang si miss walls lang ang medyo seryoso ang mukha.
“Bakit kayo nandito?” Mahina kong tanong.
“Te, ilang oras nalang aalis na tayo!” Sagot ni Lara.
“For Hong Kong!” Dagdag ni Hana.
“DISNEYLAND!” Sabay sigaw ng kambal.
“Kaya pala…” Bulong ko.
Tapos napahiga ulit ako.
“Five minutes”
“NO!” Sabay-sabay nilang sigaw.
“Amor,” Sabi ni Miss Walls, nakapamewang na. “Get up. Now.”
Bumangon agad ako, s'ya na 'yan eh. Yung boss na
Okay na sana ang kaso si Lara may biglang pinaalala.
“Totoo ba yung sinabi mo kanina?”
“Ha?”
“Na ibabalik mo si Collie sa tiyan ng nanay niya?”
Pigil sarili niyang tawa. Napatingin ako kay Miss Walls, seryoso ang mukha niya agad akong napalunok.
“LARA!” Lingon kong banta sakanya.
“Curious lang,” Dagdag niya. Inirapan ko siya, tas bumalik ang tingin ko kay Miss Walls.
“JOKE LANG PO YUN!” Sabi ko, Sabay peace sign.
“Sayang, gusto ko sana.”Bulong na sabi ni Collie. Agad akong napatingin sa kanya.
“ANO?!”
“Reset button yarn,” Sabi ni Lara. Sinamaan siya ng tingin ni Collie.
“LARA, LUMABAS KA NA NG KWARTO KO!”
“Hindi ka pa nga bumabangon—”
“LALABAS KA O IKAKANDADO KO KAYO NI HANA DITO!” Banta ko.
“Threat ba yun o invitation?” Tanong ni Lara.
“LARA!”
“Okay okay,” Tumatawang sabi ni Hana. “Tara na guys, let her get ready.”
Isa-isa silang lumabas. Pero bago tuluyang magsara ang pinto sumilip
si Collie.
“Dude.”
“Ano?”
“Cute ka po matulog.”
SLAM.
Tinapon ko yung unan sa pinto pero huli na wala na akong bawi.
“Nakakahiya ka self,” Bulong ko sa sarili.
Pero habang bumabangon ako…
Hindi ko napigilang ngumiti at the same time mahiya agad akong tumayo at nag bihis.
After that very traumatizing wake-up experience, I made sure na presentable na ako bago bumaba. As in, nakaayos ang buhok, maayos ang damit, walang trace ng kahihiyan sa mukha ko.
Or at least… yun ang goal.
Hinila ko yung maleta ko pababa ng hagdan
thud… thud… thud
Medyo dramatic para ramdam nyo. Entrance ko ‘to, wag kayong ano jan.
Pagdating ko sa sala, iniwan ko muna ang maleta ko para mailagay na ni Manong sa sasakyan. Sabay dumiretso na ako sa dining area at pagdating ko pa lang, agad kong napansin ang setup.
Si Miss Walls nasa gitna, parang reyna ng mesa. Sa kanan niya, si Callie at Collie parehong busy kumain ng hotdog pero halatang may plano na naman si Collie. Nakatingin siya kay Lara, parang sinusubaybayan. Katabi nila si Miss Margaret, elegante pa rin kahit kumakain lang ng breakfast.
Sa kabilang side ng mesa, May bakanteng upuan para sakin katabi si Hana, si Lara, at may bakanteng upuan.
“Good morning,” Bati ko habang dahan-dahang lumalapit.
“GOOD MORNING, DUDE!” Sigaw agad ni Collie.
“Lower your voice,” Kalmadong sabi ni Miss Walls.
“Good morning po,” Sabay bati ng kambal, pero halatang pinipigilan yung energy. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid ni Miss Walls, katapat si Callie.
“Kumain ka na,” Sabi ni Margaret.
“Thank you po,” Sagot ko agad.
Tahimik for a few seconds.
“Tita Lara,” Biglang sabi ni Collie, naka-lean forward pa. “Kumakain ka ba o nag-aanalyze ng pagkain?”
Napatingin si Lara sa kanya, nakaangat ang isang kilay. “Anong tita ka jan sa cute kong to at anong tanong mo?”
“Kasi you look old po, at kanina pa po kasi yung itlog mo, parang ini-interview mo muna bago kainin.” Sabi nya.
Napasinghot si Hana, pilit pinipigilan ang tawa.
“Hindi ah,” Sagot ni Lara, defensive agad.
“Sure ka po?” Dagdag ni Collie. “Baka mamaya tanungin mo pa po yan ng life story.”
“Collie…” Warning tone ni Callie.
“‘Hi egg, saan ka pinanganak?’” Ginaya pa niya, paboses cute ni lara.
Napanganga ako, tapos napatawa bigla.
“COLLIE!” Sigaw ni Lara, pero biglang tingin sa plato halatang aware siya na may authority figure sa gitna.
“‘Anong pangarap mo sa buhay?’” Tuloy ni Collie, wala talagang balak tumigil.
“Stop it!” Sabi ni Margaret.
“‘Ready ka na ba maging ulam?’”
“COLLIE WALLS—” Warning ni Callie.
“Girls.”
Isang salita lang galing kay Miss Walls.
Dead silence. As in… biglang naging civilized ang lahat.
Napaupo ng tuwid si Collie. “Sorry po.”
Tahimik si Lara, pero kita ko yung gigil sa mukha niya. Yung tipong gusto niyang gumanti pero hindi pwede. Slowly, lumapit si Hana kay Lara at bumulong—
Napangiti si Lara. Oh no.
Meanwhile, si Collie hindi pa tapos.
Dahan-dahan siyang sumulyap kay Lara.
Tapos ngumisi. At… nag-wink.
And for me, BAD MOVE yun.
Napansin ko agad yung reaction ni Lara yung mata niya literal na nag-narrow.
Pero—
Hindi siya makagalaw.
Hindi siya makapagsalita.
Kasi si Miss Walls nakatingin.
“Everything okay?” Tanong ni Miss Walls, calm pero intimidating.
“Yes po,” Sabay nilang sagot.
Napatingin ako kay Lara.
Tahimik siyang kumakain.
Too quiet.
Tapos napatingin ako kay Collie.
Masaya pa rin siya.
Too happy.
“Good luck,” Bulong ko.
Napatingin sakin si Collie.
Umiling lang ako.
Biglang—
CLINK!
Nahulog yung kutsara ni Lara.
“Ay sorry po,” Sabi niya, sabay yumuko para pulutin. Pero habang nakayuko siya…
“AYY—!”
“Collie?”
“Nothing po!” Sagot niya agad, pilit ngumiti kahit halatang naiinis.
Dahan-dahang umupo si Lara, parang walang nangyari.
“Okay ka lang?” Tanong ni Hana, innocent tone pero halatang involved.
“Yes po…” Sagot ni Collie, pero kita ko yung inis niya.
Napatingin siya kay Lara. Si Lara?
Ngumiti lang. Sweet, Innocent at mukhang Dangerous.
“Why are you smiling?” Tanong ni Margaret kay Lara.
“Masarap po yung pagkain,” Sagot niya agad.
“Good,” Sabi ni Margaret.
Tahimik ulit.
Siniko ko si Lara.
"Ano ginawa mo?" Tanong ko.
"Kiniliti ko lang kung saan siya may kiliti," Sabi niya sabay ngisi.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko.
"Callie nakwento nya," Sabi niya habang naka-ngisi ng mapang-asar.
Knowing Collie, ayaw niya ginagalaw paa niya subrang lakas din kasi ng kiliti niya dun.
Biglang sumandal si Collie kay Callie.
“Betrayal” Bulong niya.
“Deserve,” Sagot ni Callie.
Hindi ko na kinaya. Napatawa na ako.
“Amor,” Sabi ni Miss Walls.
“Sorry po—” Sabi ko agad, pero tumatawa pa rin.
Umiling siya.
“Finish your breakfast. We have a flight to catch.”
“Yes po,” Sabay-sabay naming sagot.
Pero habang kumakain kami, paminsan-minsan nagsusulyapan
si Lara at Collie.
Tahimik ulit ang mesa after nung ginawa ni Lara. Lahat kami kumakain na parang… normal.
Akala ko tapos na yung mini war between Lara and Collie. Pero hindi pa pala.
And I should’ve known better.
Kasi ang tahimik ni Collie.
Too quiet.
At ang isang 7-year-old na tahimik after gantihan?
Delikado yun.
Magkatapat pa sila kaya literal na direct line of sight. Parang battlefield.
Si Lara, kunwari chill. Kumakain ng pancake.
Si Collie… dahan-dahan umiinom ng juice.
Then—
“Tita Lara.”
Ayun na.
Tumigil si Lara. “Ano?”
“Ang ganda ng hair mo today.”
Sweet yung boses ni Collie.
Napakunot noo ako.
“Thank you?” Sagot ni Lara, confused.
Tumango si Collie. “Oo… bagay po sayo.”
Sandaling katahimikan kala ko magbabati na kala ko way nya yun para mag sorry pero mali kala ko lang pala.
“Parang walis po.”
BOOM.
Napasinghot si Hana. Ako napakagat sa labi.
“COLLIE—” Lingon ni Callie.
“What? Compliment yun ah,” Inosenteng sagot niya.
Napatingin si Lara kay Miss Walls, parang humihingi ng pahintulot para makipag-away. Pero si Miss Walls, nakatingin lang sa kinakain, kalmado
pa rin.
Si Lara? Napapikit nalang saglit parang sinasabing Control self.
“Okay lang,” Sabi niya, pilit ngumiti. “At least may hair.”
“True,” Tango ni Collie. “Pero parang pag naglinis kayo sa bahay, pwede ka na gamitin.”
“COLLIE,” Sabi ni Miss Walls.
“Sorry po,” Sagot agad niya, pero halatang hindi sincere.
Nakita ko na yung shift kay Lara yung smile niya… medyo pilit na.
“Alam mo,” Tuloy ni Collie, sumandal pa. “Kaya pala mabilis ka maglakad”
“Bakit?” Mahinang tanong ni Lara.
“Kasi hinihigop ka ng hangin.”
Owgag, this kid.
“Collie…” This time, medyo warning na ni Miss Margaret.
Pero si Miss Walls? Tahimik pa rin
observing. Si Lara, hindi na sumasagot. Yung kamay niya, nakahawak na lang sa tinidor pero hindi na kumakain.
Napansin ko rin yung mata niya nagiging glassy.
Si Lara kasi yung tipo ng taong masayahin pero umiiyak pag sobrang naiinis na at lalo na ngayon sa sitwasyon nya na wala siyang magawa para depensahan sarili nya.
“Collie, enough,” Sabi ko na, medyo mahina pero firm.
Tumingin siya sakin.
“Bakit po?” Tanong niya.
Hindi ko agad nasagot.
Kasi technically… wala siyang ginagawa na “bawal.”
Wala siyang sinisigawan.
Wala siyang sinasaktan physically.
Pero yung words?
Aray.
Napatingin ako kay Lara yung ulo niya bahagyang nakayuko. Hindi siya umiiyak. Pero—
malapit na.
Biglang nagsalita si Hana.
“Collie, ang galing mo magsalita no?” Casual lang.
“Thank you,” Proud na sagot ni Collie.
“Parang… hindi pang 7 years old.”
“Talaga po?” Mas lalo siyang natuwa.
“Yeah,” Ngumiti si Hana. “Parang… pang kontrabida.”
OOP.
Napatingin ako kay Hana. Smooth. Very smooth. Tahimik si Collie for a second processing. Then—
“Ano po yung kontrabida?” Tanong niya kay Miss Margaret.
Napasimangot si Hana at ako napangiti ako.
Yun lang di niya alam, parang wala ring silbi yung tapang ni Hana na sabihin yun sa tapat ni Miss Walls.
“Someone who hurts others,” Calm na sagot ni Miss Margaret.
Napatingin si Collie kay Lara—si Lara, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“Oh,” Bulong ni Collie.
At first time she looked unsure. Pero syempre… Collie is still Collie.
“Pero funny naman po ako,” Dagdag niya, medyo defensive.
“Funny doesn’t mean kind,” Sabi ni Miss Walls.
Direct hit.
Tahimik ulit ang mesa.
Si Lara… dahan-dahang nag-angat ng tingin. Ngumiti siya. Pero this time…
halatang pilit.
“I’m okay,” Sabi niya, kahit wala namang nagtatanong.
Si Collie…
Hindi na ulit nagsalita.
Pero ramdam ko nag-iisip siya.
Nagkakamot pa siya ng ulo, parang nalilito.
“Eat,” Sabi ni Miss Walls, breaking the tension.
“Yes po,” Sabay-sabay ulit naming sagot.
Dahan-dahan ulit kaming kumain.
Pero iba na yung mood.
After a few seconds…
Dahan-dahang itinulak ni Collie yung juice niya papunta kay Lara.
Napatingin si Lara.
“For you,” Mahina niyang sabi.
Hindi agad gumalaw si Lara.
Then tinanggap niya.
“Thank you,” Mahina rin.
Hindi sila nag-ngitian. Pero…
okay na.
Napabuntong-hininga ako. Crisis averted.
At least for now.
Pero habang kumakain ako, napaisip ako, three days. Tatlong araw kaming magkakasama.
Sa plane.
Sa hotel.
Sa Disneyland.
Tumingin ako sa kambal.
Tumingin ako kina Hana at Lara.
Tapos kay Miss Walls.
“Lord,” Bulong ko.
Kasi alam ko na this trip… hindi lang chaotic kundi survival ‘to sakin.
AIRPORT.
Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong private plane ‘to, kinakabahan pa rin ako. Siguro dahil… hindi naman ako sanay sa ganitong setup. O siguro dahil kasama ko sila.
Pagpasok pa lang namin sa loob ng plane, parang ibang mundo na agad,
ang mundo ng mayayaman. Tahimik, malinis, at sobrang sosyal. Parang hindi ka dapat huminga nang malakas.
“Dude, dito ka po,” Tawag ni Collie.
Napatingin ako sa kanya. Katabi niya si Callie, habang sa tapat nila nakaupo si Miss Walls at may isang bakanteng upuan sa tabi nito.
Ah… doon ako?
“Dyan ka na,” Dagdag pa ni Collie, parang wala lang.
Napakagat ako sa labi ko. “Ahh okay.”
Wala naman akong choice.
Umupo ako sa tabi ni Miss Walls, medyo diretso ang likod ko parang may exam. Hindi ko alam kung saan ako titingin sa harap? Sa bintana? O sa sahig na mukhang mas mahal pa sa bahay namin?
Sa kabilang side ng plane, tig-iisang upuan lang. Nandoon si Hana, si Lara, at si Miss Margaret. Tahimik lang lahat… hanggang sa–
“U-uy…” Mahinang sabi ni Lara.
Napalingon ako at kita ko agad na kinakabahan siya. Hawak niya ‘yung armrest, nanginginig pa ng konti. First time kasi niya.
Ngumiti si Collie. Akala ko aasarin niya na naman si Lara. Pero lumapit siya kay Callie at may ibinulong.
Napakunot-noo si Callie, saka nag-roll ng mga mata. “Seriously?”
“I’ll give you the book,” Sabi ni Collie, this time medyo narinig ko. “Yung binigay ni Grandpa.”
Napataas kilay ko. Grabe, from debate to trade?
Ngumiti si Callie tapos tumango.
“Okay,” Sabi niya, tinanggal ang seatbelt niya at tumayo para lumapit kay Lara.
“Switch po tayo?” Tanong niya.
“Ha? O-oo… okay…” Mabilis na sagot ni Lara.
Nagpalit sila ng pwesto. Ngayon, si Lara na ang katabi ni Collie.
Tahimik ulit pero ramdam mo na mas tense na habang naghahanda para sa takeoff.
“Cabin crew, prepare for takeoff,” Rinig naming sabi.
Napahigpit lalo ang hawak ni Lara sa upuan. Then biglang hinawakan ni Collie yung kamay niya.
“Relax,” Sabi niya, calm lang. “Everything’s gonna be okay.”
Napatingin ako sa kanila.
Wait, what?
Hindi ko napigilang hindi mapangiti.
“Thank you” Mahina na sagot ni Lara.
“Yeah, yeah,” kibit balikat ni Collie. “Bayaran mo na lang ako ng ice cream.”
Napalingon si Lara. “Ha?”
“I traded my favorite book just for this seat,” Dagdag niya. “Para hindi ka matakot sa bintana.”
“Okay,” Sagot ni Lara, medyo natatawa na.
Tumingin ako kay Collie. At napangiti ako. Softie ka rin palang bata ka, sabi ko sa isip ko.
Akala ko lagi lang siyang nang-aasar kay Lara… pero may ganito pala siyang side.
Biglang umandar ang plane.
Napahigpit ang hawak ko sa upuan nang medyo umuga. At hindi ko namalayan nahawakan ko yung kamay ni Miss Walls.
Napa-freeze ako.
“Ah—sorry po—”
Aalisin ko na sana kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak. Napatingin ako sa kanya pero nakapikit lang siya.
Hindi na ako gumalaw. Hinayaan ko na lang. Napatingin ako kina Collie at Lara magkahawak pa rin sila ng kamay.
Then napatingin si Collie sa akin at sa kamay namin ni Miss Walls. Tapos sa mukha ko. Tapos sa kamay ulit. At bigla niyang tinaas-baba yung kilay niya.
Napaiwas ako ng tingin, pero naramdaman kong umiinit mukha ko.
Pagtingin ko kay Lara ngumiti siya, yung ngiting nang-aasar. Na parabang hindi siya muntik maiyak kanina.
Wow ha. Bilis ng character change.
Napailing na lang ako habang tuloy-tuloy nang umaangat ang plane. At habang pataas kami nang pataas… hindi ko alam kung bakit… pero pakiramdam ko –
May mga bagay na unti-unting nagbabago.
ONE HOUR HAD PASSED.
Hindi pa rin ako maka-move on.
Seven years old lang si Collie.
Seven.
Pero siya pa yung pinaka-composed samin.
Habang ako eto, tahimik lang sa tabi ni Miss Walls, trying to act normal kahit kanina pa tong puso ko.
Balak kong alisin yung kamay ko pero ayaw talaga niya bitawan.
Okay.
Hindi ko na lang pinansin. Sa kabilang side naman–
“Stop shaking,” Narinig kong sabi ni Collie kay Lara na halatang kinakabahan pa rin kahit nakaangat na kami.
“I’m not shaking,” Pepensa ni Lara.
“Your whole personality is shaking,” sagot ni Collie, deadpan.
Napakagat ako sa labi ko para hindi matawa.
“Excuse me?!” Napalingon si Lara sa kanya.
Tahimik lang si Collie, hawak pa rin kamay niya, tapos tumingin sa kamay nila.
“See? Evidence.”
“Bruha ka,” Bulong ni Lara.
“Language,” Mabilis na sagot ni Collie.
“Bata ka pa!”
“I know,” Kibit-balikat niya. “And yet, I’m the one comforting you.”
Pinipigilan ko tumawa dahil sa reaction ng mukha ni Lara.
“Hindi ko naman kailangan ng comfort!” Sabi ni Lara, pero hindi niya pa rin binibitawan kamay ni Collie.
“Sure,” Sagot ni Collie. “Gusto mo po ba bumalik sa window seat?”
Biglang nanahimik si Lara.
“Hindi.”
“Thought so.”
Napailing ako. Controlled na controlled niya si Lara ah.
“Ang yabang mo,” Sagdag ni Lara, pero mahina na.
“Confidence,” Sagot ni Collie. “Learn the difference.”
“Seven ka pa lang, saan mo natutunan ‘yan?!” Bulalas ni Lara.
Tumingin si Collie sa kanya, seryoso.
“Experience.”
Napatingin ako sa kisame.
Lord, bakit mas matanda pa siya mag-isip sa amin? Hanggang sa medyo umuga yung plane.
“Ah—!” Napahigpit ang hawak ni Lara sa kamay ni Collie. Hindi siya nagsalita agad. Tapos–
“Relax,” Sabi niya ulit, this time mas malambot. “Hindi to babagsak agad.”
“Paano mo nasabi?!” Mabilis na tanong ni Lara.
“Because I’m here.”
“Ang kapal ng mukha mo,” Sabi niya.
“Correct,” Sagot ni Collie. “Pero effective.”
Hindi ko na napigilan napangiti na talaga ako.
Ang cute nila.
Biglang napansin ulit ni Collie na nakatingin ako. Tumingin siya sa akin– then sa kamay namin ni Miss Walls. Then ulit sa mukha ko. Tapos lumingon siya kay Lara.
Pagtingin ko kay Lara, ngumiti siya.
“Uy, Amor,” Tawag niya.
“Hmm?”
“Comfortable ka ba dyan?” Tanong niya, may halong asar.
Napakagat ako sa labi ko. “Oo naman.”
“Sure?” Dagdag pa niya.
Bago pa ako makasagot–
“Don’t disturb them,” Singit ni Collie.
Napatingin kaming dalawa sa kanya.
“Private moment,” Dagdag niya, seryoso pa rin.
“HOY!” Sabay naming sabi ni Lara.
Tumaas ulit kilay ni Collie.
“See? Defensive.” Napahawak ako sa noo ko.
Seven years old…
“Collie!” Sabi ko.
“What?” Inosenteng tanong niya.
“Manahimik ka nga,” Sagot ko.
“Make me PO.”
Natawa si Lara.
“Amor, talo ka na agad,” Sabi niya.
Napabuntong-hininga ako.
“Pareho kayong pasaway.”
“Thank you,” Sabi ni Collie.
“Hindi compliment ‘yon!”
“It is.”
Tahimik ulit sandali… Pero this time, mas magaan na. Mas… okay na.
Napatingin ako sa bintana. Sa ulap.
Sa liwanag.Tapos –
Hindi ko namalayan… Medyo humigpit ulit yung hawak ko sa kamay ni Miss Walls. Tahimik na sana ulit. Maayos na ulit, Peaceful. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko –
“Ang cute niyo naman,” Bigla kong sabi.
Napatingin sila pareho sa akin.
“Ha?” Sabay nilang tanong.
Ngumiti ako. “Wala lang. Parang… babysitter si Collie, tapos ikaw yung baby.”
“HOY!” Agad na sagot ni Lara.
“Excuse me?!” Dagdag pa niya.
Tumingin ako kay Collie, trying not to laugh.
“Good job ha,” Sabi ko sa kanya. “You handled her well.”
Tumaas kilay ni Collie.
Tahimik lang siya. Then tumingin siya kay Lara. Nagkatinginan silang dalawa.
Wait.
Yung tingin na parang may binabalak.
Ay, bakit parang mali ‘to? Lumapit si Collie kay Lara ng konti at bumulong.
Hindi ko marinig. Pero nakita ko yung ngiti ni Lara na unti-unting lumawak.
Ay, hindi maganda ‘yan.
“Okay,” Sabi ni Lara, tumingin sa akin.
“Okay?” Ulit ko.
Biglang umayos ng upo si Collie, parang may presentation. Tapos tumingin siya sa akin.
“Dude,” Tawag niya.
“Hmm?”
“Are you comfortable?” Tanong niya.
Napakunot noo ko. “Oo… bakit?”
Tumingin siya sa kamay ko.
Then kay Miss Walls.
Then ulit sa akin.
Ngumiti siya.
Ay, hindi ko gusto ‘yang ngiti na ‘yan.
“Because,” Dagdag ni Lara, sumasabay na, “Parang hindi ka na gagalaw dyan ah.”
Napatingin ako sa kanila.
“Ha? Hindi naman—”
“Sure?” Putol ni Collie.
“Very sure,” Dagdag ni Lara, pilit pinipigilan yung tawa.
“Guys—”
“Blink twice if you need help,” Sabi ni Collie.
“HOY!” Napalakas boses ko.
Narinig ko yung mahinang hmm ni Miss Walls sa tabi ko nakatulog siya.
“Hindi ko kailangan ng help!” Depensa ko.
“Ah okay,” Sabi ni Lara. “So willingly ka talagang—”
“LARA.”
“—nakipag-holding hands?”
“LARA!”
“Noted,” Singit ni Collie. “Mutual.”
Napahawak ako sa noo ko.
Ako na naman.
“Kanina lang nanginginig ka,” Sabi ko kay Lara, trying to fight back.
“Kanina lang ‘yon,” Sagot niya. “Ngayon… ikaw na.”
“Hindi ako—”
“She’s not shaking, her heart is pounding,” Sabi ni Collie.
Napatigil ako.
“Bog!” Lara
“Bog!” Collie
“Bog!” Lara
Napapikit ako at sabay silang natawa.
Napabuntong-hininga ako.
“Ang sama niyo.”
“Teamwork,” Sabi ni Collie.
Napatingin ulit si Collie sa kamay namin ni Miss Walls. Tapos sa akin. Tinaas ulit niya kilay niya.
“Still not moving,” Sabi niya.
“COLLIE.”
“What?” Inosente ulit.
“Hindi nga pwede. Seven ka lang you don’t understand!”
“You’re just going to remove it, dude,” Sabi niya.
“Seven ka lang you don’t understand!”
“7 and yet…” Tumingin siya kay Lara, “we’re winning.”
“High five?” Sabi ni Lara.
Inangat nila yung kamay nila at nag-high five. Napatingin ako sa kisame.
Dapat di nalang ako nagbiro.
“Wow ha,” Sabi ko. “Pinagkaisahan niyo talaga ako.”
“Of course,” Sabi ni Lara.
“Strategic alliance,” Dagdag ni Collie.
“Bahala kayo,” Sabi ko, iwas tingin. Humagikgik sila. Pagtingin ko ulit kina Collie at Lara pareho silang nakatingin sa akin. Parehong may ngiti. Parehong tinataas-baba yung kilay nila.
“Don’t start,” Sabi ko agad.
Buti nalang hindi na sila kumulit nag-focus nalang sila sa isa't isa. Hindi
ko alam kung ano na naman ang mangyayari sa trip na 'to. Ang alam ko lang… mukhang mahihirapan talaga akong makasurvive sa mga pang-aasar nila.