CHAPTER 23 The Fireworks
Seraphine's POV:
Music, laughter, and the sound of children running around filled the air.
Hong Kong Disneyland felt... unreal.
"Amor! Bilis!" Sigaw ni Hana habang hinihila si Lara papunta sa next ride.
"Wait lang!" Sagot ni Lara, pero halata pa rin na mas focused siya sa paghawak kay Collie.
"Hindi ako mawawala," Deadpan na sabi ni Collie habang hawak ang ice cream niya.
"Hindi 'yon ang point!" Depensa ni Lara.
Sa kanya kasi kinatiwala ni Margaret si Collie. Ang sabi pa niya willing to pay siya kahit magkano. Tumanggi si Lara sa bayad kasi libre nga raw punta niya at hotel, tas maniningil pa siya.
Napaisip ako. Marunong pala mahiya ang gaga. Napangiti ako habang pinapanood sila.
Si Callie, nasa kabilang side, tahimik lang pero halatang aliw na aliw sa kanila.
"Let's split up," Biglang sabi ni Miss Margaret. "Mas mabilis kung magkakahiwalay tayo since some of us ayaw ng same rides. Meet na lang later for the parade."
"YES!" Agad na sagot ni Hana. "Lara, Collie, Callie tara!"
"Wait-ha?" Naguluhan si Lara, pero nahila na siya.
"Don't lose the kids," Pahabol ni Miss Margaret.
"I'm not the one who gets lost," Sagot ni Collie, sabay tingin sa akin.
"Teka, pano ako?" Sigaw ko.
"Bantayan mo yung nanay baka maunahan ka-este, si Miss Walls. Samahan mo, kami na bahala sa kambal!" Sigaw ni Lara pabalik.
At nawala na sila sa crowd.
Napakamot ako sa ulo at dahan-dahan napatingin kay Miss Walls. Biglang... tahimik. Buti nalang nandidito pa si Margaret. Hindi awkward.
"Maghahanap lang ako ng coffee," Sabi ni Margaret. "You two can walk around."
Then... umalis siya. Umalis, iniwan kaming dalawa. Napakagat labi ako.
"Uh... saan po tayo?" Tanong ko.
She didn't answer agad.
Tumingin lang siya sa paligid sa mga tao, sa mga ilaw, sa mga batang tumatawa.
Then finally-
"Somewhere quieter," She said. Maikli simple very her.
Tumango na lang ako at sumunod.
Naglakad kami palayo sa main crowd, palayo sa ingay, sa rides, sa sigawan.
Hanggang sa makarating kami sa isang maliit na garden area. May bench. May ilaw na hindi masyadong maliwanag. May konting hangin. Tahimik. Comfortable. Pero at the same time nakakakaba.
Pagkarating namin dito sa Hongkong, agad na dito ang gustong pumuntahan ng mga bata since maaga pa kanina. Pinagpahinga muna kami sa hotel, at mas maganda rin kasi pag gabi, feeling ko mas buhay na buhay ang Disneyland, at di nga ako nagkakamali.
Umupo siya. Nagdalawang-isip ako saglit bago umupo sa tabi niya. Hindi sobrang lapit. Hindi rin sobrang layo, Sakto lang.
"Enjoying?" Tanong niya. Lumingon ako at napatingin ng kunti.
"..Yes," Sagot ko. "Medyo overwhelming lang."
"Hmm."
Tumango siya ng konti. Then silence.
Pero hindi siya awkward.
Parang... hinihintay lang namin kung sino ang unang magsasalita.
"Ang saya po ng kambal no," Sabi ko.
Napatingin siya sa akin.
"Especially Collie," Dagdag ko, napangiti ng kunti. "I want to see her more like this."
"You really love her, aren't you?" She asked.
Napatawa ako ng mahina. "I do love them both. I don't know, pero unang meet palang po namin, ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanila."
She looked at me for a second longer than usual. Then-
"She's not used to people staying."
Napatigil ako.
"Hmm."
"I make sure to make her feel that I'm one of the people who stay," Dahan-dahan kong sabi. Hindi siya sumagot agad.
"Don't drop a promise if you're just gonna break it in the future," Seryoso niyang sabi. Napabuntong-hininga ako.
"Then let me show you, Emery," Sabi ko, diretso ang tingin sa mga mata niya.
Ilang segundo lang at umiwas siya ng tingin. Hindi niya tinutulan ang sinabi ko. And somehow that felt like agreement.
Huminga ako ng malalim. Ito na siguro.
"Emery..." Tawag ko sa pangalan niya.
Napatingin siya sa akin.
Focus, Amor.
"I meant what I said last time," Dagdag ko. "About... getting to know you."
Hindi ako umiwas ng tingin kahit gusto ko.
"I'm not rushing anything," Sabi ko pa. "I just... want a chance."
Tahimik siya. Naririnig ko na yung tibok ng puso ko kahit may ingay mula sa malayo.
"Why?" She asked directly.
Napalunok ako.
"Because I see you," Sagot ko.
"Not just as their mother. Not just... who people think you are."
Huminga ako ng malalim.
"You're strong, yes. But also... tired sometimes. People think you're heartless."
Napatingin siya sa malayo. Hindi sa akin.
"And I don't want to be one of those people," I said. "I want to understand you to know how you feel, to see the real you, and to take care of you and the kids. I don’t know when it started, but every time I see you, I feel happy, satisfied, and full of love.
Tahimik lang siya. Pero this time hindi na ako natatakot. Kasi kahit hindi siya nagsasalita, hindi rin siya umalis at nagalit.
Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko. Napatingin ako. Hindi siya tumingin sa akin. Pero hawak niya hindi mahigpit pero parang ayaw nyang mabitawan.
"I don't do things halfway," Sabi niya.
Mahina pero malinaw. Napangiti ako ng konti.
"I know."
Humigpit ng konti yung hawak niya.
"For now," Dagdag niya, "This is enough."
Napabuntong-hininga ako. Hindi dahil sa disappointment, kundi dahil para sa akin... it was more than enough.
"Okay," Sagot ko.
"I'm scared," Sabi niya halos pabulong.
"It's okay to be scared. I'm scared too," Sabi ko sabay ngumiti.
"But you're here trying," Sabi niya.
"I took a lot of courage. Kung di pa nag-first move sila Collie, di ko susubukan ulit," Sabi ko.
"Yeah right, she's your number one supporter," She said smiling.
"Yeah," Sabi ko.
Tahimik ulit pero this time mas magaan at mas totoo.
Sa malayo naririnig yung ingay ng park.
Yung tawanan.
Yung sigawan.
Yung mundo na puno ng kulay.
Pero dito sa maliit na space na 'to, parang kami lang. At kahit hindi pa malinaw kung saan kami papunta, at least sabay namin siyang tatahakin.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakaupo doon. Hindi ko na rin chineck.
Basta ang alam ko magaan sa pakiramdam. At sa totoo lang hindi ko na gustong umalis.
Nag-usap-usap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay, at masasabi kong unti-unti na kaming nagiging komportable sa isa't isa habang naglalakad kami.
"Hello! Hello!"
Napalingon kami pareho. May isang lalaki-may hawak na camera, naka-uniform ng park photographers at halatang lokal sya dito.
Ngumiti siya sa amin.
"You want picture? Picture, yes? Very nice, very memory!" He said.
Napangiti ako.
Guys, wag kayong ano jan, I understand him, English is so difficult. Right to the left.
"Ah-"
"Picture picture!" Dagdag niya, mas enthusiastic. Napatingin ako kay Miss Walls. Then sa kanya ulit.
"Ah... pwede po," Tanong ko kay Miss Walls.
Hindi siya tumutol. So... pumayag.
Tumayo kami. Medyo nag-adjust ako ng ayos hindi ko alam kung gaano kalapit ang dapat.
"Closer, closer!" Sabi nung photographer, ginagalaw ang kamay niya para sabihing lumapit pa kami sa isa't isa.
Napatingin ako kay Miss Walls. She didn't say anything. Pero lumapit siya konti. Enough para maramdaman ko yung kakaibang feeling.
"Good, good!" Sabi nung lalaki. "You two... sisters?"
Napatigil ako at napatingin kay Miss Walls. She answered first.
"No." Diretso at walang hesitation niyang sabi.
Tahimik saglit at hindi ko alam kung anong sumanib sa akin pero bigla akong nagsalita.
"My wife."
Ano?!
Nanlaki mata ko.
ANO 'YON AMOR?!
Napatingin ako kay Miss Walls. Dahan-dahan at ready na akong mapagalitan. Pero hindi siya galit.
Hindi rin siya nagulat. She just looked at me. Then-
Bahagyang tumaas yung dalawang kilay niya.
"Oh?" Sabi niya, mahina sapat lang para marinig ko.
Patay.
"Ah-hindi-wait-"
CLICK!
Nag-flash yung camera.
"Very good!" Sabi nung photographer, walang idea sa nangyayari. "So sweet! Wife, very beautiful!"
Gusto ko nang maglaho.
"Asan ka lupa... please kainin muna ako," Bulong ko sa sarili ko.
"Okay, next pose!" Sabi pa nung lalaki.
Pero hindi na ako gumalaw. Hindi ko na kaya.
"Okay, okay!" Sabi niya, sabay abot ng printed photo. Agad kong binayaran.
"Ah-okay okay!" Mabilis kong sabi. "Thank you!"
"Happy couple!" Dagdag pa niya bago umalis.
Tahimik nanaman kami. Sobrang tahimik. Hindi ako makatingin kay
Miss Walls.
"Mis-I mean Emery, I-"
"Let's go."
Napatingin ako sa kanya. Lumayo na siya at nauna na siyang maglakad.
"Ha?"
"Let's find them," Dagdag niya.
Then huminto siya at tumingin sa akin.
Diretso.
"Let's go, Wife," Sabi niya sabay ngisi.
"EMERY!" Bulalas ko.
Pero naglakad na siya ulit-parang wala lang. Parang hindi niya ako inaasar.
"Wait-teka lang-" Sigaw ko pero hindi ako pinansin. Sumunod agad ako at ramdam ko mainit na mainit na ang mukha ko.
"Hindi ko sinasadya 'yon!" Depensa ko habang naglalakad kami.
"Hmm."
"Napadulas lang talaga sa bunganga ko!"
"Hmm."
"Promise!"
Huminto siya napaharap ako sa kanya.
Tahimik lang siya. Then-
"Let's go," Sabi niya ulit. Sabay lakad
hindi ako gumalaw
"...Wife," Dagdag niya, mahina at rinig kong may maliit na hagikgik.
"AHH-!" Daing ko, tinakpan ko mukha ko.
"Wait lang!" Sigaw ko habang hinahabol siya. "Wife-I mean-Miss Walls-Emery-celes don't leave me!"
Narinig ko yung mahinang tawa niya.
Mahina pero totoo at doon ko narealize
hindi lang ako yung nagbago.
Siya rin.
Hindi ko na alam kung paano ako nakasurvive sa "wife" incident.
Actually hindi pa ako nakaka-recover.
Naglalakad kami ni Miss Walls pabalik sa main area ng park, pero hanggang ngayon...
"..Wife."
"EMERY!" Agad kong sagot, halos pabulong pero gigil.
She didn't even look at me.
"Hmm?"
Parang wala lang. Parang hindi niya ako binubully.
Napahawak ako sa noo ko. "Please lang..."
Wala siyang sagot pero may maliit na ngiti sa labi niya.
Ginagamit niya na laban sa akin parang si Collie may pinag manahan nga yung batang yun.
BOOM!
Napatingin ako sa langit.
The fireworks started.
Nagliwanag ang buong paligid-kulay gold, purple, blue-parang biglang naging panaginip yung buong park.
"Ah..."
Napahinto ako, ang ganda. Sobrang ganda. Unti-unting nagsitigil ang mga tao sa paligid. Lahat nakatingala. Huminto rin si Miss Walls. Magkatabi kami.
Sa liwanag ng fireworks, kita ko yung side ng mukha niya-mas soft, mas... hindi kasing cold ng dati. Malayo sa dating siya.
"Beautiful," Mahina kong sabi. Hindi ko alam kung para sa fireworks o para sa kanya.
"Hmm," Sagot niya.
Biglang may malakas na putok sa taas.
Napasinghap ako ng konti at hindi ko namalayang nahawakan ko ang kamay niya.
Napatingin ako agad at aalisin ko na sana pero hindi niya binitawan.
Sa halip, mas hinigpitan pa niya. Napatingin ako sa kanya.
Hindi siya tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa fireworks.
Pero ramdam ko na alam niya. Alam niya na hawak ko siya.
At hindi niya pinipigilan. Kahit maingay ang paligid, rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Emery..." Mahina kong sabi. Halos mawala sa ingay ng fireworks.
"...Hmm?"
Hindi siya lumingon.
"Are you... okay with this?" Tanong ko.
Hindi ko nilinaw kung ano yung 'this,'
Pero alam kong alam niya.
Yung kamay.
Yung moment.
Yung... kami.
Ilang segundo. Walang sagot.
Then dahan-dahan niyang hinaplos yung likod ng kamay ko gamit yung thumb niya.
"I didn't let go," Sabi niya. Tama lang para marinig ko. Hindi ako nakapagsalita. Kasi-
That was her answer.
Napangiti ako. Dahan-dahan.
Habang patuloy ang fireworks sa taas
at habang hawak ko siya, hindi ko na gustong matapos yung moment pero syempre lahat may katapusan.
Hanggang sa unti-unting nawawala
ang ingay ng fireworks.
"AY-!"
Biglang may sumigaw. Napabitaw ako agad pareho kaming napalingon. At doon-nakatayo sina Lara at Hana. Parehong nakatingin sa amin. Parehong naka-nganga.
"...Wow," Sabi ni Hana.
"Wow," Ulit ni Lara.
Halos hindi marinig pero halata sa kung pano bumukas ang bunganga nila.
Patay.
"Hindi ko alam na may sariling fireworks kayo dito," Dagdag ni Hana.
"Mas maganda pa sa show literal na pasabog tehh," Singit ni Lara.
"HOY-!" Agad kong sagot, ramdam ko na namang umiinit mukha ko.
"Hindi-wala-"
"Kanina pa kayo?" Tanong ko, medyo defensive.
"Enough," Sabi ni Lara.
"Enough to know," Dagdag ni Hana.
Nagkatinginan sila. Then sabay silang ngumiti.
Yung ngiting alam na nating lahat
Napatingin ako kay Miss Walls.
She looked... calm. Too calm.
Then-tumingin siya kina Lara at Hana.
"Where are the others?" she asked. Her tone was calm and normal, as if nothing had happened.
"Ah-nasa may food stalls po," Sagot ni Hana, pero halatang pinipigilan tumawa.
"Collie is looking for you Miss," Dagdag ni Lara. Then tumingin siya sa akin. Ngumiti.
"Oh, and by the way..."
Huminto siya saglit.
"..Congrats."
"LARA!"
Natawa si Hana.
"Finally binata na sya," Dagdag pa niya.
"ANO BA-!"
Hindi ko na alam kung saan ako titingin.
Sa kanila? Kay Miss Walls? Sa langit?
Sa lupa? Sa buhay ko?
Biglang naglakad si Miss Walls.
"Let's go."
Parang wala lang ulit. Pero habang dumadaan siya sa tabi ko, may mahina siyang sinabi:
"Keep up Wife."
Then naglakad siya nauna na.
Iniwan ako doon. Kasama tong
dalawang demonyo.
"..Grabe ka," Sabi ni Hana.
"Proud kami," Dagdag ni Lara.
"Tumahimik kayo!" Sagot ko habang hinahabol si Miss Walls.
"Wait lang-!"
Narinig ko pa yung tawa nila sa likod.
At habang naglalakad ako papunta sa kanya, hindi ko napigilang mapangiti. Kasi kahit nahuli kami, kahit inaasar
ako, at kahit magulo-isa lang yung malinaw. Hindi na ako nag-iisa sa nararamdaman ko.
Kung may award sa pinaka-awkward na lakad pabalik, panalo na ako.
Sa harap-si Miss Walls.
Sa likod-
"Ano ba, bagalan mo!" Bulong ni Hana habang tinatawanan ako.
"Hindi ako makahinga," Dagdag ni Lara.
"Tumahimik kayo," Sagot ko, pero halatang hindi convincing.
"Uy, hold my hand baka mawala ako," Pabulong ni Lara habang tumatawa.
"LARA," Banta ko.
Natawa si Hana.
"Okay na, sorry," Dagdag niya, pero mas lalo lang akong nahihiya.
Lord, kunin niyo na po ako.
Pagdating namin sa food stalls, nandoon na sila. Si Collie, nakaupo habang kumakain ng fries. Si Callie, tahimik lang sa tabi niya. At si Miss Margaret, naka-cross arms, parang naghihintay.
"Finally," Sabi niya. "Akala ko nawala na kayo."
Napatingin ako kay Miss Walls.
"Crowded," Sagot niya. Simple, at walang bakas ng kahit anong... fireworks moment.
"Sit," Sabi ni Margaret.
Umupo kami. Of course, katabi ko si Miss Walls. Of course, Hindi ko alam kung blessing ba 'to o pagsubok.
"Anong ginawa niyo?" Tanong ni Margaret habang umiinom. Tahimik lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Nothing much," Sagot ni Miss Walls.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako
sanay na tawagin siya sa pangalan niya.
"Just walked around."
Napatingin sa akin si Lara, Then kay Hana, Then ngumiti sila at sigurado ako hindi na naman 'to maganda.
"Miss Margaret," Biglang sabi ni Hana, casual na casual.
"Hmm?"
"Alam mo ba..." Dagdag niya, parang mag tropa na nagkukwentohan lang sa kanto.
Napahigpit ang hawak ko sa spoon.
"..May mga tao talaga na biglang nagiging close sa isang trip lang."
Napatingin ako sa kanya.
Hana...
"Really?" Tanong ni Margaret, interested.
"Mm-hmm," Sagot ni Lara, sumasabay. "Yung tipong... from 'getting to know'..."
Huminto siya, tumingin sa akin at ngumiti.
"...To something else."
Nabulunan ako.
"Ahem-!"
"Are you okay?" Tanong ni Miss Walls, calm lang, inaabot yung tubig ko.
"Opo-yes-I'm fine-" Sagot ko, halos hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Narinig ko yung mahinang tawa ni Collie.
Pagtingin ko, nakatitig siya sa akin.
Then sa kamay namin ni Miss Walls na magkalapit sa table. Then tinaas niya kilay niya.
"Continue," Sabi ni Margaret kina Hana at Lara.
"Wala naman po," Sabi ni Hana, inosente kunwari. "Observation lang, ang sweet po ng moment."
"Yeah," Dagdag ni Lara. "Lalo na pag... may fireworks na involved. Ang ganda ng moment."
Napahinto ako, Dahan-dahan kong inilapag yung baso ko.
Patay.
"The fireworks earlier?" Ulit ni Miss Margaret.
"Yes po," Sagot ni Lara. "Very... bright."
"Memorable," Dagdag ni Hana. Napatingin ako sa kanila. Papaluin ko talaga kayong dalawa mamaya.
"Sounds like a good moment. We saw it too, right kids?" Sabi ni Miss Margaret. Tumango naman ang dalawang bata habang naka-ngiti.
"It was," Sagot ni Hana. Then tumingin siya sa akin.
"...For some people," Dagdag niya. Napaiwas ako ng tingin at nag-focus sa plato.
Kung pwede lang pumasok sa ilalim ng mesa, ginawa ko na. Then-
"Amor."
Napatingin ako kay Margaret.
"Yes po?"
"Did you enjoy the fireworks?" Tanong niya. normal lang ang pagkaka sabi niya pero parang may hidden meaning. Napatingin ako kay Miss Walls.
Saglit lang. Then-
"Yes po," Sagot ko, mahina pero totoo.
"I did," Dagdag ko sabay yuko. Hindi ko magawang tumingin sa kanila, nahihiya ako.
Tahimik ulit. Pero this time may konting ngiti si Miss Margaret. Parang... may alam siya.
Ayoko na talaga.
Biglang nagsalita si collie
"Mom," Singit na tawag ni Collie kay Margaret. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yes?"
"Can we have dessert?"
Straight to the point.
"Of course," Sagot niya.
"Thank you," Sabi ni Collie.
Then tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Celebration."
"COLLIE-!"
"You too" Tanong ni Margaret kina Hana at Lara.
"No need na po, sobrang tamis na nung nakita namin kanina," Sabi ni Lara.
Natawa si Hana halos hindi na makahinga kakatawa. Si Callie, napailing na lang. At si Miss Walls, tahimik lang.
Pero nung napatingin ako sa kanya, may maliit na ngiti ulit sa labi niya.
Hindi halata pero nandoon.
At kahit gusto kong magtago, hindi
ko napigilang ngumiti na rin.
Matapos naman gumala sumakay, bumalik narin kami sa hotel at ngayon nandito kaming dalawa ni Lara sa kwarto si Hana lumabas.
Gusto ni Miss Walls tag-iisa kami pero tumanggi kami.
Akala ko tapos na. Akala ko makakatulog na kami. Akala ko lang pala.
"Lights off," Sabi ko habang humihiga.
Pinatay ni Lara yung ilaw.
Payapa na, ready to sleep na kami ng may-
Tok tok tok.
"Dude!" Sigaw ng kung sino sa labas.
Napadilat ako.
"Hmm?"
"Are you still awake?!" Boses ni Collie.
"..Yes," Sigaw ko pabalik.
"Good."
Bumukas ang pinto. Biglang bumukas rin ang ilaw.
"COLLIE?!" Reklamo ko. Nakatayo siya sa kama hawak yung unan at stuff toy niya.
Sa tabi niya, si Callie-kalma lang, pero halatang kasabwat. Kasama nila si Hana.
"Emergency meeting," Sabi ni Collie.
"ANONG EMERGENCY-"
"Relationship update," Sabi ni Callie. Napabangon rin si Lara at lumapit sa kama ko.
Gusto ko na lang maging hangin.
"NO," Agad kong sagot.
"Yes," Sagot niya.
"Collie, matulog na tayo-"
"Sit."
"Hindi ako aso-"
"Sit."
Napaupo ako.
Teka bakit ako sumusunod?!
Si Hana at Lara naka-ngiti lang.
"So, what's the tea?" Sabi ni Lara.
"Faster kids," dagdag niya.
Si Callie, naka-cross arms lang.
Parang judge.
"Okay," Sabi ni Collie. "We have questions."
"Wala kayong makukuhang sagot ko," Sabi ko.
"We already have answers," Sabi ni Callie. Mas lalo akong kinabahan.
Natawa si Lara at Hana.
"First question," Sabi ni Collie. "Did you hold hands?"
"NO-"
"Yes," Sabat ni Hana.
Napatingin ako sa kanya.
"Traitor."
"SA totoo lang," Sagot niya.
"Second," Sabi ni Collie. "Who started it?"
"Hindi 'to interrogation-"
"Answer."
"Ako, accidentally!" Napilitan kong sagot.
"Suspicious," Sabi ni Callie.
"Bakit suspicious?!" Bulalas ko.
"Because you said 'Accidentally,'" Sagot ni Hana. "Which means you did it on purpose. You can't do such a thing accidentally."
"Wow ang galing mo Englisher," Sabi ni Lara.
"Oo naman, ako lang to magaling magbasa." Sabi nya
"Another thing," Dagdag niya tas tumingin kay Collie.
"Collie ano kasunod nun?" Tanong niya habang tinititigan niya ang kamay niya. Pag silip ko, may script at parang nabura yung ibang words.
"You like her," Sabi ni Callie.
"GRABE NAMAN LOGIC-" Sabi ko.
"Correct logic," Sabi ni Collie.
Nag-high five sila.
"STOP TEAMING UP!" Sigaw ko.
"Teamwork," Sabi ni Callie.
"Efficiency," Dagdag ni Collie.
Napahiga na lang ulit ako.
"Lord, bakit ganito buhay ko..."
"Third question," Sabi ni Collie.
"Wala nang third-"
"Did you mean it?"
"Mean what?" Tanong ko, mahina.
Tumingin siya sa akin. Diretso.
"That you willing to know mommy?" Tanong niya.
"COLLIE MATULOG KA NA!" Sabi ko, at ramdam ko ang subrang init ng mukha ko.
Sumabog sa tawa sina Hana at Lara, naikwento ko kasi sa kanila yung gabing yun.
"HAHAHAHA!" Halos gumulong si Lara.
"Hindi ko na kaya," Sabi ni Hana.
"Fine, yes. And the holding hands happened pero accidentally talaga."
Si Callie, tumingin lang sa akin. Then-
"Too fast."
"ANO?!" Napaupo ako.
"Too fast, fast move," Ulit niya. "But not wrong."
Excuse me??
"Callie!" Sabi ko. "Ikaw pa talaga-"
"She didn't deny," Sabi ni Collie.
Napatingin ako sa kanya.
"Sino?"
"You po," Sabay nilang sagot.
Napatigil ako.
.Wait.
"Actually," Dagdag ni Callie, "she accepted."
"WHEN?!" Sigaw ko.
"Fireworks," Sabi ni Collie.
"Dinner," Dagdag ni Callie.
"Pattern," Sabay nilang sabi.
So sinabi ng dalawang demonyo. Tinignan ko sila sabay irap.
"PATTERN PA TALAGA?!" Napahawak ako sa ulo ko.
"Conclusion," Sabi ni Collie.
"Approved," Dagdag ni Callie.
"STOP APPROVING MY LOVE LIFE!"
Natawa si Hana.
"Hindi na kailangan ng approval, obvious na eh," Sabi niya.
"True," Dagdag ni Lara.
Napa-buntong hininga ako. Tinakpan ko mukha ko ng unan.
"Mawawala ako. Goodbye."
Biglang may humila ng unan ko. Si Collie.
"Not yet," Sabi niya.
"Ano pa?!" Reklamo ko. Tumingin siya sa akin. Then ngumiti.
"Practice."
"Ha?"
"Say it."
"No."
"Say it."
"NO."
"Say it," Sabat ni Callie.
"NO TALAGA-"
"Say 'My love,'" Sabi ni Callie.
"CALLIE!"
"Confidence training for the future call sign," Dagdag ni Callie.
"Public speaking," Sabi ni Collie.
"YOU TWO ARE SEVEN!" Paalala ko.
"And yet," Sabi niya, "We're helping you."
Natawa si Lara at Hana.
Kaya siguro sinabi nila sa kambal para hindi ko sila asarin sa mga ganap sa love life nila.
"Amor, go na," Asar niya.
"Practice lang naman," Dagdag ni Hana.
"Hindi ako magpa-practice sa inyo!"
"Coward," Sabi ni Lara. Napatingin ako sa kanya.
"Excuse me?"
"Coward," Ulit niya.
"No."
"Prove it," Sabi ni Collie. Tahimik silang lahat at nakatingin sa akin.
Ayoko na.
"Fine, but after this sleep na kayo." Sabi ko.
"Louder po please," Sabi ni Collie.
"Hindi ka teacher ko-"
"Louder." Si Callie. Napabuntong-hininga ako. Then-
"My love."
Tahimik. Isang segundo. Dalawa. Then-
SUMABOG SILA.
"HAHAHAHAHAHA!"
"EHEHEHEHEH!"
"CUTE HAAAHAHAHAAA!"
"AKHAHA AKHAHA
Tawanan nila.
"AY ANG SOFT!" Sigaw ni Lara.
Si Collie, tumingin lang sa akin. Then tinaas ang isang kilay niya.
"Better."
Si Callie, tumango.
"Acceptable."
Napahiga ako ulit.
"Okay, tapos na. Matutulog na ako."
"Can we sleep here?" Pahabol na tanong ni Collie. Tumango lang ako at umayos na.
"Wait may naiisip ako," Sabi ni Lara. Hindi ko pa natatanong, inilapit niya na ang kama niya at kumuha ng tali at tinali ang mga pa ng kama para daw hindi maghiwalay.
"Yan para tabi-tabi tayo," Sabi niya. Ginaya rin siya ni Hana kaya naging isang malaking kama ang hinihigaan namin. Sabay pinatay na nila ang ilaw.
"Good night, dude. Good night everyone."
Boses ni Collie.
"Good night," Sabi ni Callie.
"Night night," Sabi ni Hana.
"Mighty," Sabi ni Lara.
"Good night... future mommy," Dagdag ni Callie.
"CALLIE-!"
Tawanan ulit sa buong kwarto. At kahit gusto ko na silang itapon sa labas, hindi ko na rin napigilang ngumiti sa dilim.