CHAPTER 24 Happy Regrets
Lara POV
Nagising ako.
Hindi dahil sa alarm.
Hindi dahil sa liwanag.
At lalong hindi dahil sa responsibilidad ko bilang isang matinong tao.
Nagising ako dahil… may umutot sa subrang baho parang ang lapit lang
nito mukha ko.
Oo. Tama ang nabasa n'yo.
Nanlaki ang mata ko habang nakatitig sa kisame. Tahimik ang paligid, pero ang kaluluwa ko, hindi na. Owgag parang gusto na niyang lumipat ng katawan.
“Grabe…” Bulong ko, dahan-dahang bumangon.
Paglingon ko sa side nasa tabi ko si Hana. Halos mahulog na sa kama, kalahati ng katawan niya nakabitin na parang isang maling galaw lang, goodbye kama na siya at kaya pala amoy Paa rin kanina nakabaliktad sya.
“Hana…” Mahina kong tawag. Walang response. Tulog na tulog, parang walang pakialam sa gravity.
Napabuntong-hininga ako at hinila siya pabalik sa kama. “Isang dangkal na lang, magiging floor decoration ka na,” Bulong ko.
Next.
Si Callie.
…Hindi ko alam kung paano ko ‘to i-eexplain.
Malaki ang kama. Malaki talaga.
Pero somehow… siya ang sumakop ng 80%. Nakadiagonal siya. Spread-eagle. Parang siya ang may-ari ng tatlong kama na pinag sama sama namin. At ang paa niya? Nasa likod ni Amor.
Oo. As in casually nakapatong, parang armrest.
“Wow,” Bulong ko. “May sariling footrest ang lola mo.”
Si Amor naman, himbing na himbing ang tulog. Hindi man lang gumalaw parang subrang sanay na, umiling ako.
"Strong ka diyan, girl," Sabi ko.
Sabagay, ikaw ba naman boss mo ang nanay nila na parang dragon na pinaglihi sa sama ng loob, na kasing lahi ni Elsa tipong kahit Baguio City mahihiya sa coldness nya.
Yang mga anak naman niyang parang Minions, na may ugaling 'Inside Out' napaka bipolar pero
kasing talino ni Tito Einstein.
Minsan
talaga napapaisip nalang ako, buti nakakayanan ni Amor.
Samantalang
ako, pag nakakaaway ko sila, napapaisip nalang ako kung saan ako lulugar.
Bigla akong napakunot-noo.
“Sandali… nasaan si Collie?”
Tumingin ako sa paligid. Wala sa magkabilang gilid, wala sa paanan ng kama—
Prrt.
Tumigil ang mundo. Dahan-dahan kong nilingon ang uluhan ko. At doon ko siya nakita.
Si Collie.
Nakadapa. Nakapwesto sa ulunan ko.
At, hindi ko alam kung paano nangyari pero ginawa ko siyang unan.
Napatingin ako sa kisame ulit.
“So… all this time…” Bulong ko, “Nakasandal ako sa source?”
Parang gusto kong umiyak.
At parang naramdaman ni Collie ang presence ko, kasi gumalaw siya ng konti—
Prrrt.
“YAK!” Napasigaw ako sabay atras.
Biglang napa-ubo ako na parang nalason. “Collie! Ano ba ‘yan?! Biological weapon ka ba?!”
Wala lang syang pake tulog pa rin. Peaceful na parang walang kasalanan
sa mundo.
“Hindi na ‘to normal,” Sabi ko habang pinapaypayan ang mukha ko gamit ang unan. “Violation na ‘to ng human rights.”
Napahawak ako sa noo ko.
Ito ba ang buhay na pinili ko?
Hindi. Ito ang buhay na ibinigay sa’kin.
Huminga ako nang malalim, ang masasabi ko lang ayy maling desisyon.
“NOPE,” Mabilis kong sabi. “Hindi ako mamamatay dito.”
Tumayo ako sa kama at tinapik si Collie gamit ang Paa ko. “Gising! Gumising ka diyan, walking septic tank!”
“Mm… five minutes po…” Bulong niya.
“NO! Wala kang five minutes! May limang seconds ka nalang bago kita ibalibag sa bintana!” It sounds brutal pero yung utot nya torture.
Sunod kong ginising si Callie, tinanggal ang paa niya kay Amor pero binalik nya.
“Hoy! Hindi ‘yan unan, tao ‘yan!” Sabi ko.
“Its comfy…” Sabi niya, hindi pa rin nag mumulat ng mata.
“Hindi ka prinsesa!” Sagot ko.
Si Amor, ginising ko rin. “Wake up! Ginagamit ka na as furniture!”
Napamulat siya agad. “Ha? Ano? Saan?!” Gulat na gulat yarn.
“Tingnan mo likod mo,” Sabi ko.
Paglingon niya, nakasabit pa rin ng
konti ang paa ni Callie.
“…Sanay na ako,” Sabi niya, tapos itinago ang ulo sa unan.
“AMOR!” Sigaw ko. Ayaw talaga kaya ginising ko na si Hana.
“Hana, gising. Bago ka pa mahulog ulit sa kabilang dimension.”
Napamulat siya, sabay hawak sa ulo. “Bakit parang rollercoaster panaginip ko…”
“Hindi ‘yan panaginip. Buhay mo ‘yan,” Sagot ko.
Ilang segundong katahimikan.
Tapos sabay-sabay silang nag-react—
“Ang baho.”
“May umutot?”
“Sino ‘yun?!”
“Hindi ako!”
“Collie, ikaw na naman!”
Napaupo si Collie, sabay kamot sa ulo. “Huh? Anong meron?”
Tinuro ko siya. “Ikaw. Ikaw ang meron.”
“Toxic ka,” Dagdag ko.
“I know,” Sagot niya sabay ngiti.
Napahawak ako sa ulo ko.
“Okay. Enough. Lahat kayo bangon! Maligo, maghilamos, magdasal, gumawa ng paraan para maging presentable kayo sa lipunan!”
“Five minutes…” Sabay-sabay nilang sabi.
“NO!”
Tumayo ako sa gitna ng kama, parang general.
“THIS IS NOT A DRILL. THIS IS A HYGIENE EMERGENCY.”
Napatawa si Hana.
Napailing si Amor.
Napangiti si Callie.
At si Collie?
Prrt.
“COLLIE!!!”
Nag taas siya ng isang kamay.
"Permission to poop po," Sabi nya sabay takbo sa comfort room.
Few minutes had passed.
After surviving what I now officially call The Great Gas Incident, we somehow managed to look… presentable.
“Hindi ko alam kung paano tayo naka-survive,” Bulong ko habang naglalakad kami papunta sa hotel restaurant.
“Strength po,” Sabi ni Collie.
“Delusion,” Sagot ko agad. Strength ka jan, kung may malakas man, utot mo yun.
Si Amor tahimik, nag-aayos ng buhok.
Si Hana relaxed lang.
Si Callie? Wala lang.
Napalingon ulit ako kay Tiyanak.
“Hoy tiyanak, wala pa tayo sa restaurant,” Sabi ko. Pano ba naman mag-prapractice syang kumain.
Feeling ko talaga abnormal tong alaga ni Amor. Sabagay, parang sya lang din naman.
The teacher who’s teaching is the source of difficulty, wag nyo ako tanongin kung ano ibig sabihin ko dahil di rin ako sure.
“Preparation,” Sagot niya. “Warm-up po.”
“Hindi ‘to sports.”
Pagpasok namin sa restaurant, agad akong napatigil.
Nandoon na si Ms. Margaret at si Ms. Walls. Parehong nakaupong elegant, kalmado… girl, untouchable mafia boss yarn?
Si Miss. Margaret, mahinahong umiinom ng tsaa na parang bawat galaw niya may sariling soundtrack. Si Miss. Walls naman naka-upo, naka-cross arms, naka-sunglasses… kahit nasa loob. At parang sinasabing 'don’t talk to me'
kahit wala syang kausap.
“Bakit naka-sunglasses siya?” Bulong ko.
“Signature,” Sabi ni Hana.
“Intimidation,” Dagdag ni Amor.
“Threat,” sabi ko.
Sabay-sabay kaming tumingin sa kanila.
Sabay din silang tumingin sa amin.
“Late,” Sabi ni Miss Walls, pero hindi man lang inaalis ang sunglasses.
“Good morning din po,” Sagot ko, pilit na ngiti.
“You look… alive,” Sabi ni Ms. Margaret, may maliit na ngiti.
“Barely po,” Bulong ko.
“Sit,” Sabi ni Ms. Walls.
Umupo ang kambal, parehong may ngiti na parang may balak. Umupo na rin kami agad, napatingin ako sa tiyanak at ang tahimik niya. (Which is suspicious.)
“Eat a lot. Breakfast is important,” Sabi ni Ms. Margaret. “Especially for growing children.”
Agad napatingin si Ms. Walls sa kambal.
“Yes po miss,” Sabi ko. “Especially for two seven-year-olds who think they own the bed.”
“Technically, we do,” Bulong ni Callie.
Few seconds had passed.
Tahimik pa rin kami pagkatapos ng ‘technically, we do.’
Parang may invisible agreement na huwag muna magsalita.
Hanggang sa—
“Good morning. Are you ready to order?”
Napatingin kami lahat sa waiter.
Naka-uniform siya, very polished, very calm, parang sanay na sanay sa mga tourists na naguguluhan sa menu at mga batang mukhang may criminal record ng kagutom. He smiled politely, tablet in hand. The kind of smile that says I’ve seen worse tourists today.
Miss Margaret adjusted her cup like she had been waiting for this moment.
“I’ll have the set breakfast,” She said smoothly. “Coffee, no sugar. And toast on the side.”
Ms Walls didn’t even look at the menu.
“Same,” She said simply. “But black coffee.”
Of course she does.
“I’ll get the same set as well, thank you,” Sabi ni Hana. Huwow kala anak ng CEO.
“Same here,” Simpleng sabi ni Amor.
Callie raised her hand slightly. “Me too.”
Si Collie naman nag leaned forward like she was about to negotiate world peace.
ANG OA TALAGA NYA.
“I want pancakes. Extra syrup. And bacon. And orange juice. Cold.”
The waiter nodded calmly like this was normal..Then all eyes slowly turned to me.
I looked down at the menu.
It was not English. Or at least not the kind of English my brain agreed to cooperate with.
My eyes scanned again—bakit wala yung mga sinabi nila puro local food lang ang nandito.
May words like poached, continental, avocado toast, and something that looked like it had too many silent letters just to intimidate me.
I squinted.
“…Miss Walls,” I whispered. “Bakit parang lahat dito may PhD?”
Collie snorted.
“Just order, po.”
“I am ordering,” I said defensively. “I am just… reading aggressively.”
One word caught my attention: Egg.
Finally. Something I understand.
I pointed at it immediately. “Itlog nalang.”
The table went quiet for half a second. Then Collie burst out laughing.
“ITLOG LANG?! We flew to Hong Kong for egg only po?!”
“Hindi, ano—may choice pa ba?” I snapped. “Wala naman itlog with diploma dito.”
Ms Margaret tried to hide a smile behind her cup. Miss Walls, of course, did not move.
“Continue sir,” She said to the waiter.
When he left, Collie leaned back in her chair.
“Honestly, Tita Lara I think you’re the only person po who can survive war but not a menu.”
“War is easier,” Sabi ko.
“Sus di ka nga maka tagos sa war nyo ni Collie 9-3 na,” Sabi ni Hana
“Ahm Hana bukod sa guard sa office sino pa crush mo—” Di ko natapos sinasabi ko ng sinalaksakan nya ako ng panyo sa bunganga.
“Gutom lang yan,” Sabi nya.
Miss Margaret let out a small laugh at that. Miss Walls finally removed her sunglasses slightly just enough to look at us properly.
“This is going to be a long trip.”
We all went quiet for a second. Then—
Our food arrived.
And just like that, the war with the menu ended… only to begin again with actual plates.
Kumakain na kami at clink nalang ng utensils at higop ng tsaa ang maririnig. Napatingin ako sa paligid ko.
Then napansin ko—
Si Hana.
Tahimik siya, nakatingin kay Amor.
Hindi yung usual niyang tingin na may kasamang comment, its kakaiba. Mas malambot may maliit na ngiti sa labi niya.
Lumapit ako ng konti. “Anong meron?” bulong ko.
Hindi siya agad sumagot.
Nakatingin pa rin siya kay Amor at Miss Walls na kung paano nila sawayin ang kambal, kung paano nila bantayan, kung paano nila i-balance yung pagiging strict at pagiging… caring.
Then mahina siyang nagsalita—
“Finally…”
Napatingin ako sa kanya. “Ha?”
Ngumiti siya ng konti.
“Masaya lang ako,” Sabi niya.
Tumingin ulit siya kay Amor.
“Finally, she found her true happiness.”
Napatigil ako. Napatingin ako kay Amor. Sa paraan ng ngiti nya, ngiting ngayon ko lang nakita.
May kung anong bagay akong naramdaman, pero binaliwala ko. Besides, Amor deserves everything.
Nakaramdam ako ng tingin kaya napatingin ako sa kabilang gilid ko ang tiyanak pala.
“Do you want this po?” She’s offering her food. Tumango nalang ako. At baka mapagtripan nanaman ako. Ang dami nyang atraso sa akin kahapon.
FLASHBACK
“Don’t lose the kids.”
Simple lang yung sinabi ni Ms. Margaret.
Pero parang nakasalalay na buhay namin ni hana kasi ang “kids” na tinutukoy niya Si Collie at si Callie.…Seven years old.
Pero utak? Parang may sariling business na.
“LARA! Bilis!” Sigaw ni Hana habang hinihila ako.
“WAIT LANG—!” Sagot ko habang pilit hinahawakan si Collie sa kamay.
“Hindi po ako mawawala,” Deadpan na sabi ni Collie habang may hawak na ice cream.
Asus di na pwedeng mangyari yung nagyari sa mall patay kami ni Hana pagnagkataon
“Hindi ‘yon ang point!” Sagot ko.
“Anong point?” Tanong niya.
“Ako yung mawawala,” Sabi ko nalang para di sya makulit. Sa kabilang side, si Callie tahimik lang, naglalakad ng maayos.
“Stay close,” Sabi ko sa kanila. “Huwag kayong lalayo, okay?”
“Okay,” Sabay nilang sagot.
Huminto si Hana sa gitna ng walkway.
“Okay! Ride time!” Sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Roller coasters. Ferris wheel. Kids rides. Then—
“Tara po doon!” Turo ni Collie. Sinundan ko yung tingin niya.
Unang pinuntahan namin ay yung Tea Cups.
juice-colored, mahihilohin ako.
Pag-upo pa lang namin, may kutob na ako.
“Collie,” Sabi ko, “huwag mong iikot ‘yan.”
“Okay po,” Sagot niya. Sabay ngisi napapikit nalang ako.
Inikot niya agad.
“COLLIE—!”
Umiikot kami. Hindi lang basta ikot
FAST FORWARD IKOT.
“STOP—!”
“Ang saya po!” Sigaw niya.
Si Callie, tahimik… pero tinutulungan pa.
“CALLIE, BAKIT KA KASABWAT?!” Tanong ko, nahihilo na. Nag-kibit
balikat lang siya.
“Teamwork,” Sagot ni Collie.
“TEAMWORK SAAN?!” Tanong ko, malapit na masuka. Si Hana? Nasa tapat ko, naka-video pa.
“Nakakaaliw ‘to,” Sabi niya.
“DELETE THAT—!” Sabi ko habang ang isang kamay naka-kapit, ang isa naman nasa ulo na.
Patuloy lang sila. Pagkatapos—
Bumaba agad sila na parang walang nangyari. Ako naman, umiikot pa rin ang mundo ko. Pagbaba ko muntik pa akong matumba, buti nalang nasalo ako ni Hana.
“Hana, gumagalaw pa rin yung mundo…” Sabi ko, di ko na kaya.
Hindi pa ako nakaka-recover agad nang magsalita ulit si Collie “Next po please!”
“Hindi na, ikaw na lang,” Sabi ko pero wala parin akong nagawa, naghahanap nanaman sila.
Next is Bumper Car.
Habang naghihintay, nakita kong nag-handshake si Collie at Callie kaya
“Rules!” Sabi ko agad. “No intentional crashing.”
“Okay,” Sabi nila.
At nag-start nanaman kami.
BANG!
Diretso akong binangga ni Collie.
“COLLIE—!”
“Accident lang po,” Sabi niya. Sabay kindat.
BANG ulit. Si Callie naman, sniper mode. Tahimik pero precise. Binangga rin ako, kaya pala may pa-handshake sila kanina.
“WHY AM I THE ONLY TARGET?!” Tanong ko.
“Because you’re in charge,” Sabi ni Callie.
“SO YOU RESPECT ME BY ATTACKING ME?!”
“Correct.”
Si Hana, umiilag lang.
“Good luck,” Sabi niya.
“HELP ME!”
“No.”
Pagkatapos— Lumabas ako na parang na-bully.
“…Lord I need new kids,” Sabi ko sabay tingin sa taas.
Naghanap pa kami ng ibang rides hanggang sa napagod kami at bumalik na. Pagkabalik namin, nakita namin si Miss Margaret mag-isa.
“Mom, asan po sila mommy?” Tanong ni Collie.
“I think they went elsewhere,” Sabi niya.
“I’m hungry,” Dagdag niya. Sus, wala namang bago dun.
“Hanapin ko nalang po,” Sabi ko sabay hila kay Hana. Naghanap kami hanggang sa makarinig kami ng fireworks.
“Wow!” sabi ko. “Tara dun!” Aya ko kay Hana.
Naglakad kami papunta dun at nakita namin sila magkahawak-kamay.
Amor was looking at Miss Walls like she’s the only woman in this world—mga tingin na unang beses kong nakita.
Lumapit kami sa kanila at inaya na sila pabalik.
END OF FLASHBACK
After a while, the noise softened.
Hindi dahil tahimik na ang paligid
kundi dahil busog na kami.
“Finally,” Bulong ni Collie habang nakasandal sa chair niya, hawak ang tiyan.
Napailing si Miss Margaret, may maliit na ngiti pa rin. Si Miss Walls naman, tahimik lang ulit, pero hindi na ganun katigas ang aura niya.
“Since we're done,” biglang sabi ni Callie, tumayo agad sa upuan, “Mommy, can we go shopping po!”
Tumango si miss walls.
“YES!” Sabay-sabay nilang sigaw.
Napahawak ako sa ulo ko.
“Grabe kayo,” Sabi ko. “Hindi pa nga nagda-digest pagkain niyo.”
Lumabas na kami ng restaurant.
Pagkatingin ko sa gilid si Amor… kasama si Miss Walls, tahimik pero halatang masaya. At ako? Napahinto ako saglit.
Napatingin sa paligid.
Sa dami ng tao.
Sa ingay.
Sa ilaw.
“Pass muna ako,” Sabi ko.
Napalingon si Hana.
“Ha? Bakit?”
“Pagod lang,” Aagot ko, pilit casual. “Babalik na ako sa room natin.”
Tinitigan niya ako. Parang may gustong sabihin. Pero sa huli, tumango na lang siya.
“Sige. Text ka pag want mo humabol,” Sabi niya. Tumango lang ako at agad ng umalis.
Pagbalik ko sa room namin—
Tahimik.
Walang ingay.
Walang tawa.
Walang Collie na nagrereklamo.
Walang Hana na nang-aasar.
Walang… kahit ano.
Napabuntong-hininga ako habang hinuhubad yung sapatos ko, pagka tanggal diretso agad ako sa kama.
“Finally”
Pumikit ako. At halos makatulog na nang biglang nag-vibrate ang phone ko.
Napakunot noo ako.
Sino nanaman? Pagtingin ko—
Elena. Video call.
Napairap ako, pero sinagot ko pa rin.
Pag open ng call—
“Hola mamacita!” Bungad niya agad.
“Wow, miss mo agad ako?” Sagot ko, paos pa konti.
“Yak,” Sagot niya agad. “Kamusta kayo?”
Napahiga ako nang maayos sa kama, nakatingin sa kisame.
“We’re good,” Sagot ko.
“Talaga?” Taas-kilay niyang sabi. “Walang drama? Walang away?
Walang iyakan?”
“Disappointed ka?” Balik ko.
“Medyo.”
Napatawa ako nang mahina. Tahimik saglit. Tapos bigla siyang tumingin ng diretso sa camera.
“Eh ikaw?” Tanong niya. “How about your feelings?”
Natigilan ako ng konti. Pero saglit lang sabay napatawa ako.
“Loko.”
“Hoy, seryoso ako,” Depensa agad niya.
“Wala,” Sagot ko, umiling. “Okay lang.”
“Lara—”
“Okay nga,” Putol ko, ngumiti pa buti nalang hindi na siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako naparang may alam. Parang may nakikita siya na hindi ko sinasabi at doon Biglang hindi na ako makatawa ulit.
Tahimik kami pareho. Hanggang sa—
“Basta,” Sabi niya sa huli, mas mahina na, “Ingatan mo sarili mo.”
Napatingin ako sa kanya.
“Wow, biglang caring.”
“Once a year lang ‘yan, savor mo na.”
Napangiti ako ng konti.
“Ehh ikaw, Kaya pa ba?" I asked.
She didn't answer immediately, but I saw the way she sighed before forcing a small smile, and that alone gave me the answer.
But why "kaya pa ba?"
“I’m okay… still in the process, but yeah—I’m doing great now,” She said.
Napabuntong-hininga ako bago ngumiti ng maliit.
“That’s great,” Sagot ko, mas mahinahon na. “But always remember, nandito lang ako, ah… if you need someone to talk to.”
Tumango lang siya sa kabilang screen.
“I need to go,” Dagdag niya agad. “Marami pa akong gagawin sa simbahan. I just called to check on you, baka mamatay-matay ka na diyan dahil sa—”
“Shut up,” Putol ko.
Narinig ko siyang humagikgik.
At bago pa siya makapag salita ulit
Pinatay ko na yung tawag.
People think that I'm always spacing out, that I know nothing good, that I act childish, and that I'm always happy. No one asks if I'm okay or anything like that. But Elena is different – I think she knows me without asking anything.
Napahiga ulit ako sa kama, tinitigan ang kisame.
“Pag ‘tong babaeng ‘to…” Bulong ko, napailing.
Pero kahit ganun may maliit na ngiti pa rin sa labi ko. Kasi kahit gaano siya kakulit alam kong totoo yung sinabi niya. Na nandiyan lang siya. At sa dami ng bagay na hindi ko maintindihan ngayon
Kahit papaano may isang bagay na sigurado di ako nag iisa.
Bumalik ako sa pagkakahiga.
Tahimik ulit yung kwarto.
Pero this time hindi na siya peaceful.
Habang nakatitig ako sa kisame, unti-unting bumalik sa isip ko yung mga tanong niya. Yung simpleng “How about your feelings?” na tinawanan ko lang kanina.
Napapikit ako.
“Loko…” Bulong ko ulit, pero wala nang tawa.
Kasi ngayon ako na yung tinamaan.
Unti-unting, nagsimula akong magtanong sa sarili ko. Okay ba talaga ako? Or sanay lang akong sabihin na okay ako?
Napabuntong-hininga ako, hinila ko ang kumot na parang may gustong takpan pero hindi ko alam kung alin.
Yung katawan ko ba… o yung isip ko?
Kasi habang iniisip ko mas nagiging malinaw. Yung mga tingin.
Yung mga sandali na masyadong tumatagal. Yung mga bagay na hindi ko pinapansin noon… pero ngayon hindi ko na kayang i-ignore.
“Wala lang to,” Bulong ko, pilit dahil alam kong hindi siya convincing.
Hindi na tulad dati na kaya kong gawing biro lahat. Ngayon—
Bawat tanong, parang may hinuhukay.
Bawat sagot na iniiwasan ko, bumabalik din.
Bakit ako umalis kanina?
Bakit ako napagod agad?
Bakit mas gusto kong mapag-isa kaysa sumabay sa kanila? At bakit sa lahat ng tao siya pa rin yung naiisip ko?
Napapikit ako nang mas mariin.
Kasi alam ko na kung saan papunta ‘to.
At yun yung iniiwasan ko.
“Hindi pwede…” Bulong ko.
Pero hindi ko rin ma-explain kung bakit hindi pwede. Takot? Gulo? Or dahil alam kong once aminin ko, Hindi na ako makakabalik sa dati?
Huminga ako nang malalim.
Pero imbes na kumalma, Mas lalo lang bumigat. Kasi sa unang pagkakataon hindi na ako sigurado kung kaya ko
pang magsinungaling sa sarili ko.
At mas nakakatakot dahil baka hindi ko na rin gustong magsinungaling.
Napadilat ako tahimik walang sagot.
Pero punong-puno ng tanong.
At sa gitna nun Isang pangalan lang ang paulit-ulit na bumabalik at kahit anong pilit kong i-push palayo mas lalo lang siyang lumalapit.
“Grabe…” Bulong ko, sabay napatawa nang mahina.
Bago pumikit ang mata ko may isang bagay akong inamin.
Hindi sa iba.
Hindi sa kanya.
Kundi sa sarili ko.
Na baka… Hindi na talaga ako okay sa maraming tanong ng puso ko at bigla kong naalala lahat ng tanong ko almost 2 years ago.