CHAPTER 25 Bittersweet

Seraphine's POV:

Nasa airport na kami at tapos na ang maliligayang araw. Back to work and school na naman kami. At ito na maleta na hinihila Si Collie na nag-iingay kasabay si Hana ang gumugulo sa amin.

Pero sa gitna ng lahat ng ‘to…

Si Lara, tahimik.

Hindi siya tumitingin sa’kin. Ni isang beses. Kahit nung magkatabi kami sa upuan, parang may invisible wall sa pagitan namin.

“Lara—” I tried to call her, pero wala, walang pansin.

“Collie, hawakan mo yang toys mo,” She said instead, not even sparing me a glance.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ako sanay na ganyan siya. Hindi rin naman ako tanga para di mapansin at alam ko ‘tong action niya.

Tampo.

And I know exactly why.

Emery told me to stay na sa bahay nalang nila ako to extend my work full time. Sa una tumanggi ako pero kasi di ko natiis si Collie na umiyak sa harap ko.

Kaya siguro ganito si Lara.

Tahimik, Malayo at Parang… unti-unti na akong tinatanggal sa mundo niya. OA self.

Pagdating namin sa sasakyan, sa harap umupo si Lara. Hindi na tulad dati na lagi siyang nasa likod, katabi kami ni Collie.

Ngayon… ako yung nasa likod. Kasama ang dalawang bata.

“Dude…” Bulong ni Collie, nakangisi. “Galit po ata si Tita Lara sa’yo.”

“Hindi ah,” I muttered, kahit alam kong obvious naman. Callie glanced at me, then back to the window.

“She not mad” Mahina niyang sabi.

“Mas malala,” Sabi ni Collie. Napailing ako even the quiet one noticed.

Tahimik ang buong biyahe. Nakarating kami sa bahay namin ni Lara at ramdam ko talaga ang pag-iwas niya. Nag-alok ako na ako na magbubuhat ng maleta niya pero tinanggihan niya.

“Thank you po, Miss Walls, Miss Margaret,” Sabi ni Lara sabay ngiti pero alam kong pilit lang yun.

“Thank you po talaga! Ang saya-saya! Also ingat po kayo ahh,” Sabi ni Hana, full energy pa rin. Nag high-five pa sila ni Collie.

“Welcome. Glad you guys enjoyed,” Sabi naman ni Margaret. Tumango lang si Lara. May kakaiba talaga sa kanya.

“Papasok na po ako,” Sabi niya at pumasok na. Naiwan naman si Hana at napatingin ako sa kanya. Nag-kibit balikat lang siya.

“We need to go,” Sabi ni Emery. Kanina pa siyang uwing-uwi. Mapa-buntong hininga nalang ulit ako. Sa susunod ko na kakausapin si Lara. Kasalanan ko rin naman.

“Una na kami. Ikaw na bahala dun sa isa,” Sabi ko sabay ngiti ng pilit. Umalis na kami.

At habang nasa sasakyan, napapaisip ako kung bukod sa di na ako uuwi, ano pa ang posibilidad ng actions niya.

“Are you okay?” Tanong ni Margaret. Tumango lang ako at tumingin sa bintana kaya tumahimik ang paligid. Kahit ang mga bata ramdam rin siguro ang bigat ng sitwasyon o pagod din sila kaya tahimik.

Pagdating sa bahay, may magandang sasakyan.

“Ow, look who's here,” Sabi ni Margaret. Napatingin ako kay Emery. Naka-poker face lang.

Pagpasok namin, agad na bumungad si Sir Edward.

“Good afternoon,” Bati niya. Nakatayo siya sa sala. Maayos ang suot. May dalang bouquet of red roses at nakangiti ng malawak kay Emery.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib. Hinawakan naman ni Collie ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin siya kay Edward at naka-simangot.

“Ah, you’re here. I told you to wait in the office,” Sabi ni Emery, halatang hindi inaasahan pero… hindi rin nagulat.

Nagkatinginan sila. Parang… may sariling mundo. Napa-irap ako at hindi ko namalayan na napahigpit na pala yung hawak ko sa strap ng bag ko.

“Ow, hi kids! I didn't notice you,” Sabi niya sa mga bata. Tumango lang si Callie. Si Collie naman tinapik ni Margaret kasi parang kakain na ng tao sa tingin niya.

“Morning,” Sabi niya sabay diretso sa couch.

“Anyways, here roses for you,” Sabi niya sabay abot ng bulaklak. Si Emery naman tinanggap ito at napatingin sakin kaya iniiwas ko ang tingin ko.

May kumurot sa dibdib ko. Hindi naman ako dapat maapektuhan ng ganito. Siya naman ang una. Hindi naman ako—

“Amor,” Tawag ni Emery.

Hindi ako tumingin. Hindi ko kaya.

“aakyat na po ako,” Mabilis kong sabi, diretso akyat sa hagdan. Hindi na ako lumingon pa.

Pagpasok ko ng kwarto, agad kong isinara ang pinto.

At deretso sa kama huminga ako nang malalim… pero hindi sapat.

Bakit ganito? Bakit parang ang sakit?

Hindi naman ako dapat magselos.

Wala naman akong karapatan.

Pero bakit parang… may inaagaw?

Tok tok.

“Dudeeee~” Boses ni Collie. Hindi ako sumagot pero biglang bumukas ang pinto.

“Hindi ka nag-lock!” She grinned.

“Privacy, Collie,” I sighed. Sumunod si Callie, tahimik lang at may dalang chips.

Napatingin ako sa kanila.

“Anong ginagawa niyo dito?”

Collie jumped onto the bed.

“Comfort ka po namin.”

“Hindi ko kailangan—”

“Kasi nagseselos ka po,” Putol niya.

Nabulunan ako sa sarili kong laway.

“Excuse me?!”

Callie sat beside me.

“Its too obvious.”

“Hindi ako nagseselos.”

“Ah talaga po?” Taas-kilay ni Collie. “Eh bakit parang gusto mo pong suntukin yung flowers?”

Okay, that was accurate.

Napatigil ako.

“Hindi ako nagseselos,” Ulit ko, mas mahina na ngayon. Kahit ako… hindi na kumbinsido.

Nagkatinginan sina Collie at Callie.

Then sumabog sa tawa si Collie.

“HAHAHAHA— Callie! Narinig mo yun? Hindi daw siya nagseselos!” Halos gumulong siya sa kama kakatawa.

Napairap ako. “Ang ingay mo.”

“Hindi po ako maingay, truthful ako dude,” Sabay turo niya sa’kin. “Face the reality, dude. Selos ka po as in S-E-L-O-S. Capslock.”

Callie casually na kumain ng chips niya, then tumango. “Capslock.”

“Traitors,” Bulong ko.

Collie crawled closer, parang detective. “Okay, investigation time. Kailan po nagsimula ang symptoms?”

She crossed legs like a tiny interviewer, hawak pa yung chips na kinuha niya kay Callie.

“Walang symptoms!”

“Hmm…” Nagbilang siya sa daliri. “Number one: tahimik ka po kanina. Number two: muntik mo na po ma-choke yung bag mo kanina sa sala. Number three: umakyat ka po agad.”

“Hindi ko chinoke yung bag ko!”

“Emotionally, yes.”

Napahawak ako sa noo ko. “Grabe ka talaga.”

“Also… you stared at the flowers like… you wanna burn them,” Singit ni Callie.

“Hindi ah—”

“Left eye twitch,” Dagdag ni Collie, sabay turo sa mukha ko. “Exhibit A.”

Agad kong hinawakan yung mata ko. “Wala!”

“Denial stage,” Sabi ni Collie, parang doctor. “Next po niyan, aamin ka na.”

“Hindi nga ako—”

“Jealous ka kay Tito Edward,” Putol niya, diretso.

Napabuntong hininga ako. “Hindi ko siya kilala personally.”

“Exactly po!” Sigaw ni Collie. “Competition na po agad! Wala pang introduction, threat na!”

Callie nodded slowly.

“Danger level: high.”

"Yes, heysss" Sabi ni collie. Napairap ako

“Hindi siya threat,” Pilit kong sabi, pero mahina na.

“Eh bakit ka umakyat agad?” Taas kilay ni Collie.

“…Pagod lang.”

Napahiga ako sa kama, tinakpan mukha ko ng unan.

“Pwede bang tumahimik kayo for five minutes?”

“Five minutes lang po?” Tanong ni Collie. “So after that, pwede na po ulit?”

“…Hindi!”

Callie leaned back, chill pa rin. "Just relax. We won't force you po.”

“Too late,” Bulong ko.

“Pero,” Dagdag ni Collie, biglang naging dramatic, “Ang tanong ng bayan—”

Umupo siya sa tiyan ko.

“ARAY! Collie, bumaba ka!”

“Bakit ka po nagseselos kung wala kang karapatan?” Diretso niyang tanong, parang news reporter.

Tumahimik ako saglit.

Tapos napabuntong-hininga.

“Yun nga eh…” Mahina kong sagot.

Sandaling natahimik yung dalawa. Then

“AYIEEEEE!” Sigaw ni Collie sabay talon.

“Collie!”

“CONFIRMED!” Tili niya. “Deep na feelings nya! Di nalang like!”

Callie raised her hand like nagre-report sa class. “Seconded.”

“Hindi— hindi ganun—”

“Anong hindi po ganun?” Nakangisi si Collie. “Eh sinabi mo po na ‘yun nga eh.’"

"Yes and the translation is: oo, nasasaktan ako kasi gusto ko siya.” Sabi ni Callie

“Seven years old ka lang, bakit ganyan ka magsalita?!” Halos maiyak na ako.

“Advanced po kami,” Proud na sabi ni Collie.

Callie nodded. “Gifted.”

“Hindi kayo gifted, mga menace kayo.”

“Thank you,” Sabay sagot nila.

Napailing na lang ako at sabunot sa sarili, pero pag tingin sakanila napangiti na rin kahit papaano.

“Pero dude…” Mas malambing na boses ni Collie this time, humiga sa tabi ko. “Okay lang yan.”

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi ka naman weird for feeling that way,” Dagdag niya. “Ang weird lang… yung mukha mo kanina.”

“COLLIE!”

Callie chuckled. “Yes, indeed. It seems you are possessed by jealousy.”

“Hindi nga—” Natatawa kong sabi.

"Dude huwag kang mag-alala, sa iyo ang boto namin."

"Yeah, if you want we can petition you as our mom," Sabi ni Callie.

"Ang kulit nyo."

"Okay we'll stop na po," Sabi ni Callie.

Tahimik ulit saglit.

Then Collie whispered, pero rinig ko pa rin—

“Pero ingat ka… baka maunahan ka ni Tito Pangit.”

Napatigil ulit ako.

“…Collie.”

“Yes po?”

“Labas.”

“Ay, galit—”

“LABAS.”

Tumawa silang dalawa habang tumatakbo palabas ng kwarto.

Pagka-sara ng pinto, napahiga ulit ako, nakatingin sa kisame.

“Owgag bat parang di sila bata” Bulong ko.

Napairap ako.

“Ang pangit ng code name ahh,” Bulong ko ulit sa sarili. Napangiti ako.

Literal na pangit.

Tahimik ulit ang kwarto at pumasok nanaman sa isip ko si Lara.

Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na tumatagos sa bintana ng kwarto. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napatingin sa orasan.

Gabi na pala.

Nakatulog ako nang mahaba kanina hindi ko namalayan. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko mula kanina. Hindi ako mapalagay. May mali, may hindi tama, at alam kong may kailangan kaming pag-usapan ni Lara.

Bumangon ako at inayos ang sarili ko. Desidido akong puntahan siya. Kailangan naming mag-usap. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari, kung bakit siya ganun, kung bakit parang unti-unti na kaming nawawala.

Ilang minuto lang naka rating narin ako sa bahay namin

Pagdating ko sa bahay, tahimik ang paligid. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto niya, kumunot ang noo ko dahil wala sya

“Lara…?” Mahina ko paring tawag pero walang sumagot.

Napabuntong-hininga ako ulit. Siguro nasa labas. O baka… umalis. sumilip namana ko sa kwarto ni Hana at mahimbing na ang tulog nya

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig balak ko nang umalis at babalik na lang bukas, pero pagtalikod ko, bumukas ang pinto.

At pumasok siya.

Si Lara.

Pero… Hindi ‘to yung Lara na laging masiyahin. Ngaun Magulo ang buhok medyo namumula ang pisngi, at halata sa mga mata niya na lasing.

"Lara..." Tawag ko sa kanya. Napatigil siya at dahan-dahang tumingin sa akin.

"Anong problema? Bakit ka uminom?" tanong ko, halos pabulong na pero puno ng pag-aalala.

“Lara…” Agad akong lumapit. “Okay ka lang ba?”

Hindi siya sumagot. Dumaan lang siya sa’kin, medyo pasuray, at dumiretso sa loob. Ng kuwarto nya Napalunok ako at sumunod.

"Lara-"

"Wala." Maikli niyang sagot at umiwas ng tingin. Pilit siyang lumalakad palayo pero hinawakan ko siya sa braso.

"Paano naman ako maniniwala na wala eh kitang kita naman, isa pa di ka naman mahilig uminom? Lara, sabihin mo naman sa akin. Anong nangyayari sayo?" Medyo nainis kong sabi.

Tumigil siya at napayukohanggang sa nakita ko ang panginginig ng balikat niya. Tumingin siya ulit sa akin, at doon ko nakita ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang problema?" Basag na boses niya. "Ang problema... ako. Ako ang problema."

Umiling ako. "Anong ibig mong sabihin—"

"Gusto pa rin kita, Amor. Higit pa sa kaibigan. Higit pa sa dapat kong maramdaman." Humagulgol siya. "Gusto pa rin kita nang sobra-sobra."

Napakurap ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, halo-halong emosyon takot at sakit. "Pero... friends tayo diba? Lara, friends tayo..."

Lumapit ako ng konti, pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan.

"Oo!" Sigaw niya puno ng sakit sa boses nya

"Friends nga tayo! Pero paulit-ulit kong iniisip... paano kung binigay ko sayo ang sarili ko nung gabing yun? Paano kung nung sinabi mong may nararamdaman ka rin... umoo ako? Magwo-work kaya tayo? Tayo kaya hanggang ngayon?" Humahagulgol n'yang sabi.

"Lara"

"Kasi para masalba lang kung anong meron tayo... pinatay ko ang nararamdaman ko. I lost the chance of us, Amor." Lumapit siya nang kaunti, puno ng pait ang mga mata. "Mahal na mahal kita. And I know it's too late kasi alam kong... mahal mo na siya."

Napayuko ako. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Dahil alam ko.

Alam kong may mali rin ako hindi dapat ako umamin nung gabing yun hindi sana nagulo ang isip nya, at ngayon hindi ko inakalang ganito pala kabigat para sa kanya.

"Hindi kita masisisi," Dugtong niya habang pinupunasan ang luha gamit ang likod ng palad.

"Ako kasi yung natakot. Ako yung hindi sumubok kasi takot akong mawala ka kapag sinubukan natin.

Takot akong mawala ka sa akin kaya pinili ko na lang itago lahat.

Pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.

.. na ako pala yung unti-unting nawawala habang pinapanatili ang kung anong meron tayo. "

"Ang sakit-sakit mong mahalin, Amor. Sobrang sakit."

"Lara... sorry. I'm so sorry..." Umiiyak na rin ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko pinatay ko siya nang dahan-dahan nang hindi ko namamalayan.

“I love you,” Diretso niyang sabi.

Lumapit siya sa akin at dahan-dahang hinaplos ang pisngi ko, pinupunasan ang mga luha ko gamit ang nanginginig niyang mga daliri.

"Shhh... okay lang. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hanggang dito lang ako." Ngumiti siya pero yung ngiting hindi masaya yung ngiting subrang sakit makita. "Pero tao lang ako... nasasaktan din kasi mahal na mahal kita eh."

"I love you but you love someone else already,” Dagdag niya, mapait ang ngiti.

“You love her.”

Napapikit ako at tumango nang bahagya.

Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

“At hindi kita masisisi,” Sabi niya. “Kasi ako ‘yung hindi sumubok. Ako ‘yung natakot.”

Huminga siya nang malalim, parang nagpipigil ng sarili para hindi tuluyang mawasak sa harap ko.

"I can actually try to fight for you. Pero anong laban ko dun? She's perfect, she can give you everything. While me… I can only offer my love for you," She said. Napayuko ako.

"Lara…" I can only say her name, dahil wala akong masabi.

"I think... I need time to find myself again. May in-offer si Tita sa Canada. Trabaho at malaki ang sahod at maganda rin ang opportunity for me dun." Sabi nya habang nag pupunas ng luha

Nanlaki ang mga mata ko. "A... aalis ka?"

Tumango siya ramdam ko ang bigat sa bawat galaw niya.

"Kailangan eh. Magko-college na si Kyla, kailangan ko ring tulungan si Mama. At isa pa... baka sakali. Baka sakaling sa pag layo ko... mawala na tong nararamdaman ko para sayo. Para matapos na to."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya nang mahigpit. Iyak ako nang iyak sa balikat niya. Ayaw ko siyang bitawan dahil pakiramdam ko, kapag binitawan ko siya ngayon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.

“I love you,” Bulong niya sa balikat ko.

“Mahal na mahal kita.” Dagdag nya

Napapikit ako, lalo siyang niyakap.

Niyakap niya rin ako pabalik. Mahigpit. Parang gusto niyang i-memorize ang bawat dampi ng katawan ko, parang huling beses na niya ako mayayakap.

"I love you too " Sabi ko

"I love you..." Bulong niya sa tenga ko. "Mahal na mahal kita, Amor. Please... always take care of yourself ha? Ingatan mo sarili mo."

Hindi siya nag salita ng ilang segundo at wala rin akong masabi.

"Ow God, bat ba kasi ang perfect mo" Sabi nya. Sabay tawa ng pilit.

"Lara... sorry. Sorry kung natakot din ako noon. Sorry kung pinaramdam ko sayo na hanggang dito lang tayo.. pero mahal kita. Mahal din kita Lara."

Ramdam ko ang paghinto ng mundo niya sandali. Humigpit ang yakap niya pero pagkatapos ay marahan siyang kumawala nang kaunti para tumingin sa mga mata ko.

"Alam ko..." Mapait ang ngiti niyang sabi. "Alam kong mahal mo ako pero hindi kasing tindi ng pagmamahal mo sa kanya. 'Di ba?"

At sa sandaling iyon, alam ko. Wala na akong masasabi.

Dahil alam kong totoo. At sa bawat salita niya, unti-unti akong namamatay sa sakit ng katotohanang.

.. dahil sa takot at pagdadalawang-isip, pareho kaming nasaktan.

At ngayon, kailangan na niyang umalis para mailigtas ang sarili niya.

.. mula sa pagmamahal na hindi ko kayang suklian nang buo.

Matapos ang yakapan namin, pinauwi na rin niya ako.

Paglabas ko ng bahay, parang ang bigat-bigat ng bawat hakbang. Parang bawat hinga ko may kasamang kirot. Hindi ko alam kung saan pupunta… basta ang alam ko lang, ayoko munang bumalik sa bahay ni Emery.

Hindi ko pa kaya.

Nagmaneho lang ako ng nagmaneho at hindi ko namalayang napunta na pala ako sa isang bar. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito. Basta pag-upo ko sa stool, dire-diretso na.

“One more,” Paulit-ulit kong sabi.

Hanggang sa hindi ko na mabilang ang nainum ko, patuloy lang… Hanggang sa medyo umiikot na yung paligid kahit papaano… numinipis yung sakit.

Pero hindi nawawala.

Hindi na ako uminom pa, nagpahinga ako sandali at nag-drive na pauwi.

Kaya ko pa naman.

FEW MINUTES HAD PASSED.

Pagdating ko sa bahay, tahimik. Lagi naman. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pilit inaayos ang sarili ko. Pero kahit anong ayos ko, alam kong halata.

“Amor?”

Napatigil ako at napalingon, si Emery nasa sala nakatayo at nakadamit pantulog parang kanina pa siya naghihintay.

“Uh…” Napakamot ako sa ulo. “Good evening po.”

She frowned a little, lumapit ng konti.

“You drank.” Hindi tanong kundi statement. Napangiti ako ng pilit.

“Konti lang po,” Sabi ko. She raised an eyebrow.

“Amor, are you okay?” Tawag niya sa pangalan ko. Hindi tunog galit, it's more likely concerned dahil dun mas lalo akong nanghina.

“I’m fine,” Mabilis kong sagot. “Wala pong problema.”

She studied me. Mata niya diretso sa’kin, parang binabasa ako at doon ako mas natakot.

“Are you sure?” She asked softly.

Tumango agad ako.

“Opo. Okay lang ako,” Sabi ko.

Tahimik siya sandali, then she stepped closer.

“Come here,” She said gently.

Hindi ko na napigilan. Lumapit ako.

At bago ko pa mapigilan ang sarili ko – niyakap niya ako. Mahigpit pero nandun ang pag-iingat na parang sinasabi niyang 'Safe ka sa’kin.' At doon na naman ako muntik bumigay.

“Hey…” Bulong niya, hinahaplos ang likod ko. “It’s okay.”

Napapikit ako dahil hindi.

Hindi okay.

Pero hindi ko pwedeng sabihin.

“I’m really okay po,” Pilit kong sabi, kahit nanginginig na yung boses ko.

She pulled back slightly, tinignan ako.

“You don’t look okay.”

Napangiti ako ulit, yung tipong obvious na hindi totoo.

“Pagod lang po siguro,” Sabi ko.

She didn’t look convinced. But she didn’t push. Instead, she sighed softly.

“…Is this about earlier?” Tanong niya.

Kinabahan ako.

“Earlier po?”

“Edward,” She said. Parang may kumurot ulit sa dibdib ko.

So yun ang iniisip niya.

“Amor…” She continued, mas mahinahon ang boses niya ngayon. “If you’re uncomfortable with him, you can tell me.”

Mabilis akong umiling.

“Hindi po – wala pong ganun.”

“Don’t lie,” She said gently, pero firm. “I saw you.”

Napatigil ako.

“What do you mean po?”

“You were quiet. Tense,” She explained.

“And when he gave me the flowers… you looked like you wanted to take and throw it.”

Napatawa ako ng mahina.

Throw? Kung alam mo lang.

“It’s not that,” Bulong ko.

“Then what is it?” She asked.

Napatingin ako sa kanya.

Sa mga mata niya at napalunok ako.

“Nothing po,” Ulit ko. “Promise.”

Tahimik lang kami, nakatingin sa isa’t isa.

Then she sighed again.

“Okay,” She said softly. Pero halata sa mukha niya na hindi siya convinced.

“Still…” She added, tinitigan ako, “…if it is about Edward, I’ll handle it.”

Napakunot noo ko.

“I mean it,” She continued. “I won’t let anything or anyone make you uncomfortable in this house.”

Parang may humaplos sa puso ko.

At mas lalo akong nasaktan.

Kasi si Lara lang ang ganto sa akin noon.

Si Lara ang taong mahal ko na hindi ko kayang mahalin pabalik sa paraang gusto niya.

“Thank you po,” Mahina kong sabi.

She smiled a little.

“Always.”

Magkalapit kami pero sa unang pagkakataon mas ramdam ko yung distansya namin. Kaysa sa lapit.

“You should rest,” She said gently.

“You’ve had enough for today.”

Tumango lang ako.

“Opo.”

Pero hindi pa rin ako gumagalaw.

Parang may gusto pa akong sabihin.

Na hindi ko kayang sabihin.

“Amor?” Tawag niya ulit. Napatingin ako sa kanya.

“Thank you po,” Ulit ko. Mas malalim at mas totoo, she smiled, softer this time.

“You’re welcome,” Sabi niya.

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa hagdan. Pero bawat hakbang ko –

mas lalong bumibigat. At sa likod ng isip ko… Isang tanong ang paulit-ulit kong isipin: Is it worth it saving our friendship?

Sino ang pipiliin ko? Siya na hindi ako sigurado kung gusto talaga ako? O yung taong pipiliing umalis… dahil sa sobrang pagmamahal sa akin?

Pagpasok ko ng kwarto, hindi ko na inintinding buksan ang ilaw. Hindi ko na rin inisip kung maayos ba ang kama o hindi. Diretso akong humiga.

Suot pa rin ang sapatos.

Suot pa rin ang pagod.

Suot pa rin ang sakit.

Napapikit ako, pilit pinapatahimik ang isip ko pero mas lalo lang naging maingay. Mga salitang sinabi ni Lara, paulit-ulit. Yung boses niya, paulit-ulit. Kong nakikita ko pa ang mga luha niya.

'I love you… but you love someone else already.'

Napahigpit ang hawak ko sa kumot.

“Ang gulo…” Bulong ko.

Pagod na pagod na ako.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko o kung may karapatan ba akong pumili.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko. Hanggang sa –

Click.

Mahinang tunog ng pinto.

Pero hindi ko na kayang gumalaw.

Hindi ko na kayang imulat ang mata ko.

Pero ramdam ko na may pumasok.

Dahan-dahan at may kung anong presensya na agad nagbigay ng kakaibang gaan sa dibdib ko.

“Amor…” Mahina, malambing na tawag ni Miss Walls. Hindi ako sumagot. Nagpanggap akong tulog. Hindi ko alam kung bakit.

Naramdaman ko ang haplos niya sa mga ganitong pagkakataon ko lang nakikita

Yung ganitong side niya. Yung hindi niya ipinapakita sa iba.

Narinig ko ang mahina niyang buntong-hininga.

“You didn’t even take your shoes off…” Bulong niya.

May halong pag-aalala. May halong lambing. At dahan-dahan – nararamdaman ko ang kamay niya sa paa ko. Maingat at parang natatakot namagising.

Unti-unti niyang tinanggal ang sapatos ko.

Isa.

Tapos yung isa pa. Walang pagmamadali.

Parang… natural lang sa kanya na alagaan ako. At doon napangiti ng kunti, halos hindi halata.

Kasi sa likod ng sakit, nandito siya.

Hinila niya nang bahagya ang kumot, tinakpan ako nang maayos. Tapos naramdaman ko ang kamay niya sa noo ko.

She's checking me gently.

“Rest well…” Bulong niya.

At sa simpleng mga salitang ‘yon, parang may kung anong kiniliti sa loob ko. Hindi ko na napigilan. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

“Emery…” Mahina kong tawag.

Napatigil siya. Napatingin sa’kin.

“You’re awake,” She said softly.

Ngumiti ako.

“Thank you po…” Bulong ko.

She frowned a little, confused. “For what?”

Hindi ako agad sumagot.

Tinitigan ko lang siya.

Yung mukha niya.

Yung lambing sa mga mata niya na bihira kong makita.

“For taking care of me,” Sagot ko sa huli.

Sandali siyang natahimik.

Then she smiled softly.

“You don’t have to thank me for that,” She said. “It’s nothing.”

Napailing ako ng konti.

“Hindi po ‘nothing,” Bulong ko.

She adjusted the blanket again, parang sinisiguradong komportable ako.

“Go to sleep,” She said gently.

“I can’t,” Sabi ko.

Lumapit siya at hinalikan ang noo ko. Kala ko hanggang dun lang pero nagpatuloy siya hanggang sa makarating siya sa labi ko. At kinagat niya ito kaya napaungol ako.

“Ugh, Emery,” Tawag ko sa pangalan niya, halos pabulong pero nagpatuloy lang siya.

"Ugh, fuck" Ungol ko.

We kissed like there's no tomorrow. Hindi ko na alam ang mga sumusunod na nangyari. Ang alam ko lang, nakatulog na ako na may halo-halong emosyon.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.