CHAPTER 26 Date

Seraphine's POV:

Two weeks.

Dalawang linggo na mula nung huling usap namin ni Lara… at hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay. Huling balita ko, umuwi siya sakanila para ayusin ang mga papeles niya.

Mabuti nalang nandito ang dalawa. Kahit papaano hindi ako binigyan ng pagkakataon para mag-drama.

“DODGEBALL!” Sigaw ni Collie habang binabato ako ng maliit na plushie.

“Aray— HOY!” Sigaw ko. Umiiwas ako habang siya tumatawa nang malakas.

“Ang weak ng defense mo, Dude!” Dagdag niya.

“That's not dodgeball, that's assault already Collie,” Sabi ni Callie, chill lang habang umiinom ng juice.

Nasa garden kami ngayon, 1:32 na. Malamig ang hangin at medyo makulimlim, tahimik dapat… pero syempre kasama ko sila.

Meaning- chaos. Alam nyo naman na tong dalawa.

“Okay, wait truce muna!” Sabi ko sabay taas kamay. “Pagod na ako.”

“Denied!” Sigaw ni Collie sabay hagis ulit.

This time nasalo kona.

“Ahh, ganun ha…” Ngumisi ako. “War na ‘to.”

“Ay— Callie retreat!” Sigaw ni Collie sabay takbo.

“Too late,” Sabi ko sabay habol sa kanila.

Ilang minuto kaming naghabulan hanggang sa pare-pareho kaming bumagsak sa damuhan, hingal at tumatawa.

“Dude…” Mahina pero suspicious na tawag ni Collie.

Napalingon ako. “Ano?”

She sit up, seryoso ang mukha.

“We need to talk.”

Napakunot noo ko. “Bakit parang meeting?”

Callie sat beside her, tumango rin.

“Important po.”

Napaupo rin ako. “Ano na naman ‘yan?”

Nagkatinginan sila. Then—

“Date mommy.”

Natahimik ako.

“…Ha?”

“Date. Miss Celestine Emery Walls our beloved mother.” Ulit ni Collie, parang slow motion ang pag kakasabi May diin sa bawat salita.

“Alam ko narinig ko, ang hindi ko lang alam bakit,” Sagot ko.

“Because, you like her.” Singit ni Callie.

Nabulunan ako sa sarili kong laway. “EXCUSE ME?!”

Collie crossed her arms. “Don’t deny po.”

“I don't deny, okay I like her pero seryoso kayo. Si Miss Walls yun, San ko naman sya dadalhin,” Sabi ko sabay inom ng tubig.

"Mommy is simple po you know," Sabi ni Collie.

"Another thing, we already know you like her right," Dagdag ni Callie.

"Yeah there's so many reasons po," Dagdag ni Collie.

"Reason?" Tanong ko.

“Exhibit A,” Sabi ni Collie. Sabay taas ng daliri. “Selos ka po kay Tito Pangit.”

“STOP CALLING HIM THAT!”

“Exhibit B,” Dagdag ni Callie, “You look at her like she’s your Wi-Fi.”

“…Ano daw?” Tanong ko kay Collie.

“Connected ka daw po lagi,” Explain ni Collie.

“Ang lalim nun ha,” Natatawa kong sabi.

“Kami lang to,” Sabay nilang sabi.

Napahawak ako sa noo ko. “Hindi ko kayo kaya.”

“Focus po tayo,” Sabi ni Collie, biglang seryoso ulit. “Mission: Love Life ni Dude bigyan ng Progress.”

“WALA AKONG LOVE LIFE!”

“Exactly,” Sagot niya agad. “Kaya inaayos namin.”

Napairap ako. “Hindi kailangan.”

“Kailangan po,” Sabay nilang sabi.

Then biglang tumayo si Collie sa harap ko.

“Scenario time!”

“Collie—”

“Imagine this…” Sabi niya habang naglalakad-lakad. “Ikaw, naka-formal. Si Mommy, naka-dress. Romantic dinner. Candlelight—”

“San naman? Sa sala?” Singit ko.

“Good idea. Budget cut dito nalang po sa bahay,” Sagot niya agad.

Napatawa si Callie.

“Then,” Tuloy ni Collie, “Sasabihin mo—” biglang nag-pose siya, kamay sa dibdib, “Emery… would you like to go on a date with me?”

Napailing ako sabay tawa. “Ang corny.”

“Eh di ikaw po gumawa ng better line!”

“Hindi nga ako mag-aaya!”

“WHY?!” Sabay nilang sigaw.

Napahiga ulit ako sa damo. “Kasi… hindi ko alam.”

Tahimik sila sandali.

Then humiga rin sila sa tabi ko.

“Scared ka po?” Tanong ni Callie, mahina lang.

Napatingin ako sa langit.

“Oo.”

“Natatakot na ma-reject?” Tanong ni Collie.

Umiling ako.

“Scared na… magkamali ulit.” Sabi ko.

Natahimik sila. Then—

“Dude,” Sabi ni Collie, mas malambot na ang boses ngayon, “Hindi naman lahat magiging pareho.”

“Yeah,” Dagdag ni Callie. “Different person, different story.”

Napabuntong hininga ako.

“Pero paano kung masira ulit?”

“Eh di…” Kibit balikat ni Collie, “At least sinubukan mo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Mas masakit po yung ‘what if’,” Dagdag ni Callie. “Kesa sa ‘at least I tried.’”

Grabe Seven years old ba talaga ‘to?

Napatawa ako ng mahina. “Saan niyo ba kinukuha ‘yan?”

“TikTok,” Sagot ni Collie.

“Research po,” Dagdag ni Callie.

“Hindi ko na alam kung matatawa ako o matatakot.”

Biglang ngumiti si Collie.

“So… invite mo na po siya?”

“Hindi nga—”

“PLEASE?” Sabi nya sabay nag puppy eyes.

Sumunod si Callie. “For educational purposes.”

“Anong educational—”

“Case study of love po.”

Napahawak ako sa noo ko at napatawa na lang rin.

“Grabe kayo.”

“So yes?” Tanong ni Collie, naka-lean forward.

Napatingin ako sa bahay. Sa bintana… kung saan alam kong nandoon siya di ko alam pero niglang bumilis ulit tibok ng puso ko.

Napabuntong hininga ako. Emery San mo ba pinaglihi mga bubwit na to.

“Hindi ko alam kung kaya ko.”

“Kayang-kaya mo po,” Sabi ni Collie.

Huminga ako nang malalim.

“Paano kung awkward?”

“Eh di masaya,” Sagot ni Collie.

“Paano kung tumanggi?”

“Then move on try again next time,” Sagot ni Callie.

“Paano kung—”

“Dude,” Putol ni Collie, “Ang dami mo pong ‘paano kung.’”

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya.

“Try mo muna yung ‘what if yes.’”

Napatigil ako pero di ko rin maiwasang mapangiti ng konti.

“Ang kulit niyo talaga.”

“So yes?” Ulit ni Collie.

Napabuntong hininga ako.

“Pag-iisipan ko.”

“YIEEEEE—” Tumalon si Collie.

“Half yes na po ‘yan,” Sabi ni Callie, satisfied.

Everytime na nagta-Tagalog si Callie natutuwa ako kasi medyo bulol.

“Hindi pa ‘yan yes!”

“Progress na po yun,” Sabay nilang sagot.

Napailing ako pero napatawa na rin.

Habang nakahiga kami sa damuhan…

Hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa bahaya at sa unang pagkakataon matapos ang dalawang linggo…

May bagong takot pero may kasamanh konting Excitement.

Makalipas ang ilang minuto tumayo ang kambal.

" Tara na po " Sabi ni Collie habang hinihila ako patayo.

"San" Tanong ko.

"Sa mall po let's buy things to prepare here at the garden habang busy pa si mommy sa taas," Dagdag nya.

"Bat ngayon" Di ko maiwasang itanong.

"What if there's no tomorrow to do it po." Natigilan ako sa sinabi nya. Tama nga naman pano kung wala ng bukas.

"Okay pero mag papalit muna ako" Sabi ko sabay tayo.

Agad kaming pumunta sa kanya kanyang kwarto namin at nag bihis.

FEW MINUTES HAD PASSED.

“Ready na po kami!” Sigaw ni Collie habang hinahatak ako.

“Hindi pa ako ready— HOY, bag ko!” Reklamo ko habang kinakaladkad niya.

“Time is gold, Dude!” Sagot niya.

Si Callie? Chill lang. Hawak yung maliit niyang bag, kumakain ng biscuit habang naglalakad na parang si Dora. Sure ako pagkain and laman ng bag nya kaya siguro laging tahimik.

Ilang segundo lang… nasa harap na kami ng office ni Emery.

Napatigil ako.

“Wait.”

Lumingon sa’kin si Collie. “Ano po?”

“Bakit ako kasama?” Tanong ko, kinakabahan na.

“Support system ka po,” Sagot niya agad.

“Hindi ba kayo pwedeng pumunta sa loob ng kayo lang?”

“Hindi po. Minor kami,” Sabay nilang sagot.

Huminga ako nang malalim.

“Okay… behave kayo ha?”

Nagkatinginan sila.

“No promises,” Sabay nilang bulong.

“COLLIE—”

Knock knock.

“Come in,” Boses ni Emery mula sa loob.

Binuksan ni Collie ang pinto.

“Hellooo Mommyyy~” Bati niya, sobrang energetic.

Napatingin si Emery mula sa laptop niya. Naka-salamin siya at seryoso ang aura pero lumambot agad ang expression nung nakita kami.

“Hi,” She said, medyo nagtataka. “What’s going on?”

Pumasok kami at ako nasa likod lang, awkward.

“Mommy!” Sigaw ni Collie sabay takbo sa kanya.

“Hmm?” Sagot ni Emery, hinaplos ang ulo ni Collie habang nakatingin pa rin sa screen.

“Can we go to the mall?” Diretso niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya.

Grabe, walang intro.

“Mall?” Ulit ni Emery, napatingin na sa amin lahat. “Why?”

Sandaling katahimikan. Napalunok ako.

Please Collie, huwag mong sabihin—

“To play po!” Sagot niya agad, naka-ngiti.

To play?

Napatingin ako sa kanya. She looked so innocent pero sinungaling.

“Play?” Ulit ni Emery, medyo may duda.

This time tumango si Callie.

“Yes po. Educational play,” Sabi nya.

Napalingon ako sa kanya.

Napapaisip talaga ako bat puro nalang pag-aaral dahilan nila. Ganun ba ka istrikto si Emery noon.

“Educational?”

“Yes,” Tuloy niya. “We will explore social environment.”

Napapikit ako.

Lord, kunin niyo na ako.

Napatingin si Emery sa’kin, parang hinihingi ang confirmation.

“Amor?” Tawag niya.

Napatayo ako ng diretso. “Ah— opo… play po.”

Grabe, kasabwat na ako.

She studied me for a second sa mga tinginan niya parang alam niyang may kalokohan.

She sighed softly.

“Okay,” Sabi niya.

“Okay?”

“Yeah,” She said, closing her laptop slightly. “But behave. No running, no fighting, no—”

“No chaos, opo,” Sabay sagot ni Callie.

“Good,” She nodded.

Ngumiti si Collie ng sobrang laki.

“Thank you po, Mommy!”

“Wait,” Dagdag ni Emery. “What exactly are you going to do there?”

Napatingin ulit ako kay Collie.

Ito na, Ito na yung moment ngumiti siya.

“Play po,” Ulit niya. Napapikit ako hindi man lang nag-effort

“You’re hiding something,” Sabi ni Emery sabay cross arms.

Of course she knows.

“Hindi po!” Mabilis na sagot ni Collie.

“Hmm,” Taas kilay ni Emery.

Then she leaned back slightly.

“Fine,” Sabi niya. “Just don’t do anything dangerous.”

“Yes po!” Sabay sagot ng dalawa.

“And Amor,” Tawag niya ulit.

Napalingon ako. “Po?”

“You’re in charge. Make sure they behave.”

Napatingin ako sa dalawang bata ngumiti sila at kitang kita ko ang Devilish smile nila.

“I’ll try po,” Sagot ko.

“Good,” She said, picking up her pen again. “You can go.”

“YAY!” Sigaw ni Collie sabay takbo palabas.

“Thank you mommy,” Sabi ni Callie,

Ako naiwan sandali.

Napatingin ako kay Emery.

She was already back to work professionally na parang walang nangyari. Pero bago ako tuluyang umalis.

“Amor,” Tawag niya ulit, hindi tumitingin.

Napatigil ako. “Po?”

“Take care of them.”

“Opo.”

Ngumiti ako ng konti kahit hindi niya nakikita then lumabas na ako.

Paglabas ko—

“MISSION SUCCESS!” Sigaw ni Collie sabay high-five kay Callie.

“Phase one complete,” Dagdag ni Callie.

Napatingin ako sa kanila.

“Phase one?” Tanong ko. Di sila sumagot

Agad kaming lumabas ng bahay at dumeretso sa sasakyan at nag drive papuntang mall.

After few minutes of driving nakarating na kami sa malapit na mall.

“Okay, Reminder.” Sabi ko habang naglalakad kami papasok ng mall. “Bibili lang tayo ng… konting gamit. Hindi tayo gagastos ng—”

“Malaki,” Putol ni Callie.

“Konti lang,” Dagdag ni Collie.

“At hindi tayo gagawa ng kalokohan.”

Nagkatinginan sila.

“Define kalokohan pa?” Tanong ni Callie.

“Callie—”

“Joke lang po,” Sabi niya, pero nakangisi.

Napapikit nalang ako.

Bad sign, Very bad sign.

Unang stop namin party store. Pagpasok pa lang—

“WOAAAAAH!” Sigaw ni Collie na parang first time makakita ng kulay.

“Volume,” Bulong ko.

“Sorry po… woaaah,” Mas mahina pero same energy.

Si Callie diretso sa section ng ribbons.

“Color scheme?” Tanong niya.

Napatingin ako. “Ha?”

“For the theme po need consistent color.”

Napakurap ako.

“Hindi ba pwedeng simple lang?”

“ First date first impression,” Sagot niya.

Meanwhile, si Collie—

“Dude, look!” Tinuro niya yung malaking heart-shaped balloon.

Napatingin ako.

“Oh no.”

“Perfect po ‘to!” Sabi niya sabay kuha.

“Hindi pwede—”

“Kasi red means love,” Dagdag niya.

“COLLIE—”

“Scientific po,” Singit ni Callie.

“Anong scientific dyan?!”

Minsan talaga math mga bagay na sya lang nakakaintindi sumasakit ulo ko sakanya.

FIVE MINUTES LATER…

May hawak na akong tatlong heart balloons hindi ko na alam paano nangyari basta may hawak na ako.

“Next!” Sigaw ni Collie.

“Hindi ito Amazing Race—”

Pero hila na naman ako.

Napunta kami sa candle section.

“Candles,” Sabi ni Callie.

“Sobrang romantic naman at baka di rin pwede mag sindi sa garden—”

“Battery operated po,” Sabi niya sabay kuha.

Habang nagbabayad kami—

“Miss, ilan po ‘to?” Tanong ng cashier.

Napatingin ako sa basket.

Heart balloons, Fairy lights, Candles at Confetti ang dami.

Agad akong nag bayad.

Paglabas namin—

“ICE CREAM!” Sigaw ni Collie.

“Hindi—”

“Please po,” Sabay puppy eyes nilang dalawa.

Five minutes later may hawak na akong ice cream habang kumakain kami, napansin ko Tahimik si Callie nakatingin lang sa listahan niya.

“Okay ka lang?” Tanong ko. Tumango siya.

“Final item gift.”

Napakunot noo ko. “Gift?”

“Yes po,” Sabi niya. “For Mommy.”

Biglang uminit yung tenga ko.

“Hindi na kailangan—”

“Kailangan po,” Sabay nilang dalawa.

Kaya pumunta kami sa maliit na shop.

Random items.

“Dude” Tawag ni Collie habang may hawak na plushie. “Ito?”

“Mukha ba akong bibili ng teddy bear?”

“Yes po.”

“Hindi ako bibili ng teddy bear isa pa baka ayaw ng mommy nyo yan.”

“Hiw about keychain?” Suggest ni Callie.

Napatingin ako sakanya pwede rin simple pero cute.

“Okay… pwede,” Sabi ko nalang. Wala rin naman akong magagawa.

Habang pumipili ako Biglang—

“Dude, tingin ka dito!” Sigaw ni Collie mula sa kabilang aisle.

“Collie, huwag kang sumigaw”

Paglapit ko may hawak siyang sobrang laking teddy bear. Yung tipong mas malaki pa sa kanya at halos hindi nya mahawakan.

Napatawa ako dahil nasa lapag hila nya.

“Surprise!” Sabi niya.

“IBALIK MO ‘YAN.”

“Regalo po!”

“Hindi kasya sa kotse ‘yan!”

“Kasya po sa puso niya,” Sagot niya.

Napahawak ako sa noo ko.

“Hindi ka talaga normal.”

“Thank you po.”

Habang inaagaw ko yung teddy bear

Biglang—

BUMANGGA AKO SA ISANG DISPLAY.

“AY—”

Crash.

Nalaglag yung ilang stuffed toys.

Napatingin lahat ng bumili sa’kin.

After five minutes of awkward apology—

Nakabili na kami ng Balloons, Lights, Candles, Confetti, at keychain.

At HINDI yung giant teddy bear.

“Sayang,” Bulong ni Collie.

“Hindi sayang, tama lang next time nalang,” Sagot ko. Na dapat di ko nalang sinabi yung huli.

"Ayie gusto pa nya ng next time" Pang-aasar nya na ikina pula ko.

Paglabas namin ng mall pagod na ako.

Mentally, Emotionally, and Financially kawawa naman bulsa ko.

“Successful po,” Sabi ni Callie.

“Phase two complete!” Dagdag ni Collie.

Napatingin ako sa kanila.

“ Ano ang phase three?”

Ngumisi si Collie.

“Execution.”

Napahinto ako.

“Execution?”

“Date night,” Sabi niya.

Napatingin ako sa hawak kong paper bag sa mga gamit sa loob sabay huminga ako nang malalim.

“Hindi na talaga ako makakatakas, no?”

“Hindi na po,” Sabay nilang sagot.

Habang nagmamaneho naisip kong may nakalimutan kami.

"May nakalimutan tayo" Sabi ko. Agad naman silang natigilan at nagkatinginan.

"What?" Sabay nilang tanong.

"Flowers" Sabi ko.

"Marami po sa gilid ng garden will take care of it po" Sabi ni collie. Napatango nalang ako.

Pagka uwi napatingin ako sa orasan.

4:07 PM.

“May tatlong oras pa” Bulong ko habang nakatitig sa mga bitbit naming gamit. “Hindi sapat yun.”

“Sapat po,” Sagot ni Callie habang inaayos ang listahan niya.

“Speed po ang kailangan,” Dagdag ni Collie.

Pagkapasok pa lang namin ng bahay—

“WAIT.” Biglang harang ni Collie sa harap ko, parang security guard.

Napahinto ako. “Ano na naman?”

She raised one hand.

“We need to be careful.”

Napakunot noo ko. “…Ha?”

“Operation: Secret Date,” Bulong niya. “Top level stealth.”

“Stealth?”

“Follow me,” Sabi niya, biglang yumuko. At nagsimula siyang maglakad pa-tiptoe.

Napapikit ako.

“Collie—”

“Shhh!” Takip niya sa bibig ko. “Walls have ears.”

Napaisip ako sa sinabi nya tinutukoy nya na mommy nya or yung mga pader.

Si Callie Sumunod lang sa kalokohan ng bunso.

“Agree po. risk level medium,” Dagdag pa nya. Napatingin ako sa kanilang dalawa at sumunod na rin.

“Hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa ‘to.”

Tatlo kaming naglalakad sa hallway pa-ninja mode.

“Left clear,” Bulong ni Collie habang sumisilip sa kanto.

“Right clear,” Dagdag ni Callie.

“Clear ang buong bahay,” Sabi ko.

“Focus po,” Sabi ni Callie.

Pagdating namin sa garden—

“GO GO GO!” Sigaw ni Collie.

“Hindi na stealth?” Tanong ko.

“Mission start na po,” Sagot niya.

Okay.

Nagkanya-kanya kami.

Ako— nag set ng table.

Si Callie— nag-aayos ng ribbons.

Si Collie— may hawak na confetti na parang bomba.

“Collie, dahan-dahan—”

PFFFFT.

“Oops.”

“COLLIE!”

“Decor po!” Sabi niya, napailing ako.

After ilang minutes unti-unting gumaganda yung garden.

May ilaw.

May balloons.

May maliit na table.

Napahinto ako sandali.

“Grabe…” Bulong ko.

"Bakit po?" Tanong ni collie.

“Pang Pinterest level ahh,” Sabi ko habang tumatango.

“Okay,” Sabi ko. “Food.”

"Let's order" Sabi ni Callie. Agad akong umiling dahil may oras pa gusto ko ako mag luluto.

"No" Sabi ko.

"You gonna cook po?" Tanong ni Callie. Tumango ako.

“Ano po lulutuin mo?” Tanong ni Collie.

“Pasta,” Sagot ko.

“Romantic,” Sabi ni Callie.

“Simple lang ‘to.”

“Simple but effective,” Sagot niya.

Pumunta ako sa kusina agad nagluto.

At habang nagluluto yung dalawa nasa likod ko.

“Dude…” Tawag ni Collie. “Parang movie.”

“Anong movie?”

“Yung may chef tapos in-love.”

“Hindi ako chef.”

“Yes but you're in-love,” Sabi niya.

Napangiti nalang ako at nagpatuloy.

After almost 2 hours of cooking

“Done,” Sabi ko. Napatingin sila sa pasta.

“Wow,” Sabi ni Collie.

“Smells good,” Dagdag ni Callie.

Napangiti ako ng konti.

“Okay.. next?”

Nagkatinginan sila. Then sabay—

“OUTFIT.”

“Ha?”

“Magpapalit ka po,” Sabi ni Callie.

“Hindi na kailangan”

“Kailangan po,” Sabay nilang sabi.

“Heto na naman kayo”

Tinulak nila ako papunta sa hagdan.

“I think 10 minutes will be enough to take a quick shower!” Sigaw ni Collie.

“Hindi ako”

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.

“Grabe…”

AFTER A FEW MINUTES…

Nakapagpalit na ako.

White polo and Black pants Simple pero

okay na rin , Napabuntong hininga ako.

“Calm down.”

Paglabas ko wala na sila.

“Collie? Callie?”

Napakunot noo ko naglakad ako at napadaan ako sa office ni Emery at narinig ko sila sa loob.

Collie POV:

“Mommy!” Sigaw ko. while opening the door.

Napatingin si Mommy sa amin.

“Yes?” Nagtatakang.

“Close your eyes po,” Aabi ni Callie.

Agad napataas ang kilay ni mommy.

“Why?”

“Trust us po,” Sagot ko.

“Educational po,” Dagdag ni Callie.

Napabuntong hininga si mommy pero ginawa nya rin pero binuksan ulit.

“You two are so suspicious.”

“Please po,” Sabay naming sabi.

Tahimik siya sandali then she smiled a little.

“Okay.”

Pumikit siya.

“Yay!” Bulong ko.

Hinawakan namin si mommy sa kamay.

“Careful po,” Sabi ni Callie.

“May step po,” Dagdag ko kahit wala naman.

“I know my house,” Sagot ni mommy, natawa ako ng mahina.

"Don't cheat mom close your eyes" Sabi ni Callie.

"Okay okay" Sabi ni mommy.

We can't do it alone kaya tinawagan ko po sila yaya. Dahan-dahan nila siyang inalalayan pababa at dinala palabas ng garden.

“Ready po?” Tanong ko.

“Hmm?” Sagot ni Mommy.

“Open your eyes po.”

Seraphine's POV:

Back to me.

Nakatayo ako sa gitna ng garden hindi ko maipaliwanag and nararamdaman ang alam ko lang nanginginig babaw ang kabadingan esta kaba ko, rabe yung tibok ng puso ko hindi ko alam kung tatakbo ba ako o tatayo lang.

Dumating sila.

Binuksan niya ang mga mata niya at tumingin sa paligid.

Sa lights.

Sa balloons.

Sa table.

Sa… akin.

Napatigil siya.

“Amor?”

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

“Ah… po…”

“Surprise!” Sigaw ni Collie.

“Date,” Dagdag ni Callie.

“COLLIE—”

Napatingin ulit si Emery sa’kin.

Then Unti-unti siyang ngumiti.

“You did this?” Tanong nya.

Napakamot ako sa batok ko.

“Ah… opo sa tulong po nila…”

“Team effort po,” Singit ni Collie.

Napatawa si Emery ng mahina.

Soft, warm at dahil dun mas lalo akong kinabahan.

Tahimik siya sandali. Then she stepped closer mas malapit.

“Are you asking me on a date, Amor?”

Diretso nyang tanong.

Wala akong takas. Napatingin ako sa kanya sa mga mata niya at huminga ako nang malalim.

“Opo,” Mahina kong sabi. Pero totoo.

Tahimik ulit. Then—

She smiled.

“Then I’d love to.”

Sa likod ko—

“YIEEEEEEEE!” Sigaw ni Collie.

“Success,” Sabi ni Callie.

Napapikit ako at hindi mapigilang mapangiti. Lumapit ang kambal sakannya at iniabot ang inayos nilang bulaklak galing sa gilid ng garden.

“Mission accomplished,” Bulong ni Collie sa tabi ko.

“Exit,” Dagdag ni Callie.

Napalingon ako sa kanila. “Sandali, teka saan kayo pupunta?”

Ngumisi si Collie. “Privacy po.”

“Educational purpose,” Dagdag ni Callie. Habang tumatawa.

“ANONG—”

Pero bago pa ako makapigil—

“Bye po!” Sabay nilang sabi, at tumakbo papasok sa loob ng bahay bahay.

“COLLIE— CALLIE—”

Napalingon ako pabalik

nakatingin lang si Emery sa’kin. At ngumiti.

“Ang galing nila,” Sabi niya, mahina.

Napatango ako. “Opo… medyo.. no actually too much.”

She chuckled softly.

“I like it.”

Napatigil ako.

“Talaga po?”

She nodded. “Yeah. It’s… thoughtful.”

Napakamot ako sa batok. “Ah… hindi ko po talaga plan ‘to… sila lang—”

“But you said yes,” She cut me gently.

Napatingin ako sa kanya.

“Opo.”

Sandaling katahimikan.

Pero this time… Hindi awkward.

“Shall we?” Sabi niya, tinuro yung table.

Napangiti ako ng konti. “Opo.”

Umupo kami.

Ako— kinakabahan.

Siya— calm. Di ako sure pero kasi ang chill lang ng itsura niya.

Grabe, ang unfair.

“Did you cook this?” Tanong niya habang tinitingnan yung pasta. Meron namang hinanda sila manang pero yun ang napansin niya.

“Opo,” Sagot ko.

Nag umpisa kaming kumain she took a bite kaya napahinto ako at tumitig sakanya.

Me Waiting.

She Judging.

Me Praying.

Then She smiled.

“It’s good.”

Napabuntong hininga ako. “Salamat po.”

“Relax,” She chuckled. “Hindi ako food critic.”

“Hindi po yun…na pressure lang.”

“From me?” Taas kilay niyang tanong, medyo amused.

Napailing ako. “Sa sarili ko po.”

Tumango siya.

“Hmm… I get that.”

Unti-unti nagiging natural yung usapan.

“Since when do you cook?” Tanong niya.

“Ah… natuto lang po kailangan ehh.”

“For yourself?”

“Yes po. And for people I care about.”

Sabi ko sabay ngiti.

Napatingin siya sa’kin.

“That’s nice,” Sabi niya, mas mahina ngayon.

“Paano po kayo?” Tanong ko. “Kayo ba marunong magluto?”

She smiled a little. “Barely.”

Napatawa ako. “Talaga po?”

“I can survive but not impress.”

“Pwede na po yun.”

“Not like this,” Sabi niya, tumingin ulit sa pagkain. Napangiti ako ng konti.

Habang kumakain kami napapansin ko na mas relaxed na ako. Mas okay na

Parang hindi na ako takot parang gusto ko na lang mag-stay sa moment na ‘to.

“Amor,” Tawag niya.

“Po?”

“I told you to remove formality,” Sabi nya, sabay irap.

Napakamot ako sa batok ko.

Napatingin siya ulit sa’kin mas malapit na yung tingin niya ngayon.

Mas focused.

“Don’t move.”

Napakunot noo ko. “Ha?”

Lumapit siya ng konti dahil dun bigla akong kinabahan.

“Wait— bakit—”

“Shh,” Mahina niyang sabi na ikinagil ko hindi ako gumalaw hindi rin ako huminga dahil parang tumigil ang mundo ko.

Then—

Inangat niya ang kamay niya.

Dahan-dahang ipinunta sa mukha ko.

Napalunok ako.

“May sauce ka,” Bulong niya.

Napapikit ako saglit sa kahihiyan.

Dahan-dahan niyang pinunasan yung gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.

Marahan at maingat pero parang may dumaan na kuryente sa buong katawan ko.

“Okay na,” Sabi niya, pero hindi agad binaba yung kamay niya.

Sandali pa siyang nakatitig.

Then dahan-dahan niyang ibinaba.

Napaurong siya ng konti pero yung init nandito parin parang naiwan.

Napaiwas ako ng tingin.

“Thank you,” Mahina kong sabi. Halos pabulong, she just smiled softly.

“You’re welcome.”

Malamig naman dito sa labas pero ang init ng pakiramdam ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain.

MINUTES HAD PASSED

Matapos namin kumain…

“Tara po sa dulo?” Tanong ko, medyo kalmado na.

Tumingin siya sa’kin, then smiled. “Sure.”

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa dulo ng garden. Dun walang gaanong ilaw tahimik ang paligid may konting hangin at kitang kita ang mga bituin sa langit sa gitna nun may maliit na bench.

“Dito po,” Sabi ko, tinuro yun.

“Hmm,” Tumango siya at umupo.

Umupo rin ako sa tabi niya medyo may distansya pero ramdam ko pa rin yung presence niya.

Grabe.

Ilang segundong walang nagsasalita.

Nakatingin lang kami sa langit.

Sa mga bituin.

Huminga ako nang malalim.

“Miss Emery—”

“Emery,” Putol niya, mahina pero ramdam kong may ngiti. Napalingon ako sa kanya.

“Ha?”

“You can call me Emery,” Sabi niya. “I told you that many times.”

Napalunok ako.

“Okay po— I mean… Emery.”

Tahimik ulit sandali. Then

“Did you like it?” Tanong ko.

Napatingin siya sa paligid.

Then bumalik ang tingin niya sa’kin.

“Yes,” Sabi niya.

Simple pero grabe yung tama sakin.

“I really did.”

Parang may kumalma sa loob ko.

Napangiti ako ng konti.

“Good… kasi medyo kinabahan ako.”

She chuckled softly. “Halata nga.”

“Cute naman,” Bulong niya.

Napatigil ako.

“Cute?”

“Yeah,” Sabi niya, habang nakatingin sa’kin. “You were trying so hard.”

Napakamot ako sa batok. “For you.”

“I can see that, you really like scratching your nape and forehead, aren't you?” sabi nya.

“Ahh yeah,” Sagot ko.

“Just like him,” bulong nya halos hindi ko marinig.

Tahimik ulit pero this time mas malapit na kami sa isa't isa.

“Thank you,” Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.

“For this… for today.”

Umiling ako. “Dapat ako yung mag-thank you.”

“Why?”

“Kasi pumayag ka,” I said sabay ngiti.

“Why wouldn’t I?” Tanong nya.

Napahinto ako hindi ko alam isasagot.

Huminga siya nang malalim, then tumingin ulit sa langit.

“It’s nice,” Sabi niya. “Being here… like this.”

“..With you.”

Hindi ko napigilan napangiti ako.

“Same,” Medyo nahihiya kong sabi. Sabay yuko.

Pagtingin ko ulit sa kanya nakatitig na siya sa’kin mahina ang ilaw pero kita ko yung ngiti niya at hindi ko maiwasan mapatitig sakannya.

Hanggang sa… Napailing ako ng konti, nahihiyang umiwas.

“Ang tahimik natin.”

She smiled. “Not a bad thing.”

Tumango ako.

“Hindi nga.”

Nagkatitigan kami walang nag sasalita

Hindi ko namalayan kung kailan pero

Ramdam ko na ang hininga niya subrang lapit. Tama siguro to ng winena ininum namin kanina.

“Amor,” Mahina niyang tawag.

“Emery…” Sagot ko, halos pabulong na rin.

Saglit kaming nagtitigan at walang umiwas. Dahan-dahan siyang tumango ng konti ako naman hindi gumalaw.

Ay wait— seryoso ba ‘to—

Pero hindi na ako nakapag-isip pa.

Palapit na siya. Konti na lang—

“MOMMYYYYYY!!”

“DUDE!!”

“ANO BA!”

CRASH!

Nagulat kaming dalawa.

Biglang may dalawang maliit na katawan na gumulong papunta sa amin kasama ang isang kumot.

“ARAY!”

“AY SORRY— AKO BA— IKAW—?!”

“COLLIE?! CALLIE?!” Sabay naming sigaw. Pareho kaming napatayo ni Emery at nagmamadaling lumapit sa kanila.

“Anong nangyari?!” Tanong ko, halos mataranta.

“Are you okay?” Dagdag ni Emery, seryoso na.

Tahimik saglit. Then—

Dahan-dahang umangat yung dalawang ulo mula sa kumot.

“We’re okay! We’re okay!” Sabay nilang sabi, kahit halatang nahilo pa.

Nakatulala lang kami ni Emery.

Biglang lumapit si Callie kay Collie, halos magdikit ulo nila.

“Palpak…” Bulong ni Collie.

“Wrong timing…” Sagot ni Callie, pabulong din. Napapikit ako saglit.

Owgag this kids.

“You guys sure?” Tanong ni Emery, medyo may duda na. Agad silang tumayo kahit medyo pa-wobble pa.

“Yes po!” Sabay taas ng kamay na parang nasa recitation.

Hindi ko na kinaya napatawa ako.

Hindi lang simpleng tawa yung tipong napayuko ako at napahawak sa tuhod ko.

“HAHAHA grabe kayo HAHAHA!”

Pak!

Hinampas ako ni Emery sa braso.

“Aray!” Napatingin ako sa kanya.

“Not funny,” Sabi niya, pero halatang pinipigilan niya rin ang tumawa nya.

“Sorry, pero bakit kasi may dala ka yung kumot?!” Natatawa kong tanong.

Biglang tinuro ni Callie si Collie.

“It’s her plan!”

“Hoy!” Reklamo ni Collie. “Its getting cold po kasi!”

“Lamig?” Taas kilay ko. “Sa pagtakbo? Ayy takbo nga ba yun HAHAHAH,” Pang-aasar ko sa kanila. Sa totoo lang parang di nga takbo yun gumulong sila.

Napailing si Emery pero may maliit na ngiti narin.

Lumapit siya sa kanila, inayos yung magulong buhok nila lalo na si Collie na parang sinabunutan ng hangin.

“You two…” Sabi niya, mahina pero may lambing. “Next time, walk. Not… whatever that was.”

“Yes po,” Sabay nilang sagot na parabang walang nangyari.

Huminga siya nang malalim.

“Let’s go inside. It’s getting cold.”

“See!” Proud na sabi ni Collie.

Napailing na lang ako, nakangiti pa rin.

Habang naglalakad kami pabalik—

Napatingin ako kay Emery at siya rin mapatingin saakin pareho kaming napangiti. Bitin, Pero… Worth it. Kasi kahit sabog, kahit palpak yung dalawa sa dulo masaya masaya ang ending.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.