CHAPTER 27 Action

Seraphine's POV:

Maagang-maaga kong hinatid ang mga bata sa school bago dumiretso sa meeting place namin ni Hana.

Tahimik ang umaga, pero ang isip ko magulo.

Pagdating ko sa restaurant, nakita ko agad siyang nakaupo sa may gilid at nakaharap sa bintana habang dahan dahang hinahalo ang kape niya.

"Sorry, traffic," Sabi ko habang umuupo sa harap niya.

She gave me a small smile.

"Ayos lang, Kakadating ko lang din." Sabi nya.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.

"Kumusta si Lara?" Tanong ko, kunwari casual lang.

"Busy sa pag-aayos ng papers niya."

Tinitigan niya ako sandali bago muling nagsalita.

"Oo nga pala... ikaw, kamusta?"

Napayuko ako nang bahagya.

"Okay lang naman."

Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat sabihin ng simpleng salitang iyon.

Then Hana leaned back on her chair.

"Narinig ko lahat," Sabi niya. Nanlaki ang mata ko.

"A-anong lahat?"

"Lahat ng sinabi ni Lara noong gabing lasing sya," Sabi niya. sabay inom ng kape.

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.

"Hana..."

She looked straight into my eyes.

"May nakaraan ba kayo?" Tanong nya.

Hindi ako agad nakasagot humigpit lang ang hawak ko sa baso ng tubig.

Then I whispered-

"Kasalanan ko."

At sa sandaling iyon, bumalik sa isip ko ang mga bagay na pilit kong nililibing.

"How?" Tanong nya.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.