CHAPTER 38 Ang Mahiwagang Crocs
Seraphine's POV:
It's been two weeks since the outing, at doon ko mas lalong naramdaman kung gaano kami mas napalapit sa isa't isa.
Pinakilala na rin niya ako sa magulang niya, pero nasa ibang bansa pa sila at next week pa uuwi ng Pilipinas.
Sa totoo lang, kinakabahan ako.
Pero kailangan eh.
Kahit ang sungit tignan ni Tita at parang kakainin ako nang buo ng mga kilay niya.
Paano ko nasabi? Well, naka-video call namin sila kahapon and now.
As usual, nasa office ako ni Emery habang nakaupo sa upuan niya.
Tahimik lang siyang nagtatrabaho habang nakaupo sa couch, habang ako naman... walang ibang ginagawa kundi istorbohin siya.
"Baby..." Tawag ko habang iniikot-ikot yung swivel chair niya gamit ang mga paa ko.
Hindi siya tumingin.
"Hmm?"
"Ang ganda mo talaga."
Napailing siya habang nagta-type.
"Amor..."
"'Amor' lang? Hindi love, baby, honey my love so sweet?" Reklamong tanong ko.
"Baby," Ulit niya.
Ngumiti ako saka tumayo at lumapit sa likod niya. Yumuko ako para yakapin siya mula sa likod.
"Buti nakaka-focus ka sa ganda mong 'yan," Sabi ko.
"Hmm."
"Paano ka nakaka-focus kung ganiyan ka kaganda?"
"Ako pa talaga yung hindi maka-focus?" Natatawa niyang sabi.
Napaisip naman ako.
"So ako?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Just focus on your thing, baby," Sabi niya.
Napanguso ako.
"Eh, miss lang naman kita."
Finally, lumingon siya sakin. Yung malamig niyang expression kanina, napalitan ng kunot-noo.
"Miss? We're always together, love," Sabi niya.
"Oo, pero miss pa rin kita."
Bago pa siya makasagot, may kumatok sa pinto.
Kaya napasimangot ako. Natawa naman siya.
"Come in," Sabi niya.
Pumasok ang secretary niya.
"Ma'am, Collie's school called."
Agad kaming napatuwid pareho.
Napabuntong-hininga si Emery habang pinipisil ang sentido niya.
"Kanino na naman nakipag-away 'yun?" Tanong ko.
"Hindi ko po sure, ma'am. Pero pinapapunta raw po ang guardian niya."
"Okay, thank you," Sabi ko.
Agad naman siyang lumabas.
Kasabay nun, tumunog ang phone
ni Emery. At nakita kong si Margaret.
Sinagot niya agad.
"Hello?"
Tahimik siya ng ilang segundo bago napapikit.
"Yeah, I know. Okay, I understood."
Pagkababa niya ng call, tumingin siya sakin.
"She fought someone again."
"Hindi ka na nasanay," Sabi ko.
"I don't know what to do with her anymore," Sabi niya.
"Well, kailangan muna nating malaman yung side niya. Besides, most of the time, di niya kasalanan," Sabi ko.
"Yeah, so let's go?"
Hindi pa ako nakakasagot nang muling bumukas ang pinto.
"Ma'am," Mabilis na sabi ng secretary niya, "May emergency board meeting po. They need you now."
Napakunot-noo si Emery.
"Now?"
"Yes, ma'am. Urgent daw po."
Tumayo agad ako.
"Don't worry. Ako na pupunta sa school."
"No, I'll go with you," Seryoso niyang sabi sabay tingin sa secretary niya.
Umiling naman ito.
"Sorry, ma'am, but they really need you right now."
Napabuntong-hininga si Emery bago tumingin sakin.
"You sure?"
Ngumiti lang ako.
"I can handle it," Sabi ko.
Agad naman siyang sumama sa secretary niya.
Napabuntong-hininga naman ako habang nakatingin sa kisame.
"Ano na naman ginawa mo bunso?"
FEW MINUTES HAD PASSED
Pagdating ko sa dean's office, agad kong narinig yung boses ng dean bago pa man ako tuluyang makapasok.
"Collie, we already talked about this."
Tahimik lang ang paligid maliban sa mahinang sermon nito.
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok at dahan-dahang pumasok.
"Good afternoon," Bati ko.
Agad napatingin sa'kin si Collie.
Namumula ang mga mata niya habang nakaupo sa chair.
Pero ilang segundo lang, mabilis din siyang umiwas ng tingin sakin saka yumuko habang kinakalikot yung mga daliri niya.
At ewan ko ba...
Parang may kumurot agad sa dibdib ko.
Napabuntong-hininga ako bago lumapit sa kaniya at lumuhod sa harap niya.
Tahimik lang siya.
Then after a few seconds-
"Sorry po mama..." Mahina niyang sabi.
Hindi muna ako nagsalita. Kaya dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sakin at doon ako ngumiti.
Yung tipong parang binibigyan ko siya ng assurance na hindi ako galit.
Agad namang nangilid ulit ang luha niya.
"Are you okay?" Mahinahon kong tanong.
"San masakit?" Dagdag ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip, bigla lang siyang yumakap sakin.
Mahigpit.
Napapikit naman ako saglit bago ko rin siya niyakap pabalik.
Nararamdaman kong nanginginig pa siya habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ko.
Dahan-dahan ko sana siyang ilalayo para makausap ko ang dean niya, pero mas lalo lang siyang kumapit. Kaya napabuntong-hininga na lang ako saka siya kinarga at umupo sa upuan habang nasa kandungan ko siya.
Nakayakap pa rin tahimik lang.
"So... let's start," Sabi ng dean.
Tumango ako habang marahang hinihimas ang likod ni Collie.
"She went to the boys' restroom again," Panimula ng dean.
Napakurap ako.
"She peed there. The boys started mocking her, so she argued back. At dahil doon, some boys started arguing with her too. It escalated into a fight."
Ramdam kong mas humigpit ang yakap ni Collie sakin.
Mahina rin siyang paulit-ulit na bumubulong ng-
Sorry...
Napabuntong-hininga ako saka mas lalo siyang hinaplos sa likod.
"Hey..."
Napatingin siya sakin.
"It's not wrong to defend yourself." Panimula ko.
Namumula ang mga mata niyang tumingin sakin.
"But sometimes... violence isn't the answer to every anger."
Tahimik siyang tumango.
"Sorry po, mama."
Napatingin ako sa kanya.
"Next time," Sabi ko habang inaayos ang buhok niya, "Sabihin mo sakin agad, okay? Call me so mommy won't be worried."
Tahimik siyang tumango bago dahan-dahang yumakap sakin ulit.
"Collie," Tawag ng dean nang mas malumanay na.
Dahan-dahan siyang humarap dito habang nakaupo pa rin sa kandungan ko.
Namumugto ang mga mata niya.
"This can't keep happening. Napag-usapan na natin 'to, right?"
Tahimik siyang tumango.
"This will be your last chance."
Agad yumuko si Collie.
"Sorry po..."
"If this happens again," Pagpapatuloy ng dean, "I might need to request a transfer. Hindi na puwedeng paulit-ulit na lang."
Parang lalo siyang lumiit sa kandungan ko.
Tumango lang siya ulit.
"Sorry po"
Mas lumambot naman ang boses ng dean pagkatapos nun.
"Collie, napag-usapan na rin natin before na kapag gusto mong pumunta sa restroom... you can use the office restroom instead."
"Okay po..." Mahina niyang sagot.
"Sorry po." Dagdag niya.
Tumango ang dean bago tumingin sakin.
"Can I talk to Ms. Amor privately for a moment?"
Agad akong tumingin kay Collie.
"It's okay, baby. Hintayin mo 'ko outside?"
Tahimik siyang tumango bago dahan-dahang bumaba sa kandungan ko.
Pero bago siya tuluyang lumabas, kumapit muna siya saglit sa sleeve ko.
Parang ayaw niyang bumitaw. Nginitian ko na lang siya ulit hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng office.
Pagkasara ng pinto, napabuntong hininga ang dean at tumingin ito
sakin nang seryoso.
"Malaki ang utang na loob ko sa pamilyang Walls," Mahinahon niyang sabi.
"Pero alam niyo naman na lahat ng bagay... may limitasyon."
Tahimik akong tumango.
"I understand, Ma'am. Sorry po."
Huminga ako nang malalim bago tumingin sakanya ng bahagya.
"I promise it won't happen again."
Matagal muna siyang tahimik bago tuluyang tumango.
"Okay."
Then she sighed softly.
"You can go now."
Tumayo ako saka ngumiti nang maliit.
"Thank you po."
Paglabas ko ng office, agad kong nakita si Collie na tahimik na nakaupo sa bench habang nakayuko.
At the moment she saw me. Agad siyang tumayo.
"Mama, galit ka po ba?" Tanong niya.
Pero imbes na sumagot, tinanong ko rin siya.
"Gusto mo ice cream?" Tanong ko. Feeling ko kasi mas makakapag-open siya kapag kalmado na ang diwa niya.
Napangiti naman siya at tumango.
"Tara," Sabi ko.
At agad na kaming pumunta sa malapit na ice cream shop.
AFTER A FEW HOURS...
Nasa penthouse na kami at nag-usap na rin kami ni Collie tungkol sa nangyari kanina and hindi siya nagkwento si ko narin pinilit basta pinagsabihan ko nalang siya at nangako naman siya sakin.
Sinabi ko na rin na huwag na niyang sabihin sa mommy niya, pero sa huli sinabi ko rin sinigurado ko siya na okay na ang lahat.
Currently, almost gabi na.
Nasa sala kaming apat. Ako, si Emery, si Collie, at si Callie.
Lahat kami may hawak na iPad habang naglalaro ng horror game.
Request ng kambal.
At dahil may topak kaming lahat, pinatay namin lahat ng ilaw.
Literal na ang only source of light ay yung glow ng mga iPad namin na parang apat na multong naka-face reveal sa dilim.
Tahimik lang kaming naglalaro habang naririnig yung creepy footsteps sa game.
Then suddenly-
"Mama..."
Mahinang tawag ni Collie habang nakatitig sa malaking curtain ng glass wall.
"Hm?"
"Pwede po ba nating isara 'yang kurtina?"
Napatingin ako sa curtain.
"Bakit?"
"City lights po."
Natahimik ako. At napatingin kay Emery.
"Pero sobrang dilim na," Reklamo ko.
"Mama..."
Tahimik ulit. Then si Callie-
"Then what? You will get scared?" Tanong ni Callie.
Ibang Callie ang kasama namin ngayon medyo maingay.
"Di ako matatakot!" Depensa agad ni Collie.
"Matatakot ka."
"Mama, sara mo na po."
Napatingin ako kay Emery at tumango naman siya.
"Sige na nga."
Tumayo ako at sinara yung curtains habang si Collie naman todo bantay sa likod ko na parang anytime may lalabas na white lady sa balcony.
Pagkasara ko-
"Patayin na rin po natin yung last light."
Napatingin ako kay Collie.
"Anak... naka-off na lahat."
"Yung lamp po."
"Collie, sobrang dilim na."
"Exactly po."
"ANONG EXACTLY DOON?!"
Pero pinatay pa rin ni Emery yung lamp.
At ayun. Total darkness.
Tanging ilaw lang ng mga iPad ang lumiliwanag.
Mukha tuloy kaming apat na nagse-session ng black magic.
Tahimik ulit. Then biglang-
'AAAAAAAAAAAHHHH!'
May tumakbong multo sa screen ni Callie. Pero tahimik lang siya.
Literal.
Wala man lang reaction. Nag-scroll pa siya habang kumakain ng chips.
"Pathetic," Sabi niya.
Napakunot noo agad ako.
"Hindi ka nagulat?!"
"Bakit po ako magugulat? Eh pixels lang naman po 'to."
Grabe.
Hindi talaga sila normal.
Then kay Emery naman, biglang may tumalon na duguang babae sa screen.
Wala rin reaction.
Humigop pa siya ng iced coffee niya.
"The graphics are ugly."
"ANO BA KAYO?!" Bulong ko sa sarili ko.
Pag-open ko ng pinto sa game-
'BWAAAAAH!'
"MAMA MO BLUE PINK PURPLE VIOLET!" Sabi ko.
Napapitlag ako. Muntik pang malaglag yung iPad na hawak ko.
Tumawa agad si Emery si Callie naman, napailing lang habang si Collie halos humiga kakatawa.
"Mommy, tingnan mo po si Mama Amor!" Tawa niya. "Nayanig kaluluwa niya!"
"Manahimik ka diyan!" Sabi ko.
"Kala ko po matapang ka!" Dagdag niya.
"Hindi ako prepared!" Sagot ko.
"Excuses."
"Anak, gusto mo mawalan ng inheritance?"
"May ipapamana ka po ba, Mama?" Tanong niya.
"AY OO NGA PALA WALA," Sabi ko.
Honestly, meron naman. Ang kaso, wala dito.
Lalong tumawa si Emery.
Nagpatuloy kami sa game at habang nagtatawanan at nag-aasaran kami, si Collie naman sobrang yabang na.
"Tsk. Ang easy lang po nito. Wala pang multong humahabol sakin."
Then parang may narinig siyang sound effect sa game niya. Tumigil siya.
Napatingin sa paligid.
AFTER FEW MINUTES...
Napatingin ako kay Collie at parang may gusto siyang sabihin. Umiling ako kasi hindi ko siya maintindihan.
Then kunwari casual lang nagsalita siya.
"Mama..."
"Hm?"
"Iihi po ako." Sabi niya. Napalunok ako.
"Sige," sabi ko at tumingin sa iPad kasi ayaw ko. Natatakot ako.
"Samahan mo po ako."
Napatingin sina Emery at Callie.
Then slowly...
Napangisi si Callie.
Ay, hindi maganda 'yang ngising 'yan.
"Why?" Tanong ni Callie.
"Ha?"
"Why do you need someone to accompany you?"
"Eh... madilim."
"You wanted this, and that's not enough reason."
"Basta," Sabi ni Collie.
Naka-kunot-noo na palipat-lipat naman ang tingin ko sakanila.
"Are you scared?" Tanong ni Callie.
"Hindi, no!"
"Then go alone," Sabi niya.
"Madilim ngani, Ate Callie..." Dahan-dahang nang sabi ni Collie.
"Edi buksan mo ilaw."
"Yes."
Tatayo na sana si Collie para buksan yung ilaw pero biglang nagsalita ulit si Callie.
"See? You're scared."
"No, I'm not."
"Prove it first that you are not scared."
"Hindi nga ako takot!"
"Then pumunta ka sa CR nang walang ilaw."
Natahimik si Collie.
Biglang tiklop.
Napansin ko agad yung mukha niya.
Yung tipong gusto niya nang umiyak pero ayaw niyang masira street credibility niya bilang 'matapang na bata.'
Napabuntong-hininga ako at napatingin kay Callie. Ngumiti naman siya at tumango.
"Collie?" Tawag ko.
"Okay lang po."
Pero kitang-kita kong hindi.
Kaya tumayo ako.
"Sige na. Samahan kita at baka magka-urinary retention ka jan," Sabi ko.
Parang nakakita ng savior si Collie.
"Tara po. Na wiwiwi na ako." Bulong niya.
"Alam ko."
Habang naglalakad kami sa hallway, sobrang dilim.
As in wala kang makita kundi vague outlines lang ng furniture.
Then suddenly-
THOG!
"ARAY!" Sabi ko.
May nabangga ako.
"ANO 'YAN?!" Bulong ko.
Napakapit agad si Collie sakin.
Kinapa ko naman ang nabangga ko, gamit ang mga kamay.
"Mesa lang pala." Sabi ko.
"Bakit po kasi nandiyan 'yan?!"
"COLLIE, MESA NATIN 'TO!"
Then after ilang hakbang-
THUD!
"AARAY KO PO!"
Si Collie naman bumangga sa wall. Alam ko kasing may pader doon dahil sa mesa. Napahawak ako sa noo ko habang tumatawa.
"Ikaw kasi!"
"Bakit kasi may pader dito?!" Tanong niya.
"ANO PONG BAKIT MAY PADER DIYAN?! BAHAY PO NATIN 'TO!" Sabi niya.
Wait... may point siya, pero ba't parang bumalik sakin yung sinabi ko kanina?
"Tanggalin natin bukas," Sabi ko.
"Tama po."
Naglakad na kami. Then biglang humawak si Collie sa kamay ko.
As in mahigpit. Yung tipong parang mawawala ako sa dimension kapag bumitaw siya.
"Mama..."
"Hm?"
"Wag mo 'ko iiwan."
"Hindi kita iiwan. Isa pa, wala naman ang ate mo kaya pwede mong open yang ilaw sa loob, diba?" Sabi ko.
"Promise?"
"Promise."
Pagdating namin sa restroom ayaw pa rin niyang bumitaw. As in kahit hahawak na siya sa doorknob, kapit pa rin.
"Collie... paano ka iihi niyan?"
"Ewan ko po."
"Teka nga."
Nag-isip ako.
Then may idea ako.
"Sige. Pasok ka. Iiwan kong slightly open yung door tapos nandito lang ako sa labas."
Napaisip siya.
"Hindi ka po aalis?" Tanong niya.
"Hindi," Sagot ko.
"Promise?"
"Pang-ilang promise na natin 'to?"
"Safety first po." Sabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Finally, pumasok na siya sa loob habang ako nasa labas ng restroom door.
Tahimik.
Then after a few seconds-
"Mama..."Tawag niya sakin.
"Hm?"
"Kausapin mo po ako."
"Bakit?"
"Para alam kong buhay ka pa po." Sabi niya.
Napailing ako.
"Excuse me?"
"Please."
Tumawa na lang ako.
"Sige. Ano gusto mo pag-usapan?"
"Mama..."
"Hm?"
"Kapag may multo pong kumatok-" Panimula niya.
"Wag mo bubuksan," Putol ko agad.
"Paano po pag cute?"
"Wag."
"Paano po pag hot?" Tanong niya ulit.
"Still no."
"Pag maganda po?"
"MAS LALO MONG WAG BUBUKSAN!"
"Pag-"
"Collie, bilisan mo na lang diyan."
Sabi ko.
"Okay po," Sabi niya.
Then from afar, narinig namin si Callie sumigaw mula sala.
"COLLIE TAKOT!"
"INDI AKO TAKOT!" Sagot ni Collie.
"TAKOT!"
"INDI NGA!"
Then biglang sumigaw rin si Emery-
"Collie, hurry up. The ghost might get here first."
"Mama amor, sabihin mo kay mommy shh siya ayaw lumabas ng wiwi ko!"
Natawa ako habang nakasandal sa wall.
Honestly? This family is insane.
Pero habang naririnig ko si Collie na nagra-rant sa loob ng CR habang si Callie at Emery inaasar siya sa malayo...
Hindi ko napigilang ngumiti.
Kasi minsan...
Ang pinaka-masayang moments talaga
Yung simpleng magkakasama lang
kami kasama ang mga siraulo
naming kaibigan.
Nasa labas pa rin ako ng restroom habang si Collie nasa loob at nonstop
ang bibig.
Umiling na lang ako habang nakasandal sa wall.
Then finally-
Nag-open yung restroom door.
Lumabas si Collie at agad humawak sa kamay ko na parang life support.
"Tapos na?"
"Opo."
"Tara na."
Dahan-dahan kaming naglalakad pabalik sa sala.
Tahimik.
Madilim.
Nakakatakot.
Then suddenly, may humawak sa balikat ko.
Malamig.
Mahigpit.
Biglaan.
Napalingon ako kay Collie kahit hindi ko siya kita, at napaisip na di naman abot ni Collie yung balikat ko kaya-
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"
Napatalon ako sabay sigaw.
Nagulat si Collie.
"MAMA?! BAKIT PO?!"
Napapikit ako habang halos mawalan ng kaluluwa.
"Mama, bitawan mo 'ko! Masakit!"
Huminto ako. Unti-unti kong tiningnan kamay ko kahit di ko kita.
...Wala akong hawak.
Naramdaman kong nanlamig buong katawan ko. Then dahan-dahan akong nagsalita-
"Di kita hawak."
Tahimik.
Two seconds.
Then sabay kaming napasigaw.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!"
Biglang nagwala si Collie.
Literal.
May kung anong nilalang na nakahawak pala sa kanya habang may isang kamay sa balikat ko.
At dahil wala na siyang pake sa humanity, naramdaman kong parang naging ninja siya.
Bigla siyang-
"LAYO KA PANGIT!"
PAK!
"ASWANG!"
PAK!
"MABAHO!"
PAK!
"AMOY PANIS NA TOFU!"
"MMMMMMMMMMMMMMPH?!"
May sumigaw. Or more like... may nag-attempt sumigaw.
Ako naman, nakapikit na lang habang sumisigaw din.
"LORD AYOKO PA PO!"
Then narinig ko si Collie-
"MAMA TINUTULUNGAN KITA!"
"ANONG NANGYAYARI?!" Tanong ko.
"DI KO PO ALAM BASTA SINASAMPAL KO NA!" Sabi niya.
Then may isa pang sigaw mula sa sala.
"What is it?!" Tanong ni Emery.
Biglang-
CLICK!
Bumukas lahat ng ilaw napatigil kami.
Dahan-dahan kong minulat mata ko.
Then bumungad sakin si Jasmine.
Nakaluhod at mukhang wasak ang kaluluwa. Magulo ang buhok.
Namumula ang mukha.
At si Collie?
Nakahawak sa buhok niya gamit ang isang kamay habang yung kabilang kamay hawak yung crocs niya na pinanghahampas sa mukha ni Jasmine.
At ang mas lalo pang malala-
Nakakagat si Collie sa braso ni Jasmine.
As in literal na parang galit na Chihuahua habang naka pikit.
"MMMMMMMPH!"
Napasinghap ako.
"COLLIE!" Tawag ko.
"Hindi ako susuko, Mama!" Sabi niya.
"ANAK, SI JASMINE 'YAN!"
Tumigil si Collie.
Slowly siyang nagmulat ng mata at tumingin kay Jasmine.
Then bumitaw siya sa pagkaka kagat.
"Ate?"
Si Jasmine halos maiyak na habang hawak ang mukha niya.
"MMPH!!!"
Then biglang dumating ang kampon ni Elsa at ang mga exotic... I mean chaotic kong kaibigan.
Pagkakita ni Lara napahawak agad siya sa tiyan kakatawa.
"ANO NANAMAN NANGYARI?! NAUNA KA LANG UMAKYAT SAMIN TAPOS?!"
Si Hana naman gulat na nakatingin pero kalaunan tumawa rin.
"OH MY GOD, DINAGA SI JASMINE!"
"Hindi po daga!" Depensa ni Collie. "Self-defense po!"
Then dumating rin si Calista.
Pagkakita niya kay Jasmine-
Napapikit siya.
"What happened, baby?"
Lumapit agad ako.
"Ba't kasi di ka nagsasalita?!" Tanong ko.
Si Jasmine, galit na galit na tumuro sa bibig niya.
"MMMMM!"
Then si Lara biglang natawa.
"Hindi kasi siya makapagsalita."
"Ha?"
"Kumain kasi siya ng bawal kaya siya na-mute," Sabi ni Hana.
"Si gaga muted nga sa Discord natin, muted pa siya in real life," Natatawang sabi ni Lara.
Natahimik kami.
Then sabay kaming napatingin kay Jasmine. Namamaga nga labi niya.
Pati lalamunan ata.
"Wait..." Sabi ko habang nanginginig pa rin. "Ikaw yung humawak samin?!"
Tumango si Jasmine habang masama ang tingin kay Collie.
"MMMM."
"Bakit di ka nagsalita?!"
"MMMMMMMM!"
"Exactly," sabi ni Lara. "Hindi ngani makapagsalita."
"Oo nga pala," Sabi ko, medyo lutang na rin kasi ako.
Then dahan-dahang nagsalita si Collie-
"So hindi ka multo?"
Napapikit si Jasmine.
Then tinaas niya dalawang kamay niya.
"Gets ko na po," Sabi ni Collie.
Then biglang nagsalita si Callie habang tumatawa rin ng mahina.
"Collie, you bit Ate Jasmine."
"Kala ko kasi aswang, so instead na ako maging aswang, siya na lang po gagawin kong tao," Mahabang sabi ni Collie.
"You even called her stinky..."
"Amoy kasi siyang stressed ghost!"
Biglang tumayo si Jasmine.
Maling desisyon.
Kasi nahilo siya agad.
"Ay!"
Sinalo siya ni Lara habang tumatawa.
"Deserve."
"MMMMMMM!"
"Kasalanan mo rin. Ba't ka kasi naglalakad sa dilim na parang The Conjuring? Isa pa, sabi namin hintayin mo kami," Sabi ni Hana.
Then si Lara biglang humagalpak ulit.
"TEKA LANG-"
Tinuro niya si Jasmine.
"Hinampas mo talaga siya ng crocs?!" Tanong niya kay Collie pagkakita sa hawak nito.
"Oo po."
"WHY?!"
"Accessible weapon po."
"RIGHT BEHAVIOR!" Sigaw ni Lara.
"Hindi tamang behavior 'yan!" Sabi ko. At napailing.
Meanwhile, si Jasmine mukhang gusto na kaming isumpa lahat.
Then suddenly...
Si Collie dahan-dahang umatras.
"...Mama."
"Hm?"
"Yung crocs ko..."
"Bakit?"
"Yung pinanghampas ko po sa mukha ni ate Jasmine..."
"O?"
"...Yun gamit ko po sa restroom kanina."
"Okay lang yan." Sabi ko. Umiling naman siya.
"Sa floor po ako umihi."
"Bakit sa floor?" Nagtataka kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. Then-
Slowly napalingon lahat kay Jasmine.
Si Jasmine natulala. Then biglang-
"MMMMMMMMMMMMMMMMMM?!"
Tumakbo siya papuntang sink habang lahat kami halos mamatay kakatawa.
Someone's POV
I was in the middle of fixing the pile of documents scattered across my desk when the office door suddenly opened without a single knock.
The sound alone already told me who it was.
No one else in this building had the audacity to walk into my office like they owned the place.
I didn't bother looking up immediately, already feeling irritation crawl beneath my skin.
"What do you want?" I asked flatly, my tone colder than usual.
A quiet chuckle echoed through the room.
Not warm.
Not genuine.
Just familiar enough to make my head ache.
I leaned back against my chair and finally looked at him, only to find him standing there with the same unreadable expression he always wore like a shield.
"You don't miss me?" He asked casually.
I rolled my eyes almost instantly.
Miss him?
Miss the silence he leaves behind every time he disappears?
Miss the endless problems and orders he drags into everyone's lives?
If anything, his presence only meant another storm was coming.
Before I could even answer, he spoke again.
"Any updates about the investigation?"
Straight to business.
As always.
I studied him carefully this time, and that was when I noticed it.
His eyes looked worse than the last time I saw him.
Dark circles sat heavily beneath them, and they were bloodshot like sleep had abandoned him weeks ago. He looked exhausted, but not physically.
It was the kind of exhaustion that came from carrying fear for too long.
"Still ongoing," I answered quietly before pausing for a moment.
"You're not planning to show up to her?"
For a second, silence filled the room.
Then he laughed.
Not because anything was funny.
The sound was sharp and hollow, almost mocking, like the thought itself was ridiculous.
He dragged a hand through his hair before looking away completely.
"And then what?" He shot back. "Put her life in danger?"
His voice dropped lower after that.
Tighter.
Strained.
"I already lost one," He continued quietly. "I can't afford to lose another... not when that psychopath is out there again pretending like nothing ever happened."
The atmosphere inside the office shifted instantly.
Heavy.
Suffocating.
You could practically feel the anger buried beneath his calm expression, mixed with fear so deep it had probably been haunting him for years.
It wasn't the loud kind of fear.
It was the silent kind-the type that slowly destroys someone from the inside.
I let out a slow breath before sitting up straighter.
"That's exactly why you need to stay around her," I said firmly. "Ngayon ka niya mas kailangan."
He didn't answer.
He just stood there with his jaw clenched tightly, eyes fixed somewhere far away like he was fighting thoughts he refused to say out loud.
I knew that look too well.
Fear had a habit of turning people into ghosts long before they actually disappeared.
"I know what you're trying to do," I continued softly. "You think staying away will give her a normal life?"
Still nothing.
"But you and I both know that if that person finds out she's unguarded..." I leaned forward slightly, lowering my voice. "If they realize you're not there anymore, what do you think happens next?"
That finally got his attention.
I saw it immediately that brief flicker in his eyes before it disappeared just as quickly.
The silence between us stretched painfully, thick enough to suffocate the entire room.
Neither of us moved.
Neither of us looked away.
Then I spoke again.
"But I think you're afraid of something worse," I murmured. "You're afraid of being too late. Again."
His eyes snapped toward mine instantly.
That was the first genuine reaction he'd shown all this years.
I leaned back slowly before continuing.
"What if that person already knows?" I asked quietly. "What if they already figured out who she really is?"
Silence.
Then finally, he spoke.
"Just continue the investigation," He said quietly.
"Until we have something solid... something undeniable... there's nothing we can do."
I almost laughed at that.
Not because it was funny, but because we both knew it was a lie.
There was always something we could do.
He just didn't trust himself enough to do it without destroying everything around him.
He turned his back on me afterward,
just like he always did whenever conversations became too real for
him to handle.
The door opened slowly, and for a brief second, he paused.
Like he wanted to say something else.
Or maybe take everything back.
But he didn't.
The door closed softly behind him, and just like that...
He was gone again.
I stared at the empty space he left behind, fingers tapping lightly against the surface of my desk as silence settled around me once more.
"Nothing we can do..." I muttered bitterly under my breath.
If only things were really that simple.
Because somewhere out there, someone was already pretending.
Hiding behind a mask so perfect that nobody noticed the blood hidden beneath it.
And the scariest part?
We already knew who they were.
We just didn't know their next move...
Or how many steps ahead they already were.