CHAPTER 40 Ghosts Dont Knock

Seraphine's POV:

Sobra na ang kaba ko habang nagda-drive ng sasakyan. Katabi ko si Emery na abala sa pagrereply sa messages niya habang ako... halos isang oras nang kinakabahan mula pa sa pagligo ko kanina.

Hindi naman halata siguro.

Medyo konti lang. Very konti.

"Hey."

Napatingin ako saglit kay Emery.

"Hmm?"

"You're gripping the steering wheel like it owes you money."

Napabuntong-hininga ako.

"Nakakakaba kasi."

Tumawa siya nang mahina. "Baby, my parents are humans too. They won't eat you alive," Sabi niya.

Napangisi naman ako.

"'Di mo sure. Tayo nga, kinakain natin isa't isa," Bulong ko.

Agad naman akong nakatanggap ng hampas kaya napatawa ako.

"I'm not joking," Sabi niya.

"'Di rin naman ako nagbibiro, pero kasi mas nakakatakot yung calm-type people eh."

Lalong natawa si Emery habang inaabot yung isang kamay ko at pinisil iyon.

"We can do this together."

Hindi ako sumagot.

Kasi based sa video calls namin nung nakaraan... yung mommy niya?

Diyos ko.

Parang mas malamig na version niya kapag walang tulog at badtrip sa buhay. Buti na lang yung daddy niya mukhang mabait.

Pagdating namin sa bahay nina Cassandra, agad akong bumaba at binuksan ang pinto sa likod kung saan nakatulog si Collie.

"Hey, baby, dito na tayo," Sabi ko.

Agad naman siyang gumising at kinusot ang mga mata niya.

Agad bumaba si Collie dala yung maliit niyang backpack at stuffed toy niyang si Lili.

"TITA LARAAAAAA!"

Halos mabingi ako sa sigaw niya bago siya sinalubong ni Lara sa may pinto.

"Ayan na ang tiyanak ko!" Natatawang sabi ni Lara habang buhat-buhat si Collie.

"Luh," Dagdag ni Lara pagkakita sa'kin habang buhat si Collie. "Mukha kang papasok sa gyera."

"Ganun ba kahalata?"

"Oo."

Tumawa lang siya. "Relax ka lang. Kung mahal ka ni Emery, sapat na 'yon."

Hindi ko alam bakit, pero medyo gumaan pakiramdam ko doon.

Pagkatapos naming iwan si Collie, dumaan naman kami kila Margaret para ihatid si Callie, na nagbabasa ng libro at nakikinig ng music.

Pagka-stop namin, agad niyang tinanggal ang earbuds niya.

"Cele," Bungad agad ni Margaret kay Emery habang nakasilip sa bintana ng sasakyan namin, "Did you train Amor for this? She might pass out."

"Margaret," Sabi ni Emery habang natatawa.

"What? I'm just concerned."

Napailing na lang ako habang niyayakap ako ni Callie bago bumaba.

"Good luck, Mama," Bulong niya sa'kin.

"Thanks, anak," Sagot ko habang natatawa.

At pagkatapos no'n...

Kami na lang dalawa.

Mas lalo akong kinabahan.

MINUTES HAD PASSED.

Pagdating namin sa mansion ng parents ni Emery, literal na napalunok ako.

Hindi bahay 'to eh, parang resort na ewan.

Pagkababa namin ng sasakyan, agad lumapit yung mga staff para buksan yung pinto.

"Baby," Mahinang tawag niya habang inaabot yung kamay ko. "Breathe."

"Humihinga naman ako ah."

"You look like you're about to faint."

"Konti lang."

Ngumiti siya bago ako hinila paloob.

Pagpasok namin, bumungad agad yung sobrang eleganteng living room.

At sa gitna no'n...

Nandoon ang parents niya.

Her dad looked warm. Pero yung mom niya?

Lord.

Mas lalo akong kinabahan.

"Mom. Dad," Kalmadong bati ni Emery. "This is Amor."

Tumayo ang dad niya at agad hinalikan sa pisngi si Emery bago ako kinamayan.

"So ikaw pala si Amor."

"Opo."

Her mom simply looked at me from head to toe before giving a small nod.

"Sit."

Grabe, parang principal.

Umupo kami ni Emery sa couch habang ako, pilit inaayos ang sarili ko.

Then her dad smiled.

"So, Amor... what do you do for a living?"

Biglang natigilan ako. Walang intro-intro, straight to the point.

"Ako po..."

Hindi ko alam paano ipapaliwanag.

Na yung buhay ko umiikot sa pag-aalaga sa mga bata, at yun mismo ang trabaho ko.

Na wala akong malaking title.

Pero bago pa ako tuluyang mautal-

"She's planning to start a business," Mahinahon sagot ni Emery habang nakatingin sa parents niya. "And she's been taking care of the kids full-time for now."

Napatingin ako kay Emery.

She was helping me.

Again.

I don't know, pero may part sa'kin na parang nanliit ako sa sarili ko.

Tumango ang daddy niya. "I see."

Kala ko okay na pero biglang nagsalita ulit ang mommy niya habang elegante niyang inilapag yung wine glass sa mesa.

"So, let me understand this correctly," malamig niyang sabi. "My daughter handles the businesses, attends meetings, works nonstop... while you stay at home and spend her money?"

Tahimik akong napayuko.

Hindi dahil wala akong sagot, kundi dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sarili ko.

Sa totoo lang, kahit ako minsan nagtatanong sa sarili ko kung karapat-dapat ba talaga ako para kay Emery.

"Mom," Matigas na sabi ni Emery. Halatang naiirita na siya.

Agad kong hinawakan ang kamay niya.

Napatingin naman siya sa'kin kaya bahagya akong ngumiti para pakalmahin siya.

Ayokong ako pa ang pagmulan ng pag-aaway nila.

"Come on, wife," Natatawang singit naman ng daddy ni Emery. "You're interrogating the poor girl already."

"I'm only asking," diretsahang sagot ng mommy niya bago muling bumaling sa'kin. "What exactly are your credentials, Amor?"

Bago pa ako makasagot, mabilis nang nagsalita si Emery, halatang medyo naiirita na.

"Mom, Amor isn't just some random girl," Sabi niya habang bahagya siyang napalingon sa'kin na may maliit na ngiti sa labi.

"Amor started college here in the Philippines when she was eighteen," pagpapatuloy niya. "She took Business Management and finished it at twenty-one."

Bahagyang tumaas ang kilay ng mommy niya habang tahimik lang na nakikinig.

"Then at twenty-two, she moved to Spain," Dagdag niya.

Napatingin ako kay Emery nang bahagya hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lahat ng 'yon.

"At twenty-five," Pagpapatuloy niya, "She decided to study again."

"Again?" Tanong ng mommy niya.

Tumango si Emery.

"She took International Business Management in Spain," Sagot niya. "Since may background na siya sa Business Management, two years na lang yung tinapos niya, mostly to refresh and expand what she already knew, I think."

Medyo hindi siya sure na sabi.

Tahimik lang yung mommy niya habang nakatingin sa kanya.

"At the same time," Dagdag pa niya habang natatawa nang mahina, "She also took Fine Arts for two years because apparently hindi sapat na isa lang ang nagpapahirap sa kanya."

Napangiti nang bahagya si tito habang ako naman gusto nang matunaw sa hiya.

"She wasn't just studying either," Patuloy niya. "While studying in Spain, she was also helping manage her aunt's business there."

"And then she came back here?" Tanong ng mommy niya.

Tumango si Emery.

"So she returned to the Philippines to work on her own and work for a different company." Sagot niya.

Tahimik yung buong sala habang nagsasalita siya.

Pakiramdam ko mas kilala pa niya ang buhay ko kaysa sa sarili ko.

"And she still graduated with honors," dagdag niya habang proud na proud yung tono.

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi naman po gano'n-"

"She's underselling herself," Mabilis na putol ni Emery habang napapangiti. "Some of the marketing concepts used in their Spain branches came from her ideas."

Tahimik ulit yung buong mesa pagkatapos no'n.

Pero this time, hindi na gano'n katalim yung tingin ng mommy niya sa'kin.

Parang mas curious na siya kaysa mapanghusga.

Then after a few seconds, nagsalita ulit siya.

"What about the missing years?"

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.

"The years after going back to school," Dagdag niya. "What were you doing during that time?"

Napatingin si Emery sa'kin.

Halatang naghihintay siya ng sagot.

Pero ako rin mismo... hindi alam kung paano ipapaliwanag lahat.

Napayuko ako nang bahagya habang kinakalikot yung daliri ko.

Tahimik lang si Emery, pero ramdam kong nag-aalala siya dahil kahit siya, hindi rin niya alam yung buong sagot.

Huminga ako nang mabagal bago pilit na ngumiti.

"I..." Mahina kong umpisa.

Pero walang sumunod na salita.

Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ikukwento yung parte ng buhay ko na kahit ako, sinusubukan ko pa ring intindihin at malaman.

Tahimik siyang nakatingin sa'kin ngayon, parang mas maingat na niyang sinusuri bawat kilos ko.

"Barcelona?" Biglang tanong ng mommy niya.

Napatigil ako.

That place.

Doon kami nakatira ni tita noon.

"Hm..." Marahan niyang sambit. "Spain. Reyes. Barcelona..."

Naningkit nang bahagya yung mga mata niya.

"Are you related to the Reyes family from Sant Cugat del Vallès?"

Napakagat-labi ako bago marahang umiling.

"I... honestly don't know po," Pag-amin ko habang kinakabahan. "Lumaki po kasi ako with my tita. Siya lang po talaga yung pamilya na meron ako."

"And your aunt's name?"

"Victoria Teresa Reyes po."

Halos agad kong nakita yung pagbabago ng ekspresyon niya.

Bigla siyang natahimik.

Napatingin si Emery sa mommy niya.

"Mom?" Tawag ni Emery habang nagtataka. "Do you know her?"

"I know her very well," Mabagal niyang sagot habang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "And as far as I know, Victoria Reyes doesn't have any siblings... which is why I'm confused."

Bahagya siyang sumandal sa upuan, parang biglang bumigat yung hangin sa paligid.

"So how exactly are you related to her?"

Napatikom ako ng bibig.

Kasi sa totoo lang... hindi ko rin alam.

Hindi ko kailanman naitanong kay tita kung magkaano-ano talaga kami. Hindi ko alam kung bakit ako sa kanya lumaki o kung bakit parang may mga bagay siyang sadyang itinatago sa'kin.

Ang alam ko lang... siya yung nagpalaki sa'kin.

"I... don't know po," Mahina kong sagot.

Tahimik ulit yung buong sala.

Then after a few seconds, she sighed softly and waved the topic away.

"Never mind."

Pero halatang hindi pa rin nawawala yung tanong sa isip niya.

Muli niya akong tinignan.

"If you're that capable," Mahinahon niyang sabi habang diretso ang tingin sa'kin, "Then why aren't you working under your aunt's company now?"

Napatingin ako saglit kay Emery bago muling bumaling sa kanya.

"My aunt sold all of her businesses here in the Philippines po," Mahinahon kong paliwanag. "After that, she started a new company in the UK."

"And she didn't ask you to come with her?" Tanong niya agad.

"She did," sagot ko habang bahagyang ngumiti. "Actually... ilang beses niya po akong pinapabalik sa Spain."

"Then why didn't you?"

Sandali akong natahimik bago mahina akong napabuntong-hininga.

"Kasi po..." Napayuko ako sandali habang iniisip kung paano ko ipapaliwanag yung sarili ko. "I don't really want to spend my whole life depending on my aunt's name."

Tahimik silang lahat na nakatingin sa'kin.

"I know a lot of people assume na everything I achieved was handed to me because of her," Pagpapatuloy ko. "And maybe some opportunities became easier because she guided me... but I still want to prove to myself na kaya ko ring magtagumpay nang sarili ko."

Bahagyang tumaas ang kilay ng mommy niya habang tahimik na nakikinig.

"I don't like special treatment po," Diretso kong sabi. "Ayokong may mag-hire o rumespeto sa'kin dahil lang pamangkin ako ni Victoria Reyes."

Napatitig siya sa'kin habang tuloy-tuloy akong nagsasalita.

"If I'm going to build something," mahina kong dagdag, "I want it to be mine. Yung tipong pinaghirapan ko talaga. Not something people would automatically connect to my aunt."

Emery's dad suddenly chuckled softly.

"Well," Natatawa niyang sabi habang nakatingin kay Emery, "Now I understand why our daughter likes her so much."

Napailing lang si Emery habang nakangiti.

For the first time, parang may kaunting respeto na akong natanggap.

"Then tell me this instead," Mahinahon niyang sabi. "What exactly do you love about my daughter?"

Napatingin ako sa kanya.

At kahit kinakabahan ako...

Pagdating kay Emery, parang kusa na lang lumalabas lahat.

Ngumiti ako.

"Madami po."

"Like?"

Huminga ako nang malalim.

"She's kind. Hindi lang po halata minsan kasi mukha siyang masungit-"

"Amor."

Napatawa ako bago nagpatuloy.

"Pero maalaga po siya. She loves deeply. Kapag mahal niya yung tao, ibibigay niya lahat. Napakabuti niya pong anak, nanay, at-"

"Too long," Putol ng mommy niya.

Natigilan ako.

She crossed her legs elegantly.

"So how does it work?"

Napakunot-noo ako.

"I mean," She continued calmly, "Both of you are women."

"Mom," Agad na sabi ni Emery.

Pero pinigilan ko siya.

Dahan-dahan akong tumingin sa mommy niya.

At kahit nanginginig yung mga kamay ko at ang puso ko, di na mapakali sa dibdib ko...

Buong puso akong nagsalita.

"Mahal ko po ang anak niyo."

Tahimik lang silang nakatingin sa'kin.

"Katulad po ng pagmamahal ko sa mga bata... mahirap po siyang ipaliwanag. At mahirap din pong ipaintindi sa ibang tao."

Napahawak si Emery sa kamay ko.

"Pero sinisigurado ko pong hindi yaman, pangalan, o kahit ano man po ang kailangan ko sa anak niyo."

Huminga ako nang malalim.

"Mahal ko po siya."

"At sisikapin ko pong mas magpursige... para maging karapat-dapat sa pagmamahal niya."

Tahimik.

Then slowly, ngumiti ang daddy niya.

A warm, genuine smile.

At sa gilid ko-

Mas humigpit yung hawak ni Emery sa kamay ko.

Tahimik yung buong sala matapos akong magsalita.

Hindi ko alam kung anong iniisip ng mommy niya.

Hindi ko rin alam kung pasado ba ako o hindi.

Pero yung daddy niya?

Ngumiti siya.

At somehow... sapat na muna 'yon para makahinga ako.

Then suddenly-

"Ma'am," Tawag ng kasambahay nila habang papasok sa living room. "May bisita po."

Napatingin lahat sa pinto.

Her mom calmly fixed her wine glass. "Who is it?"

"Sir Robert daw po."

Robert.

Hindi ko alam bakit, pero parang may nagbago agad sa atmosphere.

Napansin kong bahagyang tumigas yung panga ni Emery.

At bago pa ako makapagtanong-

May lalaking pumasok sa sala.

Matangkad. Clean-looking. Aaminin ko, gwapo.

Sobrang polished.

May hawak siyang bouquet of flowers habang relaxed lang yung aura niya, na parang sobrang komportable siya sa bahay na 'to.

"Will, tita," Nakangiting bati niya habang lumalapit. "I heard you came home."

Lumapit siya sa mommy at daddy ni Emery at nag-beso-beso pa sa kanila.

At makikita mong sobrang close nila.

Napatingin ako kay Emery. At doon ko napansin yung mata niya.

Kanina lang, kahit kinakabahan ako, ramdam kong kalmado siya dahil magkasama kami.

Pero ngayon...

Parang may biglang bumalik na sakit sa mata niya.

Hindi obvious, pero nandun.

Mabigat.

"Sino siya?" Bulong ko kay Emery.

Hindi siya sumagot.

Nakatitig lang siya sa lalaki.

Then the man laughed softly.

"I also wanted to see the kids."

Then napatingin sa'min.

Sa'kin, then finally kay Emery.

Parang biglang bumagal lahat.

"You look good as always," Sabi niya habang may maliit na ngiti. "Didn't miss me?"

Hindi nagsalita si Emery.

At first, akala ko hindi lang niya gustong sumagot.

Pero habang nakatingin ako sa kanya...

Hindi lang pala simpleng discomfort.

Parang may pilit siyang nilulunok.

Bigla siyang tumayo.

At mabilis kinuha yung bag niya sa mesa.

"Mom. Dad," Malamig niyang sabi. "I have things to do."

"Emery-" Tawag ng mommy niya.

Pero hindi na siya tumingin.

Hindi rin siya sumagot doon sa lalaki.

As in wala.

Parang gusto niya na lang mawala agad dito.

Napatingin ako sa parents niya bago awkward na ngumiti.

"Mauna na po kami."

Then dali-dali akong sumunod kay Emery.

Mabilis yung lakad niya palabas ng mansion.

"Baby-"

Hindi siya sumagot.

Pagkarating namin sa sasakyan, agad siyang sumakay sa passenger seat.

Tahimik.

Hindi yung normal na tahimik niya.

Hindi yung composed silence.

Hindi yung cold silence.

Ito yung klase ng katahimikan na parang may gustong sumabog pero pinipigilan lang.

Dahan-dahan akong umupo sa driver's seat.

Then I started the car.

Tanging tunog lang ng makina ang naririnig ko.

Paminsan-minsan, sinusulyapan ko siya.

Nakatitig lang siya sa bintana.

Yung kamay niya, mahigpit na nakahawak sa bag niya.

Parang galit.

Parang nasasaktan.

Parang parehong sabay.

Hindi ko alam anong itatanong ko.

Actually, hindi ko talaga alam kung dapat ba akong magtanong.

Kasi ramdam ko whatever that was-

Mas malalim siya kaysa sa iniisip ko.

Ilang minuto kaming walang imikan hanggang sa mahinahon akong nagsalita.

"Do you want coffee?"

Hindi siya tumingin sa'kin.

"No."

Napakagat-labi ako.

"Do you... want to talk?"

Walang sagot.

Akala ko hindi na siya magsasalita.

Pero after a few seconds-

"Not now," Mahina niyang sabi.

At doon ko mas lalo naramdaman yung bigat.

Hindi ko na pinilit.

Hinayaan ko na lang siyang tumingin sa bintana habang nagda-drive ako.

Pero habang tumatagal...

May kung anong mabigat na pakiramdam na unti-unting nagpapasikip sa dibdib ko.

Kasi hindi ko alam kung sino yung lalaking 'yon.

Pero alam kong importante siya.

Alam kong may history.

At mas lalo akong kinakabahan dahil sa isang bagay na hindi mawala sa isip ko-

That was the first time...

Na nakita kong parang gustong takbuhan ni Emery ang isang tao.

Pagkauwi namin, diretso lang umakyat si Emery.

Wala man lang siyang sinabi. Hindi niya ako tinignan, hindi rin nagpaalam, at hindi niya hinintay na sumunod ako. Narinig ko lang yung mahina pero mabigat na pagsara ng pinto ng kwarto niya habang ako naiwan sa sala, tulala at hindi alam kung ano bang dapat kong gawin.

Tahimik ang buong bahay dahil wala ang mga bata.

At habang tumatagal yung katahimikan, mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ko kayang makita si Emery na gano'n. Yung parang may pasan siyang sobrang bigat pero pinipilit niyang sarilinin lahat.

Napabuntong-hininga ako bago kinuha yung cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Margaret.

Ilang ring pa lang, agad na niyang sinagot.

"Hello?"

"Margaret..."

Pagkarinig pa lang niya ng boses ko, agad nagbago yung tono niya.

"Why? Is there something wrong?"

"I... I don't know," Mahina kong sagot habang napapaupo sa couch. "Okay naman lahat kanina. Tapos may dumating na lalaki."

"Who?"

"Robert."

Bigla siyang natahimik.

As in walang kahit anong tunog.

Then-

"Fuck."

Napapikit ako habang hinihimas yung noo ko.

"Nasaan si Emery?" Tanong niya agad.

"Nasa kwarto niya."

"Wait. Pupunta ako diyan."

"Marg-"

Pero pinatay na niya agad yung tawag.

Halos thirty minutes lang yung lumipas nang dumating sila.

Pagkabukas ko ng pinto, agad bumungad si Margaret kasama si Callie. Mukhang nagmamadali pa silang umalis dahil naka-jacket lang si Margaret at medyo magulo pa yung buhok niya.

"Mama?" Tawag agad ni Callie habang nakatingala sa'kin. "Where's Mommy?"

"Sa taas, anak."

Tahimik siyang tumango.

"I'll go to my room muna, tita... mama."

"Okay, baby," Mahina kong sagot habang pinipilit ngumiti.

Agad siyang umakyat habang kami naman ni Margaret naiwan sa sala.

Nakatitig lang siya sa'kin ngayon.

"What happened?"

Huminga ako nang malalim bago ko kinuwento lahat.

Yung parents ni Emery.

Yung pagdating nung lalaki.

Yung paraan ng pagtingin ni Emery sa kanya.

Yung biglang pagbabago ng mood niya.

Yung pag-alis namin.

Tahimik lang si Margaret habang nakikinig, pero habang tumatagal mas lalong pumapangit yung expression niya.

"Robert..." Halos pabulong niyang sambit, pero ramdam ko agad yung galit sa paraan ng pagkakasabi niya sa pangalan.

Hindi ko alam bakit, pero lalo akong kinabahan.

"I'll go check on her."

At agad siyang umakyat, naiwan akong mag-isa sa sala habang hindi mapakali yung isip ko.

Sino ba talaga yung lalaking 'yon?

Bakit parang wasak si Emery pagkakita sa kanya?

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko.

Hindi ko na kinaya.

Tumayo ako at dahan-dahang umakyat sa taas.

Hindi ko naman balak makinig.

Gusto ko lang sana silipin si Emery. Baka kailangan niya ng yakap. Baka kailangan niya lang ako.

Pero habang papalapit ako sa kwarto...

Naririnig ko yung boses nila.

"He had the audacity to come back like nothing happened?" Galit na sabi ni Margaret.

Tahimik saglit bago sumagot si Emery.

"I already knew he was here in the Philippines last month pa."

Huminto ako sa paglalakad.

"I received messages from him," Mahina niyang dagdag. "And he went to my office five times... but I never saw him personally. Sa CCTV lang."

Nanlamig yung mga kamay ko.

"And you didn't block him?" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Margaret.

Mahina yung sagot ni Emery.

"No."

"My God, Celes..."

Mahabang katahimikan yung sumunod.

At kahit hindi ko sila nakikita, ramdam ko yung bigat sa loob ng kwarto.

Then Margaret spoke again.

"What's your plan?"

Hindi agad sumagot si Emery.

At nung nagsalita siya, doon ko narinig yung bagay na mas lalong nagpagulo sa'kin.

Yung sakit sa boses niya.

Yung lungkot.

Yung pagkalito.

"I don't know..."

Huminto siya sandali.

"Seeing him earlier makes me feel-"

Hindi ko na narinig yung kasunod.

Parang may biglang humigpit sa dibdib ko at nahirapan akong huminga.

Seeing him earlier makes me feel...

What?

Happy?

In love?

Nostalgic?

Hindi ko alam.

Pero biglang nagulo yung utak ko.

At isang thought lang yung paulit-ulit na sumasaksak sa isip ko.

What if siya yung tatay ng mga bata?

What if siya yung parte ng buhay ni Emery na hindi ko kayang pantayan kahit anong gawin ko.

Napapikit ako nang madiin habang pilit kinakalma ang sarili ko.

Enough, Amor. Huwag kang ganyan. Alamin mo muna lahat.

Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi mawala yung takot.

Natatakot ako na baka sa pagbabalik nung lalaking 'yon... mawala yung lugar ko sa puso ni Emery.

Dahan-dahan akong umatras.

Pero sa pagmamadali ko, nabundol ko yung maliit na vase sa hallway.

Mabilis ko naman iyong nasalo, pero nakagawa pa rin ng tunog.

"May tao?" Rinig kong tanong ni Margaret mula sa loob.

Nanlaki agad ang mga mata ko.

At bago pa nila mabuksan yung pinto, mabilis akong tumakbo pababa.

Hindi ko na alam ginagawa ko.

Hindi ko na alam bakit sobrang sakit.

Pagdating ko sa sala, agad kong kinuha yung susi ng sasakyan ko habang nanginginig yung mga kamay ko.

"Amor?"

Narinig ko pa ang boses ni Margaret mula sa taas, pero hindi ako lumingon.

Diretso lang akong lumabas ng bahay at agad sumakay sa sasakyan.

Huminga ako nang malalim habang mahigpit na nakahawak sa manibela.

Hindi ko alam bakit parang gusto kong umiyak. Hindi ko alam bakit sobrang sakit isipin na baka sa pagbabalik niya... nawalan ako ng lugar sa puso ni Emery sa buhay nila ng mga bata.

Napapikit ako habang unti-unting sumisikip yung dibdib ko.

Then slowly-

Pinatakbo ko yung sasakyan paalis.

Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nagmaneho. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, masyadong magulo yung isip ko para umuwi at masyadong mabigat yung dibdib ko para humarap kay Emery.

Tahimik lang yung kalsada habang nagda-drive ako. minsan, sinusulyapan ko yung phone ko na nasa passenger seat, pero hindi ko rin naman magawang hawakan.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Hindi ko rin alam bakit sobrang bigat ng naramdaman ko kanina.

At bago ko pa namalayan, nandito na ako.

Sa lugar na ilang beses ko nang pinuntahan simula nung nalaman ko yung lugar na 'to.

Sa lugar kung saan tahimik.

Kung saan walang nagtatanong.

Kung saan parang pwedeng umiyak nang hindi hinuhusgahan.

Huminto ako sa harap ng memorial ni Ciello at ilang segundo lang akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatitig sa pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit dito ako palaging napapadpad kapag magulo yung utak ko. Siguro dahil kahit wala na siya... pakiramdam ko naiintindihan niya ako.

Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan bago lumapit sa memorial niya. Malamig yung hangin at tahimik yung buong paligid. Tanging tunog lang ng mga dahon na hinihipan ng hangin yung naririnig ko.

Umupo ako sa harap ng memorial niya saka napabuntong-hininga nang mahina.

"I know hindi mo naman ako naririnig," Panimula ko habang nakatingin sa pangalan niya. "Pero kasi... wala na akong malapitan eh."

Napatawa ako nang mahina habang umiiling.

"Funny no? Ikaw pa talaga kinakausap ko."

Tahimik lang yung paligid. Walang sumasagot. Pero somehow, parang gumagaan pa rin yung pakiramdam ko habang nagsasalita.

Yumuko ako habang marahang hinihimas yung memorial plaque niya.

"Mahal ko mommy mo."

Napalunok ako nang maramdaman ko agad yung bigat sa dibdib ko.

"Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko."

Napapikit ako sandali bago mahina akong napatawa.

"At siguro doon ako natatakot."

Kasi kapag sobrang mahal mo yung tao, konting bagay lang kayang durugin buong pagkatao mo.

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"Hindi ko alam kung sino yung Robert na 'yon," Sabi ko habang bahagyang naka-pout.

Sa tingin ko kapag may nakakakita man sa'kin ngayon, pagtatawanan ako.

Napailing ako habang nakatitig lang sa pangalan niya.

"Pero nakita ko kung paano tumingin mama mo sa kanya."

Napakagat ako sa labi.

"At natatakot ako."

Ramdam ko yung hapdi sa mata ko pero pinigilan ko. Ayokong umiyak. Nakakapagod kaya after.

"Ayaw kong maging selfish," Mahina kong dagdag. "Kasi may buhay siya bago ako dumating. May mga taong minahal siya bago ako."

Napabuntong-hininga ako.

"Pero ang sakit pala kapag kaharap mo na."

Dahan-dahan kong hinaplos ulit yung pangalan niya.

"Minsan naiisip ko... karapat-dapat ba talaga ako sa kanya?"

Napatawa ako nang mahina nang maalala ko yung mga tingin ng mommy niya kanina.

"Ang layo-layo namin eh."

"She's Celestine Emery Walls."

"And I'm just..."

Hindi ko na tinuloy. Kasi kahit ako alam ko na yung kasunod no'n.

Just Amor.

Mahabang katahimikan ulit yung sumunod. Pero kahit walang sumasagot sa'kin, tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita. Parang gusto ko lang ilabas lahat ng nasa dibdib ko.

Kung gaano ko kamahal si Emery.

Kung gaano ako natatakot mawala siya.

Kung gaano kasakit makita siyang nasasaktan dahil sa ibang tao.

Then suddenly-

Buzz.

Napatingin ako sa cellphone ko.

Emery: Baby let's talk.

Matagal kong tinitigan yung message niya bago ako napapikit nang mahina. Ilang segundo lang, may panibago na namang message.

Emery: We already talked about this right?

Napabuntong-hininga ako dahil oo. Napag-usapan na namin 'to noon. Yung tungkol sa pagtakbo ko kapag nasasaktan ako. Yung pananahimik ko kapag hindi ko alam paano ipapaliwanag yung nararamdaman ko.

Dahan-dahan akong nagtype.

: Mamaya pa ako uuwi. Susunduin ko na rin si Collie.

Mabilis naman siyang nagreply.

Emery: Okay baby. Take care.

Hindi na ako sumagot pagkatapos no'n. Hindi dahil galit ako kundi dahil pakiramdam ko iiyak lang ako kapag tinuloy ko pa yung usapan namin.

Binalik ko yung phone sa tabi ko bago muling tumingin kay Ciello.

"Your mom loves deeply no?"

Napangiti ako.

"Ang hirap-hirap mahalin ng taong gano'n..."

Napabuntong-hininga ako bago marahang natawa.

"Pero sila rin yung pinaka-imposibleng hindi mahalin."

Hinaplos ko ulit yung memorial plaque niya bago umupo sa tapat. Minsan nagsasalita. Minsan nakatingin lang sa pangalan niya.

Parang baliw na nakikipag-usap sa taong wala na.

Pero somehow... gumaan nang konti yung dibdib ko.

Hindi ko namalayan yung oras. Halos tatlong oras na rin pala akong nandun. Lumalim na yung gabi at mas lumamig pa lalo yung hangin.

Dahan-dahan akong tumayo habang pinupunasan yung mukha ko. Tinitigan ko muna ulit yung pangalan niya bago ngumiti.

"Sige na," Bulong ko.

"Uuwi na ako sa mama mo. Huwag ka sumama sa'kin ah, baka magulat 'yon." Natatawa kong sabi bago marahang napailing.

Tahimik lang ako habang nagda-drive pauwi. Medyo gumaan na yung pakiramdam ko kumpara kanina, pero nandun pa rin yung bigat sa dibdib ko na parang ayaw tuluyang mawala.

Nag umpisa naman ang mahinang ulan at tumatama sa windshield at paulit-ulit na gumagalaw yung wipers sa harap ko. Paminsan-minsan, napapaisip pa rin ako tungkol kay Emery. Kung okay lang ba talaga siya. Kung umiiyak ba siya kanina habang wala ako. Kung iniisip niya rin ba yung lalaking 'yon.

Napabuntong-hininga ako.

Then suddenly, nag-ring yung phone ko.

Lara.

Agad kong sinagot gamit yung car speaker.

"Hello?"

"Amorrrr," Bungad agad ni Lara na halatang natatawa. "May problema tayo."

Napakunot-noo ako. "Bakit?"

"Yung anak mo."

"Anong ginawa ni Collie?"

Bigla kong narinig yung boses ni Collie sa kabilang linya.

"Mama pleaseeee! Sleepover kami nila Tita Lara!"

Napatawa ako nang mahina.

"Collie."

"Pleaseeee," Reklamo niya. "May movie marathon po kami!"

"Tapos may ice cream pa," Dagdag ni Lara. "At sinabi na rin niyang need namin magpaalam dahil hindi ka raw mabubuhay nang isang gabi ng wala siya."

"Hoy," Natatawa kong sagot.

"Mamaaaa," Dagdag ulit ni Collie. "Please?"

Napailing na lang ako habang napapangiti.

"Sige na."

"YEYYYY!"

Halos mabingi ako sa sigaw nilang dalawa.

"Thank you, Mama! Love you!"

"Love you too, baby. Behave ha."

"Opo!"

Naputol yung tawag habang natatawa ako.

At somehow... mas gumaan nang konti yung pakiramdam ko.

Pagdating ko sa bahay, tahimik lang yung paligid. Madilim na rin halos buong bahay tanging sa sala nalang ang liwanag.

At doon ko siya nakita.

Nakatayo si Emery malapit sa sofa habang hawak ang phone niya. Pagkapasok ko pa lang, agad siyang napatingin sa'kin.

Tahimik lang kami na nagtitigan nang ilang segundo.

Then dahan-dahan siyang lumapit.

"You're home," Mahina niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti.

"Nag-sleepover si Collie kila Lara," Sabi ko habang pilit na ngumiti nang bahagya. "Hindi na raw siya uuwi."

Bahagyang tumango si Emery.

Then lumapit siya lalo hanggang sa halos magkadikit na kami.

"Are you okay?" Mahinahon kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya agad sumagot.

Parang iniisip muna niya kung paano sasagutin.

"Medyo," Mahina niyang sagot pagkatapos.

Tahimik ulit.

Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong kung sino si Robert.

Hindi ko alam kung handa ba akong marinig yung sagot.

At siguro... alam din ni Emery na naghihintay ako.

Pero wala ni isa samin yung nagsimula ng topic about sakanya.

Instead, marahan niyang hinawakan ang kamay ko bago dinala sa labi niya.

"I'm sorry about earlier," Mahina niyang sabi.

Umiling agad ako.

"You don't have to apologize."

Napabuntong-hininga siya bago bahagyang yumuko para magkadikit noo namin.

"I love you," Bulong niya.

Napalunok ako.

"And there's no one else, Amor."

Parang may kung anong dahan-dahang kumalma sa loob ko matapos marinig 'yon.

Hindi man niya direktang sinabi kung sino yung lalaki...

Pero ramdam kong sinusubukan niya akong i-assure sa paraan na kaya niya.

Napangiti ako bago ko siya niyakap agad din niya akong niyakap pabalik nang mahigpit.

Parang kanina pa niya gustong gawin 'yon.

"I love you too," Mahina kong sagot.

Ilang segundo lang kaming magkayakap sa gitna ng sala habang tahimik yung buong bahay.

Then eventually, humiwalay siya nang bahagya bago natawa.

"You disappeared for three hours."

Napangiwi ako. "Nagdrama lang ako kay Ciello."

Napapailing siya habang naka ngiti.

"You talked to my son again?"

"Oo," Diretso kong sagot. "Sinumbong kita."

"Wow."

"Check mo nga likod ko, baka sumunod siya sa'kin para pagalitan ka," Natatawa kong sabi habang bahagyang lumilingon sa likod ko.

Agad niya akong hinampas nang mahina sa braso.

"Don't joke like that."

Napatawa ako lalo habang hawak yung braso kong hinampas niya.

"Ano ba? Malay mo naman."

"Amor."

"Sige na nga."

Napailing na lang siya pero hindi niya napigilan ngumiti.

"Sabi ko ang hirap-hirap mong mahalin."

"Then?"

"But ikaw rin yung pinaka-imposibleng hindi mahalin."

Tahimik siyang natawa bago marahan akong hinila papunta sa couch.

At doon natapos yung gabi namin.

Walang sigawan.

Walang pilitang tanong.

Walang explanation na handa pang ibigay.

Kundi tahimik lang na magkatabing nakaupo habang nag-uusap tungkol sa random na bagay.

Tungkol kay Collie at sa sleepover niya.

Tungkol sa movie na gusto raw panoorin ni Callie bukas.

Tungkol sa kung gaano kaingay si Lara sa tawag.

At habang tumatagal yung gabi...

Unti-unti ring gumaan yung pakiramdam ko.

Hindi dahil nawala yung tanong sa isip ko.

Kundi dahil kahit wala pang sagot...

Binigyan niya ako ng assurance, at ibang sigawan ang ginawa namin. Buti na lang pala wala si Collie, hindi ko na kailangang mag-lock.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.