CHAPTER 41 Fec Fec
Seraphine's POV:
"Excuse me po, ate... magkano 'to?" Tanong ko sa clerk.
Agad naman siyang naglakad papunta sa detector.
"Tatlong daan po."
Napakurap ako habang hawak yung basket ko na puno na ng kung anu-anong random na binili ko na hindi ko naman kailangan.
May drinks, may chips may dalawang air freshener. At somehow... may rubber duck.
Hindi ko rin alam bakit.
Honestly, di ko rin alam ba't nandito ako, eh madalas naman si Nanay ang namimili ng mga kailangan namin sa bahay.
Tahimik lang akong naglalakad sa grocery habang nakasabit yung tote bag ko sa balikat ko nang biglang nag-vibrate yung phone ko.
FANTASTIC_EXOTIC_CHIOTIC
Napabuntong-hininga agad ako dahil sira na naman yung katahimikan ko.
Binuksan ko ang group chat namin habang nagtutulak ng cart.
Lara:
MGA FECFEC TIGNAN NIYO SI AMOR ????????
Hana:
AYOKO NA HAHAHA HAHAHAHA
Jasmine:
Sino 'yan, gage ??
Callie:
??
Collie:
SORRY MAMA HAHAHAHAHAHAHAHA
"Anong kalokohan na naman 'to..." Bulong ko sa sarili.
Napahinto ako sa aisle ng noodles habang ino-open yung sinend ni Lara. Kasabay nun ang pagbabago ng profile ng GC namin.
Pagkabukas ko...
Lara:
"Puta."
Napatitig ako sa screen ko. Yung profile picture ng GC-
AKO.
Or at least... parang ako na nasagasaan. Ng tatlong beses. Tapos iniwang emotionally unavailable ng mga doctor sa gilid.
Yung buhok ko mukhang nakuryente. Yung isang mata parang gusto nang bumitaw sa buhay. Yung ngiti...
"Bakit parang kakain ng bata..."
Napahawak ako sa noo ko habang nanginginig yung balikat ko sa kakatawa.
Nagtype agad ako.
Amor:
SINO 'YAN?
Tanong ko kahit alam ko nang ako. Need ko lang ng confirmation.
Baka si Lara-
Wala pang dalawang segundo.
Collie:
Ikaw po 'yan, Mama.
Collie:
Remember po yung painting ni Mommy nung last art time natin, tapos dinraw ko po ulit sa sketchpad.
"AKO 'YAN?!"
Tumawa ako mag-isa sa aisle.
May isang matandang babae pang napatingin sakin na parang nag-aalala.
Sorry po, nasira na po ako ng mga kaibigan ko.
Amor:
BAKIT PARANG MAY SAPI
Lara:
Hindi na sapi 'yan, beh.
Sumuko na katawan niyan.
Hana:
Mukha siyang nagtuturo ng Grade 2 pero secretly kumakain ng kaluluwa after class ??
Napakapit ako sa cart habang tumatawa.
Tapos dumagdag pa si Jasmine.
Jasmine:
Di na stress si Amor diyan.
Depress na. Parang nag-alaga ng sampung Collie na may sapi ni Lara.
Lara:
Hoy, gage, bakit ako nadamay ??
Callie:
Mama doesn't even look like herself anymore. She looks like she got run over by a bull, then stood up and said, "Another one."
Napaubo ako sa gitna ng grocery.
"Gage, amp-"
Hana:
Yung mata niya parang 3 business days nang walang tulog ??
Lara:
Dapat kasuhan ng child abuse si Miss Walls. Traumatized na yung bata kaya ganyan yung drawing ??????
Collie:
Hindi po traumatized.
Expressive lang po ako ????
Amor:
Expressive ?????
Nagreply ulit si Callie.
Callie:
Yung smile po ni Mama parang
"Good morning, class."
Pero deep inside,
"Morning breakfast."
Jasmine:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Hana:
Hindi ako maka-move on sa fingers ??
Bakit parang kayang manghablot ng kaluluwa?
Halos madulas na ako kakatawa habang naglalakad.
Lara:
Hindi na kamay 'yan. Panghila na 'yan ng paa sa ilalim ng kama.
Amor:
Mga demonyo kayo.
Collie:
Pero pretty ka pa rin po, Mama Amor ??
Biglang tumahimik yung GC nang mga dalawang segundo.
Napangiti ako agad.
"Awww..."
Collie:
Pretty scary and shocking po.
Hana:
HAHAHAHA
Jasmine:
HAHAHAHA
Lara:
BWAHAHAHAHAHAHA
"Lord, pwede po bang ibalik niyo na si Collie sa tiyan ni Emery?" Sabi ko habang nakatingala. Hindi ko naman maiwasang mapatawa ulit
Yung clerk sa kabilang side ko, tumatawa na rin kasi rinig niya yata ako.
Lara:
Hindi ko kinakaya yung eye bags ??
Parang nababalot ng darkness ng universe.
Jasmine:
Yung isang mata niya mukhang gusto nang mag-resign pero di pa rin pinayagan kahit isang daan na yung pina-print niyang resignation letter.
Hana:
Tapos yung isa parang never naging okay.
Lara:
Ang accurate nung buhok ??
Parang every strand may sariling trauma.
Amor:
Tatandaan ko lahat 'to.
Lara:
Anong gagawin mo? Iiyak ka gamit yung isang mata mo? ??
Humawak ako sa dibdib ko.
"Grabe naman..."
Pero tawa pa rin ako nang tawa.
Hindi ko na namalayan na nakatayo lang pala ako sa gitna ng grocery habang hawak yung phone ko.
May lumapit pang employee.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tanong niya sakin.
Tumango ako habang tumatawa pa rin.
"Opo... may mga salot lang po talaga sa buhay ko."
Jasmine:
I swear, pag tinitigan mo yung drawing ng matagal parang gagalaw.
Collie:
Mukha pong nagsasabing,
"Collie... pakikuha yung grades mo..."
Lara:
Tapos pag bagsak:
"Alam mo bang disappointment ka?"
Hana:
Gage HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Napapikit ako habang tumatawa. Sakit na ng tiyan ko.
Amor:
Sige. Pag-uwi ko, papatayan ko kayong lahat ng aircon.
Collie:
Mama Amor, wag po ??
Callie:
Please po, Mama. Wag mainit ??
Lara:
Beh, wag naman. Kahit si Satanas nowadays kailangan ng ventilation.
Amor:
Lala niyo talaga. Mukha ba talaga akong ganyan sa paningin niyo? ??
Lara:
Hindi naman. Mas maayos ka diyan konti.
Hana:
OO NGA. Diyan kasi mukhang naligo ka sa stress tapos hindi ka na nagbanlaw ??
Collie:
Mama, yung eyebags mo po sa drawing parang may mortgage.
Jasmine:
Hindi eyebags 'yan. Emotional baggage na 'yan ??
Collie:
Mama Amor looks very artistic po ??
Amor:
THANK YOU, COLLIE.
Collie:
Artistic na parang nasa documentary ng serial killer ??
"PUTIK TALAGA-"
Napahawak ako sa shelf ng canned goods habang tawang-tawa.
Lara:
Yung smile niya parang "Welcome to my class," pero walang uuwi ??????
Hana:
Parang substitute teacher na alam mong may unresolved anger issues.
Jasmine:
Mukha siyang nanghihingi ng assignment at kaluluwa at the same time ??
Callie:
Mama looks like she drinks black coffee without blinking.
Lara:
Hindi black coffee. Gasolina na iniinom niyan.
Hana:
Bakit yung leeg niya parang unang gagalaw anytime, parang sa horror movie ??
Jasmine:
Tapos dahan-dahan siyang lilingon sabay, "Who touched my whiteboard marker?"
Callie:
Then all of the students disappear po ??
Napasandal ulit ako sa cart ko habang tumatawa.
Tangina. Hindi na normal 'tong GC namin.
Amor:
Mga anak talaga ni Satanas.
Lara:
Beh, wag mo namang i-claim kami.
Baka ibalik kami ni Satanas sa kaharian niya ??
Hana:
"Pass sa baliw." - Satanas probably.
Collie:
Mama Amor, your hair mo po looks nice
Amor:
Ayan, mabait si Collie.
Collie:
Parang noodles po na galit.
"AYOKO NA."
Jasmine:
Yung buhok niya parang may sariling WiFi signal ??
Lara:
Pag hinila mo isang curl, lalabas lahat ng problema.
Hana:
Hindi ko talaga kinakaya yung isang mata parang nasa past pa rin at di maka-move forward.
Jasmine:
Yung isa nasa present, yung isa nasa ibang dimension.
Lara:
Split screen, amp ??
Napapikit ako kakatawa. May dumaan pang bata sa tabi ko tapos tinitigan ako.
Siguro mukha na rin akong baliw.
Amor:
Pag kayo talaga, di ko sinundo pag nasa gala kayong tatlo-Collie, Lara, Jasmine.
Collie:
Mama, please po, wag ??
Lara:
Gage, wag. Baka yung drawing magsundo samin.
Hana:
Imagine mo biglang dumating 'yan sa gate niyo alas dos ng madaling araw ??
Jasmine:
Tapos maririnig mo lang, "Collie... uwi na tayo..."
Amor:
Tapos hindi gumagalaw yung bibig niya ??
Collie:
STOP SCARING EACH OTHER PO ??
Lara:
Ikaw gumawa niyan, bata ka ??
Collie:
Akala ko po cute ??
Jasmine:
Cute naman. Cute na dahilan kung bakit magdadasal ka bago matulog ??
Hana:
Beh, pwede nang gawing album cover 'yan ng depressed rock band.
Lara:
Title ng album: "Pagod Na Pero May Attendance Pa."
Jasmine:
Or "Elementong Empakto."
Doon na talaga ako napasandal sa cart habang umiiyak na kakatawa. Hindi na ako makahinga.
Pagkalabas ko ng grocery, hindi pa rin nawawala yung tawa ko.
Bitbit ko yung dalawang paper bag habang naglalakad palabas ng automatic door, pero halos manginig yung balikat ko kakatawa habang binabasa ulit yung GC.
"Parang noodles po na galit."
"Bwiset ka talaga, Lara. Kung ano-ano tinuturo mo kay Collie..." Natatawa kong bulong habang umiiling.
Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko.
Biglang-
Pshhhht.
"AY-!"
Napahinto ako nang may biglang tumapon na asin sa balikat ko.
Napakurap ako habang nakatingin sa matandang babae na seryosong-seryoso pa yung mukha habang may hawak na maliit na supot ng asin.
"Bakit po?!" Gulat kong tanong.
"Tse," Sabi nung matanda habang tina-taasan ako ng kilay. "Kanina ka pa kasi sa loob, tawa ka nang tawa mag-isa. Kala ko kung napano ka na."
Napabuka bibig ko.
"Grabe ka naman, Nay. Mapanghusga."
Pero parang wala lang sa kaniya. Tumalikod lang siya na parang walang nangyari habang inaayos pa yung eco bag niya.
"Baliw..." Narinig ko pang bulong niya.
"ATE MO?!" Sigaw ko habang natatawa.
Pero dere-deretso lang siya sa paglalakad.
Napailing na lang ako habang tinatanggal yung asin sa damit ko.
"Na-exorcise pa nga..."
Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang parking area habang hawak yung dalawang paper bag sa isang kamay at yung phone ko sa kabila.
Pagtingin ko ulit sa GC-
Lara:
Pag ngumiti si Amor sa dilim, automatic magsasara yung simbahan ??
Pagdating ko sa parking, huminto ako sa tabi ng kotse ko.
Huminga ako nang malalim.
Tahimik ako ng mga dalawang segundo.
Tapos naalala ko ulit yung "Pretty scary" ni Collie. Naiisip ko kasi kung pano niya sinabi 'yun.
"POTAHAHAHAHAHAHA-"
Napayuko ako sa kotse habang humahagalpak.
"Hindi ako makakapag-drive nito..."
Napailing ako habang punas-punas yung luha ko sa mata.
May bench malapit kaya doon muna ako umupo habang hinihintay kong humupa yung tawa ko.
Pero lalo lang lumalala kasi tuloy-tuloy pa rin yung messages.
Hana:
Pag si Amor naging principal, automatic may multo yung school.
Napakapit ako sa tiyan ko.
"Mga hayop talaga..."
Nakangiti pa rin ako habang nakatutok sa phone ko nang bigla akong makarinig ng mahinang tawa sa likod ko.
"Hehe."
Napalingon agad ako.
May babaeng gusgusin sa likod ng bench, nakasandal habang nakatingin sa phone ko. Magulo ang buhok niya. Madumi ang damit. Tapos nakangisi pa.
Napaatras ako konti.
"Ikaw pala yung mabaho."
Agad siyang napa-roll eyes.
"HUH?"
"Luh, teh. Ang arte mo, te. Lamang ka lang ng dalawang ligo sakin," Sabi niya habang naka-cross arms.
Napatitig ako sa kaniya.
"...Dalawa lang?" Tanong ko.
"Oo. Tatlo sana kaso tinamad ka nung isang araw."
"HOY-"
Umupo siya sa tabi ko na parang close kami.
Pigil-hininga naman ako kasi ang baho niya. Amoy basang damit na di natuyo ng ilang araw.
"Tigilan mo nga pagiging maarte diyan. Pakita," Sabi niya sabay hila niya sa kamay ko na Naka hawak sa phone ko.
"ATE-"
Pero pagtingin niya sa GC, natawa rin agad siya.
"PUTA, ano 'tong drawing na 'to?! Mukha kang guidance counselor na kakain ng estudyante!"
Napaubo ako kakatawa.
"DI BA? YAN DIN SABI NILA!" Sabi ko. Di ko alam, pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.
"Teka, scroll mo pa," Utos niya.
"Hindi na nga dapat-"
"Bilisan mo, teh."
Nagscroll ulit ako habang pareho kaming nakatingin sa phone.
Tapos sabay kaming natawa.
Yung tipong hindi na normal.
Dalawang baliw sa parking lot, umiiyak kakatawa dahil sa demonyong GC.
AFTER A FEW MINUTES
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa kotse.
Actually... hindi pala tahimik.
Kasi every five minutes, tumatawa kami pareho kapag naaalala namin yung drawing ni Collie.
"Teh, sorry talaga," Sabi nung babae habang naka-seatbelt. "Pero mukha ka talagang pagod na multo dun."
"Pakiramdam ko nga binully na ko ng buong GC ngayon."
"Deserve."
"Wow."
Tumawa ulit siya.
Hindi ko rin alam bakit ko siya sinama pauwi.
Siguro dahil naaawa ako. Siguro dahil nakakatawa siya. O siguro dahil pareho kaming mukhang mentally unstable.
Pagdating namin sa bahay, agad akong bumaba para kunin yung mga pinamili ko sa likod ng kotse.
"Dahan-dahan ka diyan," Sabi ko habang inaabot sa kanya yung isang paper bag.
"Ako pa? Professional na ko sa pagbubuhat ng pagkain."
Napailing ako habang natatawa.
Pagkapasok namin sa loob-
"AMOOOOOOOR!"
Napapitlag ako. Paglingon ko sa sala-
nandun sina Lara, Jasmine, at Collie.
Nakahiga pa si Lara sa couch habang may chips. Si Jasmine may hawak na juice. Si Collie naman nasa sahig nagdo-drawing ulit at may earbuds pa.
Pagkakita nila sa babaeng kasama ko...
Nanlaki mata ni Lara. Tapos dahan-dahan siyang umupo.
"Ba't naging real-life yung drawing?"
"PUTIK, LARA-"
Humagalpak agad si Jasmine, samantalang yung kasama ko nilapitan pa si Lara.
Tinitigan siya mula ulo hanggang paa bago ngumisi.
"Ay te, lamang ka lang ng kalahating tabo ng ligo sakin, eh."
Natawa nang sobrang lakas si Jasmine hanggang sa napaubo.
"GAGE-"
Napahawak si Lara sa dibdib niya.
"EXCUSE ME?!"
"Anong excuse me? Totoo naman."
"Amor, bakit may side quest kang inuwi?!"
Tumatawa na ko habang nilalapag yung grocery bags.
"Na-meet ko siya sa parking lot."
"Bakit mo inuwi?!"
"Ewan ko rin."
Tumayo si Jasmine habang pinupunasan luha niya kakatawa.
Tinitigan pa rin ni Lara yung babae.
"At bakit parang comfortable ka agad dito?"
Umupo yung babae sa sofa na parang siya may-ari ng bahay.
"Teh, sanay ako makisama sa mga baliw."
"Hoy."
Biglang tinaas ni Collie yung sketchpad niya.
Tapos pagkakita niya sa babae, napakurap siya.
"Parang nabuhay po yung drawing ko."
"COLLIE-" Sigaw ko agad.
Tumawa yung babae.
"Matalino tong batang 'to."
"Thank you po"
Napahawak si Lara sa noo niya.
"Ayaw ko na dito."
Pagkatapos non, tumikhim yung babae at umayos ng upo na parang nasa pageant introduction.
"By the way..."
Inangat niya ang kamay niya dramatically.
"Linda."
Tumigil kaming lahat at napatingin sakanya.
"Linda..." Ulit niya habang nakatingin sa kisame. "Nagmula sa engkantada."
Tumango-tango pa siya.
"Inisuka ng impiyerno kaya napadpad sa planetang 'to."
Napatitig lang si Jasmine bago biglang sumabog sa tawa.
"AMOR-"
"ANO-"
"NAGBITBIT KA NG MAS BALIW KAY LARA!"
"HOY!" Sigaw agad ni Lara.
Nakangisi lang si Linda habang nakasandal sa couch na parang proud na proud pa.
Biglang bumukas yung door sa gilid.
"Bakit parang may nagsasakripisyong kambing dito?"
Si Hana.
Pagkapasok niya, natigilan siya habang nakatingin kay Linda.
Tahimik.
Tapos-
"Bakit parang may side character sa horror comedy dito?"
"Teh," Sabi ni Linda habang kumakaway. "Main character ako."
Napapikit si Hana.
"Ay putik."
Tumawa ulit si Jasmine. Lumapit si Hana sakin habang nakatingin kay Linda.
"Sino 'yan?"
"Na-meet ko sa parking lot."
"At inuwi mo?"
"Oo."
"Bakit?"
"Funny kasi."
Napabuntong-hininga si Hana habang nakatitig sakin.
"Mahina ka talaga sa mga mukhang may criminal record."
"HOY."
Biglang sumingit si Linda.
"Wala akong criminal record."
Tumigil siya.
"Most likely wala. Sa mental lang, pero false alarm."
"PUTIK!" Sigaw ni Lara.
Umupo si Hana sa couch habang pinagmamasdan si Linda.
Tapos bigla niyang sinabi-
"Maligo ka muna."
Tahimik sandali, tapos tumango si Linda.
"Buti naman."
Natawa ako.
"Ako na bahala."
Tinawag ko si Ate Rosa at nagpakuha ng mga gagamitin ni Linda.
Pagka-kuha niya-
"Para sakin 'to?"
Tumango ako.
"May damit diyan. Tsaka essentials."
Tahimik siya saglit habang nakatingin sa mga gamit.
Tapos ngumiti siya. Hindi yung nakakatawang ngiti niya kanina.
Yung totoong smile.
"Teh..."
Napakamot siya sa ulo.
"Baka maiyak ako ah."
Biglang sumingit si Lara.
"Pag umiyak 'yan, baka may lumabas na uwak."
"LARA NAMAN-" Sigaw ni Jasmine.
Pero tumawa lang si Linda.
"Okay lang. Sanay na ko."
At ewan ko ba.
Pero habang nakatingin silang lahat kay Linda na nakaupo sa sala namin na parang random DLC character.
pakiramdam ko mas sasaya pa buhay namin simula ngayong araw.
MINUTES HAD PASSED.
Mga thirty minutes din bago lumabas ng guest bathroom si Linda.
At nung bumukas yung pinto, literal na napatayo kaming lahat.
"Gage..."
"Ano-"
"WAIT LANG-"
Napalingon si Linda samin habang nagpupunas pa ng buhok gamit towel.
Nakasuot siya ng cream oversized t-shirt na binili ko nung nakaraan tsaka black shorts.
Malinis na yung kulot niyang buhok. Fresh na mukha niya. At ngayong wala nang dumi at pagod sa face niya-
sobrang ganda niya. Yung tipong mukhang indie actress na mananakit physically.
Si Lara nanlaki ang mga mata.
Si Jasmine nakaawang bibig.
Si Hana napaangat kilay.
Ako, napatitig lang.
"Hoy," Sabi ni Linda habang natatawa. "Ano nangyari sainyo?"
"Wala," Mabilis kong sagot.
"Parang nakakita kayo ng multo."
Mahinang bumulong si Lara-
"Mas nakakatakot pala nung dugyot..."
"Rinig kita."
Tumawa si Linda.
Tapos gaya ng usual, tumayo si Collie.
"Ayan na," Bulong ni Jasmine.
Dire-diretsong naglakad si Collie papunta kay Linda habang nakataas baba at kilay niya na parang CEO ng flirting industry.
Pagharap niya kay Linda, inayos pa niya polo shirt niya.
"Hi, beautiful."
Napapikit agad ako.
"Collie-"
"I'm Collie," Proud niyang sabi habang inaabot kamay niya. "A artist, food critic."
Tumango-tango pa siya.
"But most importantly professional lover."
Biglang sumabog sa tawa sina Lara at Jasmine.
"Putik-"
"ANO BA 'YAN-"
Nag-glare agad si Collie sakanila.
"Respeto naman po sa cute."
Lalo silang tumawa. Napailing ako habang pinipigilan ang tawa ko.
Tapos bumulong si Jasmine kay Lara-kaso rinig ko rin.
"Wala nang pinalampas yang batang 'yan."
"Tignan mo," Dagdag ni Lara habang nakatingin kay Linda. "Pati baliw nilalandi."
"HOY PO!" Sigaw agad ni Collie.
Tumawa si Linda nang mahina bago ginulo buhok ni Collie.
"Cute mo."
Napatulala si Collie at biglang namula ang mukha at tenga.
"Ayieee!!!" Kantiyaw nina Lara at Jasmine.
"FIRST TIME KINILIG 'YAN!" Sigaw ni Hana.
Napailing na lang ako habang tumatawa.
Makalipas non, pinaupo na namin si Linda sa dining table.
"Kain ka muna," Sabi ni Hana habang nilalapag pagkain.
"Sure ba kayo?"
"Oo naman."
Tahimik si Linda habang nakatingin sa pagkain.
Parang... hindi makapaniwala.
Tapos nung nagsimula siyang kumain-
natahimik kaming lahat.
Hindi dahil pangit. Kundi dahil...
parang first time niyang kumain nang maayos after sobrang tagal. Mabilis pero maingat. Parang ayaw niyang masayang kahit isang butil.
Unti-unting nawala yung mga tawa namin.
Napansin ko ring umiwas ng tingin si Hana.
Si Jasmine tumahimik. Pati si Lara.
Si Collie naman dahan-dahang lumapit sakin at yumakap sa braso ko.
Tahimik lang kaming nakatingin habang kumakain si Linda.
Hanggang sa si Collie yung unang nagsalita nang mahina.
"Ate Linda?"
Napatingin si Linda.
"Bakit po kayo naging homeless?"
Tahimik.
Napatigil si Linda sa pagkain.
"Collie-" Mahina kong sabi.
"It's okay," Sagot agad ni Linda.
Ngumiti pa siya nang konti bago uminom ng tubig.
"Patay na parents ko."
Natahimik ulit kami.
"After non..." Mahina niyang dugtong, "Pinatira ako sa uncle ko."
Napayuko siya nang bahagya.
"Kaso..."
Hindi niya tinuloy agad.
Pero sapat na yung tingin niya para maintindihan namin.
"May ginawa siya na di naman dapat gawin sa pamangkin niya. Tapos ayun, pinalabas nila na nababaliw ako at dinala sa mental. Pero promise, di ako baliw. Sadyang wala lang ako sa ayos dahil dalawang linggo na akong paikot-ikot sa lugar."
Biglang nanigas mukha ni Lara.
Si Jasmine napaawang bibig.
Si Hana dahan-dahang napahigpit ang hawak sa baso.
"Tumakas lang ako." Bulong niya.
"Hindi rin ako nakatapos ng college kaya..." Napatawa siya nang pilit, "Wala rin akong mahanap na matinong trabaho."
Ramdam ko yung bigat sa dining area.
Hanggang sa may maramdaman akong humila sa sleeve ko.
Si Collie.
Mahina siyang bumulong.
"Mama..."
Napalingon ako sakanya.
"Can we help her?"
Ngumiti lang ako at tumango.
At bago pa ko makapagsalita, biglang nagsalita si Hana.
"If gusto mo..." Mahina niyang sabi habang nakatingin kay Linda, "Tumira ka muna samin nila Amor."
Nanlaki mata ni Linda.
"Hala, te... true ba?"
Tumango si Hana.
"May mga bebe naman na sila so basically," Dagdag niya habang tinuturo ako, "Mag-isa lang ako madalas."
"HOY," Sabi ko agad habang namumula.
Tumawa si Jasmine.
"Na para bang wala rin siya." Irap niya kay Hana.
Pero dire-diretso si Hana.
"Tsaka..." Ngumiti siya nang konti, "May scholarship program rin ang papa ko."
Napatingin si Linda sakanya.
"Baka gusto mo ring tapusin pag-aaral mo."
Parang hindi maproseso ni Linda.
"Grabe naman mga ate..." Natatawa niyang sabi kahit nangingilid na mata niya. "Ang bilis niyo magtiwala."
Huminga siya nang mabagal.
"What if bad-"
"Gagawin mo ba?"
Putol agad ni Lara. Napatingin lahat sakanya.
"Ha?"
"May balak ka bang saktan kami?"
Mabilis umiling si Linda.
"Wala."
"Exactly."
Napakibit-balikat si Lara.
"Isa pa, para may kasama na rin si Hana."
"Hoy, parang ako yung kawawa dito ah," Sabi ni Hana.
"Correct kasi di ka crush ng crush mo."
Tumawa ng mahina si Jasmine.
Tapos ngumiti si Lara kay Linda.
"At hindi ka naman siguro ibibigay samin ni Lord kung masamang tao ka, 'di ba?"
Tahimik ulit.
Napansin kong nanginginig labi ni Linda habang pilit siyang nakangiti.
Ay. Maiiyak na.
Kaya agad akong tumayo.
"Sige, guys. Enough drama."
Napalingon silang lahat sakin.
Tumikhim ako bago tumingin kay Linda.
"Pero warning lang."
"Ha?"
Tinuro ko yung dalawa.
"Pag tumagal ka samin unti-unti kang mababaliw."
"Hoy!" Sigaw nila pareho.
Tumawa si Hana.
"At pinaka-dangerous diyan-" Dagdag ko.
Tinuro ko si Collie.
Nanlaki mata ni Collie.
"Mama Amor!"
"Flirt 'yan."
"Professionally lover po," Correction niya agad.
"Ilang taon ka na po?" Tanong ni Collie.
"23 years old," Sagot niya.
Agad namang nagbilang si Collie sa palad niya.
"16 years po. Not bad. Ikaw na lang po hihintayin ko kaysa sa mama ni Tita Hana," Sabi niya.
Doon na tuluyang natawa kaming lahat, pati si Linda habang pinupunasan luha niya.
At finally, gumaan ulit yung atmosphere ng bahay.
Lumipas pa ang ilang oras na puro tawanan at asaran lang ang nangyari sa bahay.
Hanggang sa isa-isa na ring nagsiuwian sina Lara at Jasmine, habang si Hana naman bumalik na sa kabilang bahay kasama si Linda para makapagpahinga na rin daw nang maayos.
Pero bago umalis si Linda-
mahigpit niya muna akong niyakap.
"Thank you, teh," Mahina niyang sabi habang nakasandal yung baba niya sa balikat ko.
Napangiti lang ako habang tinatapik yung likod niya.
"Wag ka ngang dramatic. Baka isipin nila sinaksak kita."
Tumawa siya nang mahina.
Pero pagbitaw niya sakin, napansin kong medyo namumula yung mata niya.
At ewan ko ba.
May kung anong bigat sa dibdib ko habang pinapanood silang umalis ni Hana palabas ng gate.
Parang...
ang bilis naming naging close.
Pagpasok ko-
"Mama!"
Napalingon agad ako nang marinig ko si Callie sa taas.
Nakadungaw siya sa hagdan habang hawak yung plushie niya.
"Bedtime story po."
Napatawa ako nang mahina.
"Oo na. Coming."
Mahina lang yung ilaw sa kwarto ni Callie habang nakahiga siya sa kama at nakayakap sa stuffed toy niya.
Katabi ko naman siya habang hawak ko yung storybook na halos kabisado ko na.
"...and then the little bunny finally found her way home," mahina kong basa habang sinusuklay ko rin yung buhok niya gamit daliri ko.
Tahimik lang si Callie habang nakatingin sakin.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"Mama?"
"Hm?"
"Do you think Ate Linda is lonely?"
Napahinto ako saglit, tapos ngumiti ako nang maliit naikwento siguro ni Collie sakanya nandito lang kasi siya sa taas kanina.
"Siguro."
Tahimik ulit si Callie bago yumakap sakin.
"Good thing nakita mo po siya."
Napabuntong-hininga ako nang mahina habang hinahalikan noo niya.
"Sleep na, baby."
Tumango siya agad.
Mga ilang minuto lang, mahimbing na rin yung tulog niya.
Tahimik akong tumayo at inayos yung kumot niya bago lumabas ng kwarto.
Pagpasok ko naman sa kwarto namin ni Emery-
naabutan ko siyang nakasandal sa headboard habang may suot na salamin at nakatutok sa laptop niya.
Mahina lang yung ilaw sa bedside lamp kaya sobrang calm ng atmosphere.
Yung tipong gusto mo na lang humiga buong gabi.
Ako naman, umupo sa kabilang side ng kama habang hawak yung sketchpad ko.
"Still working?" Tanong ko habang binubuksan yung notebook ko.
"Hm," Sagot niya nang hindi pa rin umaalis yung tingin sa screen. "Last few emails."
Tumango lang ako bago nagsimulang mag-sketch.
Coffee shop layout ulit.
Inaayos ko kasi yung bagong design na gusto ng mga fecfec.
Tahimik lang kaming dalawa. Yung comfortable silence na hindi awkward.
Paminsan-minsan, naririnig yung pag-click niya sa laptop niya at yung tunog ng lapis ko sa papel.
Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"So..."
Napatingin ako sakanya.
"You guys made a new friend."
Napangiti agad ako.
"Yes."
Tumango-tango siya habang nakatingin pa rin sa emails niya.
"But you need to be careful."
Napahinto ako sa pag-sketch.
"Nowadays, people take others' kindness for their own advantage."
Mahina lang ang boses niya.
Hindi galit. Hindi rin judgmental. Concerned lang.
Napangiti ako habang nakatingin sakanya.
"I know."
Ibinaba niya yung laptop niya nang bahagya bago tumingin sakin.
"You barely know her."
"I know," ulit ko habang tumatawa nang mahina. "Pero..."
Napaisip ako saglit.
"Hindi ko alam bakit, pero parang ang bigat-bigat ng buhay niya, and naisip ko baka kailangan niya lang ng mga tutulong sakanya para makapag umpisa."
Tahimik lang si Emery habang nakikinig.
"Tsaka..." Napangiti ako nang konti, "Nakakatawa siya."
Napailing si Emery habang natatawa rin nang mahina.
"Of course that would work on you."
"Hoy."
Tumawa lang siya bago bumalik sa laptop niya.
Ako naman bumalik sa pagdo-drawing.
Pero maya-maya lang-
Bzzzt.
Napatingin ako sa phone kong umiilaw sa bedside table.
Pagkakita ko-
Tita Tere's.
Bahagya akong nagtaka bago agad sinagot.
"Hello po?"
"Amor, sweetheart!" Agad na bungad ng tita ko mula sa kabilang linya. "Gising ka pa?"
Napangiti ako nang maliit.
"Opo."
Lumabas muna ako ng kwarto papuntang balcony habang kausap siya.
Mahina yung hangin sa labas at malamig na rin yung gabi.
"How are you?" Tanong niya.
"Okay naman po. Busy lang."
Napunta ang usapan namin sa business.
Sa café. Pati sa mga investments na tinutulungan ko siyang i-manage noon.
Normal conversation.
Comfortable.
Pero habang tumatagal, mas lalo akong may gustong itanong.
"Tita..."
"Hm?"
Napakagat-labi ako saglit.
"Kaano-ano po ba talaga kita?"
Literal na natahimik yung kabilang linya.
Napakunot-noo ako.
"Tita?"
Mahina siyang tumawa.
"I'm your aunt."
Napailing ako habang nakatingin sa buwan.
"Hindi po 'yun yung ibig kong sabihin."
Tahimik ulit.
"Diba po..." Mahina kong sabi, "wala naman kayong kapatid?"
Parang may kung anong bumigat sa hangin.
Narinig ko pa yung mahina niyang paghinga sa kabilang linya.
Hanggang sa nagsalita siya.
"Your dad is my cousin."
Napakurap ako.
"Cousin?"
"Yes."
Napayuko ako nang bahagya habang iniisip yun.
Ewan ko ba.
Pero habang tumatagal kasi, pakiramdam ko may kulang sa mga kwento tungkol sa parents ko.
Parang may alam siya na hindi sinasabi sakin.
"Tita..."
"Hm?"
"May picture po ba kayo nila?"
Tahimik ulit.
"Honestly..." Mahina niyang sagot, "Wala akong picture ng dad mo ngayon dito."
Napakagat ako sa labi ko.
"Nanjan Philippines kasi yung ibang old albums at nasa old house."
"Old house?"
"Mm."
Sandali siyang natahimik.
"But sadly... matagal nang nabenta yun."
May kung anong kumirot sa dibdib ko.
"Hindi ko sure kung nandun pa rin yung ibang gamit."
Napayakap ako sa sarili ko habang nakasandal sa balcony.
"Ehh... si Mama po?"
Mas lalong tumahimik yung kabilang linya.
Tapos narinig ko siyang huminga nang mabagal.
"I'll send you one," mahina niyang sabi. "If you really want to see."
Napakunot-noo ako.
"Tita..."
Bigla niyang pinutol.
"How's Emery?"
Napakurap ako.
"...Okay naman po."
"And the kids?"
"Tita."
Mahina akong natawa pero may halong pagtataka na.
Hanggang sa marinig ko yung mahina niyang buntong-hininga.
"I still have things to do, sweetheart."
"Tita-"
"I'll explain everything once we see each other in person, okay?"
Napahigpit hawak ko sa phone.
"Love you."
Napatitig lang ako sa malayo.
Ang daming tanong sa utak ko.
Pero walang sagot.
"Love you too po."
"Goodnight, Amor."
"Goodnight."
Pagkababa ko ng tawag, nanatili lang akong nakatayo sa balcony.
Tapos maya-maya-
Ping.
Napatingin ako sa phone ko.
Isang picture yung sinend ni Tita Tere.
Tahimik lang akong nakatingin sa phone ko habang paulit-ulit na bumabalik yung picture sa isip ko.
Yung mukha ng mama ko. Yung ngiti niya. At yung pakiramdam na parang may kulang. May bagay na hindi ko maintindihan.
Napabuntong-hininga ako nang mahina bago pinatay yung screen ng phone ko at pumasok na.
"Overthink malala," Bulong ko sa sarili ko habang umiiling.
Pagbalik ko sa loob ng kwarto, nadatnan ko nang sarado yung laptop ni Emery.
Nakahiga na siya sa kama pero nakaangat pa nang konti at nakasandal sa headboard habang nakatingin sakin.
Tahimik lang siyang nakamasid habang papalapit ako.
At dahil kilala niya na yata ako nang sobra-
isang tingin lang niya, alam na agad niya.
Napahinto ako sa gilid ng kama habang inilalapag yung phone ko.
"What?" Natatawa kong tanong kahit alam ko namang may binabasa na naman siya sa mukha ko.
Bahagyang tinaas ni Emery yung kilay niya.
"Overthinking again?"
Napakagat ako sa labi bago ngumiti nang maliit.
"Hindi ah."
"Baby."
Mahina lang boses niya pero halatang di naniniwala.
Umakyat ako ng kama at humiga sa tabi niya.
"Konti lang."
Napailing siya habang natatawa.
"Come here."
Hinila niya ako papunta sakanya hanggang sa mapadikit ako sa dibdib niya.
Agad akong napapikit nang maramdaman kong hinalikan niya yung buhok ko.
"Miss you so much," Bulong niya.
Napatingin ako sakanya.
"Magkasama naman tayo kanina ah."
"Yes," Sabi niya habang nakatitig sakin, "Pero busy ako."
Natawa ako nang mahina.
"Selosa."
"Very. Especially when it comes to you."
Napailing ako habang nakangiti.
"Been busy for the past few days," Dagdag niya habang hinihimas yung likod ko. "I miss my baby."
"Ako lang to," Sabi ko.
"I mean Collie and Callie," Sabi niya sabay ngisi.
Mapa-pout naman ako.
"Ako rin naman baby mo."
"Hm."
Tinitigan niya ko mula noo hanggang labi.
"Debatable."
Napabuka bibig ko.
"Excuse me?!"
Tumawa siya nang mahina bago hinila ako lalo palapit.
"May future coffee shop ka." Halik sa noo. "May sketchpad ka." Halik sa pisngi. "May mga baliw kang kaibigan." Halik ulit malapit sa labi ko. "Minsan feeling ko nasa waiting list ako."
"OA mo."
"You still love me though."
Napanguso ako kunwari habang nakatingin sakanya.
"Pag-iisipan ko pa."
"Wow."
Bigla niya akong kiniliti sa tagiliran dahilan para mapaigtad ako agad.
"EMERY!"
"Answer properly."
"OO NA! Ikaw favorite ko- wait lang- HINDI-"
Lalo niya akong kiniliti habang tumatawa.
"Too late."
Napahawak ako agad sa braso niya habang tumatawa nang malakas.
"Baby, please-"
"Hmm?"
"Hihiwalayan kita."
"Okay."
Sabay halik niya sa gilid ng labi ko.
"Basta akin ka pa rin."
Napapikit ako habang natatawa.
"Ang yabang mo."
"Can you blame me?"
Tinitigan niya ko nang diretso habang hinihimas buhok ko paatras.
Tangina.
Ito talaga problema ko sakanya eh.
Yung tingin niya.
Yung tipong parang ako lang nakikita niya kahit ang gulo-gulo ko na.
Mahina akong napabuntong-hininga bago itinago mukha ko sa leeg niya. Mas matangkad ako sakanya, pero pagdating sa kama parang ang liit-liit ko.
"What are you thinking again?" natatawa niyang tanong.
"Wala."
"Liar."
"Pagod lang."
Narinig kong mahina siyang natawa bago marahan niyang hinigpitan yung yakap niya sakin.
"Then rest," sabi niya.
Hanggang sa maya-maya, naramdaman kong gumalaw siya.
Pagtingin ko-
nakatitig na siya sakin habang may maliit na ngiti sa labi.
"What?"
"Ang cute mo."
Napakunot-noo ako.
"Ha?"
"You look so soft right now."
"Soft?"
"Yes. Bagay maging bottom," dagdag niya.
"Pagod ako," reklamo ko kasi alam ko na kung san pupunta 'to.
Umangat kamay niya para pisilin pisngi ko.
"Parang marshmallow."
Napasingkit ako ng mata.
"Hindi ako marshmallow."
"Hot marshmallow."
"Mas malala."
Tumawa siya nang mahina.
"Come on, baby. Smile."
"Ngiting serial killer ba gusto mo?"
Bigla siyang natawa nang malakas.
"Please, wag yun."
"Pretty scary and shocking po," Panggagaya ko kay Collie.
Napayuko agad siya habang tumatawa.
"Stop-"
"Tapos mukha raw akong guidance counselor na kakain ng estudyante."
"BABY-"
Pareho na kaming tumatawa sa kama.
Napailing si Emery habang pinupunasan gilid ng mata niya.
"I swear, your house is insane pag nandito lahat sila," sabi ko.
"You're part of it."
"Unfortunately."
Napahampas ako nang mahina sa braso niya.
Hinawakan niya agad kamay ko bago hinalikan yung palad ko.
"Fortunately," bulong niya habang nakangiti.
Naramdaman kong marahan niya kong hinihila palapit hanggang sa magkadikit noo namin.
"You know..." mahina niyang sabi habang nakatingin sa mata ko, "I really missed this."
"Ang mangulit?"
"Being with you."
Biglang bumagal tibok ng puso ko. Yes, I know it's kinda weird sa iba kasi pag sa iba bumibilis, pero sakin kalmado lang.
Nakatingin lang siya sakin na parang ako lang ulit yung mundo niya.
At gaya lagi-
natutunaw ako.
Kaya agad akong umiwas ng tingin habang natatawa nang mahina.
"Ang cheesy mo talaga."
"Pero kinikilig ka."
"Hindi."
"Liar."
"Proof?"
Ngumiti siya nang dahan-dahan bago pinatong kamay niya sa dibdib ko, pero napakunot-noo siya.
"Your heart... is... calm."
Napabuntong-hininga ako habang tinatanggal kamay niya.
"Matulog ka na nga."
"Make me."
Napatingin ako sakanya.
Tapos ngumisi.
"Emery."
"Hm?"
"Pag di ka tumigil, ikukuha kita ng asin dun sa matanda kanina."
Napatulala siya saglit bago natawa nang malakas.
"Ano?!"
"Tapos ipapa-exorcise kita."
"Baby, what happened to you today?" tumatawa niyang tanong habang hinihila ulit ako sa yakap niya.
Ngumiti lang ako habang sumisiksik sakanya.
Long story.