CHAPTER 42 Hes My Ex
Seraphine's POV:
Maaga pa lang, pero gising na agad ang buong diwa ko.
Katulad ng usual routine namin, hinatid ko muna sa school sina Collie at Callie bago dumiretso sa office ni Emery. Ilang linggo rin akong 'di nakatambay kasi busy ako sa pagpaplano sa pagpapatayo ng coffee shop namin ng mga baliw.
Tahimik lang ang biyahe ko pagkatapos ihatid ang kambal.
Well... tahimik outside.
Inside my head?
Hindi.
Kasi simula pa lang paggising ko kanina, si Emery na agad laman ng utak ko.
Nakakainis.
Pagkarating ko sa building niya, dire-diretso akong sumakay ng elevator paakyat sa floor niya. Kilalang kilala na rin talaga ako ng mga staff niya kaya nakangiti na agad yung receptionist pagpasok ko.
"Good morning, Ma'am Amor."
"Morning."
Pagdating ko sa office ni Emery, bahagya akong napangiti nang makitang nakaupo siya sa swivel chair niya habang may hawak na tablet.
Suot niya yung black fitted slacks at long sleeves na bahagyang naka-roll yung sleeves hanggang forearm niya.
Simple lang.
Pero grabe yung dating.
Her glasses resting perfectly on her nose.
Dahan-dahan akong lumapit habang nakatingin lang siya sa screen.
"Good morning, Miss CEO," Sabi ko habang inilalapag yung coffee sa table niya.
Hindi siya agad nagsalita.
Instead, marahan lang niyang ibinaba yung tablet bago dahan-dahang umangat yung tingin sa'kin.
Then she smirked.
"Good morning," She said softly. "You're early."
"Alam ko kasing miss mo ako."
"Hm." Umayos siya ng upo habang nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa. "Confident."
"Pretty too."
Napailing siya habang pigil yung ngiti.
God.
Ang ganda talaga ng girlfriend ko.
Lumapit pa ako lalo sa table niya saka sumandal doon habang nakatitig lang sa kanya.
"Busy?" Tanong ko.
"Supposed to be."
"Tsk." Umirap ako. "So hindi mo 'ko bibigyan ng attention?"
She leaned back lazily on her chair.
"Depende."
"Sa?"
"Kung deserving ka."
Napataas agad kilay ko.
"Ako pa talaga?"
"Yes." Tinaas niya ng bahagya yung coffee na dala ko. "Bribing your CEO this early in the morning."
"Excuse me, that's called being sweet."
"That's called manipulation."
Napatawa ako habang umiikot sa table niya.
Pagkalapit ko sa likod ng chair niya, yumuko ako nang bahagya para yakapin siya mula sa likod.
Automatic siyang napasandal at pumikit habang nararamdaman niya yata yung baba ko na nakadikit sa balikat niya.
"Manipulation ba 'to?" Bulong ko malapit sa tenga niya.
"...Worse."
Napangisi ako.
"Wow. Ang dramatic mo naman, ah."
"Because you're distracting me."
"Pero gusto mo."
Hindi siya sumagot agad.
Instead, hinawakan niya lang yung kamay kong nakapulupot sa kanya saka marahang hinalikan ang likod nun.
And damn.
Every single time ginagawa niya 'yon, para akong nawawalan ng utak.
Wala ka naman na talagang utak, self. Huwag kang ano diyan.
"You smell like vanilla again," She murmured.
"Because you like it."
"I do."
Tahimik akong napangiti bago tuluyang pinaikot ang upuan niya para humarap sa'kin.
Pagharap niya, nakatingala na siya sa'kin habang nakaupo pa rin.
Then slowly-
hinila niya ang wrist ko.
Napausog ako diretso sa pagitan ng legs niya habang nakahawak siya sa bewang ko.
"Emery," Natatawa kong sabi. "We're in your office."
"And?" Tanong niya.
"Professionalism?" Sagot ko.
"Left the room the moment you entered."
Napakagat ako sa lower lip ko para pigilan yung tawa ko.
"Grabe ka talaga."
"Look who's talking." Tinaasan niya 'ko ng kilay. "You walked in here looking like that."
Napatingin ako sa sarili ko.
White polo and black baggy pants lang naman at puting sapatos.
"That?"
"Yes. That."
"OA."
"Very."
Napailing ako habang marahang pinisil siya sa pisngi.
"Cute."
"Don't patronize me."
"Can't help it."
Bigla niyang hinatak yung kamay ko saka hinalikan ulit fingertips ko. Then she looked up at me with that calm but dangerously soft gaze.
According to her, it's her most valued body part of mine.
Oh san kayo diyan?
"You know," She murmured, "I had a stressful morning before you came."
"Really?"
"Mhm."
"Then buti nandito na 'ko."
"Exactly."
Napangiti ako nang bahagya.
Ganito pala feeling kapag mahal na mahal mo talaga yung tao.
Yung kahit simpleng umaga lang parang ang gaan agad ng buong araw mo.
Tahimik akong nakangiti habang nakatitig lang kay Emery.
Siya naman, nakahawak pa rin sa bewang ko habang nakatingala sa'kin na parang wala siyang balak bumalik sa trabaho niya anytime soon.
"Stop looking at me like that," Mahina niyang sabi.
"Like what?"
"Like I'm your favorite person in the world."
Napangisi ako.
"But you are."
Bahagyang nag-soften yung expression niya.
That look again.
Yung tipong sobrang calm pero punong-puno ng lambing.
Dahan-dahan niyang hinaplos yung gilid ng bewang ko habang nakatitig lang sa'kin.
"You're dangerous," She murmured.
"Ako na naman?"
"You make me forget everything."
"Edi good."
"Amor."
"Hm?"
"I'm serious."
Bahagya akong yumuko palapit sa kanya.
"So am I."
For a few seconds, wala kaming ginawa kundi titigan lang ang isa't isa.
Then slowly hinila niya ako pababa nang konti hanggang sa halos magdikit na ang mga noo namin.
"Emery-"
Knock knock.
Pareho kaming napalingon agad sa pinto.
Napabuntong-hininga si Emery habang marahang bumibitaw sa'kin. Agad naman kaming umayos.
"Come in."
Pumasok yung assistant niya na mukhang alanganing ngumiti
pagkakita sa'min.
"Ma'am, you have a visitor."
Umayos ako agad ng tayo habang si Emery naman mabilis na bumalik sa professional niyang posture.
"Who is it?" tanong niya.
Pero bago pa makasagot yung assistant
may sumunod nang pumasok na lalaki.
At sobrang komportable ng aura niya habang dire-diretsong pumapasok sa office. May dala siyang bouquet of red roses.
Then he smiled.
"Hey, meme."
Nanigas ako nang bahagya.
Meme?
Napatingin agad ako kay Emery.
At doon ko napansin yung subtle tension sa mukha niya yung tipong biglang naging guarded yung expression niya.
Agad namang iniabot ng lalaki ang bulaklak sa kanya.
"Thank you, Robert," Maikli niyang sabi.
Tumango lang yung lalaki bago dahan-dahang napatingin sa'kin.
"And this must be...?"
Bahagyang tumikhim si Emery.
"This is Amor."
That's it.
Amor.
Hindi girlfriend.
Hindi partner.
Wala.
Parang may kung anong malamig na dumaan sa dibdib ko.
Ngumiti ako nang pilit kahit may kakaibang kirot na biglang sumiksik sa'kin.
"Hi," Sabi nung lalaki or I should say Robert.
"Hi," Sagot ko.
"And this is Robert," Dagdag ni Emery.
Biglang napangisi yung lalaki.
"Robert only?" Natatawa niyang tanong habang nakatingin kay Emery.
Napatingin sa'kin si Emery umiwas ako ng tingin at binuksan ko naman ang cellphone ko at nag-focus na lang dun, pero nakikinig pa rin sa kanila.
"What do you need, Robert?"
Hindi nawala yung relaxed expression ni Robert.
"I'm here to invite you for coffee."
Then tumingin siya sa'kin.
"Do you guys wanna come?"
Mabilis na sumagot si Emery bago pa ako makapagsalita.
"Next time."
Tumango si Robert.
"Alright."
Bahagya siyang napangiti bago muling tumingin kay Emery.
"See you around, meme."
"Yeah."
Then he left.
Pagkasara na pagkasara ng pinto bumigat agad yung buong paligid.
Tahimik lang akong baka upo habang si Emery naman, abalang sa tablet niya na parang walang nangyari.
Ako ang unang nagsalita.
"'Yeah?'"
Huminto siya.
"What?"
Napatawa ako nang mahina pero walang humor doon.
"'Next time?'"
"Amor-"
"So may next time talaga?"
Bahagya siyang napabuntong-hininga.
"I just said yeah."
"It's the same thing. Yes, yeah, oo- it's the same."
"No, it's not."
Napailing ako habang ibinababa ang phone ko sa gilid..
"Really? Kasi parang oo."
"Why are you making this a big deal?"
Napatawa ulit ako.
"Big deal?" Ulit ko.
"Yes."
"Okay." Tumango ako nang mabagal. "So ako yung OA ngayon?"
"Hindi ko sinabi 'yan."
"Pero parang gano'n na rin."
Napahilot siya sa sentido niya.
"What's your problem?"
Parang may kung anong kumurot agad sa dibdib ko sa tono niya.
"My problem?" Mahinang ulit ko.
"Yes, Amor. Ano bang problema?"
Tinitigan ko lang siya nang ilang segundo. Then finally-
"Pakiramdam ko may tinatago ka sa'kin."
Bigla siyang natahimik.
"Ano?"
"Who's Robert?"
Tumigas agad yung expression niya.
Then after a few seconds-
"He's my ex."
Pakiramdam ko may bumagsak agad sa dibdib ko.
"What?"
"It's already in the past."
"At least sana sinabi mo sa'kin."
"Why would I?" Mabilis niyang sagot. "He's irrelevant now."
Napailing ako.
"Emery, ex mo pala 'yon tapos ngayon ko lang malalaman? Isa pa, you're friends with your ex?"
"He's not a friend, Amor. It's nothing, and I didn't tell you because it doesn't matter anymore."
"It matters to me!"
Bahagya ko siyang nataasan ng boses.
"Why?"
"Because I'm your girlfriend!"
"And?"
Natigilan ako maging siya yata nagulat sa lumabas sa bibig niya, pero huli na.
Tahimik akong napatawa nang mahina.
"Wow."
"Amor-"
"No, it's okay. Gets ko na."
"You're twisting my words."
"Hindi na kailangan i-twist, Emery. Ang linaw."
Napabuntong-hininga siya nang mariin.
"You're acting immature right now."
Parang may kumurot lalo sa dibdib ko.
"Immature?"
"Yes."
"Tinanong lang kita!"
"And I answered!"
"After mo itago!"
"Because I knew you'd react like this!"
Napaatras ako nang bahagya.
"So kasalanan ko?"
"I didn't say that."
"Pero 'yan yung ibig mong sabihin!"
Tahimik kami ng ilang segundo at pareho na kaming humihinga nang mabigat.
Then Emery spoke again.
Cold this time.
"Hindi lahat kailangang gawing drama, Amor."
Tuluyan akong natahimik.
Mas masakit pa yata 'yon kaysa sa sigaw. Kasi sobrang kalmado niyang sinabi na parang burden lang yung nararamdaman ko.
Dahan-dahan akong tumango habang pinipigilan yung bigat sa dibdib ko.
"Okay."
"Amor-"
"Kaya pala."
"What?"
"So ikinakahiya mo ako."
Biglang nagsalubong yung kilay niya.
"That's not true."
"Really?" Natawa ako nang mahina. "Kasi kanina, 'This is Amor' lang ako."
Hindi siya agad nakasagot.
At doon ko nakuha yung sagot na ayokong marinig.
Ramdam kong unti-unting namumuo yung luha ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
"Forget it."
Kinuha ko agad bag ko.
"Where are you going?"
"Kay Hana."
"Amor."
Tawag niya pero hindi na ako huminto.
Dire-diretso akong lumabas ng office niya habang mabigat ang nararamdaman ko sa dibdib.
At sa unang pagkakataon simula naging kami ganito ako. Usually, I try to understand everything. Usually, I try to fix things kasi alam kong kaya naming ayusin 'to agad.
But now, I feel different.
May takot sa loob ko.
Pakiramdam ko sobrang layo agad namin sa isa't isa.
AFTER FEW MINUTES
Pagdating ko sa kabilang bahay namin nila Lara, halos dire-diretso lang akong pumasok nang walang energy.
Tahimik yung paligid maliban sa mahinang tugtog ng TV sa sala at tunog ng papel na binabaliktad.
Pagpasok ko sa dining area, nadatnan ko sina Hana at Linda na magkatabing nakaupo habang may tambak ng documents sa harap nila.
"Ate, dito ba pipirma-"
Naputol agad si Linda nang mapatingin sa'kin.
Then both of them frowned.
"Ano nangyari?" Agad na tanong ni Hana habang tumatayo.
Mabilis akong umiling.
"Wala."
"Sinungaling," Diretsong sabi ni Linda habang nakatitig sa'kin.
Napabuntong-hininga ako bago basta na lang umupo sa bakanteng silya.
"Away lang."
Tahimik silang nagkatinginan then dahan-dahang umupo si Hana sa tabi ko.
"With Emery?"
Tumango ako.
Biglang napasinghap si Linda mas OA talaga siya kay Lara.
"WHAT?!"
"Ateh mo, OA yarn. Hinaan mo boses mo," Sabi ni Hana kahit siya rin naman mukhang nagulat.
"Sorry." Lumapit agad si Linda sa'kin. "Wait... legit na away?"
"Mm."
"Yung dramatic type?"
"Linda."
"Anong Linda? Kailangan natin malaman severity level."
Napatawa ako nang mahina despite everything that happened earlier.
Hayop.
"Medyo dramatic," Sagot ko.
"Oooh." Umupo agad si Linda sa kabilang side ko. "Delikado."
"Hindi nakakatulong," Reklamo ni Hana.
"Ako na nga nagpapagaan ng mood eh."
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Then napatingin ako sa mga papel sa mesa.
"Ano 'to?"
Agad lumiwanag ang mukha ni Linda.
"Enrollment papers ko!"
Bahagya akong napangiti. Magdadalawang linggo na rin siya sa'min.
"Talaga?"
Tumango siya nang mabilis.
"Finally." Tinaas pa niya yung folder. "Officially babalik na 'ko sa school."
"Proud ako sa'yo."
Bigla siyang napa-nguso.
"Ate Amor naman eh."
"Totoo naman."
Ngumiti siya nang malaki bago biglang sumandal sa'kin na parang malaking baby.
"See? Ito dahilan bakit ikaw favorite ko."
"Hoy," Reklamo ni Hana.
"Second ka naman."
"Wow. Thank you ah."
Napatawa ako nang tuluyan this time unti-unting gumagaan yung dibdib ko habang nakikita ko silang nag-aasaran.
Then suddenly-
"WAIT!" Sigaw ni Linda.
Napatingin kami pareho sa kanya.
"Ano?"
"May emergency."
Biglang kinabahan si Hana.
"Bakit?"
Tumayo si Linda saka dramatic na tinuro yung papers.
"Wala pa 'kong picture."
Natahimik kami.
"YUN LANG?!" Sigaw ni Hana.
"Eh importante kaya 'yon!"
Napailing ako habang tumatawa.
"Halika nga dito."
"Ano?"
Hinila ko siya patayo saka inayos yung buhok niya.
"Phone."
Agad niyang iniabot.
"What are you doing?"
"Picturan kita."
Biglang lumiwanag ang mga mata niya.
"ATE AMOR, IKAW TALAGA FAVORITE KO."
"Kanina pa ah."
"Totoo naman."
Napailing na lang si Hana habang nakangiti.
Makalipas lang ilang minuto, naging instant photoshoot na yung buong sala.
"Linda, umayos ka."
"Ganito ba?"
"Para kang nasasakal."
"Natural beauty kasi 'to."
"Natural na baliw ka oo."
"Ate Hana!"
Napatawa ako habang kinukuhanan siya ng pictures. At sa totoo lang for the first time simula umalis ako sa office ni Emery medyo nakahinga ako nang maayos.
Hindi na muna ako nag-isip.
Hindi ko muna inalala yung sakit sa dibdib ko.
Kasi sa sandaling 'to-
Sina Hana at Linda muna yung naging pahinga ko.
AFTER A FEW MINUTES
nakaupo na ulit kami.
Linda slowly pushed a glass of iced coffee toward me.
"Inom ikaw."
Napatingin ako sa kanya.
"Binilhan mo 'ko?"
"No," Flat niyang sagot. "Akin 'yan, pero mukhang mas kailangan mo."
Napatawa ako nang mahina.
"Ang bait mo naman."
"I know."
Meanwhile, si Hana naman ay tahimik lang na umupo sa harap ko habang binubuklat yung papers kanina.
Then suddenly sinara niya 'yun.
"Okay," She declared. "Emergency protocol."
Napakurap ako.
"Huh?"
Tumayo siya bigla.
"Linda."
"Yes, commander."
"Operation: Pasayahin si Amor."
Linda immediately saluted.
"Yes, commander!"
Napailing ako habang natatawa.
"Mga baliw."
"Correct," Sabi ni Linda habang kumukuha ng chips. "Perolovable."
Makalipas lang ilang minuto, biglang bumukas ang pinto.
Then pumasok si Lara na mukhang nagmamadaling humabol ng hininga niya.
"Nasaan? Nasaan siya?"
"Tao ka pa ba o ambulansya?" Tanong agad ni Linda.
Nakita ako ni Lara, kaya dumiretso siya agad sa 'kin.
"Hoy." Umupo siya sa tabi ko. "Okay ka lang?"
Napatingin ako sa kanya.
Then, narrow-eyed akong napatanong.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
Tahimik siya sandali.
"Sinabi ni Emery."
Natahimik ako.
Lara immediately raised both hands.
"Uy, 'Wag mo ' kong tingnan nang ganyan. Nag-aalala lang yung tao."
Napabuntong-hininga ako habang umiinom ng coffee.
"She told you to check on me?"
"Actually," Lara said dramatically, "ang exact words niya ay-"
Bigla siyang umayos ng upo, saka ginaya ang boses ni Emery.
"Lara, please check on Amor. She left upset."
Then bumalik siya sa normal voice.
"Which is very alarming kasi first time kong marinig na parang gusto nang umiyak nung asukal de mama mo."
Napailing ako agad.
"She wasn't crying," Sabi ko kasi hindi 'yun ang nakita ko kanina.
"Inside, maybe."
"Lara."
"Okay, fine."
Linda suddenly squinted at Lara.
"Wait."
"What?"
"Bakit parang ang concern mo today?"
Napakunot-noo si Lara.
"Concerned naman talaga ako."
"Hindi," Linda replied suspiciously. "Parang may hidden agenda."
"Anong hidden agenda?"
"Baka gusto mo lang makikain dito."
Slowly, napatingin si Lara sa mesa.
May fried chicken.
May pizza.
May iced coffee.
May fries.
"Ang kapal naman ng accusation mo."
"SO TOTOO?!"
"Hindi ah!"
"Tumigil ka, Lara," Sabat ni Hana habang tumatawa. "Kanina ka pa nakatitig dun sa chicken."
"I'm observant!"
"You're hungry."
"Both can exist. Isa pa, bahay ko rin 'to!"
Napatawa ako nang mahina habang pinapanood silang tatlo.
Then biglang tumayo si Linda.
"Okay. Since sad si Amor, kailangan natin siyang pasayahin."
"Correct, at baka magalit si mentor," Sabi ni Hana.
"Mentor?" Tanong ko.
"Si Collie," Sabay-sabay nilang sabi.
Lara nodded seriously, kaya pala may pa-operation silang nalalaman.
"Yes. As mature adults, dapat comforting tayo."
Tahimik silang tatlo after five seconds kala ko kung ano pero biglang.
"LINDA, 'WAG MO 'KONG BATUHIN NG FRIES!"
"Inumpisahan mo!"
Napakurap ako habang si Lara tumatalon palayo dahil binabato siya ni Linda ng fries na may maraming ketchup, isa-isa.
"Magnanakaw ka kasi ng pagkain!"
"ISA LANG KINUHA KO! MAS MARAMI NA NATAPON MO!"
"ANIM YUNG KINUHA MO!"
"Malalaki kasi kamay ko!"
"BOBO!"
Biglang napasigaw si Hana.
"HOY, TAMA NA- AY!"
Napatili siya nang may fries ding tumama sa noo niya at unti-unting dumulas.
Napalingon si Hana kay Linda, si Linda naman, nanigas.
"Aksidente, ateh mo."
Tumayo si Hana nang dahan-dahan.
"Linda."
"Ate Hana, listen-"
"Linda."
"Violence is not the answer."
"COME HERE."
Biglang tumakbo si Linda paikot ng mesa habang hinahabol siya ni Hana.
"AHHHHH, HELP!"
"Babalatan kita nang buhay!"
"TULONG, LARA!"
"'Wag mo 'kong idamay!" Sigaw niya, pero too late. Biglang hinila ni Linda si Lara bilang human shield.
"Baliw ka!" Sigaw ni Lara.
"BITAWAN MO 'KO!"
Hindi ko na napigilan napatawa na talaga ako. At nung marinig nila 'yun bigla silang lahat tumigil.
Tahimik silang napatingin sa 'kin.
Then Linda pointed dramatically.
"SHE LAUGHED."
Lara gasped.
"Owgag. Achievement unlocked."
Hana immediately grabbed a monoblock chair and sat like a proud mother.
"Good job, team."
"Thank you," Lara said habang hinihingal pa. "I'd like to thank my acting skills, my motherfather, all the relatives, and stuff."
"Baliw amp," Bulong ko.
"Method acting."
"Baliw."
Then suddenly, napatingin si Linda sa 'kin nang seryoso.
"Ate Amor."
"Hm?"
"If someone hurts you..."
Tumigil siya sandali. Then dead serious niyang sinabi-
"Mag-silent repost tayo, patama."
Sabay-sabay kaming natawa.
"'Yun lang?!" Sigaw ni Lara.
"Ano gusto mo? Suntukan?"
"OO!"
"Violence!"
"DESERVE!"
"Paano kung si Emery?" Tanong ni Hana.
"Walang magme-mention ng name, gaga."
Napailing ako habang tumatawa pa rin.
God. Ang gugulo nila. Pero somehow 'yun yung kailangan ko ngayon.
Hindi advice.
Hindi lecture.
Hindi interrogation.
Kundi simpleng presence lang people who will stayed beside me kahit hindi ako nagsasalita.
Then habang tumatawa pa kami, biglang nagsalita si Lara.
"By the way..."
Napatingin kami sa kanya.
Then she slowly looked at me.
"Hindi ko kinakampihan si Emery ah."
Tahimik akong nakatingin lang sa kanya.
Lara continued softly.
"But I know that woman."
Humina bahagya yung boses niya.
"And whatever happened..." She said quietly, "Sigurado akong nasasaktan din siya ngayon."
Natahimik ako kasi totoo ang sinabi niya. After rin kasi ng nangyari before, mas naging close sila.
Then before the mood could turn emotional, biglang sumigaw si Linda.
"WAIT LANG- NASAAN YUNG LAST CHICKEN?!"
Tahimik.
Then slowly, napalingon kaming lahat kay Lara.
Si Lara na may sobrang suspicious na mukha habang mabagal na ngumunguya.
"Wala akong alam."
"LARA."
"Protein is important."
"ILUWA MO 'YAN!"
Halos mahulog na si Lara sa upuan kakatawa habang pilit nilulunok yung manok.
"Hindi ko kaya!" Sabi niya habang tumatawa. "Nasa sistema ko na!"
"Magnanakaw!" Sigaw ni Linda habang hinahabol siya paikot ulit ng mesa.
"Hindi theft 'to!" Depensa ni Lara. "Redistribution of resources!"
"Bakit resources tawag mo sa chicken?!"
"Professional term!"
Napailing na lang ako habang natatawa.
Meanwhile, si Hana ay nakasandal lang sa pinto habang pinapanood silang dalawa na parang pagod nang nanay ng dalawang pasaway na anak.
"Alam niyo," Sabi niya, "Minsan
naiisip ko talaga kung bakit ko kayo kinakaibigan."
"Because we're pretty," sagot agad ni Lara.
"Speak for yourself," Singit ni Linda. "Ako lang pretty dito."
Napalingon si Lara sa kanya.
"Excuse me? Ako ang pinakamaganda rito."
Linda scoffed dramatically.
"Confidence without evidence is a lie."
"WOW." Sabi ko.
"Ano?"
"Grabe ka mang-atake."
"Truth hurts."
Biglang tumayo ng maayos si Lara, saka inayos buhok niya na parang nasa shampoo commercial.
"Look at this face."
Tinuro niya sarili niya.
"This is art."
Tumikhim si Linda.
"Modern art. Hindi yung detailed late like parang drawing nung tsanak."
"HOY!"
Napatawa na naman ako.
"Hindi ka kasi supportive friend!" Reklamo ni Lara.
"Ako pinaka-supportive dito," Sagot ni Linda. "Sinusuportahan nga kita pababa."
"DEMONYO KA TALAGA."
Biglang sumingit si Hana.
"Actually, bagay kayo. Para kayong magkapatid."
Natahimik silang dalawa.
Then sabay napalingon sa kanya.
"What."
Hana shrugged innocently.
"Pareho kayong maingay. Parehong OA. Parehong kulang sa brain cells."
Napahawak si Lara sa dibdib niya.
"Grabe. Nasaktan ako."
"Same," Sabi ni Linda. "Pero accurate."
"Hoy!"
Then biglang may dumaan na pusa sa harap ng pinto nanahimik kaming lahat sandali. Until-
"Pspspspsps."
Napalingon ako kay Linda na nakayuko na habang tinatawag yung pusa.
"Pspspspsps."
Tumigil yung pusa at tumingin sa kanya.
Then...umalis pero bago umalis parang umirap pa.
Napabuntong-hininga si Linda.
"Even cats reject me."
"May standards daw kasi." Sabi agad ni Lara.
"ATE HANA, TIGNAN MO 'TO."
"Valid naman," Sagot ni Hana habang umiinom ng juice.
"LAHAT BA KAYO KAMPIHAN TODAY?!"
Biglang parang may realization si Lara.
"Wait."
Napalingon kami sa kanya.
Then seryoso niyang tinignan si Linda.
"Baka kasi mukha kang mangungutang."
"ANONG CONNECT?!"
"Malay mo, na-trauma yung pusa sa amo niya. Tignan mo, gala."
"Hoy!" Linda grabbed a pillow and threw it at her.
Sinalo naman agad ni Lara.
"Violence again."
"Violence mukha mo!"
Then out of nowhere biglang nag-ring yung phone ni Hana.
Sinagot niya agad.
"Hello?"
Tahimik siya sandali. Then-
"Ha?"
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ano?" Tanong ni Lara.
Tahimik si Hana habang nakikinig.
Then slowly napapikit siya.
"Sir..." s5he sighed tiredly. "Yung printer po, hindi po namin anak para hanapin."
Natahimik kaming lahat.
Then sabay-sabay kaming tumawa.
"ANO?!" Sigaw ni Lara.
Hana covered the phone.
"Hinahanap nila yung printer."
"Edi hanapin nila!"
"'Yun nga sabi ko."
Biglang tumayo si Linda.
"Speaker! Speaker!"
"'Wag," Warning ni Hana.
Too late.
Inagaw agad ni Lara yung phone, saka nilagay sa speaker.
Narinig agad yung boses sa kabilang line.
"Ma'am Hana, baka po nakita niyo-"
"Kuya," Seryosong sabi ni Lara, "Have you tried believing in yourself?"
Tahimik.
"Po?"
"Manifest the printer."
Napahawak agad ako sa noo ko kakatawa.
Meanwhile, si Linda naman ay nakatingin sa kawalan na parang may iniisip. Then bigla siyang nagsalita-
"Baka kasi yung printer... broken, parang si Amor, tapos hinahanap ang sarili niya."
"PUTANGINA?" Natatawang sabi ni Hana.
Narinig namin yung confused na lalaki sa call.
"Ma'am... okay lang po ba kayo?"
"Hindi!" Sigaw ni Hana habang inaagaw ulit yung phone. "Pasensya na. Mga salot lang tong mga friends ko."
Pagkababa ng call diretso agad tingin niya kina Lara at Linda.
"Mga walanghiya kayo."
"We're healers," Proud na sagot ni Lara.
"You need help," Dagdag ni Linda.
Then biglang napatingin sa 'kin si Lara.
"O, Amor."
"Hm?"
"Kapag sinaktan ka ulit ni Emery..."
Dramatic siyang tumayo.
"Aagawin natin company niya."
Napakurap ako.
"Ha?"
"Yes," Singit ni Linda. "Girlboss tayo ngayon."
"Anong gagawin natin sa company?"
Tahimik silang dalawa.
"Edi... magpapasweldo?"
"Hindi tayo marunong!"
"We'll learn!"
"Sa YouTube?"
"Yes!"
Napailing ako habang tawang-tawa.
"Mga baliw talaga kayo."
"Thank you," Proud na sagot ni Linda.
Then tumingin siya kay Lara.
"Pero honestly..."
"What?"
"Kung may zombie apocalypse..."
Tumango si Lara.
"Uh-huh?"
"Ikaw unang mamamatay."
"Bakit ako agad?!"
"Kasi madaldal ka."
"Paano connected 'yun?!"
"Magugulat zombies sa 'yo."
"GRABE KA NAMAN."
Sa totoo lang, simula nang dumating si Linda, gumulo lalo, pero masaya. Madalas walang connect mga pinagsasasabi nila.
Napapaisip na lang ako minsan na may sapak talaga sila, lalo na pag kasama si Jasmine.
Mabilis lang lumipas yung buong umaga.
Pagkatapos ng walang katapusang kaguluhan nina Lara at Linda, umalis na rin ako para sunduin yung mga bata.
Pagpasok pa lang nila sa kotse daldal agad ni Collie yung bumungad sakin.
"Mama! Alam mo po ba yung nangyari kay Theo?!"
"Hm?"
"Umiyak siya kasi akala niya edible yung glue."
Tahimik ako sandali. Then-
"Edible?"
"Oo! Kasi scented daw!"
Napapikit ako.
"Buhay pa ba siya?"
"Yes."
"Good."
Meanwhile, si Callie naman, tahimik lang sa likod habang naka-headphones at may hawak na libro.
Typical Callie.
Pagdating sa bahay, surprisingly, tahimik lang din yung buong paligid.
Nasilip ko si Emery sa sala, nakaupo at may laptop sa harap.
Pero the second na pumasok kami napatingin agad siya sakin.
Parang gusto niya magsalita, pero hindi niya alam paano magsisimula. Actually, ako rin.
"Mommy!" Sigaw ni Collie habang tumatakbo papunta sakanya. "Guess what po?!"
Agad namang lumambot expression ni Emery.
"What happened?"
"Theo almost died because of glue."
Tahimik si Emery, then slowly-
"I'm sorry?"
"He ate glue."
"Why?"
"Scented daw po."
Tahimik ulit.
Then napabuntong-hininga si Emery.
"Boys," Sabi niya habang umiiling.
"TRUE!" sigaw ni Collie.
Tahimik lang akong dumiretso sa kusina habang sila nag-uusap.
Hindi ko na tinignan si Emery, at hindi na rin siya nagsalita sakin the whole afternoon. Ganon lang. Tahimik, mabigat, parang may invisible wall sa pagitan naming dalawa. At kahit parehong gustong magsalita walang gustong mauna.
Pagkatapos naming magpahinga, halos gabi na kami nagising.
Dinner was quiet too.
Too quiet.
Si Collie lang yung tuloy-tuloy magsalita, habang si Callie ay tahimik na kumakain.
"Mommy," Sabi ni Collie kay Emery, "Kapag ba mayaman ka po, pwede ka bumili ng dinosaur?"
"Fossil, yes."
"Hindi. Yung buhay."
"Collie," Mahinang sabi ni Callie habang umiinom ng tubig, "Extinct sila."
"Negative mindset."
Napailing si Emery nang bahagya.
"Unfortunately, tama kapatid mo."
"Aw."
Tahimik ulit. Then maya-maya-
"Mama Amor."
Napatingin ako kay Collie.
"Hmm?"
"Bakit parang sad ka po today?"
Natahimik agad yung buong table. Napatingin ako saglit kay Emery.
She was already looking at me softly,
as if natatakot siyang umiwas ako.
So I did.
I looked away first.
"Tired lang," Mahinang sagot ko.
"Oh."
Mukhang hindi convinced si Collie, pero tumango na lang siya.
"Okay. Eat more rice po."
Napatingin si Emery sakanya.
"Bakit parang nanay ka today?" Sabi ko.
"I'm trying to be mature po kasi I heard that Ate Linda likes grown-up people," Sabi niya.
This time, walang tumawa.
And I think Collie noticed that too.
Kasi bihira mangyari yun. Usually, kahit sobrang random ng jokes niya or mga sinasabi niya, isa samin ni Emery ang tatawa agad.
Pero ngayon?
Wala.
After dinner, dire-diretso akong tumayo.
"I'll head upstairs."
Tahimik lang si Emery, pero nararamdaman kong sumunod yung tingin niya sakin hanggang makaalis ako sa dining area.
Pagkapasok ko sa kwarto, napabuntong-hininga agad ako.
Pagod na pagod ako emotionally.
Hindi naman kami sumigaw nang todo kanina. Pero somehow, mas masakit yung ganitong tahimik.
I sat at the edge of the bed for a few minutes.
Trying to calm my mind.
Trying not to overthink.
Trying not to remember how natural Robert looked inside Emery's office.
How familiar he sounded calling her Meme.
How small I felt standing there.
How painful her words were.
Napapikit ako nang mariin.
Then after a while, tumayo rin ako ulit.
Lumabas ako ng kwarto, saka dumiretso sa room ni Callie.
Mahina akong kumatok.
"Come in."
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga na habang may suot na eyeglasses at nagbabasa pa rin ng libro.
Exactly like Emery.
"Still awake?" Tanong ko.
She nodded.
"Can you read me a story na Mama?"
Bahagya akong napangiti.
"Akala ko big girl ka na," Sabi ko kasi yan ang sinabi niya.
"I am," Seryoso niyang sagot. "But statistically, children sleep better when someone reads to them."
Napatawa ako nang mahina.
There she is.
My little Emery.
Lumapit ako, saka humiga sa tabi niya habang kinukuha yung storybook niya.
Then slowly, nagsimula akong magbasa.
At habang nagbabasa ako, unti-unting bumibigat yung mata ni Callie. Hanggang sa maya-maya, mahimbing na siyang nakatulog. Marahan kong inayos ang buhok niya, saka hinalikan noo niya.
"Goodnight, baby."
After that, lumabas na rin ako ng room niya. Then dumiretso ako sa room ni Collie. Pagkabukas ko ng pinto.
"Mama!"
Agad siyang bumangon.
"I knew you'd come po!"
Napailing ako habang natatawa nang mahina.
"Hindi ka pa tulog?"
"I was waiting here po dramatically."
"Dramatically talaga?"
"Yes." Humiga siya ulit, saka tinapik yung space sa tabi niya. "Come here po."
Agad naman akong humiga agad naman siyang yumakap sa braso ko habang nilalaro-laro niya yung dulo ng sleeve ko.
Tahimik lang siya sandali bago nagsalita.
"Are you and Mommy Emery fighting po?"
Natahimik ako.
Kids really notice everything.
"Mama?"
"Hm?"
"Galit ka po ba kay Mommy?"
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
"Hindi."
"Are you sad?" Sabi niya.
Mas matagal bago ako nakasagot.
"A little."
Tahimik lang siya, then bigla siyang gumalaw para umangat nang bahagya at tumingin sakin.
Sobrang seryoso ng mukha niya.
Which was dangerous.
Kasi kapag seryoso si Collie, usually may lalabas na napaka-random.
"You know po," She started wisely, "Sa movies..."
Kinakabahan na agad ako.
"What movies?"
"Yung may kissing."
"Collie."
"What? Educational po."
Napapikit ako sandali habang pinipigilan matawa. Then she continued.
"Kapag hindi nag-usap yung dalawang nagmamahalan..."
Tinuro niya yung kisame.
"...Nagkakaroon ng season two problems po."
Napatawa ako nang mahina.
"Season two problems?"
"Yes."
"Anong example?"
Nag-isip siya sandali, then very confidently-
"Kidnapping."
Napakurap ako.
"Ha?"
"O kaya amnesia."
"Collie!"
"O kaya evil twin."
Hindi ko na napigilan natawa tawa ako. Hindi ko maintindihan pinagsasabi niya.
"Anong pinapanood mo?!"
"Cinema."
"Hindi cinema tawag d'yan. Problema tawag d'yan."
Tawang-tawa siya habang yumayakap ulit sakin.
Then after a while, humina ulit boses niya.
"But seriously..."
Tahimik akong nakinig.
"You should talk to Mommy po."
Napatingin ako sakanya.
"She looked sad too."
Natahimik ako.
Collie continued softly,
"Teacher said don't sleep angry daw because your brain keeps thinking while sleeping."
"Talaga?"
"Yes." Tumango siya. "And because if zombie apocalypse happens at night tapos galit pa rin kayo..."
Napahawak ako agad sa noo ko.
"Connected na naman tayo sa zombies."
"What if last usapan niyo na po yun?" Tanong niya.
"You love her naman po, diba?" Dagdag niya.
God.
Minsan hindi ko alam kung bata ba talaga 'to of ano.
Dahan-dahan akong napangiti habang inaayos ang buhok niya.
"Ang wise mo naman tonight."
"I know."
"Mana sakin."
"Mana po kay Tita Hana."
"Hoy."
"Matalino kasi siya."
"Ako hindi?"
"You're pretty."
Napatawa ako nang mahina.
"Thank you ha."
"You're welcome po."
Marahan niyang pinisil kamay ko.
"Go talk to Mommy po, Mama."
Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang tumango.
"Okay."
Agad siyang napangiti.
"Yey. No season two problems."
"Matulog ka na nga."
"Goodnight, Mama."
"Goodnight, baby."
Marahan kong hinalikan ang noo niya bago tumayo, then tahimik akong lumabas ng room niya. Pagkasara ko ng pinto, biglang bumigat ulit dibdib ko.
Slowly, naglakad ako papunta sa room namin ni Emery.
Tahimik yung hallway. Tahimik buong bahay at habang papalapit ako sa pinto, pakiramdam ko mas lumalakas tibok ng puso ko.
Marahan kong hinawakan yung doorknob.
And entered our room.
Pagpasok ko sa kwarto, hindi agad ako nagsalita. Madilim na, at yung bedside lamp lang yung nakabukas kaya sapat lang yung ilaw para makita ko si Emery. Nakaupo siya sa kama, hindi nakahiga at hindi rin nakatutok sa phone niya. Nakatitig lang siya sa harap, parang matagal na siyang naghihintay.
Napahinto ako sa may pinto.
"Akala ko tulog ka na," Mahina kong sabi.
"Sinubukan ko."
Dahan-dahan akong pumasok at isinara yung pinto. Hindi muna ako lumapit agad, at hindi rin siya nagsalita ulit. Sandali ring puro aircon lang at mahina naming paghinga yung maririnig sa buong kwarto.
Eventually, lumapit ako sa kama at umupo sa gilid nito. Hindi ko pa rin siya matingnan nang diretso.
"Hindi ko alam kung paano magsisimula," Sabi ko nang mahina.
Narinig kong gumalaw siya bago siya marahang humarap sakin.
"I was waiting for you to come back kanina," Sabi niya.
"You didn't attend your meeting?"
Umiling siya. "Hindi rin ako makakapag-focus so no point."
Parang may humigpit agad sa dibdib ko. Hindi dahil galit ako, kundi dahil pareho pala kaming hindi mapakali buong araw.
Napatingin ako sakanya. Mukha siyang pagod not just physically, emotionally too.
"Emery..."
Hindi siya agad sumagot. Lumapit lang siya nang kaunti, parang maingat na baka umatras ako. Pagkatapos, inabot niya yung kamay ko at marahang hinawakan.
Simple lang yun, pero parang gumaan agad kahit papaano yung bigat sa dibdib ko.
"I didn't mean to make you feel small today," Mahina niyang sabi.
Napailing ako.
"It wasn't just about it."
Natahimik siya.
Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy.
"It was everything I didn't know."
Ibinaba niya yung tingin niya.
"Robert"
"Not just him," Putol ko agad, pero hindi naman galit yung tono ko. "I think what hurt me most was feeling like I walked into something I didn't belong to."
Mas humigpit nang bahagya yung hawak niya sa kamay ko.
"You belong here," Mabilis niyang sagot.
Napatawa ako nang mahina, pero halatang masakit pa rin.
"Do I? Kasi kanina hindi ko naramdaman yun."
Hindi siya sumagot agad. Nakinig lang siya habang nagsasalita ako.
"I wasn't mad because you had an ex. Natakot lang ako kasi parang may part ng buhay mo na hindi ko alam, tapos biglang may dumating na parang handa kang bawiin."
Napabuntong-hininga siya.
"I should've told you."
"Yes," Bulong ko. "You should've."
Tumango siya nang mahina.
"I thought it didn't matter anymore."
"That's exactly why it hurt," Sabi ko. "Hindi dahil nag-exist siya. Kundi dahil you decided it wasn't important enough for me to know."
Lumambot yung expression niya.
"I wasn't trying to hide him. I just didn't want to bring something old into something that finally feels right."
Napakagat ako sa labi ko.
"So you thought you were protecting me?"
Tahimik siya saglit bago tumango.
"I thought I was."
Natahimik ulit kami. Hindi uncomfortable, pero mabigat pa rin.
Tumingin ako sa magkahawak naming kamay. Yung thumb niya dahan-dahang gumagalaw sa likod ng kamay ko, parang pinapakalma niya sarili niya through me.
Then finally, sinabi ko rin yung totoong dahilan kung bakit ako nasaktan.
"I was scared too."
Agad siyang napatingin sakin.
"Of what?"
Huminga ako nang mabagal.
"Of not being enough to compete with someone you used to love."
Parang may nabasag agad sa expression niya. Lumambot lalo yung tingin niya sakin.
"Oh, Baby..."
Napailing ako agad.
"I know it sounds stupid."
"It doesn't," Sabi niya agad.
Lumapit pa siya hanggang magdikit yung balikat namin. At sa simpleng bagay na yun, parang nawala na rin yung distance na meron samin buong araw.
"I'm not comparing you to him," Mahina niyang sabi. "There's no comparison."
Tahimik lang ako habang patuloy siyang nagsasalita.
"He was my past. You're my present. And I don't want him in it."
Unti-unting kumalma yung paghinga ko.
"But I should've been honest with you from the start," Dagdag niya.
Napatingin ako ulit sakanya.
"Why weren't you?"
Nag-atubili siya bago sumagot.
"I'm still learning."
"Learning what?"
Diretso lang yung tingin niya sakin.
"How to tell someone everything without feeling like I might lose them after."
Parang may kung anong lumuwag sa dibdib ko pagkatapos kong marinig yun.
"You won't lose me for being honest," Sabi ko ng mahina.
"I'm still figuring that out."
Pinisil ko nang marahan yung kamay niya.
"Then we'll figure it out together."
Natahimik siya ulit, pero this time mas malambot na yung expression niya. Parang yun lang talaga yung kailangan niyang marinig.
Dahan-dahan siyang sumandal sakin at ipinatong yung noo niya sa balikat ko. At for the first time that whole day, hindi na siya tense.
Nandun lang siya. Kasama ko.
"I'm sorry," Bulong niya ulit.
"I know. I'm sorry too."
Humiga ako pagkatapos ng ilang minuto, at sumunod siya habang hawak pa rin kamay ko. Parang ayaw niya pa itong bitawan.
"M-Missed you today," Mahina niyang sabi.
Napatingin ako sakanya.
"Nakita mo naman ako kanina."
"I know. But it didn't feel like I had you."
Mas masakit yun in a softer way.
"I don't want that again," Dagdag niya.
"Then don't shut me out," Sabi ko.
"I won't," Sabi niya agad bago mas humina yung boses niya. "I'll try not to."
Ngumiti ako.
"That's enough."
Nanatili lang kami doon nang tahimik. Wala nang away, wala nang paliwanag. Presence lang ng isa't isa.
After a while, humarap ako sakanya nang mas maayos.
Mukha na siyang inaantok, pero nakatingin pa rin siya sakin na parang ako lang yung importante sa buong kwarto.
"I hate that I left like that earlier," Sabi ko.
Umiling siya.
"Don't."
"But I do. Hindi ko man lang nasabi nang maayos yung totoong naramdaman ko."
"It's valid," Simpleng sagot niya.
"I don't want us like that."
"We're not," Sabi niya agad. "Not anymore."
Napatingin ako sakanya. Yung buhok niyang medyo magulo na, wala nang glasses, at yung mababang boses niyang halatang pagod na. Pero steady pa rin yung tingin niya sakin.
Still choosing me.
"I was jealous," Pag-amin ko.
"You don't have to compete," Sabi niya. "There's no version of me that I want more than this one."
Napapikit ako saglit.
"That's unfair."
"What is?"
"Talking like that habang galit pa ko sayo."
Ngumiti siya nang bahagya.
"I thought we were recovering already."
Napatawa ako nang mahina.
"You're annoying."
"And you still came home."
Natahimik ako saglit bago lumapit pa nang kaunti.
"I always come home," Bulong ko.
Lumambot lalo yung tingin niya.
"Good," Sabi niya. "Because I don't know how to let you go once now that you're mine."
"I love you," Dagdag na sabi niya nang diretso. "Even when you mess up. Even when you go quiet."
Hinawakan ko yung wrist niya nang marahan.
"I love you too," Bulong ko. "Even when you make me overthink."
Napangiti siya nang maliit.
"Fair."
Nanatili lang kami doon, magkalapit, magkahawak ng kamay, wala nang distansya sa pagitan namin.
"I like when you're here," Mahina niyang sabi.
"I am here always."
Umiling siya nang kaunti.
"No. I mean really here."
Naintindihan ko agad kung anong ibig niyang sabihin.
"I'm here," Ulit ko. "And I'm not leaving just because things got messy."
Parang tuluyang kumalma yung expression niya pagkatapos nun.
"I love you, Baby," Bulong niya.
Ngumiti ako habang lumalapit pa nang kaunti sakanya.
"I love you more, Baby."
Umiling siya nang mahina.
"That's impossible."
Napangiti ako.
"Try me."
At pagkatapos nun, parang bumalik ulit sa amin yung pakiramdam na okay na at ibang sigawan na ang ginawa namin.