CHAPTER 43 Mimakerls
Seraphine's POV:
Three days after my big argument with Emery, naging normal na ulit yung atmosphere sa bahay.
Well...
Hindi totally normal.
Kasi apparently, illegal ang katahimikan sa household na 'to.
"Mama!" Sigaw ni Collie habang tumatakbo pababa ng hagdan. "Emergency po!"
Napalingon agad ako mula sa kitchen counter kung saan gumagawa ako ng coffee.
"Ano na naman?"
Huminto siya sa harap ko habang hinihingal dramatically at nakahawak pa sa dibdib niya.
"Naubusan po ako ng choco mallows."
Tahimik ko lang siyang tinitigan.
"Emergency 'yon?"
"Yes po."
"Hindi ka ba mabubusog? Kanina ka pa kumakain."
"Hindi po."
Napabuntong-hininga na lang ako habang inaabot sa kanya yung bagong pack mula sa cabinet.
"Thank you po," Masaya niyang sabi bago tumakbo ulit paalis.
"Mama!" Sigaw niya ulit pagdating sa sala. "I survived!"
Napailing ako habang sumisilip sa sala.
"Congratulations," Sabi ni Linda. "Very brave ka, kid."
Agad bumagal yung lakad ni Collie.
Ayun na.
Dahan-dahan siyang bumalik sa kusina.
"Mama..."
"Hm?"
"Do I look poganda po today?"
Napapikit ako.
"Collie."
"What? Casual question lang po."
Bago pa ako makasagot, dumating si Callie sa tabi namin habang may hawak na libro.
"You spilled marshmallow crumbs on your shirt."
Natahimik si Collie. Then tumingin siya sakin.
"Mama... tell her she's lying."
"She's observant," Sabi ko habang umiinom ng coffee.
In-adjust ni Callie yung glasses niya.
"And your hair looks like stressed noodles. Just like your drawing of Mama."
"WOW, Ate Callie!" Reklamo ni Collie. "Kapatid mo ako, oh!"
Natawa ako nang mahina.
Meanwhile, sobrang ingay na sa sala.
Naririnig ko pa rin sina Lara at Jasmine kahit nasa kusina ako.
"Sinasabi ko sa 'yo," Sabi ni Lara habang tumatawa, "kung ako si Amor, sinampal ko na si Robert."
"TRUE!" Dagdag agad ni Jasmine. "Very teleserye-coded yung entrance niya."
"Huy," Sabat ni Hana. "Naririnig kayo ng mga bata."
"So?" Sabi ni Lara. "Educational."
"Hindi educational ang pagseselos."
"Depende."
Napailing ako habang naglalakad papunta sa sala dala yung coffee ko.
Pagpasok ko pa lang-
boom.
Absolute chaos.
Si Lara halos nakahiga na sa couch kakatawa.
Si Jasmine nasa sahig habang kumakain ng chips.
Si Hana nasa gitna nila habang tahimik na nagta-type sa laptop niya na parang pagod na agad sa buhay.
Pero the moment na nakita niya ako lumambot agad expression niya.
Subtle lang ?ero napansin ko.
Meanwhile, si Collie-
biglang umupo sa tabi ni Linda.
Very suspiciously close.
"Ate Linda," Sweet niyang tawag.
Napatingin si Linda sa kanya.
"Yes?"
"You look extra beautiful today po."
"EWAN KO SA 'YO!" Sigaw ni Lara habang tumatawa.
"COLLIE!" Sita ko agad.
"What? Gentlewomanman po ako."
Callie didn't even look up from her book.
"That's not gentlewomanman behavior. That's flirting."
"THANK YOU FOR IDENTIFYING MY TALENT."
"Unfortunately, yes."
Napahawak si Hana sa noo niya.
"Lord..."
Meanwhile, si Linda nakatingin lang kay Collie na parang hindi alam kung matatawa o matatakot.
"How old are you again po?" Tanong niya.
"Mentally? Fifteen."
"Emotionally?"
"Twenty-five."
"Physically?"
"Private information."
Napatawa sina Lara at Jasmine.
Agad naman silang nilingon ni Collie at sumimangot.
"Mama!" Sigaw niya ulit. "Important question po!"
"Ano?"
"If I become rich on my own po, papayag po ba kayo ligawan ko si Ate Linda?"
"NO," Sabay-sabay naming sagot.
Tahimik siya sandali then tumingin siya kay Linda.
"What about financially stable?"
Napatawa si Linda habang umiinom ng coffee.
"Absolutely not."
"Wow," Reklamo niya. "You people hate love."
"Hindi love tawag d'yan," Sabi ni Callie. "Delusion."
"Jealousy detected."
"Reality detected."
"Children," sab5i ni Hana habang tumatayo. "Can we please behave like civilized people for once?"
Tahimik lahat. Then-
"Ano meaning ng civilized?" Tanong ni Linda.
Napapikit si Hana.
"I'm leaving."
"Hindi pa tayo tapos magplano!" Sigaw ni Jasmine.
Agad napunta yung attention ng lahat doon.
"Oh right," sabi ko habang umuupo sa couch katabi ni Hana. "Birthday planning."
Biglang umayos ng upo si Collie.
"This is serious business po because it's my birthday."
"Our birthday," Correction ni Callie.
"Exactly," Sabi ni Lara habang kumukuha ng notebook. "Since malapit na birthday ng twins, kailangan grande."
"Hindi po kailangan grande," Sabi agad ni Collie.
"Too late," Sabi ni Jasmine. "Na-manifest ko na."
Dahan-dahang ibinaba ni Callie yung libro niya.
"I'd like to remind everyone that Tita Lara's last 'simple' party involved a broken karaoke machine and a neighbor threatening legal action."
"That was one time," Depensa ni Lara.
"Same thing."
"Para kang si Hana laging kontra sakin."
Napatawa ako habang sumasandal sa couch.
Tahimik lang si Hana sa tabi ko pero ramdam kong paminsan-minsan sumusulyap siya sakin.
"So," Sabi niya habang nagsusulat. "Theme?"
"Princess!" Sabi ni Jasmine.
"Horror," Sabi ni Lara.
"Dinosaurs," Sabi ni Collie.
Nag-blink si Callie.
"It's my birthday too."
"Oh."
Tahimik si Collie sandali bago tumingin sa kambal niya.
"What do you want?"
In-adjust ni Callie yung glasses niya.
"A costume party."
Natahimik buong sala I don't expect that from her.
Then biglang nagliwanag mukha ni Lara.
"OH MY GOD."
"YES!" Dagdag agad ni Jasmine.
"We can do matching costumes!"
"We can do games!"
"We can do dramatic entrances!"
"We can have fog machines!"
"Absolutely not po," Sabi agad ni Callie.
"Boomer," Bulong ni Lara.
"Excuse me po?"
Meanwhile, si Collie sobrang excited na tumalon pa sa couch.
"I WANT CAPES."
"You said dinosaurs kanina," Sabi ni Jasmine.
"People evolve."
"Barely."
Natawa si Lara.
This time, mas natural napatingin ako sa kanya.
"Mama!" Sigaw ulit ni Collie.
Napalingon ako sa kanya.
"Can I wear a suit po?"
"Why?"
"So I can look expensive."
"Collie," Sabi ni Callie, "What do you really want?"
"I don't really know."
"Research."
Biglang tumawa si Linda.
Actual laugh at parang lumiwanag agad yung buong sala dahil doon.
Agad napalingon si Collie sa kanya na parang nakakita ng divine sign.
"Oh no," Bulong ni Hana.
"Ate Linda," Sabi ni Collie habang inaayos buhok niya. "You have a beautiful laugh po."
"COLLIE!" Sigaw ko.
"What? Appreciation po!"
"You're seven!"
"Eight po."
"Almost," Sabi ko.
Napahiga na si Lara sa kakatawa.
"Hindi ko na kaya 'tong batang 'to!"
"Honestly," Sabi ni Jasmine habang umiiyak na sa kakatawa, "Support ko love story nila."
"Jasmine!" Sita ni Hana.
"What?! Age is just-"
"STOP RIGHT THERE." Sobrang seryoso ni Hana na parang may dalaw.
The moment na napagdesisyunan na costume party yung theme-
mas lalo lang nagulo yung bahay.
"Okay," Sabi ni Hana habang hawak yung notebook niya. "One at a time tayo magsalita."
Agad nagtaas ng kamay si Collie.
"Yes, Collie?"
"I volunteer as tribute po."
"For what?"
"To become the face of the party."
Tahimik lahat.
Then dahan-dahang tumingala si Callie mula sa libro niya.
"You mean mascot?"
Nagtawanan nanaman sina Linda, Jasmine, at Lara.
"No," Kontra agad ni Collie.
"Same energy," Sabi ni Jasmine.
"Not same meaning po."
Meanwhile, si Lara biglang tumayo sa couch na parang may divine revelation.
"WAIT."
Napatingin lahat sa kanya.
"What if..."
Kinabahan agad ako.
"Mag-Power Rangers costumes tayo?"
Biglang sumigaw si Jasmine.
"OWGAG YES!"
"No," Sabi ko agad.
"Wala pa ngang explanation," Reklamo ni Lara.
"I can already tell it's a bad idea."
"Rude."
Then tumingin siya sakin.
"Dali na. Ikaw black."
Napalingon agad si Jasmine.
"OMG yes. Hot but emotionally unavailable."
"JASMINE," Sita ko.
"What? Accurate naman ahh."
Tahimik si Hana habang kunwari nagsusulat.
Then mahina siyang nagsalita.
"Actually, bagay nga."
"TRAITOR!" Sigaw ko sakanya.
Tuwang-tuwa na si Jasmine sa gilid.
"Ako gusto ko fairy!"
"You're already magical," Sabi ni Lara.
"Aww, kaya love kita ehh."
"Magically loud and scary." Dagdag niya.
"WOW AHH."
Meanwhile, si Callie nagsalita habang nagbabasa pa rin.
"Statistically speaking, themed parties increase the probability of public embarrassment by eighty percent."
"Good," Sabi ni Lara. "That means fun."
"Those are not equivalent terms."
Habang nag-uusap sila, tahimik lang akong umiinom ng coffee hanggang sa maramdaman kong may nakatingin sakin.
Pagtingin ko sa taas-
si Emery.
Tahimik lang siyang nakatayo doon ngumiti siya kaya napangiti narin ako.
Bumaba siya ng hagdan at agad na lumapit sakin.
"Hi Baby," Mahina niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya.
"Hi Love?"
"You've been smiling for ten minutes."
"So?"
"I missed that."
Agad napatingin samin sina Lara at Jasmine.
Then sabay-
"AYIEEEEEE."
Napapikit agad si Emery.
"Animals," Bulong niya.
"LOUD AND PROUD!" Sigaw ni Jasmine.
Meanwhile, si Collie biglang umakyat sa couch.
"ATTENTION EVERYONE!"
"Bumaba ka d'yan," Sabi ko agad.
"NO TIME PO."
Napabuntong-hininga si Hana.
"Anong gusto mo?"
"I have an announcement."
"Why are you like this?" Bulong ni Callie.
Nag-clear throat si Collie dramatically.
"For the costume party..."
Tumigil siya saglit.
"I shall become Batman."
"Oh," Sabi ni Hana. "Okay naman."
"With abs."
Tahimik buong sala.
Then literal na nahulog si Lara sa couch kakatawa.
"ANONG ABS?!"
"Character development po."
"Eight years old ka!" Sabi ko.
"Never too early for fitness."
"YOU STILL CRY OVER SHAMPOO SA MATA." Sabi ni Callie habang umiiling
"Pain builds character."
Meanwhile, si Linda tahimik lang sa gilid habang umiinom ng juice.
Then biglang lumapit si Collie sa kanya.
"Ate Linda."
Napapikit agad ako.
Here we go again.
"Yes?"
"If I become Batman po..."
Huminto siya saglit habang inaayos imaginary cape niya.
"Would you be my Catwoman?" Tanong niya.
Napatingin naman sakin si Linda parang humihingi ng tulong sobrang lakas naman ng tawa ni Jasmine na halos mabilaukan siya.
"OH MY GOD."
"COLLIE!" Sigaw ni Hana.
"What? DC appreciation po."
Si Linda naman halos hindi makapagsalita.
"You're unbelievable." Sabi ni Hana.
"Thank you po."
"That wasn't a compliment."
"I'll still take it."
Meanwhile, si Callie walang emosyon na nagsalita-
"This is why child supervision is important."
"Akosupervised," Depensa ni Collie.
"That's the concerning part."
Napatawa ako this time.
Actual laugh.
At agad akong nilingon ni Emery.
Soft yung tingin niya.
Parang automatic gumagaan mood niya kapag tumatawa ako.
Then quietly, yumuko siya palapit sakin.
"You okay?" Tanong niya ulit.
Ngumiti lang ako.
"Yeah."
And honestly?
I really was.
Unfortunately, hindi nagtagal yung peaceful moment.
Kasi biglang sumigaw si Lara-
"WAIT LANG."
Napalingon ulit lahat sa kanya.
"What now?" Tanong ni Hana na mukhang malapit nang mawalan ng kaluluwa.
"What if may runway tayo?!"
"Runway."
"Yes!" Sigaw ni Jasmine. "Like Fashion Week!"
"Absolutely not," Sabi agad ni Emery.
"Killjoy," Bulong ni Lara.
"Lara." Sita ko.
"Fine."
Tahimik siya for three seconds.
Meanwhile, si Callie biglang tumingin kay Collie.
"You can't be Batman."
"Excuse me?"
"You're too talkative batman speaks through mystery while you speak through noise." Mahaba niyang sabi.
Napahawak si Jasmine sa dibdib niya parang siya yung na hurt para kay collie.
"GRABE YUNG ATAKE."
"Sibling violence," Bulong ni Lara habang tumatawa.
Umalis naman si Collie. Akala ko nagtampo kaya balak kong sundan, pero pinigilan ako ni Emery.
Then suddenly may malakas na crash mula sa kitchen.
Napatayo agad kaming lahat.
"Ano 'yon?!" Sabi ko.
Then mula sa kitchen-
"I can explain po!!!" Sigaw ni Collie.
Natahimik kami then sabay-sabay napalingon kay Lara.
"Bakit ako?!"
"Instinct po," Sabi ni Callie.
Pagpunta namin sa kitchen nakita namin si Collie sa sahig napapalibutan siya ng chips at may nakasabit na mixing bowl sa paa niya.
Huminga nang malalim si Emery.
"How?" Tanong Lara.
"Why?" Si Jasmine
"Are you okay?" Tanong ko
Tumayo siya at parang proud oa.
"I was hungry po."
"That explains nothing."
"I climbed for snacks."
"Why is the bowl on your foot?" Tanong ulit ni Lara.
"Unexpected plot twist po."
Literal na napaupo sina Jasmine at Linda sa sahig kakatawa pano ba naman yung mukha ni Collie nakakatawa talaga.
Hindi na makahinga si Jasmine.
Even si Emery, napailing na lang habang pinipigilan tumawa.
Then si Callie, calm as ever-
"This is why evolution is slow."
"RUDE."
Habang tinutulungan kong tanggalin yung bowl sa paa ni Collie, tumingala siya sakin.
"Mama..."
"Ano?"
"Do you still love me po kahit criminal ako?"
Napatawa ako sa random question niya.
"Depende."
"Sa?"
"Kung ilang bowl sisirain mo."
Napahawak siya sa dibdib dramatically.
"So conditional po?!"
"Yes."
"Heartbreaking naman." Sabi niya sabay nguso.
"Mama," Singit ni Callie habang umiinom ng tubig, "Can we return her to Mommy Emery's womb?"
"EXCUSE ME?!" Sabi ni Emery.
Napatawa naman ako.
"Receipt is probably gone," Dagdag ni Lara.
"STOP BULLYING ME PO." Sabi ni Collie.
Then suddenly, lumapit si Emery sakin at tahimik na inayos yung magulo kong buhok.
Simple lang yung gesture.
Pero enough na para mapansin agad nina Lara.
"Ayan na naman sila," Bulong niya kay Jasmine.
"Obsessed sa isa't isa," Sagot agad ni Jasmine.
"We can hear you," Sabi ni Emery.
"GOOD." Sabay nilang sabi.
Napailing ako habang tumatawa.
At habang sobrang ingay nilang lahat sa paligid-
si Collie na makulit,
si Callie na judgmental,
sina Linda, Lara at Jasmine na literal na demonyo lang,
si Hana na one breakdown away from disappearing,
at si Emery na nakatayo sa tabi ko habang nakangiti lang-
may na-realize ako.
Maybe this family would never be peaceful.
But honestly?
Mas gusto ko to besides tahimik sounds boring anyway.
Someone's POV:
The cemetery was too quiet.
Only the sound of the wind moving through the trees could be heard as I stood in front of the grave, staring at the name carved into the stone.
My fingers tightened slightly around the bouquet I was holding.
Fresh white lilies.
Your favorite.
Beside me, I heard footsteps approaching slowly before eventually stopping a few feet away.
I didn't turn around immediately.
I already knew who it was.
"You're late," I said calmly.
A soft chuckle came from behind me.
"Traffic."
"Liar." I answered.
"That too."
Finally, I glanced sideways.
Same composed expression. Same unreadable eyes.
Years had passed, yet somehow, nothing about this person had ever truly changed.
"You came," I murmured.
"I always do."
Silence settled between us again.
Heavy. Familiar.
Then, after a while, I spoke quietly.
"How does it feel?"
The person beside me looked at the grave.
"Seeing her again?" I added softly.
For the first time since arriving, something shifted in those usually calm eyes.
But it disappeared quickly.
"Focus on the investigation," Came the low response.
I laughed quietly under my breath.
"There it is."
"What?"
"That annoying habit of avoiding emotional conversations."
No response.
Typically the kind of person he is.
I stepped closer to the grave and crouched slightly to place the flowers down carefully.
"I visited because I missed this lovely person," I said softly.
This time, the silence beside me lasted longer.
Then finally-
"So do I."
The answer came quietly.
Honestly.
And somehow... that hurt more.
A faint smile appeared on my lips.
"You know," I murmured while staring at the grave, "I still think I came first."
That earned me a small laugh.
A real one.
Soft. Tired.
"Yes, you did," The person beside me admitted. "On paper, I won."
I slowly looked up.
The wind moved gently around us.
"But you got her heart, right?"
My chest tightened a little at that.
Not because it was new.
But because after all these years... hearing it still felt the same.
Painfully warm.
Silence filled the cemetery again.
Not awkward.
Just full of memories neither of us said loudly anymore.
Then quietly, almost like a reminder-
"You promised her something," He said.
The person beside me didn't look away from the grave.
"I know." I answered.
"You said you'd help me protect the most precious thing this lovely person left us."
Finally, those eyes shifted toward me.
Serious now.
Sharp.
"I still will," I said.
I searched that expression for a moment.
Trying to see if grief still lived there.
If love still did too.
Unfortunately...
I found both.
A small bitter smile escaped me.
"How unfair," I whispered.
"What is?"
"You got a mini version of her."
The person beside me stayed silent.
Then, after a while-
"She gave us a remembrance of her. If I had only known this would happen, I would've protected her even more."
My breath caught slightly.
Damn.
Regrets hit only when it's too late.
I looked back at the gravestone.
At the flowers.
At the name we both spent years trying not to say too much out loud because somehow, even now... it still carried weight.
Then quietly, I asked the question I probably shouldn't have.
"Do you think she'd be angry seeing us like this?"
A pause.
Then a soft exhale.
"No."
"You sound confident."
Another pause. Then finally-
"She loved both of us... but she loved you more."
The wind blew harder after that.
Cold.
Almost enough to make me believe someone was listening.
I smiled faintly.
"Still terrifyingly observant until the end." I wisper.
That earned another quiet laugh beside me.
And for a brief moment standing there in front of the grave of the person we both loved in completely different ways it almost felt like the past was standing beside us too.
And I will keep my promise to protect and love what's left of her.
Jasmine's POV
Tahimik ang buong bahay papaalis palang sina Emery, Amor, at Collie.
Actually... hindi pala totally tahimik.
Kasi habang nagsusuot si Amor ng shoes niya sa may pinto, si Collie naman ay kung anu-anong tanong ang binabato kay Amor habang bitbit yung maliit niyang backpack na akala mo sasama sa field trip.
"Bakit kailangan pa nating bumili ngayon po?"
"Because may kulang tayo."
"Ano po?"
"Secret."
"Bakit po secret?"
"Because if sinabi ko, hindi na secret."
"Ah..."
Tahimik ulit si Collie.
Then-
"Pero bakit po-"
"Anak," Natatawang putol ni Amor.
Natawa rin ako habang nakasandal sa sofa.
Meanwhile, si Callie naman ay tahimik lang sa kabilang couch, nakaupo nang maayos habang nagbabasa ng makapal niyang book.
Typical Callie.
Parang hindi seven years old.
Mas mukha pa siyang tiny professor na napilitang tumira kasama naming mga baliw.
"Callie, sure ka di ka sasama?" Tanong ni Amor.
Hindi man lang siya nag-angat ng tingin.
"No thank you Mama."
"Mababaliw ka sa mga kasama mo dito." Sabi ni amor sabay lingon samin na parang kriminal kami.
"I have books."
"May snacks din sa mall."
"I have books."
"May toys-"
"I have books."
Tahimik kaming lahat.
Then Linda slowly whispered beside me.
"Ang lakas talaga ng cold aura ng batang 'to."
Napakagat ako sa labi para di matawa.
After a few more reminders, tuluyan nang umalis sina Emery, Amor, at Collie.
Pagkasara ng pinto-
Tahimik.
Then slowly, lumingon ako kina Lara, Linda, at Hana.
A dangerous smile slowly appeared on my face.
"Oh no," Agad na sabi ni Hana habang nakatingin sakin.
"Ano na namang iniisip mo?"
Umayos ako ng upo.
"Prank." Bulong ko.
Agad lumaki mata ni Lara.
"Ano 'yon?!"
Lumapit ako sakanila na parang kontrabidang may evil plan.
"Invisible prank."
Natahimik silang tatlo.
Then sabay-sabay silang napalingon kay Callie.
Still clod
Still quiet.
Still reading.
Still looking emotionally unavailable at seven years old.
"Jasmine..." Mahinang sabi ni Hana. "Bata 'yan."
"Exactly."
"That doesn't make it better."
"Konting prank lang!"
Linda, meanwhile, looked interested already.
"Ano mechanics?"
Napangisi ako.
"We convince her na naging invisible siya."
Biglang natawa si Lara.
"BWISIT."
"DI BA?!"
Napailing si Hana.
"No."
"Please?"
"No."
"Hanaaaa."
"No."
Lumapit si Linda kay Hana saka bumulong.
"Imagine mo reaction ni Callie kapag naniwala."
Tumigil si Hana.
Napapikit siya.
Then slowly-
"Kayo bahala."
Napangisi ako nang malaki.
YES.
"Don't worry wala ka narin naman chance sa Tita ehh" Sabi ko. Inirapan
niya lang ako.
Operation Invisible Mimakerls officially started.
A FEW MINUTES LATER...
"Callie."
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Callie mula sa libro niya.
"Yes?"
Lumapit ako sakanya na parang seryoso.
"May gusto kaming itry."
"What kind of try?"
"Scientific."
Nagsimulang magduda mukha niya.
Linda quickly added-
"Experiment."
Lara nodded aggressively.
"Very educational."
Tumahimik si Callie.
Then she closed her book slowly.
"OKAY."
Grabe.
Ang dali niyang kausap ngayon parang wala siyang survival instincts.
Dinala namin siya sa guest room.
Sinara ni Lara lahat ng curtains hanggang halos walang ilaw sa loob.
Tanging flashlight lang ng mga phone namin ang nagbibigay ng liwanag.
Honestly?
Kahit ako kinilabutan ng konti.
Nakaupo si Callie sa gitna ng room habang tahimik kaming paikot sakanya.
"Why is it dark?" Kalmado niyang tanong.
"For the process," Sagot ko agad.
"Oh."
Hindi talaga siya natatakot no?
Si Linda tuloy ang kinabahan.
"Ano ba 'tong ginagawa natin..."
Tumikhim ako.
"Okay. Simulan na."
Tumayo kaming apat paikot kay Callie.
Then sabay-sabay naming tinaas phones namin na parang may tinatawag na ancient spirit.
Halos maiyak na sa kakatawa si Lara.
"Focus!" Bulong ko.
"Sorry!" Sabi niya.
Then nagsimula kaming mag-chant ng kung ano-anong nonsense na naisip lang namin on the spot.
"Mimimimimimimimimimimimi yeahhhhh... mimimimimimimimimimimimi yeahhhhh...
mimimimimimimimimimimimi
yeahhhhh...-"
"Jasmine wala kang kwenta," Bulong ni Hana.
"Improvised ritual 'to!"
After one whole minute ng kabaliwan...
Tahimik.
Kunwari walang nangyari.
Napatingin si Callie samin.
"...done?"
"Wait di pa gumana," Mabilis kong sabi.
Nagkatinginan kami.
"Isa pa" Sabi ko.
"Mimimimimimimimimimimimi yeahhhhh... mimimimimimimimimimimimi yeahhhhh...
mimimimimimimimimimimimi
yeahhhhh...-" Sabay sabay naming sabi.
Then Linda suddenly gasped dramatically.
"Oh no..."
"Ano 0o?" Tanong ni Callie.
Napatingin kami sakanya then sabay-sabay naming iniwas tingin
namin.
Tahimik.
"...Hello po?" Sabi ni Callie.
Walang sumagot.
Nagsimula nang mag-smirk si Lara habang pinipigilang tumawa.
Lumapit si Callie sakin.
"Ate Jasmine?"
Tahimik akong pinipigilan ang tawa ko.
Lumapit siya kay Hana.
"Ate Hana?"
Tahimik pa rin.
Then kay Linda.
"Ate Linda?"
Nothing.
Unti-unting nagsimulang magbago expression niya.
"Not funny po," Sabi niya.
Pero tuloy pa rin kami.
Tinry niyang mag-wave sa harap ng mukha ni Lara pero walang reaction.
Tumalon pa siya sa harap namin.
"Boo."
Wala.
Then suddenly...
Tahimik siya.
Nakita kong unti-unting nagpanic ang mga mata niya.
"Ate Jasmine?"
Mas mahina na boses niya ngayon.
Then she tried harder.
Tumatawa siya nang pilit.
"Look, I'm dancing."
Wala pa rin kaming reaction.
"Ako si Collie-"
Still nothing.
Then-
Biglang nanginig ang labi niya.
Oh no.
OH NO.
Nawala bigla yabang namin.
"Ate..." Nanginginig na ang boses niya. "Why can't you hear me?"
Hindi na natatawa si Lara.
Si Linda napalunok.
Si Hana mukhang nagsisisi na sa buong buhay niya pumayag siya.
Then-
Biglang tumulo ang luha ni Callie.
Literal na nA freeze kaming lahat.
WAIT.
SHE'S CRYING.
SHE'S ACTUALLY CRYING.
"Ate..."
Mas lalo siyang nagpanic nang walang sumasagot.
Then she started doing random things para mapansin namin.
Kumakaway.
Tumatalon.
Nagpapatawa.
Even making weird noises.
Pero habang tumatagal, mas lalo siyang naiiyak.
"Ayoko na maging invisible..."
"BWISIT," Bulong ni Lara.
"Ano gagawin natin?!"
"Hindi ko alam!" Pabulong kong sagot habang nagpapanic na rin.
Then suddenly, tumayo si Linda.
"Kailangan natin gawin yung chant."
Napalingon kami sakanya.
"Ano'ng chant?" Tanong ni Lara.
Seryosong-seryoso ang mukha ni Linda.
"Sundan niyo ko."
Hindi ko alam bakit pero sumunod kami agad lumapit si Linda kay Callie.
"Callie."
Agad napatingin si Callie sakanya na parang nakakita ng liwanag.
"Can you hear me?!"
Tumango agad si Callie.
"Umupo ka ulit." Sabi niya.
Mabilis na umupo si Callie habang pinupunasan luha niya.
Then kaming apat, paikot ulit sakanya.
Huminga nang malalim si Linda.
Then-
"Mga eklabu!"
"Mga eklabu!"
"Mga chowari wap!"
"Mga chowari wap!"
"Ibalik ang mimakerls!"
"Ibalik ang mimakerls!"
"Ang aking Naka Naka!"
"Ang aking Naka Naka!"
"Ano ang iyong!"
"Mama mama!"
"Ako ang iyong!"
"Mama mama!"
Then sabay-sabay kaming sumigaw-
"MAMA MAMA BOOGSH!"
Tahimik.
Three seconds.
Four seconds.
Then suddenly, napahawak ako sa bibig ko dramatically.
"OH MY GOD."
Lumapit si Lara kay Callie.
"CALLIE!"
Napasinghap si Hana.
"Nakikita na kita!"
Biglang lumaki mata ni Callie.
"Really?!"
"Yes!"
"You're back!"
Biglang napaiyak ulit si Callie. Pero this time dahil relieved siya agad namin siyang niyakap lahat.
"SORRY."
"Sorry talaga."
"Di namin alam iiyak ka."
Tahimik siyang suminghot habang yakap yung book niya.
"I thought magiging ghost na po ako forever."
Napangiwi ako sa guilt.
"Sorry baby..."
Then after a few minutes, kumalma rin siya.
Tahimik ulit.
Then suddenly, nagsalita si Lara.
"Gusto mo makaganti?"
Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Callie.
"...Yes po."
Napangisi kaming lahat.
Then Linda whispered-
"Gawin natin kay Collie."
Slowly...
A tiny evil smile appeared on Callie's face for the first time that day.
Honestly?
Nakakatakot pala kapag si Callie ngumiti nang masama.
Then I clapped once dramatically.
"Tara G."
Napalingon silang lahat sakin.
I pointed toward the door.
"Let's wait for them."
After namin pakalmahin si Callie, para kaming criminal na nagkaroon ng character development.
For five minutes.
Five peaceful minutes.
Then bumalik ulit pagiging salot namin.
Nakatambay kaming lahat sa sala habang si Callie naman ay tahimik ulit na nagbabasa ng libro niya, pero this time, every few seconds sumusulyap siya sakin.
And every time she does-
Parang may evil energy.
Tiny evil energy to be specific.
Nasa gitna kami nila Lara at Linda habang si Hana naman ay umiinom lang ng kape na parang pagod na pagod na siya samin emotionally.
"I still can't believe umiyak siya," Bulong ni Lara.
"Hindi rin natin kasi alam na seryoso niya tayong paniniwalaan," Sagot ko.
"Ang convincing kasi natin."
"True."
"Actually kayo lang convincing," Sabat ni Hana. "Si Jasmine parang sirang kulto."
"Creative direction 'yon."
Napailing nalang siya.
Then suddenly-
Click.
Narinig naming bumukas yung front door.
Agad napalingon kaming lahat.
And there she was.
Collie.
Nakasabit yung maliit niyang bag sa balikat habang may hawak na maliit na paper bag.
Sa likod niya naman si Amor na mukhang may kailangan pang balikan kaya hindi na pumasok.
"Iiwan ko muna kayo dito," Sabi ni Amor habang inaayos buhok ni Collie.
"Oki!" Sabi namin.
Then suddenly, tinignan siya ni Amor nang seryoso.
"And Collie."
"Yes po Mama?"
"Wag ka na ulit kumain ng chips."
Natahimik si Collie.
Then ngumiti siya nang sobrang innocent.
"Okay po."
Lahat ng demonyo sa loob ko sinasabing:
Sinungaling.
Tumango si Amor.
"Good."
Then she kissed her forehead.
"Babalik din kami agad."
"Okiii!" Sabay sabay naming sabi.
"Callie" Tawag ni Amor tumingin si Collie sabay flying kiss.
Pagkaalis ni Amor-
Tahimik.
Then slowly...
Napalingon si Callie sakin.
Expressionless.
Pero yung mata niya?
LOUD.
Parang sinasabi niyang:
Do it ate please.
Napangisi ako nang dahan-dahan.
Oh no.
Round two.
This time, sa sala namin ginawa.
Pinaupo namin si Collie sa gitna ng carpet habang si Callie naman ay tahimik na nakatayo sa gilid na parang mastermind ng mafia.
Honestly?
Mas nakakatakot si Callie ngaun.
"Anong ginagawa po natin?" Curious na tanong ni Collie.
"Magic," Sagot agad ni Lara.
"WOW."
Ang dali rin nitong mauto ehh.
Tumayo kami paikot sakanya habang pinapatay ni Linda yung ibang ilaw.
"Bakit parang horror movie po?" Tanong ni Collie.
"Because aesthetic," Sagot ko nalang.
"Ah okay po."
Then nagsimula ulit kami.
"Mga eklabu!" Sabi ni Linda.
"Mga eklabu!" Ulit namin.
"Mga chowari wap!"
"Mga chowari wap!"
"Ibalik ang mimakerls!"
"Ibalik ang mimakerls!"
"Ang aking Naka Naka!"
"Ang aking Naka Naka!"
"Ano ang iyong!"
"Mama mama!"
"Ako ang iyong!"
"Mama mama!"
Then sabay-sabay-
"MAMA MAMA BOOGSH!"
Tahimik.
Then slowly...
Nagkatinginan kami.
Game face on.
Lumapit si Collie kay Lara.
"Tita Lara?"
Tahimik si Lara.
Lumipat siya sakin.
"Ate Jasmine?"
Tahimik din ako.
Then kay Hana.
Nothing.
Linda even pretended to look around dramatically.
"Parang may kulang..."
"Baka hangin?"
Tumigil si Collie.
Then dahan-dahang lumaki yung grin niya.
Oh no.
OH NO.
Hindi siya natakot.
Hindi talaga.
Instead...
Tumayo siya.
Then dire-diretsong naglakad papuntang kitchen.
Tahimik kaming lahat.
"Ano ginagawa niya?" bulong ni Lara.
Then bigla naming narinig yung kaluskos bukas ng cabinet.
Crunch.
Slowly...
Napapikit ako.
"No..."
Lumabas si Collie sa kitchen habang may hawak na malaking pack ng chips.
The exact chips na bawal sakanya.
Then tumingin siya samin habang kumakain.
Crunch.
Crunch.
Crunch.
Hindi kami makareact.
Kasi nga...
'Hindi namin siya nakikita.'
So kaming apat, pilit na umiwas tingin habang low-key nagpapanic.
"Ang hirap kapag may invisible child," Sabi ko kunwari casually.
"True," Dagdag ni Linda. "Especially if may ginagawa siyang bawal."
Tumango si Hana.
"Like eating chips."
Tumigil si Collie sa pagnguya.
Then slowly...
Napangisi siya.
Crunch.
Crunch.
Crunch.
"BWISIT," Bulong ni Lara.
"Lalo niya tayong inaasar!"
Then mas lumapit pa si Collie samin habang kumakain.
"Ay parang may amoy ng chips," Sabi ko.
"Sayang bawal yata kay Collie 'yon," Dagdag ni Hana.
"Good thing wala siya dito," Seryosong sabi ni Linda.
Then biglang umupo si Collie sa harap namin habang ngumunguya.
Eye contact pa talaga.
Tiny demonyo talaga natatawa ako putik.
Then suddenly-
Tumayo siya ulit.
Diretso siyang pumunta sa table drawer.
And before we could even process it kumuha siya ng marker.
Oh no.
OH NO.
"Guys..." Bulong ko.
"May marker siya."
"Pretend lang!" Bulong ni Lara pabalik.
Then lumapit si Collie kay Lara.
Tahimik kaming lahat habang pilit na di tumitingin.
Then-
Scribble scribble scribble.
Nanginig balikat ni Lara.
"ANO GINAGAWA NIYA." Bulong ko.
"Wag kang gagalaw!" Bulong ni Linda habang nanginginig na kakapigil ng tawa.
Then lumayo si Collie.
Napatingin ako kay Lara-
AND I LOST IT.
MAY BIGOTENG PABILOG SIYA.
May beard.
May spiral sa noo.
May drawing pa ng mukhang ewan sa pisngi niya.
Napasinghap ako.
"A-"
Agad kong tinakpan bibig ko.
Pero too late.
Napatingin si Collie sakin na may evil smile.
"Oops," Bulong ni Hana.
"Kitang-kita mo."
Then dahan-dahang lumapit si Collie sakin.
"No," Bulong ko.
"Collie."
Ngumiti lang siya.
"Collie asan ka wag mo gawin sakin ginawa mo kay Lara."
Then-
Scribble scribble scribble.
"LINDA TULUNGAN MO KO."
"Hindi ko siya nakikita sorry."
"TRAYDOR."
After one minute, mukha na rin akong sirang magician.
May beard.
May unibrow.
May drawing pa ng puso sa noo ko.
Halos mamatay na kakatawa si Hana sa gilid.
"Hindi na 'ko makahinga-"
"Wag kang tumawa!" Sigaw ko.
Then finally...
Humarap si Collie kay Linda.
Tahimik kaming lahat.
"Karma mo na," Sabi ni Lara.
"Go naka naka," Dagdag ko.
Pero instead na magdrawing-
Lumapit si Collie kay Linda.
Then she suddenly kissed Linda sa forehead.
Isa.
Dalawa.
Then both cheeks.
Mwah.
Mwah.
Tahimik.
Natahimik pati si Linda.
"Awwww," Sabi ni Hana.
"Bias," Reklamo agad ni Lara.
"OO NGA!" Dagdag ko. "Bakit kami dinrawingan?!"
Napatawa si Collie.
Kita yung dimples niya habang hawak pa rin yung chips.
"Because I love Ate Linda."
"FAVORITISM!"
Then hindi na nakapagpigil si Lara.
"Pero di ka ba natakot?!"
Biglang humagalpak ng tawa si Collie.
Literal na tawang-tawa siya.
"I've seen it on TikTok po!"
Tahimik.
Then sabay kaming sumigaw ni Lara-
"COLLIE!"
At agad siyang tumakbo palayo habang tumatawa nang malakas.
"YOU LITTLE-"
Hinabol siya ni Lara paikot ng sala habang ako naman hirap na hirap tumayo.
"Bumalik ka dito!"
"NOOOO!"
"Delete TikTok ng batang 'yan!"
"Too late!" Sigaw ni Hana habang tumatawa rin.
Then finally, napaupo nalang kami lahat sa carpet habang hingal na hingal kakatawa.
Si Callie naman?
Tahimik lang na nakaupo sa couch habang nagbabasa ulit ng libro niya.
Pero this time...
May maliit siyang smile.
Then casually niyang sinabi-
"Baka nakakalimutan niyo po..."
Napalingon kaming lahat sakanya.
"Tambay sa TikTok ang tiyanak na yan."
Sabi niya.
"So alam mo?" Tanong ko.
Tumango lang siya.
Then sabay-sabay kaming natawa nang mas malakas.
Even Callie quietly laughed a little.
And honestly?
That was probably the scariest thing that happened today.
BLOOD IS THICKER THAN WATER.