CHAPTER 44 Its Not You, Its Me.
Seraphine's POV:
Kabababa ko lang at maingay agad ang buong bahay kahit tanghali pa lang. Hindi 'yung annoying na maingay, kundi 'yung klaseng ingay na somehow... comforting.
May nagtatawanan.
May nagsisigawan.
May nag-aaway dahil sa pagkain.
As usual.
At may isang taong malapit nang mawalan ng pasensya.
Which was obviously ako.
"Collie," Malamig kong tawag habang naka-cross arms sa nag lalakad papunta sa kanila, "ilang beses ko sinabi na huwag mong iiwang nakabukas 'yung ref?"
Nasa sala si Collie, naka-higa sa sofa habang kumakain ng chips.
"Para po makahinga 'yung ref."
Tumahimik ang buong sala.
Si Lara, dahan-dahang napalingon kay Jasmine.
"Anong logic 'yon?" Taas-kilay niyang tanong.
Si Jasmine agad namang natawa.
"Hindi ko rin alam, pero mukhang proud siya sa sagot niya."
"COLLIE!"
"Sorry na po Mama!" Sabi niya.
Meanwhile, si Callie naman, tahimik lang na naka-upo sa carpet habang umiinom ng iced coffee gamit ang straw.
Bigla siyang nagsalita.
"To be fair... baka claustrophobic po 'yung ref."
Agad namang napahampas sa unan kakatawa ang pinaka-OA sa'min. Sino pa? Edi si Jasmine.
Napapikit naman ako. For the past few days, unti-unti na siyang nahahawa sa kanila simula nung na-prank siya nitong mga gaga.
"YOU TWO, PARA KAYONG SI JASMINE!" Sabi ni Lara.
"Excuse me," Offended na sabi ni Collie. "I am intelligent emotionally."
"Emotionally unstable ka rin hoy." Sabi ni Jasmine. kahit talaga bata papatulan.
"Pareho lang 'yon."
"Sorry, but I'm not like Ate Jasmine. We breathe the same air po, but we have different brain cells," Sagot ni Callie.
Habang naka cross arms.
"Aray ahh," Sabi ni Jasmine.
Sa kabilang side ng sala naman, tahimik lang nakaupo 'yung tatlong cold women na kabilang sa kampon ni Elsa.
Margaret, Cassandra, and Calista.
Parang hindi sila affected sa kaguluhan ng bahay na to.
Margaret was reading a book elegantly habang umiinom ng tea.
Cassandra was typing something on her laptop with the same cold expression she always had.
Habang si Calista naman ay tahimik lang na naka-sandal sa couch habang nag-oobserve ng gulo sa paligid at paminsan-minsan nilalandi ni Jasmine.
Honestly?
Mukha silang mga CEO na aksidenteng napunta sa daycare center.
Pumunta naman ako sa kusina para kunin 'yung fries.
After a few minutes.
I walked into the living room carrying a bowl of fries.
Which is bad decision.
The moment nakita ako ni Collie-
"FRIES!"
Bigla siyang tumalon mula sa sofa.
Kasunod agad si Jasmine.
"AKIN 'YUNG MALAKI!"
"HOY, BAKIT MAY PA RESERVED?!" Sabi ni Lara.
"FIRST COME, FIRST SERVE!"
"BAKIT KA BA SUMISIGAW?!"
"PARA MAY IMPACT!"
Tumatawa na naman si Linda habang si Hana naman nakayuko na sa sofa pero agad ring tumayo at pumunta sa kusina.
Even Calista looked mildly entertained.
Very mildly.
Inilapag ko 'yung fries sa center table habang natatawa.
"Parang isang linggo kayong hindi pinakain," Sabi ko.
"We are surviving," Jasmine said ano pa edi dramatically habang kumukuha ng fries na parang mauubusan na ng pagkain ang mundo.
Lumabas si Hana mula sa kusina, hawak 'yung sandok.
"Nag-order ako ng pagkain kanina. Bakit gutom na gutom pa rin kayo?"
"Emotional ako kaya hunger ako," Sagot agad ni Jasmine. Sabay acting ng parang galit
"Anger kasi yun baliw" Sabi ni Hana.
"That's not real," Sabi ni Callie kay Jasmine.
"It is for us," Sagot ni Collie.
Lara suddenly raised one finger.
"I support her statement."
"Of course you do po," Callie muttered.
Then suddenly-
"Aray!"
Lumingon silang lahat.
Collie somehow fell habang nakikipag-agawan ng fries kay Jasmine.
Nakahandusay siya ngayon sa sahig. Lagi na lang siyang nahuhulog, pero every check-up namin, okay lang naman lahat ng results niya. Ang tigas ng buto ng batang 'to.
"I'm okay!" Sigaw niya habang naka-thumbs up pa.
Callie slowly nodded.
"Very graceful fall."
"Thank you."
Margaret closed her book slowly.
"This household concerns me a lot."
"Di kana nasanay," Sabi ni Calista habang kinukunan ng letrato si Jasmine.
"Get used to it "
Cassandra finally looked up from her laptop.
"Statistically speaking, this amount of chaos should've destroyed the house already." Sabi niya habang umiiling.
Ang hilig talaga nila sa mga ganyang stats-stats, tapos naipapasa sa mga bata. 'Yung mga bata naman, pinapasa sa mga kaibigan ko.
"Actually," Lara singit, "Nasira na 'yang TV last week sa kabilang bahay. Pinalitan lang."
"And the microwave," Hana added.
"And Jasmine's dignity," Linda muttered.
"Hoy!"
Nagkatawanan ulit lahat.
Then Jasmine suddenly narrowed her eyes habang nakatingin sa tatlong cold women.
Very dangerous look parang papatay.
Napaupo naman ako nang maayos.
"No."
Si Hana, napatingin din kay Jasmine.
"That face means trouble."
"It always means trouble," Lara whispered.
Pero hindi sila pinansin ni Jasmine.
Instead, she moved closer kina Margaret, Cassandra, and Calista.
Parang reporter na mang-iinterview.
"So..." She started casually.
Margaret slowly looked at her.
"...What?"
"Who's the softest among the three of you?"
Dead silence. Literal.
Even Collie stopped chewing.
Callie slowly lowered her drink.
Nagtataka siguro kayo bakit puro kami English today. Well, sabihin na lang nating challenge ng kambal.
Si Hana agad napasandal sa sofa dahil alam niyang may mangyayaring katangahan nanaman si Jasmine.
Margaret blinked once.
"None of us."
"Wrong answer," Agad na sagot ni Jasmine.
Cassandra crossed her arms.
"And what makes you think may soft sa 'min?"
Jasmine pointed dramatically.
"Kasi impossible na puro kayo malamig. Isa pa, soft kaya ang mommy ko sa 'kin kahit madalas bugbog abot ko diyan."
The two raised an eyebrow and looked at Calista.
"Why?"
"Really?"
"Because humans need emotions. Also, you're soft to Lara too," She said while looking at Cassandra.
"We have emotions."
"Fear doesn't count," Sabi ni Margaret.
Linda almost choked hind dahil sa kakatawa kundi dahil pilit hinigop yung juice.
Napacover naman ako ng bunganga ko.
"Jasmine, tigilan mo sila."
But Jasmine gasped dramatically.
"Oh my God..."
Lahat napatingin sa kanya.
She slowly pointed at Margaret.
"I knew it."
Margaret narrowed her eyes.
"Knew what?"
"You're the mom friend."
Pigil-tawa na naman kami sa reaction ni Margaret.
Even Callie was wheezing quietly.
Margaret looked deeply offended.
"I am not."
"You literally remind them to drink water."
"That is basic human survival."
"You care!"
"I don't."
"You sound like a disappointed mother every time may ginagawa kaming katangahan."
"...Because all of you ARE doing stupid things."
"SEE?!"
Cassandra quietly crossed her arms.
"Esta conversación se está volviendo dolorosa in the head. My goodness."
"Translation," Bulong sa 'kin ni Hana, habang natatawa.
Napapansin ko, every time galit o wala sa mood si Margaret, ang saya ni Hana. Napapaisip tuloy ako kung anong kasalanan ni Margaret sa kaniya.
"Wala, gano'n na raw talaga sila," sabi ko kahit hindi 'yon ang ibig sabihin.
"I heard that," Cassandra said flatly.
"AY, ANG TALAS!"
Meanwhile, si Calista, tahimik lang.
Too quiet. Then suddenly-
"I think Margaret is the softest too."
Complete silence.
Everyone froze.
Margaret slowly turned toward Calista.
"You betrayed me."
Calista drank her coffee calmly.
"I simply spoke the truth."
Jasmine screamed dramatically habang tinuturo si Calista.
"OH MY GOD, MAY BETRAYAL SA FRIENDS! PANO NA LANG AKO, MOMMY?! BAKA 'DI LANG AKO BABY MO!"
Agad naman siyang hinampas ni Calista.
Si Collie naman, tumayo sa sofa.
"Civil war!"
Tumingin naman ako kay Linda. Agad naman siyang tumango.
"Sit down," Warning ni Linda.
"Okay Love," Sabi agad ni Collie sabay upo, kaya napangiti ako.
Jasmine was laughing so hard already na halos maiyak siya.
Honestly, sobrang chaotic ng bahay.
MINUTES HAD PASSED.
Naka-upo ako sa carpet habang inaayos 'yung mga pinagkainan namin habang si Jasmine at Collie naman ay halos magpatayan dahil sa natitirang fries.
"Hindi mo naman favorite 'yan!" Sigaw ni Jasmine.
"Ngayon po oo!" Sagot agad ni Collie habang yakap 'yung bowl.
Callie, who was sitting peacefully beside the couch, slowly sipped her iced coffee.
"Violence over potato is very concerning."
"Stay out of this Ate," Warning ni Collie.
Umirap lang si Callie, meanwhile si Hana, Lara, at Linda, tahimik lang na nanonood.
Then bumukas 'yung pinto.
And my entire body froze.
Si Robert.
Kasama si Emery.
Biglang parang naging mabigat ang buong paligid. 'Yung ingay sa sala parang unti-unting nawala.
Emery looked around casually first before speaking.
"I thought you five were going somewhere?"
She was referring to me, Lara, Hana, Jasmine, and Linda.
I opened my mouth and was about to answer, pero bago pa 'ko makapagsalita, biglang tumakbo si Collie, diretso kay Robert.
"Daddy, you're back!"
Silence.
Literal na tumigil ang mundo ko.
Napatigil rin si Hana.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine.
Si Linda halos mawalan ng expression.
Even Lara looked genuinely shocked.
Margaret, Cassandra, and Calista didn't speak too, lalo na si Margaret. 'Di man lang siya tumingin.
Sa gilid naman, si Callie, tahimik lang na nakatingin sa if she's observing.
Watching everything carefully.
Meanwhile-
Emery completely froze, parang hindi niya alam saan titingin. Kay Robert ba, sa kambal, sa mga kaibigan namin, o sa 'kin.
Robert looked surprised too before immediately kneeling slightly to hug Collie.
"Hey, kid."
"Took you long enough po," Reklamo agad ni Collie habang nakayakap sa kanya.
Then Callie slowly stood up.
Tahimik siyang lumapit. Unlike Collie, hindi siya agad yumakap. She just stared at Robert quietly for a few seconds.
As if trying to remember him. Trying to compare the memories in her head sa taong nasa harap niya ngayon.
Then softly-
"You came back."
Something painful crossed Robert's face.
"Yeah," Mahina niyang sagot. "I did."
Sobrang tahimik ulit. Then sa gilid ko
Lara leaned slightly closer to Jasmine and whispered softly,
"So... 'yan pala daddy nila."
Jasmine slowly nodded without taking her eyes off Robert.
"Apparently."
I swallowed hard.
Hindi ako makatingin nang diretso kasi kahit anong sabihin ko sa sarili ko... masakit pa rin pala.
I always knew this day would come.
Alam kong darating 'yung araw na haharap ulit 'yung mga bata sa totoong ama nila.
Pinaghandaan ko 'yon mentally for months. Or at least, akala ko pinaghandaan ko.
Pero ngayong nandito na, ang sakit pala makita.
Especially seeing how naturally Collie ran toward him like a missing piece finally returned.
And somehow... part of me felt guilty for feeling hurt because the twins deserved this. They deserved their father.
Pero bakit parang ako 'yung nawalan?
I looked away quietly. Huminga ako nang mabagal.
Then finally, Lara broke the silence gently.
"Paalis na rin kami. Tara na, guys."
Napalingon ako sa kanya.
Her eyes softened slightly.
"Diba, Amor?"
Alam kong ginagawa niya 'yon for me.
To give space.
To stop the tension from getting heavier.
I forced myself to nod and smile.
"Yeah."
Tahimik na tumayo sina Hana, Jasmine, at Linda.
Walang nagtanong. Walang nagsalita tungkol sa nangyari.
Kahit obvious na lahat kami nagulat.
Then I looked at the twins.
"Do you two wanna come with us?"
Collie immediately shook her head while still holding Robert's arm.
"Mama, sorry po, pero next time na lang po."
Callie glanced at me for a few seconds before softly speak and come near me and hug me.
"I'll go with you next time, Mama. I love you," Sabi niya, and I know na she was trying to comfort me.
Pero ewan ko bakit, pero mas lalo akong nasaktan doon.
Not because they chose him, but because I suddenly realized... they were growing up, and there would be moments na hindi na ako 'yung unang pipiliin nila.
I smiled anyway. Even if it felt a little heavy.
"Okay."
Tahimik kong kinuha 'yung bag ko habang sina Lara at Jasmine naman were unusually quiet. Which honestly made everything feel more serious.
Pagdating namin malapit sa pinto-
"Amor."
Napatigil ako.
Boses ni Robert.
Slowly, I looked back.
Nakatayo siya ngayon habang nasa tabi niya 'yung kambal.
His expression was unreadable.
"Thank you."
I stared at him for a few seconds.
Then I gave him a small nod. Wala akong ibang nasabi.
Kasi honestly?
Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman.
So instead, tumalikod na lang ako.
At tahimik kaming umalis ng bahay habang unti-unting naguguluhan ang
isip ko.
AFTER ONE HOUR.
Nandito na kami sa park at ang tahimik ng buong paligid.
Malamig 'yung hangin habang unti-unting nagiging makulay ang langit sa taas namin.
The five of us were sitting on a picnic mat near the big trees habang may mga batang naglalaro sa malayo.
Normally, sasabay ako sa ingay nila.
Kay Jasmine na halos ubusin 'yung energy kakadaldal.
Kay Linda na tawa nang tawa.
Kay Lara na sarcastic every five seconds.
At kay Hana na kunwaring naiinis pero sumasabay din naman.
Pero ngayon...
Parang ang layo ng utak ko.
Hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyayari sa bahay.
Kung ano pinag-uusapan nila.
Kung masaya ba 'yung kambal.
Kung okay ba sila kasama si Robert.
Kung mas gusto ba nila siyang kasama.
Napapikit ako sandali dahil ang sakit isipin.
And I hated it.
Kasi hindi dapat ako nagseselos.
Hindi dapat.
Robert was their father.
Karapatan niyang bumalik. Karapatan ng kambal na makilala siya ulit.
Pero bakit parang may humihila sa dibdib ko every time naiisip kong baka masanay sila na nandiyan siya?
"Amor."
Hindi ako agad sumagot.
Nakatitig lang ako sa mga puno sa park.
"Amor."
Mas malapit na 'yung boses this time.
Napatingin ako kay Linda.
Naka kunot-noo siya habang nakatingin sa 'kin.
"May regla ka?"
Natahimik ang buong grupo.
"Ha?" Lutang kong sagot.
Si Jasmine agad na napalingon sakin.
"ANONG MERON?!"
Lara slowly looked at me, then her eyes widened slightly.
"Wait..."
Napahawak ako sa ilong ko dahil sa tingin nila.
Pagtingin ko sa kamay ko, may dugo.
For two seconds...
Hindi nag-register sa utak ko.
Then-
"BALIW," Biglang sabi ni Lara kay Linda. "Nosebleed 'yan."
She looked away, then tumingin ulit.
"Ay put-"
Biglang nag-panic lahat.
"AMOR?!" Si Jasmine, halos mapasigaw habang lumalapit sa 'kin.
"Bakit may dugo?!" Linda asked.
"Naputukan ba ugat niya?!" Tanong ni Lara.
"Tatatawag ba tayo ambulance?!" Jasmine shouted.
"Bakit ka sumisigaw?!" Sigaw ni Lara pabalik.
"EH IKAW DIN NAMAN?!"
Si Linda agad lumapit sa 'kin habang pinapaypayan ako gamit ang mga kamay niya.
"Huminga ka!" Kinakabahan niyang sabi.
"I am breathing!" Sabi ko sabay irap.
"Baka himatayin siya!"
"Ano connect ng paglalagay mo ng lipstick?!" Tanong ni Lara.
Meanwhile, si Jasmine, halos paikot-ikot na sa sobrang panic pero nag susuklay pa.
"OH MY GOD, AYOKO NANG MAY NAMAMATAY!"
"WALANG MAMAMATAY!" Sigaw ni Hana.
Si Hana lang ata 'yung may natitirang common sense sa grupo namin as of now. Agad niyang hinawakan shoulders nina Jasmine at Linda.
"Tumigil nga kayong tatlo!" Inis niyang sabi. "Hindi kayo nakakatulong!"
Tahimik silang lahat, then sabay-sabay silang napatingin sa 'kin.
I tried to smile.
"I'm okay."
Pero pagkasabi ko pa lang, mas lalo akong nahilo at mas lalong sumasakit ang ulo ko.
Biglang parang umikot 'yung paligid.
Napahawak ako agad sa ulo ko.
"Amor?" Mahinang tawag ni Lara this time.
The panic disappeared from her face, napalitan ng totoong pag-aalala.
"Hey..."
"I said I'm okay," Pilit kong ulit kahit ramdam kong nanghihina ako.
Hindi ko alam kung dahil ba sa stress sa pag-iisip o dahil simula kanina hindi pa pala ako nakakakain nang maayos.
Linda narrowed her eyes.
"You're not okay."
"Okay lang ako."
"Amor," Hana said softly this time, "Look at me."
Napatingin ako sa kanya.
Kalmado lang expression niya compared sa iba, pero halata 'yung concern sa mata niya.
"Kailan ka last kumain?"
Tahimik ako.
Bad sign.
Napasigaw agad si Jasmine.
"ALAM KO NA 'YAN!"
"Ano?" Tanong ni Lara.
"Hindi na naman 'to kumain nang maayos kasi nag-ooverthink!"
"Ay," Lara muttered.
Nahuli ako.
I looked away quietly.
Then all of them sighed at the same time.
Parang synchronized disappointment.
Linda pinched the bridge of her nose. That was one of the behavior I noticed about her.
"Unbelievable."
"Alam mo," Sabi ni Jasmine habang naka-hands on hips, "Kung gusto mo maging dramatic, pwede naman hindi involving internal at external bleeding."
"Nosebleed lang 'to..." Sabi ko sabay irap.
"NOSEBLEED IS STILL BLEED AND BLEED IS BLOOD!?" Sabi niya, pero mukha ring hindi siya sure.
Hana finally handed me tissues habang si Lara naman tahimik na binubuksan 'yung bottled water.
Then Linda suddenly crouched in front of me.
"Tungkol ba 'to sa nangyari kanina?"
I looked away which is wrong move.
Because they all immediately knew the answer.
Jasmine's expression softened first.
"Amor..."
I looked down at my hands.
Hindi ko alam paano ie-explain kasi kahit anong sabihin ko, ang selfish pakinggan.
"I know they deserve to be with him," mahina kong sabi. "I know that."
"Pero?" Tanong ni Hana softly.
Napatawa ako nang mahina, 'yung klaseng tawa na pagod na.
"Pero ang sakit pala."
Tahimik silang apat.
Walang nagsabing mali ako.
Walang nag-interrupt.
Walang kalokohan
And somehow...
Mas lalo akong naiiyak dahil doon.
"I'm with them for months- or I should say almost a year," Bulong ko. "Tapos biglang... parang may possibility na hindi na ako 'yung magiging mundo nila."
Lara immediately moved beside me.
"Hey," Mahina niyang sabi. "Hindi gano'n kadali mapalitan ang nanay."
My chest tightened.
"Tama siya," Linda added quietly.
"Tsaka hello?" Jasmine suddenly said. "Ikaw favorite person ng dalawang 'yon. Si Callie nga tingin sa 'yo parang ikaw gumawa ng oxygen niya."
Natawa ako nang mahina despite everything that I've been thinking.
Even Hana smiled softly.
"Robert coming back doesn't erase you, Amor."
And for the first time after kanina, parang bahagyang gumaan 'yung
dibdib ko.
Unti-unting gumaan ulit 'yung atmosphere pagkatapos ng drama.
Especially after pilitin ni Jasmine na maglaro kami ng truth or dare dahil according to her-
"Kapag sad tayo, kailangan mas maging chaotic."
"Anong logic 'yon?" Tanong ni Linda habang naka-cross arms.
"Trust the process."
And somehow, sumunod naman kaming lahat.
Nasa picnic mat kami habang nasa gitna 'yung bote ng softdrinks na inikot ni Hana.
"Kapag ayaw sumagot," Jasmine warned, "May consequence."
"Ano consequence?" Tanong ni Lara.
"Papakainin ng damo."
Linda blinked slowly.
" Teh, you need help."
"Emotionally? Yes."
"No, teh. Hindi lang dahil parang mas mentally unstable ka pa sa 'kin," Sabi niya.
Lara, Hana, and me laughed habang iniikot 'yung bote.
Umikot 'yon nang mabilis bago unti-unting huminto sa tapat ni Linda.
Biglang napangisi si Jasmine.
"YES!"
Linda narrowed her eyes.
"Bakit parang personal 'to?"
"Truth or dare?"
Linda sighed.
"Dare."
The entire group screamed dramatically.
Agad na tumayo si Lara.
"OH MY GOD, FINALLY!"
"Takot na takot ako sa inyo. Ba't ba dare pinili ko?" Flat na sabi ni Linda.
Jasmine immediately pointed at her.
"I dare you na mag-confess sa first crush mo through voice message."
Dead silence.
Then-
"PUTANGINA," Bulong ni Linda.
Natawa ang mga kasama namin dahil sa facial expressions niya.
Even ako, natawa na rin nang tuluyan.
"Hindi counted pag mura agad," Sabi ni Jasmine.
Linda stared at all of us like gusto niya kaming iwan dito sa park.
Pero dahil may pride siya, she still grabbed her phone na binili namin for her.
"Kapag hindi nag-reply 'yon, sa inyo ko isisisi."
"Go, queen," Lara encouraged habang nanginginig na kakatawa.
Binuksan ni Linda 'yung messenger niya.
Then after a few seconds-
"Wait..." Jasmine narrowed her eyes. "Bakit naka-save as 'SATAN'?"
"Because she ruined my life."
"ANG DRAMATIC MO!"
Linda inhaled deeply bago pinindot 'yung record.
Then monotone niyang sinabi-
"Hi, I like you at sana makalbo ka pag 'di mo ako gusto pabalik."
And she sent it.
Two seconds of silence. Then nag si tawa kaming lahat.
Literal na napayuko ako kakatawa habang si Jasmine, humahampas na sa balikat ni Lara.
Umiling lang si Hana.
"YAN 'YUNG CONFESSION MO?!"
"She confessed hatred," Lara wheezed.
Linda looked proud.
"I said what I said."
Habang nagtatawanan kami biglang natahimik si Lara.
Then slowly siyang napaupo nang maayos.
"Miss ko na si Elena."
Tahimik kaming lahat for one second.
Then sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.
"AYIEEE," Sabi ni Jasmine.
"Tumahimik ka. Kaibigan namin 'yun."
"Call mo na!" Sabi ko.
"Hindi 'yon sasagot."
Pero binuksan pa rin ni Lara 'yung phone niya and after a few rings-
May sumagot.
Lumabas sa screen si Elena na sobrang calm ng aura.
Her typical long dark hair. Soft smile. At sobrang ganda pa rin talaga niya. Ilang months na rin namin siyang hindi nakausap dahil busy siya. Honestly, nung isang araw ko lang ulit siya nakausap kaya hindi pa namin naipapakilala sa kaniya itong dalawang demonyong babasbasan niya pag-uwi.
"Kamusta?" Bati niya agad.
Bigla akong ngumiti habang lumalapit sa phone at ako ang naghawak.
"Kamusta, future sister of the FECFEC?" Natutuwang tanong ko.
Natawa agad si Elena.
"I'm good. Kayo?"
Pero bago pa ako makapagsalita ulit, biglang inagaw ulit ni Lara 'yung phone.
"Crush," Seryoso niyang sabi, "I'm sorry. It's not you, it's me. You're right, I'm left."
Then Elena blinked slowly bago natawa.
'Di ka pa rin nagbabago."
"Sorry, too late ka na," Dagdag pa ni Lara habang nasa dibdib ang kamay niya. "Ikakasal na ako."
"As if naman papatulan ka niyan," Singit agad ni Hana. "Tingnan mo nga, mas gusto pa magmadre."
"HOY!"
Even Elena was laughing again.
Sobrang gaan lang ng atmosphere, parang walang problema sa mundo.
"Anyways, punta ka ahh. 'Di puwedeng wala ka. Ilang months pa naman, also ninang ka rin," Dagdag ni Lara.
Agad namang ngumiti si Elena at tumango.
Then Jasmine suddenly moved closer sa camera.
"Hi," Bati niya agad. "Ang ganda mo po, kaso may sugar mommy na ako."
"HOY!" Sigaw ni Hana. "Future sister 'yan!"
Elena laughed harder this time.
"Interesting ang new friends niyo."
"Hindi kami interesting," Sagot ni Jasmine. "Mentally unstable kami."
"Totoo 'yan," Lara agreed.
"Nasaan ka ba ngayon?" Tanong ni Jasmine.
"Italy."
Biglang napatili si Jasmine.
"HALA, SOSYAL!"
"Arte," Linda Muttered.
Then I suddenly remembered something.
"Wait," Sabi ko habang hinihila si Linda palapit sa camera. "Hindi pa kayo nagkakausap."
Linda immediately frowned.
"Bakit ako?"
"Introduce yourself."
"Pass."
Pero bago pa siya makatakas, tinapat ko na sa kanya 'yung camera.
"This is Linda, new friend natin," Sabi ko.
Tahimik na tumingin si Elena then politely-
"Hi."
And for some unknown reason, biglang nagsalita si Linda in Italian?
Or at least...
Attempted Italian.
"Bonjorno spaghetti motocicleta arroz lavatrice strada-"
Tahimik kaming lahat.
Napakurap si Elena. Pero hindi yun amazed more likely confused.
"What?"
"SEE? Marunong siya! Ako nagturo niyan," Proud na sabi ni Jasmine.
"Hindi," Lara deadpanned. "Mukhang na-stroke lang siya."
Linda kept going confidently.
"Pasta bicicleta televisione-"
"ANO BA PINAGSASABI MO?" Natatawa kong tanong.
Nagpatuloy si Linda at sobrang dami niya pang sinabi.
Elena was literally trying not to laugh.
Then after a few seconds-
"She said..." Elena paused. "...Put the rice, ride the motorcycle, wash clothes..."
Tumahimik kami.
Then sabay-sabay kaming sumabog sa tawa.
Si Jasmine, literal na nakahiga na sa picnic mat.
Hana was wheezing.
Lara was slapping the grass while laughing.
Meanwhile, Linda looked offended.
"At least valid words!"
"Kala ko totoo na," Natatawa kong sabi. "Mema lang pala!"
"Confidence lang puhunan niyan," Jasmine added.
"Shut up."
Even Elena couldn't stop laughing anymore.
And somehow...
The heaviness from earlier completely disappeared.
Napuno ulit ng ingay, ng tawanan, at ng walang kwentang usapan.
They kept talking for almost an hour.
Random stories.
Teasing Lara endlessly.
Jasmine trying to flirt every five minutes.
Hana pretending hindi siya natatawa.
At si Linda na halos mawalan na ng boses kakatawa.
Until eventually-
"Okay," Elena laughed softly. "I need to eat."
"Ay wow, healthy living," Lara teased.
"Try mo rin minsan."
"Pass."
"Good day, everyone."
"Good day!" Sabay-sabay naming sagot.
Then the call ended.
Tahimik ulit for a few seconds.
Before Jasmine suddenly sighed dramatically.
"Grabe."
"Ano?" Tanong ni Hana.
"Talo talaga ako."
Lara frowned.
"Saan?"
"Sa ganda niya. May mas gaganda pa pala sa 'kin."
Pagkatapos ng halos isang oras pang kwentuhan at tawanan, isa-isa na rin kaming naghiwalay.
Hinatid muna namin si Jasmine sa kanto dahil tamad daw siyang maglakad kahit malapit lang bahay ng parents niya dito sa park.
Then Lara.
Then Hana.
At syempre, si Linda na hanggang pag-alis, naka-simangot pa rin dahil inaasar pa rin namin siya sa "Italian" niya.
"Motorcycle arroz televisione!"
"Manahimik kayo," Iritable niyang sagot bago isinara 'yung gate nila.
Natawa na lang ako habang naglalakad papasok ng sasakyan ko.
Tahimik na ulit 'yung paligid.
Unlike kanina sa park.
Unlike kanina sa bahay.
Nang makauwi na ako, nag-stay pa ako sa loob ng sasakyan ko ng ilang minuto.
Pagkapasok ko sa loob, dim lang 'yung ilaw sa sala.
Mukhang tulog na 'yung kambal.
Napabuntong-hininga ako nang mahina bago dumeretso sa kwarto.
Pero pagkapasok ko, napatigil agad ako.
Nandoon si Emery.
Nakatayo malapit sa kama.
She was only wearing underwear and an oversized polo na halos nakabukas na rin.
As if she prepared herself for something.
Slowly, lumapit siya sa 'kin.
Tahimik lang muna ako habang inilalapag 'yung bag ko.
Then she stopped in front of me.
"You didn't answer my calls," Mahina niyang sabi.
Hindi ako sumagot agad.
"Can we talk about it?"
Napatingin ako sa kanya.
Then down.
Then back to her face again.
"You want us to talk," Mahina kong sabi, "Pero ganyan suot mo."
A small smile appeared on her lips.
"Why?" She asked softly. "You don't like it?"
I immediately looked away, and that alone made her smile a little more.
"I can't focus," Bulong ko.
Tahimik siyang natawa bago napabuntong-hininga nang mahina.
Then her expression softened.
"The reason I brought Robert here..." She started carefully, "Is because the kids found out he was back."
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
"I know."
"Then why are you upset?"
Napatawa ako nang mahina pero walang humor doon.
"'Di naman 'yan 'yung pinupunto ko eh."
Her brows furrowed slightly.
"Ang akin lang..." I looked down for a second. "Sana nagsabi ka."
Tahimik lang siyang nakikinig.
"Diba?" Dagdag ko. "Paano kung wala ako doon? Paano kung-"
Hindi ko na natapos.
Because Emery suddenly stepped closer and kissed me.
Soft and Gentle.
Pero halatang gusto niya akong pakalmahin.
Napapikit ako sandali.
Then slowly, she pulled away.
"I'm sorry," Mahina niyang sabi habang nakadikit noo niya sa 'kin. "I should've told you first."
Tahimik ulit kami.
Then I sighed quietly.
"I panicked," Sabi niya.
"I know," Sabi ko.
"I hated how much it affected me," Dagdag ko.
"You love the twins," Sabi niya.
Tumango naman ako.
"That's exactly why it hurts."
Her eyes softened even more.
Then dahan-dahan niya akong hinawakan sa bewang.
"You're still their mother, love. Also their favorite person."
"They looked happy with him."
"They can be happy with him," Emery whispered, "Without loving you less."
Hindi agad ako nakasagot.
Kasi gusto kong paniwalaan 'yon, pero may part sa 'kin na natatakot pa rin.
Tahimik niyang hinaplos braso ko, then after a few moments-
"You know," She said softly, "You scared me earlier."
Kumunot-noo akong napatingin sa kanya.
"I heard you had a nosebleed."
Napakurap ako.
"Paano mo-"
"You looked like you were about to collapse."
"I was stressed."
"You weren't eating."
"Sinumbong nila?"
"Jasmine told Calista, Lara told Cassandra, Hana told Margaret, Linda told Collie, Collie told Callie overall the five told me."
Napabuntong-hininga ako.
Then after a few more seconds of silence, Emery leaned closer again.
This time slower.
Gentler.
As if asking permission.
Pero bago pa dumampi 'yung labi niya sa 'kin, napailing ako nang mahina.
"Pagod ako."
Her movements paused, then slowly, umurong siya.
Hindi siya mukhang galit.
Hindi siya nagpumilit.
Hindi siya nagsalita.
Tumango lang siya.
Tumalikod naman ako at humiga sa kama. 'Di na ako nagpalit pa. Mamaya na lang pag gising ko ng madaling-araw. 'Di na talaga kaya ng katawan ko.
I'm facing the other side.
Tahimik 'yung kwarto.
Naririnig ko lang 'yung mahina niyang buntong-hininga sa likod ko.
Then after a few seconds lumubog 'yung kabilang side ng kama.
Humiga rin siya.
But this time hindi siya lumapit.
At kahit nakapikit ako ramdam at kita
ko pa rin 'yung bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.