CHAPTER 46 PREMIUM POTATO
Seraphine's POV:
"NO! WHY DOES IT LOOK LIKE THAT?!"
"BECAUSE YOU LOOK LIKE A TRAFFIC CONE!"
"Jasmine, that's yellow, not orange!"
"EXACTLY! EVEN WORSE!"
Rinig kong sigawan sa ibaba.
Pagkababa ko pa lang ng hagdan, agad na akong sinalubong ng matinding kaguluhan sa sala.
Literal na chaos.
Lagi naman.
May mga ribbons sa sahig, may balloons na lumilipad kung saan-saan, at may isang paper bag na hindi ko alam kung bakit nasa lamp.
Honestly, may party organizer naman na kinuha si Emery.
Sinilip ko pa sa bintana kanina at busy sila sa garden, kaya hindi ko talaga alam kung bakit may ganito rito.
Siguro pakana na naman nina Lara at Jasmine, o ni Collie.
Si Hana tahimik na nakaupo sa couch habang hawak ang glue gun, na parang pagod na pagod na siya sa buhay.
Meanwhile...
Si Lara at Jasmine halos magtalo na habang sinusubukang isuot ang Power Rangers costumes nila.
"Hindi kasya sa'kin 'to!" Reklamo ni Lara habang hinihila ang blue suit.
"Kasya 'yan. Huminga ka kasi nang maayos," Sagot ni Jasmine.
"YUN NGA HINDI AKO MAKAHINGA!" Sigaw ni Lara.
"Arte."
"JASMINE, TULUNGAN MO 'KO!"
"Bakit ako? Hindi naman ako customer service."
Napapikit na lang ako.
Good morning talaga.
Si Jasmine naka-Pink Ranger costume habang nag-popose nang nag-popose sa harap ng salamin.
"Honestly, bagay sa'kin maging leader."
"Pink Ranger ka," Sabi ni Linda habang inaayos 'yung yellow suit niya. "Hindi leader ang pink."
Biglang lumingon si Jasmine.
"Excuse me? In my heart, leader ako."
"Sa imagination mo, oo."
"Tingnan mo nga aura ko."
"Ang aura mo hindi pang-leader. Mas mukha kang runner. Kumbaga sa mafia family, ikaw taga-benta ng drugs."
Napatawa si Hana nang mahina habang inaayos 'yung Red Ranger costume niya.
Ako naman naka-Black Ranger.
At si Lara?
Blue Ranger.
Pero mukhang sasabog na siya emotionally dahil ayaw magsara ng zipper niya.
"Amor!" Sigaw niya. "Tulungan mo 'ko!"
Lumapit ako para tulungan siya, pero biglang sumingit si Jasmine.
"Wait lang. Picture muna."
"JASMINE!"
CLICK.
"Perfect. Mukha kang tinapa na naipit."
"Papatayin kita."
"Violence is not the answerawr."
"Rawr, amputik pink na barney yarn!"
Sa gilid naman, si Linda seryosong nakatingin sa sarili niya sa salamin.
Tahimik.
Parang pinag-iisipan niya ang mga life choices niya.
"Hmm."
"Ano?" Tanong ko.
"Bakit ako yellow?" Tanong niya.
"Because Yellow Ranger ka?" Sagot ko.
"Bakit hindi black?"
"Black na ako."
"Tsk."
"Anong problema mo sa yellow?"
"Mukha akong highlighter," Sabi niya sabay pout.
Biglang sumingit si Lara.
"Hindi. Mukha kang banana, tapos 'yung mga black parts nabubulok. Meaning to say, sira ka na, which is true naman. Bagay talaga."
Tahimik na napatingin si Linda kay Lara.
"Pag sinuntok kita-"
"Tignan mo! Aggressive ang bananita!"
Tumawa nang malakas si Jasmine.
"OH MY GOD, WAIT LANG- BANANITA RANGER!" Sabi ni Jasmine.
"Bananita, bananita, ano ang gusto mo, bananita?" Sabi pa ni Lara.
"Shut up!" Sigaw ni Linda.
Habang sobrang gulo na nila, biglang may maliit na boses mula sa taas.
"Mamaaaaaa!"
Lumingon kaming lahat, at paglbaba ng hagdan si Callie, suot ang fairy costume niya.
Pink dress.
May wings.
May maliit na crown.
May hawak pang wand.
Parang little princess talaga.
"AWWWW!" Sabay-sabay naming sigaw.
Agad siyang ngumiti.
"Pretty po ako?"
"VERY PRETTY!" Sabi ni Hana.
"Princess!" Dagdag ni Jasmine.
Biglang umikot si Callie habang tumatawa.
Pero bago pa kami makapag-react ulit, may isa pang batang bumaba.
Tahimik, mabagal, at seryoso ang mukha.
Suot niya ang brown costume na literal na kulay brown mula ulo hanggang paa. May kung ano pa sa tiyan.
Mukha talaga siyang...
Napakagat-labi si Lara, nanlaki ang mata ni Jasmine, si Linda nakayuko, si Hana tumalikod, at ako naman iwas na iwas sa eye contact.
Tahimik kaming lahat. Tapos-
"OH MY GOD, MUKHA KANG TAE!" 'Di napigilan ni Jasmine.
"JASMINE!" Singaw ko agad.
Pero huli na.
Natawa na si Lara habang nakaturo kay Collie.
"HAHAHAHA! COLLIE THE POOP RANGER!"
"HINDI PO AKO TAE!" Reklamo ni Collie habang nakasimangot.
"Mukha kang chocolate na nahulog!" Dagdag ni Lara.
"Mukha kang emoji!" Sabi ni Jasmine.
"Para siyang tae na may buhok," Bulong ni Linda.
"Mukha kang-" Naputol ang sasabihin ni Jasmine.
"STOP PO!"
Pero lalo lang silang tumawa.
Si Collie naman nakahalukipkip na ngayon habang nakasimangot sa kanila.
"Mean po kayo."
"Ano bang character mo?" Tanong ni Hana habang pinipigilan ang tawa.
Tahimik si Collie.
Then, proudly niyang sinabi.
"Potato."
Saglit na natahimik ang buong sala.
Then sabay-sabay kaming natawa.
"Sorry, anak. 'Di ko na kaya," Sabi ko.
"POTATO?!" Sigaw ni Jasmine habang halos mahulog na sa couch kakatawa.
"BAKIT MUKHA KANG POOP KUNG POTATO KA?!"
"Hindi ko po kasalanan 'to!" Reklamo ni Collie. "Sabi nila cute daw po!"
"Sino nagsabi?! Bulag?!"
"Jasmine!" Saway ko ulit kahit tumatawa na rin ako.
Si Callie naman lumapit kay Collie at hinawakan ang kamay niya.
"Cute ka kaya."
Agad nag-soften ang mukha ni Collie.
"Ako?"
"Oo."
"Ako rin ba fairy pa rin sa mata mo?"
"Hindi."
"Aw."
"Potato ka," Sagot ni Callie.
Mas lalo lang kaming natawa lahat.
Biglang tumayo si Lara at lumuhod sa harap ni Collie.
"Listen to me carefully."
"Ano po?"
"Hindi ka poop."
"Okay po..."
"Hindi ka lang basta poop," Mas dramatic niyang sabi.
"Talaga po?" Tanong ni Collie.
Tumango naman si Lara.
"Isa kang premium potato."
Napapikit na lang ako habang si Jasmine ay literal nang humihiga sa sahig kakatawa.
"PREMIUM POTATO?!" Sigaw ni Collie.
"Imported pa!" Sabi ni Jasmine.
"Organic!" Dagdag ni Linda.
"Gluten-free!" Si Lara ulit.
"ATE LARA!"
Tinitigan ko si Collie at mukha siyang nalilito.
"Good po ba 'yon?"
"Oo naman," Sabi ni Hana habang tumatawa. "Very expensive potato ka."
"YAY!"
Tuwang-tuwa naman agad si Collie.
Nabudol na naman siya ng mga tita niya.
Five seconds later, biglang tumakbo siya paikot sa sala habang sumisigaw ng-
"I'M AN EXPENSIVE POTATO!"
"OH MY GOD," Bulong ko habang natatawa.
Then suddenly, natisod siya sa ribbon.
"WOAH-"
BUMAGSAK.
Lahat kami natigilan nakahiga si Collie sa sahig.
Then dahan-dahan siyang tumingala sa'min.
"Potato down."
Nawala na talaga kami sa katinuan kakatawa.
Si Jasmine halos hindi na makahinga.
"POTATO DOWN?!"
Si Lara naman nakahawak na sa tiyan.
"Somebody call the vegetable department!"
"STOP IT!" Sigaw ni Collie kahit siya tumatawa na rin.
Habang sobrang gulo na talaga, biglang may sumabog na balloon.
POP!
"AAAAAHHH!" Sigaw ni Linda sabay talon.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yellow Ranger afraid of balloons?" Tanong ni Jasmine habang naka smirk
"Nanahimik ako dito!"
"Mukha kang banana na nagulat."
"JASMINE, I SWEAR-"
Tumakbo agad si Jasmine paikot ng sofa habang hinahabol ni Linda.
Meanwhile, si Hana nakaupo lang habang umiinom ng juice.
Tahimik.
Payapa.
As if hindi magulo ang paligid niya.
Then biglang may dumaan na tumatakbong Collie.
"MOVE! POTATO COMING THROUGH!"
Kasunod si Callie na lumilipad kunwari.
"I'M A FAIRY!"
Kasunod si Jasmine.
"I DON'T WANNA DIE!"
Kasunod si Linda.
"BUMALIK KA DITO!"
Kasunod si Lara habang tumatawa at nagvi-video.
"THIS HOUSE NEEDS HELP!"
Napahawak na lang ako sa noo habang nakatingin sa kanila.
Ang aga-aga...
Pero honestly, ito yata 'yung pinaka-masayang chaos na nakita
ko so far.
At kahit sobrang ingay...
Sobrang gulo...
Sobrang kulit...
Nakangiti lang ako habang pinapanood silang lahat.
Especially the twins.
Si Callie na masayang umiikot at iwinawagayway ang wand niya.
At si Collie na proud na proud maging "expensive potato."
HOURS HAD PASSED.
The party officially started thirty minutes ago.
At sobrang ingay na agad.
May mga batang tumatakbo kung saan-saan, may umiiyak dahil nawalan ng cupcake, may nagsisigawan sa photobooth area, at si Lara currently nakikipag-away sa mascot dahil ayaw siyang bigyan ng extra cotton candy.
"Kuya, pang-anim ko pa lang."
"Ma'am, bawal na raw po pag ikaw."
"Discrimination 'to."
"LARA!" Sigaw ni Hana mula sa likod.
"WHAT?!"
"Dalawa pa 'yang hawak mo!"
"Preparation 'to!"
Napailing na lang ako habang inaayos 'yung table ng gifts.
Sa kabilang side naman, si Jasmine busy makipagchikahan sa mga moms ng classmates ng twins habang kunwari elegante.
Pero every five seconds-
"Ate Jasmine!"
"Ate Jasmine, may sumusuntok!"
"Ate Jasmine, may kumain ng tatlong hotdog!"
"Ate Jasmine, si Callie nasa table!"
At every time-
"OH MY GOD, SANDALI LANG!"
Literal na pagod na pagod na siya.
Tahimik akong napangiti habang pinapanood ang kaguluhan.
At least masaya ang twins. That's what matters.
Biglang may lumapit na host sa stage.
"Okay, everyone!" Masayang sabi nito habang hawak ang mic. "The birthday twins prepared a special entrance for everyone!"
Agad nag-cheer ang mga bata.
"YAYYYYY!"
Meanwhile...
"Kailan pa sila nag-prepare ng entrance?" Tanong ni Linda habang kumakain ng fries.
"Hindi ko alam," Sagot ni Hana.
"Ako rin," Dagdag ni Lara. "Last-minute decision siguro."
Then Jasmine suddenly frowned.
"Wait..."
Napatingin siya sa'kin.
"Nasaan si Emery?"
Natahimik ako sandali.
Hindi ko alam.
Actually... hindi ko pa siya nakikita simula kanina.
At bago pa ako makasagot-
Biglang namatay ang lights.
"OOOOHHHH!" sigaw ng mga bata.
After a almost 15 minutes of waiting, the music started playing.
Familiar.
Nanlaki ang mata ni Lara.
"No way..."
Biglang bumukas ang kurtina sa stage at sabay-sabay napalingon ang lahat.
May apat na figures na naglakad papasok. At sa gitna si Emery, suot ang Elastigirl costume-red and black fitted suit, hair tied perfectly.
Confident na confident habang naglalakad.
Katabi niya si Robert.
Mr. Incredible.
Nakasuot din ng matching costume habang may hawak na shades na parang artista.
At sa harap nila si Callie.
As Violet Parr.
May maliit pang fake mask at sobrang cute ng purple streak sa buhok niya.
Then beside her-
Si Collie as Dash.
Kahit babae siya, sobrang proud pa rin niya habang tumatakbo papasok.
"I'M DASH!"
"DASH, SLOW DOWN!" Natatawang sigaw ni Robert.
The whole venue suddenly exploded with reactions.
"ANG CUTE!"
"OH MY GOD!"
"THE INCREDIBLES!"
"BAGAY SA KANILA!"
"SO ADORABLE!"
Halos lahat ng classmates ng twins ay tumatakbo palapit.
"CALLIEEEE!"
"COLLIEEE!"
Meanwhile, the adults around us started whispering too, at bawat salitang naririnig ko ay parang unti-unting bumibigat ang dibdib ko.
"Happy family talaga sila."
"Akala ko hiwalay sila?"
"Nagkabalikan na ba?"
"Bagay pa rin sila, honestly."
"Parang complete family."
Tahimik akong nakatingin lang sa kanila.
Kay Emery.
Kay Robert.
At sa twins na sobrang saya habang hawak ang kamay nila.
Then, for a moment-
Parang may sumikip sa dibdib ko.
Masakit.
Sobrang sakit.
Hindi ko alam bakit, pero parang may kung anong mabigat na dumagan sa'kin habang pinapanood silang apat.
Parang ako 'yung extra.
Napakurap ako nang maramdaman kong tumahimik bigla ang paligid ko.
Hindi ang crowd.
Kundi ang mga kaibigan ko.
Nilingon ko sila.
Si Lara nakatitig kina Emery at Robert.
Then dahan-dahan siyang napalingon kay Cassandra, parang naghahanap ng explanation.
Pero si Cassandra ay bahagya lang umiling.
As if saying-
Hindi rin niya alam.
Sa kabilang side naman, si Jasmine ay agad tumingin kay Calista, medyo confused.
Pero si Calista, ganoon din.
Umiling lang din nang bahagya.
No idea.
Naramdaman kong lumapit si Hana sa'kin.
Then marahan niyang hinawakan ang braso ko.
"You okay?"
Agad akong ngumiti.
"Yeah."
Pero kahit ako, alam kong hindi convincing yun.
Sa harap, masayang-masayang tumatawa si Callie habang buhat ni Robert.
Si Collie naman ay tumatakbo paikot habang sumisigaw ng-
"I'M FAST!"
Then Emery laughed.
That soft laugh.
That familiar laugh.
At parang biglang bumalik lahat.
Every memory.
Every moment.
Every feeling I tried so hard to ignore.
"Amor."
Napatingin ako kay Lara.
Nag-aalala na ang mukha niya ngayon.
Pero bago pa siya makapagsalita, biglang tumakbo si Collie palapit sa'kin.
"MAMA!"
Agad akong napaluhod para salubungin siya, at halos mabunggo niya pa ako sa sobrang bilis.
"Tingnan mo costume ko!" Proud niyang sabi habang umiikot.
"You look cute."
"HINDI CUTE!" Reklamo niya agad. "FAST PO!"
Napatawa ako nang mahina.
"Okay. You look fast."
"YAY!"
Then bigla siyang lumapit sa'kin at bumulong-
"Mama..."
"Hmm?"
"Pwede bang ikaw si Edna?"
"Ha?"
"Because of your hair po kasi. So if not Dora, it will be Edna."
Natahimik ako.
Then sa likod niya, literal nang nakahawak sa pader si Jasmine kakatawa.
"OH MY GOD, COLLIE!"
Si Lara naman na kaninang nag aalala tumatawa rin.
"EDNA MODE! HAHAHAHA!"
Even Hana turned around para magtago ng tawa.
Napatingin ako kay Collie.
"You just called me what?"
"Nothing po..." Sabi niya sabay ngiti.
"Then ano?"
"Fashion icon."
Napabuntong-hininga na lang ako habang tumatawa.
"Save yourself, potato."
"DASH!" Sigaw niya agad.
"Right. Dash."
Then mabilis siyang tumakbo ulit palayo.
At habang pinapanood ko siyang tumatawa kasama si Callie...
Unti-unti akong napangiti ulit.
Kahit masakit.
Kahit magulo.
Kahit hindi ko maintindihan kung anong meron sa pagitan ni Robert at Emery.
The twins were happy. And tonight, maybe that was enough for me.
The entire party continued loudly around me.
Kids laughing.
Parents talking.
Music playing in the background.
Pero kahit sobrang ingay ng paligid, parang ang tahimik sa side ko.
Tahimik lang akong nakaupo habang pinapanood sina Callie at Collie sa stage kasama ang mga classmates nila.
Si Callie, busy mag-pose habang hawak ang wand niya.
Si Collie naman tumatakbo paikot habang sumisigaw ng-
"I'M DASH! I NEED SPEED!"
"COLLIE, BAWAL TUMAKBO DIYAN!" Sigaw agad ng host.
"BUT I'M IN CHARACTER!"
Napailing na lang ako habang napapangiti.
Even if my chest still hurt.
Kahit masakit pa rin 'yung narinig ko kanina.
Happy family.
Bagay pa rin sila.
Nagkabalikan na ba sila?
Paulit-ulit yong tumatakbo sa isip ko, pero kahit gano'n, ngumingiti pa rin ako.
Kasi birthday ng mga anak ko.
Ayokong masira ang araw nila dahil lang sa nararamdaman ko.
Tahimik akong uminom ng juice nang may maramdaman akong tumabi sa'kin.
Paglingon ko, si Emery.
Naka-Elastigirl costume pa rin siya, pero mas seryoso na ang expression niya ngayon.
Tahimik lang muna niya akong tiningnan.
As if studying my face.
As if napansin niya lahat ng pilit kong tinatago.
Then slowly-
"Can we talk?"
Mahina lang ang boses niya, pero may bigat.
Napakurap ako bago pilit na ngumiti.
"Birthday ng mga bata."
Napatingin ako sa stage.
"Kailangan nandito tayo."
Hindi siya agad nagsalita, pero ramdam ko 'yung guilt sa tingin niya.
Parang gusto niyang mag-sorry.
Mag-explain.
Pero hindi niya alam paano sisimulan.
Then suddenly-
"Amor."
Pareho kaming napalingon.
Si Robert.
Lumapit siya sa'min habang hawak-hawak pa ang mask niya.
Mukha siyang awkward. At first time ko yata siyang nakitang gano'n ka-uncomfortable.
"I'm sorry."
Bahagya akong nagulat.
"Hm?"
He sighed softly.
"About the costumes."
Napatingin ako sa stage kung nasaan ang twins.
"Binili 'yon ni Charlotte. Nakita ng mga bata, and the kids asked if they could change."
Sandali siyang tumingin kay Emery bago bumalik sa'kin.
"So I agreed."
Tahimik lang ako.
Then marahan akong tumango.
"It's okay."
Pero kahit sinabi ko 'yon, alam kong hindi okay ang expression ko.
Biglang sumingit si Charlotte mula sa likod ni Robert.
Siya lang naman ang kapatid ni Robert.
Half-sister, to be specific.
Tinaasan niya ako ng tingin bago bahagyang ngumiti.
Pero hindi warm.
Parang nanghuhusga.
"Honestly," Sabi niya habang nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa, "I was surprised they still wanted matching family costumes kahit may costume na sila."
Natahimik agad ang paligid namin.
Hindi specifically ang party.
Kundi ang mga kaibigan ko.
Nakita ko pa kung paano natigil si Lara sa pagkain ng fries.
Si Jasmine naman ay literal na napalingon agad.
Then the woman continued-
"I mean... considering the situation."
Ramdam ko agad ang awkwardness.
Pero bago pa ako makasagot, biglang tumayo si Emery.
"At ano exactly ang ibig mong sabihin?"
Malamig.
At diretso.
Nanahimik agad si Charlotte.
Even Robert looked surprised.
"Em-"
"No," Putol agad ni Emery habang nakatingin pa rin sa kapatid niya. "If you have something to say, sabihin mo nang diretso."
The woman crossed her arms.
"I'm just saying people might get confused."
"Then let them."
Then Emery stepped closer.
"And for the record?"
Medyo galit niyang sabi.
"Amor is important to this family more important than you."
"OOOH," Mahinang bulong ni Jasmine habang may hawak na popcorn.
"Ssh!" Saway ni Hana kahit nakikinig din.
"May live drama tayo dito."
"Linda-"
"Anong Linda? Kahit ako kinabahan."
Napapikit na lang ako sandali.
Meanwhile, Robert sighed tiredly.
"Charlotte, enough."
Nag-roll eyes ang babae bago tuluyang umalis.
Tahimik kaming naiwan.
Then slowly, napabuntong-hininga si Emery.
Pagharap niya sa'kin, lumambot ang expression niya.
"I'm sorry," Mahina at sincere niyang sabi.
"Ayaw kong ma-feel mong mag-isa ka."
Bigla akong natigilan.
Then she moved closer.
Sobrang lapit.
"Because you're not."
Hindi ko alam bakit, pero parang mas lalong sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Kasi the way she looked at me...
Parang marami pa siyang gustong sabihin.
Pero natigil siya nang marinig namin na biglang sumigaw si Collie sa stage.
"MAMA! PICTURE!"
Napalingon kami.
Si Collie at Callie, parehong kumakaway sa'min habang tumatalon.
"COME HERE, MAMA! MOMMY!"
"Family picture po!" Dagdag ni Collie.
Napakurap ako agad.
"Ako?"
"YES!" Sigaw ni Collie. "You're Edna!"
Sa gilid, rinig ko na naman ang tawanan ng mga kaibigan ko.
"Hindi niya pa rin nakakalimutan!"
"Premium potato and Edna," Dagdag ni Jasmine. "What a combination."
"Tumahimik ka nga," Natatawang sabi ni Hana.
Then Emery gently held my hand.
"Come on."
Napatitig ako sa kamay namin sandali bago dahan-dahang sumunod.
Habang paakyat kami sa stage, ramdam ko pa rin ang mga tingin ng tao.
Mga bulungan.
Mga nagtataka.
Mga curious na mata.
Habang si Emery, walang pake.
Mahigpit lang ang hawak niya sa kamay ko.
Pagdating sa stage, agad kaming niyakap ng twins.
"Family picture!" Excited na sigaw ni Callie.
"HAPPY FAMILY!" Dagdag ni Collie.
"Dash, tumigil ka nga sa kakagalaw," Sabi ni Callie habang tumatawa.
"I CAN'T! I'M FAST!"
"Anak, mahihilo ang photographer," Sabi ko.
"Worth it!"
Habang inaayos kami ng photographer, biglang lumapit si Emery sa'kin.
Akala ko may sasabihin lang siya.
Pero before I could react, hinalikan niya ako sa pisngi sa harap ng lahat.
Click.
"OH MY GOD?!" Malakas na bulong ni Jasmine.
"AY TEKA?!" Dagdag ni Lara habang halos mabilaukan.
Even Robert looked surprised.
Meanwhile-
"EEEEEEEE!" Sigaw agad ng mga bata.
At habang sobrang gulo na ng paligid, marahan kong nilingon si Emery.
Then softly, halos bulong lang-
"I love you," Sabi niya.
Napatitig lang ako sa kanya.
Hindi ako makagalaw.
Hindi makapagsalita.
Hindi makapag-isip nang tama.
At sa harap namin, biglang sumigaw si Collie-
"KISS AGAIN!"
"COLLIE!" Sabay naming sabi ni Emery.
"I SUPPORT LOVE!" Sabi niya.
Napangiti naman kaming pareho ni Emery.
The whole party felt lighter than I expected.
At first, akala ko magiging awkward lang ang lahat after everything that happened, but Emery never once let me feel out of place.
Every time someone tried to leave me alone, she would suddenly appear beside me.
Minsan hahawakan niya ang kamay ko.
Minsan ikukuha niya ako ng pagkain.
And every time Robert's family looked my way, Emery would casually pull me closer to her, like she was silently reminding everyone where I belong.
Because of that, somehow...
I actually enjoyed the party.
Lalo na nang nagsimula nang manggulo sina Collie at Callie sa stage habang nagpi-picture.
Tawanan lang nang tawanan hanggang sa unti-unting matapos ang celebration.
Now the house was finally quiet.
Pagkapasok namin sa sala, nadatnan naming nakahiga si Collie sa couch habang inaantok na.
Robert chuckled softly as he crouched beside her.
"Come on, Dash. Let's go to your room."
Collie frowned sleepily before hugging the pillow tighter.
"I want Mama Amor po..."
Napatingin agad si Robert sa 'kin habang bahagyang natatawa.
"Looks like may favorite na talaga."
Umiling lang ako bago yumuko kay Collie.
"Come here."
Agad siyang nagtaas ng dalawang braso sa 'kin, kaya binuhat ko siya nang maayos.
Ipinatong niya agad ang ulo niya sa balikat ko habang nakapikit na.
Robert sighed dramatically.
"I got rejected again."
"Deserve," Bulong ni Emery.
Napangiti ako habang paakyat ng hagdan dala si Collie.
Pagdating sa kwarto niya, maingat ko siyang hiniga sa kama at inayos ang kumot niya.
Half-asleep na siya nang hawakan niya ang damit ko.
"Mama Amor..."
"Hm?"
"You smell nice..."
Napailing ako habang natatawa nang mahina.
"Matulog ka na."
"Mama..."
"Hmm?"
"I love you po, and thank you for everything, for understanding us and hawskaasnejd..."
Within seconds, tulog na agad siya.
After making sure she was comfortable, lumabas ako ng kwarto at dumiretso naman sa room ni Callie.
Unlike Collie, gising pa siya habang nakahiga at yakap ang stuffed toy niya.
"You promised a bedtime story po," She reminded me.
"And I remember," Sagot ko habang umuupo sa tabi niya.
Nag-adjust siya agad para sumandal sa balikat ko habang binubuksan ko ang book.
Tahimik lang ang buong kwarto habang nagbabasa ako.
Paminsan-minsan, sumasagot si Callie sa story kahit mali-mali naman ang mga hula niya.
Until eventually...
Humina nang humina ang boses niya.
Then tuluyan na siyang nakatulog.
I smiled softly before carefully fixing the blanket around her.
Saktong paglingon ko sa pinto, nandoon si Emery, nakasandal habang tahimik akong pinapanood.
"You've been standing there long?" Tanong ko.
"Long enough."
Tahimik kaming lumabas ng kwarto ni Callie.
The hallway lights were dim, making everything feel calm after the chaotic day.
Lumapit siya sa 'kin habang nakangiti.
Tumayo ako saka napatingin sa paligid.
"Asan si Robert?"
"I already told him to go home," Sagot niya.
"Hmm."
Habang naglalakad kami papunta sa room namin, biglang hinawakan ni Emery ang kamay ko.
Napatingin ako sa kaniya.
She looked exhausted...
But happy.
Then she glanced at me and smiled softly.
"You did good today."
Bahagya akong natawa.
"Survived lang."
"Still counts."
And somehow...
For the first time in a while, walking beside her felt peaceful.
Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong dumiretso sa bathroom.
Pagkahubad ko pa lang ng suot ko, agad kong naramdaman ang mga bisig niya na marahang yumakap sa'kin mula sa likod.
"Can I join?" Bulong niya sa tainga ko.
Napangiti naman ako.
Hindi na ako sumagot.
Bahagya lang akong tumango.
After a few minutes, nasa bathtub na kami.
The warm water surrounded us while the whole room remained quiet.
The whole house was finally asleep.
No loud voices.
No friends.
No chaos from the kids.
Just me and Emery.
Nakasandal siya sa dibdib ko habang dahan-dahan kong hinihimas ang braso niya.
Paminsan-minsan ay naglalaro ang mga daliri niya sa kamay ko.
Simple.
Pero sapat para maramdaman ko na nandiyan siya.
For a few moments, neither of us spoke.
Parang pareho naming gustong namnamin ang katahimikan pagkatapos ng sobrang haba at magulong araw.
Then Emery suddenly sighed softly.
"I really don't know about the costume."
Bahagya akong napatingin sa kaniya.
"Em-"
"She showed it to the kids and the kids asked us to wear it," She continued calmly. "Collie wanted matching costumes and... it was their birthday."
Napayuko siya nang bahagya.
"I couldn't say no."
"It's okay."
Umiling siya agad.
"No. It's not."
Tahimik akong napabuntong-hininga bago ko marahang hinawakan ang mga kamay niya.
"I know you don't want to hurt me," Sabi ko.
She looked at me.
Her gaze softened instantly.
"And I know..." saglit akong tumigil bago ngumiti, "There are things you can't explain right now."
Tahimik lang siyang nakatingin sa'kin.
"I understand that."
"Amor-"
"At some point," Pagpapatuloy ko habang nakatingin sa kaniya, "na-realize ko rin na baka kahit subukan mong sabihin, baka hindi ko rin maintindihan."
Nakita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata niya.
Kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
"But earlier..." Napangiti ako nang bahagya, "I was happy."
"Happy?"
"Yeah."
Bahagya siyang humarap para mas makita ako.
"The assurance you gave me earlier."
Tahimik siyang nakatingin lang habang hinihintay akong magpatuloy.
"You introduced me to everyone."
A soft smile slowly appeared on her lips.
"Not just as Amor," Dagdag ko habang bahagyang umiinit ang mukha ko, "But as your Amor."
Mas lalo siyang ngumiti.
Parang ako lang ang nakikita niya.
Parang wala nang ibang tao sa mundo kundi kaming dalawa.
"Of course," Mahina niyang sagot habang inaayos ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "They need to know where my heart belongs."
Napakurap ako nang mabagal.
Hindi dahil hindi ko alam ang sasabihin.
Kundi dahil hindi ko inaasahang marinig iyon mula sa kaniya.
After everything.
After all the confusion.
After all the things left unsaid.
Narinig ko pa rin iyon. At galing mismo sa kaniya.
Tahimik kaming nagtitigan.
Walang nagmamadali.
Walang kailangang patunayan.
For the first time in a long while, everything felt easy.
Everything felt safe.
"You know," Mahina kong sabi, "Kanina akala ko mawawalan ako ng lugar."
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Never."
"Emery-"
"Never," Ulit niya.
Mas sigurado.
"Not with me."
Parang may kung anong kumawala sa dibdib ko nang marinig iyon.
Lahat ng insecurities.
Lahat ng pagdududa.
Lahat ng takot na matagal kong kinimkim.
Hindi man tuluyang nawala pero gumaan kahit paano.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko.
Then she leaned closer.
Marahan.
Maingat.
As if she was afraid I'd disappear if she moved too fast.
Our foreheads touched first.
Then her lips found mine.
Soft.
Gentle.
Comforting.
Hindi nagtagal ang halik.
Pero sapat yon para sabihin ang mga bagay na pareho naming hindi mahanap ang tamang salita para sabihin.
When we finally pulled apart, nanatili pa rin siyang malapit.
Nakayakap.
Nakatingin.
Ngumingiti.
At sa pagkakataong iyon, wala nang kailangang explanation.
Wala nang kailangang depensahan.
Wala nang kailangang patunayan.
Just reassurance.
Just trust.
Just us.
Kaya nang tuluyan naming iwan ang pag-uusap at yakapin ang katahimikan ng gabi, magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
At habang nakasandal siya sa'kin, pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang mha bigat.
Because this night wasn't about grand gestures.
It wasn't about fixing everything.
It wasn't even about finding all the answers.
It was simply about choosing each other.
Again.
And again.
And again.
Until eventually, the rest of the world faded away.
Leaving only the quiet comfort of being together.