CHAPTER 47 Shes Here!

Seraphine's POV:

Kaka-drop off ko lang sa mga bata sa school ng biglang mag-vibrate ang phone ko.

Napaangat ako ng tingin sa screen.

Si Tita Tere pala, kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Hello, my lovely auntie?"

"Amor sweetie, are you busy?" Tanong niya.

"No po, Tita. Why?" Sagot ko agad.

"Good. May ipapadala ako para sa'yo. Puntahan mo si Loraine sa Café. I'll send you the location."

Narinig ko ang tunog ng notification sa phone ko.

"Sinend ko na."

Napangiti ako nang marinig ang pangalang iyon.

"Loraine?"

"Yes. Nasa kanya ang pinadala ko."

"Nandito po siya sa Philippines ngayon?" Tanong ko.

"Yes, she's with the kids. And, Amor..."

"Hmm po?"

"Don't be late."

Napakunot-noo ako.

"Why does that sound suspicious, Tita?" Tanong ko habang nakakunot-noo.

Narinig ko ang mahina niyang tawa.

"Just go," Sabi niya, at agad na niyang pinatay ang tawag.

Napailing na lang ako habang nakatitig sa screen.

Typical Tita Tere. Laging tumatakas sa anumang mahalagang itatanong ko.

Pagkatapos ay pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa address na sinend niya.

After a few minutes...

Pagdating ko, agad kong nakita ang pamilyar na babae na nakaupo sa isang table malapit sa bintana.

Mahaba pa rin ang buhok niya. Maganda pa rin siya at mukhang hindi tumatanda. Honestly, kahit tatlong taon ang tanda niya sa akin, mukha pa rin kaming magkaedad.

Nang mapansin niya ako, agad siyang tumayo.

"Amor!"

Napangiti ako.

"Loraine!"

Pareho kaming nagtawanan bago kami nagyakapan-isang mahigpit na yakap.

Matagal din kasi kaming hindi nagkita.

Pagkalayo namin, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Look at you," Sabi niya.

Napatawa ako.

"Look at you," Sabi ko pabalik.

"Still gorgeous, right?" Confident niyang sabi.

"You're literally prettier than before," Sabi ko naman.

Pareho kaming natawa at pagkatapos ay sabay kaming naupo.

"How's the kids? Also, nasaan sila?" Tanong ko agad.

Biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Oh, don't get me started."

Napailing ako. Same old Loraine.

"Tristan is obsessed with basketball," Sabi niya, referring sa panganay.

"Still?" Tanong ko.

"Still," Sabi niya habang tumatango.

Natatawa naman ako.

"And Tyler?"

"He keeps breaking things."

"Of course he is," Sabi ko.

"Tatum is becoming dramatic."

"Like her mother, right?"

"Exactly like her mother," Sabi niya sabay turo sa sarili.

Pareho kaming natawa.

"And Taylor?"

Loraine sighed dramatically.

"The smartest one."

"Poor child," Sabi ko.

"Very poor child. Laging napagtitripan nung tatlo. 'The bookworm,' sabi nga nila."

Muli kaming nagtawanan.

Napangiti naman ako kasi sigurado akong magiging close ni Callie iyon.

Ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan hanggang sa may inilabas si Loraine na isang eleganteng gift box. Iniabot niya iyon sa akin.

"From Auntie."

Napakunot-noo ako.

"What's this?" Tanong ko.

"Just open it later," Sabi niya lang sabay cross arms.

Tinanggap ko naman at ngumiti.

"Thank you."

Bigla siyang ngumisi-iyong ngising alam mong may balak. At doon na ako kinabahan.

"Why are you smiling like that?"

"Because..." Sabi niya.

Bahagya siyang sumandal sa upuan.

"...I still have another surprise."

Napakurap ako.

"Another surprise?"

"Yep."

"Loraine."

"Yes?"

"I'm scared."

Napatawa siya.

"Don't be baby," Biro niyang tawag sa akin.

"That's exactly what suspicious people say."

Lalo lang lumawak ang ngiti niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa likod ko.

"Right on time."

Napakunot-noo ako at dahan-dahan akong lumingon.

At doon, tuluyan akong natigilan.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Nanlaki rin ang mga mata ko at parang huminto ang mundo ko sa nakita.

Nakatayo sa may pintuan ng restaurant, hawak ang handbag niya, nakangiti habang kumakaway-

TITA TERE.

For a moment, hindi ako nakagalaw.

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi ako mapakali.

"Tita...?"

Mahina lang ang boses ko, ngunit narinig niya iyon at lalo siyang napangiti.

"My baby."

Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang gumaan ang lahat ng makita ko siya. Parang lahat ng problema nawala.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at sa sumunod na segundo ay nasa harapan na niya ako.

Mahigpit ko siyang niyakap. Sobrang higpit.

Parang takot akong mawala siya sa paningin ko.

"Tita..."

Napahikbi ako.

"Tita..."

Narinig ko ang paghagikgik niya.

"I'm here, sweetheart."

Mas lalo akong napaiyak.

Because after all this time, she finally came here. Parang nakaramdam ako ng may kakampi ako.

Pagkatapos ng ilang minutong iyakan at yakapan, sa wakas ay nakaupo ulit kami.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

Nandito na talaga si Tita sa harap ko.

Hindi video call.

Hindi picture.

Hindi message.

Talagang nandito siya.

Paminsan-minsan nga ay hinahawakan ko pa ang braso niya para siguraduhing hindi ako nananaginip.

Napatawa tuloy siya.

"Amor."

"Po?"

"I'm real."

"Just making sure po, Tita."

Lalong lumawak ang ngiti niya.

Habang si Loraine naman ay umiiling lang.

"She's been doing that since she saw you."

"I know."

Napanguso ako.

"I missed her," Sabi ko sabay irap kay Loraine.

At agad akong niyakap ni Tita.

"I missed you too, sweetheart."

"Such a baby," Sabi ni Loraine.

Inilabas ko lang ang dila ko.

Isang oras din kaming nagkuwentuhan. Napag-usapan namin ang buhay sa Spain, ang pamilya, pati na rin ang mga bata.

Hanggang sa naisipan kong magtanong.

"By the way, Tita."

"Hmm?"

"Saan ka po nagi-stay?"

Ngumiti siya.

"Sa bahay ni Loraine."

Napalingon ako kay Loraine.

"Talaga?"

"Yep. Because someone refused to tell you she was coming," Sabi niya sabay lingon kay Tita.

"It's called tactical planning," Sabi ni Tita.

Napatawa kaming tatlo.

Pagkatapos ng kwentuhan -or more on snacks kasi hindi naman talaga kami nakakain-ay sabay-sabay kaming pumunta sa bahay ni Loraine.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, may apat na batang agad na tumakbo papalapit sa amin galing sa loob ng bahay.

"MAMA A!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Napatawa ako.

"Here we go."

Unang dumating si Tyler.

The loudest one. The most energetic one.

Parang mini tornado.

Diretso niya akong niyakap.

"You're finally here po!"

"Hi, baby."

"You're staying, right?"

"Maybe," Sagot ko.

"You have no choice po," Sabi niya.

Kaya napatawa na naman ako.

"Wow."

Kasunod naman si Tatum.

Dramatic as always.

"Mama Amor."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"We need a girls' day."

Napakurap ako.

"Hello to you too," Sabi ko.

"We really need one," Dagdag niya.

"Noted," Sagot ko.

Satisfied siyang tumango.

Habang sina Tyler at Tatum ay maingay na nagsasalita, dalawang bata naman ang tahimik lang sa likod.

Napangiti ako.

Taylor and Tristan.

The introverts.

Just like Callie.

Taylor adjusted her glasses.

Then gave me a small smile.

"Hi, MAma A."

My heart melted instantly.

"Hi, sweetheart."

Tahimik lang siyang lumapit at niyakap ako.

Sobrang genuine talaga sa pakiramdam ko sa batang ito.

Agad ko siyang hinalikan sa noo.

"I missed you po."

"I missed you too."

Katabi niya naman si Tristan.

Tahimik. Relaxed.

Suot ang sunglasses niya, nakatitig lang siya sa akin kita parin naman ang mata niya kahit papa'no.

At parang hindi sigurado kung yayakap ba siya o hindi, kaya ako na ang lumapit.

"Come here."

Agad ko siyang niyakap at ramdam kong bahagya siyang tumigas sa gulat bago yumakap pabalik.

"I missed you, buddy. How about you? Do you miss me?"

Nagkibit-balikat siya.

"Maybe."

Napatawa ako.

"Maybe?"

"Okay. A lot."

"That's better."

Miss na miss ko rin ang mga batang to.

Huling kita ko kasi sa kanila ay three years ago pa. Huling bisita ko sa Spain. Sila kasi ang lagi kong nakakasama noong nasa Spain pa ako. Halos lumaki silang kasama ako.

Kahit quadruplets sila, magkakaiba talaga ang personalities nila, pero sobrang sweet nilang apat sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa sala na kaming lahat, at doon nagsimula ang kaguluhan.

"MAMA A."

Tawag ni Tyler.

"Hmm?" Sabi ko sabay lingon sa kanya.

"Who's your favorite?"

Nanlaki agad ang mata ko.

"No."

"Come on."

"No."

"Just tell us po," Sabi ni Tristan.

"No."

"Just whisper it," Sabi ni Tatum.

"No."

"Blink twice," Sabi ni Taylor.

"No."

Tumayo si Tatum.

"It's obviously me."

Tyler gasped.

"EXCUSE ME?"

"It is."

"It is not."

"It is."

"It is not."

"It is."

"It is not."

"It is."

"It is not."

"STOP."

Sabay silang napalingon sa akin.

Napabuntong-hininga ako.

"You're all my favorites."

"Avoiding the question."

"Tatum."

Sabi ko sabay pout.

"Okay, Sorry," Sabi niya habang natatawa.

Habang nagtatalo silang dalawa, napansin kong tahimik sina Taylor at Tristan.

May ginagawa sila, at hindi ko gusto ang expression nila.

That was never a good sign.

"Why are you two quiet?"

Napatingin silang dalawa sa akin.

Then slowly smiled.

Oh no.

"Auntie," Sabi ni Taylor.

"Can you tell what color this is?"

May hawak siyang marker.

Napatingin ako.

"Blue."

Ngumiti siya.

Then she showed it to Tristan.

"What color do you think it is brother?"

Tahimik na pinagmasdan ni Tristan.

"Purple?"

Biglang nagtawanan sina Tyler at Tatum.

"Wrong!"

"Again!"

Napahawak ako sa noo.

Pinagtitripan na naman nila siya.

"Guys," Sabi ni Loraine habang inilalabas ulit ang salamin na pinatago ni Tristan kanina.

"What po, Mommy?"

"Be nice."

"But he's funny."

"TYLER."

Napatawa si Tristan.

"It's okay, Mom."

Then he pointed at Tyler.

"You're still uglier than me."

Tahimik ang buong sala.

Then-

"HE INSULTED ME!"

Natawa kami nila Tita at Loraine kasi magkamukha naman silang apat.

Maya-maya ay napunta sa garden ang lahat.

At doon ay naupo ako sa damuhan.

Hindi nagtagal, isa-isang lumapit ang apat, parang noong maliliit pa sila.

Si Tyler, nakasandal sa balikat ko.

Si Tatum, nakahawak sa braso ko.

Si Taylor, tahimik na nakaupo sa tabi ko habang nagbabasa.

At si Tristan naman ay nakahiga sa damuhan habang suot pa rin ang sunglasses niya.

Tahimik.

Masaya.

Komportable.

Napangiti ako habang tinitingnan silang apat.

Ang lalaki na nila, pero sa paningin ko, sila pa rin iyong apat na batang humihila sa akin para maglaro.

"Auntie?"

Mahinang tawag ni Taylor.

"Hmm?"

"You'll visit more often now? I mean, we only have one month vacation here po."

Napatingin silang lahat sa akin.

Even Tristan.

Napangiti ako, then I gently squeezed Taylor's hand.

"Promise."

Ngumiti silang apat.

At sa pagkakataong iyon, para akong nakauwi sa isang pamilyang matagal ko nang hindi nakita.

Hindi ko namalayan ang oras. Sobrang naging busy kami sa kwentuhan, tawanan, at pakikipagkulitan sa quadruplets.

Hanggang sa bigla akong natigilan. Napatingin ako sa wristwatch ko at nanlaki agad ang mga mata ko.

"OWGAG."

Napalingon silang lahat sa akin.

"Why po?" Tanong ni Tyler.

Napahawak ako sa noo.

"The kids!"

"Kids?" Tanong ni Tita Tere. Na kadarating lang.

"Si Collie and Callie, tita!"

Agad akong tumayo.

"I need to pick them up!"

Napatawa si Loraine.

"Relax."

"Relax? They're probably waiting for me already."

At alam kong kapag si Callie ang pinaghintay mo...

May maririnig ka talagang, 'Mama, we've been waiting too long po. Those kids are so annoying. I can't handle Collie sometimes, so what more surrounded by a hundred plus her?'

"Come on."

Tumayo rin si Tita Tere. Tinignan ko lang siya.

"Sasama ako. I wanna see them."

Napangiti ako.

"Really?"

"Of course."

Mas lalo akong natuwa. Hindi pa kasi nila nakikilala si Tita nang personal. Puro pictures at video calls lang.

Habang naglalakad kami palabas ng bahay, sumigaw si Loraine mula sa likod.

"Come back!"

Napalingon kami.

"Dapat nandito kayo for launch!"

Tumango ako.

"We'll be back."

"You better do," Sigaw niya ulit.

"Yes, ma'am."

Napatawa siya.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa school at, gaya ng inaasahan ko, naghihintay na ang dalawang bata sa labas. Nakalagay ang mga bag nila sa tabi at halatang magkaiba ang mood.

Si Callie?

Nakasimangot, nakakrus ang mga braso.

Mukhang isang oras nang naghihintay, kahit ilang minuto pa lang naman.

Samantalang si Collie, nasa harapan ng adviser niya, nakangiti at makikita mo sa gesture niya sa pagsasalita ay parang matagal na niyang kaibigan ang teacher.

Napatawa ako.

"There they are."

Napatingin si Tita Tere.

"Which one?"

"Yung nakikipagkaibigan sa teacher."

Tahimik siyang tumingin, pagkatapos ay napangiti.

"That must be Collie."

Tumawa ako.

"Exactly."

Parang naramdaman ni Collie na may nakatingin sa kanya.

Lumingon siya sa gawi namin. Pagkakita sa sasakyan namin ay agad siyang kumaway.

"Mama!"

Kasunod noon ay si Callie na mabilis ding tumayo at naglakad.

Agad na binuksan ni Collie ang pinto.

"Mama! Alam mo po, one of my friends in other section cried."

"Bakit?" Tanong ko. Kita ko naman siyang busy sa pag-aayos sa sarili.

"Cause she's top five in their class," Sabi niya.

"That's not bad. I mean, considering na elementary pa lang kayo," Sabi ko, hinihintay ko ang reaction niya pag nakita niya si Tita, pero 'di pa rin lumilingon.

"No, Mama. It's bad," Sabi niya.

"Why?" Tanong ko.

"Cause they are only five students in their class, and being the top 5 means you're the most stupid one," Sabi niya, parang frustrated, kaya natawa ako.

"Also, Mama, is-"

Naputol ang sasabihin niya. Natigilan siya at napakurap.

Nakatitig siya sa babaeng nakaupo sa harapan niya, sa babaeng kanina pa nakatingin sa kanya at nakangiti sa rearview mirror.

Napakunot-noo si Collie, parang may sinusubukang alalahanin.

Unti-unti siyang tumayo sa upuan para mas makita nang maayos.

Then her eyes widened.

"Oh."

Napatingin din si Callie, na busy sa book niya, at agad din siyang natahimik.

Ngumiti si Tita Tere, yung malambing at pamilyar na ngiti.

"Hi, sweetie."

Biglang namula si Collie at sa unang pagkakataon, nawala ang confidence niya.

"Uh..."

Napatawa ako. Hindi ko akalaing makikita ko si Collie na nahihiya.

"Tita, meet Collie and Callie, my babies," Sabi ko.

Pagkatapos ay tumingin ako sa kambal.

"And kids, this is Tita Tere," Dagdag ko.

Nanlaki agad ang mga mata ni Callie.

"THE MAMACITA IN THE PHONE CALL PO?"

Napatawa si Tita Tere.

"Yes sweetheart."

Si Collie naman ay mabilis na umupo nang maayos.

Biglang naging behaved.

Biglang naging mahinhin.

Biglang naging tahimik.

"Hello po," Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Mas lalo pang lumaki ang mga mata ko. Please don't. Okay na kung si Linda.

"Mama."

Mahinang bulong ni Callie.

"What?"

"Why is Collie acting normal human?"

Tumawa ako nang malakas.

"Ate, I can hear you!" Reklamo ni Collie.

Natawa naman si Tita.

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ko nang pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe ay hindi na rin nagtagal at naging komportable ulit

ang kambal.

Lalo na si Collie. Nagsimula na naman siyang magkuwento at sa loob ng ilang minuto, alam na ni Tita Tere ang buong schedule niya, mga kaibigan niya, paborito niyang pagkain, at kung bakit daw unfair si Callie minsan.

"She's exactly like you."

Natatawang sabi ni Tita Tere habang nakatingin kay Collie.

Napailing ako.

"I know, tita. Kung may private part lang ako ng lalaki, iisipin kong akin talaga sila," Bulong ko kay Tita.

"Yeah!" Sabi niya sabay ngiti at tingin sa bintana.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa building ni Emery. Pagkababa namin ng sasakyan ay agad na humawak sina Collie at Callie sa magkabilang kamay ni Tita Tere na parang matagal na silang magkakilala.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.

Then together, we headed upstairs to surprise Emery.

Pagdating namin sa opisina ni Emery, agad kaming pinapasok ng secretary niya.

Mukhang nasa kalagitnaan siya ng trabaho. Tahimik na nakaupo sa desk habang may binabasang documents. Hindi niya agad napansin ang pagpasok namin.

"Boss Madam," Tawag ko.

Napatingala siya at nang makita kami, agad lumambot ang ekspresyon niya.

"Hey."

Ngumiti siya sa mga bata.

"Hi, Mommy!"

Sabay na sigaw nina Collie at Callie. Napatawa nang mahina si Emery.

Pagkatapos ay napansin niya ang babaeng nakatayo sa tabi ko.

Napakunot-noo siya. Mukhang nagtataka.

Then she looked at me.

Then at the woman again.

Then back to me.

Parang may realization na unti-unting nabubuo. Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya.

"Oh."

Napatawa ako.

"Yeah."

Agad siyang tumayo kaya lumapit ako sa kanya at marahan kong hinawakan ang kamay niya.

"Baby."

"Hmm?"

Ngumiti ako.

"This is my aunt."

Tahimik na napatingin si Emery kay Tita Tere.

For a second, parang hindi niya alam ang sasabihin.

Which was honestly adorable. Because Emery was usually confident around everyone.

Pero ngayon?

Parang bigla siyang nahiya.

Ngumiti naman si Tita Tere.

"So you're Emery."

Tumango si Emery.

"Yes, ma'am."

Napangiti ako.

Mukhang hindi lang si Collie ang biglang naging polite ngayong araw.

"I've heard a lot about you."

Sabi ni Tita Tere at agad akong napatingin sa kanya.

"Tita."

"What?"

"What did I tell you?" Tanong ko at milakihan siya ng mata.

Kasi naalala ko mostly bad things ang mga sinabi ko kasi noong mga time na 'yon, assistant pa lang niya ako.

"Many things."

"Tita."

Tumawa siya nang malakas, samantalang si Emery naman ay bahagyang namula at doon na ako tuluyang natawa rin kahit medyo kinakabahan.

Hindi ko rin maalala kung kailan ko huling nakitang ganito siya ka-conscious.

"It's nice to finally meet you po," Sabi ni Emery.

"Likewise," Sagot ni Tita Tere.

Pagkatapos ay pinagmasdan niya kami.

Mula sa akin papunta kay Emery.

Then she smiled.

A knowing smile.

Yung tipong may napansin siya pero hindi niya sasabihin, at mas lalo lang akong kinabahan.

"Well, since everyone's here, why don't we have lunch together?" Tanong ni Tita.

Agad naman akong tumango. Maganda ring pagkakataon iyon para mas makilala nila ang isa't isa. Pero bago pa ako makapagsalita-

Napangiti si Tita Tere.

"Loraine prepared lunch for all of us."

Tahimik na napatingin si Emery sa akin, medyo confused.

"Loraine?" Bulong niya sa akin, pero parang narinig ni Tita kaya tumango siya.

"Yes."

Mas lalo siyang napakunot-noo, pagkatapos ay tumingin ulit siya sa akin.

As if asking silently who Loraine was.

Napatawa ako.

Lumapit ako sa kanya at bahagyang bumulong sa tenga niya.

"I'll tell you later."

Napabuntong-hininga siya.

"That doesn't answer anything."

"It wasn't supposed to."

"Amor."

Ngumiti lang ako.

Sa harsp namin ay nagtatawanan na sina Tita Tere at ang kambal. Mukhang naaliw na naman si Collie sa bagong audience niya.

Habang si Callie naman ay busy sa pagkukuwento tungkol sa science.

Napailing na lang si Tita.

"Mommy!" Sigaw ni Callie.

"Hurry up po!"

"Food is waiting!"

Dagdag ni Collie.

"At baka ubusin namin!"

Emery grabbed her bag and keys.

"Let's go."

Ilang minuto ang lumipas at sabay-sabay na kaming bumiyahe papunta sa bahay ni Loraine.

Habang nasa sasakyan, napansin kong paminsan-minsan ay sumusulyap si Emery kay Tita Tere at si Tita Tere naman ay ngumingiti lang.

FEW MINUTES HAD PASSED.

Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ng ingay.

"MAMA AMOR!"

"YOU CAME BACK!"

"FINALLY!"

"WE'RE STARVING!"

"MAMA?" Nakakunot-noo habang naka-cross arms na tanong ni Collie.

Napatawa ako. Mukhang hindi talaga magiging tahimik ang lunch na to at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, kumpleto ang pakiramdam ko.

My aunt was here.

The kids were happy.

Emery was beside me.

Plus, kasama pa ang limang taong mahalaga rin sa buhay ko.

And somehow, it already felt like a big family.

Agad ko pinakilala ang mga bata sa isa't isa, at isa lang ang masasabi ko, mukhang mahihirapan ako kay Collie.

"Emery, this is-" Pinutol ako ni Loraine.

"Hi, Emery, right? I'm Loraine, Amor's partner in crime back in Spain," Confident niyang sabi sabay abot ng kamay. Tinignan naman muna ako ni Emery bago makipagkamay.

"Celestine Emery Walls. Amor's beloved, her present." Napalunok ako kasi the way she said 'beloved,' sobrang diin.

Naiilang na lang akong ngumiti.

"Let's go, girls," Sabi ni Tita. Agad naman akong kumapit sa kanya at naglakad na kami.

Pagpasok pa lang namin sa dining room ay agad na akong napahinto.

Punong-puno ng pagkain ang mesa.

May pasta, may fried chicken, may salad, may steak, at nanlaki ang mga mata ko.

"Paella?" Sabi ko sabay lingon kay Loraine.

Napangiti si Loraine.

"Of course," Sabi niya.

Napakurap ako.

"I miss this"

"You always eat paella first, so I made sure you see it first," Sabi niya sabay kindat. Napalingon ako kay Emery at kita ko naman ang pagkusot ng kamay niya, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

Ngumiti na lang ako.

"How do you still remember that?" Tanong ko habang nakangiti, at the same time nagdarasal na ako sa loob-loob ko dahil sa mga tingin ni Emery.

"Lovebug, we've known each other for years," Sabi niya. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko.

"Lovebug?" Kunot-noong sabi ni Collie.

"That's their call sign, kid. Also, Mama A, why are you so red?" Sabi ni Tatum kay Collie sabay lingon sa akin.

Kunwari naman hindi ko sila naririnig.

"Still," Sabi ko kay Loraine.

"It's your favorite, so yeah," Sabi niya.

"How could I forget?" Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napasimangot.

Pero napansin ko agad si Emery. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya; binibigyan niya lang ako ng blangkong ekspresyon.

After a few minutes...

Hindi pa doon natatapos. Habang kumakain kami, nakita ko kung paano tanggalin ni Loraine ang carrots at ibinigay sa akin ang plato.

"Why?" Tanong ko.

"Lovebug, ayaw mo ng carrots," Sabi ni Loraine.

Agad kong ibinaba ang tinidor.

"How do you know that?" Hindi ko naman sinabi sa kanya.

"Because you always leave carrots on your plate before."

Napakurap ako. Lahat ng tungkol sa akin, alam niya.

Makalipas ulit ang ilang minutong katahimikan...

"Don't give her spicy food."

Sabi ulit ni Loraine kay Tyler.

"She'll complain."

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Seriously?"

Napatawa siya.

"You always complain."

Sa kanan ko ay napansin kong tahimik na nakatingin sina Collie at Callie mula sa akin papunta sa quadruplets, tapos pabalik sa akin.

Then repeat.

Uh-oh.

I know that look.

"Mama," Mahinang tawag ni Collie.

"Hmm?"

"How come they know a lot about you?"

Napalingon ako sa kanya.

"Because we've known each other for a long time," Sabi ko.

Napasimangot siya.

"Oh."

Hindi siya mukhang convinced, at mas lalo lang lumala nang si Tatum kumuha ng hotdog.

"Mama A, eat this."

Napangiti ako sa kanya.

"Thank you, sweetheart."

Pero bago ko pa makuha, may isa pang hotdog na lumapag sa plato ko.

Napalingon ako.

Si Collie, nakatingin kay Tatum, ngumingiti pa.

Pero hindi umaabot sa mata yung ngiti niya.

"Mama likes this one better."

Tahimik ang buong mesa.

Tumingin si Tatum kay Collie.

Tumingin si Collie kay Tatum.

Tumingin ulit si Tatum.

Tumingin ulit si Collie.

Parang may silent war na nagaganap sa kanila.

Napabuntong-hininga ako. Pagkatapos ay kinuha ko ang dalawang hotdog at sabay na kinain.

"Problem solved."

Natawa si Tita Tere.

Habang nagpapatuloy ang lunch, napansin kong tahimik lang si Callie. Ibang katahimikan. The past weeks kasi nag-iingay na siya, so iba talaga ngayon. Nakasandal siya sa upuan habang nakatingin kay Tristan.

Tahimik niya itong pinagmamasdan, parang may iniisip.

Napansin iyon ni Collie, at dahil si Collie ay si Collie, nagsalita siya.

"Are you blind?"

Diretso niyang tanong kay Tristan. Napatingin kaming lahat sa kanya. Si Tristan naman ay napaayos ng upo.

"Excuse me?"

Bago pa makapagsalita ang iba, sumingit si Callie.

"He's color-blind."

Tahimik ang mesa. Napalingon lahat kay Callie.

Maging si Tristan ay mukhang nagulat.

"How did you know?"

Simple lang ang sagot ni Callie.

"Your glasses."

Napakurap si Tita Tere.

"What about it?"

Tinuro ni Callie ang sunglasses ni Tristan.

"That's a specialized brand."

Tahimik na nakikinig ang lahat.

"Most people won't notice," Patuloy niya.

"But that company mainly creates glasses for color-blind individuals."

Nanlaki ang mata ni Tyler.

"Seriously?"

Nagkibit-balikat si Callie. Ngumisi naman si Collie.

"Also..."

Bahagya siyang tumingin sa paligid.

"The color combinations in this house."

Napalingon kami sa paligid.

"The walls, decorations, labels, furniture."

She shrugged.

"They're designed to be easier for someone with color blindness."

Maging si Loraine ay napanganga.

"How did you even notice that?"

Nagkibit-balikat ulit si Callie.

"It helps him identify colors easier."

Pagkatapos ay biglang nagsalita si Collie, nakangiti na parang proud parent.

"That's my sister po, Lola Tere."

Napatawa si Tita Tere.

"Mamita, sweetie, and yes, she's very intelligent."

Sabi niya habang nakangiti kay Callie. Agad namang namula nang bahagya si Callie at umiwas ng tingin.

Tapos biglang nagsalita si Tatum.

"How about you, kid?"

Napalingon lahat sa kanya.

"I'm not a kid, I'm 8 na, and what do you mean PO?" Tanong ni Collie.

"If she's intelligent, what are you?"

Naningkit ang mga mata ko.

I know that look, and I don't like it.

Ngumiti si Collie, yung confident niyang ngiti.

"Oh."

Umayos siya ng upo.

"Cute lang."

Biglang natawa si Tatum, parang hindi makapaniwala.

"That must be a joke."

"Tatum."

Babala agad ni Loraine, pero huli na. Lalong lumawak ang ngiti ni Collie.

"It's not a joke po."

Oh no.

"In fact," Sabi niya.

Inayos niya ang upo niya.

"Most people I talk to say the same thing," Dagdag niya.

"COLLIE!" Tawag ni Emery.

Hindi siya pinansin ni Collie.

"And if ever I had to choose between your face and mine..."

Napasinghap si Tyler. Mukhang alam na niya ang kasunod.

"I'd choose mine," Diretso niyang sagot.

"COLLIE!"

Mas madiin kong sabi.

"And if my face wasn't an option..." Patuloy pa rin niya.

"I'd choose my foot rather than your face."

Isang segundo.

Dalawang segundo.

Tatlong segundo.

Tahimik. Pagkatapos-

"HAHAHAHAHAHA!"

Halos mahulog si Tyler sa upuan kakatawa. Maging si Tristan ay napayuko para itago ang ngiti.

"TYLER!"

Saway ni Loraine, pero lalo lang siyang natawa.

Mabilis akong tumayo.

"Okay!"

Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

Ngumiti ako, yung very pilit.

"Who wants dessert?"

"ME!" Sigaw agad ni Tyler.

"Good."

Agad kong hinila ang usapan palayo bago pa magkaroon ng world war sa dining table at habang nag-uusap na ulit ang lahat, napabuntong-hininga ako.

One lunch.

Just one lunch.

And somehow...

my children had already declared war against Loraine's children, which I consider mine too.

Natapos ang lunch nagdesisyon na rin kaming umuwi na.

Nagtaka rin ako, pero ang sabi lang ni Emery, wala raw siyang gana mag-work, kaya nag-drive na lang ako pauwi.

Pagkatapos naming makauwi...

Tahimik ang bahay.

Hindi naman yung nakakailang na klase ng katahimikan.

Pero sapat para mapansin ko.

Tahimik si Collie.

Tahimik si Callie.

Tahimik din si Emery.

At dahil matigas ang ulo ko minsan, naging tahimik na rin ako para happy family.

Lumipas ang hapon hanggang sa gabi.

Wala masyadong kulitan.

Wala masyadong usapan.

Wala masyadong kuwentuhan.

Hanggang sa dinner.

Nasa dining table kaming lahat, tahimik na kumakain.

Napansin kong ilang beses akong tinitignan ni Collie. Kapag tumitingin ako sa kanya, mabilis siyang umiiwas.

Kaya hindi ko rin siya pinansin. Bahala sila. Baka laro na naman nila 'to. Ayaw kong matalo. 'Di nila ako kinakausap, puwes ako rin.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Mama."

Mahinang tawag niya.

Hindi agad ako sumagot.

"Mama."

Mas mahina at mas malambing.

Napatingin ako sa kanya.

Naka-pout siya.

God, my heart.

'Yun kasi ang ginagamit niya kapag may gusto siya.

Napabuntong-hininga ako.

"What?" Tanong ko.

"Sorry po," Sabi niya sabay yuko.

Tahimik ulit ang mesa.

"I know my attitude earlier was bad."

Nakanguso pa rin siya.

"I shouldn't have said those things."

Nakita kong nakatingin sa kanya si Callie. Mukhang hinihintay rin ang sagot ko.

Unti-unti akong napangiti.

"It's okay."

Agad na lumiwanag ang mukha niya.

Pero tinaasan ko siya ng kilay.

"That doesn't mean what you did was right," Sabi ko.

Tumango naman siya.

"Collie."

"Yes po?"

"You don't have to make other people feel small just to feel big."

Tahimik siyang nakinig.

"Being confident is good."

Patuloy ko.

"But confidence and kindness should go together."

Unti-unti siyang tumango.

"You're smart. You're funny. You're beautiful."

"Poganda po. Also, I know all of that and... I-I was jealous po kanina."

Ang hangin talaga niya di ko alam kung seryoso ba siya o ano, pero yung huling sinabi niya ang nakapagpa-realize sa akin.

I should know her better.

Dapat alam ko na 'yon, pero hindi ko nabigyan ng pansin.

"You don't need to prove those things by hurting someone else feelings," Sabi ko na lang.

Tumango siya, pagkatapos ay tumayo siya at lumapit sa akin para yumakap sakin.

"I love you, Mama."

Napatawa ako.

"Mahal din kita."

"Who's your favorite child, Tatum, Me or Callie?" Bulong niya, pero rinig pa rin nung dalawa.

"Good night, Collie," Sabi ko.

Nagreklamo naman agad siya. At sa wakas, parang bumalik ulit sa normal ang lahat.

Except Emery.

Tahimik pa rin siya.

Akala ko pagod lang.

O baka wala lang talaga siya sa mood.

Kaya hindi ko na muna pinilit.

Matapos ang dinner, natulog na ang mga bata.

At ilang minuto rin akong nag-ayos bago lumabas ng restroom.

Paglabas ko, nakahiga na si Emery.

Tahimik.

Humiga na rin ako sa tabi niya at pumikit.

Ready na sana matulog, pero mga dalawang segundo lang ang lumipas.

THUMP!

"Aray!"

Napabangon ako nang may unan na tumama sa mukha ko.

Napalingon ako kay Emery.

Naka-upo na siya sa kama.

Nakasimangot.

Naka-cross arms.

"Seriously?" Sabi niya, inis na inis.

"Bakit? Problema mo?" Nagtatakang tanong ko.

"You're really not going to ask me earlier at matutulog ka na?"

Napakurap ako.

"Huh?"

"You're not going to ask me What's wrong" Sabi niya.

Napakunot-noo lalo ako.

"What's wrong?"

Mas lalo siyang sumimangot at kinuha ulit ang unan.

"BABY."

"Don't Baby me."

"Wait."

Napatawa ako nang bahagya.

"Are we fighting?" Tanong ko kahit obvious naman.

'Di siya sumagot.

"Why?"

Mas lalo ata siyang nainis at doon ko napansin na parang namumula ang mga mata niya.

Agad akong tumuwid ng upo.

"Hey."

Lumapit ako.

Hindi siya tumingin.

"BABY," Tawag ko.

Tahimik pa rin siya, kaya niyakap ko siya nang mahigpit at doon ko naramdaman ang bahagya niyang paggalaw, parang pinipigilan ang emosyon.

Napakurap ako.

Then suddenly, may pumasok na ideya sa isip ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Wait. Are you..."

Mas lalo siyang umiwas ng tingin.

Napatawa ako nang mahina.

"OWGAG."

"Stop laughing," Sabi niya. Habang naluluha.

"You're jealous."

"Amor."

"You're jealous."

Ulit ko.

"Amor."

"You're jealous of Loraine."

Sabi ko.

'Di ko alam, pero natutuwa ang puso ko.

Namula agad siya at tuluyan na akong natawa.

Hindi ko na mapigilan.

"Amor," Babala niyang sabi.

"Sige na," Sabi ko habang pinipigilan ang tawa.

"I'm sorry," Sabi ko.

Naka-pout pa rin siya.

"Loraine is just a good friend," Mahina kong sabi.

Tahimik siyang nakikinig.

"Our families are close she's like a sister to me."

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

"Nothing more."

"Promise?" Mahina niyang tanong na parang bata.

Napangiti naman ako.

"Promise," Sagot ko.

Sa wakas ay tumingin siya sa akin at doon ko nakita na may tinatago rin palang insecurity ang pader ko.

Nag usap pa kami and she also explained what she felt kanina.

Galit o naiinis siya kanina hindi dahil wala siyang tiwala sa akin, kundi dahil minsan...

Kapag mahal mo ang isang tao, may mga araw talagang natatakot kang may ibang taong mas may nakakakilala sa kanya.

Kaya hinawakan ko ang mukha niya at marahan siyang hinalikan sa noo.

"You're my home, Emery." Mahina kong sabi.

At sa pagkakataong iyon, unti-unting nawala ang lungkot sa mga mata niya.

Napangiti siya.

"I overthought earlier."

"Mukha nga," Biro ko.

"Amor."

"I'm kidding."

Napatawa siya at sa wakas bumalik ang gaan sa kwarto.

That night ended with the two of us curled up together under the blankets, talking quietly, laughing at the ridiculous jealousy, and falling asleep in each other's arms.

Because sometimes...

What a heart needs is a little reassurance.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.