CHAPTER 50 The Photos

Seraphine's POV:

The place felt familiar.

Hindi ko alam kung bakit, pero habang nakatayo ako dito, may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko, parang matagal na akong nakapunta dito kahit sigurado akong hindi pa.

Green grass, the same endless field, just like my past dreams; the same orange sky slowly melting into red or black.

Pero iba ngayon.

Mas malamig ang hangin.

Mas mabigat ang pakiramdam.

At sa dulo, merong bahay, hindi gaanong kalakihan.

Sa di-kalayuan, may dalawang tao.

Parehong lalaki. Masasabi kong parehong lalaki dahil parehong maikli ang buhok at ang mga pangangatawan nila. Nahahalatang mga lalaki talaga.

Nakatayo sila sa gitna ng field, ilang metro ang layo sa isa't isa, pero ramdam ko agad ang bigat sa pagitan nila.

Parang may mali.

Parang may malapit nang masira.

Humakbang ako palapit, at doon ko siya nakita.

Yung lalaki mula sa panaginip ko.

The same tired eyes.

The same white polo, slightly wrinkled.

The same expression na parang matagal nang may tinatago.

Nanlamig ako.

Ikaw...

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kumirot agad sa dibdib ko sa simpleng makita lang siya ulit.

Pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatitig siya sa isa pang lalaki na hindi ko makita ang mukha. Parang may anino na tumatakip.

Hindi malabo.

Hindi distorted.

Talagang hindi ko lang makita, parang may pumipigil sa'kin.

"You know this isn't fair," Mahina pero nanginginig na sabi ng lalaking hindi ko makita ang mukha.

Hindi sumagot yung lalaking nakita ko na sa unang panaginip. Nakatingin lang siya sa lupa.

"I tried," Dagdag ng isa pa. "God, I tried to stay quiet. Pero hindi ko na kaya."

May kung anong mabigat na pakiramdam na unti-unting bumabalot sa'kin at hindi ko maintindihan kung bakit.

Parang... nasasaktan ako para sa kanila.

"I like you," Sabi nung lalaking hindi ko makita ang mukha, diretso. "No. Hindi lang like."

Huminto siya.

"I love you."

Biglang parang humina ang hangin.

Tumigil ang mundo.

Napakunot-noo ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi ko dapat marinig 'to.

Parang may private moment akong pinapanood na hindi dapat.

Yung lalaki sa panaginip ko ay napapikit sandali.

"Kaya ba ginawa mo 'yun? Kaya ba binalak mong sirain kami?" Pasigaw na sabi nung lalaki sa panaginip ko.

"It's not me, I love you. Hindi ko kayang gawin 'yun sa'yo," Sabi nung walang mukha.

"You shouldn't have said that," Mahina niyang sagot.

"Why?" Tanong agad nung isa, mas masakit na ngayon ang tunog ng boses niya. "Tell me why."

Hanggang-

"Because I love her."

Napatigil ako. Parang may kung anong pumitik sa puso ko.

Her?

"Who?" Hindi ko namalayang sabihin.

Walang lumingon.

Walang reaksyon.

Walang kahit ano.

Parang hindi nila ako narinig.

"You don't mean that," Sabi nung isa agad.

"I do," Sagot ng lalaki sa panaginip ko. This time, mas matigas ang boses niya. "I love her."

Napahawak siya sa buhok niya na parang pagod na pagod na siyang ulitin iyon.

"And we're going to build a family."

Parang may biglang sumikip ulit sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan.

Hindi ko naman sila kilala.

Hindi nga ba?

"You're lying," Mahinang sabi nung isang lalaki.

Mas masakit na ngayon pakinggan, mas basag.

"I came first."

Tahimik.

"I loved you first," Sabi niya.

Humakbang siya palapit.

"You loved me too."

Napakagat-labi ako.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong pigilan sila. Parang may mali, parang may mangyayaring hindi dapat.

"You love me, right?" Tanong niya.

Napatingin ako sa lalaking nasa panaginip ko at, sa unang pagkakataon, nakita kong parang may guilt sa mga mata niya.

Pero mabilis iyong nawala.

"As a friend, and that's clear to you, right? Nakita mo kung paano ko pinaghirapang makuha siya, kung paano kami nag-umpisa. Wala akong narinig galing sa'yo na mahal mo ako, bukod sa kaya kong ibigay."

Parang may napunit sa'kin. Hindi ko alam kung kanino galing yung sakit.

Sa lalaking umiiyak? O sa lalaki sa panaginip ko?

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Stop," Bigla kong sabi habang lumalapit. "Ano bang ginagawa n'yo?"

Walang sagot.

"Hey!"

Lumapit ako sa kanila ng mas desperado.

"Please, stop arguing."

Wala pa rin. Hindi sila tumingin sa'kin. Hindi nila ako pinapansin, parang wala ako.

"Hello?"

Lumapit pa ako.

Tinangka kong hawakan ang braso nung lalaki sa panaginip ko dumaan lang ang kamay ko, parang hangin. Nanlamig ang buong katawan ko.

Napaatras ako.

Mabilis akong lumingon sa paligid.

The flowers.

The sky.

The same feeling.

Same place.

Same strange heaviness, at doon lang nagsimulang bumalik sa isip ko.

Yung unang panaginip.

Yung lalaki.

Yung bracelet.

Yung sinabi niya.

You need to wake up.

Nanlaki ang mata ko.

"Panaginip..."

Mahina kong bulong, pero bakit parang sobrang totoo?

"Please," Sabi nung lalaking hindi ko makita ang mukha, halos pabulong na ngayon. "Tell me I wasn't nothing."

Tumagal ang katahimikan.

"You mattered."

Mahinang sagot nung lalaking sa panaginip ko.

"But not the way you wanted."

Parang tumigil ulit ang mundo at, kahit hindi ko sila kilala, kahit hindi ko maintindihan, masakit.

Sobrang sakit.

Parang may parte sa'kin na gustong umiyak.

Biglang lumakas ang hangin. Nagsimulang gumalaw ang mga bulaklak nang marahas.

At sa unang pagkakataon yung lalaking nasa panaginip ko ay biglang napalingon.

Diretso sa'kin.

Nanlamig ako.

Parang nakita niya ako.

Parang alam niyang nandito ako, pero bago pa siya tuluyang makapagsalita, nag-crack ang langit.

The world collapsed again.

Napamulat ako.

Mabilis ang paghinga ko.

Agad akong napalingon sa kabilang side ng kama.

Empty.

Right.

Four-days business trip.

Wala si Emery.

Napaupo ako nang dahan-dahan, hawak ang dibdib ko, parang may mabigat pa ring naiwan doon.

"Who were they?" Mahina kong tanong sa sarili ko.

Hindi ko sila kilala.

Pero bakit parang...

parang may nawala sa'kin habang pinapanood ko sila?

At bakit pakiramdam ko yung lugar na iyon hindi lang basta panaginip?

AFTER FEW MINUTES.

Hindi na ako nakatulog.

Kahit anong pikit ko, bumabalik lang sa isip ko yung panaginip.

Yung field.

Yung lalaking naka-puting polo.

Yung sakit sa dibdib ko na parang hindi naman dapat akin.

Napabuntong-hininga ako habang inaabot ang phone ko sa bedside table.

4:17 AM.

Too early.

Pero alam kong hindi na ako makakatulog.

Binuksan ko agad ang messages.

HONEYMYLOVESOSWEET

Saglit akong natigilan.

Gusto ko siyang tawagan. Sabihin sa kanya na may kakaiba akong panaginip. Na hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko may mali.

Pero baka tulog pa siya. Baka pagod.

Huminga ako nang malalim bago mag-type.

Me:

Are you awake?

Nag-hover ang daliri ko sa send button.

Then delete.

Too dramatic.

Napailing ako sa sarili ko.

Instead, binuksan ko ang social media ko para ma-distract.

Random reels.

Travel posts.

Memes.

Hanggang sa napahinto ako.

May bagong tagged photo from one of Emery's business partners.

Nanlamig ako nang bahagya.

Nandoon si Emery, standing beside a few people in formal wear.

Some women.

Some older investors.

At napakunot-noo ako.

Mga lalaki.

Businessmen.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

At may isang pamilyar na mukha.

Si Robert.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Napalapit ako sa screen.

Ang sinabi ni Emery,

'No men are joining this trip.'

Napalunok ako.

Baka late addition?

Baka misunderstanding?

Pero bakit hindi niya sinabi?

Dalawang araw na sila doon.

Tinignan ko ulit yung picture.

Everyone looked... comfortable.

May isa pang photo.

Emery laughing while Robert is beside her. Andoon rin si Charlotte.

Too close?

Or ako lang?

Mabilis kong pinatay ang screen.

No.

Hindi ako magiging irrational.

Hindi ako ganoon.

Pero bakit parang may malamig na pakiramdam sa tiyan ko?

Parang may mali.

Mabilis kong pinindot ang contact ni Emery.

Calling...

Tumibok ang puso ko nang mas mabilis.

One ring.

Two.

Three.

Four.

Voicemail.

Napakurap ako.

Maybe pagod siya.

Maybe sleeping.

Maybe busy.

Mabilis akong tumawag ulit. This time, mas kinakabahan na, at hindi ko alam kung bakit.

Ring.

Ring.

Ring.

No answer.

Napakagat-labi ako.

Okay, self, calm down.

Business trip, meeting. At baka busy lang, baka pagod, baka tulog.

Pero habang mas lalo kong pinapaliwanag sa sarili ko, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko at mas lalong bumabalik yung panaginip.

Napahigpit ang hawak ko sa phone.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong hindi maipaliwanag na takot na gumagapang sa dibdib ko.

Mabilis kong binuksan ulit yung picture.

Napatingin ako kay Robert, then kay Emery.

AFTER FEW HOURS...

Hindi na ako nakatulog at katatapos ko lang ihatid ang mga bata sa school.

Tahimik ang kotse.

Too quiet.

Yung klase ng katahimikan na mas lalong nagpapalakas ng overthinking ko.

Hindi pa rin ako okay.

Hindi matapos-tapos yung bigat sa dibdib ko.

Yung panaginip at higit sa lahat si Emery.

Hanggang umaga, hindi siya nag-reply hindi rin tumawag.

Napahigpit ang hawak ko sa steering wheel habang nakaparada ako sa gilid ng kalsada.

Maybe I was overthinking.

Maybe I was being dramatic.

Pero bakit parang may mali?

Bigla namang ng nag-vibrate ang phone ko.

HONEYMYLOVESOSWEET Calling...

Agad akong napatuwid. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag naririnig kona ang boses niya.

Relief.

Inis.

Takot.

Halo-halo.

Mabilis kong sinagot.

"Hello?"

Tahimik muna sa kabilang linya. Then-

"Baby."

Mahina ang boses ni Emery at parang pagod.

"Sorry. I got busy."

Napapikit ako sandali.

Busy.

Right.

"Busy?" Mahina kong ulit, pero mas malamig na kaysa sa gusto ko.

"Amor-"

"No, wait." Napailing ako kahit hindi niya nakikita. "I just want to understand."

Huminga ako nang mabigat.

"You didn't answer my calls."

"Baby, I was in meetings-"

"It was morning," Sabi ko.

Mas mabilis na ngayon ang tibok ng puso ko.

"We're in the same country, Emery," Dagdag ko.

"I was in a breakfast meeting, baby."

"Why didn't you answer kaninang mas umaga? Ano 'yun? May meeting kayo ng four to five?"

"Baby, I was sleeping-"

Napalunok ako, pilit pinapakalma ang sarili ko.

"Why are there men in that business trip?"

Tahimik ulit.

Masyadong tahimik.

Napahigpit ang hawak ko sa phone.

"You told me there weren't any," Dagdag ko.

"Things changed," Mabilis niyang sagot.

Too fast.

Parang prepared.

"Things changed?" Mahina kong ulit.

"Last-minute additions lang."

"Then why didn't you tell me?" Dagdag ko.

"Because it wasn't important," Sabi niya.

Ayan na naman siya, parang may kumurot sa dibdib ko.

Hindi important?

"Not important?" Napatawa ako nang mahina. "You literally told me there would be no men there."

"Amor, seriously?"

Napatigil ako.

May inis na sa boses niya ngayon.

"You're making this a bigger issue than it is," Sabi niya.

Parang may sumikip sa lalamunan ko.

"I'm asking because you lied," Sabi ko.

"I didn't lie," Sagot niya.

"You said no men!" Sabi ko.

"Because originally wala!"

"Then bakit hindi mo nga sinabi nung nagbago?" Sagot ko.

"Why are you acting like this?" Tanong niya.

Acting like this?

Actually, kahit ako hindi ko na rin alam. I used to trust her no matter what, pero ngayon parang may pumipigil sa'kin.

"Like what?" Mahina kong tanong.

"Possessive."

Napakurap ako, parang may tumama sa puso ko.

"What?"

"Baby, I'm working."

Mas bumaba ang boses ni Emery, pagod na medyo frustrated.

"I can't keep updating you every second," Dagdag niya.

"Sinasabi ko lang naman yung nararamdaman ko..." Halos pabulong kong sabi, at ramdam kong namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.

"I saw pictures online, Emery."

"You didn't answer."

"You said something else."

"At gusto ko lang marinig galing sa'yo."

Sunod-sunod kong sabi.

"Robert's here too, because he joined the business side recently," Mabilis niyang sabi. "I forgot to mention it."

Hindi normal yung kaba ko parang natatakot ako.

"Amor?"

Nilunok ko yung parang nakabara sa lalamunan ko.

"Why didn't you tell me?"

Pagod na bumuntong-hininga si Emery.

"Because I knew you'd react like this."

She finally said it.

That hurt more than it should.

Parang biglang lumiit yung sasakyan.

Parang sumikip ang hangin.

"So kasalanan ko?" Tanong ko.

"No, that's not what I said," Sabi niya.

"Then what are you saying?" Tanong ko.

"I just don't want drama right now."

Nanahimik ako.

Mas masakit pala minsan kapag hindi sumisigaw.

Kapag simpleng salita lang.

Pero tumatama.

Mabigat.

Masakit.

Mahapdi.

Outside the car, naririnig ko ang mga batang nag-uusap habang papasok sa school.

Normal morning.

Normal world.

Pero parang may kung anong nag-crack sa loob ko.

Mahina akong tumawa, pero this time, rinig ang sakit.

"Okay," Sabi ko na lang.

"Baby-"

"No, it's okay," Sabi ko na lang.

Maybe I'm being too much too.

"Just... call me later," Sabi ko.

Matagal bago siya sumagot.

"Okay."

Napatingin ako sa black screen matapos maputol ang tawag, at doon ko lang napansin na nanginginig pala ang kamay ko.

After a few minutes-

My phone lit up again.

A notification.

New tagged photo from the same account.

Si Emery and Robert, together with the others, smiling at the photo.

A FEW HOURS LATER.

Mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

Kahit anong pilit kong mag-focus sa errands, bumabalik pa rin ang isip ko kay Emery.

Sa tawag.

Sa picture.

Sa panaginip ko.

At sa weird na kaba na hindi ko maipaliwanag.

Kaya nang oras na para sunduin ang mga bata, honestly, medyo na-relieved ako.

Sakto, kailangan ko ng distraction.

Huminto ako sa parking area ng school at automatic na napatingin sa usual waiting spot nila.

Wala.

Napakunot-noo ako.

Maybe nasa classroom pa.

Kaya kinuha ko ang bag ko at bumaba ng sasakyan pagpasok ko sa school, dumiretso ako sa classroom.

Empty.

"Excuse me, ma'am," Tawag ko sa teacher na nag-aayos ng papers. "Have you seen Collie and Callie?"

"Oh, they already left with someone."

Left?

Someone?

Hindi sila pwedeng umalis basta-basta o sumama kung kanino man. Sigurado akong hindi si Robert o si Charlotte ang kasama nila dahil nasa business trip sila.

Mabilis akong lumabas, medyo kinakabahan.

Tinignan ko ang hallways.

Ang school garden.

Ang gym.

Wala pa rin sila kaya mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Have you seen Collie?" Tanong ko sa isang classmate nila.

Umiling.

Another kid shrugged, hanggang sa may batang biglang nagsalita.

Yung batang minsang nasuntok ni Collie.

"Miss Amor?"

Napalingon ako.

"They're outside."

"Outside?" Agad kong tanong.

Tumango siya.

"Sa gilid po, near the university."

Nanlaki ang mata ko.

Outside?

Anong ginagawa nila doon?!

Mabilis akong naglakad palabas. Actually, hindi nga ito lakad, almost jogging.

Habang palapit ako sa side road near the university, may narinig akong sigawan at tawanan.

Then isang pamilyar na boses.

"Roses are red, violets are blue-if God made me beautiful, what happened to you?!"

"WOOOOOO!"

Napahinto ako.

What. The. Hell.

Pagliko ko, tumambad sa akin ang isang crowd ng students, iba-ibang uniform, pati mga college students nanonood. At agad kong napansin ang public school uniform ng school na malapit rin dito sa university.

Napatingin ako sa gitna at nakita ko si Collie.

Hands on hips, mukhang handang makipagbardagulan, at katabi niya si Callie, hawak ang bag nila, tahimik pero present, parang emotional support bodyguard.

Napahawak ako sa noo.

OWGAG.

May kaaway sila.

Isang batang babae na mukhang isang insulto na lang, iiyak na. At bago pa ako makalapit, may nakita akong pamilyar na pigura sa gilid, nakatayo at parang nanonood rin.

Hindi ko makita nang maayos ang mukha dahil nakatalikod, pero sure akong si-

Jasmine?

Parang siya talaga.

Lumapit ako at tinapik ang balikat niya. Napalingon siya.

"Jasmine?!"

Nanlaki ang mata nito.

"Oh-hi."

"What are you doing here?!" Tanong ko.

"Observing?" Sabi niya.

Parang normal lang ang lahat ng nangyayari sa harap namin.

Biglang sumagot yung batang kaaway ni Collie.

"Roses are red, violets are blue-if your parents say you're beautiful, they're lying to you!"

"OHHHHHH!"

Nag-ingay ulit ang crowd. Napapikit ako.

Lord.

Hindi ito pwede. This must end now.

Aabante na sana ako pero biglang hinawakan ni Jasmine ang braso ko.

"Wait," Sabi niya.

"What do you mean, wait?!" Tanong ko.

"Honestly?" Pinipigilan niya ang tawa niya. "Collie's winning."

"Jasmine!"

Pero bago pa ako tuluyang makalapit, sumagot na agad si Collie.

Walang hesitation.

"Roses are red, violets are blue, every time I flush the toilet, I remember you!"

Napabuka ang bibig ko.

Biglang sumabog sa tawanan ang paligid.

"EWWWW!"

"TAE!"

"brO GOT COOKED!"

Yung isang bata halos umiyak na.

COLLIE?!

Mukhang may susunod pa siyang sasabihin, kaya this time, dere-diretso na ako.

"COLLIE!"

Bigla siyang tumahimik, parang na-freeze frame siya.

Napalingon lahat sa akin.

Si Collie, unti-unting napalingon.

Then-

"Ow, hi, my lovely mama."

Yung 'ow' na alam mong nahuli.

"Sa kotse, now." Sabi ko.

"But-" Protesta niya.

"Now."

Slowly, kinuha ni Callie ang bag nila.

Si Collie naman, naglakad na parang unfair ang mundo.

At si Jasmine, sumunod na parang walang nangyari.

Pagdating sa kotse, bigla siyang sumilip.

"So... can I hop in?"

Napalingon ako sa kanya.

"No."

Tumahimik siya. Then-

"Please?"

Napabuntong-hininga ako.

Honestly?

Pagod na ako para mag-isip.

"Fine."

"Yes."

Pagkapasok naming lahat, tahimik muna.

Nasa driver's seat ako. Si Callie, tahimik sa likod. Si Collie, naka-cross arms. Si Jasmine, mukhang entertained pa rin sa gilid ko.

Huminga ako nang malalim, then tumingin sa rearview mirror.

"Why?" Tanong ko.

Tahimik lang siyang umiiwas sa tingin ko.

"Why are you doing that?" Ulit ko.

Sumagot si Collie, straight-faced, parang walang kasalanan.

"Because my Linda said no violence allowed, mama. Bawal ako ma-guidance."

Napakurap ako.

"...What?"

"So I did it outside the school."

Biglang tumigil ang utak ko.

"I looked online po," Dagdag niya casually, sabay tingin sa gilid, "For someone I can let out my frustrations on without violating school rules po."

Biglang natawa si Jasmine. Ang nakakaasar pa, malakas.

Napalingon agad ako sa kanya at binigyan siya ng masamang tingin.

"Isa ka pa."

Biglang pinigilan ni Jasmine ang tawa niya.

"Sorry. Sorry."

Sabi niya, sabay kagat-labi para pigilan ang ngiti.

Napatingin ulit ako kay Collie.

"Collie."

Lumingon siya sa akin. Wala pa siyang sinasabi pero halatang defensive agad.

"Let's talk about this later," Sabi ko.

Tahimik ulit ang sasakyan hanggang sa narinig ko ang mahinang boses ni Callie mula sa likod.

"Pero Mama, Collie kinda ate that argument po," Sabi ni Callie.

Napapikit ako.

Jasmine lost it. Tawang-tawa siya, at ako, napahawak na lang ng mahigpit sa manibela.

Because somehow, in the middle of my terrible day, my children decided to start a school rap battle.

FEW HOURS HAD PASSED.

It's already past 9 PM.

The whole living room was dimly lit. Tanging warm yellow lamp sa gilid ng couch at ang liwanag ng TV ang nagbibigay-buhay sa madilim na paligid.

Naka-upo ako sa gitna ng malaking couch habang naka-cross legs, hawak ang isang bowl ng popcorn na halos hindi ko naman nagagalaw.

Sa kanan ko si Callie, nakahiga habang nakayakap sa unan niya.

Sa kaliwa naman si Collie, naka-upo nang maayos pero sobrang focused sa pinapanood naming movie na parang anytime sasabog sa excitement.

"Mama Amor..." Mahinang tawag ni Collie habang hindi inaalis ang tingin sa TV.

"Hm?" Sagot ko habang inaabot ko ang kumot para mas maayos na matakpan ang legs niya.

"Kapag maliit na monster ba, cute... hindi na scary?"

Napatawa ako nang mahina.

"Depende," Sagot ko. "Kapag kagaya mong, cute lang talaga."

Ngumuso siya.

"Hindi ako monster!"

"Correct," Singit agad ni Callie habang nakatingin pa rin sa TV. "Because mas scary ka kapag gutom."

"ATE CALLIE!"

Tumawa ako habang nagbabangayan na naman silang dalawa.

God.

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Emery maging sobrang patient sa pagpapalaki sa kambal.

Napabuntong-hininga ako.

Emery.

Napunta agad doon ang isip ko nang muling mag-vibrate ang cellphone ko sa center table.

HONEYMYLOVESOSWEET Calling...

Humigpit ang hawak ko sa popcorn bowl.

Again.

Pang-ilan na ba ito?

Lima?

Anim?

Hindi ko na mabilang. Kanina pa siya tawag nang tawag pero hindi ko sinasagot.

Hindi dahil ayaw ko.

Hindi dahil galit ako.

Hindi dahil wala akong pake.

I was just tired and confused.

And honestly?

A little hurt.

Kanina pa kasi kami nagtatalo through text. Actually, hindi naman talaga away, more like misunderstanding.

Overprotective na naman siya sa kung ano ang gusto niyang paniwalaan.

Muling nag-vibrate ang phone.

Napakagat ako sa lower lip. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba.

"Mama Amor..."

Napalingon ako kay Collie. Nakatingin siya sa phone ko.

"Si Mommy po ba?" Tanong niya.

Bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may guilt na biglang sumiksik sa dibdib ko.

"Yeah," Mahina kong sagot.

"Why don't you answer po?" Inosente niyang tanong.

Si Callie naman, napataas ng tingin.

"Baka miss ka na po ni Mommy."

God.

Kids are brutally honest talaga.

Napailing ako habang pilit na ngumiti.

"Mamaya, okay? Movie muna."

Mukhang gusto pa nilang magtanong, pero tumahimik na rin sila. Sakto namang-

"Amor?"

Napalingon ako sa direksyon ng hallway. Isa sa mga maid ng bahay ang papalapit.

"May package raw para sayo."

Napakunot-noo ako.

"Package po ate?"

Tumango siya.

"Opo. Kakadating lang at wala sender."

Biglang may kakaibang pakiramdam na gumapang sa dibdib ko hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba sa dibdib ko.

Tumayo ako mula sa couch.

"Stay here, okay? Don't move."

"Can we eat ice cream po, Mama?" Tanong agad ni Collie.

"After the movie."

"Aw."

Naglakad ako papunta sa gilid at doon ko nakita ang isang medium-sized brown envelope.

Simple lang.

Walang pangalan.

Walang address.

Walang kahit anong clue.

Parang basta lang iniwan.

"Who gave this?" Tanong ko.

"Delivery rider lang. Umalis din agad," sabi ni Ate.

Humigpit ang hawak ko sa envelope.

Something feels really off.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at agad akong natigilan.

Mga litrato.

Hindi lang tatlo o lima.

Maraming litrato.

Isa-isa kong inilabas, pero may ilang litrato ang agad na nakakuha ng atensyon ko.

Sa unang photo-

Dalawang lalaki.

Magkasama.

Magkalapit.

Close enough para masabing may koneksyon sila.

Pero natigilan ako.

Parehong may takip ang mukha.

I should say intentionally covered na parang ayaw ipakita kung sino sila.

Napakunot-noo ako.

"What..."

Second photo.

A car.

Black luxury car.

Parang familiar, pero hindi ko maalala kung saan ko nakita.

Third photo.

Another angle.

Same car.

Different place.

Then-

My fingers stopped.

Biglang bumagal ang tibok ng puso ko.

Isang litrato ng bahay.

Hindi mansion.

Hindi sobrang laki.

Hindi rin maliit.

Pero elegante.

Simple.

Minimalist.

At kitang-kita mong mayaman ang may-ari.

'Yung tipo ng bahay na hindi flashy, pero alam mong old-money vibes.

Large windows.

Neutral colors.

Wide driveway.

Tiningnan ko itong mabuti.

Somehow, same sa car something about it felt familiar.

Too familiar.

Napakunot-noo ako.

Bakit parang nakita ko na ito?

Pero saan?

Kailan?

At higit sa lahat, bakit pinadala sa akin ang mga ito?

Anong koneksyon ko rito?

Sino 'tong dalawang lalaki?

At bakit naka-cover ang mukha nila?

Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga lalaki sa panaginip ko.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Mabilis akong napalingon sa sala kung nasaan ang kambal.

Still safe.

Still laughing.

Still innocent.

Then my phone vibrated again.

Emery Calling...

Huminga ako nang malalim at pinatay agad iyon.

For some reason, hindi si Emery ang una kong naisip tawagan.

Kundi si Tita Tere.

Mabilis kong pinindot ang contact niya at isang ring lang-

"Amor?"

"Tita..."

Tahimik ako sandali dahil hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Tita... may weird na package akong natanggap."

"What kind of package?" Tanong niya, at kahit hindi ko siya kita, alam kong nakakunot-noo siya.

"Pictures."

Tahimik. Then-

"What pictures?"

Hindi ko maipaliwanag, pero biglang bumigat ang atmosphere.

"Dalawang lalaki... covered yung faces nila. Then car pictures... tapos may house."

Biglang natahimik si Tita Tere.

"Tita?" Tawag ko.

"Tita?" Ulit ko.

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Then finally-

"Amor," Mahina pero seryoso niyang tawag.

"Yes po?"

"Hide the pictures."

Natigilan ako.

"What?"

"Hide them."

"But why?" Tanong ko.

"Tita... what's happening?" Dagdag ko.

"Tomorrow," Putol niya agad. "Dalhin mo sa akin bukas."

"Tita-"

"I'll check it," Sabi niya.

Mas lalo akong kinabahan.

"Check what?"

Tahimik ulit. Then-

"I'll figure out who sent it."

Napakagat ako sa labi.

"Tita... kinakabahan ako."

"I know."

"Tita, who are these people?"

"Hindi ko pa alam," Sagot niya agad, pero iba ang tono niya.

"But-"

"Listen to me carefully, Amor."

Biglang naging seryoso ang tono niya.

"Don't tell anyone first."

"Even Emery?"

"Especially not yet."

"Why?"

"I just need to make sure of something," Sabi niya.

Humigpit ang hawak ko sa envelope.

"Amor," Mas lumambot ang boses niya.

"You trust me, right?" Tanong niya.

Napapikit ako sandali.

"Of course."

"Then let me handle this."

Huminga siya nang malalim.

"You'll be okay. I promise."

Pero kahit anong assurance ang ibigay niya, hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko.

Pakiramdam ko, may isang bagay na matagal nang itinatago sa akin.

At pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang malalaman ko.

At mas lalo pang lumala ang pakiramdam na iyon nang muli kong tignan ang litrato ng bahay.

Because somehow, somewhere deep inside me, parang kilala ko ang bahay na iyon.

Pero hindi ko lang maalala kung bakit.

Hindi mawala sa isip ko.

Kahit anong pilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga litrato.

Especially that house.

Parang may kung anong familiar doon.

Pero hindi ko ma-pinpoint.

Parang nasa dulo lang ng utak ko, sobrang lapit nang maalala o nahawakan, pero hindi ko mahawakan.

Humigpit ang hawak ko sa envelope habang nakatayo sa kitchen.

Should I tell Emery?

Napabuntong-hininga ako.

No.

Hindi muna.

Tita Tere sounded serious, at kung si Tita Tere na usually calm ang biglang naging ganoon ka-tense...

Then maybe this was something bigger than I thought.

Napatingin ako sa cellphone ko.

12 missed calls.

From Emery.

May kasamang messages.

Emery: Please answer.

Emery: Amor, I'm worried.

Emery: Baby, don't do this.

Napakurap ako.

Baby.

God.

Bumigat ng kaunti ang dibdib ko. Hindi naman kami nag-aaway before, pero recently napapadalas na.

Mostly dahil sa pagseselos ko. Aminado naman ako doon.

Napailing ako at pinatay ang screen.

"Mama Amor!"

Napapitlag ako.

Paglingon ko, nakatayo na ang kambal sa gilid ko, parehong nakasimangot at naka-cross arms, parehong judgmental makatingin.

"You said don't move po," Sabi ni Callie.

"We didn't move," Dagdag ni Collie.

"Pero bakit ang tagal mo po?" Sabay nilang tanong.

Napatawa ako nang mahina.

"Sorry."

Lumapit ako sa kanila at yumuko.

"May inasikaso lang."

Tumaas ang kilay ni Collie.

"Secret?"

Natawa ako.

Agad silang tumakbo pabalik. Ako naman, nagpaalam na aakyat saglit para itago muna ang envelope sa loob ng drawer sa guest room.

Hidden.

Tomorrow ko na iisipin at poproblemahin. For now, I just want peace.

Pagbalik ko sa sala, parang may mini war zone na.

Blankets everywhere.

Pillows sa floor.

Snack wrappers.

Stuffed toys.

At ang kambal?

Nakagawa na ng sariling 'movie fort.'

"Mama Amor!" Excited na tawag ni Callie.

"You're late!" Reklamo ni Collie. "The popcorn got cold!"

Napakunot-noo ako.

"Popcorn gets cold?" Tanong ko kahit alam ko naman.

"Yes," Confident niyang sagot.

Napatawa ako.

"Emotionally," Dagdag niya.

"Collie, that makes zero sense."

"Exactly."

Napailing na lang ako habang umuupo sa gitna nila.

God.

These kids are dangerous. Parang contagious ang pagiging weird nila.

"Ano'ng next movie?" Tanong ko.

Biglang sumigaw si Callie.

"Cartoon!"

"No!" Kontra agad ni Collie. "Action!"

"Princess!"

"Robots!"

"Princess!"

"Explosion!"

"PRINCESS!"

"BOOM BOOM BOOM!" Tuwang tuwa niyang sabi.

"HEY!" Natatawa kong saway.

"Compromise."

Pareho silang napatingin sa akin.

"Animated movie with action."

Biglang lumiwanag ang mga mukha nila.

"YAAAAAY!"

Makalipas ang ilang minuto, nagsimula ulit ang marathon, at naging magaan ang atmosphere.

Tumatawa kami, nagbabatuhan ng popcorn, nag-aasaran. Hanggang sa unti-unting nawala ang bigat sa dibdib ko.

At least for now.

May eksena sa movie na sobrang dramatic.

Biglang umiyak ang character. Then-

"What a fake cry," Sabi ni Callie.

Tumango si Collie.

"Hindi believable."

Napabaling ako sa kanila.

"You two are eight."

"Exactly po," Sagot ni Collie.

"And we know acting."

Napahawak ako sa noo.

Lord...

"Mama Amor?"

"Hmm..?"

"Kapag nag-break kayo ni Mommy," Casual na tanong ni Collie.

Bigla akong nabulunan sa juice.

"WHAT?!"

Tumawa sila.

"Relax," Sabi ni Collie.

"Hypothetical question lang po."

Napailing ako.

"Hindi kami magbe-break."

"How sure po?" Tanong Callie.

"Very sure."

"Because Mommy is scary?" Sagot na tanong ni Collie.

Natawa ako.

"She's not scary."

Tahimik sila pareho, then sabay nilang sinabi,

"She is."

Napatawa ako nang malakas.

Okay.

Fair point.

Sobrang nakakatakot rin talaga ni Emery.

Especially pagdating sa kanila at lalo na sa akin.

"Pero love niyo si Mommy?" Tanong ko.

Sabay silang tumango.

"Super," Sabi ni Callie.

"But-" Singit ni Collie.

"You make her softer."

Bigla akong natahimik.

"What?"

"She smiles more," Dagdag ni Callie.

"And sleeps better," Sabi ni Collie.

"And she laughs."

Biglang may kumirot sa dibdib ko.

I miss her.

Kahit kanina pa akong dedma sa calls niya, napahinga ako nang malalim.

Maybe...

Maybe I should call her later kapag tulog na ang kambal.

Maya-maya-

Lumalim na ang gabi.

Around midnight, humina na ang energy ng twins.

Si Callie ang unang bumagsak, nakahiga na sa lap ko habang yakap ang unan, antok na antok.

Si Collie naman, pilit lumalaban.

"I'm not sleepy," Sabi niya habang naka-cross arms.

Napatingin ako sa kanya.

Half-closed na ang eyes niya.

"Sure."

"I can stay awake."

"Really?"

"Yes po."

Two seconds later-

Tulala.

Three seconds-

Head bobbing.

Five seconds-

Tuluyan nang nakatulog habang hawak pa ang popcorn.

Napangiti ako.

So cute.

Tahimik na ulit ang sala.

TV na lang ang nag-iingay.

Mahinang tunog lang.

Napahiga ako nang bahagya sa couch habang nasa tabi ko ang kambal.

Blanket covering all three of us.

And for the first time tonight, tahimik ang isip ko.

No weird thoughts.

No mystery.

No anxiety.

Just warmth and comfort.

Unti-unti ring bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na rin akong nakatulog.

Ilang beses pang tumawag si Emery sa kalagitnaan ng gabi.

Kaya naalimpungatan ako at itinaas na ang mga bata sabay natulog ulit.

HOURS HAD PASSED

"Mama Amor..."

Mahinang boses, parang nanggagaling sa malayo.

Unti-unti naman akong napamulat.

May nakadagan sa braso ko. Pagmulat ko, si Callie, mahimbing pa rin ang tulog habang nakayakap sa unan niya.

Habang si Collie, nakatayo sa harap ko, gusot ang buhok, naka-pajama, mukhang kakagising lang.

Pero ang expression niya?

Hindi normal.

"Mama Amor..." Ulit niya.

"Gising na po..."

Napakurap ako.

"Hm?"

"Mommy's home po."

Bigla akong natigilan at napabangon agad ako.

"Mommy?"

Tumango siya.

"And..."

Nag-alangan siya.

"She looks mad."

Nanlamig kaagad ang tiyan ko. Instinctively, napatingin ako sa cellphone ko.

23 missed calls and a lot of messages from Emery.

Napapikit ako sandali.

Shit.

Hindi ko siya nasagot buong gabi. Mabilis akong bumangon.

"Ano oras na?"

"Almost eight po," Sagot ni Collie.

God.

Napabuntong-hininga ako.

"Okay, okay..."

Bago bumaba, pumunta muna ako sa kwarto namin dahil sa kwarto ni Collie kami natulog.

Agad akong nag-ayos at bumaba na rin.

Pagkababa ko, ramdam ko ang katahimikan.

Too quiet.

No greeting.

No 'Good morning.'

No Emery voice calling me, and somehow, that scared me more. I think I went too much.

I'm preparing myself sa kung anong sasabihin niya.

Pagdating ko sa baba, nakita ko siya nakatayo sa may kitchen island.

Still in black slacks, black polo, hair slightly messy, at naka-crossed arms siya.

And God.

Her face.

Cold.

No smile.

No softness.

No warmth.

Just complete disappointment, at mas lalong bumigat ang dibdib ko.

"Em..."

Mahinang tawag ko. Hindi siya agad nagsalita. Tumingin lang diretso sa akin.

"Let's talk," Flat niyang sabi.

Parang stranger.

Hindi girlfriend.

Hindi partner.

Napakagat-labi ako.

"O-okay..."

Hindi na siya naghintay. Naglakad agad siya pataas.

Mas lalo akong kinabahan.

Pagpasok namin sa room, hindi ko na nagawang isara ang pinto.

Parang wala na akong lakas para gawin kahit ang simpleng bagay na iyon.

Mabigat ang atmosphere. Sobrang bigat na parang kahit ang hangin sa paligid namin ay hirap gumalaw.

Tumayo siya malapit sa bintana habang ako naman ay nanatili sa tabi ng kama.

Magkalapit kami.

Pero pakiramdam ko, milya-milya ang layo namin sa isa't isa.

"Why didn't you answer?"

Diretso.

Walang greeting.

Walang yakap.

Walang "I missed you."

Walang kahit ano.

Iyon agad.

Napayuko ako.

"I needed space." Sabi ko.

Napatawa naman siya.

Hindi dahil nakakatawa.

Kundi dahil parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Space?"

Tumango ako.

"Emery-"

"I called twenty-three times this morning," Sabi niya, puno ng frustration ang boses.

"I know."

"You ignored me."

"I wasn't ready to talk," Pag-amin ko.

Tumawa siya ulit.

Mahina.

Pero mas masakit pakinggan kaysa sa sigaw.

"Wow. Seriously?" Napailing siya. "Do you know what I was thinking?"

Bahagyang nanginig ang boses niya.

"I thought something happened to you."

"I thought you got hurt."

"I thought-"

Naputol siya.

Napailing.

Pagkatapos ay tumingin sa ibang direksyon na parang pilit niyang pinipigilan ang emosyon niya.

"I was worried sick."

I felt guilt.

Pero kasabay noon, may kung anong naputol din sa loob ko.

Kasi nasasaktan din ako.

Pagod na rin ako.

"And what about me?" Tanong ko.

Agad siyang napatingin.

"What?"

"You think I wasn't upset?"

Nakatingin lang siya sa akin.

"Emery, we've been fighting about Robert multiple times."

Tahimik lang siya.

Nakatingin.

Naghihintay.

"You keep hiding things."

"I'm not hiding anything," Mabilis niyang sagot.

Napatawa ako nang mahina.

"Oh, really?"

"Amor-"

"What about Robert?"

Nanigas ang panga niya.

Bumalik sa isip ko ang unang beses na nalaman ko kung sino siya.

Ang ex niya.

Ang lalaking tila hindi pa rin tuluyang nawawala sa buhay niya.

"What?" Tanong niya.

"You heard me."

"Robert?"

"Yes." Sagot ko.

"Him again? Seriously?" Sabi niya.

Nagbago ang ekspresyon niya.

Mula sa disbelief hanggang frustration.

"I saw the way he acts around you."

Hindi siya sumagot.

"You don't tell me things." Sabi ko.

"You avoid questions." Dagdag ko.

"Every time I ask, you always say it's complicated."

Napahawak siya sa noo niya.

Parang nauubusan na rin siya ng pasensya.

"You think I'm cheating?" Tanong niya.

Nag-crack ang boses niya.

"No!"

"Then what?"

"It's not about trust!"

Napataas ang boses ko.

Tumawa siya.

Pero sa pagkakataong iyon, masakit na.

Matalim.

Parang basag na salamin na unti-unting bumabaon sa balat.

"You don't trust me."

"I do!"

"Then stop acting like I'm lying to you!"

Napailing ako.

"You don't get it!"

"No, YOU don't get it!"

Mas lumakas ang boses niya.

Parang lahat ng pinipigil niyang emosyon kanina ay unti-unti nang sumasabog.

"I've been trying!" Sigaw ko.

Dahil totoo naman.

Sinubukan ko.

Araw-araw.

Pero sa tuwing nakikita ko si Robert, bumabalik lahat ng takot.

Lahat ng insecurities.

Lahat ng tanong na pilit kong nilulunod.

"I'm protecting this family!"

"Protecting?"

Natawa ako.

Mapait.

"Or controlling?" Dagdag ko.

Bigla siyang natahimik matapos kong sabihin iyon.

At doon ko nakita nasaktan ko siya.

Talagang nasaktan ko siya.

Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.

Parang papel na unti-unting pinupunit sa harapan ko.

"Wow," Mahina niyang sabi.

"You really think that low of me?"

Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko.

"I didn't mean-"

"No."

Pinutol niya ako.

"Say it."

Tumingin siya diretso sa akin.

Hindi siya umiiyak kaya mas masakit makita.

Kasi alam kong pinipigilan niya.

"You think I'm controlling?"

Napailing ako.

"You're twisting my words!"

"You're accusing me!"

"Because you give me reasons!"

Napalakas ulit ang boses ko.

Nanahimik siya at ang sakit tingnan ng ekspresyon niya.

Sobrang sakit.

Parang may kung anong nabasag sa loob niya.

"You're being paranoid," Sabi niya.

Mahina.

Pagod.

Pero malinaw.

"I'm just protecting this family. Kahit sobrang liit na bagay, gusto mong palakihin. I avoid questions because you overthink everything." Dagdag niya.

That word.

Paranoid.

Lahat ng sakit.

Lahat ng takot.

Lahat ng insecurities na pilit kong tinatago.

Biglang lumabas.

"PARANOID?" Natawa kong sabi.

Pero nanginginig na ang boses ko.

"Because you're giving me reasons to be!"

"You hide things!"

"You expect me to just trust blindly?!"

"And what about you?!" Sigaw niya pabalik.

Ngayon ay hindi na niya napigilan.

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya at doon ako lalong nasaktan.

Dahil bihira siyang umiyak pangalawa palang to.

"You made me feel like I don't deserve your trust."

Parang may humigpit sa lalamunan ko.

"How can you say you love me if you can't even give me your full trust?"

Unti-unting bumagsak ang mga luha niya.

Hindi marami.

Hindi dramatic.

Pero bawat isa roon, parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko.

"Amor..." Mahina niyang sabi.

"Love and trust come together."

Nanahimik ang buong kwarto.

Walang nagsalita.

Walang gumalaw.

Tanging mahihinang hikbi niya lang ang naririnig ko at bawat segundo ng katahimikang iyon ay parang isang taon.

Masakit.

Nakakasakal.

Nakakadurog.

Then she laughed.

A broken laugh.

Yung klase ng tawa na ginagawa ng isang taong pagod nang umiyak.

"You know what?" Mahina niyang sabi.

"Maybe no matter what I do..."

Napasinghap siya parang hirap na hirap nang magsalita.

"It'll never be enough for you."

Parang may kumuyom sa puso ko.

Mahigpit.

Masakit.

Natakot ako.

Hindi dahil sa away.

Hindi dahil kay Robert.

Kundi dahil baka tama siya.

Baka sa kakatakot kong mawala siya...

Ako mismo ang dahilan kung bakit unti-unti siyang nawawala sakin.

"Emery..."

Then a tiny sound could be heard outside.

Parang hikbi. Pareho kaming napatingin.

Door slightly open, and there.

Collie was standing while tears streaming down her face.

"M-mama..."

Nanlamig ang buong katawan ko.

"Collie-"

Napaatras siya.

"You're fighting po..."

"Baby-" Mabilis na sabi ni Emery.

Pero bigla siyang tumakbo.

"COLLIE!" Sigaw ko.

Tumakbo kami palabas.

"Collie, wait!"

Pero mabilis siya.

"COLLIE!" Sigaw ni Emery.

Pagkalabas ni Collie ng gate-

Suddenly, the sound of car brakes could be heard. A sudden scream outside. A few people shouting.

And then the kind of silence that makes your entire world stop. Hindi ko na maalala kung paano ako tumakbo.

Because all I could think was, please let her be okay.

Everything became a blur to me.

Parang biglang nawalan ng kulay ang mundo ko hindi ko maalala kung paano ako nakalabas ng bahay hindi ko maalala kung paano tumakbo ang mga paa ko.

All I remember was seeing Collie lying on the ground, too still, too quiet, and too much blood in her tiny body.

"COLLIE!"

Hindi ko namalayang napaluhod ako.

My whole body was shaking violently.

"Baby-baby-please..."

"Humihinga pa ba siya?"

"Bigla siyang tumakbo."

"Sorry po sorry."

"Humihinga pa ba?!"

Mga sinasabi ng mga tao sa paligid hindi ko ma-process.

My hands were trembling so badly, I couldn't even touch her properly.

"Call an ambulance!" Sigaw ng kung sino.

"Someone call 911!"

"MAMA..."

Narinig ko si Callie, umiiyak sa likod.

Then Emery, for the first time since I knew her, she looked terrified.

Completely terrified.

"COLLIE!"

Lumuhod siya agad.

Her hands was shaking too.

"Baby, look at Mommy..."

Her voice cracked.

"Please..."

God.

No.

No.

No.

This wasn't supposed to happen.

This was my fault.

My fault.

Because we fought.

Because I yelled.

Because I said hurtful things.

Because of my overthinking.

If I just stayed quiet.

If I just-

"Amor!"

Hindi ko namalayang hawak na pala ako ni Emery.

"Help me!" Magmamakaawa niyang sabi habang pilit na binubuhat si Collie.

Pero hindi ako makagalaw.

I was frozen, shaking, like something inside me had been triggered.

A fear.

An old fear.

A horrible fear.

Parang mawawalan ako ng hangin.

Parang may humihila sa akin pababa.

Then sirens.

People moving.

Voices everywhere. And suddenly-

Hospital.

The next three hours felt like torture.

No, actually, worse than torture because torture ends.

This?

This felt endless.

Tahimik ang hallway ng hospital.

Cold white walls, bright lights,

the smell of antiseptic , machines,

Doctors walking fast.

And us-

Waiting.

Waiting.

Waiting.

No one speaking.

No one breathing properly.

Si Callie, buhat ng isang nanny habang umiiyak pa rin kahit pagod na.

Si Emery, hindi gumagalaw. Nakatayo lang.

Hands covered in dried blood.

Collie's blood.

God.

Napahigpit ang hawak ko sa sleeves ko.

Hindi ko siya kayang tingnan.

Hindi ko kayang tingnan kahit sino.

Because deep inside, I knew this happened because of me.

If we didn't fight-

If I didn't bring up Robert-

If I didn't yell-

Collie would still be okay.

Right?

Then the door opened.

"M-My daughter?" Tanong agad niya sa lumabas na doctor.

The doctor with his serious face.

My stomach dropped dahil alam ko na ang ibig sabihin nito malala ang tama ni Collie.

"She's stable for now," Sabi ng doctor.

For now.

Hindi 'okay.'

Not safe.

Just for now.

"She lost a lot of blood."

Biglang nanlamig ang katawan ko.

"We need blood urgently."

Napahawak si Emery sa wall.

"There was prepared blood available," Dugtong ng doctor, "But it won't be enough for the next days."

Dead silent.

"She's in critical condition."

Critical.

That word.

Parang may humampas sa akin. Bigla akong napaupo.

Hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko.

Critical.

Collie.

My baby.

Our baby.

No.

Biglang napahawak si Emery sa buhok niya.

Then, she broke completely.

"I almost lost her..."

Sa sobrang basag ng boses niya, halos hindi ko na makilala.

"My baby..."

Bigla siyang napaiyak.

Hindi simpleng iyak.

The kind of crying that comes from someone breaking apart.

Raw.

Painful.

Hopeless.

Lumapit ako agad.

"Em..."

Tinangka kong hawakan ang braso niya, pero bigla siyang umatras.

"Don't."

Parang may dumurog sa dibdib ko.

"Emery..."

"You said I was controlling."

Her voice shaking.

"You said I gave you reasons."

"Em-"

"She heard us!"

Napataas ang boses niya.

"She heard EVERYTHING!"

Napapikit ako.

"She ran because of us she got scared!"

Her voice cracked again.

"Because of ME," Mahina kong sabi.

Hindi siya sumagot.

But somehow, that silence hurt more.

Tumingin siya sa doctor.

"I already lost one, Doc. I can't afford to lose another. Please do everything. Please save my daughter." Magmamakaawa niyang sabi.

Pagkaalis ng doctor, sakto naman ang pagdating ni Robert.

"Emery."

Napalingon kami.

Mabilis siyang lumapit, and the moment Emery saw him, she completely broke down again napayakap siya rito habang umiiyak.

"I almost lost her..."

"I know," Mahina niyang sabi.

"I'm here." Dagdag ni Robert

Tumayo lang ako roon watching, na parang outsider parang wala akong karapatang lumapit.

Then narinig ko si Robert.

"I'll do everything."

"Anything."

"We'll get blood."

"We'll figure this out."

Then napalingon siya sa akin, and somehow-

He wasn't angry.

Not even blaming me.

Just...

Concerned.

"How are you?" Tanong niya sa akin.

That broke me.

Because how could he still ask me that?

After everything?

Hindi ko siya masagot.

Then more footsteps.

Sunod-sunod.

"OH MY GOD!"

"Where's Collie?!"

"Is she okay?!"

"Asan ang tiyanak ko?"

Jasmine and Calista.

Then-

Lara and Cassandra.

Then-

Hana with Linda.

And lastly, Margaret.

Then-

"Tita..."

Tita Tere.

Bigla akong napayuko.

I couldn't look at them because I already knew what they were thinking.

Kasalanan ko.

Kahit walang nagsasabi.

Kahit walang nangsisisi.

I knew.

And I hated myself for it.

"Amor..."

Tita Tere's voice softened lumapit siya, pero umatras ako.

"I'm okay," Mabilis kong sabi.

Big lie.

"Amor," Jasmine called gently.

"You should sit."

"I'm fine."

"Please-"

"I said I'm fine."

My voice cracked.

Huminga ako nang mabigat.

Then one step back.

Then another.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kaya tignan si Emery.

Hindi ko kaya marinig ang iyak niya.

Hindi ko kaya maramdaman ang guilt.

Because I was drowning in it tumalikod ako at tumakbo.

"Amor!" Sigaw ni Tita Tere.

"AMOR, WAIT!"

"Amor!"

"Stop!"

Hindi ako huminto.

I just ran.

And ran.

And ran.

As if maybe, if I ran far enough, the guilt would stop chasing me.

But deep inside, I already knew no matter where I go, I'd never forgive myself if something happened to Collie.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.