CHAPTER 51BurgeFries.

Seraphine's POV:

Malamig.

'Yan agad ang sumalubong sa akin nang muling magmulat ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang lakas ng aircon sa ospital o dahil unti-unti na akong pinapatay ng takot.

Tahimik ang buong kwarto.

Nakakabinging katahimikan.

Tanging tunog lang ng monitor ni Collie ang naririnig ko.

Beep... beep... beep...

Paulit-ulit.

Mabagal.

Parang bawat tunog ay paalala na buhay pa siya.

Na nandito pa siya.

Na lumalaban pa siya.

Pero hanggang kailan?

Napahigpit ang hawak ko sa maliit niyang kamay.

Ang lamig.

Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon o dahil ilang araw na siyang halos walang malay.

One week.

Isang linggo na mula noong araw na iyon.

Isang linggo na simula nang makita ko siyang duguan sa labas ng bahay, at hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko ang itsura niya habang naka higa.

Walang malay.

Puno ng dugo, halos hindi na humihinga, at ang pinakamasakit?

Kasalanan ko.

Kasalanan namin ni Emery.

Lalo na ako.

Dahil kung hindi sana ako naging pabaya, kung hindi sana ako naging selfish sa kung anong nararamdaman ko, hindi sana nangyari ang lahat-

"Amor."

Napakurap ako nang marinig ko ang mahina ngunit mabigat na boses.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko bago lumingon.

Si Emery.

Nasa kabilang gilid siya ng kama ni Collie.

Tahimik lang.

Mukhang ilang araw nang hindi natutulog.

Magulo ang buhok, namumugto ang mga mata, at halatang pagod na pagod.

Pero ni minsan, hindi siya umalis.

Hindi rin siya kumakain nang maayos.

Hindi rin siya halos magsalita.

At ang mas masakit?

Hindi na rin kami nag-uusap, hindi dahil galit kami sa isa't isa, kundi dahil pareho naming sinisisi ang sarili namin.

Hindi namin kayang tignan ang mata ng bawat isa kasi alam naming pareho na kung hindi nangyari 'yun, hindi sana nandito si Collie.

Wala sanang machine na nakakabit sa kanya. Hindi sana siya nahihirapan.

Tahimik ulit.

Nakakabinging katahimikan. Tanging tunog ng machine ang pumupuno sa buong kwarto.

Hanggang sa bumukas ang pinto.

Agad akong napalingon.

Pumasok si Dr. Agustin.

At hindi ko nagustuhan ang nakita ko sa mukha niya. Parang may balitang ayaw niyang sabihin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tahimik siyang lumapit sa amin bago humila ng upuan malapit sa akin.

Napansin kong napalunok din si Emery.

Hindi kami nagsalita. Parang natatakot kaming marinig ang sasabihin niya.

Huminga nang malalim si doc, at doon pa lang, parang gusto ko nang bumigay.

"Amor, Emery," Mahina niyang panimula.

Pero ramdam ko agad ang bigat sa tono niya.

"I know this has been the hardest week of your lives."

Napakagat-labi ako.

Please.

Please, sabihin mong okay na siya.

Please, sabihin mong gigising na siya.

Please, sabihin mong uuwi na kami.

Pero hindi iyon ang sinabi niya.

"Collie's condition..." Sandali siyang tumigil.

Parang pinipili niya ang tamang salita.

"...is not improving the way we hoped."

Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Collie.

"W-What do you mean, Doc?" Halos pabulong kong tanong.

Pakiramdam ko, nanginginig na ang buong katawan ko.

Tumikhim si Dr. Agustin.

"The trauma she experienced triggered a rare immune response."

Hindi ko maintindihan.

Pero ramdam kong masama 'yun para kay Collie.

"Her body is attacking her bone marrow," Mahinahon niyang paliwanag. "That means hindi nakakagawa nang sapat na dugo ang katawan niya."

Napailing ako agad.

Hindi.

Hindi puwede.

Hindi puwede.

"She urgently needs blood transfusions," Dugtong niya.

Napapikit ako.

Pero ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang sumira sa akin.

"Not just today."

Tumigil siya.

"She's also still bleeding so may need weekly blood transfusions for the next few months..."

Napatingin ako kay Collie.

Sa maliit na katawan niya.

Sa walang kalaban-laban niyang katawan.

"...maybe even longer."

Hindi ko na napigilan.

Tumulo na lang nang tuloy-tuloy ang luha ko. Parang may pumiga sa puso ko.

Weekly?

Every week?

Ganito na ba ang buhay niya?

Hindi ko kaya.

Napayuko ako habang nanginginig ang balikat ko.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko.

Biglang may marahang tunog na upuan. Napalingon ako kay Emery. Tahimik lang siya, pero kitang-kita ko ang panginginig ng panga niya. Namumula na rin ang mga mata niya, at pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita siya.

Mahina at punong-puno ng sakit.

"What if..."

Napasinghap siya.

"What if we stayed calm that day?"

Natahimik ang buong kwarto. Parang huminto ang mundo.

"What if we didn't argue?" Halos pabulong niyang dagdag.

At doon ako tuluyang nasaktan kasi iyon din ang tanong ko sa sarili ko araw-araw.

Paano kung hindi kami nag-away?

Paano kung hindi ko siya pinabayaan?

Paano kung 'di ko na pinaabot kinaumagahan ang pag-aaway namin?

Paano kung sinagot ko ang mga tawag niya?

Paano kung...

Pero wala na.

Nangyari na.

At si Collie ang nagdurusa.

Huminga nang mabigat si Dr. Agustin bago tumingin sa aming dalawa.

"I know both of you are hurting."

Malumanay ang boses niya, pero hindi sapat para pagaanin ang sakit.

"But this isn't anyone's fault."

Napatawa ako nang mahina.

Mapait.

Hindi kasalanan?

Paanong hindi?

"Collie's fight is only beginning," Patuloy niya.

"But she's strong."

Tumingin siya kay Collie.

"And we'll help her through this. Every step," Sabi niya bago tumayo.

"Kailangan kayo ng bata. She's fighting because of you guys, because of her family. Mahal niya kayo, at sigurado akong ayaw niyang nakikita kayong ganito," Mahinahon na sinabi ni Doc bago umalis.

Pagkaalis niya ng kwarto, tumahimik ulit ang paligid.

Mas mabigat.

Mas masakit.

Mas nakakasakal.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig lang kay Collie.

Hanggang sa may maramdaman akong malamig na daliri na bahagyang dumampi sa kamay ko.

Napatingin ako kay Emery.

Hindi siya tumitingin sa akin, pero bahagya niyang inabot ang kamay ko.

Parang hindi sigurado.

Parang takot.

Pero nandoon.

At sa unang pagkakataon matapos ang isang linggo, hindi ko inalis ang kamay ko.

Kahit pareho kaming wasak.

Kahit pareho kaming puno ng guilt.

Kahit pareho naming hindi alam kung paano aayusin ang lahat.

Isa lang ang alam namin.

Hindi namin puwedeng sukuan si Collie.

Hindi habang lumalaban pa siya.

Hindi habang humihinga pa siya.

At hindi hangga't may pagkakataon pa kaming bumawi.

Kahit unti-unti kaming sirain ng sakit.

Kahit bawat araw ay parang impiyerno.

Kakayanin namin para kay Collie ang mahalaga ngayon, buhay pa siya.

Pero bakit pakiramdam ko unti-unti pa rin siyang nawawala?

Napahigpit ulit ang hawak ko sa kamay niya.

"Sorry..." Mahina kong bulong.

Hindi ko alam kung naririnig niya ako.

Hindi ko alam kung may malay ba siya.

Pero sana...

Sana alam niyang nandito kami.

Na hindi namin siya iiwan.

Na hindi namin siya susukuan.

Bigla kong naramdaman ang marahang pagpisil sa kamay ko. Mabilis akong napatingin kay Emery.

Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Nakayuko lang siya.

Lumapit siya nang paunti-unti para mas mahawakan ang isa kong kamay, kahit may kama sa pagitan namin.

.

"Amor..."

Basag ang boses niya dahil sa ilang araw ng pag-iyak.

"Hindi ko na kaya..." Sabi niya.

Sa unang pagkakataon, nakita kong bumigay si Emery.

Si Emery na palaging matatag.

The well-known coldhearted woman sa office.

Iyong taong kahit gaano kahirap, laging may kontrol. Iyong taong kahit umiiyak na ang mundo, kaya pa ring tumayo.

Pero ngayon?

Wasak siya.

Biglang tumulo ang luha niya at sobrang sakit makita.

"I should've protected her," Nanginginig niyang sabi. "I should've let things cool down first..."

Napailing ako agad.

"No..." Mabilis kong sabi kahit umiiyak na rin ako. "Huwag mong sisihin ang sarili mo..."

Napatawa siya nang mahina, mapait.

"How can I not?" Mahina niyang tanong. "Tignan mo siya..."

Napatingin kami pareho kay Collie.

Tahimik na nakatulog, punong-puno ng pasa. Kita mo at mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman niya.

"I failed her..." Bulong ni Emery.

Hindi ko na kinaya. Tumayo ako at linapitan siya sa unang pagkakataon matapos ang lahat, niyakap ko siya nang mahigpit.

Sobrang higpit.

Parang kapag binitiwan ko siya, pareho kaming babagsak.

Nagulat siya sa una. Ramdam ko pa ang pag-freeze ng katawan niya, pero ilang segundo lang, bigla siyang napakapit sa akin.

Mahigpit.

Parang ako na lang ang natitira niyang sandalan at doon siya tuluyang umiyak.

Hindi pigil.

Hindi tago.

Hindi tahimik.

Iyong uri ng iyak na matagal nang kinikimkim.

"I'm sorry..." Paulit-ulit niyang sabi habang nanginginig ang balikat niya. "I'm so sorry..."

Napapikit ako habang hinahaplos ang likod niya.

"I'm sorry too..." Halos pabulong kong sabi.

Kasi totoo naman.

Pareho kaming may pagkukulang.

Pareho kaming nasaktan.

Pareho kaming may guilt.

Pero higit sa lahat, pareho naming mahal si Collie at pareho rin naming mahal ang isa't isa.

Kahit gaano kagulo.

Kahit gaano kasakit.

Hindi iyon nagbago.

Dahan-dahan siyang humiwalay sa yakap.

Namumula ang mga mata niya, pero nakatingin na siya sa akin ngayon nang diretso.

Punong-puno ng sakit at pagmamahal.

"I am afraid.," Mahina niyang pag-amin.

Parang batang nawawala.

"Paano kung mawala siya?"

Parang may pumiga ulit sa puso ko. Hindi ako nakaimik dahil kahit ako, hindi ko alam ang sagot kasi natatakot din ako nang sobra.

Pero hindi puwede.

Hindi ngayon.

Hindi habang kailangan kami ni Collie.

Hinawakan ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas, pero kailangan kong maging matatag para sa kanilang tatlo.

"Hinding-hindi siya mawawala sa atin," Mahina kong sabi kahit nanginginig ang boses ko. "Lalaban tayo."

Tumulo ulit ang luha niya.

"Together?" Tanong niya.

Napaluha ako lalo.

"Together."

At bago ko pa namalayan, marahan niyang idinikit ang noo niya sa noo ko.

Tahimik lang kami. Walang salitang namutawi, pero sapat na sapat na iyong yakap.

Iyong paghawak namin sa isa't isa.

Iyong katahimikan na puno ng pagmamahal.

Na kahit wasak na wasak kami, nandito pa rin kami para sa isa't isa.

TWO HOURS HAD PASSED.

Magkatabi kaming nakaupo ni Emery nang bahagyang bumukas ang pinto, kaya napalingon kami.

Pumasok ang secretary niya, naka-formal attire at may hawak na tablet, halatang nag-aalangan.

"Miss Walls..."

Napatingin si Emery sa kanya.

"Yes?" Pagod niyang tanong.

Bahagyang yumuko ang secretary niya.

"Sorry for disturbing you, ma'am, but the investors are already waiting in the office," Panimula niya.

Napabuntong-hininga naman si Emery.

"Ma'am, they've been asking for you for hours," Maingat niyang dagdag. "The meeting can't be postponed anymore."

Napapikit si Emery.

Halatang pagod.

Halatang walang gana.

Halatang ayaw.

Napatingin siya agad kay Collie, pagkatapos sa akin.

"I can't leave," Mahina niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Go."

Agad siyang napailing.

"No."

"Emery."

Mahina pero firm ang boses ko.

"I'll stay," Pilit niya.

Tumitig siya sa akin, parang nahihirapang magdesisyon.

"I don't want to leave her."

"Hindi mo siya iniiwan," Mahina kong sabi. "You're just going to check something."

Napatingin siya kay Collie. Kitang-kita ko sa mata niya ang guilt.

Ang takot.

Ang pag-aalala.

Kaya marahan kong hinawakan ang pisngi niya.

"I promise," Mahinahon kong sabi. "Aalagaan ko si Collie. I'll check on her."

Tumulo ulit ang luha niya.

"You promise?"

Marahan akong ngumiti.

"I promise," Sabi ko.

Marahan siyang tumango. Lumapit siya sa kama at dahan-dahang hinaplos ang buhok ni Collie.

"Mommy will be back, okay?" Mahina niyang bulong. "You just keep fighting for me, for us..."

"Please, baby. I love you..." Sabi niya.

Pagkatapos, lumapit siya sa akin at walang salita, niyakap niya ako nang mas mahigpit kaysa kanina.

Parang ayaw bumitaw.

Parang natatakot na may mangyari habang wala siya.

"I love you," Mahina niyang bulong sa tenga ko.

Napahinto ako.

Kasi kahit sa gitna ng gulo, hindi niya nakakalimutang iparamdam iyon.

"I love you too," Sagot ko pabalik.

At bago siya umalis, marahan niyang hinalikan ang labi ko.

Pagkatapos, isang huling tingin kay Collie saka siya tuluyang lumabas ng kuwarto. Naiwan akong kasama si Collie.

Sa malamig, tahimik, at mabigat na pakiramdam ng hospital room.

Nakatingin lang ako kay Collie habang marahan kong hinihimas ang buhok niya.

Lumaban ka lang, baby...

Please.

Lumaban ka lang at pinapangako ko na sa pagtanda mo, ibibigay ko si Linda mag papakasal kayo kahit ayaw niya i-shotgun wedding nalang natin siya.

Napailing ako habang nakangiti sa naisip ko.

Agad din naman akong nagseryoso.

Sa susunod, sisiguraduhin kong ikaw muna bago ako. Kayong tatlo muna.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong tulala, kung ilang beses na akong umiyak, kung ilang beses ko nang kinausap si Collie kahit hindi naman siya sumasagot.

Hanggang sa-

BANG!

Biglang bumukas ang pinto. Napatalon ako sa gulat.

"Ano ba-?!"

"SURPRISE!"

Halos mapasinghap ako nang makita sina Lara, Hana, Jasmine, at Linda na nakatayo sa pinto na parang nasa birthday party at hindi ospital.

May dalang paper bags.

May pagkain.

May drinks.

Flowers and balloons.

At si Lara?

May hawak pang malaking paper bag ng fries.

Napakurap ako.

"Bakit mukha kayong magpi-picnic?"

"Support system kami dito, 'wag ka," Proud na sabi ni Jasmine habang pumapasok.

"Correction," Singit ni Hana. "Stress system."

"Pareho lang naman, eh. Stress kay Amor, support kay Collie," Nakangising sabi ni Linda.

Hindi ko mapigilang matawa nang konti.

First time in days.

Parang may konting gumaan.

Lumapit si Lara sa akin at niyakap ako.

"Shet ka," Sabi niya agad. "Mukha ka nang kaluluwa."

"Thanks," Deadpan kong sagot.

"You're welcome."

Tumawa si Jasmine.

"Girl, concern 'yan sa language ni Lara."

"I know," Sabi ko.

"Oo nga pala, kamusta si Cassandra?" Tanong ko.

"Ayon. Kung anu-ano ang gustong kainin," Sabi niya habang bahagyang natulala.

"Oo, weirdo ang lola mo," Sabi ni Linda.

"Bakit? Ano bang kinakain no'n?" Tanong ko.

"Minsan, scramble..."

"Scramble na may sardinas," Sabi ni Jasmine.

"Sardinas?"

"Oo. Lintik kasi tong si Jasmine at Linda. Kumakain si Linda ng sardinas no'ng dumalaw kami sa old house, tapos itong si Linda, dumating na may scramble," Sabi ni Lara.

"Anong lasa no'n?" Tanong ko.

"Wag mo nang tanungin. May mas malala pa," Sabi ni Jasmine.

"Ano?" Tanong ko.

"Buto ng manok, especially 'yung kagagaling sa bunganga ni Lara. Sinasawsaw niya sa patis na May ketchup," Sabi ni Linda.

Muntik pa siyang masuka. Malala nga dahil kahit pulubi, nandiri.

"Mas okay pa ang pagpag doon, eh. Yung pagpag, may laman pa kahit papaano. Ehh yung gusto niya, buto na dinurog," Dagdag niya.

"Pagpag?" Sabay naming tanong ni Hana.

"Oo nga pala, mayayaman kayo. Ano 'yon, ahh food from garbage-leftover food usually from fast-food restaurants scavenged from trash bins, then washed, recooked, and eaten," Mahabang paliwanag niya.

"Anong lasa?" Tanong namin.

"Hoy, never pa akong nakatikim no'n. Nakikita ko lang sa mga bata sa daan," Sabi niya, may halong lungkot sa boses niya.

"Weirdo talaga 'yon. 'Wag n'yo na lang tanungin kung ano ang favorite cravings niya," Sabi ni Lara.

"Ano?" Sabay-sabay kaming apat.

"Ako na may ice cream on top of my cock," Napapailing niyang sabi pero may ngisi.

"YAK!!!!!!!" Sabi namin at sabay-sabay siyang binato.

Makalipas ang ilang minuto, nagkalat na ang pagkain sa maliit na table.

May burger, fries, chicken, spaghetti, milk tea.

At ewan ko ba kung bakit parang kalahating fast-food branch ang dala nila.

"Hindi ba bawal ang pagkain dito?" Tanong ko.

"May kapit si Hana sa mga guard. Isa pa, kung bawal hindi kami papahuli," Confident na sabi ni Lara.

"Siya talaga unang mahuhuli," Sabay turo ni Linda.

Tahimik akong nagche-check ng dala nila habang bahagyang gumagaan ang pakiramdam ko.

At least may distraction.

At least may kasama ako.

Pero paglingon ko pabalik kay Collie, napakunot-noo ako.

"Lara..."

Tumigil ako at napatitig sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

Napangiti siya sa akin at nag-peace sign. Paano ba naman, nakatayo siya sa tabi ng kama ni Collie at hawak-hawak niya ang fries na literal na inilalapit sa ilong ni Collie.

Parang makasalanan na nag-aalay ng kandila sa simbahan.

"Ano'ng ginagawa mo?!" Halos pabulong pero gulat kong tanong ulit.

Tumingin siya sa akin na parang obvious ang sagot.

"Baka magising."

"Sa fries?!" Incredulous kong tanong.

"Malay mo," Sabi niya habang winawave-wave ang fries. "Si Collie 'yan. Baka gutom."

Bigla akong napalingon sa kabilang side ng kama at halos mapasigaw ako ilinalapit rin niya ang hawak niya.

"JASMINE?!"

May hawak siyang burger na halos katapat na ng bunganga ni Collie.

"Same purpose," Seryoso niyang sagot. "Experiment."

"ANONG EXPERIMENT?!"

"Baka maamoy," Sabi niya. "Ako nga nagigising sa Chickenjoy."

Napahawak ako sa noo ko.

"Kayong dalawa..."

"Scientific approach, ika nga ni Callie. Isa pa, habilin niya 'to sa amin," Depensa ni Lara.

"Evidence-based. Napatunayan na, sabi ni Callie samin," Dagdag ni Jasmine.

"Baka gusto niya fries," Sabi ni Lara.

"O burger," Kontra ni Jasmine.

"FRIES!"

"BURGER!"

"FRIES!"

"BURGER!"

"STOP!"

Pareho silang tumigil. Napapikit naman ako nang mariin.

"Ilayo n'yo 'yang mga pagkain sa anak ko."

Pareho silang napasimangot na parang inagawan ng candy.

"Sige na nga..." Sabi nila.

Dahan-dahan nilang ibinaba ang pagkain.

Tahimik ulit.

At akala ko okay na, hanggang sa biglang napansin kong nangingilid ang luha ni Lara.

Napakunot-noo ako.

"Lara?"

Bigla siyang tumingin kay Collie, tapos marahang hinawakan ang kamay nito at sa unang pagkakataon, naging seryoso siya.

Actually di ako sigurado.

"Minsan ka na nga lang maging anghel..." Mahina niyang sabi.

Tumigil siya sandali.

"Tulog ka pa."

Di ko alam kung matatawa ako o ano.

Biglang kumirot ang dibdib ko. Parang bumalik lahat ng sakit.

Napatingin ako kay Collie sabay napakagat labi.

Tama.

Hindi normal na tahimik siya.

Hindi normal na hindi siya nangungulit.

Hindi normal na hindi siya magulo.

Parang biglang bumigat ulit ang lahat hanggang sa biglang suminghot si Lara.

Tapos tumingin kay Jasmine at bigla siyang tumawa.

"Ang pangit mong umiyak," Sabi ni Lara habang nakatingin kay Jasmine.

Napakurap ako.

"...Ha?" Sabi ni Jasmine.

"Mukha kang natatae," Sagot ni Lara.

"ANO?!" Sabat ko.

Napatawa si Hana.

"Sorry," Natatawang sabi ni Jasmine. "Ayaw lumabas ng luha ko, eh."

"Mga abnormal kayo," Reklamo ko.

"Emotional support kami," Proud na sabi ni Lara.

"Hindi mukhang support," Bulong ko.

Biglang nagsalita si Linda habang naka-cross arms.

"Hindi ba kayo marunong magseryoso?"

Tahimik ang lahat, tapos sabay-sabay kaming tumingin sa kanya.

"Ikaw?" Tanong ni Hana.

"Coming from you?" Dagdag ni Jasmine.

Napairap si Linda.

Pero bago pa sila ulit mag-asaran, biglang gumalaw si Collie.

Tumigil ang lahat. Parang huminto ang mundo.

"Collie..." Sabi ni Linda.

Biglang gumalaw ulit ang daliri niya. Napasinghap ako.

"COLLIE?!" Sabi ko.

Umaasang gagalaw ulit siya pero wala.

"COLLIE?!" Sabi ulit ni Linda.

At gumalaw ulit siya.

"Hoy-HOY-GUMALAW!" Sigaw ni Jasmine.

"OMG!" tili ni Hana.

Biglang lumapit si Lara kay Collie.

"Amor..."

dramatic niyang sabi.

"Mukhang may progress na," Dagdag ni Lara.

"Amor, ang landi talaga ng anak mo. Narinig lang si Linda, gumalaw na," Sabi ni Jasmine.

Napakunot-noo ko.

"JASMINE!" Sabay sigaw naming lahat.

"CALL THE DOCTOR! NOW!" Masaya kong sabi.

At sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng isang linggo, nakaramdam ako ng pag-asa.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Collie. Sa maliit na galaw ng daliri niya, sa bahagyang paggalaw ng pilikmata niya

Sobrang bilis lang, pero sapat na para umasa ulit ako.

Tumulo ulit ang luha ko, pero this time, hindi puro sakit. May halo nang saya.

"Tumigil ka nga sa pag-iyak," Sabi agad ni Lara habang umiirap. "Mukha ka ring-"

"Lara," Warning na sabi ni Linda.

"Okay, fine," Taas-kamay niyang sabi. "Emotional moment pala."

Si Jasmine naman, halos paiyak na rin kahit pilit tinatago.

"Sabi ko sa inyo, effective ang burger," Proud niyang sabi.

"Fries," Kontra agad ni Lara.

"Burger!"

"Fries!"

"Puwede bang pareho kayong tumahimik?" Singit ni Hana habang tumatawa.

"Isa pa dahil kay Linda" Dagdag niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero natawa ako.

Ang tagal kong hindi tumawa ng ganito.

Hanggang sa bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang doktor kasama ang dalawang nurse.

Mabilis nilang chineck si Collie.

Mga mata.

Reflex.

Vitals.

Tahimik kaming lahat, punong-puno ng kaba.

Please...

Please, sabihin mong magandang sign 'to.

Makalipas ang ilang minuto, humarap sa amin ang doktor.

"It's a good sign."

Parang tumigil ang puso ko.

GOOD SIGN.

Hindi pa rin siya fully conscious.

Hindi pa guarantee.

Pero may response.

May progress at parang gusto ko na lang lumuhod sa sobrang relief.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Thank You, God..."

Biglang may pumasok sa isip ko.

"Emery!"

Mabilis kong kinuha ang phone ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang hinahanap ang pangalan niya.

Kailangan niyang malaman.

Kailangan niyang marinig 'to.

Kailangan niyang malaman na may progress si Collie.

Na lumalaban pa ang anak namin.

Pero bago ko pa mapindot, natigilan ako.

Meeting.

Nasa meeting siya with investors.

Bigla akong napakagat sa labi at napaisip kung tatawag ba ako o hindi.

Baka kasi maistorbo.

Alam kong importante 'yon, but this is about Collie.

Napabuntong-hininga ako.

No.

Hindi ito puwedeng sa call lang.

Gusto kong makita ang mukha niya.

Gusto kong ako ang magsabi.

Gusto kong makita ang reaction niya.

Gusto kong makita siyang ngumiti ulit.

Kahit saglit lang.

Napalingon ako sa mga kaibigan ko.

"Guys..." Tawag ko sa kanila.

Lahat sila napatingin.

"Puwede n'yo bang bantayan muna si Collie?"

"Ha?" Sabi ni Lara. "Saan ka pupunta?"

"Kay Emery."

Bahagya akong ngumiti.

"Kailangan kong sabihin sa kanya."

Napangiti agad si Hana.

"AWWW."

"Kadiri," Sabi agad ni Jasmine, pero nakangiti rin.

"Go," Sabi ni Lars. "Kami bahala rito."

"Oo," Dagdag ni Linda. "Hindi namin papabayaan ang baby ko."

Napatingin ako kay Collie. Marahan kong hinaplos ang buhok niya.

"Mama will be back, okay?" Bulong ko.

"I love you"

Paglabas ko ng hospital, sumalubong agad ang malamig na hangin.

Medyo madilim at may ambon. Halatang uulan.

Tahimik akong naglakad papunta sa parking lot habang hawak ang phone ko. Hindi ko mapigilang ngumiti kahit medyo naluluha pa rin ako sa saya.

Bigla akong napahinto.

May pamilyar na tao.

Bahagya akong napakunot-noo.

Sa hindi kalayuan, may lalaking nakatayo.

Parang may hinihintay.

Naka-black leather jacket.

Bahagyang basa ang buhok dahil sa ambon.

Napatigil ako.

Wait...

Hindi ba siya iyon?

Iyong lalaking nakita ko sa coffee shop?

Hindi ako sigurado, pero parang siya nga.

Iyong lalaking pamilyar, pero hindi ko maalala kung saan ko nakita.

Iyong parang may kung anong mabigat sa presence niya.

Napakagat labi ako.

Should I approach him?

Baka mali lang ako.

Pero paano kung siya nga?

Dahan-dahan akong humakbang palapit.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa may biglang lumapit na babae.

May hawak na umbrella.

Lumapit ito sa lalaki at agad siyang sinilungan.

Parang sanay na sanay.

Parang matagal nang ginagawa.

Napatigil ako.

Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya at natatakpan ng payong at ewan ko ba, pero kahit anong anggulo ko, hindi ko talaga maaninag.

Bahagyang tumingin ang lalaki sa babae at may sinabi.

Hindi ko marinig.

Pero obvious namang close sila.

Napayuko ako nang bahagya at nag-isip.

Maybe...

Wife niya?

Girlfriend?

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang bigat sa dibdib ko na parang gusto kong lapitan sila.

Hindi naman dapat.

Hindi ko naman siya kilala.

At saka, baka nag-o-overthink lang ako.

Baka coincidence lang.

Baka kamukha lang.

Napailing ako sa sarili ko.

Ano ba ang iniisip mo, Amor?

May mas importante kang gagawin.

Si Emery.

Huminga ako nang malalim bago tumalikod at naglakad papunta sa kotse ko.

At habang pinapaandar ko ang makina, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon.

Tahimik ang loob ng sasakyan.

Tanging mahihinang patak lang ng ulan ang naririnig ko habang dahan-dahan kong minamaneho ang kotse.

Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti.

Kasi after ng-

Pasakit.

Pagod.

Puyat.

Gumalaw na si Collie.

Kahit simpleng response lang, progress pa rin iyon.

Lumalaban siya.

At gusto kong makita ang mukha ni Emery kapag sinabi ko.

Sigurado akong iiyak iyon sa tuwa.

Napangiti ako nang bahagya.

Miss ko na siyang ngumiti.

Iyong totoong ngiti.

Hindi iyong pilit.

Hindi iyong para lang magmukhang okay.

Bigla kong naalala iyong huling yakap niya kanina.

Iyong panginginig ng katawan niya.

Iyong paraan ng paghawak niya sa akin na parang natatakot siyang mawalan pa.

At ewan ko ba, pero mas lalo kong na-realize kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Kahit sobrang gulo.

Kahit sobrang sakit.

Hindi kami bumitaw.

Biglang nag-vibrate ang phone ko.

Napatingin ako sa screen.

Jasminangina Calling...

Napakunot-noo ako.

Bakit tumatawag?

Mabilis kong sinagot habang naka-Bluetooth.

"Hello?"

"Amor!"

Napakunot-noo ako.

"Ano? Bakit? Okay lang ba si Collie?!"

"Okay lang siya! Relax ka nga!"

Napabuntong-hininga ako.

"Gaga ka, kinabahan ako."

"Sorry na," Natatawa niyang sabi. "Pero update lang..."

Bahagyang tumigil siya.

"Dumating si Tita Tere."

Napakurap ako.

"Tita Tere?"

"Oo," Sagot niya. "Kakarating lang niya dito sa room."

Bahagyang gumaan ang dibdib ko.

Ah.

Tita Tere.

"How is she?" Tanong ko.

"Parang paiyak," Sagot ni Jasmine. "Pero trying to be strong."

Napabuntong-hininga ako at natawa nang konti.

"Okay..."

Sandali akong natahimik bago sumulyap sa daan.

"Sabihin mo kay Tita Tere, pupunta ako jan."

"Babalik ka?"

Napailing ako kahit hindi niya kita.

"Hindi muna."

Napangiti ako nang bahagya.

"Dadaanan ko pa ngani si Emery."

Tahimik saglit. Tapos-

"AWWWW."

Napairap agad ako.

"Jasmine."

"Sorry, pero grabe kayo," Natatawa niyang sabi. "Hospital drama, pero sweet pa rin."

"Tumigil ka."

"Susunduin mo?"

"Oo."

Hindi ko mapigilang ngumiti nang konti.

"Gusto ko ako ang magsabi."

"Na gumalaw si Collie?"

"Oo."

Tahimik ulit si Jasmine, tapos mas lumambot ang boses niya.

"Deserve n'yo 'yan."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela.

"Kayo muna bahala diyan," Sabi ko. "Bantayan n'yo si Collie."

"Relax," Sagot niya agad. "Nandito kami."

Biglang may sumingit na boses sa kabilang side.

"Sabihin mo kay Emery, may utang siyang fries sa 'kin!"

Si Lara.

Napailing ako.

"Buhay ka pa pala."

"Very alive!" Sigaw ni Lara sa background.

"Pero si Jasmine, hindi pa rin marunong umiyak!"

"Hoy!" Reklamo agad ni Jasmine.

Napatawa ako nang mahina.

"Sige na," Sabi ko. "I'll be there later."

"Drive safe," Sabi ni Jasmine.

Pagkababa ng tawag, mas napangiti ako.

Huminga ako nang malalim.

Okay.

Time to get Emery at sabihin sa kanya na may progress na.

Gumalaw si Collie.

Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isip ko. Hindi ko na mahintay makita ang reaction ni Emery.

Sigurado akong iiyak iyon sa tuwa.

Napangiti ako nang bahagya.

Hindi ko alam kung bakit, pero excited ako makita siyang ngumiti ulit.

Pagkarating ko sa building, mabilis akong bumaba ng sasakyan. Halos tumakbo pa ako papasok.

"Good evening, ma'am," bati ng receptionist.

Ngumiti ako nang mabilis.

"Nasa office pa ba si Emery?"

"Opo, ma'am."

Tumango agad ako.

Sira ang private elevator tumingin naman ako sa kabila at napapikit ako.

Hindi ko na hinintay ang elevator. Stairs agad pero par dating sa third floor nag elevator na ako kasi saktong bumukas.

May progress si Collie.

Pagdating ko sa floor, medyo kakaiba agad ang pakiramdam ko.

Too quiet.

Bahagya akong napakunot-noo habang papalapit sa office ni Emery.

Hanggang sa napahinto ako. Bahagyang bukas ang pinto at mula roon, narinig ko ang boses ni Emery.

Mahina. Pagod.

"...I don't care anymore."

Napakunot-noo ako. Sinilip ko nang bahagya at doon ako natigilan.

Nandoon si Margaret, kasama ni Emery.

May mga papers sa table. Tahimik ang atmosphere, pero may bigat at ewan ko, parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.

Biglang nagsalita si Margaret. Hindi ko marinig lahat, pero malinaw ang isang sentence.

"Are you sure about this?"

Tahimik si Emery saglit, sabay napayuko at mukhang pagod na pagod.

Tapos marahan siyang nagsalita at doon ako tuluyang natigilan.

"If he demands something from me..."

Tumigil siya, huminga nang mabigat.

"...just to save Collie..."

Napahigpit ang hawak ko sa doorknob.

Ano?

"...I'll do it."

Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko.

What?

Anong ibig sabihin no'n?

Nakatayo lang ako, hindi makagalaw.

Paulit-ulit sa utak ko iyong narinig ko.

I'll do it.

Para kay Collie?

Ano ang gagawin niya?

Ano ang pinag-uusapan nila?

Ano ang ibig sabihin ng "demands"?

Si Robert ba?

Dahil ba sa dugo?

What if mag-demand siya na magbalikan sila?

Biglang bumukas nang tuluyan ang pinto dahil hindi ko namalayang naitulak ko pala.

Parehong napalingon sina Emery at Margaret.

"Amor?"

Pero hindi ko siya masagot kasi sobrang daming tumatakbo sa isip ko.

Takot. Pagod. Selos. Galit. At confusion.

Hindi ko maintindihan.

Napatingin agad si Margaret kay Emery, at mas lalo akong nasaktan. Bakit parang may alam silang hindi ko alam?

"Talk first." Sabi ni Margaret bago umalis.

"Anong ibig sabihin no'n?" Mahina pero nanginginig kong tanong.

Tahimik.

"Amor-" mabilis na tumayo si Emery.

"Answer me."

Ngayon, basag na ang boses ko.

"Ano ang ibig mong sabihin na gagawin mo kahit ano?"

Tahimik si Emery. Napapikit siya sandali. Pagod na pagod na ang mukha niya.

"Amor-"

"Bakit siya na naman? Si Robert ba?" Putol ko agad.

"Every time"

Napatawa ako nang mahina. Mapait.

"Every single time, siya na lang."

"Amor, listen-"

"No!"

Biglang tumaas ang boses ko.

"Alam mo ba kung gaano ako kasaya kanina?!"

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Gumalaw si Collie..."

Biglang natigilan si Emery.

"What?"

Pero tuloy lang ang luha ko.

"Tumakbo ako rito..."

Napatawa ulit ako.

"kasi excited akong sabihin sa'yo..."

Napailing ako.

"Tapos ito ang maririnig ko?"

"Amor-"

"Ano ba kayo ni Robert?!"

Sobrang tahimik.

Huminga nang malalim si Emery bago tumingin ng diretso sa akin, punong-puno ng pagod at takot.

"You don't understand."

Napatawa ako.

"Then explain."

Mahina siyang lumunok, parang hirap magsalita.

Magsasalita na sana siya para magpaliwanag pero di ko kayang marinig kung ano ang sasabihin niya natatakot ako na baka tama ang naiisip ko.

Napailing ako habang umatras. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang sakit, dahil marami namang ibang paraan.

"Amor..."

Mahina niyang tawag, pero umatras lang ako.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

Kasi mahal ko siya, pero bigla akong natakot na baka unti-unti may mawala na naman sa akin.

Hindi si Collie.

Kundi kami.

Emery's POV:

The moment the door closed, everything inside me broke.

She didn't listen again.

She ran away.

The room have this deafening silence.

The kind that presses against your chest until breathing feels impossible.

I just stood there.

Frozen.

Still staring at the door Amor walked out of, like if I stared long enough, maybe she'd come back.

Maybe she'd realize.

Maybe she'd understand.

But she didn't, and somehow... I couldn't even blame her.

A shaky breath escaped my lips, then another, until suddenly I couldn't breathe properly anymore.

I looked away fast, pressing the heel of my palm against my eyes.

"Fuck..."

My voice cracked.

I sat down heavily on the couch in my office, elbows resting against my knees.

I cried.

Not the silent tears I'd been forcing myself to hide.

Not the controlled kind.

No.

This was ugly.

The kind of crying that comes when you've been holding everything in for too long.

Because I was tired too.

I was so fucking tired.

Collie.

The hospital.

The blood transfusions.

The fear.

The guilt.

The sleepless nights.

Watching our daughter lying in that hospital bed, barely moving, looking so small, so fragile, while I stood there unable to do anything.

I would've traded places with her in a heartbeat, without hesitation.

I squeezed my eyes shut.

Amor.

Her face.

The pain in her eyes.

The betrayal.

The confusion.

The disappointment.

I saw all of it, and honestly?

I understood.

Because if I were in her place, maybe I would've misunderstood too.

But the thing is, she doesn't want to listen.

She overthinks, and she jumps to conclusions.

Again.

She heard the worst possible sentence out of context.

And after everything we've been through

after weeks of emotional exhaustion after fear eating us alive-

how was she supposed to react?

I dragged a trembling hand through my hair.

"She has every right to be upset..."

I whispered it to myself.

I handled it wrong.

I should've told her.

I should've explained.

I should've let her in instead of carrying everything alone.

But the truth was-

I didn't even know what I was doing anymore.

I laughed bitterly.

A broken one.

Because somewhere between fear and desperation. I stopped recognizing myself.

My eyes landed on the papers scattered across the table.

Medical estimates.

Private treatment options.

Specialists.

All of it made me sick, and all I could think about was one thing.

Collie.

If someone told me, "Give everything."

I would.

Lose everything?

Fine.

Destroy yourself?

Okay.

If it meant she survived, I would do it without thinking twice.

That's what Amor heard.

But not what I meant.

God.

I didn't mean that.

I wasn't cheating.

I wasn't hiding some romantic thing.

I never even looked at Robert that way anymore.

Not anymore.

Not for a long time.

Robert was-

just Robert.

An old friend.

A person who knew me before everything got complicated.

Before businesses.

Before responsibilities.

Before pain.

Before love became terrifying.

I wasn't even talking about Robert.

I was talking about someone else.

Collie's blood donor.

One of the very few people who could give her enough blood because her blood type was rare.

We were talking about that person.

Not Robert.

That was it.

Nothing romantic.

Nothing secret.

Nothing.

I was just desperate.

Honestly, Robert offered to help with the blood, but he had conditions.

He said,

"You only need to keep one."

I laughed when he said that.

What a selfish man.

He wanted me to leave Amor.

So I declined.

I wiped my face quickly, but the tears kept coming.

"I love her..."

My voice broke again.

God.

I loved Amor so much it scared me.

Too much.

Enough to ruin me.

Enough to make me stay awake every night wondering if she was okay, even when we were fighting.

Enough to still look for her first in every room.

Enough that when she cried, something inside me physically hurt.

But if I was honest with myself.

I was terrified.

Because love wasn't the scary part.

The scary part was...

I couldn't promise anything anymore not because I didn't love her.

God knows I do.

Deeply.

Painfully.

Completely.

But because life felt unstable, like everything around us was collapsing.

Collie was sick.

The future felt uncertain, and somewhere in all this chaos.

I couldn't tell anymore if I was still fighting for the kids, or if I was fighting because I couldn't survive losing them.

Or losing her.

I exhaled shakily.

Honestly, when Robert came back, all of the questions came back too. I feel like I'm stuck on something again.

"I don't know anymore..."

The confession sounded pathetic in the empty office.

I hated myself for it.

Because Amor deserved certainty.

She deserved reassurance.

A promise.

Something solid.

And all I had right now was fear.

A soft knock interrupted my thoughts.

I didn't answer.

Didn't care.

But the door slowly opened anyway.

"Ma'am?"

My secretary.

She froze immediately when she saw me crying.

"Sorry po-"

"I'm fine," I lied immediately.

She clearly didn't believe me, but thankfully she didn't push.

Instead, she hesitated.

"...Ma'am?"

I looked up.

"What?"

She looked unsure.

"Miss Cassandra called she's in the hospital."

Everything inside me stopped.

My heart dropped instantly.

"What happened?"

My voice came out too fast.

Too scared.

Too desperate.

"She said..."

She smiled softly.

"Collie moved, and she's showing good progress."

And with that, I completely broke down in happiness.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.