CHAPTER 59 Shes Gone.

Seraphine's POV:

Tatlong araw na ang lumipas mula nang makabalik ako.

Tatlong araw na rin mula nang

tuluyang mabunyag ang lahat ng kasinungalingang itinatago ni Charlotte.

Naireport na namin siya sa pulis, pero hanggang ngayon wala pa rin, para siyang bula na naglaho.

Walang bakas.

Walang balita.

Parang nilamon siya ng lupa.

Tungkol naman kay Robert, kinuha na ng mga magulang niya ang katawan niya.

Hindi naging madali ang pag-uusap namin.

Ipinaliwanag ko ang lahat.

Kung paano siya naging biktima rin ng pangmamanipula ni Charlotte.

Kung paano siya nagkamali, at kung paano niya sinubukang itama ang lahat... kahit huli na.

Humingi sila ng tawad sa akin, hindi para sa mga kasalanan ni Robert, kundi para sa lahat ng ginawa ni Charlotte.

Nangako rin sila.

"Kapag nakipag-ugnayan siya sa amin... kami mismo ang magdadala sa kanya sa pulis."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa huli, wala na ring nanalo. Lahat kami ay nawalan.

Huminga ako nang malalim habang nakatanaw sa bintana ng ospital.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, unti-unti naming sinusubukang

ayusin ni Emery ang relasyon namin.

FLASHBACK

"Amor..."

Basag ang boses ni Emery habang binibigkas ang pangalan ko.

Unti-unti akong napalingon sa

direksyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito sa bahay ni Tita Tere.

Agad akong nanghina.

Pagod, sakit, takot... lahat ng emosyon, sabay-sabay na bumagsak sa dibdib ko ng makita ko ang mga mukha nila.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Aabutin ko na sana ang kamay niya, ngunit bigla siyang umatras.

Natigilan ako.

Unti-unti akong napatingin sa paligid nakita si Daddy, at sa isang tingin lang...

Alam ko na.

Alam na niya.

Alam na ni Emery kung sino talaga ako.

Hindi ko na muna ipinilit ang sarili ko.

Ibababa ko na sana ang kamay ko at magsasalita na ng bigla akong niyakap ni Tita Tere.

Mahigpit.

Sobrang higpit.

"Amor... anak..." Umiiyak niyang sabi.

Niyakap ko rin siya pabalik, pero biglang may pumasok sa isip ko.

"Si Robert..."

Agad akong humiwalay sa yakap.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy.

Nagdilim ang mukha niya.

"That motherfucker."

Akma na siyang lalabas ng bahay, ngunit mabilis ko siyang pinigilan.

"Dad... no."

Huminto siya.

Dahan-dahan niya akong nilingon.

Punong-puno ng sakit ang mga mata niya.

"...I remember everything now."

Halos mapaluha siya.

Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan ulit iyon ng matinding galit.

"Asan si Robert?"

Muli siyang humakbang.

Mabilis ko ulit siyang hinawakan sa braso.

"No, Dad wait."

Napatingin sila sa akin.

"What do you mean?" Tanong ni Tita.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi siya ang may pakana ng lahat."

Tahimik silang nakatingin.

"Oo... Naging parte siya, pero siya rin ang tumulong sa akin."

"Siya ang nagligtas sa akin."

"Siya ang tumulong para makatakas ako."

Umiling si Daddy.

"But still, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa nila."

Bubuka na sana ang bibig ni Tita Tere, ngunit inunahan ko na.

"He's dead."

Parang tumigil ang oras, at nanlaki ang mga mata nila.

"What?"

"He jumped off the cliff," Mahina kong sabi.

"But before he jumped, iniwan niya lahat ng ebidensya, lahat ng ginawa nila ni Charlotte." Paliwanag ko.

"Where is it?" Tanong ni Daddy.

"Nasa likod po ng sasakyan," Sagot ko.

Tumango siya.

"I'll bring it straight to the police station. Hindi na dapat pinapatagal 'to."

Pagkatapos ay tumingin siya kay Emery.

"Dito muna kayo ni Emery."

"I'll go with you," Agad na sabi ni Tita Tere.

Tumango si Daddy.

Ilang sandali pa, umalis na sila.

Naiwan kaming dalawa ni Emery sa sala.

Biglang bumigat ang paligid.

Hindi ko alam kung paano siya haharapin dahil hindi siya nagsalita.

Hanggang sa ako na ang unang umiwas.

"Magpapalit muna ako..." Mahina kong sabi.

"Amoy dugo at putik na ako."

Pinilit kong ngumiti.

Akala ko wala lang sa kanya.

Akala ko galit siya, pero pagtalikod ko, may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

Mahigpit.

Napahinto ako dahil ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Don't..." Basag ang boses niya.

"Please, don't walk away again."

Napapikit ako.

Unti-unti kong hinawakan ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

"I'm sorry..." Mahina kong bulong.

"I'm sorry, iniwan kita."

"I'm sorry I let you suffer alone."

" I'm sorry if hindi kita agad naalala."

Sunod sunod kong sabi.

Narinig ko naman ang paghikbi niya.

"Ako rin..." Mahina niyang sagot.

"I'm sorry."

"I'm sorry 'cause I blamed you for leaving."

"I'm sorry for not protecting our children, our only boy."

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Pareho na kaming umiiyak.

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"I wanted to tell you everything."

"About the accident."

"About how Nathan became..."

"...Amor."

"About everything."

Ngunit marahan niyang inilagay ang daliri sa labi ko.

Umiling siya.

"It doesn't matter anymore Tito already told me everything."

Napatingin ako sa kanya.

"What's important now..."

"...is that you're here."

"You're alive."

"You came back to me... to us."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"I love you," Mahina kong sabi.

"I never stopped loving you." Dagdag ko.

Napangiti siya habang umiiyak.

"I know."

"Because... I never stopped loving you either. Not just as Nathan, but as Amor too."

Unti-unti siyang lumapit, ngunit bahagya akong umiwas.

"Wait..."

Napakunot ang noo niya.

"What's wrong?"

Nahihiya akong napakamot sa batok.

"Baka... ang baho ko."

"Amoy dugo."

"Amoy pawis."

"Amoy gubat."

"Amoy lumang bahay." Sunod sunod kong sabi.

Napatawa naman siya kahit lumuluha pa rin.

"Baliw."

"Pero mahal mo." Naka ngiti kong sabi.

Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko.

"I don't care."

Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Marahan niyang hinalikan ang mga labi ko.

Isang halik na punong-puno ng pananabik at pagmamahal.

Napapikit ako, at unti-unti kong tinugonan ang halik niya.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin.

Sa wakas, nakauwi na rin ako.

END OF FLASHBACK

Hindi magiging madali dahil marami pa kaming kailangang pagdaanan.

Marami pa kaming kailangang pag-usapan.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na kami tatakbo lalaban kami para sa isa't isa, at higit sa lahat, para kina Collie at Callie.

Hindi pa namin sinasabi ang buong katotohanan kay Callie.

Kahit alam kong matalino ang anak namin.

Kahit alam kong maiintindihan niya.

Ayokong mawala ang inosente niyang pagtingin sa mundo ng masyadong maaga.

Hahayaan muna naming maging bata siya. May panahon para malaman niya ang lahat, pero hindi pa ngayon.

Ngumiti ako nang bahagya habang tinitingnan si Collie. Maputla pa rin ang mukha niya, pero mas maayos na ang lagay kumpara noong isang araw.

Naikwento rin ni Linda na one time, umiiyak daw siya sa tabi ni Collie naramdaman daw niyang hinaplos ni Collie ang ulo niya sabi panga niya

'Sigurado ako sa naramdaman ko Amor promise ipakulam man ako ni PengMi_'

Ngayon, tahimik ang buong kwarto. Tanging ang mahinang tunog ng monitor lang niya ang maririnig ko.

Dahan-dahan akong lumapit.

Inayos ang kumot niyang bahagyang natanggal, saka ko marahang hinaplos ang buhok niya.

"Hi, baby..." Mahina kong bulong.

"Nandito na naman si Papa? Mama? Ahh... basta, ikaw na bahala."

Napangiti ako kahit namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.

"Alam mo... miss na miss ka na namin."

(Lalo na ng mga nagbabasa nito. Araw-araw kang hinahanap. Kulang na lang isumpa na nila si Bri.)

"Miss ka na rin ni Callie. Nahawa na siya sa kalokohan nila Tita Lara mo, kaya kapag gising ka na, siguradong hindi ka na niya tatantanan."

Napatawa ako nang mahina.

"At si Mommy..."

Bahagya akong napayuko.

"Miss na miss ka na rin."

Mahigpit kong hinawakan ang maliit niyang kamay.

"Ang dami pa nating gagawin."

"Maglalaro pa tayo."

"Mag-aaway pa kayo ni Ate Jasmine mo."

"Tuturuan pa kitang mag-bike."

"At... Hinintay kana na ng crush mo"

Napahinto ako habang pilit nilulunok ang bara sa lalamunan ko.

"Kaya please..."

"Bumalik ka na sa amin."

Dahan dahang tumulo ang isang luha sa pisngi ko, kasabay ng mahinang pagpisil ko sa kamay niya.

Hindi ko alam kung naririnig niya ako pero umaasa akong kahit papaano, nararamdaman niya, dahil hindi ako titigil.

Hihintayin ko siya hanggang sa araw na imulat mo ulit ang mga mata mo.

AFTER FEW MINUTES

Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Collie. Hindi ko namalayan kung gaano na katagal akong nakatitig sa kanya.

Hanggang sa-

"Aba, Kuya! Baka katulad ka rin ng security sa mansion! Ang mukha 'to, mukhang bang kriminal?"

Napakunot-noo ako.

Boses ni Jasmine.

"Tignan mo nga ako!" Patuloy niya. "May ganito bang kagandang kriminal?"

Narinig kong may sumagot na security na kinuha ni Daddy para bantayan kami, pero hindi ko na maaninag ang sinasabi dahil mas malakas ang isa pang boses.

"Animal, Kuya, pwede!" Sigaw ni Lara. "Oo, pasok ang animal... pero kriminal? Aba, sa totoo lang, hindi rin kami sure."

Biglang tawanan ang mga tao sa labas.

"Hoy!" Sigaw ni Jasmine. "Anong klaseng kaibigan ka?!"

"Honest lang ako!" Sagot ni Lara.

"Traidor!"

Napailing na lang ako.

Hindi na talaga magbabago ang dalawang 'to.

Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang pinto.

"Surprise-"

Sabay-sabay silang napatigil nang makitang nakatingin na ako sa kanila.

"...Ay."

Ngumiti ako.

"Narinig ko kayo."

"Sabi ko na nga ba," Bulong ni Hana. "Ang lakas kasi ng bunganga n'yo."

"Kasalanan ng security!" Depensa agad ni Jasmine. "Hinusgahan niya ang beauty ko."

"Beauty?" Natatawang sabi ni Lara. "Akala ko kasi mukha kang wanted, kaya pinigilan ka."

"Bakit, ikaw ba hindi?" Sagot ni Jasmine.

"Tahimik!" Saway ni Hana habang pinipisil ang sintido niya.

Lumapit silang tatlo sa akin, halatang pilit nilang pinapasaya ang paligid.

Umupo si Lara sa kabilang upuan.

"Alam mo, Amor..." Sabi niya sabay subo ng pagkain.

"Alam mo bang halos mabaha yung bahay natin dahil sa kakaiyak namin nung nawala ka?"

Napataas ang kilay ko.

"Talaga?"

"Oo."

Tumango siya nang seryoso habang kumakagat ng pagkain.

"Tumutulo pa sipon ni Jasmine, luha... pati at laway niya ehh."

Napatawa ako.

"Nakakadiri naman," Sabi ko.

"Siyempre, dramatic dapat," Sagot ni Jasmine.

Biglang sumingit si Hana.

"Drama? Oo Jasmine sa subrang dramatic mo halos hindi ka makatulog."

"Totoo?" Tanong ko.

"Oo," Sagot ni Hana.

"Naghahanap ka?" Lingon ko kay Jasmine.

"Hindi," Sagot niya.

Napakunot na naman noo ko.

"...Nag-iisip ako kung anong make-up set ang waterproof."

Napakurap ako.

"Huh?"

"Syempre!" Sabi niya na parang obvious. "Paano kung may media? Paano kung umiiyak ako? Dapat fresh pa rin."

"Animal ka!" Tawang-tawa si Lara. "Habang kami hagulgol, siya nasa salamin."

"Nakahanap pa nga ng oras mag-contour!" Dagdag ni Hana.

"Importante ang presentation!" Depensa ni Jasmine.

Napailing ako habang natatawa.

"Si Linda?" Tanong ko.

Sabay-sabay silang tumawa.

"Huwag mo nang itanong!" Sabi ni Hana.

"Hindi..." Pigil ni Jasmine sabay tawa. "Kuwento ko na."

"Noong nawawala ka... si Linda, sobrang determined mahanap ka."

Tumango ako.

"Akala namin may lead na kasi sobrang ingay niya." Huminto sandali si Jasmine.

"Tapos nakita namin siyang kinakalkal yung wardrobe."

Napakurap ako.

"...Wardrobe?" Tanong ko.

"Oo!"

"Tinanong namin kung anong ginagawa niya."

"Ano sabi niya?" Tanong ko.

Ginaya ni Lara ang boses ni Linda.

?"Malay n'yo... baka nandito si Amor, nakalimutan lang lumabas."?

Tahimik akong nakatingin sa kanila hindi ako makapaniwala.

"...Wardrobe?"

"Wardrobe!" Sabay sabay nilang sagot.

Hindi ko napigilang mapahalakhak.

"Tanga!" Sabi ko.

"Sinabihan nga namin!"

"Ang sabi pa niya..." Natatawang dagdag ni Jasmine.

?"Malay mo, baka ayaw lang makita ka, Lara."?

Mas lalo akong natawa.

"Hindi ako damit!"

"Hindi rin namin alam saan niya nakuha 'yon!" Sabi ni Lara habang hawak ang tiyan niya dahil sa kakatawa.

"Actually, naikwento niyo 'yon sa'kin. Nung bata raw siya, nakipaglaro siya ng tagu-taguan nagtago raw siya sa ganun, pagkatapos di niya raw namalayan yung oras. At nagising siya kinaumagahan na," Sabi ni Hana.

"Paggising raw niya, buong barangay na raw naghahanap sa kanya. Pati mga tanod, di na raw nakatulog," Dagdag niya.

Mag tawanan nanaman kami.

Huminga nang malalim si Jasmine bago nagsalita.

"Yan namang si Hana..."

"Pinakilos halos lahat ng connection ng Daddy niya, na parabang mafia boss daughter."

"Nakausap niya pulis."

"Nakausap niya media. Oo nga pala, na-radio ka."

"Nakausap niya private investigators."

Tumango ako.

"Thank you..."

"Pero-"

Biglang ngumisi si Jasmine.

"Mas malupit pa rin maghanap si Linda."

Napangiti ako.

"Talaga?"

"Oo."

"Saan?" Tanong ko kahit alam ko kung saan papunta 'to.

"Sa wardrobe."

Halos mawalan na kami ng hininga sa kakatawa. Punong-puno ng tawanan ang buong kwarto.

Unti-unti ring humupa ang tawanan namin. Akala ko tapos na ang asaran.

Hindi pa pala.

Biglang tumingin sa akin si Lara. Naningkit ang mga mata niya

bago siya napailing.

"Kaya pala..."

"Ano?" Tanong ko.

"Kaya pala hindi naging tayo."

Napakunot-noo ako.

"Bakit?"

Huminga siya nang malalim na parang may napakalalim na realization.

"Pareho pala tayong may junjun."

Dalawang segundong katahimikan. Sabay-

"HAHAHAHAHAHA!"

Halos mangiyak-ngiyak si Jasmine sa kakatawa.

Si Hana naman ay napayuko na lang habang nanginginig ang balikat.

Ako?

Napahawak na lang ako sa noo ko.

"Lara!"

"Ano? Totoo naman ah!"

"Baliw ka!"

"Tignan mo!" Tawa niya. "Kung naging tayo dati, edi dalawang lalaki pala."

"Hoy!" Singit ni Jasmine. "Hindi nga lalaki ngayon si Amor."

"Tama."

"Dating lalaki."

"Tapos ikaw..." Turo ni Lara kay Jasmine.

"...Walang naging lalaki."

"Hoy, pero ayaw ko rin naman sa kanila. Yak!"

Nag-unahan silang magbatuhan ng tissue.

Biglang napatingin sa akin si Jasmine.

"Eh, teka nga pala."

Napalunok ako.

"Asan na ngayon ang junjun mo?"

Napatigil kaming lahat.

Tatlo silang sabay-sabay na tumingin sa akin.

Napakamot ako sa batok.

"...Hindi ko rin alam."

"Huh?"

Umiling ako.

"Hindi ko pa natatanong si Tita Tere."

Tahimik silang tatlo.

Tapos-

"Paano kung naka-display?"

"Bwisit ka, Jasmine!" Sigaw ni Hana habang umuubo.

"Ano?! Curious lang ako!"

"Baka nasa garapon!" Dagdag pa ni Lara.

"'Exhibit A: Nathan Jr.'"

Mas lalo silang nagtawanan.

Napailing na lang ako.

"Mga abnormal."

"Hoy!" Depensa ni Jasmine. "Normal na tanong 'yon."

"Normal saan?!"

"Paano kung pina-frame?" t6anong ni Jasmine.

"'Congratulations! It's a boy!'" Sagot ni Lara.

Napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa.

"Grabe kayo."

Tumikhim si Lara.

"Alam mo..."

"Kahit ano pang nangyari, tingin ko dapat hingin mo," Dagdag niya.

"Bakit?"

"Souvenir."

"PURO KA SOUVENIR!" Sigaw ni Hana.

"Ano?!"

"Pwede niyang gawing keychain."

Halos mawalan ng hininga si Jasmine.

"Keychain?!"

"Limited edition!"

Napailing ako habang tumatawa.

"Kayo talaga..."

Biglang seryosong tumingin si Lara.

"Pero teka, isang tanong."

Napataas ang kilay ko.

"Ano na ilalagay mo sa valid ID mo?"

"Female?"

"Tapos middle name mo Nathan?"

"Hoy, tanga!" Natatawang sabi ni Hana.

"Middle name ba ang Nathan?"

"Edi first name!"

"Basta alam n'yo na 'yon!"

"Mas concern ako..." Singit ni Jasmine.

"Paano kapag may nagsabi sa'yo ng..."

Ginaya niya ang boses ng lalaki.

?"Bro."?

Sabay siya ring sumagot.

?"Sis na po."?

Hindi ko na napigilan, napahagalpak ako sa tawa.

Napuno ng tawanan ang kwarto.

AFTER FEW MINUTES.

Hindi pa rin nawawala ang tawanan sa buong kwarto.

Halos sumakit na ang tiyan namin kakatawa sa kung anu-anong kalokohan nina Lara at Jasmine.

Biglang umilaw ang cellphone ko.

Linda Calling...

Napangiti agad ako.

"Si Linda," Sabi ko sa kanila.

Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello?"

Ngunit agad nawala ang ngiti ko nang marinig ang nanginginig niyang boses.

"Amor..."

Natahimik ako.

"Kasama mo na ba si Callie?"

Napakunot-noo ako.

"Hindi."

"...Patanong nga sa mga yaya n'yo kung nakauwi na ba siya?"

Mas lalo akong napakunot-noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya nang malalim.

"Wala na siya dito sa school."

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.

"...Ha? ehh diba may dalawang security si dad Jan pano nalusutan?"

"Pagdating ko para sunduin siya..."

"...Wala na siya."

Tumayo agad ako kaya lahat sila napatingin sa akin.

"Anong nangyari? Paanong wala?" Mahina kong tanong.

"Sabi ng teacher, may sumundo raw sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sino?!"

"Tita raw niya."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi.

Hindi maaari.

Agad kong tinawagan si Tita Tere. Ilang segundo pa bago siya sumagot.

"Hello, anak?"

"Tita... Nasa inyo ba si Callie?"

Tahimik siya sandali.

"Wala," Sagot niya.

"Hindi ba ikaw ang sumundo?" Dagdag niya.

"Hindi po."

"...At hindi rin ako magsusundo nang hindi mo alam," Sabi niya.

Mas lalo akong kinabahan.

"Okay..."

"I'll call you later."

Agad kong pinutol ang tawag.

Napansin kong seryoso na rin ang mga mukha nina Lara.

"Ano'ng nangyari?" Tanong ni Hana.

"Nawawala si Callie."

Parang natigil silang lahat.

Agad kong tinawagan si Daddy. Ilang ring din bago siya sumagot.

"Dad, sa inyo ba si Callie?" Tanong ko.

"Callie?" Tanong niya.

"Opo."

"Hindi ko siya kasama. Nasa meeting ako. Bakit?"

Lumunok ako.

"Wala po siya sa school."

Tahimik siya ng ilang segundo.

"WHAT?! I'll call everyone," Medyo galit niyang sabi.

Pinutol niya agad ang tawag. Sunod-sunod na kaming kumilos.

Tinawagan ni Lara si Cassandra.

Wala.

Tinawagan naman ni Jasmine si Calista.

Wala rin.

Samantalang si Hana naman agad tinawagan si Margaret.

Pero pareho rin ang sagot. Hindi nila kasama si Callie.

Unti-unting nanlalamig ang mga kamay ko.

Hindi...

Hindi ito tama.

Napapikit ako may isa pang tao.

Si Emery.

Baka...

Baka siya ang sumundo.

Agad kong pinindot ang pangalan niya.

HONEYMYLOVESOSWEET

Lahat kami nakatingin sa cellphone.

Isang ring.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa-

The number you are trying to reach cannot be reached at the moment.

Parang huminto ang mundo ko.

Hindi pwede.

Tinawagan ko ulit pero pareho pa rin hindi siya ma-contact.

"Amor..." Mahinang tawag ni Hana.

Muli akong tumawag.

Wala.

Ulit.

Pero wala pa rin.

Unti-unti nang bumibigat ang paghinga ko.

Hindi lang si Callie pati si Emery, hindi rin namin ma-contact.

"D-Don't tell me..." Mahina kong bulong habang pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko.

"Hindi..."

"Please... Huwag na sana. Huwag na ulit..."

AFTER FIVE HOURS.

Limang oras na.

Limang oras naman na simula nang mawala sina Callie at Emery pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming balita pakiramdam ko, bawat segundo ay parang isang taon.

Hindi ako mapakali.

Paulit-ulit akong naglalakad sa sala habang patuloy na kinakausap ng mga pulis ang lahat ng posibleng saksi.

May ilan sa kanila ang nagche-check ng CCTV.

May ilan namang sinusubukang i-trace ang mga tawag.

Pero...

Wala pa rin.

Wala pa ring kahit anong lead.

Nasa hospital si Tita Tere hindi siya umalis sa tabi ni Collie kasama niya

ang tatlo naming security.

Si Daddy, kasama ang iba niyang tauhan sa paghahanap.

Samantalang nandito naman kami sa bahay nila Lara, Jasmine, Hana, Cassandra, Calista, at Margaret.

Hindi tahimik ang buong sala dahil sa mga ingay ng kung ano anong ginagawa pero ni isa samin walang nagsasalita.

Lahat kami pare-parehong kinakain ng pag-aalala paulit-ulit kong iniisip ang bawat posibilidad.

Hanggang sa may isang pangalan na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

Charlotte.

Mahigpit kong naikuyom ang kamao ko.

Kung may taong kayang gawin ito, siya lang. Biglang-

Ring...

Ring...

Ring...

Lahat kami napatingin sa cellphone ko.

Unknown Number.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

Dahan-dahan kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

Tahimik.

Wala akong narinig.

"Hello?"

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone.

"Sino 'to?"

Ilang segundo ang lumipas.

Hanggang sa may narinig akong mahinang tawa.

Isang pamilyar na tawa.

Hindi...

Hindi maaari...

"Charlotte..."

Mas lalo itong natawa.

"Namiss mo ba ako, Amor?"

Nanginig ang buong katawan ko.

"Nasaan sila?!" Sigaw ko.

"Nasaan sina Emery at Callie?!"

Muli siyang tumawa.

Mahaba.

Mabagal.

At nakakakilabot.

Agad namang napatingin ang tao sa paligid ko saakin.

"Kalma lang kung gusto mong makita silang buhay..."

Huminto siya sandali.

"...Sumunod ka sa sasabihin ko."

Napalunok ako.

"Huwag mo silang sasaktan..." Pabulong kong sabi.

"Please..."

"Simple lang ang gusto ko," Sabi niya.

"May ipapadala akong address magpunta ka roon."

"Mag-isa."

Lumakas ang tibok ng puso ko.

"Kapag may isinama kang kahit sino..."

Bahagya siyang natawa.

"...Baka bangkay na ang maabutan mo."

Biglang naputol ang tawag.

"Hello?!"

"Charlotte!"

"CHARLOTTE!"

Wala na.

Makalipas ang ilang segundo, tumunog ang cellphone ko isang mensahe.

Unknown Number.

Isang address lang ang nakalagay at sa ibaba nito...

Come alone.

Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko hindi ako puwedeng magsugal kung totoo ang sinasabi niya...

Wala akong ibang pagpipilian.

Tahimik kong dinampot ang susi ng sasakyan.

"Amor?" Tawag ni Lara.

Hindi ako sumagot dere-diretso akong naglakad palabas ng bahay.

"Amor!" Mas malakas na niyang tawag.

Nang makita niyang hawak ko ang susi ng kotse, agad siyang sumunod.

"Saan ka pupunta?!"

Hindi pa rin ako lumingon binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

"Amor!"

Hinawakan niya ang braso ko.

"Sabihin mo sa'kin kung ano'ng nangyayari!"

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya.

"Sorry..." Mahina kong bulong.

"Babalik ako."

"Amor, huwag!"

Hindi ko na siya pinakinggan mabilis kong pinaandar ang sasakyan.

"AMOR!"

Narinig ko pa ang sigaw nina Lara habang mabilis kong pinaandar palayo ang sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas.

Tahimik ang buong kalsada.

Tanging tunog ng makina at mabilis kong paghinga ang naririnig ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang bagong mensahe.

Mabilis ko iyong sinilip habang nakahinto sa pulang ilaw.

Good girl. Continue driving.

Napatingin ako sa paligid dahil parang may mga matang nakasunod sa akin.

Mahigit isang oras akong nagmaneho.

Palayo nang palayo sa siyudad.

Hanggang sa unti-unting napalitan ng makakapal na puno at mabatong kalsada.

Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang lumang bahay. Halos wasak na ang mga pader nito at tila matagal nang walang nakatira.

Ngunit hindi iyon ang nagpabilis ng

tibok ng puso ko kundi ang mga armadong lalaking nakapaligid

sa buong bahay.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Diyos ko..."

Agad kong dinukot ang cellphone ko para tawagan si Daddy.

Ngunit bago pa ako makapindot-

Click.

Nanigas ako dahil may malamig na bakal na nakatutok sa ulo ko.

"Dahan-dahan," Mahinang sabi ng lalaking nasa likuran ko.

"Bitawan mo ang cellphone."

Dahan-dahan kong itinaas ang dalawang kamay ko at hinayaan kong mahulog ang cellphone sa lupa.

Agad niya akong hinawakan sa balikat.

"Wag kang lalaban."

Itinulak ang likod ko habang pinapasok ako sa loob ng lumang bahay.

Madilim.

Makalat.

Mabaho.

At halos puro alikabok ang paligid. Tinulak niya ako papasok sa isang silid.

Bumagsak ako sa sahig.

"Aray naman, kuya!" Sigaw ko.

Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang kwarto.

"Emery!"

"Callie!"

Paulit-ulit akong sumigaw.

"Nasaan kayo?!"

Tahimik. Hanggang sa-

"Mama!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Callie?!"

"Mama! Help!"

Kasunod noon ay ang boses ni Emery.

"Amor!"

"We're here!"

Agad akong tumayo at sinubukang buksan ang pinto, ngunit naka-lock.

"Putangina talaga."

"Amor, watch your God damn word."

"Mommy, you too po."

"Sorry," Sabay naming sabi ni Emery.

"Emery! Callie!" Sigaw ko.

"Sandali lang! Ilalabas ko kayo!"

"How? You were locked up too, right? I love you, Amor, but sometimes you really are stupid. OWGAG... you've been like this ever since," Sabi ni Emery.

Instead of getting hurt, medyo natawa ako.

"I love you too," Sabi ko.

May sasabihin pa sana ako, nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Charlotte.

May kung anong ngiti siya sa labi, ngunit ang mga mata niya, wala nang bakas ng katinuan.

Parang tuluyan na siyang nabaliw.

"Charlotte..."

Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko.

"Tumigil ka na."

Saglit siyang natahimik, pagkatapos ay bigla siyang humalakhak, malakas at nakakakilabot.

"Stop?" Paulit-ulit niyang sabi habang natatawa.

"Napakalayo ko na para tumigil, Amor."

"Baliw!" Sigaw ko.

Patuloy lang siyang tumatawa habang dahan-dahang lumalapit.

"Gusto mo ba silang makita?"

Agad akong tumango.

"Oo, please..." Sabi ko, sabay pout.

Baliw na siya? Masbaliw ako.

Ngumiti siya.

"Good."

Luminga siya sa mga tauhan niya.

"Dalhin silang tatlo sa garden."

Huminto siya sandali bago muling nagsalita.

"Itali silang lahat sa mga upuan."

Sabay-sabay na tumango ang mga armadong lalaki.

"Yes, ma'am."

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko habang naririnig ko ang pagbukas ng kabilang pinto.

Ilang segundo pa, at alam kong malapit ko nang makita sina Emery at si Callie.

Ilang sandali pa ay dinala kami sa garden. Mahigpit akong itinali sa isang upuan.

Sa kanan ko ay si Emery.

Sa kaliwa naman ay si Callie.

Pareho silang nakatali rin.

"Sinaktan ba nila kayo mahal?" Tanong ko.

Halos madurog ang puso ko nang makita ang namumugto nilang mga mata.

"Mama..." Umiiyak na tawag ni Callie.

"Callie..." Nanginginig kong tugon.

Pinilit kong kumawala sa tali, ngunit mas lalo lamang itong humihigpit.

Lumapit si Charlotte sa harap namin, makangiti.

Ngiting hindi na ngiti ng isang normal na tao. Tuluyan na siyang nabaliw.

Emery looked straight into her eyes.

"Charlotte... please."

"Stop this."

Ngumiti lang si Charlotte Charlotte.

"I did not wrong, Emery. I did nothing but love you."

Emery slowly shook her head.

"No, you don't love me, cause if you truly love someone... you'll be willing to let them go."

Tahimik si Charlotte hanggang sa muli siyang tumawa.

Malakas.

Mahaba.

Nakakabwisit.

"Hindi mo ba naririnig ang sarili mo?" Galit kong sabi.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Hindi ka ngani niya mahal!"

Biglang bumaling sa akin si Charlotte. Sa isang iglap, itinutok niya ang baril sa ulo ko.

"NO!" Sigaw ni Emery.

Callie burst into tears.

"Tita Charlotte, no!"

Dahan-dahang ibinaling ni Charlotte ang baril kay Callie.

"You shut up, you little brat."

"Hoy!" Sigaw ko.

"Kapag nakaalis ako rito, papatayin kita!"

Lalo lanang siyang natawa, unti-unti nang parang nababaliw ang bawat kilos niya.

Muli niyang ibinaling ang baril.

Ngayon naman ay kay Emery.

A gentle smile spread across her face.

"If i can't kill both of you, then... I should kill the woman I love so we can have our happy ending in the afterlife."

"No!" Sigaw ni Callie.

"You'll never be with Mommy!"

"Mommy will go to Heaven..."

"And you'll go to Hell!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Callie, shii!"

Ngunit huli na.

Pak!

Malakas na sinampal ni Charlotte si Callie.

"CALLIE!" Sabay naming sigaw ni Emery.

Tumulo ang luha ko nang makita kong napayuko ang anak ko, Emery's entire body trembled too.

"Stop hurting her!" Sigaw ni Emery

"No matter what you do... I will never love you."

Tumigil sa pagtawa si Charlotte, pero ilang segundo lang...

Muli siyang humalakhak.

"I did everything for you, Emery. I even killed that little brat."

Nanlaki ang mga mata namin ni Emery.

"You caused the fire?"

Charlotte looked at her with pride.

"Yes."

"But... why?!" Sigaw ni Emery.

Bigla tumuro sa akin si Charlotte.

"Because he reminded me of him."

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko.

"And this bitch..."

"I thought she was already dead."

"I thought I was finally about to have you, Emery."

"I thought we still had a chance."

"But then... you fell in love with him again, with this bitch, Amor."

Napailing siya.

"And when I found out they were the same person... I wanted her gone even more, just like her meddling mother."

"Walanghiya ka, pinatay mo mama ko..." Nanginginig kong sabi.

Tumulo ang mga luha naming tatlo pakiramdam ko... wala na kaming pag-asa laban sa demonyong 'to.

Muli siyang nagsalita.

"But don't worry... Amor, Callie. I'll send both of you to them. Then, after that... I'll bring Collie too." Sabi niya habang tumatawa.

"So Emery and I... we'll stay together forever."

Dahan-dahan siyang lumapit kay Emery. Mahigpit niyang hinawakan ang mukha nito.

"Charlotte..." Umiiyak na sabi ni Emery.

"Don't."

Ngunit hindi siya nakinig sapilitan niyang hinalikan si Emery.

Pinilit nitong umiwas habang patuloy na umiiyak pero wala siyang magawa.

Nang matapos ay dahan-dahan niyang itinaas ang baril at itinutok sa akin, pero bago pa siya makapagsalita. Biglang-

BANG!

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

Nagkagulo ang lahat.

Isang armadong lalaki ang mabilis na tumakbo papunta kay Charlotte.

"Boss!"

"The police are outside. They've surrounded the entire place!"

Napalingon ako. Kay kuya, ang shala ng English niya.

Nagbago ang ekspresyon ni Charlotte.

"Damn."

Tumingin siya sa mga tauhan niya.

"Harangin niyo sila. Me and Emery will escape through the back. Go!"

Sabay-sabay na nagsitakbo ang mga tauhan niya.

Biglang itinutok ni Charlotte ang baril kay Callie.

"If I can't have my happy ending... no one will."

"CALLIE!" Sigaw ko.

Hindi na ako nag-isip. Hindi ko na rin alam kung paano ko natanggal ang tali ang alam ko na lang, buong lakas kong isinugod ang sarili ko kay Charlotte.

Natumba kaming pareho sa damuhan mahigpit naming hinawakan ang baril

at pinag-aagawan ang baril.

Kasabay noon, nagawa ring makawala ni Emery sa tali at agad siyang tumakbo papunta kay Callie mabilis niyang tinanggal ang tali nito.

Then she pulled Callie into a tight embrace.

"It's okay... I'm here."

She covered Callie's ears with both of her hands.

"Don't look."

"Don't listen."

Patuloy kaming nag-agawan ni Charlotte sa baril.

Pareho kaming sumisigaw.

Pareho kaming lumalaban.

Hanggang sa-

BANG!

Isang malakas na putok ang umalingawngaw nanigas kaming lahat, ngunit makalipas ang ilang segundo...

Walang bumagsak.

Walang nasugatan.

Walang tinamaan.

Tahimik kaming napatingin sa isa't isa habang nananatiling nakatutok sa langit ang baril pagkatapos tumilapon ang baril ilang metro ang layo sa amin.

Hindi na kami nagdalawang-isip na pulutin pa yun. Sabay kaming sinugod ang isa't isa.

Pak!

Sinuntok niya ako, kaya gumanti rin ako.

Nagpalitan kami ng suntok habang parehong pilit na pinapabagsak ang isa't isa.

"AMOR!"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na sigaw. Paglingon ko-

Nanlaki ang mga mata ko.

"H-Ha?"

Sina Hana, Lara, Jasmine, at Linda...

Lahat sila?

Mas lalong napakunot ang noo ko.

Pano ba naman naka-Power Rangers sila yung costume nila nung birthday ni Collie at Callie.

"Ano'ng-"

Bago pa makabawi si Charlotte, mabilis na siyang sinunggaban nina Hana at Linda.

"Bitawan n'yo ako!" Sigaw ni Charlotte habang nagpupumiglas.

Mahigpit na hinawakan ni Hana ang kaliwang braso niya si Linda naman ang humawak sa kanan, habang si Lara ay humawak sa kanang paa at si Jasmine naman sa kaliwa.

Hindi ko napigilang mapakurap.

"Ano'ng ginagawa nila?" Tanong ko sa sarili.

Hindi ko na hinintay ang sumunod na nangyari agad akong tumakbo papunta kina Emery at Callie. Mahigpit ko silang niyakap.

Pareho silang umiiyak.

"I'm sorry..."

"I'm so sorry..."

Emery wrapped her arms around me.

"We're okay..."

Callie buried her face against my chest.

"Mama..."

Mas lalo ko silang niyakap.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko, pagkakita ko ulit sa mga kaibigan ko, halos mapanganga ako.

"One..."

"Two..."

"Three!"

Sabay-sabay nilang inihagis si Charlotte paitaas.

"Aaaahhh!"

Taas-baba, taas-baba, parang cheerleaders na nagto-toss ng flyer.

Paulit-ulit.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak.

Pagkatapos ng ilang ulit, inilapag nila siya sa lupa.

"Hawakan n'yo!" Sabi ni Jasmine.

Sabay tumango sina Hana at Linda. Mas lalo nilang hinigpitan ang pagkakahawak kay Charlotte.

Habang sina Lara at Jasmine, sunod-sunod siyang sinampal.

Pak!

Pak!

Pak!

"Para 'yan kay Callie!"

Pak!

"At 'yan kay Emery!"

Pak!

"At 'yan kay Amor!"

Patuloy na nagpupumiglas si Charlotte.

"Bitawan n'yo ako!" Sabi ni Charlotte.

"Mga baliw kayo!" Dagdag niya.

"Oo, baliw talaga kami. Kung akala mo ikaw na pinaka-baliw, nagkakamali ka," Sabi ni Lara.

Ngunit wala ni isa sa kanila ang bumitaw hanggang sa unti-unting pumikit si Charlotte at tuluyan siyang nawalan ng malay.

"Shet, baliw ka Jasmine patay na ata," Sabi ni Lara.

"Baliw, ikaw last hit, isa pa baka nakatulog lang."

"Okay na 'yan," Sabi ni Linda.

Sabay-sabay silang napatingin sa isa't isa. Pagkatapos, mabilis silang tumakbo papunta sa amin at mahigpit nila kaming niyakap.

"Amor!" Tawag ni Hana habang umiiyak.

"Nakakainis ka!" Sabi ni Jasmine.

"Bakit ka kasi umalis mag-isa?!" Sabi ni Lara.

Umiiyak silang lahat habang yakap-yakap ako, kaya hindi ko napigilang mapaiyak din.

"Sorry, nag-alala pa kayo."

Habang nagyayakapan kami biglang-

BANG!

Lahat kami napalingon at nanlaki ang mga mata namin nakatayo na si Charlotte, hawak na ulit ang baril na pinag-aagawan namin kanina.

Nakatutok na ulit ang baril sa amin.

Ngunit bago pa siya muling makaputok-

BANG!

Isa pang putok ang umalingawngaw, pero hindi mula kay Charlotte.

Mula sa gilid namin.

Napalingon kami at nakita namin si Daddy, may hawak na baril kasama niya ang ilang pulis na mabilis nang pinuntahan si Charlotte.

Unti-unting bumagsak si Charlotte sa lupa.

Tahimik ang buong paligid pagkatapos sabay-sabay kaming napaiyak.

Mahigpit kaming nagyakapan.

Pakiramdam ko, tapos na ligtas na kami.

Ngunit habang yakap ko si Linda, may naramdaman akong kakaiba parang

may basa sa likod niya.

Napakunot-noo ako.

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin nanlamig ang buong katawan ko.

Dugo.

Napakaraming dugo.

"Linda?"

Unti-unti siyang napatingin sa akin.

Ngumiti lang siya.

Isang katamtamang ngiti.

"Looks like... I got hit..."

Mahina siyang natawa bago tuluyang pumikit at bumagsak sa mga bisig ko.

"LINDA!!!"

Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong lugar.

TWO DAYS HAD PASSED.

Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang lahat.

Dalawang araw na puno ng pagod, takot, at panalangin at ngayong umaga, may isang balitang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nagising na raw si Collie.

Kaya mabilis akong nagmaneho

papunta sa hospital halos hindi ko na maramdaman ang pagod sa katawan ko.

Ng malapit na ako sa pinto ng kwarto niya bigla akong natigilan.

May narinig akong pamilyar na boses.

"Ang pangit po talaga ng lasa ng pagkain dito."

Napahinto ako at nanlaki ang mga mata ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at doon....Nakita ko siyang nakaupo sa kama.

Namumutla pa rin at may mga nakakabit pa ring dextrose at monitor.

Pero gising na siya.

"Collie..." Naiiyak kong tawag.

Napalingon siya sa akin na may malawak na ngiti.

"Mama," Sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Mabilis akong tumakbo at mahigpit siyang niyakap.

"Collie..."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"Naku po."

Mahina siyang natawa.

"Mama, ba't ka po umiiyak? Buhay pa po ako."

Bahagya niya akong tinapik sa likod, na para bang mas matanda pa siya sa akin.

"Akala ko ba strong ka?" Dagdag niya.

Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak.

"Gising ka nga talaga..."

"Alam mo, takot na takot ako... kami."

Ngumiti lang siya.

"Don't be, Mama. I'm strong, and I saw Kuya. He almost guided me to the white light, but I said no because Ate Callie needs a cute little me," Sabi niya, kaya agad akong napaiyak habang may ngiti sa labi.

"Kakaiba ka talaga."

Saglit kaming natahimik hanggang sa muli siyang nagsalita.

"So..."

Sinulyapan niya ang paligid.

"Nasaan po ang crush ko?"

Natigilan ako at napatingin kay Emery parehong nawala ang ngiti namin.

Hindi ko alam ang isasagot.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na si Linda ay nasa ibang ospital na at hanggang ngayon, lumalaban pa rin

para mabuhay.

Pinilit kong ngumiti.

"Ah... Baka bumisita sa susunod. Busy sa school nila."

Tumango siya.

"Okay po," Sabi niya.

Sabay simangot.

"Sabihin mo po sa kanya, nagising na ang future girlfriend niya."

"Naku kang bata ka," Sabi ni Tita Margaret.

Napailing na lang ako.

"Kulit mo talaga," Sabi ko.

Eksakto namang tumunog ang cellphone ko.

Lara Calling...

"Sandali lang, ha," Sabi ko.

Tumango si Collie.

Lumabas muna ako ng kwarto bago sinagot ang tawag.

"Hello, Lara?"

Tahimik.

Wala akong narinig.

"Lara?"

Hanggang sa narinig ko ang mahinang hikbi niya sunod-sunod parang hirap na hirap siyang magsalita.

"Lara?" Tawag ko.

May kung anong mabigat sa dibdib ko.

"L-Lara, anong nangyari?" Tanong ko.

Huminga siya nang malalim, at sa pagitan ng kanyang pag-iyak...

Mahina niyang sinabi-

"Wala na si Linda."

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.