CHAPTER 58 Flash Of The Past
Seraphine's POV:
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nagmamaneho.
Tahimik ang buong kalsada, tanging ang mahinang ugong ng makina at ang hangin na dumadampi sa bintana ang kasama ko.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela, paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko ang lahat ng nangyari.
Si Robert.
Ang pagtalon niya.
Ang mga alaalang unti-unting bumalik.
At ang katotohanang...
Ako si Nathan.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Emery.
Paano ko haharapin ang mga anak ko.
Paano ko haharapin ang sarili ko.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang biglang kumirot ang ulo ko.
Napasinghap ako.
"A-Ah..."
Mabilis kong ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Humihingal akong yumuko habang mahigpit na hawak ang ulo ko.
Pakiramdam ko ay sasabog ito.
Sunod-sunod.
Pira-piraso.
Parang may pilit na bumabalik, hanggang sa tuluyan akong
nilamon ng mga alaala.
FLASHBACK
"Junior!"
Masiglang tawag ng isang pamilyar na boses.
Agad akong napalingon.
"Yes, Senior?" Natatawa kong sagot.
Tumawa ng malakas si Daddy.
"Senior talaga?" Tanong niya.
Tumango ako habang nakangisi.
"Eh ikaw naman po talaga ang Senior, Daddy, cause you're old!" Sabi ko.
Napailing siya habang natatawa.
"Loko ka, ahh." Sabi niya.
"Sige nga po." Sabi ko.
Bigla akong tumakbo palayo.
"Daddy! Habulin mo po ako!" Dagdag ko.
"Hoy! Madaya ka, subrang layo muna bago mo sabihin!"
Mas lalo akong tumawa habang mabilis na tumatakbo sa damuhan.
"Hindi mo ako mahahabol, Daddy, sasakit tuhod mo!" Sigaw ko.
"Nathan Junior!"
"Too slow po, Nathan Senior!"
Halos mapaupo sa kakatawa si Daddy habang kunwaring hinihingal.
"Ang bilis mo na talaga pano nalang pag nine kana." Sabi niya.
"Talo ka na naman po!"
"Wait ka lang, anjan na ako!"
Muli niya akong hinabol, humahalakhak kaming dalawa habang paikot-ikot sa bakuran.
Hanggang sa may sumigaw mula sa may pintuan.
"Mahal!"
Pareho kaming napalingon.
Nakatayo roon si Mama habang nakangiti.
"Mag-iingat kayong dalawa!"
Agad akong kumaway.
"Okay po, Mommy!"
Tumango rin si Daddy.
"Copy, boss!" Sabi niya.
Napailing si Mama Amor habang natatawa.
"Kayong mag-ama talaga."
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
"Mommy..."
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Are you happy?" Tanong niya.
Malaki ang ngiti kong tumango.
"Opo!"
Tumingin ako kay Daddy.
"The best ka, Daddy!"
Pagkatapos ay tumingin ako kay Mama.
"And the best, Mommy!"
Pareho silang nagtawanan. Pagkatapos ay sabay nila akong niyakap, at sa loob ng yakap na iyon, pakiramdam ko, kompleto ang mundo ko.
END OF FLASHBACK
Mabilis akong nagmulat ng mga mata.
Pakiramdam ko, napakagaan ng mundo ng mga panahong 'yon.
Wala akong iniisip.
Wala akong dinadalang problema.
Isa lang akong batang masayang nakikipaglaro sa ama ko.
Huminga ako nang malalim.
Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Mom..." Mahina kong bulong.
Unti-unti kong naalala.
Ang pangalan niya.
Ang mukha niya.
Ang tawa niya.
Mama Amor.
Napapikit ako. Ngayon ko lang tuluyang naintindihan. Kaya pala...
Kaya pala ako pinangalanang Amor matapos ang lahat ng yari. Hindi dahil gusto lang ni Tita Tere ang pangalan, kundi dahil mahal na mahal niya si Mama.
Sobrang mahal.
Hindi niya hinayaang tuluyang mawala ang alaala nito. Ibinigay niya sa akin ang pangalan ng taong pinakamamahal niya.
Ang pangalan ng mama ko.
Humagulhol ako.
"Mom..." Mahina kong sambit.
"Sorry po, ngayon ko lang naalala," Bulong ko sa sarili.
Napayuko ako habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko.
Huminga ako nang malalim.
Tumingala ako sa langit habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Thank you, Tita..." Sabi ko habang nakangiti.
"Thank you... for letting Mom live on through me."
Muli kong hinawakan ang manibela.
Marami pa akong kailangang maalala.
Marami pa akong kailangang harapin.
Pero isang bagay ang sigurado, hindi na ako tatakbo sa nakaraan.
Dadalhin ko ito.
Tatanggapin ko ito.
Dahil ako si Nathan ako rin si Amor at pareho silang bahagi ng kung sino ako ngayon.
Makalipas ang ilang segundong katahimikan, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa manibela.
Akala ko tapos na.
Akala ko iyon na ang huling alaalang babalik, ngunit muli na namang kumirot ang ulo ko.
Mas masakit.
Napapikit ako habang sinasabunutan ang ulo ko.
"A-Ah..."
Parang may kung anong humihila sa akin pabalik.
Pabalik ulit sa nakaraan.
Hanggang sa tuluyan na naman akong nilamon ng mga alaala.
FLASHBACK
High school.
First day of classes.
Actually, first day ko, pero three days ago pa nag-start ang classes. Absent lang ako.
Mainit ang panahon, sinabayan pa ng ingay ng buong campus dahil sa mga bagong estudyante.
At gaya ng nakasanayan, ako na naman ang pinakamaingay.
"Nathan!"
Lumingon ako sa tumawag.
"Uy, Captain!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ko sa team.
"Practice mamaya, huwag kang mawawala!"
Nag-two thumbs up ako.
"Relax! Hindi ako mawawala."
Tumawa sila.
Isa kasi akong Student Council officer, varsity pa ng baseball, at kung anu-anong organizations pa ang sinalihan ko.
Kung tutuusin, hindi ko rin alam kung paano ko napagkakasya ang oras ko.
Pero masaya naman. Ngayon nga, masaya akong makikihalubilo sa lahat.
Habang naglalakad ako sa hallway, may napansin akong grupo ng mga bagong transfer students.
Isa-isa silang pinapasok sa gym para sa iba't ibang organization tryouts.
Napangiti ako.
"Bagong mukha."
Mahilig talaga akong mang-asar ng freshmen at transfer students.
Hindi para i-bully sila, kundi para mawala ang kaba nila.
Bigla akong napahinto nang may babaeng mabilis na naglalakad
habang may bitbit na mga papeles.
Mukhang nagmamadali at hindi tumitingin sa dinaraanan.
"Miss-"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko.
BANG!
Diretso siyang bumangga sa akin, at sabay kaming napaupo sa sahig.
Nagkalat ang mga papel niya.
"Aray..."
Napakamot ako sa noo.
"Solid, ah." Sabi ko.
Mabilis siyang tumayo.
Hindi man lang humingi ng tawad
tahimik lang niyang pinulot ang mga papel.
Malamig ang presensya niya.
Halos wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.
Napangiti ako.
Interesting.
Lumuhod ako para tulungan siyang pulutin ang mga papel.
"Relax." Sabi ko.
"In one piece pa naman tayo." Dagdag ko.
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagpulot.
Iniabot ko ang mga papel sa kanya.
"First day?" Tanong ko.
Tumango lang siya.
"Transfer?"
Tumango ulit.
"Wala ka bang balak magsalita?"
Wala parin, kaya napatawa ako.
"Naku, mukhang suplada." Bulong ko.
Doon lang siya tumingin sa akin.
"I'm not suplada," Sabi niya gamit ang malamig na boses.
Napangiti ako lalo.
"Ah," Sabi ko.
"So, nagsasalita ka pala." Dagdag ko.
Umirap siya.
"I'm just not interested in talking to someone who's annoying," Sabi niya.
Napahawak ako sa dibdib ko na parang nasaktan.
"Ouch," Sabi ko.
"Ang sakit naman." Dagdag ko.
Wala pa ring emosyon ang mukha niya.
"Excuse me."
Lalagpasan na sana niya ako nang muli ko siyang tawagin.
"Uy!"
Napahinto siya.
"Ligaw ka ba?"
Huminga siya nang malalim.
"...Yes."
Napahalakhak ako.
"Ayan! Alam ko na!"
Agad kong itinuro ang kabilang building.
"Cheerleading tryouts?"
Bahagya siyang nagtaka.
"How did you know?" Tanong niya.
"Secret."
Ngumisi ako.
"Halata kasi." Sabi ko nalang kahit mabasa ko sa isang papel na
hawak niya.
Napailing siya.
"Weird," Sabi niya.
Natawa ako.
"I get that a lot," Proud kong sabi.
Tahimik siyang tumingin sa akin.
Siguro iniisip niya kung bakit ang ingay ko. Bigla kong inilahad ang kamay ko.
"I'm Nathan, Cutie artist, Student Council, Baseball varsity player
and Certified pogi."
Sunod-sunod kong sabi, pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.
Pagkaraan ng ilang segundo, napabuntong-hininga siya.
"Emery."
Iyon lang.
Pangalan lang. Wala nang iba.
Ngumiti ako.
"Nice meeting you, Emery."
Hindi na siya sumagot.
Tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
Hinayaan ko na lang.
Ngunit bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, lumingon siya sandali, at sa unang pagkakataon...
Bahagya siyang napangiti.
Napakaliit. Halos hindi ko nga napansin, pero sapat na iyon para mapangiti rin ako.
"Interesting..." Mahina kong bulong.
END OF FLASHBACK
Mabilis ulit akong nagmulat ng mga mata.
Napahawak ako sa ulo ko habang mabigat ang paghinga.
Masakit pa rin, pero napangiti ako. Hindi ko napigilan.
Hindi ko lubos akalain na ang babaeng akala kong suplada...
Ang babaeng unang bumangga sa akin...
Ang babaeng halos ayaw akong kausapin...
Siya rin pala ang babaeng babangga sa puso ko at magpaparamdam sa'kin ng pagmamahal hanggang ngayon.
"Ganito pala tayo unang nagkakilala..."
Mahina akong natawa habang pinupunasan ang mga luha sa
gilid ng mga mata ko.
"Suplada ka na pala talaga noon, Emery."
Napailing ako.
"Ako naman..."
Napabuntong-hininga ako habang nakangiti.
"Makulit na makulit."
Napatingin ako sa unahan.
Sa daan pauwi.
"Konti na lang..."
Mahina kong bulong.
"Please wait for me..."
"Uuwi na ako."
Pagkausap ko sa sarili.
Muli kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Hindi ko namalayang nakangiti habang lumuluha na pala ako habang nakaupo sa driver's seat.
Masakit pa rin ang ulo ko, pero sa pagkakataong ito, hindi na puro sakit sa puso ang bumabalik. May mga alaalang nagpapagaan din ng pakiramdam ko.
Napailing ako.
"Ang kulit ko pala talaga noon..."
Mahina akong natawa, ngunit bago pa tuluyang mawala ang ngiti ko, muling kumirot ang ulo ko.
Napasinghap ako.
"A-Ah..."
Napahawak ako sa sentido, at muli akong nilamon ng nakaraan.
FLASHBACK
One year.
Isang buong taon na kaming magkaibigan ni Emery.
Sa loob ng isang taon...
Hindi na siya kasing lamig noong una.
Hindi na rin siya ganoon katahimik.
Bagama't suplada pa rin minsan, mas madalas ko na siyang marinig tumawa, at iyon ang naging paborito kong tunog.
"Bro, sabihin mo na!" Sigaw ng isa kong teammate habang tinutulak ako.
"Tama na ang torpe era mo!"
"Oo nga!" Dagdag pa ng isa.
"Huwag mong hintaying may maunang manligaw!"
Napabuntong-hininga ako.
Kinakabahan ako.
Sobra.
Mas kinakabahan pa yata ako dahil dito kaysa sa championship game namin, kaysa sa exam.
Huminga ako nang malalim habang hawak ang maliit na bouquet ng sunflowers.
Paborito niya. Oo, hindi rosas, sunflowers.
Nakita ko siyang naghihintay sa ilalim ng malaking puno sa campus. Tahimik lang siyang nakaupo habang nagbabasa.
Ang hilig talaga niya magbasa.
Lumapit ako.
"Em..."
Napatingin siya.
"Hmm?"
Parang biglang nawala lahat ng inensayo kong sasabihin.
Napakamot ako sa batok.
"Ano kasi..."
Napatingin siya mula sa libro.
"Bakit?"
Napalunok ako.
"May sasabihin sana ako," Sabi ko.
Agad naman siyang napatingin sa'kin.
"Then say it," Diretso niyang sabi.
Huminga ako nang malalim.
"Natatakot ako."
Napakunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Dahil baka layuan mo ako," Sabi ko.
Tahimik lang siya, at iyon ang lalong nagpakaba sa akin.
"Celestine Emery Walls..."
Napapikit ako.
"I like you."
Nanatili siyang tahimik, kaya ipinagpatuloy ko.
"No..."
Napailing ako.
"I love you."
Humigpit ang hawak ko sa bulaklak.
"I've loved you for a long time."
At halos mawalan ako ng hininga.
"Will you be my girlfriend?"
Tahimik.
Sobrang tahimik. Pakiramdam ko, tumigil ang buong campus.
Tumigil ang hangin.
Tumigil ang oras.
At pagkatapos, biglang nangitim ang paningin ko.
"Hoy!"
"Nathan!"
"Uy!"
"Oi!"
Nang muli akong magmulat ng mga mata, puti ang kisame.
Napakurap ako.
"Clinic?" Mahina kong bulong.
Paglingon ko sa tabi, nakita ko si Emery. Nakatayo siya roon habang nakapamewang at nakasimangot.
Napangiti rin agad ako.
"Em..."
Napairap siya.
"Bakit ka ngumingiti?" Tanong niya.
"So..." Panimula ko.
Napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Tayo na?"
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos, mas lalo siyang sumimangot at saka ako tiningnan na parang gusto niya akong batukan.
"Court me first, stupid," Sabi niya.
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya agad.
"What do you think I am, huh? Some toy you can just pick up whenever you feel like it?
Excuse me? I'm a person! My parents spent millions just to have me!
They take me to expensive restaurants, sent me to prestigious schools, bought me my own house even though I'm still a minor, hired me two yayas, two security, one driver and they even bought me a car I CAN'T EVEN DRIVE YET!
Then you-YOU! You confessed your feelings, passed out like it was part of your master plan, made me nervous, and the first thing you asked after waking up was, 'Tayo na?
' Are you seriously that stupid, Nathan Calloway Harrington Jr.? !" Mahabang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napalunok.
"H-Ha?"
Napailing siya.
"Sino bang nagiging girlfriend agad?" Sabi ko sabay iwas ng tingin.
Napairap ulit siya.
"Court, don't flirt," Sabi niya.
Ilang segundo akong nakatulala hanggang sa unti-unting nag-sink in
ang sinabi niya.
Ibig sabihin, hindi niya ako nireject.
Bigla akong napabangon.
"YES!"
Napasigaw ako sa sobrang saya pero agad ring napahawak sa ulo ko.
"Aray!"
Natawa ang school nurse.
Napailing lang si Emery.
"Baliw."
Ngumisi ako.
"So... may pag-asa?"
Umirap siya.
"Depends."
"Saan?"
"On how good you are in courting."
Napatawa ako.
"Challenge accepted, boss."
Habang papalabas siya ng clinic, lumingon siya sandali, at sa pagkakataong iyon...
Ngumiti siya.
Isang ngiting ako lang ang nakakita, at doon ko nalaman na panalo na ako.
Kahit 'wag na sa championship, basta sa puso niya.
END OF FLASHBACK
Mabilis akong nagmulat ng mga mata. Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Napailing ako habang natatawa.
"Grabe..."
"Nahimatay ako dun."
Napatawa ako nang malakas.
"Sobrang nakakahiya ka, self."
Umiling ako habang pinupunasan ang luha sa gilid ng mga mata ko.
Bigla kong naalala si Collie.
Ang pagiging makulit nito.
Ang pagiging magulo.
Ang walang tigil na pangungulit niya sa lahat.
Eksaktong-eksakto, katulad ko noon.
Napatawa na naman ako.
"Mana pala talaga siya sa akin," Mahina kong sabi.
All this time, nainis ako sa sarili kong ugali.
Natawa na naman ako.
Parang habang papalapit ako sa bahay, mas marami ring alaala ang bumabalik.
Mga alaalang nagpapagaan ng dibdib ko.
Mga alaalang nagpapaalala kung bakit hanggang ngayon...
Si Emery pa rin.
Muli akong napahawak sa sentido, napapikit ako, at muling bumalik ang nakaraan.
FLASHBACK
"Bro!"
Napalingon ako kay Robert.
Nakaupo kami sa bleachers matapos ang baseball practice.
Nakahawak siya sa isang notebook.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
Ngumisi siya.
"The Ultimate Guide to Courting Emery."
Napakunot ang noo ko.
"Huh?"
Binuksan niya ang notebook.
Nakasulat doon...
Operation: Paano Mapapasagot ang Babaeng Suplada.
Napahalakhak ako.
"Baliw ka ba?"
Tinapik niya ang dibdib niya.
"Trust your best friend."
"Ako bahala sa'yo."
Day One.
Lumapit ako kay Emery na may dalang milk tea.
"Favorite mo."
Tiningnan niya lang ako.
"Thanks."
Kinuha niya.
Napangiti naman agad ako.
Pag-alis niya...
Tumakbo agad ako kay Robert.
"Bro!"
"Kinuha niya!"
Nag-high five kami.
"One point!"
Day Seven.
Tinuruan ako ni Robert magluto.
"Sigurado ka bang edible 'to?" Tanong ko.
"Oo naman." Sabi niya.
Itsura pa lang kasi mukhang delikado na.
Nang tikman ni Emery, tahimik lang siya.
"Kumusta?" Tanong ko.
Napabuntong-hininga siya.
"...Masarap."
Napanganga ako.
"Totoo?"
Tumango siya. Pero agad ring nagpaalam na may practice sila pagkaalis ni Emery, napalingon ako kay Robert.
"Bro!"
"Sinungaling 'yon," Bulong niya.
"Lasang sunog."
Pareho kaming nagtawanan.
Day Twenty.
Naglalaro kami ng baseball. Nasa bleachers si Emery habang nanonood.
Biglang lumapit si Robert.
"Tingnan mo."
Napalingon ako at nakita kong tahimik lang si Emery, pero suot niya ang cap ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Bro..."
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Kinikilig ako."
Napailing si Robert.
"Arte mo."
Day Forty-Five.
Napansin kong lagi nang may lunch sa locker ko. Akala ko si Robert, kasi siya naman talaga gumawa noon.
"Ikaw naglalagay?"
Napakunot ang noo niya.
"Hindi."
Pareho kaming napatingin kay Emery. Agad naman siyang umiwas ng tingin, namumula pa ang pisngi niya.
Napangisi ako.
"Huli."
Napairap siya.
"Feeling."
Day Sixty.
Tinulungan ako ni Robert mag-design ng surprise.
Puno ng fairy lights.
Flowers.
Pictures.
Letters.
Pagkatapos naming matapos, napaupo kaming dalawa sa damuhan, humihingal.
Napatingin ako sa kanya.
"Salamat."
Ngumiti lang siya, pero may napansin ako sa mga mata niya.
"Basta masaya ka."
Kinagabihan, dumating si Emery. Tahimik niyang tiningnan ang buong paligid.
"Ikaw lahat gumawa nito?"
Napakamot ako sa batok.
"Kasama si Robert."
Napalingon siya kay Robert.
"Thank you."
Ngumiti lang ito.
"Walang anuman. Una na ako, bro. Good luck."
Tinapik niya ang balikat ko at unti-unti siyang lumayo, parang sinasadya niyang bigyan kami ng oras ni Emery.
Huminga ako nang malalim.
"Emery..."
Napatingin siya sa akin.
"I know I'm annoying."
Napatawa siya.
"Very."
"I know I'm loud."
"Very."
"I know I make stupid decisions."
Tumango ulit siya.
"Very."
Napakamot ako sa ulo.
"Pero..."
Ngumiti ako.
"I'll spend the rest of my life trying to become someone who deserves you."
Tahimik lang siya, sabay lumapit siya sa akin hanggang sa halos magkadikit na kami.
"I've been waiting."
Napakurap ako.
"For what?"
Napangiti siya.
"For you to finally ask me again."
Nanlaki ang mga mata ko.
"So..."
Mahina kong tanong.
"Tayo na?"
Napailing siya habang natatawa.
"Ang kulit mo talaga."
Pagkatapos, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko.
"Yes."
"I'll be your girlfriend."
Pakiramdam ko tumigil ang mundo.
"Talaga?!"
Napasigaw ako.
Hindi ko napigilang buhatin siya at paikutin sa ere.
"Nathan!"
"Mahuhulog ako!" May pagkabulol niyang sabi.
"Mas worth it 'to kaysa sa championship!"
Napatawa siya nang malakas.
Sa di-kalayuan, nakita ko si Robert. Tahimik lang kaming pinapanood habang nakangiti.
Nag-thumbs up siya sa akin.
Binalik ko rin ang thumbs up sakannya.
END OF FLASHBACK
Mabilis akong nagmulat ng mga mata.
Unti-unting nawala ang ngiti ko.
Robert...
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Ngayon ko lang naunawaan.
Lahat ng tulong niya.
Lahat ng suporta niya.
Lahat ng payo niya.
Lahat pala iyon...
Ginawa niya habang unti-unti ring nadudurog ang puso niya.
Hindi ko alam noon na bawat ngiti niya, may kasamang sakit.
Tumulo ang isang luha sa pisngi ko.
"Hindi kita kayang kamuhian..." Mahina kong bulong.
"Pero hindi ko rin kaya pang patawarin ang ginawa mo."
Huminga ako nang malalim.
Napapikit ako.
"You're not the villain. You're just someone who wanted to be loved back..."
Kailangan kong makauwi.
Kailangan kong iligtas si Emery.
Kailangan kong ibigay sa mga pulis ang lahat ng ebidensyang iniwan ni Robert, at higit sa lahat...
Kailangan kong mahanap siya.
Kailangan kong makita ang katawan ng matalik kong kaibigan.
Dahil kahit sa huli, karapat-dapat siyang maihatid nang maayos sa huli niyang hantungan.
"Hintayin mo ako, Robert..."
Mahina kong bulong habang muling pinaandar ang sasakyan.
"Iuuwi rin kita."
Mahigit eleven minutes pa lang ng muli akong nagmamaneho.
Pero hindi parin tahimik ang isip ko.
Isa-isa pa ring bumabalik ang mga alaala.
Mga alaalang ilang taon kong hindi naalala.
Mga alaalang unti-unting binubuo ang taong dati kong pagkatao.
Napangiti ako nang mapait at muling sumakit ang ulo ko, kaya itinabi ko na naman ang sasakyan.
FLASHBACK