CHAPTER 57 Nathan Calloway Harrington II

Emery's POV

I was in the middle of reviewing some documents when my phone suddenly rang.

The moment I saw Tita Tere's name on the screen, my heart tightened. For the past weeks, every call from her had only meant one thing.

News about Amor.

I answered immediately.

"Hello, Tita?"

"Emery... come here. We have an update."

I stood up so fast that my chair almost fell over.

"Have they found her?"

There was silence on the other end.

"Just come here."

The call ended.

I grabbed my keys and left without another second of hesitation.

Throughout the entire drive, my mind was restless.

I kept praying.

Please let this be it.

Please let them have found Amor.

Please let her be safe.

But when I arrived at Tita Tere's house, my heart sank.

Several police cars were parked outside. Fear immediately settled deep inside my chest.

I rushed inside and saw Lara, Hana, Jasmine, and Linda already there. They looked like they had arrived only moments before me.

Tita Tere's eyes were swollen from crying. It was obvious she had been crying again.

"Tita..." I called softly.

She immediately pulled me into a hug.

As I held her, I noticed the serious expressions on the officers' faces.

That was when I knew.

This wasn't the kind of news I had been hoping for.

One of the officers stood up.

"We have an update regarding Miss Amor."

Everyone's attention shifted to him.

"We managed to trace the last location where Miss Amor's signal and tracks were detected."

My grip on Tita Tere's hand tightened.

"It led us to an old abandoned property."

I lowered my gaze.

I didn't know why, but hearing that only made me more anxious.

"We also found her vehicle there."

My entire world seemed to stop.

They found her car, which meant something had really happened.

The room fell silent as the officer continued.

"We were also able to recover footage from the dashcam."

Hope immediately flickered inside me.

Maybe they saw who took her.

Maybe this was the breakthrough we needed.

But the next words shattered that hope.

"The footage shows two individuals taking Miss Amor."

Everyone's eyes widened.

Two people.

"However there is, one problem."

The officer paused.

"Their faces were completely covered, making identification impossible at this time."

The little hope I had left crumbled.

That was it.

That was all they had.

Someone had taken Amor.

Two people, and we still had no idea who they were.

I covered my mouth as tears finally spilled down my cheeks.

I couldn't do this anymore.

Weeks.

Amor had been missing for weeks.

I didn't know where she was.

I didn't know if she was safe.

I didn't even know if she had eaten properly.

Or slept.

Or if she was scared.

The thought alone was enough to break me.

I heard Tita Tere sob beside me.

Soon, Lara, Jasmine, and Linda were crying too. It felt like all of us were slowly losing our strength.

The room was drowning in grief.

Then suddenly, Hana stood up.

She wiped her tears away and looked at all of us.

"We can't give up."

Everyone turned toward her.

"I know this is hard." Her voice cracked.

"I know we're all terrified."

Tears continued to fall from her eyes.

"But if we lose hope..."

She paused.

"Then who is going to keep fighting for Amor?"

The room fell silent.

I lowered my head.

She was right.

It hurt.

God, it hurt so much.

But we couldn't stop.

Not until we found Amor.

Not until we brought her home.

I took a deep breath and wiped away my tears.

Where are you, Amor?

Please, just hold on a little longer. We're coming for you, no matter what it takes.

We'll find you, and we'll bring you home.

Seraphine's POV:

Isa pang linggo ang lumipas.

Dalawampu't dalawang araw na akong nakakulong sa lugar na ito.

Dalawampu't dalawang araw na wala akong balita kina Emery at sa mga bata.

At sa loob ng pitong araw na iyon, hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko mula sa kabilang silid.

Paulit-ulit, na parang sirang plaka.

"Amor will be yours..."

"And Emery will be mine."

Sa bawat pagdaan ng araw, mas lalo akong nilalamon ng takot, hindi para sa sarili ko.

Kundi para kay Emery.

Para sa kambal.

Para sa pamilya ko.

Dahil alam kong may pinaplano sila. At ang pinakamasakit?

Wala akong magawa.

Napayakap ako sa sarili ko habang tahimik na umiiyak.

Pagod na pagod na ako.

Pagod na ang puso ko.

Pagod na ang isip ko.

Gusto ko nang umuwi.

Gusto ko nang makita si Emery.

Gusto kong yakapin ang mga anak ko.

Miss na miss ko na sila.

Biglang bumukas ang pinto.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko, ngunit huli na. Nakita na niya.

Tahimik na pumasok ang lalaki. Katulad ng dati, nakasuot pa rin siya ng itim.

Ilang segundo niya akong pinagmasdan bago siya nagsulat.

"What's wrong?"

Napatawa ako.

Isang mapait na tawa.

Isang tawang puno ng sakit. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Paano mo natatanong 'yan?" Basag ang boses ko.

"Na parang hindi ikaw ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko?"

Nanigas siya.

Ramdam ko iyon, kahit hindi ko makita ang mukha niya.

Tahimik ang buong silid.

Pagkatapos ay muli siyang nagsulat.

"I'm doing this because I love you."

Napapikit ako, at mas lalong tumulo ang mga luha ko.

"Love?"

Napailing ako.

"This is not love."

Tumingin ako sa kanya. Diretso. Matapang, kahit wasak na wasak na ako dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.

"This is obsession."

Tahimik lang siya, samantalang ako ay unti-unting nauubos.

"Siguro para sa'yo, ito ang pagmamahal."

Mahina akong natawa.

"Pero para sa akin?"

Umiling ako.

"Hindi ko nga ito matatawag na pag-aalaga."

Tumulo ang luha ko.

"Oo. Hindi mo ako sinasaktan physically pero araw-araw mo namang sinasaktan ang puso ko."

"Every single fucking day."

"At mas masakit iyon."

Nanatili siyang tahimik.

Parang hindi alam kung paano sasagot. Pagkatapos ay muli siyang nagsulat.

"This is my only way to keep you."

Napangiti ako, ngunit puno iyon ng lungkot.

"You will never have me," Nanginginig ang boses kong sabi.

"Maaari mo akong ikulong dito."

"Maaari mo akong itali."

"Maaari mong kunin ang kalayaan ko."

Tumingala ako habang patuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Pero hindi mo kailanman makukuha ang puso ko."

Huminga ako nang malalim.

"Dahil alam kong alam mo rin ang totoo."

Napakagat-labi ako.

"My heart will always find its way home."

"To Emery."

"To our children."

"To my family."

Nanigas muli siya, at sa pagkakataong iyon ay parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.

Ngunit hindi sapat iyon para baguhin ang nararamdaman ko.

Muli siyang nagsulat.

"Love is blind."

Napatawa ako.

Hindi dahil nakakatawa iyon, kundi dahil nakakalungkot.

Sobrang nakakalungkot.

"So that's your plan?"

Mapait akong ngumiti.

"Buburahin mo ang alaala ko para maging bulag ako?"

"Para mahalin kita sa paraang gusto mo?"

Tumawa ulit ako, ngunit kasabay noon ang pagpatak ng mga luha ko.

"No."

Umiling ako.

"Love is not blind."

Napatingin siya sa akin.

At sa unang pagkakataon, sinabi ko ang mga salitang matagal ko nang pinaniniwalaan.

"Love sees every flaw."

"Every scar."

"Every mistake."

"Every imperfection we try so hard to hide."

Huminga ako nang malalim.

"It sees the pain."

"The arguments."

"The misunderstandings."

"The broken pieces inside us."

Napapikit ako.

"And yet..."

"It still chooses to stay."

Tumulo muli ang luha ko.

"Because none of us are perfect."

"No relationship is perfect."

"We fight."

"We disagree."

"We hurt each other."

"We make mistakes."

Napangiti ako habang naiisip si Emery.

Ang mga away.

Ang mga tampuhan.

Ang mga panahong pareho kaming nasaktan, ngunit nanatili.

"But real love chooses to understand."

"To forgive."

"To grow together."

"To let go, even if you love that person so bad."

Tahimik siyang nakatingin sa akin, at ipinagpatuloy ko.

"The only time love becomes blind..."

"...is when we pretend not to see the truth."

Kapansin-pansin ang panginginig ng boses ko.

"When we keep excusing the same mistakes."

"The same betrayals."

"The same pain without any change."

Umiling ako.

"And what you're doing right now."

"That's not love."

"That's refusing to see the truth, refusing to see the reality."

Napapikit ako.

"Love isn't blind."

Muli akong tumingin sa kanya, diretsong-diretso.

"It sees everything."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.

Pagkatapos ay ngumiti ako.

Pagod na ako, pero sa tuwing naiisip ko ang mga plano nila sa mga bata, gusto kong magpatuloy. Pero alam ko ring wala na rin akong takas, kaya binitawan ko na ang salitang alam kong makapagliligtas sa mag-iina ko.

"Sige," Mahina kong sabi.

"I'll let you have me."

Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa whiteboard.

"I'll follow whatever you want. Papayag akong burahin mo ang alaala ko."

Ramdam kong nanigas siya, ngunit bago pa siya umasa, agad kong ipinagpatuloy.

"Pero pakiusap..."

Tuluyan akong napaiyak.

"Wag mo nang idamay ang mga bata."

Nanginginig na ang boses ko.

"Please, wag mo nang saktan sina Emery. Wag mo nang guluhin ang buhay nila."

Napahikbi ako.

"Marami na silang pinagdaanan."

"Sobra na."

"Kung totoo man ang pagmamahal mo sa akin..."

Napayuko ako.

"Do this for me." Huling sinabi ko, nagbabakasakaling hindi na niya

guluhin pa sila.

Walang sumunod na sulat.

Walang paliwanag.

Walang pagtanggi.

Walang pangako.

Tahimik lamang siyang nakatayo.

At sa unang pagkakataon, matapos ang napakaraming araw, pakiramdam ko mas mabigat pa ang katahimikang iyon kaysa sa anumang salitang maaari niyang sabihin.

A few more seconds passed.

Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumalikod, at walang lingon-likod na lumabas ng silid. Iniwan niya akong mag-isa.

Kasama ang sakit.

Kasama ang takot.

Kasama ang lungkot.

At kasama ang natitirang pag-asa na baka...

Baka hindi pa huli ang lahat.

HOURS HAD PASSED.

Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang umalis siya.

Mahigit isang oras na rin akong nakaupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kawalan. Paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Ang katahimikan niya.

Ang paraan ng pag-alis niya.

At ang katotohanang sa unang pagkakataon ay wala siyang naisulat pagkatapos kong magmakaawa para kina Emery at sa mga bata.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.

Hindi ko alam kung nakinig ba siya o mas lalo lamang siyang nagalit.

Napabuntong-hininga ako.

Pakiramdam ko ilang taon na ang lumipas simula nang mawala ako, kahit ilang linggo pa lamang ang nakakalipas.

Biglang bumukas ang pinto. Agad akong napatingin at, tulad ng inaasahan ko, ang babae nanaman.

Nanigas ang katawan ko.

Kahit ilang beses ko na siyang nakita, hindi pa rin nawawala ang kaba ko sa tuwing pumapasok siya.

Mas lalo na kapag mag-isa lang siya. Mabilis ang mga hakbang niya.

Halatang galit.

Sobrang galit.

Parang may gusto siyang patayin, at pakiramdam ko ako iyon. Huminto siya sa harapan ko bago marahas na inilapag ang whiteboard sa mesa.

Mabilis siyang nagsulat.

Sa sobrang diin ng pagkakasulat niya ng marker sa board, kung hindi ito makapal, panigurado butas na ito.

Pagkatapos ay iniharap niya iyon sa akin.

"What did you say to him?"

Napakurap ako.

Hindi agad nagsink in ang tanong, ngunit ng maintindihan ko ay napatawa ako ng mahina, pagod at walang buhay.

"Ano'ng sinabi ko?"

Hindi siya gumalaw. Nanatili lamang siyang nakatitig.

Huminga ako nang malalim.

"Sinabi ko lang ang gusto sabihin ng puso ko."

Sa loob lamang ng ilang segundo bago ko sabihin...

Pak!

Nabaling ang mukha ko sa lakas ng sampal. Napasinghap ako at nalasahan ko agad ang dugo sa gilid ng labi ko.

Nanubig ang mga mata ko, ngunit hindi ako umiyak.

Hindi sa harap niya. Ayokong ibigay sa kanya ang kasiyahang iyon.

Nanginginig akong bumalik ng tingin sa kanya, at doon ko nakita.

Kahit natatakpan ng maskara ang mukha niya, ramdam na ramdam ko ang galit.

Galit na parang matagal nang kinikimkim.

Galit na parang kasalanan kong mabuhay.

Mabilis niyang itinuro ang mga salita sa board.

"What did you say to him?"

Mas madiin.

Mas galit.

Napatawa ulit ako.

"Hindi ka ba marunong makinig?"

Tahimik siya.

"Sinabi ko lang ang totoo."

Napairap ako.

"Na hindi pagmamahal ang ginagawa ninyo."

Nanigas siya.

"Na hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na mahalin ka."

Pak!

Isa na namang sampal.

Mas malakas.

Mas masakit.

Napapikit ako at, bago pa siya muling makalapit, biglang bumukas ang pinto.

Nanigas kaming pareho.

Ang lalaki.

At tulad ng mga nakaraang beses nahuli na naman niya ang babae.

Nahuli na naman niya itong sinasaktan ako.

Tahimik ang buong silid, ngunit pakiramdam ko ay bumaba ang temperatura.

Mabilis siyang lumapit at, bago pa makagawa ng kahit ano ang babae, ay hinablot na niya ang pulso nito.

Mahigpit.

Napakahigpit.

Mabilis siyang nagsulat sa whiteboard, halos mabutas din ito sa diin.

Hindi ko mabasa mula sa kinauupuan ko, ngunit halatang galit na galit siya.

Mas galit pa kaysa dati. Nanginginig ang babae, pero hindi rin siya umatras.

Sa unang pagkakataon ay tila lumaban siya. Mabilis itong kumuha ng sariling whiteboard at nagsulat, pagkatapos ay itinapat sa lalaki.

Sunod-sunod.

Paulit-ulit.

Parang nagtatalo.

Parang may matagal nang kinikimkim laban sa isa't isa. At pagkatapos ng ilang minuto ay muli na naman nila akong iniwang mag-isa.

Dinala na naman siya ng lalaki sa kabilang silid. Narinig kong malakas na sumara ang pinto. Kasunod noon ay mga kaluskos, mabibigat na yabag, at kung minsan ay tila may kung anong bumabagsak.

Napapikit ako.

Pagod na pagod na ako.

Hindi ko na kayang isipin pa ang lahat. Dahan-dahan akong humiga sa kama at, bago ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Nang magising ako, ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko alam kung anong oras na.

Napakurap ako, naguguluhan, hanggang sa mapansin ko ang taong nakaupo sa tabi ng kama.

Ang lalaki.

Tahimik siyang nakatingin sa akin, parang matagal na akong hinihintay.

Agad akong naupo.

At gaya ng nakasanayan, ay may hawak siyang whiteboard.

Mabilis siyang nagsulat, pagkatapos ay iniharap sa akin.

"Are you really willing to do everything for me?"

Napayuko ako.

Hindi ko agad sinagot dahil pareho naming alam na nagsinungaling ako.

Hindi para sa kanya, kundi para kina Emery, para sa mga bata. Kung may paraan para iligtas sila, gagawin ko kahit ako ang kapalit.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at tumango.

"Oo."

Mahina ngunit malinaw.

"Kung makakatulong iyon para tigilan ninyo sila."

Hindi siya gumalaw.

Parang pinag-aaralan ang bawat galaw ko.

Bawat salita ko.

Pagkatapos ay tumayo siya.

Napakunot ang noo ko.

Ano'ng ginagawa niya?

Maya-maya ay lumuhod siya sa harap ko at doon ko naramdaman ang pagluwag ng kadena sa paa ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Isa-isa niyang tinanggal ang mga iyon. Hindi ako makapaniwala.

Pagkatapos ng ilang linggo, malaya na ang mga paa ko.

Napapaisip. Siguro kayo paano ko nalaman kung ilang linggo na ang mga nagdaan. Merong kalendaryo sa silid at siya mismo ang naglalagay ng check para malaman ko.

Bagama't malaya na ang mga paa ko at kamay sa kadena, pinalitan naman niya ng posas ang mga nasa kamay ko.

Tumayo siya at saka itinuro ang pinto, para bang sinasabing sumunod ako.

Nag-aalangan akong tumayo.

Baka panibagong laro na naman ito.

Baka panibagong bitag.

Ngunit wala akong pagpipilian. Dahan-dahan akong sumunod.

Paglabas ko ng silid ay ngayon ko lamang muling nakita ang ibang bahagi ng lugar.

Mahabang pasilyo.

Lumang dingding.

At napakalamig na hangin.

Parang abandonadong bahay o lumang gusali. Hindi ko sigurado, pero mas maayos ito kaysa sa unang lugar na pinuntahan ko.

Tahimik kaming naglakad hanggang makarating sa labas, at doon ko nakita ang sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sasakyan?

Saan kami pupunta?

Agad akong napatingin sa kanya, ngunit hindi siya sumagot.

Hindi rin nagsulat.

Binuksan lamang niya ang pinto ng sasakyan, na parabang hinihintay akong sumakay.

Naguguluhan man, pero sumunod pa rin ako.

Pagkaupo ko sa loob ay nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano'ng nangyayari?

Saan niya ako dadalhin?

Bakit bigla siyang nagbago?

At bago pa man kami tuluyang makaalis, isang pamilyar na boses ang nagpahinto sa akin.

"You're making a mistake!"

Pareho kaming natigilan.

Sigaw ng kung sino sa loob, galit na galit, halos nanginginig sa galit ang boses niya.

"You're going to regret this!" Sigaw niya.

Parang gusto niyang habulin kami.

Parang gusto niyang pigilan kami.

Pero tuluyan kaming umalis sa lugar

HOUR HAD PASSED.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog sa sasakyan.

Pagod na pagod ang isip ko.

Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw, nakatulog ako nang walang takot na may biglang papasok sa silid na babae.

Marahil dahil wala na ang mga kadena sa paa ko, o marahil dahil sa sobrang pagod ko na wala na akong lakas para mag-isip.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Agad akong napatitig sa kalangitan.

Halo-halong kulay.

Napakalinaw.

Nasaan ako?

Mabilis akong napabangon at doon ko lang napansin ang paligid.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nasa isang mataas na lugar kami. Sa harapan namin ay isang malawak na bangin.

Malamig ang hangin. Ramdam ko dahil nakabukas ang bintana ng sasakyan.

Tanging ang tunog ng hangin at pag-awit ng mga ibon ang maririnig at ilang metro mula sa akin naroon siya, nakaupo sa gilid ng bangin.

Tahimik.

Nakatanaw sa malayo.

Parang may iniisip.

Parang may dinadala.

Agad kong napansin ang isang bagay.

Wala na ang posas mabilis kong tiningnan ang mga kamay ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ito na.

Ito na ang pagkakataon.

Wala nang kadena.

Wala nang nakakulong sa akin.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan.

Handa nang tumakbo.

Handa nang hanapin ang daan pauwi.

Ngunit bago pa ako makagawa ng kahit isang hakbang, nagsalita siya sa unang pagkakataon, diretso.

Walang whiteboard.

Walang pagtatago.

Walang pagsusulat.

Boses.

"Do you want to know everything?"

Nanigas ako. Parang may humawak sa buong katawan ko. Unti-unti akong napalingon sa kanya.

Hindi siya gumalaw.

Hindi siya tumayo.

Hindi rin niya ako pinigilan.

Nakaupo lamang siya roon habang nakatingin sa malayo.

Parang alam niyang magdadalawang-isip ako kapag may sinabi siya parang binigyan niya ako ng pagpipilian akong tumakbo o manatili.

Humigpit ang mga kamao ko.

Ito na ang pagkakataon ko para makatakas.

Ito na ang matagal ko nang hinihintay.

Ngunit...

Ito rin ang pagkakataon para malaman ang totoo.

Para malaman kung sino sila.

Kung bakit nila ginawa ito.

Kung bakit tila pamilyar ang lahat at higit sa lahat, kung sino ba talaga siya sa buhay ko.

Dahan-dahan akong bumalik sa kinatatayuan ko.

Pinili kong manatili.

Napansin ko ang bahagyang paggalaw ng balikat niya.

Parang nakahinga siya nang maluwag.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.

Hanggang sa muli siyang nagsalita mahina, pagod at puno ng pagsisisi.

"Sorry."

Napakunot ang noo ko.

"I never meant to hurt you."

Natawa ako nang mapait.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit.

Hindi ka nag-mean na saktan ako?

Talaga ba?

Pero hindi ko siya ininterrupt. Hinayaan ko siyang magsalita.

Marahil dahil iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang magsalita nang ganoon kahaba.

Marahil dahil pakiramdam ko ito na ang simula ng mga sagot.

Tahimik siyang tumawa, ngunit walang saya.

Parang tinatawanan lamang niya ang sarili niya.

"You're right."

Tumigil siya sandali.

"Masama akong tao."

Napayuko siya.

"And I know that."

Tumigas ang panga ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Galit.

Dapat galit ako. Pero bakit nakakaramdam ako ng awa at

pagkalito, lahat sabay-sabay?

"But what can I do?"

Bahagya siyang napangiti.

Isang ngiting puno ng sakit.

Kita ko sa pagkakabakat ng mukha niya.

"I just loved you."

Nanlaki ang mga mata ko at, bago pa ako makapagsalita, ay ipinagpatuloy niya.

"Ako ang nauna."

Napakunot ang noo ko.

"What?"

Mahina akong napatanong, ngunit tila hindi niya ako narinig, o baka ayaw lang niyang sagutin.

"Ako ang nauna," Mas malinaw niyang ulit.

"Pero siya ang pinili mo."

Napalingon siya sa akin at, sa unang pagkakataon, pakiramdam ko nakita ko ang lalim ng sakit na matagal na niyang kinikimkim.

"Ever since..."

Natawa siya.

"Siya pa rin."

Napabuntong-hininga siya.

"Kahit ako ang nandito mula pa noong una."

Tuluyan akong nalito.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Ano ang tinutukoy niya?

Sino siya?

Bakit parang kilalang-kilala niya ako?

Bakit parang bahagi siya ng nakaraan ko?

Mabilis akong lumapit hindi na ako natatakot mas nangingibabaw na ang pagkalito.

"Sino ka ba talaga?"

Mahina kong tanong.

Tahimik niyang tiningnan ang malawak na tanawin sa harapan namin.

Pagkatapos ay natawa siya.

Hindi malakas.

Hindi masaya.

Kundi isang tawang puno ng pagod, puno ng pagkatalo.

"May magbabago ba kung malaman mo?"

Napahinto ako.

Hindi ko agad nasagot dahil, sa totoo lang, hindi ko alam.

May magbabago nga ba?

Mabubura ba ang ginawa niya?

Mapapatawad ko ba siya?

Maiintindihan ko ba siya?

Tahimik akong lumapit pa.

Isa.

Dalawa.

Tatlong hakbang.

Hanggang sa halos katabi ko na siya.

Ramdam ko ang malamig na hangin.

Ramdam ko rin ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin.

Ngunit hindi ako umatras.

At habang mas lalo akong lumalapit, mas lalo kong nararamdaman na ang sagot na matagal ko nang hinahanap nasa harapan ko na.

Konting-konti na lang.

At malalaman ko na kung sino ang lalaking nagwasak ng mundo ko at kung bakit, sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot niya...

Parang ang hirap magalit sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto, tahimik kaming dalawa.

Tanging ang malamig na hangin at ang mahinang pagaspas ng mga dahon ang maririnig sa paligid.

Hindi ko na alam kung bakit hindi pa rin ako umaalis. Malaya na ako.

Wala nang posas.

Wala nang kadena.

Pwede akong tumakbo anumang oras, pero sa halip, nanatili ako.

Dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, may taong handang sagutin ang mga tanong ko.

Mga tanong na matagal nang gumugulo sa isip ko.

Huminga ako nang malalim, pagkatapos ay tumingin sa kanya.

"Gusto kong malaman kung sino ka."

Mahina ngunit sigurado ang boses ko.

"Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa ang lahat ng ito."

"Gusto kong malaman kung bakit pakiramdam ko may nawawala sa mga alaala ko."

Matagal siyang hindi nagsalita, parang pinag-iisipan niya kung saan magsisimula.

Hanggang sa napabuntong-hininga siya at saka nagsimulang magsalita.

"Do you remember elementary school?"

Napakunot ang noo ko. Mabilis akong umiling.

"Wala akong maalala."

Tumawa siya.

"Of course."

Napalingon siya sa malayo, parang pinapanood ang mga alaalang siya lamang ang nakakakita.

"We met when we were kids."

Mahina ang boses niya.

"Elementary."

Ramdam kong nakangiti siya. Sa unang pagkakataon, hindi iyon mukhang pilit.

"We were best friends."

Tumigil siya sandali.

"Just you and me."

Napatingin ako sa kanya habang tahimik akong nakikinig.

"Palagi tayong magkasama."

"Magkatabi sa klase."

"Magkasabay umuwi."

"Magkasabay kumain."

Bahagya siyang natawa.

"May panahon pa nga na akala ng mga teacher natin kambal tayo."

Napakurap ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero habang nagsasalita siya, may kung anong kumikirot sa ulo ko, parang may pilit bumabalik ngunit hindi sapat para maging alaala.

"Hanggang high school."

Rinig ang lungkot sa boses niya.

"Doon ako nagkamali."

Napakunot ang noo ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Tahimik siyang tumawa.

"Doon ako umamin."

Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko.

"Inamin ko na mahal kita."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit ko. Hindi ko alam kung bakit.

Marahil dahil sa bigat ng emosyon sa boses niya.

Marahil dahil pakiramdam ko hindi siya nagsisinungaling.

"Ano'ng ginawa ko?" Mahina kong tanong.

"You rejected me."

Diretso.

Walang galit.

Walang paninisi.

Walang pagsisisi.

Parang matagal na niya iyong tinanggap.

"You told me you couldn't love me that way."

Napayuko siya.

"And you gave me a lot of reasons."

Tumigil siya sandali.

"Valid reasons."

Napakurap ako.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil wala akong maalala, ngunit ramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"I tried to move on."

Napatawa siya, pero puno iyon ng pait.

"You saw it."

"I tried."

"I really tried."

Napabuntong-hininga siya.

"But I couldn't."

Tahimik akong nakikinig.

Hanggang sa muli siyang nagsalita.

"Then she came."

Nanigas ako at agad kong naisip si Emery.

"One day, you told me you liked her."

Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko. Kahit hindi ko maalala, pakiramdam ko alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Napailing siya habang tumatawa.

"Ako pa nga ang tumulong sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?"

Tumango siya.

"I helped you court her."

Natawa siya nang mahina.

"I helped you buy flowers."

"I helped you prepare surprises."

"I even listened every time you talked about her."

Napabuntong-hininga siya.

"And every single time..."

Tumingin siya sa akin.

"...it broke me," Basag ang boses niyang sabi.

Umiiyak na siya.

Tahimik akong natigilan.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Hindi ko alam kung paano siya haharapin.

Dahil hindi ko na lamang siya nakikita bilang kidnapper.

Nakikita ko rin ang isang taong nasaktan.

Isang taong hindi nakausad.

Isang taong nagmamahal lang.

Ngunit hindi ibig sabihin noon ay tama ang ginawa niya.

Kailanman.

Pagkatapos ay nag-iba ang ekspresyon ng boses niya, napalitan ng seryosong tono.

"Everything was fine not perfect but manageable."

Tumigil siya.

"Until my sister came back."

Nanigas ako.

Ang babae.

Napakagat siya sa labi. Kita ko sa paggalaw ng mga ito sa likod ng

mask niya.

"And then I found out..."

Humigpit ang panga niya.

"She liked her too."

Nanlaki ang mga mata ko.

What?

Tahimik siyang tumawa.

"Funny, right?"

Napailing siya.

"We both wanted something we couldn't have."

Napayuko siya.

"Then she made me a promise."

Tahimik akong nakikinig.

"She told me..."

Mabagal siyang huminga.

"If I helped her get the woman she loves..."

Bahagya siyang tumigil.

"...She would make sure that you well be mine."

Nakaramdam ako ng galit at inis, hindi sa kanya kundi sa babae.

"So you agreed?"

Diretso kong tanong.

Hindi ko na itinago.

Hindi ko na pinalambot.

Hindi ko na pinigilan ang sarili.

Matagal siyang natahimik, pagkatapos ay tumango.

Isang beses mabagal puno ng pagsisisi.

"Oo."

Napapikit ako.

Parang may kung anong bumagsak sa loob ko, ngunit bago pa ako makapagsalita ay agad siyang nagpatuloy.

"Pero hindi kinaya ng konsensya ko."

Napatingin ako sa kanya.

"I was jealous."

Napatawa siya.

"I was selfish."

"And I was hurting."

Tumigil siya.

"But I wasn't a murderer."

Tahimik ang boses niya at, sa pagkakataong iyon, mukha siyang nagsasabi ng totoo.

Hindi ko alam kung bakit, pero ganoon ang pakiramdam ko.

Napakunot ang noo ko.

"Kung ganoon..."

Napalunok ako.

"Bakit wala akong maalala?"

At doon tuluyang napayuko siya, parang may multong bumalik mula sa nakaraan.

Parang may sugat na muling bumukas.

Mahabang katahimikan.

Hanggang sa nagsalita siya, mahina at basag ang boses.

"The day I was about to leave..."

Napatigil siya.

"...she did something to your car."

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ako nagsalita.

Hindi ako gumalaw.

Naghintay lamang ako.

"I received a call from her."

Humigpit ang mga kamao niya.

"She was laughing."

Napapikit siya.

"And she told me..."

Dahan-dahan siyang huminga.

"'I'm going to kill her.'"

Nanlamig ang buong katawan ko sa unang pagkakataon.

"At first, I didn't believe her."

Mapait siyang tumawa.

"I thought she was bluffing."

Napailing siya.

"I thought she was just angry."

Tumigil siya.

"But after I arrived in London..."

Parang hirap na hirap siyang magsalita, parang bawat salita ay may sugat.

"I received the news."

Napayuko siya at, nang muli siyang magsalita halos pabulong na lamang iyon.

"You were dead."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin.

Samantalang siya, nakatingin lamang sa kawalan, parang bumalik siya sa araw na iyon.

Sa araw na nawala ako sa buhay niya.

"I didn't believe it," Basag na basag ang boses niya.

"I refused to believe it."

Tumulo ang isang luha mula sa gilid ng mata niya. Hindi ko nakita; napansin ko lang nang punasan niya.

"I was broken."

"I couldn't think."

"I couldn't sleep."

"I couldn't breathe."

Unti-unti siyang napatawa, ngunit puno iyon ng sakit.

"Dahil akala ko..."

Tumigil siya at, sa unang pagkakataon, tumingin siya nang diretso sa akin.

"...the only man I ever loved was gone forever."

Nanatili akong nakikinig habang pinagmamasdan siya.

Ang bawat salita niya ay parang bato na unti-unting bumabagsak sa mundo na matagal ko nang binuo sa isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan.

Hindi ko alam kung ano ang totoo.

At higit sa lahat...

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may bahagi ng puso ko na gustong maniwala sa kanya.

Tahimik akong napalunok.

Pagkatapos ay napakunot ang noo.

"Man?" Mahina kong tanong.

Napatingin siya sa akin.

Naguguluhan na ako.

Sobrang naguguluhan na.

"Anong ibig mong sabihin?" Mahinahon kong tanong.

"Bakit parang kilalang-kilala mo ako at akala ko ako ang mahal mo, pero bakit man? Babae ako?"

Tahimik siya.

Pagkatapos ay natawa, tawang puno ng pagod, puno ng sakit, at puno ng pagkatalo.

"Yeah... Right."

Napailing siya.

"You can't remember."

Napakunot lalo ang noo ko.

"What are you talking about?"

Agad kong tanong.

"What do you mean I can't remember?"

Unti-unti siyang tumayo, at doon nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko...

May mangyayari.

May malalaman ako.

May mababago.

Isa-isa siyang naglakad papalapit sa gilid ng bangin.

Habang ako naman ay nananatiling nakatayo, nakatingin lamang sa kanya, at pagkatapos ay nagsalita siya.

Mahina ngunit malinaw.

"Because the person you are today..."

Huminto siya at saka tumingin sa akin.

"...is not really you."

Nanlaki ang mga mata ko, parang may kung anong sumabog sa loob ng ulo ko.

Napahawak ako sa sentido dahil sa sobrang sakit.

"A-Ah!"

Napayuko ako. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko.

Sunod-sunod.

Pira-piraso.

Parang may pilit bumabalik.

Mga mukha.

Mga boses.

Mga alaala.

At pagkatapos...

FLASHBACK

Masaya kaming naglalakad sa school grounds.

"High school na tayo."

Pareho kaming nakangiti.

Pareho kaming masaya.

At pagkatapos ay huminto siya.

Seryoso at tila kinakabahan.

"Nathan..."

Mahina niyang tawag. Napalingon ako.

"Ano?"

Huminga siya nang malalim.

Parang naghahanda.

Parang may mahalagang sasabihin, at pagkatapos ay diretsahan niya akong tiningnan.

"I love you."

"I love you too, bro," Sabi ko sabay peace sign.

"No. I really love you. I like you," Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

May katahimikan sa pagitan namin hanggang sa napailing ako.

"Hindi nga puwede," Agad kong sagot.

Nasaktan siya. Kitang-kita ko iyon.

"Bakit nga hindi? Diba bisexual ka? Sinabi mo 'yon sa sakin?" Basag ang boses niya.

Yes, tama siya, pero maraming dahilan kung bakit mali ang gusto niya, kahit saan tingnan.

"Bakit?"

Napakagat-labi ako.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.

Hindi ko alam kung paano sasabihin nang hindi siya masasaktan.

Pero kailangan niyang marinig ang totoo.

"Kasi..."

Huminga ako nang malalim.

"Pareho tayong lalaki."

Napayuko ako.

"And we're friends."

"Pangarap kong magka-anak, magka-pamilya."

Nanlaki ang mga mata niya at, bago pa ako makapag-react...

Bigla siyang lumapit.

Masyadong mabilis.

Masyadong malapit.

At sinubukan niya akong halikan.

Napasinghap ako.

END OF FLASHBACK

Bigla akong bumalik sa realidad.

Napaatras ako, nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagkabigla.

Nanlaki ang mga mata ko.

Habang ang mga luha ay kusang bumabagsak sa mukha ko.

Hindi.

Hindi iyon panaginip.

Hindi iyon imahinasyon.

Alaala iyon.

Tunay na alaala.

Napahawak ako sa bibig ko.

"N-No..." Mahina kong bulong.

At doon ko tuluyang naalala.

Hindi ako si Amor.

Hindi iyon ang pangalan ko.

Hindi iyon ang tunay kong pagkatao.

Ako si Nathan.

Ako si Nathan.

Ako si Nathan.

Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa isip ko, at bago pa ako makapagsalita, nauna na siyang nagsalita.

Nakatayo pa rin siya sa gilid ng bangin, tahimik, nakatalikod, ngunit ramdam ko ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"I caused you a lot of pain."

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha.

"My love..."

Napabuntong-hininga siya.

"I'm sorry," Basag ang boses niya.

"I'm really sorry."

At pagkatapos ay sinabi niya ang pangalang tuluyang nagpahinto sa mundo ko.

"Nathan Calloway Harrington II the only man I've ever love."

Tuluyang namanhid ang katawan ko.

Hindi Amor.

Wala nang pagdududa.

Wala nang tanong.

Nathan.

Ako si Nathan.

At kilala ko ang boses na iyon.

Kilala ko siya.

Matagal ko na siyang kilala, at bago ko pa mabigkas ang pangalan niya...

Biglang tumunog ang cellphone niya.

Pareho kaming napatingin. Mabilis niyang inilabas iyon at, nang makita niya ang screen...

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

"Siya ba 'yan?" Mahina kong tanong.

Tumango siya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

"Sagutin mo," Agad kong sabi.

"Sagutin mo."

Nag-atubili siya, ngunit sinunod niya rin ako.

Binuksan niya ang tawag at agad na sumabog ang galit na boses mula sa kabilang linya.

"You betrayed me!" Sigaw ng babae.

"I told you not to do this!"

Nanlaki ang mga mata ko. Halos marinig ko ang bawat salita.

"I will kill all of you!"

Patuloy nito.

"Do you hear me?!"

"I will kill all of you!"

Napaatras ako. gunit hindi pa siya tapos.

"And when all of you are gone..."

Tumawa siya.

Nakakatakot.

Nakakabinging tawa.

"...Emery and I will finally be together."

Nanlaki ang mga mata ko.

Emery.

Hindi.

Hindi puwede.

Agad namang nagsalita ang lalaki.

"Stop this."

Mahina ngunit matigas.

"You need to let Emery go."

Tumawa ang babae.

Mas malakas.

Mas baliw.

Mas delikado.

"No."

At pagkatapos ay naputol ang tawag, at doon ako tuluyang nataranta.

"Emery."

Napaatras ako.

"Kailangan kong umalis."

Mabilis akong tumakbo patungo sa sasakyan.

Kailangan kong makarating kay Emery.

Kailangan kong makarating sa mga bata.

Ngunit bago pa ako makalayo, may humawak sa braso ko.

Siya.

Agad akong lumingon.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.

"Kailangan kong umalis!"

Ngunit hindi siya bumitaw. Sa halip ay tumingin lamang siya sa akin.

"Nathan," Mahina niyang sabi.

At doon ako tuluyang natigilan.

"Listen to me."

Humigpit ang panga ko, ngunit tumigil ako.

Sa huling pagkakataon.

Sa huling pagkakataon para sa kanya.

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga at itinuro ang sasakyan.

"Everything," Mahina niyang sabi.

"Everything against me and her is in the back of the car."

Napakurap ako.

"All the evidence."

Tumigil siya.

"Everything I know."

Nanlaki ang mga mata ko at, bago pa ako makapagsalita, ay ipinagpatuloy niya.

"I know you don't fully remember everything yet."

Rinig ang sakit sa boses niya.

"But when you do..."

Napabuntong-hininga siya.

"Please forgive me."

Nanlabo ang paningin ko. Hindi ko gusto ang paraan ng pagsasalita niya.

Parang nagpapaalam.

Parang may balak siyang gawin.

Parang...

Bigla niyang binitiwan ang kamay ko.

Nanigas ako.

"Go," Sabi niya.

Mabilis akong lumakad papunta sa sasakyan.

Isa.

Dalawa.

Tatlong hakbang.

Ngunit may kung anong mali.

May kung anong hindi tama.

Kaya muli akong lumingon at doon huminto ang mundo ko.

Nakatayo siya sa pinakadulo ng bangin.

Unti-unti niyang inalis ang maskarang matagal niyang itinago.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi.

Hindi maaari.

Hindi...

"Anong gagawin mo..." Nanginginig ang boses ko.

Ang matalik kong kaibigan.

Ang taong kasama ko mula pagkabata.

Ang taong minsan kong nasaktan.

Ang taong hindi ko naalala.

Tumulo ang mga luha ko.

Ngumiti lang siya.

"Please forgive me," Mahina niyang sabi.

At pagkatapos ay tuluyan niyang pinakawalan ang lahat.

"I'm finally letting you go, Nathan."

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi.

Hindi!

"ROBERT!" Sigaw ko.

Ngunit huli na.

Sa harap mismo ng mga mata ko...

Tumalon siya.

At kasabay ng pag-alingawngaw ng pangalan niya sa hangin...

Pakiramdam ko ay may bahagi ng nakaraan ko ang muling nawala.

"ROBERT!"

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.