CHAPTER 56 The Maskaras.
Someone's POV
The atmosphere inside the room was heavy.
No one spoke for a long moment as both of us sat around the table.
It had already been two weeks.
Two weeks since Amor disappeared without a trace.
I stared at the documents spread before me, my jaw clenched as frustration continued to build inside my chest.
Finally, this man sitting across from me broke the silence.
"Any updates?"
I looked up and met his gaze.
"None."
His expression darkened.
"None?" He repeated. "How is that possible? It's been two weeks."
I gritted my teeth.
"You think I don't know that?"
"We have people searching everywhere and yet we still haven't found her!" He snapped.
For a second the room fell silent once more.
I slammed my hand against the table.
"Do you think I'm not doing everything I can?" I shot back. "I've barely slept these past two weeks trying to find her, Nathan."
"Then maybe you're looking in the wrong places."
My eyes narrowed.
"What exactly are you trying to say?"
"I'm saying that we're running out of time." He said.
"And I'm saying that yelling at me won't magically bring her back," I said back.
He stood from his chair.
"Someone took her right under our noses!"
"And you think I don't blame myself for that every single day?" I yelled.
The tension between us became unbearable.
For a moment, neither of us spoke.
Then he took a deep breath before looking away.
Then his voice softened.
"Tere..."
My heart clenched at the sound of my name.
"We're all worried about her."
I closed my eyes briefly.
Because that was the truth. We were scared, and with every passing day, the fear that something terrible had happened to Amor only continued to grow.
"I'm sorry," He said.
For the first time in almost thirty-one years, he said the words I had been waiting to hear. I had never heard them from him, not even on the day he took away the only person who made me believe in love.
"I should have told her," I said.
Honestly, hindi ako nakapag-isip nang tama noong araw na iyon. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Amor.
I loved her mom, and I loved her too, even if she wasn't mine.
"I will look for another way," He said before leaving.
Honestly, I can't blame him. He just wants to protect Amor, his only child the only reason the two of us are still talking.
It's been two weeks, at bawat araw na lumilipas ay parang may piraso ng puso kong unti-unting namamatay.
Tahimik akong umupo habang nakatitig sa cellphone ko.
Wala pa ring tawag.
Wala pa ring mensahe.
Wala pa ring balita.
Dalawang linggo na.
Dalawang linggo na akong halos hindi natutulog.
Dalawang linggo na akong paulit-ulit na tumatawag sa mga taong maaaring may alam.
Ngunit wala.
Parang naglaho na lamang siya sa hangin.
Napapikit ako habang pinipigilan ang mga luha.
"Nasaan ka na, Amor?" Mahina kong bulong.
"Ayos ka pa ba?"
Tumunog ang cellphone ko.
Mabilis ko itong sinagot, ngunit muli na namang pagkadismaya ang sumalubong sa akin.
Wala pa rin.
Pagkatapos ng ilang minuto, ay dumating si Emery.
Mukhang pagod na pagod rin ito. Malalim ang mga mata at halatang ilang gabi na ring walang maayos na tulog.
Pagkaupo niya ay agad siyang nagsalita.
"Tita..."
Napatingin ako sa kanya.
"May balita na po ba?"
Dahan-dahan akong umiling.
Parang nawalan ng lakas ang katawan niya. Napayuko siya habang pinipisil ang magkabilang kamay.
"It's been two weeks..." Basag ang boses niyang sabi.
"Amor has been missing for two weeks. I shouldn't have told her the place..."
Tahimik lang ako.
Dahil wala akong maisagot, dahil pareho kaming natatakot.
"Tita..." Muli siyang nagsalita.
"What is really happening??"
Napatingin siya sa akin.
"What did Amor find out before she disappeared?"
Nanigas ako.
"Tita, please."
Lumapit siya.
"I don't understand anymore."
Napuno ng luha ang kanyang mga mata.
"She suddenly left..."
"She suddenly disappeared."
"Did she find out anything that made her upset?"
"Is this about her family?"
"Did you see someone with her before her confrontation with you?"
Sunod-sunod ang tanong niya, ngunit nanatili akong tahimik dahil hindi ko pa maaaring sabihin.
Hindi pa.
Hindi hangga't hindi ko alam kung sino ang dumukot kay Amor.
Kung sino ang may hawak sa kanya.
Kung buhay pa ba siya.
Sa totoo lang, may suspek na, pero hindi namin sila pwedeng i-point out dahil walang sapat na ebidensya laban sa kanila.
Huminga ako nang malalim.
"Emery."
Napatingin siya sa akin.
"Kailangan mong protektahan ang mga bata."
Nagtaka siya.
"Tita..."
"Promise me." Mas tumigas ang boses ko.
"Protektahan mo sila."
Nakita kong lalong nalito si Emery.
"But why, Tita?"
Tahimik akong napayuko dahil kahit ako ay natatakot na.
Natatakot na baka bumalik na naman ang nakaraan.
Natatakot na baka may ibang target pa, at kung tama ang hinala ko, hindi lang si Amor ang nasa panganib.
Up until now, I can't explain everything to Emery. I can't tell her na tatay ni Amor si Nathan, 'cause I'm hundred percent sure mas maraming tanong, mas dadami ang magiging problema.
She's not in the right mind and emotional state to find out everything. Baka mas lalo lang siyang mapahamak.
The worst thing I could imagine is, baka madamay pati ang mga bata.
Pagkaalis ni Emery ay isa-isa namang tumawag ang mga kaibigan ni Amor.
Si Lara.
Si Hana.
Si Jasmine.
Si Linda.
Lahat sila umiiyak.
Lahat sila desperado.
Lahat sila naghahanap.
"Ano pong balita kay Amor?"
"Hindi pa rin po ba siya nakikita?"
"Tita, please, sabihin niyo pong okay siya."
At sa bawat tanong nila, pakiramdam ko mas lalo akong nadudurog dahil wala akong sagot.
Maging sina Margaret, Calista, at Cassandra ay halos araw-araw nang tumatawag. Minsan ay sama-sama silang umiiyak sa kabilang linya.
Minsan ay pinipilit nila akong maging matatag, ngunit alam kong pare-pareho kaming natatakot.
Dahil si Amor ang klase ng taong hindi basta mawawala.
Hindi siya mang-iiwan.
Hindi siya mananahimik nang ganito katagal.
May nangyari, at alam naming lahat iyon.
Nang sumunod na gabing iyon ay muli akong napadpad sa lumang silid.
Ang silid na puno ng alaala.
Tahimik akong umupo sa gilid ng kama habang hawak ang isang lumang larawan.
Larawan naming dalawa.
Ako at siya.
Ang babaeng minsang minahal ko nang higit pa sa sarili ko.
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko, at kasabay noon ay bumalik ang isang alaala.
FLASHBACK.
"Mahal."
Masayang tawag niya sa akin habang nakaupo sa ilalim ng malaking puno.
"Minsan naiisip ko..." Panimula niya.
Tumabi ako sa kanya.
"Hmm, ano?" Tanong ko.
Ngumiti siya.
"Kung magkaroon man tayo ng anak balang araw..."
Napatawa ako.
"Anak agad?"
Tumawa rin siya.
"Oo naman. Basta sa'yo galing, kahit bukas na."
Pagkatapos ay tumingin siya sa malayo, at doon ko nakita ang lambot sa kanyang mga mata.
"Gusto kong maging matapang siya."
"Gusto kong maging mabait."
"Gusto kong marunong siyang magmahal."
Napangiti ako.
"Sigurado akong magiging katulad mo siya," Sabi ko.
Napailing siya.
"Hindi," Sabi niya sabay tawa.
"Mas gusto kong maging mas mabuting tao pa siya kaysa sa akin. Gusto ko sa'yo magmana."
Ilang segundo siyang natahimik, pagkatapos ay dahan-dahang nagsalita.
"Mahal..."
"Hmm?"
"Kapag may nangyari sa akin pag pinapanganak ang future children natin..."
Bigla akong napasimangot.
"Huwag ka nga diyan. Isa pa, matagal pa 'yun."
Ngunit ngumiti lamang siya. Gaya ko, may problema rin kasi siya sa matris niya. Pinagpaplanuhan namin ang IVF for the future, pero sa ngayon, kami lang muna.
"Kapag may nangyari sa akin..."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Protektahan mo ang anak natin. Piliin mo sila."
Nanigas ako.
"Anong klaseng usapan 'to?"
Ngunit seryoso lamang siyang tumingin sa akin.
"Promise me, Tere."
"Fine. Promise po," Nakasimangot kong sabi. Wala na akong magagawa.
END OF FLASHBACK.
Napabalik ako sa kasalukuyan. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Napahawak ako sa larawan habang nanginginig.
"Sinubukan ko..." Basag ang boses kong bulong.
"Sinubukan kong protektahan siya."
Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.
"Pero nawawala siya ngayon."
Napayuko ako, at sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, pakiramdam ko muli kong nabigo ang babaeng pinangakuan ko noon.
"Please..." Mahina kong bulong habang yakap ang larawan.
"Ibalik mo sa akin si Amor."
"Please..."
"Dahil hindi ko kakayaning mawala rin siya kagaya ng pagkawala mo sa akin."
Amor is not mine, pero napamahal na siya sa akin.
Muling bumalik ang mga alaala ng kahapon, lahat ng sakit ng pagkawala niya.
FLASHBACK
Mahigit dalawampu't dalawang taon na ang lumipas.
Dalawampu't dalawang taon na rin mula nang subukan kong kalimutan siya o kahit papaano matutunang mabuhay nang wala siya.
Abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa opisina nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Napairap ako nang makita ang pangalan sa screen.
Nathan.
Ang lalaking minsan kong kinamuhian.
Ang lalaking tinurin kong kaibigan.
Ang lalaking pinili niya.
Ang lalaking naging dahilan kung bakit tuluyan kong binitawan ang babaeng pinakamamahal ko.
Ilang segundo ko munang tinitigan ang screen bago ko sinagot ang tawag.
"Ano'ng gusto mo?" Malamig kong tanong.
Tahimik sa kabilang linya.
Ngunit nang marinig ko ang kanyang paghinga, ay agad akong nakaramdam ng kakaiba.
Parang may mali.
Parang may nangyari.
"Tere..." Basag ang boses niya.
Nanigas ako. Hindi ko pa kailanman narinig si Nathan na ganito.
Parang durog na durog.
Parang nawalan ng dahilan para mabuhay.
"She needs you."
Parang huminto ang oras.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"Naaksidente siya."
Tuluyang nanlamig ang buong katawan ko, parang may humablot sa puso ko.
Lahat ng galit.
Lahat ng sama ng loob.
Lahat ng sakit na dinala ko sa loob ng napakaraming taon.
Sa isang iglap, naglaho.
Dahil sa sandaling iyon, isa lang ang mahalaga.
Siya.
Wala na akong ibang narinig.
Hindi ko na alam kung paano ako nakalabas ng opisina.
Hindi ko na maalala kung paano ako nakapagmaneho.
Ang alam ko lang...
Kailangan kong makarating.
Kailangan kong makita siya.
Nagmaneho ako sa sinend na address ni Nathan, at nang makarating ako sa ospital...
Parang gumuho ang buong mundo ko.
Nakatayo si Nathan sa labas ng emergency room. Puno ng dugo ang kanyang mga kamay, namumula ang kanyang mga mata, at nanginginig ang buong katawan niya.
Ngunit hindi ako sa kanya napatingin, kundi sa loob ng silid, at doon ko siya nakita.
Nakahiga sa hospital bed, puno ng sugat ang buong katawan.
May mga benda sa ulo.
May dugo pa sa gilid ng labi.
At nakakabit ang napakaraming tubo sa katawan niya.
Parang may humigpit sa lalamunan ko.
Hindi.
Hindi maaari.
Hindi siya iyon.
Hindi ang babaeng kilala ko.
Hindi ang babaeng palaging nakangiti.
Hindi ang babaeng puno ng buhay.
Hindi ang babaeng pinakamamahal ko.
Biglang tumunog ang makina.
Beeeeeeeeeeep.
Flat line.
Tumigil ang puso niya. Kasabay noon ay bumagsak ang tuhod ni Nathan sa sahig.
"Hindi!"
Halos mapunit ang boses niya.
"Please!"
Umiyak siya nang walang pakialam sa paligid.
Wala siyang pakialam kung sino ang nakakakita.
Wala siyang pakialam sa dignidad niya.
Dahil ang babaeng mahal namin ay unti-unti nang nawawala, at sa unang pagkakataon nakita kong mas mahal niya siya kaysa sa sarili niyang buhay.
"Please..." Nanginginig niyang pagsusumamo.
"Don't leave me."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kahit ako, hindi ko kayang tanggapin.
Biglang nagkagulo ang mga doktor.
Nagmamadali.
Nagtatakbuhan.
Paulit-ulit ang CPR.
Paulit-ulit ang utos.
At pagkatapos ng tila napakahabang minuto, tumunog muli ang makina.
Beep.
Beep.
Beep.
Bumalik ang tibok ng puso niya.
Napapikit ako habang tuluyang bumagsak ang mga luha ko.
Salamat po.
Diyos ko.
Salamat.
Mula sa kabilang bahagi ng salamin ay nakita kong mahina niyang itinaas ang kamay niya. Hinawakan niya ang doktor at may ibinulong siya rito.
Pagkatapos ay dahan-dahang pumikit.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang doktor.
Agad kaming tumayo ni Nathan.
"The patient wants to talk to the person she loves the most."
Napatingin ako kay Nathan but he didn't move.
Mapait lang siyang ngumiti.
Isang ngiting puno ng sakit.
Puno ng pagtanggap.
Puno ng pagkatalo.
Pagkatapos ay tumingin siya sa doktor, kaya napatingin rin ako sa doctor na nakatingin sa akin.
"Miss Reyes."
Parang tumigil ang mundo ko.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makapaniwala.
Ngunit tumango lamang si Nathan, at kahit lumuluha siya, ngumiti ulit siya.
"Go," Basag ang boses niya.
"She needs you."
At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, muli akong lumapit sa babaeng pinakamamahal ko.
Pagpasok ko sa silid ay agad kong narinig ang mahinang tunog ng monitor, ang mabagal niyang paghinga, at ang katahimikan ng isang taong alam nang malapit na siyang mawala.
Nang makita niya ako, ngumiti siya.
Napakasakit ng ngiting aking nakita dahil alam kong nahihirapan na siya, dahil alam kong paalam na ang ngiting yun, na maaaring ito na ang huli.
Umupo ako sa tabi niya. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang malamig na kamay.
"Huwag kang susuko."
Agad akong napaiyak matapos sabihin iyon.
"Kailangan mo pang lumaban."
"Naririnig mo ba ako?" Tanong ko.
Habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
"Naka coma ang anak mo."
"Kailangan ka niya."
"Magigising na siya, kaya lumaban ka."
Ngunit ngumiti lamang siya at dahan-dahan siyang umiling.
"Tere..." Halos bulong na lamang niyang sabi.
"Pagod na ako."
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Huwag please."
Ngunit muli siyang ngumiti, at doon ko nakita ang katotohanan.
Alam niya.
Alam niyang mamamatay na siya.
"Tere..."
Mas lalo siyang nanghina.
"Please protect my child."
Tumulo ang mga luha ko. Napayuko ako habang humahagulgol.
"Tere..." Nanginginig ang boses niyang tawag sa pangalan ko.
"Protect them for me."
Tumango ako nang paulit-ulit.
"Oo."
"Promise."
Ngumiti siya, pagkatapos ay mas naging seryoso ang mukha niya.
"Listen carefully."
Napahinto ako.
"What happened to me..."
Huminga siya nang malalim.
"...wasn't an accident."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?"
May luha sa mga mata niya habang tumitingin sa akin.
"Someone did this to me."
Nanigas ako.
"Please..." Mahina niyang sabi.
"Help Nathan protect our child."
Tumango ako habang hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mata ko.
"I will."
"I promise."
"Please don't tell my child." Sabi niya.
Tumango ako.
"Huwag mong sabihin."
"Huwag mong hayaang sisihin niya ang sarili niya pagdating ng araw."
Napahagulgol ako. Hindi ko na alam kung paano haharapin ang lahat ng sinasabi niya.
Ngunit tumango pa rin ako dahil iyon ang huling hinihiling niya, at para sa kanya, gagawin ko ang lahat.
Kahit masira pa ang buhay ko.
Kahit magbago pa ang lahat.
"Tere..." Mahina niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya.
"I love you," Halos pabulong niyang sabi.
"Ang daya mo naman, ehh. Please fight, Amor. Kahit hindi ako, diba sabi ko sa'yo 'yun? I'd rather see you being happy with someone else kahit hindi na ako, kahit-"
Hindi niya pinatapos ang mga sinasabi ko.
"I'm sorry."
Napapikit siya.
"Sorry because I couldn't fight for us. Sorry if I hurt you. Akala ko kasi kapag si Nathan ang pinakasalan ko, I can easily talk to him for a divorce paper 'cause he's our friend. But things happened. Nabuo ang anak ko, God's gift."
Parang may napunit sa puso ko. Mahigit dalawampung taon na, ngunit masakit pa rin.
Mahal ko pa rin siya, at alam kong mamahalin ko siya hanggang sa huli, kaya ngumiti ako kahit wasak na wasak na ako.
"I love you too, Amor."
Hinagkan ko ang likod ng kanyang kamay, at doon ko ginawa ang pangakong nagpabago sa buong buhay ko.
"I promise I'll protect both of them even if it means changing everything."
Ngumiti siya.
Isang huling ngiti, pagkatapos ay mahina niyang sinabi,
"Call Nathan."
Tumango ako, at kahit ayaw ko siyang iwan, tumayo ako, lumabas ng silid, at ibinigay kay Nathan ang pagkakataong magpaalam.
Tahimik akong naupo sa labas habang umiiyak.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumipas.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala.
Hanggang sa bumukas ang pinto.
Napatingin ako.
Nakatayo si Nathan, namumula ang kanyang mga mata, wasak na wasak, at sa sandaling nagtagpo ang mga mata namin...
Alam ko na.
Hindi ko na kailangang magtanong.
Hindi ko na kailangang marinig ang sagot.
Dahil ang babaeng minahal naming dalawa...
Ang babaeng sentro ng aming mundo...
Ay wala na.
END OF FLASHBACK...
At sa gabing iyon, hindi lang siya ang nawala, kundi ang bahagi ng puso naming dalawa na hindi na kailanman mabubuong muli.
Seraphine's POV:
Labinlimang araw.
Labinlimang araw na mula nang napadpad ako dito.
Labinlimang araw na rin akong nakakulong sa lugar na hindi ko alam kung nasaan.
Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa sulok ng maliit na silid.
Katulad ng mga nakaraang araw, tahimik na naman ang paligid.
Walang bintana.
Walang paraan para malaman kung umaga na ba o gabi, tanging ang ilaw sa kisame ang nagsisilbing kasama ko sa bawat oras.
Napayakap ako sa sarili ko. Pagod na pagod na ako, hindi lang pisikal, pati isip ko.
Sa loob ng labinlimang araw, paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung bakit ako nandito.
Ano ba ang gusto nila sa akin?
Sino sila?
Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong sagot dahil hindi sila nagsasalita.
Kahit kailan.
Sa tuwing may kailangan silang sabihin, gumagamit lamang sila ng whiteboard at marker.
Parang takot silang marinig ko ang boses nila.
Parang takot silang makilala ko sila.
Napapikit ako.
Hindi ko pa rin nakikita ang mga mukha nila. Lagi silang nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. Pati mukha nila ay natatakpan ng maskara.
Parang mga anino.
Parang mga multong walang pagkakakilanlan.
May isang lalaki at may isang babae nakumpirma ko 'yan base sa mga pangangatawan nila.
Ang lalaki, hindi niya ako sinasaktan. Tahimik lamang siya. Minsan nga ay parang may gusto pa siyang sabihin, ngunit pinipigilan niya ang sarili niya.
Ngunit ang babae... Napakagat ako sa labi habang marahang hinahawakan ang pasa sa braso ko.
Ibang usapan siya.
Sa tuwing wala ang lalaki, para bang ibang tao siya.
Parang galit na galit siya sa akin, at hindi ko maintindihan kung bakit.
Biglang bumukas ang pinto.
Agad akong napatingin at, tulad ng inaasahan ko, siya na naman.
Ang babae.
Nakasuot pa rin ng itim.
Tahimik siyang pumasok habang may dalang tray ng pagkain.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.
Mabigat ang bawat hakbang niya habang papalapit. Pagdating niya sa harap ko ay inilapag niya ang tray sa maliit na mesa.
Tahimik.
Nakakatakot na katahimikan. Napatingin ako sa pagkain, pagkatapos ay muli sa kanya.
"Sino ka ba?" Mahina kong tanong.
Alam kong hindi siya sasagot, pero sinubukan ko pa rin.
"Anong ginawa ko sa'yo?"
Wala pa ring sagot. Nanatili lamang siyang nakatayo, nakatitig sa akin.
Hindi ko man makita ang mga mata niya, ramdam kong nakatingin siya, at hindi maganda ang tingin na iyon.
Tumayo ako nang dahan-dahan. Ramdam ko ang bigat ng mga kadena sa paa ko.
"Kung may galit ka sa akin, sabihin mo."
Tahimik pa rin.
"Please."
Ngunit sa halip na sumagot ay mabilis siyang lumapit. Bago pa ako magkareaksyon ay malakas niyang itinulak ang balikat ko.
Napaatras ako at tuluyang bumagsak sa sahig napasinghap ako sa sakit.
Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ito ang unang beses, at alam kong hindi rin ito ang huli.
Mabilis siyang yumuko at ikinabit ang mga kadena sa kamay ko, sabay sinunggaban ang kwelyo ng suot ko.
Napapikit ako, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa takot.
Bakit?
Bakit parang galit na galit siya sa akin?
Ano bang nagawa ko?
Nanginginig akong tumingin sa kanya, at sa unang pagkakataon, parang may narinig akong tunog.
Napakaliit, halos hindi marinig, ngunit bago ko pa maproseso ang lahat ay mabilis niya akong binitiwan.
Parang may naalala siya.
Parang may biglang pumigil sa kanya.
Mabilis siyang tumayo at saka naglabas ng whiteboard.
Mabilis siyang nagsulat, pagkatapos ay iniharap iyon sa akin.
"Stop asking questions."
Napakunot-noo ako.
Ngunit bago pa ako makapagsalita ay nagsulat siyang muli.
Mas madiin, tila may galit.
"You don't need to know anything."
Nanatili akong nakatitig sa mga salitang iyon, at doon ko lalo naramdaman ang kaba.
Dahil habang tumatagal, mas lalo akong naniniwalang hindi basta pagdukot lang ito.
May tinatago sila.
May bagay silang ayaw kong malaman, at pakiramdam ko ang sagot sa lahat ng iyon ay konektado sa mga alaalang pilit bumabalik sa akin gabi-gabi.
Mga alaalang hindi ko pa lubos maintindihan.
Mga alaalang maaaring dahilan kung bakit nanatili akong nakaupo sa sahig habang nakatitig sa pinto.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema sa akin ng babaeng iyon.
Hindi ko naman siya kilala.
Hindi nga ba?
Kung oo man, wala akong maalalang kasalanan kahit kanino.
Pero sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon, para bang gusto niya akong saktan.
Napabuntong-hininga ako.
Masakit pa rin ang balikat ko mula sa pagtulak niya kanina. Ilang minuto ang lumipas bago muling bumukas ang pinto.
Agad akong napatingin.
Ang lalaki. Kakabalik lang niya.
Katulad ng dati, nakasuot pa rin siya ng itim mula ulo hanggang paa.
Tahimik siyang pumasok.
Ngunit bago pa siya makapagsulat ay bigla siyang napatigil. Napansin niya ang pasa sa braso ko.
Pagkatapos ay ang namumulang bahagi ng pisngi ko. Nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman kong nakatitig siya roon.
Mabagal siyang lumapit, pagkatapos ay mabilis siyang nagsulat sa whiteboard.
"Ano'ng nangyari?"
Napatawa ako nang mapait.
Talaga?
Ngayon pa siya nagtanong?
"Bakit hindi mo tanungin 'yang bruha mong kasama?" Sabi ko.
Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid.
Parang biglang bumigat ang atmosphere.
Parang may mali, at doon ko napagtanto.
Galit siya.
Galit na galit.
Mabilis siyang tumayo at walang sabi-sabing lumabas ng silid.
Napakunot ang noo ko.
Ano na naman iyon?
Ilang minuto pa ang lumipas.
Pagkatapos ay bumalik ang babae, mukhang kakagaling lang sa kabilang silid.
May hawak pa itong bote ng tubig. Hindi man lang siya nakatingin sa akin.
Ngunit nang makita siya ng lalaki-
Pak!
Napasinghap ako. Napaatras pa ako sa sobrang gulat.
Malakas na malakas ang pagkakasampal.
Halos umalingawngaw ang tunog sa buong lugar.
Napahawak ang babae sa pisngi niya at, sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses niya.
Isang mahinang ungol ng sakit ang lumabas mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Gulat.
Takot.
Pagkalito.
Lahat sabay-sabay.
Mabilis na nagsulat ang lalaki sa whiteboard at halos idikit iyon sa
mukha ng babae.
Hindi ko mabasa ang nakasulat mula sa kinauupuan ko.
Ngunit halatang galit na galit siya.
Napayuko naman ang babae.
Hindi man lang lumaban.
Hindi man lang sumagot.
Pakiramdam ko, kung kaya lang siyang patayin gamit ang tingin ay matagal na siyang nakalibing.
Bigla niyang hinawakan ang braso ng babae. Mahigpit.
Maging ako ay nakaramdam ng sakit para sa babae.
Pagkatapos ay halos kaladkarin niya ito papunta sa kabilang silid.
Bumukas ang pinto at agad ding nagsara.
Napatingin ako sa saradong pinto at sinubukan kong makinig.
Sinubukan kong unawain kung ano ang pinag-uusapan nila.
Ngunit wala.
Masyadong makapal ang pinto.
Masyadong mahina ang mga tunog.
Paminsan-minsan ay may naririnig akong kaluskos.
May kung anong bumabagsak.
May mabilis na yabag.
Ngunit wala akong maintindihan.
Habang tumatagal, mas lalo lang akong nalilito.
Kung masama ang lalaki, bakit parang ayaw niya akong saktan?
Kung mabuti naman siya, bakit niya ako kinidnap?
At kung bakit naman galit na galit sa akin ang babae, ano ba talaga ang koneksyon namin sa isa't isa?
Napapikit ako.
Pakiramdam ko nasa harapan ko na ang sagot, ngunit may kung anong humaharang.
FEW MINUTES HAD PASSED
Tahimik akong nakaupo sa kama habang iniisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Sa loob ng labinlimang araw, may isang bagay akong napansin.
Hindi ako sigurado noon.
Pero ngayon?
Pakiramdam ko tama ako. Ang lalaki, may pakialam siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Pero sa tuwing nasasaktan ako, siya ang nagagalit.
Sa tuwing may problema, siya ang unang lumalapit.
At kahit kailan, hindi niya ako sinaktan.
Napabuntong-hininga ako.
Kung ganoon, maaari ko iyong gamitin.
Kailangan kong makalabas dito.
Kailangan kong malaman kung sino sila.
Another morning had passed.
Gagawin ko na ang plano ko.
Maging masunurin at tahimik. Gawin ang gusto niya.
Bumukas ang pinto.
Ang babae ang pumasok. May dala siyang pagkain.
Agad akong napaatras at niyakap ang sarili ko. Kunwari ay natatakot na para bang takot na takot ako sa kanya.
Hindi naman iyon mahirap gawin.
Totoo naman kasi.
Ngunit ngayon, mas pinalala ko pa.
Nakita kong tumigas ang katawan niya.
Pagkatapos ay napabuntong-hininga. Halatang naiirita.
Nang ilapag niya ang pagkain ay agad akong napatingin sa pinto, parang naghahanap ng ibang tao.
Alam kong napansin niya iyon, at lalo siyang nainis.
Ilang segundo niya akong tinitigan bago marahas na lumabas ng silid.
Napangiti ako nang bahagya.
Tagumpay.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang lalaki.
Napakamot siya sa noo niya nang makitang hindi pa ako kumakain.
Mabilis siyang nagsulat sa whiteboard.
"Asan siya? Ba't 'di ka pa pinapakain?"
Dahan-dahan akong umiling.
Muli siyang nagsulat.
"Bakit?"
Napayuko ako.
"Kasi..."
Nagkunwari akong nahihiya.
"Natatakot ako sa kanya."
Nanatiling tahimik ang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya, pero pakiramdam ko ay napahinto siya.
Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko, at doon ko nalaman na tama ang hinala ko.
Siya mismo ang nagsimulang magsubo ng pagkain sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa, at sa buong oras na iyon ay pinakikiramdaman ko siya.
Sinusubukan kong alamin kung sino ba talaga siya.
Ngunit wala.
Wala akong maalala.
Pagkatapos kumain ay inilabas niya ang gamot, at doon nagsimula ang pangalawang bahagi ng plano ko.
Umiling ako.
Kunwari nahihirapan uminom ng tubig.
Mabilis siyang nagsulat.
"Inumin mo."
Muli akong umiling.
"Hindi ko kaya."
Napabuntong-hininga siya, pagkatapos ay may isinulat ulit.
"Behave."
Ilang segundo siyang natahimik bago nagsulat ulit.
"I'll let go one of your hands."
Agad akong tumango.
"Promise."
Itaas man ng langit ang paa ko, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito.
Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman kong lumuwag ang
kadena sa isa kong kamay.
Halos mapangiti ako.
Sa wakas.
Sa wakas, may pagkakataon na ako.
Nagkunwari muna akong iinom ng gamot na hindi ko alam para saan.
Nagkunwari akong sumusunod, at nang makalapit siya, bigla akong kumilos.
Mabilis kong hinablot ang maskara niya.
Ngunit hindi sapat.
Hindi ko ito tuluyang natanggal.
Bahagya lamang itong gumalaw.
Nanlaki ang mga mata ko.
Napaatras naman siya sa gulat.
Hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
Ngunit bago pa ako makasubok ulit, bumukas ang pinto.
Ang babae.
Nanigas ang buong katawan niya nang makita ang eksena.
Pagkatapos ay bigla siyang nagalit.
"Anong ginagawa mo?!" Sigaw niya.
At doon ako tuluyang nanigas.
Boses.
Narinig ko ang boses niya.
Hindi whiteboard.
Hindi pagsusulat.
Boses.
Mabilis niyang hinila ang lalaki palayo sa akin, pagkatapos ay agad nilang ikinandado muli ang kamay ko.
Mas mahigpit kaysa dati.
Halos mawalan ako ng pag-asa.
Masyado silang nagmamadali.
Masyado silang galit.
At sa pagmamadali nila, nakalimutan nilang i-lock ang pinto.
Tahimik akong naupo, nagkunwaring wala akong napansin.
Ilang minuto ang lumipas.
Pagkatapos ay narinig ko sila mula sa kabilang silid, nag-aaway.
Mahina sa una, pero habang tumatagal ay lumalakas, at doon nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Dahil pamilyar ang mga boses.
Sobrang pamilyar.
"Napakahina mo!" Galit na sigaw ng babae.
"Labinlimang araw na!"
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang gawin!"
Tahimik ang lalaki.
Pagkatapos ay narinig ko ang mahinang sagot niya.
"Huwag mo siyang saktan."
Nanlaki ang mga mata ko parang
may kung anong sumabog sa isip ko.
Pamilyar.
Napakapamilyar.
"At ano ngayon?" Galit na sagot ng babae.
"I have been waiting for this for a long time!"
"After her memory got erased, she can stay with you forever!"
Nanlamig ang buong katawan ko.
Mabura ang alaala ko?
Kaya ba nila ako pinapainom para mabura ang alaala ko?
Ano?
"Pareho tayong mananalo!"
Patuloy lang ang babae.
"Amor will be yours."
At pagkatapos ng ilang segundo, ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang nagpayanig ng mundo ko.
"And Emery will be mine!"
Parang huminto ang oras.
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi.
Hindi maaari.
Hindi...
Hindi ako nagkakamali.
Kilala ko ang mga boses na iyon.
Kilala ko sila.
At sa unang pagkakataon matapos ang labinlimang araw...
Pakiramdam ko alam ko na kung sino ang mga taong nasa likod ng maskarang iyon.