CHAPTER 55 Tita Teres Pain.
Seraphine's POV:
Pagdating ko sa opisina ni Emery, agad akong sinalubong ng secretary niya.
"Good afternoon, Ma'am Amor." Naka-ngiti niyang bati.
Ngumiti naman ako pabalik.
"Good afternoon."
"Ma'am Emery is currently in a meeting. She asked me to let you know that she won't be long."
Tumango ako.
"Okay. I'll wait."
"Would you like some coffee or tea while waiting?"
"No, thank you."
Ngumiti siya bago bumalik sa kung saan.
Tahimik akong naupo sa sofa sa loob ng office niya at habang naghihintay, hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. Halos isang buwan rin akong hindi nakapunta rito.
Marami nang nagbago.
Mas parang naging moderno.
Mas lumaki.
Mas eleganteng tignan.
Pero may mga bagay na pareho pa rin, katulad ng pakiramdam na nararamdaman ko tuwing nandito ako.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Hindi ko pa nakakausap si Emery about kay Sir Nathan dahil matapos niya akong i-check nung araw na iyon, pinatawag na kami ng doctor at may mga pinag-usapan sila. Matapos noon, nagka-emergency sa opisina niya.
'Di ko na alam. Parang ayaw ng tadhana na may malaman ako, pero hinayaan ko na. Marami pang mas importanteng bagay ang dapat unahin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng opisina niya.
Agad bumungad ang maganda niyang mukha.
Tumingin naman siya sa direksyon ko at halos sabay kaming napangiti. Mabilis siyang naglakad papunta sa akin.
"Hey."
"Hi."
Huminto siya sa harapan ko at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. Mabilis lang at parang natural na parabang hindi kami ilang linggong hindi okay.
"Sorry natagalan. Kanina pa ba?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi naman."
"Good," Sabi niya sabay ngiti.
"So, tara na?" Tanong ko.
Handa na sana akong maglakad palabas dahil akala ko ay aalis na kami papunta sa lugar na gusto kong makita, pero bago pa ako makalakad, agad bumukas ang pinto.
"Ma'am."
Pareho kaming napalingon sa sekretarya niya.
"I just received a message from the board. The next meeting has been moved earlier."
Agad kong nakita ang pagbabago sa mukha ni Emery.
Hindi naman inis, pero halatang nadismaya.
"How long?"
"Ten minutes, Ma'am," Sagot nito sabay kamot sa batok.
Tumango si Emery.
"I'll be there, Thank you." Sabi ni Emery.
"My duty, Ma'am." Sabi nito.
Pagkaalis ng sekretarya niya ay bumaling ulit siya sa akin at agad siyang nag-pout.
Literal na nag-pout na parang batang inagawan ng candy.
Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa.
"Seriously?" Natatawa kong tanong.
Mas lalo siyang nag-pout.
"We've been planning this."
Napailing ako habang nakangiti.
Ang laki-laki niyang CEO, pero minsan para talaga siyang bata.
Napabuntong-hininga siya.
"Do you want to wait for me?"
Bahagya siyang tumingala para salubungin ang tingin ko.
"Or do you want to go ahead? I can just give you the address."
Agad akong umiling.
"No, you stay here. Besides, you have work."
"Amor-"
"Emery."
Napahinto siya.
Ngumiti naman ako.
"Okay lang. Also, gusto ko rin talaga pumunta mag-isa."
Tahimik niya akong pinagmasdan, parang tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.
Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya.
"Fine."
Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na tinype ang address bago ipinakita sa akin.
"Text me when you get there."
"I will."
"And when you leave."
Tumango ako.
"And if anything happens."
Napatawa ako.
"Emery."
"What?"
"Nothing's going to happen."
Naningkit ang mga mata niya, parang hindi kumbinsido, pero tumango rin siya kalaunan.
"Fine."
Ilang segundo kaming nakatayo roon, parehong parang ayaw munang magpaalam.
Hanggang sa ako na ang unang gumalaw.
"Sige. I'll go ahead."
"Okay," Sagot niya sabay ngumiti.
"See you later."
"See you."
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto.
Hinawakan ko na ang doorknob at bubuksan ko na sana nang marinig ko ang mabilis na yabag sa likod ko.
Bago pa ako tuluyang makalingon, naroon na si Emery.
Agad niya akong hinawakan sa braso at bago pa ako makapagsalita, marahan niyang idinikit ang labi niya sa labi ko.
Mahina lang, hindi mapusok, parang halik ng naglalambing.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paglayo niya ay bahagya siyang namula.
"Please take care, okay?" Halos pabulong niyang sabi.
Ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos ay unti-unti akong napangiti at tumango.
"Okay."
At bago pa siya makalayo, ako naman ang lumapit. Marahan kong hinawakan ang pisngi niya at hinalikan ko rin siya.
Mas maikli.
Mas mahina.
Pero sapat para mamula lalo ang mukha niya.
"Let's talk once I get back," Mahina kong sabi.
Nanatili siyang nakatingin sa akin sa loob ng ilang segundo bago tuluyang ngumiti.
Iyong klase ng ngiti na hindi niya maitago kahit gustuhin niya.
"Okay," Sabi niya habang tumatango.
"I'll wait," Dagdag niya.
At sa pagkakataong iyon, bago ako tuluyang lumabas ng opisina, hindi ko napigilang ngumiti.
AFTER FEW MINUTES.
Ilang minuto rin akong nag-drive.
Pagkarating ko sa lugar na ibinigay sa akin, agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid.
Tahimik.
Halos walang tao.
Tanging ang mahinang ihip ng hangin at ang paggalaw ng mga dahon sa mga puno ang maririnig.
Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid.
Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam na agad na bumalot sa akin.
Parang pamilyar.
Parang may bahagi ng sarili ko na nakakaalala sa lugar na ito kahit sigurado akong hindi pa ako nakakapunta rito.
Napakunot-noo ako.
Unti-unti akong naglakad habang sinusubukang alalahanin kung saan ko nakita ang lugar na ito.
Hanggang sa bigla akong natigilan.
Nanlaki ang mga mata ko.
Sa harapan ko ay may dalawang malalaking puno.
Dalawang puno na magkatabi, gaya ng sabi ni Emery.
Dalawang puno na eksaktong katulad ng nakita ko sa panaginip ko.
Agad akong napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.
"Hindi..." Mahina kong bulong.
Muling naglaro sa isip ko ang ilang piraso ng alaala.
Mga malalabong larawan.
Mga boses.
Mga iyak.
Mga lalaki.
At isang matinding takot na hindi ko maipaliwanag.
Napapikit ako nang mariin.
Pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid.
"Argh..." Halos pasigaw kong sabi.
Napahawak ako sa isang puno para hindi matumba.
Lalong sumakit ang ulo ko.
Parabang may pilit na gustong lumabas mula sa isip ko, ngunit hindi ko maabot.
Sunod-sunod na eksena ang dumaan sa isip ko.
Masyadong mabilis.
Masyadong magulo.
At bago ko pa maproseso ang lahat, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo.
Mabilis akong napaluhod sa damuhan at ilang segundo lang ang lumipas ay napasuka ako.
"Ugh..."
Sunod-sunod ang naging paghinga ko habang nanginginig ang mga kamay ko.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.
Hanggang sa unti-unti na akong mawalan ng malay, pero bago ako tuluyang matumba, ay may mga kamay na sumalo sa akin at ang huling narinig ko ay-
"I've been waiting for weeks."
AFTER FEW HOURS.
Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nanatili roon bago tuluyang nagising. Humupa na rin ang pagkahilo ko.
Kaya dahan-dahan akong tumayo.
Hinanap ang taong sumalo saakin ngunit wala pero sigurado akong totoo ang naramdaman ko kanina.
Hindi.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang manatili pa rito. Anuman ang koneksyon ko sa lugar na ito, hindi ko muna ito kayang harapin sa ngayon.
Mabilis akong naglakad pabalik sa sasakyan.
Pagkapasok ko ay agad kong isinaksak ang susi at pinaandar ang makina.
Ngunit walang nangyari.
Napakunot-noo ako.
Sa una, muli kong sinubukan.
Click.
Wala pa rin.
"Come on..."
Mas malakas kong pinihit ang susi.
Click. Click. Click.
Wala pa rin.
"Huwag naman ngayon..."
Muli kong sinubukan, pero ganoon pa rin.
Ayaw umandar ng sasakyan.
Napasandal ako sa upuan at mariing ipinikit ang mga mata ko.
Bumuntong-hininga ako at muling sinubukan.
Buti na lang at umandar na.
Habang nasa gitna ng daan, 'di ko maiwasang mapaisip kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ko.
Makalipas ang ilang minuto, biglang huminto ang sasakyan.
Sakto pa talagang nasa gitna ako ng halos walang kataong lugar.
At sa kung anong dahilan, lalo pang lumakas ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa dalawang punong iyon sa malayo.
Para bang may kung anong lihim na pilit akong pinababalik at parang may mga matang nakatingin sa akin.
Ilang beses ko pang sinubukang paandarin ang sasakyan ko, pero wala talaga.
Para bang sinasadya ng araw na ito na ubusin ang natitira kong pasensya.
Napabuntong-hininga ako at lumabas ng kotse.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang may marinig akong boses sa likuran ko.
"Anak, may problema ba?"
Mabilis akong lumingon.
Isang matandang babae ang nakatayo roon. May mabait siyang presensya at isang mahinahong ngiti sa labi.
"Nasiraan po yata ako ng sasakyan," Sagot ko.
Napatingin siya sa kotse ko bago muling ngumiti.
"Naku, medyo malayo pa ang pinakamalapit na talyer dito. Kung gusto mo, magpahinga ka muna sa bahay habang naghihintay."
Nag-alinlangan ako sa una.
Pero nang makita ko ang papalubog na araw at ang halos walang katao-taong lugar, wala rin naman akong ibang pagpipilian.
"Sigurado po ba kayo?"
"Siyempre naman. Hindi kita hahayaang mag-isa rito."
Ngumiti ako nang bahagya.
"Salamat po."
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating kami sa bahay. Hindi naman kalayuan ang nilakad namin.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay may kakaiba na agad akong naramdaman.
Napahinto ako.
Parang...
Parang pamilyar ang bahay. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
Hindi naman ako sigurado kung nakapunta na ako rito noon.
Pero may kung anong pakiramdam sa dibdib ko na nagsasabing kilala ko ang bahay na ito.
"Anak, maupo ka muna. Magtitimpla lang ako ng tsaa," Sabi ng matanda.
"Opo."
Matapos ang ilang minuto, bumalik siya na may dalang tsaa.
"Oo nga pala, anong pangalan mo?" Tanong niya.
"Amor po," Sabi ko sabay ngiti nang malawak.
"Amor? Aba, kapangalan mo ang dating may-ari ng bahay na ito."
Bigla na naman akong kinabahan.
"Ahh, ganoon po ba? Eh kayo po?" Tanong ko na lang.
"Nanay Lydia na lang, anak," Sabi niya sabay ngiti.
"Mag-isa lang po ba kayo dito?" 'Di ko maiwasang itanong.
"Oo. Sa totoo lang, hindi sa akin ang bahay na 'to. Binabantayan ko lang."
Napatango ako sa sinabi niya.
"Ang dating may-ari nito na kapangalan mo ay butihing kaibigan ng bagong may-ari. Sa kasamaang-palad, pumanaw na siya," Mahaba at medyo nalungkot niyang sabi.
"Buti po, 'di kayo natatakot?" Tanong ko.
"Hindi naman nasanay na ako. Sige, anak, magpahinga ka na sa kwarto sa itaas at ako'y maghahanda na ng gabihan natin," Mahaba-haba niyang sabi.
Sinabi ko na tutulungan ko siya, ngunit agad siyang tumanggi at sinabing tatawagin na lang niya ako pag nakahanda na ang hapag-kainan, kaya agad akong umakyat.
Medyo malaki at makaluma na ang disenyo ng bahay, pero 'di pa rin nawawala ang ganda nito.
Pagka akyat, bumalik na naman ang kuryosidad ko sa bahay kaya imbes na pumasok sa kwarto, hindi ko napigilang ilibot ang tingin ko sa paligid.
Puno ng mga lumang gamit ang bahay.
May mga kahoy na kabinet, lumang orasan, at iba't ibang litrato na nakasabit sa dingding.
Unti-unti akong naglakad.
Habang mas tinitingnan ko ang mga ito, mas lalo akong kinakabahan.
Hanggang sa may isang kwartong agad na nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung paano, pero agad akong nagtungo roon at binuksan ang pinto.
Bumungad ang napakaraming litrato na natatakpan ng mga tela, pati na rin ang mga kahon.
Hanggang sa may isang larawan na agad na nakakuha ng atensyon ko na sumisilip na parte nito sa ilalim ng tela, kaya agad kong tinanggal iyon.
Natigilan ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa kung anong nakikita ko.
"Tita... Tere?"
Dahan-dahan akong lumapit. Hindi ako nagkakamali.
Si Tita Tere nga iyon.
Mas bata lang siya sa larawan, ngunit hindi siya nag-iisa. May isang babae sa tabi niya.
Napakagandang babae.
At hindi lang sila basta magkatabi.
Parang may kakaiba sa pagitan nila.
Magkahawak sila ng kamay habang parehong nakangiti sa camera.
Napakunot-noo ako.
Sino siya?
Bakit kasama siya ni Tita Tere?
Bago ko pa masagot ang tanong ko, may isang maliit na larawan na nahulog kaya agad ko itong pinulot, at doon tuluyan akong natigilan.
Naroon si Sir Nathan kasama si Tita Tere at kasama rin ang parehong babae.
Naka-wedding dress ang babae at si Sir Nathan naman ay naka-white tuxedo.
At sa hula ko, parang ikakasal ang dalawa, samantalang sa gilid ay may kung anong lungkot sa mata ni Tita Tere, parang napilitan na sumali sa litrato.
Napalunok ako.
Pakiramdam ko ay lalo lamang dumadami ang mga tanong sa isip ko.
Bakit narito ang mga larawang ito?
Ano ang koneksyon nilang lahat sa isa't isa?
At higit sa lahat...
Sino ang babaeng kasama nila sa bawat larawan?
Habang nakatitig ako sa larawan, biglang may kakaibang kirot na dumaan sa ulo ko.
Isang mabilis na eksena ang sumagi sa isip ko.
Isang babaeng tumatawa habang hinahabol ang isang batang lalaki.
At isang boses na malambing na nagsasabing-
"Mag-ingat kayo, mahal."
Napahawak agad ako sa sentido ko.
"Ah..."
Mabilis ding nawala ang eksena.
Parang usok na naglaho sa hangin.
Agad na pumasok sa isip ko ang sinend na picture ni Tita Tere, ang larawan ng mama ko napapaisip ako kung yun ba talaga ang mama ko dahil wala akong maramdaman pero sa litratong nasa harap ko May kakaibang pakiramdam ang bumalot sakin
Tinignan ko pa ang iba pang larawan at sa isang larawan nakita ko
Si Emery, kasama si Sir Nathan at ang isang lalaki na parang mas batang bersyon nito.
Tita Tere's POV
Halos hindi ko na namalayan kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan papunta sa lumang bahay.
Kanina lang ay tumawag sa akin si Nanay Lydia, ang matagal nang tagapag-alaga ng bahay.
Ayon sa kanya, may isang babae raw na pinatuloy niya sa bahay matapos itong masiraan sa daan malapit sa lugar.
Ngunit ang dahilan kung bakit lalo akong kinabahan ay nang sabihin niyang ang babaeng iyon ay tila may kakaibang reaksyon nang makita ang bahay.
At nang marinig ko ang pangalan...
Amor.
Parang may malamig na tubig na bumuhos sa buong katawan ko.
Hindi ko na hinintay pang matapos ang paliwanag ni Nanay.
Agad akong umuwi.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad kong nakita si Nanay Lydia sa sala.
"T-Tere..." Nag-aalalang sambit niya.
"Asaan po siya?" Agad kong tanong.
"Nasa taas po."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras.
Mabilis akong umakyat sa ikalawang palapag. Una kong tinignan ang guest room, ngunit wala siya roon. Nang lumabas ako ng silid, ay napansin ko ang isang pinto sa dulo ng hallway. Bahagya itong nakabukas at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi...
Hindi naman siguro...
Dahan-dahan akong lumapit. Nang silipin ko ang loob ng silid natulala ako dahil nakatayo si Amor sa gitna ng kwarto. May hawak siyang dalawang lumang larawan habang umiiyak.
Tahimik lang at napakasakit makita.
Parang may bahagi ng puso niyang unti-unting nadudurog.
"Amor..." Mahinahon kong tawag.
Napalingon siya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ako.
"Tita Tere..."
Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha.
Ngunit huli na. Nakita ko na.
Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata at nakita ko rin kung anong larawan ang hawak niya.
Larawan namin. Ako, si Nathan, at siya ang babaeng minsang nagparamdam sa akin ng kaligayahan at pagmamahal.
Napatingin muli si Amor sa larawan, pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Tita..."
Bahagya siyang napahikbi.
"Sino po siya?"
Nanigas ako. Parang may humawak sa lalamunan ko.
Ilang taon naming itinago ang katotohanan. Ilang taon naming sinigurong walang makakaalam.
Pero ngayon, nakatayo sa harap ko si Amor at hawak niya mismo ang susi ng mga sikreto ng nakaraan.
"Saan mo nakita 'yan?" Mahinang tanong ko, kahit napakahalata naman ng sagot.
"It was here."
Tumingin siya sa paligid ng silid.
"Parang... parang may humihila sa akin papunta rito, kaya sinilip ko po."
Napapikit ako.
Dahil iyon din ang kinatatakutan ko. Unti-unti nang bumabalik...
Ang mga alaala.
Ang koneksyon.
Ang mga bagay na hindi dapat niya maalala.
Biglang napahawak si Amor sa kanyang ulo at napangiwi siya sa sakit.
"Tita..."
Agad akong lumapit.
"Amor!"
"Masakit..."
Napaupo siya sa gilid ng sofa habang mariing nakahawak sa kanyang sentido.
"Parang..."
Huminga siya nang malalim.
"Parang may nakikita akong mga bagay."
Nanlamig ang buong katawan ko.
"A-anong bagay?"
Pumikit siya at mas lalong dumaloy ang kanyang mga luha.
"Halo-halo po, Tita," Sabi niya.
"May batang lalaki..."
Napahinto ako.
"M-May dalawang taong naghahalikan..."
Napakagat ako sa labi.
"At..."
Bigla siyang napamulat.
Takot ang bumakas sa kanyang mukha.
"May accident."
Hindi.
Hindi maaari.
Hindi niya dapat maalala iyon.
Hindi pa.
"Amor, listen to me."
Hinawakan ko ang kanyang mga balikat.
"Tumingin ka sa akin."
Dahan-dahan siyang tumingin.
Nalilito.
Natatakot.
At puno ng mga tanong.
"Sino siya, Tita?"
Napatingin siya muli sa larawan.
"Why do I feel like I know her and know them?"
Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil kahit anong sabihin ko ngayon, magbabago ang lahat.
"Tita..." Mahinang tawag niya.
"Please."
Napapikit ako.
Pagmulat ko ay nakita ko ang parehong mga mata.
Ang parehong tingin.
Ang parehong mukha.
At sa sandaling iyon...
Alam kong hindi na namin kayang itago pa ang katotohanan nang matagal.
Huminga ako nang malalim at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
"Amor..."
Nanginginig ang boses ko.
"May mga bagay tungkol sa nakaraan na hindi pa namin sinasabi sa'yo."
Nakita kong lalong nanlaki ang kanyang mga mata.
"Ano po iyon? At sino-sino kayo?"
Napatingin ako sa larawan.
Pagkatapos ay muli sa kanya at, sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon...
Unti-unti nang bumalik ang mga sikretong.
"Please, Tita." Nagmamakaawa niyang sabi.
"Amor..."
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang lumang larawan.
Pero hindi na niya ako pinatapos.
"Sino siya, Tita?" Halos pasigaw niyang tanong habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha. "Bakit pakiramdam ko kilala ko siya? Bakit pakiramdam ko may koneksyon ako sa kanya?"
Hindi ako agad nakasagot.
Paano ko sasabihin ang bagay na maaaring magpabago sa lahat ng alam niya tungkol sa sarili niya?
"Tita, please..." Umiiyak niyang sabi.
"Pagod na pagod na ako. Simula nang bumalik ako dito, puro tanong ang nasa isip ko. Mga panaginip. Mga alaalang hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko nawawala na ako."
Napapikit ako.
Dahil alam kong tama siya. Matagal na siyang naghihirap at isa ako sa dahilan kung bakit.
Huminga ako nang malalim. Pagmulat ko ay direkta ko siyang tiningnan.
"She's my first love."
Natigilan si Amor.
"Ano po?"
"Siya ang babaeng pinakamamahal ko."
Napatingin ako sa larawan.
"We were about to get married."
Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko habang bumabalik ang mga alaalang matagal ko nang pilit kinakalimutan.
"Mahal na mahal namin ang isa't isa," Sabi ko.
At alam kong kahit pilit akong ngumiti, kusang bumabagsak ang mga luha ko.
"Pero nagkasakit nang malubha ang lola niya."
Tahimik na nakikinig si Amor.
"At ang huling hiling ng lola niya..."
Napahinto ako.
"...ay makita siyang ikinasal."
"Pero hindi sa'yo?" Mahinang tanong ni Amor.
Mapait akong ngumiti.
"Hindi sa akin."
Parang may kutsilyong muling sumaksak sa puso ko kahit napakaraming taon na ang lumipas.
"Nagmakaawa ang pamilya niya."
Napayuko ako.
"At pinili niyang sundin ang huling hiling ng lola niya."
Tumulo ang isa pang luha sa pisngi ko.
"Pinili niyang pakasalan ang lalaking gusto ng pamilya niya."
"Nagpakasal siya sa bestfriend ko sa papa mo."
Tahimik ang buong silid tanging hikbi namin ang maririnig.
Pagkatapos ay unti-unting nagsalita si Amor.
"Siya ang nanay ko, hindi ba?"
Parang huminto ang oras. Napatingin ako sa kanya at dahan-dahang tumango.
"Oo."
Napahawak siya sa bibig niya. Mas lalong dumami ang kanyang mga luha.
"Amor..."
Napailing siya.
"Si Papa, buhay ba siya? si Sir Nathan ba?" Tanong niya.
Wala na akong ibang magawa kundi sabihin ang totoo.
"Oo."
Bigla siyang napatingin sa akin nang may galit sa mga mata niya.
"Pero sinabi mo sa akin na patay na sila."
Lumuluha niyang sabi.
"Bakit mo itinago sa akin 'yon, Tita?"
Mas lalong lumakas ang boses niya.
"Bakit?!"
"Amor-"
"Bakit?!"
Nanginginig na siya sa galit.
"Alam mo ba kung gaano ako naghirap?!"
Napaatras ako.
"Araw-araw akong naghahanap ng sagot!"
"Alam mo bang pakiramdam ko wala akong pagkakakilanlan?!"
"Alam mo bang gabi-gabi akong umiiyak dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang may kulang sa buhay ko?!"
Lalong bumigat ang dibdib ko dahil wala siyang maling sinabi.
Wala.
"Wala kang karapatang itago sa akin iyon!"
Napapikit ako.
"Tinago ko dahil kailangan kitang protektahan."
Natawa siya nang mapait.
"Protektahan?"
Tumingin siya sa akin nang puno ng sakit.
"Mula saan? Kanino?"
Pagkatapos ay mas lalong tumalim ang kanyang tingin.
"O baka naman gumaganti ka lang?"
Natigilan ako.
"Amor..."
"Hindi mo matanggap na iniwan ka ng mama ko para sa iba!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Amor."
"Kaya itinago mo ako!"
"Hindi."
"Kasi galit ka sa kanya!"
Hindi.
"Hindi!"
"Kasi hindi ikaw ang pinili niya!"
Pak!
Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong silid.
Pareho kaming natigilan.
Nanginginig ang kamay ko at nanginginig din ang buong katawan ko.
Hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit.
Napahawak si Amor sa pisngi niya. Gulat na gulat ang kanyang mukha at kasabay noon ay bumagsak ang mga luha ko.
"Mahal ko ang mama mo higit pa sa buhay ko."
Basag ang boses ko.
"Mahal na mahal ko siya, Amor."
Nanginginig akong huminga.
"I loved her to the point that I watched her marrying someone else."
Nanigas si Amor.
"I loved her to the point where I swallowed all the pain."
Mas lalong lumakas ang hikbi ko.
"Lahat ng galit."
"Lahat ng selos."
"Lahat ng pagkadurog."
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Nang malaman kong nasa panganib ang buhay niya at buhay mo..."
Napayuko ako.
"Wala akong inisip kundi kung paano kayo ililigtas kahit kapalit pa ang buhay ko twenty two years akong nanahimik twenty two years ko siyang minahal mula sa malayo."
Tahimik na nakatitig si Amor.
"T-Tita..."
"Tinago ko ang lahat dahil iyon ang huling hiling niya sa akin."
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Huling hiling?"
Tumango ako.
"Pinangako ko sa kanya."
Napaupo ako sa sofa pagod na pagod na ako.
"Pinangako kong poprotektahan kita."
"Bakit?"
Mahinang tanong niya.
"Bakit ako? Para saan? Bakit hindi niyo na lang sinabi?"
Napaluha ako.
"Because you are impulsive, Amor. You keep questioning everything to the point that your life got into danger."
Napatingin siya sa akin.
"At natatakot ako."
"T-Takot?"
Tumango ako.
"Hindi ko kayang mawala ka."
Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.
"Hindi ko kakayanin."
Ngunit napangiti siya nang mapait.
"Lose me?"
Napailing siya.
"O baka naman natatakot ka lang na ma-disappoint siya dahil hindi mo natupad ang pangako mo?"
Parang may sumaksak ulit sa puso ko, pero sa pagkakataong ito, hindi ako nagalit dahil alam kong nagsasalita siya mula sa sakit.
Mula sa mga taon ng pagtataka.
Mula sa pakiramdam na niloko siya ng lahat.
Huminga ako nang malalim at saka ko sinabi ang katotohanang matagal kong itinago.
"Ang pagkamatay ng mama mo..."
Napahinto ako.
"Hindi aksidente, Amor."
Nanigas si Amor.
"Ano?"
May malamig na hangin na tila dumaan sa silid.
"May pumatay sa kanya."
Namutla siya.
"H-Hindi..."
"At katulad ng halos nangyari sa'yo."
Napaatras siya.
"Anong ibig mo pong sabihin, Tita?"
Nanginginig ang boses ko.
"Nasaktan siya nang malaman niyang naaksidente ka. You got into a coma."
"Labis siyang nag-alala."
"At habang tulog ka, iniimbestigahan niya kung sino ang may kagagawan nito dahil naniniwala siyang may sumadya sa aksidente mo..."
Napapikit ako.
"At hindi siya nagkamali. She almost got the answer, pero doon siya pinatahimik."
"At bago siya mawala, ayaw niyang sabihin sa'yo. Kabilin-bilinan niyang huwag sabihin dahil ayaw niyang sisihin mo ang sarili mo. Sa huling hininga niya, tanging makakabuti lang para sa'yo ang hiling niya. I love her, Amor. That's why I gave her what she wanted."
Tumulo ang mga luha ni Amor.
Hindi siya makapagsalita.
Hindi siya makahinga nang maayos.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dahan-dahan siyang nagsalita.
"Si Sir Nathan..."
Napatingin siya sa akin humigpit ang hawak ko sa larawan.
"Ano ang koneksyon niya kay Emery? Sino itong lalaki na kasama nila? Kapatid kona? Si papa ba ang tatay ng mga bata? Oo itong kasama nila?"
Tahimik akong tumingin sa kanya pagkatapos ay marahan akong umiling.
"Amor..."
Tumayo ako.
"May mga kwento na hindi ako ang dapat magsabi."
Nakita kong muling bumalik ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Kung tungkol kay Nathan, oo, siya ang ama mo..."
Huminga ako nang malalim.
"At kung tungkol kay Emery..."
Napatingin ako sa bintana.
"Si Nathan mismo ang dapat magsabi sa'yo ng katotohanan dahil wala ako noong mga panahong dumating si Emery sa buhay niyo."
At sa mga sandaling iyon, pareho naming alam na kapag nalaman ni Amor ang bahaging iyon ng kuwento...
Lahat ng sakit ng nakaraan ay babalik.
Seraphine's POV
Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa dami ng nalaman ko.
Masyadong marami.
Masyadong mabigat.
At higit sa lahat...
Masyado nang masakit.
Kaya bago pa man may masabi ulit si Tita Tere, mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng silid.
"Amor!"
Narinig ko ang sigaw niya.
"Amor, sandali!"
Pero hindi ako huminto. Hindi ko kayang huminto. Hindi ko kayang marinig pa ang kahit ano.
Mabilis akong bumaba ng hagdan, halos madapa pa ako sa pagmamadali.
Paglabas ko ng bahay ay agad akong tumakbo papunta sa lugar kung saan ko iniwan ang sasakyan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahalungkat ang susi.
Mabilis akong sumakay sa driver's seat at agad kong pinihit ang susi, ngunit walang nangyari.
"Tangina..."
Muli kong sinubukan.
Ayaw pa rin.
Tumulo ang mga luha ko habang paulit-ulit kong pinipihit ang susi.
"Please..."
Click.
Wala.
"Please..."
Click.
Wala pa rin.
"Please naman!"
Napahagulgol ako. Pakiramdam ko pati ang sasakyan ko ay ayaw akong tulungang makatakas.
Paulit-ulit kong sinubukan hanggang sa-
Vroooom.
Biglang umandar ang makina. Napapikit ako habang umiiyak, pagkatapos ay agad kong pinaharurot ang sasakyan palayo.
Palayo sa bahay.
Palayo kay Tita Tere.
Palayo sa mga katotohanang hindi ko alam kung paano ko haharapin.
Gusto kong malaman lahat, pero may parte sa akin na natatakot malaman ang ibang bagay.
Si Sir Nathan ay tatay ko.
Magkakilala sila ni Emery.
"Ahh! Hindi pwede!" Maluluha kong sigaw.
Dahil naiisip kong maaaring siya ang tatay ng mga bata, na maaaring kapatid ko sila.
Oo baka naman ang lalaking nang-iwan kay Emery at sarili kong kapatid.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagmaneho.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Wala akong direksyon.
Wala akong plano.
Basta nagmamaneho lang ako habang umiiyak.
Habang iniisip ang lahat ng sinabi ni Tita Tere.
May pumatay sa nanay ko. Hindi aksidente ang nangyari.
May taong gustong patayin ako.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa manibela.
Pakiramdam ko umiikot ang buong mundo ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako rito.
Unknown Number.
Agad kong pinatay ang tawag. Ayokong makipag-usap kahit kanino, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay tumawag ulit ito.
At muli.
At muli.
At muli.
"Ano ba!" Sigaw ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Agad kong itinabi ang sasakyan at sa huli ay sinagot ko rin ang tawag.
"Hello?"
Tahimik.
Ilang segundo pagkatapos ay may nagsalita.
"Magandang gabi, Amor."
Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko maintindihan ang boses. Parang binago ito ng kung anong device.
Masyadong malalim.
Masyadong kakaiba.
Parang hindi totoong boses.
"Sino ka?" Agad kong tanong.
Tahimik ulit.
Pagkatapos ay may marahan na tawa akong narinig, isang tawang nagpatayo ng balahibo ko.
"Hahaha..."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
"Sino ka?!"
Muli siyang tumawa, pagkatapos ay nagsalita.
"Kung gusto mong malaman ang lahat..."
Tumigil siya sandali.
".Pumunta ka sa lugar na ibibigay ko."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?"
"Mga sagot na hinahanap mo."
"Tungkol sa nanay mo."
"Tungkol kay Nathan."
"Tungkol kay Emery."
"At tungkol sa lalaki sa panaginip mo."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sino ka ba?!"
Ngunit hindi na siya sumagot. Narinig ko na lamang ang isa pang mahinang tawa at pagkatapos-
Beep.
Naputol ang tawag.
Nanatili akong nakatulala habang hawak ang cellphone. Ilang segundo lang ang lumipas nang tumunog ito.
May bagong mensahe: isang address.
Wala nang iba.
Napakagat-labi ako.
Alam kong delikado ito.
Alam kong maaaring bitag ito.
Ngunit matapos ang lahat ng nalaman ko, hindi ko na kayang mabuhay nang walang sagot.
Kaya pagkatapos ng ilang minutong pag-aalinlangan, pinuntahan ko ang lugar.
Mahigit isang oras ang lumipas bago ako makarating.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong napansin ang paligid.
Masyadong tahimik.
Walang tao.
Walang sasakyan.
Walang ilaw.
Sa harapan ko ay nakatayo ang isang lumang abandonadong gusali.
Basag ang karamihan sa mga bintana nito, kinakalawang ang ibang bahagi, at tila ilang taon nang walang pumapasok dito.
Napalunok ako.
May bahagi ng isip kong nagsasabing umalis na.
Tumakbo.
Bumalik.
Ngunit mas malakas ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan, kaya huminga ako nang malalim at pumasok.
Lumangitngit ang pinto nang itulak ko ito.
Creeeak...
Agad akong sinalubong ng malamig na hangin at amoy ng alikabok.
Napatingin ako sa paligid.
Walang tao.
Walang kahit ano.
"Nandito na ako!" Sigaw ko.
Nag-echo ang boses ko sa buong gusali.
"Nandito na ako!"
Tahimik.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sino ka ba?!"
Walang sumagot.
"Asan ka?!"
Bigla akong nakarinig ng mahinang kaluskos mula sa ikalawang palapag.
Natigilan ako.
Dahan-dahan akong napatingin sa madilim na hagdanan at doon, sa pinakataas na bahagi nito, parang may isang taong nakatayo.
Nakatingin sa akin.
Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa dilim, ngunit sigurado ako, may tao roon.
At sa sandaling iyon...
Nanigas ang buong katawan ko habang nakatingin sa madilim na hagdanan.
Hindi ko alam kung tao ba talaga ang nakita ko o niloloko lang ako ng isip ko dahil sa takot, ngunit bago pa man ako makagalaw-
May narinig akong mahinang tawa mula sa likuran ko.
"Hahaha..."
Agad akong napalingon.
Ngunit bago ko pa man magawa iyon ay may nagsalita.
"Don't."
Natigilan ako.
Malamig ang boses nito.
Kalmado at tunog pamilyar, ngunit may kakaibang bagay na nagpaparamdam ng panganib.
"Turn around."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
"Ano?"
"Dahan-dahan kang humarap sa kabilang direksyon."
Napalunok ako.
"Sino ka?"
Muli niyang pinagtawanan ang tanong ko.
"Hindi ba gusto mong malaman ang katotohanan?"
Nanginginig ang mga kamay ko.
"Oo."
"Then do as you're told."
Ilang segundo akong nag-alinlangan.
Alam kong mali ito.
Alam kong delikado.
Ngunit narito na ako at, sa puntong ito, pakiramdam ko wala nang mawawala sa akin.
Dahan-dahan akong humarap.
Tinalikuran ko ang hagdan.
Tinalikuran ko ang boses.
At tumingin sa madilim na bahagi ng gusali hanggang sa may naramdaman akong presensya sa likuran ko.
Masyadong malapit.
Kaya agad akong nagtangkang lumingon, ngunit-
"Ah!"
May matalim na kirot akong naramdaman sa gilid ng leeg ko.
Parang may tumusok.
Napahawak ako rito at doon ko naramdaman ang karayom.
Nanlamig ang buong katawan ko.
"Ano-"
Napaatras ako, ngunit biglang nanghina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid.
"Hindi..."
Naging malabo ang paningin ko.
Napakabilis ng mga nangyari. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa buong katawan ko.
Pinilit kong lumingon.
Pinilit kong makita kung sino ang nasa likuran ko.
Ngunit hindi ko na maigalaw nang maayos ang katawan ko.
Unti-unting nagdilim ang paningin ko.
Ang mga ilaw mula sa labas.
Ang mga pader.
Ang buong gusali.
Lahat ay naging malabo at sa gitna ng paglabo ng aking paningin, may nakita akong pigura.
Isang lalaki.
Matangkad, ngunit hindi ko makita ang mukha niya.
Parang anino lamang siya.
Isang malabong silweta sa gitna ng kadiliman.
"S-Sino..."
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
Lumapit ang lalaki at bago tuluyang bumigay ang katawan ko ay naramdaman kong may mga brasong sumalo sa akin.
Mahigpit.
Parang natatakot na mahulog ako.
Naramdaman ko rin ang mahinang paghaplos niya sa buhok ko.
Isang bagay na dapat sana'y magbigay ng pakiramdam ng seguridad, ngunit lalo lamang akong natakot.
Dahil hindi ko siya kilala.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko.
Pinilit kong makita ang mukha niya.
Ngunit puro anino lamang ang nakikita ko at habang unti-unting nilalamon ng kadiliman ang aking kamalayan...
May narinig akong mahinang bulong malapit sa aking tainga.
Isang boses na puno ng kung anong emosyon na hindi ko maintindihan.
Halo ng pananabik.
Pagmamahal?
At pagkahumaling.
"Let's go home..."
Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin habang lalo akong nanghihina.
Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
Sa pagkakataong ito ay mas mahina.
Mas malapit.
Parang matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito.
"Let's go home, my love."
Pinilit kong lumaban, ngunit huli na.
Tuluyan nang nagdilim ang lahat at ang huling bagay na naramdaman ko ay ang pakiramdam na may nagbubuhat sa akin palayo.
Palayo sa abandonadong gusali.
At papunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.