CHAPTER 54 The Farts
Seraphine's POV:
Tahimik ang buong kwarto habang nakaupo ako sa tabi ni Collie.
Katulad ng mga nakaraang linggo, wala pa rin siyang malay.
Nakakabit pa rin ang iba't ibang makina sa paligid niya habang ako naman ay nagbabasa ng libro para sa kanya.
Sabi nila, kahit wala raw malay ang isang tao, may posibilidad pa rin daw na naririnig niya ang mga boses sa paligid.
Kaya araw-araw ko siyang kinakausap.
"Alam mo, Collie, naubos na yata lahat ng kwento ko."
Ngumuso ako habang marahang hinahaplos ang kamay niya.
"Kung hindi ka pa gigising, mauubusan na ako ng tsismis."
Napabuntong-hininga ako.
"At saka, nag-aalala na ako sa grades mo. Baka paggising mo, diretso exam agad. Baka naman bumagsak ka, 'di ba? Paano na ang deal nito ni Linda?"
Pananakot ko, baka sakaling magising siya.
Maya-maya ay sumandal ako sa upuan, tapos biglang.
Prrrrt.
Napakurap ako sabay dahan-dahan kong ibinaba ang libro.
Tumingin ako kay Collie.
Tumingin ako sa paligid.
Tumingin ulit kay Collie.
"Collie?"
Wala pero sigurado akong may narinig ako.
Napalunok ako.
"Collie, kung ikaw 'yon, hindi nakakatuwa."
Lumapit pa ako nang kaunti at doon ko naamoy.
Nanlaki ang mga mata ko.
"OWGAG."
Napaatras ako.
"Ikaw nga!"
Tinakpan ko agad ang ilong ko.
"Collie!"
Sa mga puntong 'to, 'di ko alam kung matutuwa ako o iiyak.
"Ilang linggo kang walang paramdam, tapos ang contribution sa mundo ay umutot?!"
Napailing ako.
"Hindi ka man lang kumurap o 'di kaya gumalaw nang kaunti. Ang ginawa mo, umutot?"
Napahalakhak ako mag-isa.
"Grabe ka."
Tinuro ko pa siya.
"Kung alam mo lang kung gaano ako kinabahan."
Nagkunwari akong seryoso.
"Alam mo ba? Akala ko himala na. Akala ko magsasalita ka na."
Tumatango ako mag-isa.
"Gumawa ka nga ng ingay, galing pa sa pwet."
Napahawak ako sa noo ko.
"Napakasama mo."
Makalipas ang ilang segundo ay napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
"Pero salamat."
Mahina akong tumawa.
"Kahit papaano, parang may sign na buhay na buhay ka pa rin kahit puro utot lang ang paramdam mo."
Sakto namang may kumatok. Hindi ko agad pinansin, akala ko nurse lang ngunit ng bumukas ang pinto, agad akong natigilan, at ganoon din siya.
Si Emery.
Biglang parang naging mas tahimik ang buong silid.
Parang nawala ang lahat ng tunog maliban sa mabilis na tibok ng puso ko.
Tatlong linggo.
Tatlong linggo mula nang maghiwalay kami.
Tatlong linggo mula nang huli kaming magkasama nang matagal.
At ngayon, nakatayo siya sa may pintuan, may dala siyang maliit na paper bag at, katulad ko, mukhang hindi rin niya alam kung paano magsisimula.
"Hi."
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.
"Hi."
Napakamot ako sa batok ko.
"Uhm..."
Napatingin siya kay Collie.
"Tulog pa rin?"
Tumango ako.
"Ahh, yes."
Tahimik ulit.
Diyos ko.
Parang bumalik kami sa panahon na hindi pa kami magkasintahan. 'Yong mga panahong nagpapakiramdaman pa lang kami. 'Yong mga panahong simpleng "hi" lang ay kaya nang magpatibok ng puso ko.
Napailing ako sa sariling naiisip.
Nakakainis.
Bakit parang kinakabahan na naman ako?
Dahan-dahang lumapit si Emery sa kabilang bahagi ng kama ni Collie at, sa sobrang sabay ng galaw namin, pareho naming inabot ang kumot na medyo nakalaylay.
Nagtagpo ang mga kamay namin. Agad kaming napaatras pareho.
"Sorry."
"S-sorry."
Sabay pa kami kaya napakurap kami at pagkatapos ay pareho kaming nahihiyang ngumiti.
Iyong tipong hindi mapigilan.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Napailing si Emery habang nakangiti.
"Still doing that."
"Ano?"
"Nothing," Sabi niya sabay smirk.
Napasimangot naman ako nang ma-realize ang ibig niyang sabihin. 'Di ko naman sinasadyang sabayan siya.
"Kasalanan mo," Sabi ko na lang.
"Even before, you were the one starting copying me, Amor," Sabi niya.
"Talaga?"
"Talaga."
Ngumiti siya.
At Diyos ko.
Iyong ngiti niya.
Iyong parehong ngiti na ilang beses kong sinubukang kalimutan nitong mga nakaraang linggo.
Naglakad siya sa mini sala nitong room ni Collie at ibinaba niya ang paper bag sa mesa.
"I bought something. Maybe you'd like to eat."
Napatingin ako roon.
"Binili ko sa favorite restaurant n'yo ni Collie. I thought maybe she would suddenly wake up and immediately look for food."
Napakurap ako.
"Alam mo kung saan?"
Agad siyang napatingin sa ibang direksyon.
Parang nahihiya.
"Syempre."
At ewan ko kung bakit.
Pero may kung anong mainit na pakiramdam ang dumaloy sa dibdib ko.
Tahimik kaming nagkatitigan hindi mahaba, hindi rin maikli.
Sapat lang para maalala naming pareho kung gaano kami naging importante sa isa't isa.
Hanggang sa-
Prrrrt.
Pareho kaming natigilan. Dahan-dahan kaming napalingon kay Collie.
Tulog pa rin siya pero malinaw na malinaw ang nangyari. Nanlaki ang mga mata ni Emery.
"Is that you?" Taas-kilay niyang tanong.
Napahalakhak ako.
"Hindi ah."
"Wait, seriously?" Taas-kilay niyang sabi.
Bigla akong nahiya.
Tumango ako.
"Second round na niyan. Kanina pa 'yan nautot."
Napabuka ang bibig ni Emery.
"Collie?"
Tumawa ako nang malakas.
"Kanina pa."
Napahawak siya sa noo.
"Goodness."
At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, sabay kaming tumawa nang malakas.
Totoong tawa.
Magaan, at habang nakatingin kami sa natutulog na si Collie, hindi ko maiwasang isipin...
Na kahit gaano kasakit ang nangyari sa amin, may mga bagay talagang hindi basta nawawala.
Katulad ng pagiging komportable namin sa isa't isa.
Katulad ng mga simpleng sandaling ito.
At katulad ng pag-asang, balang araw, baka sakaling makabalik kami sa isa't isa.
Matapos ang pangatlong pag-atake ng utot ni Collie, pareho kaming napailing ni Emery.
"Okay, confirmed," Sabi ko habang nakahalukipkip. "Talagang anak mo siya."
Napataas agad ang kilay niya.
"What? I never fart in front of you," Sabi niya sabay hawak sa dibdib na parang na-offend.
"Oo kaya, pag tulog." Sagot ko.
Nanlaki ang mata niya at napaiwas ng tingin.
Napatawa naman ako.
"Ain't no way," Sagot niya.
"So ano 'yon? Confident na utot 'yong multo sa room natin?" Tanong ko.
Hindi siya nakasagot at matagal siyang natahimik.
"That's not possible," Depensa pa rin niya.
"Oo, pwede. Tignan mo si Collie. Coma pero hindi nahihiyang magpakilala kung sino siya." Sabi ko habang naka-smirk.
Sa totoo lang, hindi naman talaga siya umuutot sinabi ko lang.
Nang makita kong parang hindi na siya komportable, tumawa na ako nang malakas.
"Joke lang. Hindi pa kita narinig umutot," Sabi ko.
Napailing na lang siya habang tumatawa.
Unti-unting naging komportable ulit ang hangin sa pagitan namin, hindi katulad ng unang pasok niya kanina.
Mas magaan.
Mas natural.
Hanggang sa may naalala siya. Dahan-dahang naglaho ang ngiti niya.
"Amor..."
Napatingin ako sa kanya.
"Hm?"
"About the pictures."
Alam ko agad kung anong picture ang tinutukoy niya.
'Yong picture ng place na sabi niya alam niya.
Iyong lugar na naging dahilan kung bakit hindi matahimik ang isip ko.
"Saan mo nakuha iyon?"
Napatingin ako kay Collie bago bumalik ang tingin kay Emery.
"May nagpadala."
Napakunot ang noo niya.
"Nagpadala?"
Tumango ako.
"Anonymous."
Lalong kumunot ang noo niya.
"Anonymous?"
"Oo."
"Who?"
"Kung alam ko, sana hindi anonymous ang tawag." 'Di ko maiwasang isagot.
Napabuntong-hininga siya.
"Any message with it?"
"Wala," Sabi ko na lang kahit na meron.
Dahil napapaisip ako sa nakalagay doon:
'Pumunta ka rito kung gusto mo ng sagot. I'll wait.'
Napayuko siya sandali, parang may iniisip.
"Ikaw ba?" Tanong ko.
Napataas ang tingin niya.
"Paano mo nalaman ang lugar na iyon?" Dagdag na tanong ko.
Sandali siyang natahimik at biglang naging seryoso ang mukha niya, at doon pa lang ay may kung anong bumigat sa dibdib ko.
"Emery?"
Huminga siya nang malalim.
"You asked me why the place is familiar to me, right?"
Tumango ako.
"I'll tell you."
Tahimik akong naghintay na magsalita siya.
"I was taken there before by someone."
Napakurap ako.
"Sino?" 'Di ko maiwasang itanong.
Ilang segundo siyang hindi sumagot. Pagkatapos ay tumingin siya kay Collie at saka muling tumingin sa akin.
"My first love."
Parang may kung anong sumikip sa dibdib ko kahit alam kong wala na akong karapatang magselos.
Pero mas lalo akong natigilan sa sumunod niyang sinabi.
"Collie at Callie's father."
Tuluyan akong natahimik.
Hindi dahil sa selos kundi dahil ngayon lang niya ito kinuwento nang buo. Hindi ko siya inistorbo. Hinayaan ko siyang magsalita.
"He said only three people know that place-him and the other two-so I'm the fourth one..."
Napangiti siya nang mapait.
"That's where he first took me when he wanted to escape everything with me."
Tahimik akong nakikinig.
"Doon kami nangangarap."
"Doon kami nagpaplano."
"Doon niya sinabi sa akin na gusto niyang magkaroon ng pamilya kasama ako."
Napayuko siya at narinig ko ang bahagyang pagbasag ng boses niya.
"That's why I can't forget that place. Not really specifically there, because there were three trees in that place. Two of them are close to each other, and the one alone is on the top of the hill. That's our place."
Naramdaman kong kumirot ang puso ko para sa kanya.
Hindi dahil sa nakaraan niya.
Kundi dahil alam kong hanggang ngayon, may bahagi pa rin ng buhay niya na masakit alalahanin.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin.
Hanggang sa siya rin ang unang nagsalita.
"Would you like to go there?"
Napakurap ako.
"Saan?" Tanong ko kahit obvious naman ang sagot.
"There."
Napatingin siya sa akin.
"To finish your questions, your overthinks. I know, Amor, you're thinking about that place, 'cause you won't go back to the house just to take the photos."
Napaisip ako.
Sa totoo lang...
Oo.
Gusto ko.
Matagal ko nang gustong makita iyon. Pakiramdam ko may bahagi ng kuwento na kailangan kong maintindihan.
But at the same time, I feel bad for her. She wanted to bring me there kahit masakit ang mga alaala niya doon. Gusto pa rin niya akong samahang makita iyon para sa ikagagaan ng damdamin ko.
Kaya tumango ako.
"Oo."
Ngumiti siya ng bahagya.
"Okay."
"Okay."
Napabuntong-hininga siya.
"Then... let's talk after."
"About what?" Tanong ko.
"Tungkol sa lahat," Sabi niya.
"About everything that you wanna know," Dagdag niya.
"Okay," Sabi ko.
Mahabang katahimikan ulit ang bumalot sa amin hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"Thank you."
Napatingin ako sa kanya.
"Para saan?"
"Collie."
Napangiti siya habang nakatingin sa anak namin. Oo, anak namin. Wala kayong pake. Anak ko pa rin 'yan dahil pareho kami ng hulma ng buhok.
Sa totoo lang, sa tuwing nakikita ko si Emery at ang kambal, mata lang talaga niya ang nakuha nila pero sure akong pogi ang tatay nila.
"You didn't leave her..." Dagdag niya.
Parang may bumara agad sa lalamunan ko.
"Emery..."
Umiling siya.
"Let me speak first..." Sabi niya.
Kaya tahimik akong nakinig.
"I know I hurt you..."
Agad akong napayuko.
"And I know I have many shortcomings..."
Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko.
"Sorry."
Mahina pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng bawat salita.
Napakagat-labi ako pagkatapos ay umiling.
"Ako rin."
Napatingin siya sa akin.
"Sorry."
"For what??"
Napangiti ako nang mapait.
"Sa lahat ng pagkakataong hindi kita pinakinggan. Sa mga panahong lagi akong tumatakbo."
Kung nakinig lang sana ako hindi kami aabot sa ganito.
"Sa lahat ng pagkakataong mas pinili kong matakot kaysa magtiwala."
Umiling agad siya.
"Amor-"
"Hayaan mo rin akong magsalita."
Napatahimik siya.
"Totoo naman."
Napangiti ako nang mas malungkot.
"Pareho tayong nasaktan."
"Pareho tayong nagkamali."
At sa pagkakataong iyon, walang nagtalo.
Walang nagtanggol sa sarili.
Walang nagsisihan.
Dalawang tao lang na parehong pagod na sa sakit.
Napansin kong namumuo na naman ang luha sa mga mata ko kaya agad akong umubo.
"Ayoko na ng drama."
Napakurap si Emery.
"What?"
Umiling ako.
"Enough na, Emery. Three weeks na akong umiiyak."
Pinunasan ko ang sulok ng mata ko habang tumatawa.
"Kapag umiyak pa ako ngayon, baka isipin ng mga nurse dito may bagong teleserye."
Napatawa siya nang bahagya.
"Kahit kailan talaga, ikaw," Sabi niya habang naiiling.
"Totoo naman," Sabi ko.
Tinuro ko si Collie.
"At saka may audience tayo."
Napatingin siya kay Collie.
"Audience?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Oo."
"Kapag nagising 'yan, ichichismis tayo kay Linda, tapos si Linda ipapasa kay Hana, tapos si Hana ipapasa kay Lara, tapos si Lara ipapasa kay Cassandra, tapos si Cassandra ipapasa kay Calista, tapos si Calista ipapasa kay Jasmine, tapos si Jasmine ipapasa kay Callie, tapos si Callie ipapasa kay Margaret.
Tapos pagtatawanan na naman tayo." Mahaba-haba kong sabi.
Tuluyan na siyang natawa at parang gusto ko pang sabihin ang kung anu-ano para mawala ang lungkot, pero bago pa ako makaisip-
PRRRRRT.
Napahinto kami pareho. Dahan-dahan kaming napalingon ulit kay Collie.
Ilang segundo kaming nakatitig sa anak namin pagkatapos ay sabay kaming napatawa.
"Tignan mo," Sabi ko habang tumatawa.
"Nakikinig siya," Dagdag ko.
Napailing si Emery.
"Yeah."
"Tingin ko ayaw niya lang ng emotional scenes," Sabi ko.
"Sabi niya, enough drama," Dagdag ko.
At para bang sumasang-ayon si Collie-
Prrrt.
Mas mahina pero sapat para tuluyan kaming matawa nang malakas.
At sa gitna ng sakit, pagod, at mga bagay na hindi pa namin naaayos, sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nagkatawanan ulit kami na parang pamilya.
Makalipas ang ilang minuto hindi ko alam kung sino ang nagsabi.
Hindi ko rin alam kung paano nila nalaman.
Pero parang may group chat yata silang lahat na ang purpose ay manggulo ng buhay namin ni Emery.
Dahil wala pang limang minuto matapos kaming matahimik-
Bumukas ang pinto at pumasok si Lara, kasunod si Cassandra.
"Uy!"
Napalingon kami. Agad namang ngumiti si Lara.
Tapos tumigil.
Tapos tumingin sa akin.
Tapos kay Emery.
Tapos ulit sa akin.
Tapos kay Emery.
Parang nanonood ng tennis.
Naningkit ang mga mata niya.
"Hmmmm."
Agad akong kinabahan. Hindi magandang sign ang "hmmmm" ni Lara.
"Hindi ka pa ba pagod manghusga?" Tanong ko.
"Pagod na," Sabi niya habang tumatango.
"Tumigil ka nga diyan," Sabi ko sabay irap.
"Aba, bakit? Tumingin lang ako," Ribat niya.
Kasunod nilang pumasok sina Jasmine, Calista, Margaret, Linda, at Hana, at sa loob lamang ng sampung segundo, naging palengke ang kwarto.
"Collie!" Margaret.
"Baby!" Calista.
"Miss ka na namin!" Hana.
"Uy, may pagkain ba?" Si Linda.
"A-A-A, asan ang pagkain? Ako'y gutom na! AAA!" Sabi ni Jasmine na parang AI.
Napahawak ako sa noo.
"Mga hayop," Sabi ko.
"Ay wow ahh, di ba pwedeng gutom lang?" Defensive na sabi ni Jasmine.
Tumawa naman si Calista.
"Pagkain agad?"
"Oo," Sabi ni Jasmine habang tumatango.
"Supportive friends kami," Sagot ni Linda.
"Paano naging supportive 'yon?" Tanong ko.
"Sinusuportahan naming maubos pagkain niyo," Sabi ni Lara.
Napailing na lang ako samantalang si Emery naman ay tahimik lang na tumayo.
"I'll prepare the food."
"Ako rin," Bigla kong sabi.
Napatingin siya sa akin.
Napatingin din ako sa kanya.
Sandaling katahimikan, tapos sabay kaming naglakad papunta sa mesa, at siyempre nakita iyon ng mga bruha.
"HMMMMMMMM."
Sabay-sabay pa napapikit na lang ako.
"Diyos ko," Bulong ko.
"Anong diyos ko?" Sabi ni Lara.
"Wala namang mali sa gagawin niyo," Sabi ni Calista.
Talagang sumali pa siya.
"Tama, teamwork." Lara.
"Healthy bayanihan," Jasmine.
"Amazing helpers," Linda.
"Refreshing start," Cassandra.
"Hindi ka ba masaya na napansin namin?" Si Hana.
"Hindi," Sagot ko sabay irap sa kanila.
"Sinungaling," Sabi ni Lara.
Tumawa naman si Cassandra.
Habang inaayos namin ni Emery ang pagkain, napansin kong inaabot niya agad ang mga bagay na kailangan ko.
Iyong kutsara.
Iyong plato.
Iyong tubig.
Parang dati lang. Automatic pa rin naming alam ang galaw ng isa't isa.
"Salamat."
Mahina kong sabi para di marinig ng mga gaga.
Ngumiti naman siya.
"You're welcome."
At siyempre nakita at narinig na naman iyon ng mga bruha.
"AYIEEEEEEEE!"
Sabay-sabay ulit.
"Manahimik kayo!" Sigaw ko.
Lalong lumakas ang tawanan nila at parang hindi pa sapat iyon.
Biglang tumayo si Jasmine, kinuha ang water bottle at ginawang microphone.
Napapikit agad ako.
"Huwag."
"Huwag ano?"
"Huwag kang kumanta."
Pero huli na huminga siya nang malalim, tapos buong emosyong kumanta.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..."
Agad akong napayuko.
"Jasmine."
"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal..." Patuloy niya.
Nahihiya naman akong napatingin kay Emery, naka-ngiti siya habang inaayos ang mga plato.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..."
Biglang tumayo si Lara at parang backup singer.
"Kung di kayo titigil, palalabasin ko kayo," Banta ko.
Agad naman silang umupo.
"Teka!" Sabi ni Lara.
Napakunot-noo ako sa hinahanda ko.
"Ang tamis ng orange!"
Tinuro pa niya ang dala niyang orange juice.
"Baka langgamin tayo!"
Nagtawanan ulit sila. Napahampas si Cassandra sa balikat niya at kita ko kung paano bumalot sa mukha niya ang bigat.
"Baliw amp!" Bulong niya.
Pero hindi pa tapos. Tumayo rin si Linda, kunwari may binabasa sa cellphone, naka-kunot-noo pa.
"Hmm." Sabi niya.
"May nakita ako sa social media."
"Linda," Sabi ko agad dahil alam ko na kung saan papunta 'yan.
"Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw."
Tumigil siya sabay tumingin sa akin, tapos tumingin kay Emery at nagpatuloy.
"Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan."
"LINDA!" Sigaw ko.
"Bakit? Tumutula ako," Sabi niya.
"Baliw ka talaga, kanta 'yan." Sabi ko.
Natawa naman siya.
"May research nga pala ako," Sabi niya.
Mukhang seryoso, pero sure akong kalokohan 'yan.
"Research mo mukha mo," Sabi ko.
Halos maiyak na sa kakatawa si Lara, pero hindi pa rin sila tumitigil.
Biglang nagsalita si Calista.
"Naku," Umiiling niyang sabi.
"May comeback talaga."
Dagdag niya.
Napasingkit agad ang mga mata ni Lara.
"Comeback?" Tanong ni Lara.
Tumango si Calista.
"Oo."
Napatingin kaming lahat sa kanya at may isang segundo pa akong umasa na kakampi siya.
Hanggang sa ngumiti siya at tumingin sa akin.
"Ahh, alin?" Sabi ko sabay iwas ng tingin.
"Comeback concert ng favorite band ko."
Sabi niya sabay smirk.
Wala pang ilang segundo, nagtawanan na naman sila.
"Mga animal!" Bulong ko sa sarili.
"Pinaasa mo ako!" Sabi ni Jasmine.
"Kasalanan mo," Sagot ni Calista.
"Mahilig ka kasi sa tsismis," Dagdag niya.
"Oo, at least honest," Sagot ni Jasmine.
Patuloy sila sa tawanan nang biglang-
PRRRRRT.
Natahimik lahat.
As in lahat.
Sabay-sabay kaming napalingon kay Collie na walang malay pero may kontribusyon na naman. Nanlaki ang mga mata ni Hana.
"Hala."
Napaatras pa siya.
"Gumalaw ba siya?"
"Hindi," Sabi ko.
"Pero 'yung hangin niya, oo."
Natawa agad si Jasmine.
"Grabe," Sabi ni Linda.
"Pa-main character talaga," Sabi ni Lara.
"Literal," Dagdag ni Cassandra.
Tumango si Jasmine.
"Kahit naka-coma, may lines," Sabi ni Lara.
At parang hindi pa tapos ang show, biglang lumapit si Lara sa kama.
"Collie," Seryosong tawag ni Lara.
"Fart if you want them to come back."
"Lara!" Sigaw ko.
"Ano?"
"Nagtatanong lang ako."
Tapos yumuko siya kay Collie. Mahinang bumulong, pero rinig ko pa rin.
"Blink twice kung ayaw mo silang magkabalikan."
"Hoy!" Sigaw namin ni Emery.
Napatingin kami sa isa't isa mga kasama naman namin, nagsitawanan at parang gusto nang makisali ni Collie sa usapan dahil makalipas ang ilang segundo-
Prrrt.
Mas mahina, pero sapat para mawalan ng composure si Jasmine. Nahulog pa ang hawak niyang bote.
"Hindi!" Sigaw niya.
"Hindi na ito coincidence!" Dagdag niya sabay palakpak.
"May opinion siya!"
Tawang-tawa na sina Cassandra, Margaret, at Calista.
"Feeling ko sumasagot siya," Sabi ni Lara.
Tumango si Hana.
"One fart, yes," Si Cassandra.
"Two farts, no," Si Linda.
"Three farts, maybe," Si Hana.
"Hana!" Sigaw ni Margaret.
Pero wala na.
Wala nang matino sa amin. Lahat kami halos nakayuko sa kakatawa, pati si Emery.
Nang magtagpo ang mga mata namin sa gitna ng kaguluhan, pareho kaming napangiti.
Tahimik.
Maliit.
Pero totoo.
Habang sa paligid namin ay puro ingay, tawanan, at kalokohan, pakiramdam ko ay unti-unting bumabalik ang init na ilang linggo nang nawawala.
At kung may isang taong sobrang proud sa nangyayari, sigurado akong si Collie iyon.
Kahit naka-coma siya.
Dahil matapos ang ilang segundo-
PRRRRRT.
"AYAN NA NAMAN!"
Patuloy pa rin ang tawanan sa loob ng kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ni Emery.
Napatingin siya sa screen at kahit saglit lang, napansin kong nagbago nang kaunti ang ekspresyon niya.
Hindi naman seryoso.
Pero parang may kailangan siyang asikasuhin.
"I'll be back," Mahina niyang sabi.
Tumango naman ako.
"Okay."
Tumingin rin siya sa iba bago lumabas ng kwarto at sa sandaling sumara ang pinto parang may demonyong pumasok sa katawan ng mga kaibigan namin.
Lalo na sina Hana, Lara, Jasmine, at Linda.
"Ayan," Sabi ni Lara.
"Wala na si Emery."
Napasingkit ang mata ko.
"So?" Sabi ko.
"So, pwede na tayong mag-interview."
"Anong interview?"
"Future plans."
Napahawak agad ako sa noo.
Tumayo si Jasmine at muling kinuha ang water bottle at ginawa na naman microphone.
"Ako ang host."
"Wala kang consent," Sabi ko.
"Too late."
Tumikhim siya.
"Welcome po sa programang-"
Inangat niya ang bote.
"'Magbabalikan Ba Sila?'"
Tumawa agad ang lahat.
"Jasmine!"
"Question number one."
Tinuro niya ako.
"Miss Amor."
"Hindi."
"On a scale of one to ten."
"Jasmine."
"Gaano mo nami-miss si Emery?"
"Jasmine."
"Twenty?" Tanong niya.
Lalong lumakas ang tawanan.
Napailing na lang ako.
Samantalang si Margaret ay nakasandal na lang sa pader na parang sanay na sanay na sa kagagahan ng grupo.
Biglang sumingit si Hana.
"Teka."
Napakamot siya sa baba.
"Mas importante ang tanong ko."
Napatingin ang lahat sa kanya.
"Paano ba malalaman kung ex mo pa rin ang crush mo?"
Sabay-sabay kaming nalito.
"Ano raw?" Sabi ni Linda.
"Ex mo nga?" Sabi ni Lara.
"Oo," Sagot ni Hana habang seryosong tumatango.
"Pero crush mo pa rin."
"Tama naman," Sabi ni Calista.
"Valid."
"Thank you," Sabi ni Hana na parang proud pa.
Biglang tumayo si Linda. May hawak na namang cellphone at alam naming lahat na delikado iyon.
"'Yan na naman," Sabi ni Lara.
Tumikhim si Linda.
"Ayon sa aking studies."
"Wala kang studies," Sabi ni Jasmine.
"Meron."
Umayos siya ng tayo.
"Kapag ex mo pa rin ang crush mo, ibig sabihin..."
Dramatic pause.
"...wala kang standards."
"Hoy!" Protesta ni Hana.
"Meron kaya."
"Saan?" Tanong ni Jasmine.
"Teka, so crush mo ang ex mo, Hana?" Biglang tanong ni Lara sabay tingin kay Margaret.
"Secret," Sabi ni Hana.
"Sabi na nga ba."
Biglang napatawa si Lara na parang may alam siyang di ko alam.
"Teka, teka," Dagdag niya.
Na parang may naalala siya kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Ano?"
"Sino sa atin ang may pinakamalalang first impression?"
Agad nagturo si Jasmine.
"Linda."
"Bakit ako?"
"Dahil noong una kitang nakita, akala ko napulot ka ni Amor sa imburnal," Sabi niya.
Agad naman siyang binato ni Linda.
Sabay-sabay naman kaming natawa.
"Imburnal?!" Sigaw ni Linda.
"Oo!" Tumatawang sagot ni Jasmine.
"May hawak ka pang plastik noon."
"Namumulot ako ng basura!"
Si Hana naman biglang tumuro kay Lara.
"Ikaw rin."
"Ano naman ako?"
"Noong una kitang nakita, akala ko may kaaway ka."
"Bakit?"
"Dahil nakakunot-noo ka. Kala mo naman may buwanang dalaw, wala naman."
Tumawa agad si Cassandra.
Napahawak si Lara sa noo niya.
"Ganito lang mukha ko."
"Exactly," Sabi ni Hana.
Lalo silang nagtawanan.
Biglang sumingit si Jasmine.
"Teka."
"Mas magandang topic."
Napahawak agad ako sa noo dahil hindi maganda kapag siya ang may topic.
"Ano na naman?" Tanong ko.
"Sino sa atin ang unang magkaka-asawa?"
"Jasmine," Sabi ni Margaret.
"Ikaw na," Sabi ni Lara.
"Bakit ako?"
"Because that friend of mine is obviously obsessed with you."
Tumango agad si Hana.
"Hoy!" Sigaw ni Jasmine.
"Totoo naman!" Sabay-sabay nilang sagot.
Tumatawa na ako habang nakikinig sa kanila. Basta hindi ako ang taya, okay na 'yon. at habang nagtatawanan kami, biglang-
PRRRRRT.
Natahimik lahat.
Unti-unti kaming napalingon kay Collie parang synchronized dance.
Napabuntong-hininga si Lara.
"Okay."
Tumango siya.
"Kasali siya sa meeting," Dagdag niya.
"Hindi," Sabi ni Hana.
"Oo. Chairperson siya," Sagot ni Lara.
Tumango si Linda.
"Tayo ang visitors."
Napahawak si Jasmine sa dibdib niya habang naka tingin kay collie.
"Hindi ko na kaya feeling ko may sinasabi siya," Sabi niya.
"What?" Tanong ni Margaret.
Nag-isip si Jasmine, pagkatapos ay tumingin sa amin.
"'Mga tita, manahimik kayo.'"
Nagtawanan na naman kami.
Tapos biglang lumapit si Lara sa kama.
Seryoso.
Sobrang seryoso.
"Collie," Mahinang tawag niya.
"Kung gusto mong umuwi na ako, umutot ka," Dagdag ni Lara.
Tatlong segundo, walang nangyari.
Napangisi si Lara.
"Ayan sabi ko na, tanggap niya ako." Proud niyang sabi.
Pero di pa nagtagal-
PRRRRRT.
Mas malakas pa kaysa kanina.
Halos mahulog si Hana sa kinauupuan niya.
"SUMAGOT SIYA!" Sigaw niya.
Napahawak na ako sa tiyan sa kakatawa.
FEW MINUTES HAD PASSED
Halos hindi na matapos ang tawanan sa kwarto nang may kumatok.
Pagpasok ng doktor, agad siyang naghanap ng isang tao.
"Excuse me."
Tumigil ang lahat.
"Where's Miss Walls?"
Napatingin ako sa paligid. Kanina pa pala siya hindi nakakabalik matapos lumabas para sagutin ang tawag.
"Tatawagin ko po," Sabi ko.
Ngumiti naman si Doc.
"Thank you."
Tumango lang ako bago lumabas ng kwarto.
Tahimik ang hallway kumpara sa kaguluhang iniwan ko sa loob.
Habang naglalakad, iniisip ko kung saan kaya pumunta si Emery.
Sa cafeteria?
Sa lobby?
Sa labas?
At hindi ko alam kung bakit, pero parang kusa akong dinala ng mga paa ko papunta sa hospital garden.
Iyong parehong lugar kung saan madalas nagpapahangin ang mga bantay ng pasyente.
Mabagal akong naglakad at pagliko ko sa isang bahagi ng hardin, natigilan ako.
Nakita ko si Emery, at may kasama.
Si Sir Nathan.
Nag-uusap sila. Hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo ako, pero halatang seryoso.
Hindi naman sila nagtatalo.
Hindi rin mukhang masama ang usapan.
Napakunot ang noo ko.
Dahan-dahan akong lumapit.
Balak ko lang namang sabihin na hinahanap siya ng doktor.
Ngunit bago pa ako makalapit, nag-vibrate ang cellphone ko.
Agad kong kinuha sa bulsa ko at napatingin doon.
Si Tita Tere.
Agad ko namang sinagot.
"Tita?"
"Amor, anak."
"Bakit po?" Tanong ko.
"Nasa parking lot ako."
Napatingin ako sa direksyon ng parking area.
"Bakit po?" Tanong ko.
"May dala akong mga gamit para kay Collie. Also, Callie wanted to visit Collie."
"Mama!" Tawag ni Callie sa kabilang linya.
Napangiti ako.
Hiniram kasi siya ni Tita di koba alam pero nitong mga nakaraan mas naging sweet siya sa mga bata.
"Callie?"
"Surprise po!" Sabi niya.
Napailing naman ako kahit hindi niya nakikita.
"Ano'ng ginawa ninyo?" Tanong ko.
"Mahabang kuwento," Sabi ni Tita sabay tawa.
"Pwede bang pumunta ka rito? Kailangan ko ng tulong mo," Sabi ni Tita.
"Oo naman po," Sagot ko.
"Salamat, anak."
Pagkababa ko ng tawag ay muli akong napalingon kina Emery at Sir Nathan.
Lalapit na sana ako nang saglit akong natigilan dahil lumapit si Sir Nathan at niyakap si Emery.
Nanigas ako.
Hindi dahil may masama silang ginagawa.
Hindi dahil may mali.
Kundi dahil hindi ko alam ang dahilan, at hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Mabilis kong ibinaling ang tingin ko.
Ayaw kong mag-isip.
Ayaw kong magbigay ng kahulugan sa isang bagay na hindi ko naman alam ang buong kuwento.
Kaya tumalikod ako.
Pero hindi dapat ako umiwas kailangan siya ng doctor.
Ilang segundo bago ko naisipang lapitan sila, pero paglingon ko, wala na sila sa puwesto nila.
Hinanap ko pa sila, pero hindi ko na nakita.
Napapikit na lang ako at tumalikod.
Naglakad papunta sa parking area.
Mabilis.
Pero habang naglalakad ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang eksenang nakita ko.
Ang yakap.
Ang paraan ng pagtayo nila.
Ang ekspresyon ni Emery bago ako tumalikod.
Hindi ko alam kung bakit, at ayoko ring alamin.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.
"Stop it, Amor," Mahina kong sabi sa sarili.
"Wala kang alam. Wala ka ring karapatan."
Pero kahit sabihin ko iyon sa sarili ko, hindi ko mapigilan ang isip ko.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa kalsadang tawiran na pala ako malapit sa parking entrance.
Hindi ko narinig ang paparating na sasakyan.
Hindi ko nakita.
Hindi ko napansin ang busina.
Dahil nasa ibang lugar ang isip ko.
"AMOR!"
Biglang may humila sa braso ko.
Malakas.
Mabilis.
Nagulat ako nang may humatak sa akin palayo kasabay ng mabilis na pagdaan ng sasakyan sa harapan namin.
Nanlaki ang mga mata ko.
Tsaka ko lang na-realize kung gaano kalapit ang sasakyan.
Kung gaano kadelikado ang tinawiran ko.
Mabilis akong napalingon sa taong humila sa akin at doon ko nakita si Tita Tere.
Hingal na hingal at halatang natakot.
"Anak!"
Napahawak siya sa magkabilang balikat ko.
"Ano'ng iniisip mo?!"
Hindi agad ako nakasagot.
Parang kababalik ko lang sa ulirat.
"T-Tita..."
Napapikit siya at halos manginig pa ang boses niya.
"Akala ko masasagasaan ka na."
Napayuko ako.
"S-Sorry po."
"Sorry?"
Nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Amor, hindi mo man lang nakita iyong sasakyan."
Napakagat-labi ako.
At doon ko lang napagtanto kung gaano ako ka-distracted.
Kung gaano kalayo ang iniisip ko.
Maya-maya ay napabuntong-hininga si Tita Tere sabay yakap sa akin.
Mahigpit.
Parang natakot talaga siya at hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang dibdib ko.
Dahil sa yakap na iyon.
Dahil sa takot na narinig ko sa boses niya.
Dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin na para bang may muntik siyang mawala.
"Mag-ingat ka, anak," Mahina niyang sabi.
Napapikit ako.
At sa unang pagkakataon mula nang makita ko sina Emery at Sir Nathan, hindi na iyon ang nasa isip ko.
Kundi ang panginginig ng mga kamay ni Tita Tere.
At ang katotohanang ilang segundo lang ang pagitan ko sa isang bagay na pwedeng magbago ng lahat.
Dahan-dahan akong tumango.
"Sorry po."
Mas mahina.
Mas totoo.
At saka ko lang napansin na sa likod ni Tita Tere, nakatayo si Callie.
Maputlang-maputla ang mukha at halatang natakot din.
"Mama..." Halos naiiyak niyang tawag sa akin.
Agad akong lumapit at niyakap siya.
At habang yakap ko ang anak ko, hindi ko napansin na sa kabilang bahagi ng ospital...
Mag-isang nakatayo si Emery.
May gulat at takot sa mga mata niya.
And before I could look away, I saw her running towards us.