CHAPTER 53 Me And Callie.
Seraphine's POV:
Two weeks.
Dalawang linggo na ang lumipas mula nang tuluyan kaming maghiwalay.
Dalawang linggo na pilit kong binubuo ulit ang sarili ko habang minsan-minsan kong binabantayan si Collie sa ospital.
At sa loob ng dalawang linggong iyon, parang mas tumahimik ang mundo.
Bumalik na rin ako sa dati naming bahay ni Lara. Mabuti na lang, sinasamahan ako nina Linda at Hana.
Pero ngayong araw, sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, hiniling ni Callie na Me and Callie time naman kami.
At hindi sa mall, hindi sa kung saan man.
Kundi sa puntod ng kapatid niya.
Honestly, I feel bad kasi di namin siya natututukan nung mga nakaraan, kaya ngayon plano kong bumawi.
Pagkaparada ko ng sasakyan, agad kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Callie mula sa passenger seat.
Nilingon ko siya.
Tahimik siyang nakatingin sa hawak niyang maliit na bouquet ng puting lilies.
"Ready?" Mahinahon kong tanong.
Tumango siya.
"Yeah."
Ngumiti ako nang bahagya.
Pagkatapos ay sabay kaming bumaba ng sasakyan.
Tahimik lang ang paligid.
May mga matatandang naglilinis ng paligid.
At sa gitna ng lahat ng iyon, naglalakad kami papunta kay Ciello.
Nang marating namin ang puntod niya, agad na lumiwanag ang mukha ni Callie.
"Ciello." Tawag niya sa kapatid.
Umupo siya sa damuhan sa harap ng lapida.
"Guess who's here?"
Ngumiti siya.
"Ako."
Napailing ako habang nakatayo sa likuran niya.
Pareho talaga sila ni Collie.
Kahit wala na si Ciello, kinakausap pa rin nila siya na parang katabi lang nila parang ako rin minsan.
"Brother, I qualified."
Napangiti siya.
"I qualified for the National Science Event."
Saglit siyang natahimik, tapos marahan niyang hinaplos ang pangalan ni Ciello sa lapida.
"You know... I wish I'll be doing it with you."
Humina ang boses niya.
"Kasi if I compete against you, you would've beaten me anyway."
Napatawa siya nang kaunti.
"You were always better."
She doesn't say it sadly. She says it proudly.
"You would've loved the experiments."
Tumawa ulit si Callie.
"And you would've corrected all my mistakes because you're annoying, like Collie."
Natahimik ulit siya. Mahabang katahimikan.
Hanggang sa muli siyang nagsalita.
"Oh."
Parang may naalala.
"Collie is still sleeping."
Bumagsak ang balikat niya.
"She's still in a coma."
Napayuko siya.
"I keep talking to her."
Humigpit ang hawak niya sa bouquet.
"I tell her stories."
Huminga siya nang malalim.
"I tell her about school."
"About the family."
"About everything."
Napalunok siya.
"But she never answers."
Nanikip ang dibdib ko dahil iyon din ang nararamdaman ko araw-araw.
Araw-araw akong umaasang magigising siya.
At araw-araw ding walang sagot.
"Sometimes I get mad."
Mahina ang boses ni Callie, na parang nagsusumbong sa kapatid niya kahit na sa kanilang tatlo, siya ang pinakamatanda.
"Then I feel guilty."
Napailing siya.
"I know it's not her fault."
Tumitig siya sa pangalan ni Ciello.
"But I miss her. I like it more when she annoys me."
Mas lalo akong napayuko dahil pareho kami. Miss na miss na namin si Collie.
Yung maingay.
Yung makulit.
Yung pasaway.
Yung nakakairita niyang actions minsan.
Tahimik ulit ang paligid.
Hanggang sa biglang bumuntong-hininga si Callie, tapos tumingin siya sa langit.
"You know, brother..."
Napangiti siya.
"I hate visiting Collie sometimes."
Napakunot ang noo ko. Napalingon ako sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ko.
"Hate?" Tanong ko.
Tumango siya.
"But not because I don't love her."
Nakataas ang daliri niya na parang may ine-explain na scientific theory.
"But because she always farts."
Napatigil ako.
Nanlaki ang mga mata ko.
Siya naman, seryoso pa ring nakatingin sa langit.
"The first time she did it..."
Tumikhim siya.
"I thought it was Tita Lara."
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya.
Pagkatapos, napatawa ako nang mahina.
Hindi malakas.
Hindi hysterical.
Hindi rin yung pilit.
Kundi isang totoong tawa, isang mahinang tawang dalawang linggo nang hindi lumalabas. At sa mismong sandaling iyon, napatingin sa akin si Callie.
Nagtaka siya, parang nagulat, parang may nakita siyang matagal nang nawawala.
At unti-unti siyang ngumiti.
"Good to see you laughing, Mama."
Biglang natigil ang pagtawa ko.
Parang may humawak sa puso ko dahan-dahan akong lumapit pa sa
kanya nakatingin lang siya sa akin.
Simple lang ang sinabi niya, pero pakiramdam ko mas mabigat pa iyon kaysa kahit anong salita.
Kailan nga ba ako huling ngumiti?
Kailan nga ba ako huling tumawa nang hindi napipilitan?
Hindi ko na maalala.
Ngumiti ako sa kanya, mas malinaw, mas totoo.
"Thank you."
Natawa siya.
"For what po, Mama?"
"For reminding me how."
Nagtitigan kami at, sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming masasakit na nangyari...
Parang gumaan nang kaunti ang hangin.
Parang hindi ganoon kabigat ang mundo.
Parang kahit papaano, may natitira pa ring dahilan para ngumiti.
Tahimik kaming naupo sa harap ni Ciello habang hinihipan ng malamig na hangin ang mga buhok namin.
Napapikit ako.
"Please... watch over your sisters, Ciello."
"Especially the stubborn one who's probably going to fart the moment she wakes up."
At sa isip ko, parang narinig ko ang reklamo ni Collie.
"See? Even Mama agrees."
At sa pagkakataong iyon, napatawa ulit ako.
Pagkatapos naming magtagal sa puntod ni Ciello, hindi muna kami agad umalis.
Tahimik lang kaming dalawa, nakaupo sa damuhan, nakatanaw sa mga puno habang ang malamig na hangin ay dahan-dahang humahaplos sa amin.
Minsan talaga, nakakagulat kung gaano katalino ang mga bata. Akala ng karamihan, hindi nila naiintindihan ang mga nangyayari, pero minsan mas naiintindihan pa nila kaysa sa matatanda.
"Mama?" Mahinang mytawag ni Callie.
"Hm?"
Napatingin ako sa kanya. Naglalaro ang mga daliri niya sa dulo ng bouquet, parang may gusto siyang sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan.
Pagkatapos ay tumingin siya sa lapida ni Ciello, at doon siya nagsalita.
"Mama..."
Huminga siya nang malalim.
"Please don't give up on Mommy Emery."
Nanahimik ako, hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya.
"Please po," Dagdag niya.
Tumitig siya sa harapan.
"Give her time po."
Napakagat-labi siya.
"She loves you po deeply."
Parang may humigpit sa dibdib ko, kaya agad akong napayuko.
Mahal.
Oo.
Alam kong mahal ako ni Emery, at alam kong mahal ko rin siya.
Pero minsan, hindi sapat ang pagmamahal para ayusin agad ang lahat.
Minsan, kailangan din ng oras.
Minsan, kailangan ng distansya.
Minsan, kailangan munang mahalin ang sarili.
Dahan-dahan akong ngumiti, pagkatapos ay hinaplos ko ang buhok niya.
"Anak..."
Mahina kong sabi.
"Alam mo naman na I can't promise, right?"
Tumango agad siya.
Walang pagtutol.
Walang tampo.
Parang matagal na niyang alam ang sagot.
"I know po."
Napangiti ako nang kaunti.
"But one thing is for sure..."
Huminga ako nang malalim.
"I won't give up on her that easily."
Nagtama ang mga mata namin.
"And I won't give up on our family."
Bahagyang lumiwanag ang mukha niya, pero bago pa man siya tuluyang matuwa, ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko.
"But you need to prepare yourself too."
Nawala ulit ang ngiti niya.
"Because we don't hold the future."
Napatingin ako sa malayo.
"We don't know what's going to happen."
"We don't know if things will work out."
"We don't know if they won't."
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"And that's okay."
Dahan-dahan siyang tumango.
Hindi siya umiyak.
Hindi rin siya nagreklamo.
Dahil naiintindihan niya.
At iyon ang masakit.
Dahil walong taong gulang pa lang siya, pero para bang masyado na siyang maraming natutunan tungkol sa sakit.
"I know, Mama."
Mahina niyang sagot.
"I understand po."
Napatingin ako sa kanya at muli akong humanga dahil kahit kailan, hindi siya naging mahina.
Pagkatapos ng ilang segundo, muli siyang nagsalita.
"I'm thinking about Collie po, Mama."
Napalunok siya.
"It's hard for her to accept it."
Agad kong naintindihan ang ibig
niyang sabihin dahil si Collie...
Siya ang pinakamatinding
magmahal sa aming lahat.
Siya rin ang pinakamatinding masaktan.
Kung si Callie ay tahimik na umiiyak...
Si Collie naman ay maingay na nasasaktan. Vocal siya sa nararamdaman niya, at kung sakaling hindi maging maayos ang lahat, siya ang unang masisira.
"I know."
Tumango ako.
"That's what scares me too."
Napayuko siya.
"She's going to pretend she's okay," Sabi niya.
Napatawa ako nang mahina.
"Yeah."
"Then she's going to do something stupid."
Mas napatawa ako.
"Definitely."
Nagkatinginan kami at sabay kaming natawa.
Dahil kilalang-kilala namin si Collie.
Kung gising lang siguro iyon ngayon, baka sabihin niyang:
'Why are you both talking about me like I'm dead?'
Tapos aasarin pa siya lalo ng ate niya ngunit hindi iyon ang realidad.
Hindi pa.
Kaya muli kaming natahimik hanggang sa hinawakan ulit ni Callie ang kamay ko.
"Mama."
"Hm?"
"I believe in you."
Napakurap ako.
Ngumiti naman siya.
"Mommy Emery too."
Nanikip ang lalamunan ko.
Minsan talaga...
Ang mga bata ang pinakamagaling magsabi ng mga bagay na hindi kayang sabihin ng matatanda.
Ngumiti ako at marahang pinisil ang kamay niya.
"I appreciate that."
Pagkatapos ay yumuko ako nang bahagya para magtama ang mga mata namin.
"But listen to me."
Tumango siya, hindi inaalis ang tingin sa akin.
"I don't want to pass the obligation to you."
Bahagya siyang napakunot-noo.
"But please..."
Hinaplos ko ang pisngi niya.
"Take care of your sister."
Napalunok ako.
"She needs you."
Tumahimik siya at sa unang pagkakataon, parang nakita ko ulit ang walong taong gulang na bata sa harapan ko.
Hindi matapang.
Hindi mature.
Hindi matalino.
Kundi isang batang natatakot para sa kapatid niya.
"I will."
Mahina niyang sabi.
"I promise."
Pagkatapos noon ay umalis na kami sa sementeryo.
Tahimik ang biyahe, pero hindi mabigat. Hindi na kagaya kanina.
AFTER FEW MINUTES.
Nang makarating kami sa bahay nila, akala ko ihahatid ko lang siya sa gate.
Pero bago siya bumaba-
"Mama."
Napalingon ako.
"Come inside."
Agad akong umiling.
"No."
"Mama."
"Callie."
Napabuntong-hininga ako.
Hindi pa ako handa.
Kahit dalawang linggo na.
Kahit gaano ko pa sabihin sa sarili kong okay na ako.
Hindi pa rin.
Hindi ko pa kayang makita ang bawat sulok ng bahay na minsang naging tahanan ko.
"Mama, please."
Napatitig siya sa akin hindi nagmamakaawa nakatingin lang.
"Mommy Emery isn't there."
Napatigil ako.
"What?"
"Wala siya. Nasa hospital."
Napakurap ako.
"How do you know?" Tanong ko.
"Because I texted her."
Napaawang ang bibig ko.
"You what?"
Ngumiti siya nang inosenteng ngiti.
"I planned this."
"Callie!"
Napatawa siya.
"Please?"
Tumingin siya sa bahay.
"Just for a little while."
Tahimik akong napabuntong-hininga, pagkatapos ay tumingin sa bahay.
Sa bahay na minsan kong pinangarap na pagtandaan.
Sa bahay na puno ng alaala, masaya man o masakit, at lahat ng nasa pagitan.
Pagkatapos ng ilang segundo, pinatay ko ang makina ng sasakyan, at narinig ko agad ang masayang hingal ni Callie.
"Yay!"
Napailing ako.
"One hour."
"Okay."
"No tricks."
"Okay."
"No emotional manipulation."
"Okay."
Napakunot-noo ako. Masyado siyang mabilis sumagot.
"Callie."
"Okay, maybe a little emotional manipulation."
Napatawa ako, at sabay kaming bumaba ng sasakyan.
Hindi ko alam kung handa na ba talaga ako, pero habang hawak-hawak ni Callie ang kamay ko papunta sa bahay, pakiramdam ko kaya ko namang subukan.
Kakarating lang namin ni Callie sa pinto nang naramdaman ko na naman ang kakaibang kaba.
Iyong kaba na matagal ko nang hindi nararamdaman.
Iyong kaba na dati kong nararamdaman tuwing kakausapin ako ni Emery sa opisina noong hindi pa kami.
Nakakainis.
Matanda na ako para kabahan nang ganito.
"Bye, anak."
"But, Mama-"
"Next time, promise. I love you," Sabi ko. Agad siyang napasimangot, pero tumango rin.
"Bye, Mama."
Ngumiti si Callie bago tuluyang pumasok sa loob.
Huminga ako nang malalim at agad na tumalikod.
Pabalik na sana sa sasakyan, pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong napahinto.
"Shit..."
Naiwan ko pala ang mga litrato sa guest room dalawang linggo na.
Napapikit ako sandali bago bumuntong-hininga.
Mukhang hindi pa talaga ako makakaalis.
Muli akong bumalik at pumasok sa loob ng bahay.
Tahimik ang paligid. Nakasalubong ko pa si Nanay. Nagkamustahan lang kami at agad rin akong nagpaalam na may kukuni lang akong gamit sa itaas.
Mabilis akong umakyat sa itaas. Kinuha ko ang envelope ng mga litrato sa guest room at pati na rin ang ilang gamit na naiwan ko sa dati naming kwarto sa una natigilan pa ako dahil walang nag bago kung pano ko iniwan ganun parin.
Pagkatapos noon, agad akong bumaba. Gusto ko nang makaalis. Hindi ko alam, pero parang gusto ko nang makaalis bago pa kami magkita ni Emery.
Pero parang may sariling plano ang tadhana.
Pagdating ko sa sala, bumukas ang main door at pumasok siya.
Si Emery.
Natigilan ako, at siya rin.
Ilang segundo kaming parehong nakatingin sa isa't isa.
Bigla akong nahiya, parang estudyanteng nahuling may ginagawang kalokohan.
Napakurap si Emery bago nilinaw ang lalamunan niya.
"Ahem."
Napakagat-labi ako.
"Ah... may naiwan lang akong gamit."
Tumango siya.
"Mm."
At dahil wala na akong ibang masabi, naglakad na ulit ako papunta sa pinto.
Pero bago pa ako makalampas, humarang siya sa harap ko.
Kaya napahinto ulit ako.
Lord, masyado po kaming magkalapit.
"M-May kailangan ka ba?" Tanong ko.
Tinitigan niya lang ako sandali bago nagsalita.
"Have you eaten?" May ngiti niyang sabi.
Pakiramdam ko, biglang uminit ang mukha ko.
Ano ba naman kasing tanong iyon?
Hindi naman kami magkasintahan.
Hindi na, sumbat ng utak ko.
"H-Hindi pa," Sagot ko kay Emery.
Tumango siya.
"Mag-lunch ka muna."
"Ahh... ehh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"I, O, U?" Dagdag niya.
Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano, kasi parang may maliit na ngiti sa labi niya.
"Hindi na. May gagawin pa ako."
Mabilis akong umiwas at nagpatuloy sa paglalakad, pero dahil masyado akong conscious sa presensya niya, hindi ko napansin ang gilid ng carpet.
Natisod ako.
"Ack-!"
Lahat ng dala ko ay lumipad sa ere.
Mga papel.
Mga gamit.
At pati ang envelope na may mga litrato napapikit ako sa kahihiyan.
Perfect.
Talagang perfect.
Agad akong yumuko para pulutin ang mga gamit ko, pero mas mabilis si Emery.
May napulot siyang litrato.
Napatigil siya at bahagyang kumunot ang noo niya.
Dahan-dahan niyang tinaas ang larawan.
Isang lugar na may malaking puno. Pagkatapos ay may isa pa siyang pinulot, larawan naman ng sasakyan.
Mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya.
"Saan mo nakuha 'to?" Tanong niya.
Nanigas ako.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Ilang segundo akong nag-isip bago ko pinili ang mas ligtas na sagot.
"May nagpadala lang sa akin."
Hindi siya nagsalita agad. Patuloy lang siyang nakatingin sa larawan.
Parang may inaalala.
Parang may kinikilala.
Parang may gusto pang tanungin.
"Why?" Tanong ko.
Doon lang siya muling tumingin sa akin, at ang sumunod niyang sinabi ay nagpabilis ng tibok ng puso ko sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag.
"...I-I know the place."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?"
Muli niyang tiningnan ang litrato at mukhang sobrang sigurado niya.
Parang hindi siya nagdududa sa sinasabi niya.
Agad kong kinuha ang mga larawan mula sa kamay niya.
"Kailangan ko nang umalis."
"Amor, wait."
"Hindi."
Humakbang ako palayo.
"Amor."
"May mga tatapusin pa ako."
Narinig ko ang mga hakbang niya sa likuran ko.
Parang gusto niya pa akong pigilan.
Parang may gusto pa siyang sabihin.
Pero hindi na ako lumingon.
Dahil sa sobrang dami ng tanong na biglang nagsisigawan sa isip ko.
She knows the place?
Ano ang koneksyon niya sa litrato?
O baka para sa kanya talaga ang mga 'to?
Pero hindi, eh. Sa akin talaga nakapangalan.
O baka coincidence lang.
TWO HOURS HAD PASSED.
Dalawang oras ang lumipas.
Pagod na akong mag-isip.
Pagod na akong paulit-ulit na balikan ang mga litrato.
Pagod na akong tanungin ang sarili ko kung bakit alam ni Emery ang lugar na 'yon.
Kaya sa wakas, isinara ko ang envelope at itinabi iyon.
Enough for today.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag-message.
Amor: Gising ka?
Wala pang limang segundo.
Loraine: Para sa'yo? Always.
Napairap agad ako.
Amor: Kadiri.
Loraine: Mahal mo naman ako.
Amor: Delusional.
Loraine: At least, maganda.
Napailing ako habang natatawa.
Minsan iniisip ko kung may switch ba talaga sa utak nito ng mapindot ang off.
Agad akong nag-video call at, gaya ng dati, isang ring pa lang ay sumagot na siya.
Paglabas ng mukha niya sa screen, nakangiti na agad siya.
"Ayan na," Sabi niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Favorite person ko."
"Loraine."
"Ano?"
"May sakit ka ba?"
"Oo."
"Ano?"
"Missnakitapainsaheart."
Napahawak ako sa noo ko.
"Diyos ko."
Tumawa naman agad siya nang malakas.
"Aamin ka rin balang araw," Sabi niya.
"Kailan naman? Aber?" Tanong ko, sabay taas ng isang kilay.
"Kapag tumanda na tayo," Dagdag ko.
"Matanda na tayo, hoy," Paalala niya.
"Mas matanda ka," Sagot ko, sabay tawa.
"Hoy!"
Lalong lumakas ang tawa ko.
"Nakakainis ka, bwisit," Sabi niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko, pag-iiba ng topic.
"Nakatingin sa'yo," Sagot niya.
Animal, gumanti.
"Bwisit ka."
"Totoo naman."
Napailing ako.
"Seryoso."
"Seryoso rin ako sayo."
"Loraine."
"Amor."
"Loraine."
"Love."
Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig.
"LORAINE!"
"Hala."
Humawak siya sa dibdib niya.
"Galit na naman ang asawa ko."
"Asawa mo, mukha mo."
"Tignan mo."
"Tama na."
"Sige na."
"Hindi."
"Isa lang."
"Ano?"
"Sabihin mong miss mo ako."
Napairap ako.
"Impossible."
"Sinungaling."
"Ikaw ang sinungaling."
"Kung hindi mo ako miss, bakit tumawag ka?"
Napatigil ako.
"Tsk."
"Ayan."
"Tumahimik ka."
Ngumisi siya nang malaki, para bang nanalo sa lotto.
At sa totoo lang, kung may ibang makakarinig sa usapan namin ngayon, siguradong iisipin nilang may relasyon kami.
Dahil sa sobrang komportable namin sa isa't isa.
Sa sobrang natural ng lambingan at asaran.
Pero ang totoo?
Wala.
Matagal na kaming magkaibigan.
At kahit minsan ay sobrang kulit niya, isa siya sa iilang tao na alam kung paano ako patawanin kapag gusto ko nang sumuko.
Makalipas ang ilang minuto ng walang tigil na asaran, bigla siyang tumahimik at ngumiti-iyong malambot na ngiti.
"Tumatawa ka na ulit."
Napakurap ako.
"Hm?"
"Kanina, nung tumawag ka, parang pasan mo buong mundo."
Hindi agad ako nakasagot.
Dahil tama siya.
Napansin niya na naman.
"Tinitingnan mo ba ako buong call?" Biro ko.
"Kung pwede lang titigan ka buong araw, okay lang."
Napairap ako.
"Flirt."
"Sa'yo lang."
"Tumigil ka."
"Never," Sabi niya.
Pareho kaming natawa.
At habang nakatingin ako sa screen, naisip ko na minsan, hindi mo kailangan ng taong mag-aayos ng lahat ng problema mo.
Minsan, sapat na iyong may isang taong kayang pahupain ang ingay sa isip mo.
"Uy."
"Ano?"
Ngumisi siya.
"Maganda pa rin ako, ha?"
Napatawa ako nang malakas.
"Oo na."
Nanlaki ang mga mata niya.
"SINABI MO?!"
"Isang beses lang."
Agad siyang tumayo sa harap ng camera.
"Wait! Ire-record ko!"
"LORAINE!"
"Okay, sorry na. Oo nga pala, nag-usap na ba kayo ulit ni Emery?" Tanong niya.
Agad naman akong umiling.
"Hindi pa, pero kanina may encounter kami," Paliwanag ko.
"Asus, organic encounter yarn, hulaan ko, kinilig ang kiffifay mo," Natatawa niyang sabi.
"Baliw ka, pero oo," Sagot ko.
Sabay kaming natawa.
"ehh. Ikaw, musta kayo?" Tanong ko.
Agad naman siyang napasimangot.
"Ayun, same thing sa problema niyo. Ang kaso, POV ni Emery nakuha ko. Napaka-seloso niya. 'Di naman siya gwapo," Sabi niya.
Agad naman akong natawa.
"Loko ka," Sabi ko.
Alam ko namang nagbibiro lang siya dahil nung dumating sila dito sa Pinas, akala ko wala pa siyang jowa. Ayun, pinakita sa akin ang picture mapapadasal ka na lang.
Dahil ang laki ng katawan ng fafa.
"Hoy, 'wag ka. Mahal na mahal ko 'yon. Kulang lang naman sa ligo minsan, pero 'di ko ipagpapalit 'yon," Mahabang sabi niya.
"Kahit sa akin?" Tanong ko.
Agad naman niyang inilagay ang middle finger sa baba niya.
Alam kong sadya 'yon na parabang sinasabi niyang f.u.
"Hmm... pag-iisipan ko," Sabi niya.
"Wow, ahh. Ako na 'to, ohh," Reklamo ko.
"Ito kasi 'yan. Alam mong crush kita, love kita, but sometimes it's better to keep someone as a friend to keep them forever. Kasi isipin mo, what if 'di mag-work? 'Di hindi lang ako nawalan ng pangit na kaibigan, mawawalan rin ako ng asong jowa," Natatawa niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo. Bye na. Always take care. Love you," Paalam ko.
"Love you more, love. Always take care. At kapag okay na kayo ni Emery, sabihin mo sa akin. Para makahingi siya sa akin ng advice paano ka paiyakin nang walang hiwalayan," Sabi niya.
Sasagot pa sana ako, kaso pinatay na niya ang call.
Ilinapag ang cellphone sa tabi ko.
Pero hindi pa man ako nakakatayo mula sa kama ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang pangalan sa screen.
Jasmine.
Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Jasmine?"
Sa kabilang linya ay puro hikbi ang narinig ko.
Agad akong nanlamig.
"Jasmine?!"
"Amor..."
Parang gumuho ang mundo ko. Boses pa lang niya, alam kong umiiyak siya.
Kakaibang kaba ang nararamdaman ko.
Kanina kasi nag-send siya ng picture nila ni Calista, at nasa hospital sila bumibisita kay Collie kaya alam kong nandun sila.
"Ano'ng nangyari?!" Tanong ko.
Lalong lumakas ang hikbi niya.
"Si Collie..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may humawak sa dibdib ko at pinipiga ito.
"Ano'ng nangyari kay Collie?!" Naiiyak ko na ring sabi.
"Amor..."
"Jasmine, sabihin mo sa akin ngayon din!" Medyo napataas ang boses ko sa inis.
Tahimik ng ilang segundo, pagkatapos-
"...Joke."
Napatigil ako.
"Ano?"
Tumawa siya, as in bulgaran na tawa.
"JOKE LANG!"
Nanlaki ang mga mata ko, at hindi ko maiwasang hindi maiyak sa tuwa nang malamang okay lang siya.
"JASMINE!"
Halos mapasigaw ako. Narinig ko ang malakas niyang tawa sa kabilang linya, pati na rin ang tawa ng jowa niya. Ang sarap nilang hampasin pareho.
"See? Kaya ko nang umiyak!"
"Bwisit ka!"
"I know."
"Kala ko kung ano na. Usually, OA ka," sabi ko.
"Ako ba? Ikaw kaya, parang aatakihin."
"Malamang! Akala ko may nangyari kay Collie!"
Tumatawa pa rin siya.
"Sorry na."
"Hindi ako natatawa."
"Pero ako, natatawa."
"Jasmine!"
"Okay na. Sorry na talaga."
Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko ilang taon ang nabawas sa buhay ko. Animal talaga.
"Bakit ka ba tumawag?" tanong ko.
"Ahh, may gusto akong sabihin."
Biglang naging seryoso ang tono niya, at doon ako kinabahan ulit.
"May good news ako."
Napatayo ako.
"Ano?"
"May donor na tayo."
Parang tumigil ang mundo ko.
"Ano?"
"May blood donor na para kay Collie."
Hindi agad ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay hindi ko naproseso ang narinig ko. Meron na talagang donor si Collie, pero hindi iyon sapat, kaya iyon din ang pinoproblema namin.
"Jasmine..."
"Totoo'ngani."
Nanlabo agad ang paningin ko.
Sa wakas.
"Who?" Tanong ko agad.
"Hindi pa namin alam."
"Tinatago pa ng hospital records department. Hindi pa nila nire-release ang information kasi ayaw raw ng donor."
Napatango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
Hindi mahalaga iyon sa puntong ito. Hindi mahalaga kung sino ang
mahalaga ay may donor.
May pag-asa si Collie.
"I'm going there."
"Ayan. Alam ko naman. Daan ka na rin ng food, gutom na ako."
Hindi na ako nagsayang ng oras. Mabilis akong nagbihis at agad na umalis.
AFTER A FEW MINUTES.
Halos hindi ko namalayan ang biyahe papunta sa ospital.
Puno ng pag-asa ang isip ko.
Puno ng dasal.
Puno ng saya.
Pagdating ko sa parking area, agad akong bumaba ng sasakyan.
Pero bago pa ako makalayo sa sasakyan ko ay may isang pamilyar na pigura ang nakakuha ng atensyon ko.
Napahinto agad ako.
Muli akong tumingin.
Matangkad.
Maayos manamit.
Pamilyar ang tindig.
Pamilyar ang mukha.
Siya iyong lalaking tumulong sa akin noong umuulan, iyong nakilala ko sa café.
Si Sir Nathan.
Hindi pa rin ako sigurado, kaya bahagya akong lumapit, at nang makita ko nang malinaw ang mukha niya, nakumpirma ko agad.
Siya nga.
So siya rin talaga yung nakita ko nung nakaraan.
"Sir Nathan?"
Napalingon siya, halatang nagulat. Parang hindi niya inaasahang may tatawag sa pangalan niya.
Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti.
"Amor, iha."
Napangiti rin ako.
"Tama nga ako. Kayo po 'yan."
Mas lalo siyang napangiti.
"I was about to say the same thing," Sabi niya.
Lumapit ako nang kaunti.
"Ano pong ginagawa ninyo dito sa hospital?" Tanong ko.
"Ikaw, sir ahh-ikaw po ba may-ari nito?" Birong tanong ko.
"Oh, hindi." Bahagya siyang tumingin sa gusali. "I just went to a check-up."
"Ah, okay po," Sabi ko habang tumatango.
Ngumiti lang siya.
"How about you?"
Napalingon ako sa ospital.
"Visiting my daughter, sir."
Agad nagbago ang ekspresyon niya. Mas naging malambot.
"Your daughter?" Tanong niya.
Tumango ako.
"She had an accident."
Napabuntong-hininga siya.
"I'm sorry to hear that."
"Hmm, we can't control things, sir. Nangyayari talaga minsan ang mga bagay na ayaw nating mangyari," sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang komportable akong kausap siya. Parang matagal ko na siyang kilala kahit ilang beses pa lang kami nagkikita, at mukhang ganoon din siya sa akin.
Walang awkwardness.
Walang pilitan.
Natural lang.
"Sana maging okay siya."
Ngumiti ako nang bahagya.
"Yes, sir. Actually, I just received good news po, kaya nandito ako."
Sandaling natahimik siya at ngumiti, pagkatapos ay tumingin siya sa relo niya.
"I should go. Take care," Paalam niya.
"Me too, sir," Sabi ko.
Nagkatinginan kami. Ngumiti siya, ngumiti rin ako.
"Take care, Ms. Amor."
"You too, Sir Nathan."
Tumango siya bago tuluyang maglakad palayo.
Habang pinapanood ko siyang umalis, hindi ko maiwasang isipin na napakaliit talaga ng mundo.
Dalawang beses ko na siyang nakasalubong nang hindi inaasahan, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong pamilyar sa kanya.
Pero mabilis ko ring iwinaksi ang iniisip ko. May mas mahalagang bagay akong dapat pagtuunan ng pansin.
Si Collie.
Kaya huminga ako nang malalim at tuluyang pumasok sa loob ng ospital.