Chapter 6

"Are you okay, Miss?" I asked gently, my hands still resting on her waist to steady her.

Bigla siyang umatras, pulling away from my hold as if my touch burned her. "Let go of me," she snapped, her voice sharp and unsteady.

Napakagat ako sa labi, nag-aalangan kung lalapitan ko pa ulit. Pero halata sa itsura niya na hindi siya okay.

"Are you okay?" tanong ko ulit, mas mahina na ang boses ko ngayon.

"Stop pretending like you care," sagot niya kaagad, malamig ang tono at punong-puno ng galit.

Tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Pero ilang hakbang pa lang ay muntik na siyang matumba, kaya dali-dali akong umabot para hawakan ang kamay niya at alalayan siya.

"Gosh! Hindi ka okay," sabi ko, ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa pagkakahawak ko.

"You don't care, let me go," sabi niya ulit, pero ngayon ay nanghihina na ang boses niya. Kita ko sa mukha niya ang pagod at hirap, parang wala na siyang lakas.

"No, I won't. Hatid na kita sainyo, you can't drive in this situation," sagot ko, my voice was firm. Halos hindi na nga siya makatayo nang maayos, paano pa siya makakauwi mag-isa?

Pero umiling siya, pilit na inabot ang bag niya. "No... call Theo," mahina niyang sabi, sabay abot ng cellphone niya sa akin.

Theo. Her boyfriend, I assumed. My chest tightened for a moment, but I pushed the feeling aside. Why does it matter to m?

I unlocked her phone, and mabilis kong hinanap ang contact na may pangalang Theo. Napansin kong naka-heart emoji pa ito. Pinindot ko agad ang tawag. Ilang ring lang, sinagot na niya.

"Yes, mahal? Are you okay?" Agad na tanong ng lalaki sa kabilang linya. Malambing ang boses nito, puno ng concern.

Napatingin ako kay Miss Sanchez. Binigay ko sa kanya ang cellphone nang walang salita.

"Can you please come to the University? I'm not feeling well, mahal," mahina niyang sabi habang hawak ang phone sa tainga. Kita sa mukha niya ang pagkapagod at bigat ng emosyon. Ilang segundo lang pagkatapos niyang magsalita, ibinaba na niya ang tawag.

Mahal ampota, cringe.

"You can go now, thank you btw," sabi nito.

"No, I will wait until your "mahal" arrived," sabi ko at inirapan lang neto ako.

Inalalayan ko siya at dahan-dahan ko siyang pinaupo sa pinakamalapit na upuan sa amin. She looked so pale and weak, at obvious na obvious na lumalala na talaga ang kondisyon niya. Namumutla ang labi niya, at parang nauupos na kandila ang katawan niya sa panghihina.

"I'm okay, stop looking at me," saad niya habang umiwas ng tingin.

"I'm not," mabilis kong sagot, medyo nagulat na lang ako sa sarili kong defensive tone.

Hindi ko na siya inasar pa.

Wala sa lugar.

Kitang-kita naman sa itsura niya na hindi siya okay, at ayoko nang mas lalo pa siyang ma-stress.

Mas pinili ko na lang manahimik.

Ang tagal naman ng "mahal" niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin.

Nakakainis.

Kung ako yun, siguro kanina pa ako nandito.

Maya-maya pa, naramdaman kong unti-unti nang bumibigat ang katawan niya.

Hindi ko na siya ginalaw, hinayaan ko lang siyang sumandal.

Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa tabi ko.

Dahan-dahan kong inalalayan ang ulo niya at pinahiga ito sa balikat ko.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, pero hindi ko rin kayang pabayaan siyang basta na lang sumemplang kung saan.

Nilapat ko ang palad ko sa noo niya—mainit. Grabe. Nilalagnat nga siya. Ramdam ko ang init ng balat niya sa palad ko, at mas lalo akong nag-alala. Tumingin ako sa paligid, hoping na dumating na ang sinasabi niyang Theo. Ang tagal naman. Kung ganito siya kahalaga sa kanya, bakit ang bagal?

Ilang sandali pa, may dumating na lalaki. Matangkad, payat, at medyo mukhang fresh out of a modeling gig pero parang kulang sa tulog. Lumapit ito sa amin na may dalang pag-aalala sa mukha.

"Thank you, kid. Ako nang bahala rito," sabi niya sa akin.

Kid? Kid?! Napataas ang kilay ko. Naknampota naman oh. Gusto ko siyang suntukin sa panga, sabay sigaw ng, “Kid ka d’yan, mas gwapo pa nga ako sa’yo eh.”

Pero nagpigil ako. Huminga muna ako ng malalim at binitawan ko si Ms. Sanchez nang dahan-dahan. Nakatingin lang siya sa kanya, tulog pa rin at mukhang disoriented.

"Mahal, wake up. I'm here. Uwi na tayo," marahang sabi ni Theo habang hinahaplos ang braso ni Ms. Sanchez.

"Hmm..." Dumilat ang mata niya, at agad na napatingin sa akin nang mapansin niyang nakasandal pa rin siya sa balikat ko. Nagulat siya, at agad na umayos ng upo.

"Una na po ako, Ms. Sanchez. Pagaling ka," sabi ko sa kanya, pilit na ngumiti at umalikod na ako at naglakad palayo.

"Let’s go, mahal. I’ll hold you," narinig ko pang sabi ni Theo habang inaalalayan siya.

’Yan na ba ‘yung boyfriend mo? Napasimangot ako. Mas gwapo pa nga ako sa lalaking ‘yon. Baba naman ng standards mo, Miss.

I started walking toward the parking area, pero natigilan ako bigla. Tangina, wala pala akong kotse. Nakalimutan ko, iniwan ko sa bahay. Ang galing ko talaga.

Agad akong kumuha ng phone at nag-text kay Ate.

Grabe. Para akong may kausap na yelo. Ang lamig. Hindi ko na alam kung sinasadyang ganyan ang tono niya o sadyang wala lang talaga siyang gana kapag ako ang kausap.

Naglakad na ako papunta sa building kung saan naroon ang faculty niya. Hindi naman kalayuan, kaya ilang minuto lang ay nandoon na ako.

Pagpasok ko, agad akong binati ni Ms. Martinez, kaibigan ni Ate.

"Hi, baby Gomez!" masiglang bati niya.

"Stop calling her baby, Diana," saad ni Ate, hindi man lang nilingon.

"Sungit," sagot ni Ms. Martinez, sabay kindat sa akin.

"Let’s go home?" tanong ni Ate habang inaayos ang gamit niya. Tumango lang ako, pagod na rin at wala na rin akong ganang makipagtalo.

"We’ll go. Ingat kayo pauwi," sabi ni Ate kay Ms. Martinez.

"Bye! Ingat kayo ni Baby Gomez!" pahabol pa ni Ms. Martinez habang papalabas na kami.

"Take care, honey!" dagdag pa ni Miss Dizon.

Lumabas na kami ni Ate. Maraming estudyante pa sa hallway at open area ng building kaya, as usual, napapatingin na naman sila sa amin. Hindi ko alam kung dahil maganda si Ate, o dahil close kami. Pero dahil paranoid na ako sa mga previous na ganap, medyo lumayo ako sa kanya habang naglalakad.

"Why are you distancing yourself? What’s wrong?" tanong ni Ate, kunot ang noo.

"Delikado na. Baka mabuhusan nanaman ako," biro ko, sabay tawa ng mahina.

"Come here. It won’t happen again," sabi niya, sabay hawak sa braso ko at hinila ako palapit.

Ganon naman kami palagi ni Ate—away-bati, sungitan, tapos sweet. Pero kahit ganon, alam ko namang mahal na mahal namin ang isa’t isa. Kahit na madalas niyang iparamdam na ayaw niya akong kausap, hindi ako maniniwala. Kilala ko siya.

Nakarating kami sa kotse niya at agad kaming sumakay. Tahimik lang kami sa biyahe. Ramdam ang bigat ng hangin pero hindi awkward—sanay na kami. Pero nagulat ako nang mapansin kong hindi ito ang usual na daan pauwi.

"Where are we going, Ate?" tanong ko, curious kung bakit paliko-liko siya.

"Let’s buy ice cream," sagot niya, simple lang pero sapat na para magliwanag ang mukha ko.

"Really? Chocolate ah!" agad kong sagot, excited na parang bata.

Napangiti siya, ’yung bihirang ngiti niya na hindi pilit. At doon ako lalong natuwa. Kahit madalas kaming nag-aasaran, ’pag ganitong moments, alam kong hindi niya ako kayang tiisin.

"Mhm, anything," sagot niya kaya ngumiti ako.

I miss this bonding, minsan nalang kasi kami nakakalabas ng ganito, dahil most of the time busy siya.

"Tell me if someone is bullying you, okay?" saad nito.

"I will," sagot ko.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa 7/11. As soon as we stepped inside, I immediately went straight to the freezer section and grabbed a tub of chocolate ice cream—my absolute favorite. I was practically glowing just holding it.

Si Ate naman, tahimik lang na nakasunod sa akin habang may hawak nang bottled water at sandwich. Naglakad kami papunta sa cashier at siya na rin ang nagbayad ng lahat. Of course, ayaw pa sana niyang magpabayad ako, so I let her. Libre is libre.

Pagkalabas namin ng store, sumakay na ulit kami sa kotse. I sat back, relaxed, and happily started eating my ice cream while she drove. Ang sarap talaga—cold, creamy, sweet.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na rin kami sa bahay. Bumaba na ako ng kotse at agad na pumasok sa loob. Diretso na ako sa kwarto para mag-prepare maligo. Ang lagkit ko pa rin talaga dahil sa nangyari kanina.

Pumasok ako sa banyo at nagsimula na akong maligo. I took my time. What was supposed to be a quick shower turned into a full two-hour bath. I soaked in the hot water, shampooed my hair twice, exfoliated, and even played music habang nagre-relax. It felt like heaven.

Pagkalabas ko, I wrapped myself in a fluffy towel and checked the time. Tinatawag na pala ako para kumain. Narinig ko ang boses ni Ate mula sa ibaba, kaya dali-dali na akong nagbihis ng oversized shirt at shorts, at bumaba na rin agad.

Pagdating ko sa dining area, napansin kong ako na lang pala ang hinihintay nila. Si Lola, Mama, Papa at Ate ay naka-upo na, tahimik na nag-aabang. Agad akong naupo sa pwesto ko.

"How's your first day in the university?" tanong ni Lola habang sinasandok ang kanin sa plato niya.

"It's okay naman po, La," sagot ko habang pinipilit ngumiti.

"Mabuti naman. Wala ba itong ginawa na kung ano-ano, Athena?" dagdag pa niya habang nililingon si Ate.

"No, La. She's behaving well," sagot ni Ate sabay tingin sa akin, na parang proud siya kahit deadpan pa rin yung mukha niya.

Tumango si Lola, satisfied sa sagot.

"I'm a good girl, La. Don't worry," dagdag ko pa habang nagpapacute, kahit halatang pilit.

Ngumiti si Lola ng konti pero biglang bumalik sa seryosong tono. "Focus on your studies. You'll be handling our company in Singapore soon," sabi nito, diretso at walang pag-aalinlangan.

There it is again.

That same line.

That same pressure na paulit-ulit niyang binabato sa akin na parang wala akong ibang pwedeng tahakin kundi ang daan na siya ang nagtakda.

I really hate it.

I don’t want to handle any business.

I hate numbers, I hate meetings, and I hate the idea of pretending to care about something I don’t even want in the first place.

"Opo," tanging naisagot ko, kahit wala akong kalatoy-latoy.

Tahimik lang ako habang kumakain. I barely touched my food. I wasn’t hungry anymore. My mood had completely shifted, and I couldn’t even taste what was on my plate. I pushed the food around for a while then stood up. Hindi na ako nagsalita pa at dumeretso na ako sa kwarto.

Pagdating ko sa taas, I stared at the ceiling for a few seconds, trying to breathe through the irritation na nararamdaman ko. Then I sat up, grabbed a hoodie from my closet, put on a pair of pants, and checked my wallet.

I needed air. I needed space. At sa totoo lang, I needed alcohol.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad-lakad sa kalsada. The cold breeze hit my face, and it helped a little. The streets were quiet tonight, and the stars above shone brightly against the dark sky. Ang ganda talaga ng langit tuwing gabi—malinis, tahimik, at parang walang problema.

Nakakapanatag.

Habang naglalakad, naisip kong dumaan ulit sa 7/11.

May iba pa ba naman akong mapupuntahan?

Pagdating ko roon, dumiretso ako sa liquor section at pumili ng maiinom.

Something light, something not too strong, just enough to lift my mood.

Kumuha ako ng isang canned cocktail at isang bote ng soju—baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.

Habang nasa counter na ako para magbayad, bigla kong naalala si Ms. Sanchez.

Kamusta na kaya siya? Nakauwi na ba siya ng maayos? Uminom na kaya ng gamot?

Without thinking twice, I turned around at bumalik ako sa medicine section. I browsed through the over-the-counter shelves, picking out a few essentials—paracetamol, vitamin C, lozenges, at kahit vapor rub. I wanted to be sure she’d have options. Baka sakaling wala siya sa mood bumili ng sarili.

Tinanong ko rin yung cashier kung ano pa bang magandang gamot para sa may lagnat at nanghihina.

"Para sure, ma'am, ito pong paracetamol at ito pong multivitamins. Okay po yan combo," sabi ng cashier.

"Okay, salamat," sagot ko habang nilalapag lahat sa counter.

Pagkatapos magbayad, lumabas na ako ng tindahan. Bitbit ko ang plastic bag ng alak sa isang kamay at ang gamot sa kabila. Tahimik akong naglakad pabalik habang iniisip kung paano ko maibibigay kay Ms. Sanchez yung gamot bukas nang hindi awkward.

Hindi ko alam. But all I knew was—kahit hindi ko dapat pinapakialaman ang buhay niya, I still cared.

Way more than I should. And I don't really know why.

---

"Wake up. 'Pag hindi ka pa talaga gumising, bubuhusan na kita ng tubig," rinig kong boses mula sa labas ng kumot ko.

Nakangisi si Avery habang nakatayo sa gilid ng kama ko, may dalang maliit na timba—na mukhang may lamang tubig talaga. Ang sama ng gising ko, and yet eto siya, parang wala lang.

Pagmulat ko ng mata, napakunot agad ang noo ko. "What? Ang aga-aga pa!" reklamo ko habang pinipilit pang ipikit ulit ang mga mata ko. Ang lamig ng kama, at ang sakit pa ng ulo ko.

"Hoy, tanga. Late ka na!" sagot ni Avery sabay hawak sa phone niya, ipinakita pa ang oras.

Napalingon ako sa wall clock. Late na nga ako.

Agad akong bumangon, at tumakbo ako papunta sa banyo kahit nahihilo pa ako ng kaunti, dala na rin ng pag-inom ko kagabi. Pero kaya ko pa naman. Pinilit kong bilisan ang ligo at nagbihis ng uniform habang literal na sumasayaw sa kabalisahan.

Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko si Ate na kakatapos lang kumain. Nakaupo pa siya sa mesa habang nagkakape.

"Why did you drink so late?" galit na tanong ni Ate habang hindi man lang tumitingin sa akin. Ramdam ko yung disappointment niya.

"I needed it to clear my thoughts," sagot ko, medyo pa-hina, pero totoo naman. Kailangan ko talaga 'yun kagabi para kumalma.

She looked at me with narrowed eyes. "Don't do that again. You know you still have class."

"Yeah… sorry," mahina kong sagot habang tinutupi ang laylayan ng uniform ko.

She stood up, grabbed her keys and bag. "Let's go. Eat your breakfast in my car," utos nito habang palabas na siya.

Tumango na lang ako, walang lakas para kumontra. Sumunod ako sa kanya at sumakay agad sa passenger seat ng kotse. Ilang saglit lang ay binigay na niya sa akin ang sandwich.

"I also made you soup. Drink it before you get dizzy again," sabi niya habang ini-start ang engine. Napatango ako at ngumiti.

"Did you really make all this… for me?" tanong ko habang hawak yung thermos at sandwich.

"Hindi ba obvious?" sagot niya, deadpan, pero alam kong may softness rin sa tono niya kahit papaano.

"Thank you," sabi ko sabay halik sa pisngi niya, mabilis pero sincere. Napatingin siya saglit sa akin, tapos binawi agad yung tingin. Pero halata kong napangiti siya ng bahagya.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang akong kumakain. The sandwich was warm and perfectly toasted. May egg, ham, cheese—lahat ng gusto ko. Yung soup, creamy at comforting. Masarap talaga magluto si Ate. Hindi tulad ko na halos sunugin ang tubig sa kusina.

I sat there quietly, savoring each bite. In a way, itong simpleng pagkain na 'to… made me feel safe.

I just finished eating when we finally arrived at the university gates. Sakto lang ang timing.

"Thanks again," sabi ko bago bumaba. Tumango lang siya at sinabihang, "Text me if your class is done."

Naglakad na ako papasok sa building. Pagdating ko sa classroom, napa-buntong hininga ako. Late na talaga ako. Nagmamadali akong bumukas ng pinto at pumasok.

"Good morning. I'm sorry I'm late, Miss," sabi ko kay Ms. Sanchez habang pinipilit maging maayos ang pagkakabanggit ko kahit hinihingal pa.

Pero hindi man lang niya ako tinignan. She just sat there at her desk, looking over some papers, expressionless.

"Ba’t ka naman na-late? Talagang sa klase pa ni Miss," bulong sa akin ni Kinsley habang tinapik ang braso ko.

"Nahuli akong nagising," sagot ko, pilit ang ngiti habang sinusubukang umupo ng hindi halatang may hangover ako.

"Stop talking and answer this activity," sabi ni Ms. Sanchez, malamig ang boses. Halatang hindi pa rin siya okay. Hindi na kailangan ng X-ray para makita—maputla siya, at parang inuubo pa minsan.

Nagbaba ako ng tingin at kinuha na agad ang papel na pinamigay. Hindi ko na inarte pa. Bumawi na lang ako sa pagiging attentive at sumagot agad ng activity. Ramdam ko rin kasi na kahit galit siya, mukhang masama pa rin ang pakiramdam niya.

Habang nagsusulat ako, napatitig ako sandali sa kanya. Pinilit pa rin niyang pumasok kahit may sakit. Ba’t ba ganyan 'tong babaeng 'to?

And for some reason, seeing her like that—pale, distant, and obviously struggling—made me feel something I couldn’t name.

Maybe concern.

Maybe something more.

Pagkatapos naming sagutan ang activity, agad na nag-discuss si Ms.

Sanchez.

Tuloy-tuloy lang siya magsalita, habang hawak ang marker at nagsusulat sa whiteboard.

Mahilig siya sa recitation—‘yun ang paborito niyang style ng pagtuturo. Pero kahit kailan, hindi niya ako tinatawag. Kahit nakataas na ‘yung kamay ko, kahit nakatingin na ako sa kanya na parang tuta—wala.

Deadma.

After an hour of discussion, finally natapos din ang klase namin. Napatingin ako sa oras, Yes, vacant na rin. Tumayo na ako para sana lumabas pero bigla siyang nagsalita.

"Come in the faculty with me, Gomez," tawag niya, malamig ang boses, as usual.

Napalingon ako sa kanya, then sa mga kaklase ko.

"May ginawa ka bang mali?" tanong ni Cecilia, nag-aalalang expression.

"No. Why would I?" sagot ko, kunot-noong tinanggal ang bag ko sa upuan at sumunod sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa kanya habang bitbit ang bag, at medyo nakangisi pa. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong asarin siya kahit na halatang badtrip siya.

"Why do you want me to come with you, Miss? Missing me already?" biro ko habang magkatabi kaming naglalakad sa hallway.

She rolled her eyes and sighed. "Don’t make me pissed, Gomez. Check your classmates’ activity, since you were late earlier."

Nag-smirk ako. “Magpapalate na lang ako palagi, so I can spend more time with you.”

Hindi niya ako pinansin. Deadma. Aray. Pero sanay na ako. Her harsh words doesn't affect me.

Pagdating namin sa faculty room ay binuksan niya ang pintuan at pumasok kami. Wala pang ibang tao sa loob. Tahimik. Aircon lang ang maririnig.

"You can sit here," sabi niya, sabay turo sa couch sa gilid ng room, malapit sa bintana.

Umupo ako doon, medyo relax na parang wala lang. Nilapag niya sa lamesa ang folder na may laman na mga activity sheets, saka kinuha ang isang ballpen at binigay sa akin.

"Are you feeling okay?" tanong ko, seryoso ang tono ko ngayon. Kasi kahit pa sobrang suplada niya, obvious na hindi pa rin siya okay. Ang putla ng mukha niya, at halatang pinipilit lang niya magtrabaho.

"Stop asking. I said I’m okay," malamig niyang sagot, walang kahit anong emosyon sa mukha.

Tumango na lang ako at kinuha yung ballpen at papel. Paalis na sana siya, pabalik sa mesa niya, pero bigla ko siyang hinila.

She lost her balance and stumbled toward me—and before either of us could react, she landed awkwardly right on top of me, sa kandungan ko. Nanlaki ang mata niya habang nakatitig sa akin, stunned and completely caught off guard.

"What the hell—" gulat niyang sabi, at halos mabitawan niya ang hawak niyang folder.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.