Chapter 7
“You still have a fever,” sabi ko sa kanya pagkatapos kong haplusin ang noo niya gamit ang likod ng kamay ko. Mainit pa rin siya.
Agad niyang inalis ang ulo niya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo sa hita ko. “What the hell, Gomez! You're off the limit already,” inis niyang sigaw habang nag-aayos ng sarili.
Napatawa lang ako kahit medyo seryoso ang boses niya. Hindi ko alam, pero kahit galit siya, ang cute pa rin niya. “Sorry, hindi sinasadya. Don’t be mad, hm?” lambing kong sagot, pero hindi niya ako pinansin. As expected.
Inabot ko ang maliit na paper bag mula sa bag ko. “By the way, I bought you some medicines last night. I remembered you weren't feeling well, kaya naisipan kong bumili. Take it, please.”
Iniabot ko sa kanya ang bag na may lamang paracetamol, cough syrup, lozenges, at ilang vitamins. Pinag-isipan ko talaga ‘to kagabi, nagtanong pa ako sa cashier kung ano ang magandang gamot sa sipon at ubo.
Pero nagkibit-balikat lang siya at tiningnan ang bag na para bang may lamang lason.
“No. I won’t accept it,” matigas niyang sagot habang umiiwas ng tingin. Halata ang pagtatanggol niya sa sarili, parang ayaw niyang tanggapin na kailangan niya ng tulong, lalo na galing sa akin.
Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang inilapag ang bag sa table malapit sa kanya. “Miss... you're still not okay. You look pale, your voice is weak, and you’re obviously still running a fever. You should eat something and take your medicine before it gets worse.”
Tahimik siya saglit. Pero maya-maya, nagsalita rin siya. “How many times do I need to repeat myself, Gomez? You’re making me mad.”
Rinig sa boses niya ang inis. Yung tipong sinisikap pa niyang huwag sumabog, pero malapit na.
Pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko.
“Hindi ako nagbibiro, Miss. You can push me away all you want, pero 'di ibig sabihin titigil na ako. I'm worried about you, okay?” dagdag ko habang tinitingnan siyang mabuti.
Hindi siya nagsalita. Tumalikod siya, saka tumingin sa bintana. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita.
“You’re such a headache,” mahina niyang sabi, pero wala na ang galit sa tono ng boses niya. Para bang napagod na rin siya kakapigil sa sarili.
Ngumiti ako ng konti. “Then take the medicine. Baka mawala na 'yang headache mo.”
"Kapag daw nasa maling tao ka, hindi ka gagaling. Let me take care of you, siguradong gagaling ka," saad ko at mas tiningnan lang ako nito ng masama.
“Nonsense,” tipid niyang sagot, hindi man lang tumingin sa akin.
Ngumiti ako ng bahagya at sinabayan ng isang nakakalokong biro, “I’m just kidding… or maybe not?”
Hindi siya kumibo, kaya nagpalit na ako ng usapan. “By the way, may kukunin lang ako sa labas, Miss. I’ll be back in a few minutes, and I’ll check those papers after.”
Wala pa ring sagot. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Napailing na lang ako at lumabas ng faculty room.
Paglabas ko ay agad akong naglakad papunta sa gate kung saan ako nagpahatid ng pagkain na inorder ko online.
Gusto ko sanang personal na magluto, kaso hindi ako marunong at baka lalo lang siyang magkasakit kung ako pa ang nagluto.
Kaya nag-order na lang ako ng maayos—mainit na sopas, crispy chicken, sliced fresh fruits, and porridge—just in case she didn’t want anything heavy.
Pagdating ko sa guardhouse, tinawag agad ako ni Manong Guard.
“Miss, sa inyo po ba ’to?” tanong niya habang hawak ang paper bag na may pangalan ko.
“Yes po, akin po. Salamat,” sagot ko sabay kuha ng order. Binayaran ko na rin ito kanina via GCash, kaya mabilis lang ang lahat.
Habang naglalakad pabalik ng faculty, ramdam ko yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro kasi alam kong hindi niya ito tatanggapin agad. Pero gusto ko lang talaga siyang alagaan kahit hindi niya sabihin.
Pagbukas ko ng pinto ng faculty room, nakita ko siyang nakahiga sa couch. Tulog na siya.
Tahimik ang buong silid.
Tanging mahina niyang paghinga at ang tunog ng aircon lang ang maririnig.
Nilapitan ko siya at sandaling pinagmasdan.
Ang ganda talaga niya kahit pagod at may sakit.
Ang mahaba niyang pilikmata, ang maamo niyang mukha—parang ang hirap paniwalaan na ang suplada niyang si Ms.
Sanchez ay ganito ka-peaceful habang natutulog.
Napangiti ako sa sarili ko habang nakatitig sa kanya. Pero mukhang naramdaman niyang may nakatingin, dahil biglang gumalaw ang kilay niya, at unti-unting dumilat ang mga mata.
Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi ko alam kung matataranta ba ako o magpapalusot.
She blinked a few times, as if trying to make sense of what she was seeing. Then, our eyes met. For a moment, tahimik lang kami, parang nahinto ang oras.
“What?” bungad niya sa akin, boses niyang paos, halatang kagigising lang.
Natigilan ako saglit, pero ngumiti rin agad.
“Sorry, ginising ba kita? I didn’t mean to. You just looked… peaceful.”
Tumaas ang kilay niya at umupo ng dahan-dahan. “You’re creeping me out, Gomez.”
Ngumisi ako habang inilalapag ang dala kong food sa table. “I brought you lunch. Don’t worry, hindi ako ang nagluto. Baka ’di mo kayanin ’pag ako pa ang gumawa.”
Hindi pa rin siya sumagot. Tinitingnan lang niya ako habang dahan-dahan kong binubuksan ang containers.
“Soup, chicken, fruits, and porridge. Take your pick. Or better, kainin mo lahat. You need energy. Hindi sapat yung attitude lang ang malakas, Miss,” biro ko sabay abot ng kutsara.
“Tsk. You’re unbelievable,” bulong niya habang pinipilit ang sarili na umupo ng maayos.
"Kahit may sakit ka masungit kapa rin," saad ko.
“Gomez, what do you want?” malamig at matalim ang tono ng boses ni Ms. Sanchez habang nakatingin sa akin ng diretso. “We aren't close enough for you to talk to me like that. I don't care that you're Athena's sister; don't push my limits.”
Ouch. That stung more than I expected.
Masungit talaga siya—pero alam ko namang ganito talaga siya, lalo na’t hindi pa siya gumagaling.
I took a deep breath and tried to keep my voice calm. “Gosh, I'm sorry, okay? I didn’t mean to cross any line. But just this once, Miss... let me take care of you. Please. Baka mas lalong lumala sakit mo kung magpapatuloy ka pang ganyan.”
Hindi siya sumagot agad. Sandali siyang tumingin sa mesa, parang iniiwas ang tingin sa akin, pero bakas pa rin ang inis sa mukha niya.
“I don't need your help, Gomez. Get out.” Madiin at walang bahid ng alinlangan ang boses niya.
Napalunok ako. Naramdaman kong medyo bumigat ang dibdib ko, pero hindi ako pwedeng umatras ngayon. Hindi ko kayang iwan siyang ganito.
“No.” Umiling ako, at matatag na tumingin sa kanya. “Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ako aalis. Do you really think I'd just leave you here like this? Looking like you’re about to faint any minute?”
Sumandal siya sa likod ng couch at pinikit sandali ang mga mata niya. Halatang nauubusan na siya ng pasensya. “You're nothing but my student,” aniya, halos pabulong pero punong-puno ng paninindigan.
Pero mas pinili kong hindi iyon pansinin. Huminga ako ng malalim at lumapit pa ng bahagya, hindi para maging bastos, kundi para ipakita sa kanya na seryoso ako.
“I don't care kung ano pa ang sabihin mo, Miss. That won’t make me leave you,” sagot ko. “You’re sick. I know you’re used to being alone, but that doesn’t mean you have to push everyone away. Just this once, hayaan mong may mag-alala naman sayo.”
Napabuntong-hininga siya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa sahig habang ako naman ay nakatayo pa rin sa harap niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero hindi ko rin siya pipilitin magsalita. Kung gusto niya ng katahimikan, ibibigay ko muna 'yon.
But I meant what I said—I wasn't leaving her alone.
"I hate you,"
"I like you," sagot ko.
"I'll take care of you, Miss... and then I'll leave," bulong ko habang nakatitig sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Hindi na siya sumagot. Wala na siyang sinabi pa—ni ang paborito niyang matalim na sagot ay hindi na lumabas. She just leaned back against the couch and closed her eyes for a moment, clearly too exhausted to argue with me any longer.
I took that silence as a small victory.
“Would you like some tinola, chicken, or porridge?”
She opened her eyes halfway, then sighed. “Tinola,” sagot niya, mahina pero klaro. Napangiti ako ng bahagya, feeling relieved na kahit papaano’y nakinig siya.
I placed the steaming tinola in front of her, careful not to spill anything. The scent of ginger and chili leaves filled the air, and I saw the slightest flicker of interest in her eyes. But just as quickly, she covered it up with her usual cold demeanor.
“I can eat on my own. Just put it there,” she said, her voice still raspy from her fever. She avoided my gaze, as if refusing to acknowledge the care I was showing.
But I didn’t budge.
I pulled a chair closer to her and sat down, carefully scooping up a spoonful of tinola—plenty of sabaw, a bit of chicken, and a small piece of sayote. Then, I raised the spoon and smiled playfully.
“Say ahh,” I teased, holding the spoon in front of her lips.
She turned to me slowly with the iciest glare I’d ever seen. If looks could kill, baka inilibing na niya ako sa ilalim ng faculty room.
“I said I can eat on my own—” mariing sabi niya, almost growling.
“I know you can,” I interrupted gently, trying not to laugh. “But let me, just this once. Please?”
"Now, ahh," sabi ko ulit at sinunod naman ka agad nito.
I smile, cute.
"Stop smiling, I hate your smile," saad nito.
No matter how harsh her words were, I know she didn't mean them. That won't make me give up on you, Cynthia.
"Don't worry, my smile will be your favorite soon," sagot ko at mas lalo akong ngumiti.
Sinubuan ko lang siya nang tahimik, spoon after spoon, habang siya nama’y napipilitang kumain.
At sa hindi ko inaasahan, halos maubos niya ang tinolang binili ko.
Sa una’y paayaw-ayaw pa siya, ang dami pang arte, pero ngayon, parang kulang pa yata ‘yung pagkain na dinala ko. Napapangiti na lang ako sa sarili ko habang pinagmamasdan siyang unti-unting nauubos ang laman ng mangkok.
“Here,” sabi ko matapos siyang pakainin. Inabot ko sa kanya ang dalawang tableta at isang baso ng tubig. “Take your medicine.”
Tahimik niya ‘yong kinuha at ininom, walang tanong, walang reklamo—siguro dahil napagod na rin siyang makipag-argumento sa’kin.
“Done,” sabi niya pagkatapos lagukin ang tubig. Matapos lang ng ilang segundo, bumalik na ang sungit sa tono ng boses niya. “Now, can you get out?”
“I'll peel the orange and apple for you,” sagot ko na parang wala lang, kunwari hindi ko narinig ‘yung sinabi niyang paalisin na ako.
“No, I can do it myself,” sagot niya kaagad, sabay iwas ng tingin.
“Ha? Wala akong marinig,” sagot ko sabay ngiting nang-aasar habang kinukuha na ang mga prutas mula sa paper bag. Pinulot ko ang kutsilyo at napatingin sa kanya. “Just rest. You’re sick. It’s not a crime to let someone take care of you.”
I really hate peeling orange, but for you, I would.
"Here, eat this," sabi ko at ibinigay sa kanya.
She immediately took it and ate. She was working on her laptop, and I couldn't stop looking at her; she was so pretty.
"Stop looking at me, Gomez, and get out," she said, still looking at her laptop.
"You know, Miss, if I were a vampire, and you were the sun, I would look straight into the sun, because I would die to see your beauty," hirit ko sa kanya.
“Get out, Gomez. Don’t make me repeat myself.” Halata sa boses niya ang galit na nagpapalakas.
“Calm down, Miss. I will leave,” sagot ko habang tumatayo.
“But take your medicine after six hours, ha? And there are more fruits over there—eat some if you want. Take care of yourself, Miss. Kung hindi ka kayang alagaan ng ‘mahal’ mo, ‘di ako magdadalawang-isip na agawin ka,” dagdag ko na may ngiti sa labi habang papalabas na ako ng faculty room.
“Get out,” tipid na tugon niya, na parang nagpupumilit lang para hindi siya sumigaw.
“Oo na, eto naman, hindi na biro. Bye, Miss!” sabi ko habang tumatawa, pagkatapos ay lumabas na talaga ako.
Napailing ako sa sarili ko, napaka-cute niyang asarin—kaya lang, talagang halata kung gaano siya nagagalit sa akin sa kabila ng mga sinasabi. Hindi ko naman siya matitiis nang hindi pinagmamasdan kahit sandali.
Hindi ko naman inaasahan na papunta pala si Ate sa faculty kaya nakasabay ko siya sa paglabas.
“What are you doing here in the faculty?” tanong ni Ate, medyo nag-aalala ang tono.
“Kinuha ko lang yung pinapacheck ni Ms. Sanchez sa akin,” sagot ko, sabay ngiti na sinagot ang tanong niya. Tumango siya nang sagutin ko.
“Are you okay?” tanong nito, tila may halong pag-aalala.
“Of course, Ate. Bakit naman hindi?” sagot ko, pilit pinipilit ngumiti.
“Nothing. Go to your class now,” sabi niya habang tumango, at agad akong lumakad palayo.
Wala pa naman akong klase ngayon kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa bench sa labas ng faculty, doon ko na lang gagawin yung activity na inassign kay Ms. Sanchez. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakarating sa lugar na pinuntahan ko.
Tahimik akong nag-aaral at nagche-check ng activity habang nakaupo nang biglang may isang lalaki na umupo sa tabi ko.
“Hello,” bati nito nang may ngiti.
“Hi,” tipid ko lang ang sagot, pilit iniwasan ang mata niya.
“Pwede bang makiupo rito?” tanong niya na para bang hindi siya kasalukuyang nakaupo na.
“Sure,” sagot ko, halos walang gana.
“Your're pretty, I like you,” ang bilis niya magpa-cute, halatang nagtatangka siyang makipagkilala.
“Thanks,” sagot ko nang hindi na masyadong interesado.
“Single ka ba? Be mine. I can give you everything you want,” pumasok siya sa personal na usapan habang hinahawakan ang mga kamay ko.
Hindi ako sumagot, but I can feel my blood boiling up.
“Ako nga pala, Jones ang apelyido ko. In case hindi mo pa alam,” sabi niya, halatang mayabang. “I figured you’d know, though, since medyo sikat kami.”
"You're smiling, does that mean yes?" dagdag pa nito at ang hawak niya ay bumababa sa hita ko. Fucking disgusting.
“Jones? Is your family in business with the Gomez family?” I asked, raising an eyebrow as I looked at him more intently.
He nodded casually, a small smirk playing on his lips. “Yeah, you actually know that?”
“How could I forget?” I replied with a slight chuckle. “Your dad practically begged us to save your company from going under. It was all over the news.”
His expression suddenly shifted; the smirk faded, replaced by a sharpness in his eyes. “What are you saying?” he asked, his voice taking on a defensive edge as if I had hit a nerve.
"I don't give a damn if you're a Jones. I could buy your company without a second thought. Don't bother me, and don't ever touch me again unless you want to lose your father's company," I threatened. He left immediately.
What a disgusting human being! The sheer audacity of it all made my stomach churn. I hurried to the restroom, desperate to wash the memory-and the lingering feeling of revulsion-from my hands. I splashed cold water on my face, hoping to cool the burning anger.
Pumasok na ako sa classroom, dala-dala ang natapos kong gawain na pinapagawa ni Ms. Sanchez. Pagpasok ko, napansin kong wala pa ang professor namin. Hindi ko pa rin kasi alam kung sino talaga ang magiging professor namin kasi iba ang naka-schedule sa amin ngayon, kaya medyo naguguluhan ako.
“Saan ka galing, teh?” ang unang tanong ni Kinsley nang makita niya ako.
“Sa labas,” maikli kong sagot habang iniayos ang gamit ko sa upuan.
“Hindi ka man lang nag-aya,” dagdag ni Cecilia na may halong biro at konting tampo.
“Nakakainis ka, mukhang badtrip ka pa,” sabi naman ni Kinsley na tila natuwa sa tension.
Napabuntong-hininga ako. “Nakakainis kasi, may nangyari lang,” sagot ko, pinipilit na huwag palalimin ang usapan.
“Anong nangyari?” tanong ni Eliana, halatang concern ang tinig niya.
“Nevermind,” maiksi kong tugon habang tumango silang tatlo, na para bang naiintindihan nila ang gusto kong ipahiwatig nang hindi ko na kailangan pang sabihin.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pinapahalagahan ko sila — hindi nila sinisikil ang boundaries ko. Hindi nila ako pinipilit gawin ang mga bagay na hindi ako komportable.
Maya-maya, dumating na rin ang professor namin. At sa pag-ikot ng mga mata ko, laking gulat ko nang makita ko si Ate na pumapasok sa classroom bilang aming bagong professor. Agad naman ay nagsitayo ang mga kaklase ko at binati siya ng may respeto at sigla.
“Get a sheet of paper. We'll be having an essay writing." ang maikli ngunit seryosong utos ni Ate habang nakatingin sa amin.
"Kala koba essay? Bakit isusulat?" bulong ni Kinsley.
“Huh?” tanong ni Eliana nang may halong pagkabigla, habang si Cecilia ay nagtatawang-tawa na tila hindi makapaniwala.
“Baliw, ampota! HAHAHAHAHA!” natawang sigaw ni Cecilia, sabay hawak sa tyan.
“Essay? E-say? Isalita ba? Kaya bakit isusulat?” paliwanag ni Kinsley kay Eliana, na para bang sinusubukan niyang gawing simple ang komplikadong ideya.
“Ahh,” maikli at medyo na-confuse na sagot ni Eliana.
“Ang hirap mag-explain sa slow,” dagdag pa ni Kinsley habang tumatawa na rin ako sa kanilang usapan.
“Write a 2,000-word essay about the lessons we've had last fime. You have 30 minutes,” mahigpit na utos ni Ate. Kung hindi ko lang siya Ate, sigurado akong sinumpa ko na siya.
“Kung hindi ko lang crush Ate mo, baka sinakal ko na ‘yan,” biro ni Kinsley, kaya sinamaan ko siya ng matalim na tingin.
“Joke lang, eto naman hindi mabiro,” mabilis niyang pagbawi habang patuloy akong sumusulat.
Hindi ko na siya pinansin pa at pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagsusulat. Pero hindi ko talaga ma-concentrate dahil sa pakiramdam ko ay unti-unting lumalala ang aking pagkahilo. Mabigat ang ulo ko, at parang lumulubog-lubog ang paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako.
Pinilit kong tapusin ang essay nang mabilis, alam kong mahirap na makipagsabayan kapag ganito ang nararamdaman ko. Nang matapos, maingat kong iniabot ang papel kay Ate.
“Are you okay?” tanong niya nang may pag-aalala sa tono.
“Oo, medyo nahihilo lang ako,” sagot ko nang paunti-unti nang tumitig siya sa akin.
“Go to the clinic. Samahan kita,” alok niya, halatang seryoso.
“No, Ate. Okay lang ako. Balik na ako sa upuan ko,” mahina kong tugon habang tumango siya, tila hindi lubos mapaniwala.
Nang matapos ang klase, nagsimula na si Ate sa kanyang diskusyon sa klase. Halos hindi ako makapag-focus dahil sa hindi magandang pakiramdam ko. Mabuti nalang at ito na ang last subject ko ngayon — kahit papaano, may katapusan na ang araw.
Pagkatapos ng ilang oras, natapos na rin ang klase. Sinabi ni Ate na hintayin ko lang siya sa parking area dahil may kukunin daw siya sa faculty room.
Naglakad na ako papunta sa parking area, ngunit halatang nahihirapan akong maglakad nang maayos dahil sa tindi ng aking hilo.
Unti-unti akong nanghihina habang papalapit sa sasakyan ni Ate, ang mga paa ko ay parang di na gumagalaw nang kusa.
Biglang bumuka ang mundo sa paligid ko, at naramdaman kong nawalan ako ng malay.
The last thing I saw, it was Ms. Sanchez. She caught me from falling, just as I was about to hit the ground.