Chapter 9

I'm on my room's terrace, smoking. Yeah, I smoke. It’s one of my ways to relax, along with drinking. Life’s short—might as well make it shorter, right?

Habang nagrerelax lang ako, nakaupo sa malamig na semento ng terrace habang nakatingala sa madilim na langit, may sindi pa akong yosi sa pagitan ng mga daliri ko. Ramdam ko 'yung hangin na dumadampi sa balat ko, malamig pero sakto lang para hindi ako antukin.

Tahimik lang ang paligid, ‘yung tipong maririnig mo pa 'yung pagbuga ko ng usok. Akala ko makakapagpahinga ako nang maayos ngayong gabi—walang istorbo, walang iniisip, just me and my bad habits—pero biglang tumunog cellphone ko at nakita kong nag-message kaibigan ko.

Napakunot ako ng noo habang inaabot 'yung phone sa gilid ng upuan.

Binaba ko na yung cellphone ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Medyo masakit pa rin talaga 'yung ulo ko. Hihiga na sana ako sa kama, ready to just close my eyes and forget the world, nang biglang tumunog ulit 'yung cellphone ko. This time, tumatawag na si Ate.

"Sylvia," saad nito nang sagutin ko ang tawag niya. ‘Yung boses niya, seryoso. Parang may emergency.

"Yes po, Ate?" sagot ko habang bumangon at umupo sa kama. Napaayos pa ako ng buhok kahit wala naman siyang makikita sa call.

"Bumaba ka rito, may sasabihin ako," sabi nito, diretso, tapos binaba kaagad ‘yung tawag kahit hindi pa ako nakakasagot.

Napataas tuloy ako ng kilay.

Very demanding.

Tumayo na ako, medyo tinamad pa nga pero curious na rin, at naglakad na pababa. Mabagal pa nga akong bumaba ng hagdan, parang tinatamad na ewan—if that even makes sense. Pagdating ko sa sala, naabutan ko sila ni Ate na nakaupo roon, tahimik, parang may secret meeting.

"Why, Ate?" tanong ko agad paglapit ko sa kanila, while trying to read the room. Tahimik si Cynthia—este si Miss—at hindi man lang tumingin sa’kin.

"Let Cynthia shower in your room," she said bluntly, na para bang ang normal lang ng sinabi niya.

Napatingin lang ako sa kanya, speechless. As in literal na natahimik ako. My eyes shifted from her to Miss Sanchez, then back to her. What the hell?

"Why in my room?" I asked, genuinely confused. I mean, it’s not a problem. Like, okay lang naman, pero… why me? May ibang banyo naman ah?

"There's a problem with the water in the bathroom and in my room," paliwanag ni Ate habang nakakunot ang noo. "The water pipes in my room and the bathroom aren’t connected to yours, so your water should be fine."

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Okay, that makes sense, I guess. Pero hindi pa rin mawala ‘yung awkward feeling. Lumingon ako kay Ms. Sanchez pero umiwas siya ng tingin. Like she didn’t even want to be here, let alone sa kwarto ko maliligo. Her whole vibe screamed discomfort.

“Okay,” I said, trying to act casual.

I noticed na basa ang buhok ni Ms. Martinez at Ms. Dizon, for sure naka shower pa ito bago masira at si Ms. Sanchez lang ang hindi pa nakaligo.

"Let's go, Miss?" I asked habang nakatingin sa kanya. Tumayo lang siya, tahimik pa rin, at hindi man lang ako tiningnan. Ang arte talaga ng babaeng ‘to. Parang ayaw niya akong kausapin pero sumusunod naman.

Nagsimula na akong maglakad paakyat pabalik sa kwarto. Nasa likod ko lang siya, tahimik din, parang multo na nakabuntot. Wala man lang effort na makipag-small talk o kahit simpleng comment lang. So, syempre ako na ‘tong nag-initiate.

"Can you walk beside me, Miss? Para kang ano kasi d’yan na nakasunod sa akin," sabi ko habang nilingon siya saglit, isang kilay ang nakataas.

"Can you shut up and just keep walking?" sagot nito, deadpan, at ang lamig ng tono.

As always.

Napatahimik na lang ako. Ang sungit talaga ng babaeng ‘to. Hindi ko alam kung gusto ko siyang kausapin o itulak sa hagdanan.

Joke.

Pero napansin ko rin na habang naglalakad kami, unti-unti siyang lumalapit.

Hanggang sa mapansin kong nasa tabi ko na siya, hindi na nakabuntot sa likod.

Ayaw niya lang sigurong aminin pero nakikinig pala siya.

Napangiti ako, ‘yung tipong hindi ko mapigilan, lalo na dahil alam kong nairita siya sa sinabi ko. Small win.

Pagdating namin sa kwarto, diretsong turo ako sa CR. "D’yan ka na lang maligo. Water’s fine in there," sabi ko.

Tumango lang siya at agad pumasok sa loob. Wala nang kahit isang salita. Sarado agad ang pinto, sabay click ng lock. Wow, tiwala agad.

Ako naman, humiga na agad sa kama at kinuha ‘yung phone ko. Nagbukas ako ng CODM at naglaro habang naghihintay. Ilang rounds din ‘yung natapos ko, pero nang tumingin ako sa oras—hala, almost one hour na siya sa CR! Ano ‘to, full body spa?

Napahinto ako sa laro nung maramdaman kong bumukas na ‘yung pinto ng CR. Hindi ko agad nilingon, chill lang. Kunwari focused pa rin ako sa game.

"Are you done, Miss?" tanong ko habang abala pa rin sa phone. No response. Ay ganon? Dedmahan na tayo ngayon?

"Miss?" ulit ko, this time medyo mas malakas.

"Gomez," tawag niya finally, at doon ako napalingon sa direksyon ng CR. Lumabas siyang nakasilip lang mula sa pinto, kita lang ang ulo’t balikat, habang ang kamay niya’y nakakapit sa frame.

"This bathroom doesn't have a towel. Can you get me one?" she asked calmly, pero parang may halong inis. Napatawa na lang ako. Classic.

"Ay, sorry naman, Miss Guest," sabi ko sabay tayo. Dumiretso ako sa cabinet para kunin ang towel. Habang inaabot ko ‘yung twalya, narinig ko ulit ang boses niya.

"And... also clothes..." dagdag niya, this time parang may bahid ng hiya sa tono niya.

Jackpot. Napangiti ako, obviously enjoying the moment.

"Hm..." I turned slowly to face her, holding the towel in one hand. "What if I don’t want to?" Tumigil ako sa tapat ng pinto, enough para marinig niya pero hindi niya ako makita. "You’re hot with clothes on, and I’m sure you’re much hotter naked," I teased, half-laughing.

Biglang napalakas ang sigaw niya, "Sylvia!"

"I like it when you call me by name. Don't worry, you'll be calling me that in bed, too," I added.

"Shut up, and just give it to me," sabi nito mula sa loob ng CR, medyo iritado pa rin ang boses niya. Napatawa na lang ako, hindi ko alam kung matatawa ako sa inis niya o maaaliw sa pagiging suplada niya.

Pagkatapos kong makapili ng damit at makuha ‘yung tuwalya, naglakad na ako papunta sa CR. Nakabukas pa ng bahagya ‘yung pinto, sakto lang para maabot ko ‘yung kamay niya nang hindi kami magkakatinginan.

"I don't know what kind of clothes you like, so just pick whatever you want," I said habang inaabot ko sa kanya ‘yung pile ng damit—isang oversized hoodie, maluwag na cotton shorts, at isang black na pambabaeng pantalon. Safe choices, pero kahit alin doon bagay naman sa kanya. Kahit pa ayaw niyang aminin, she's got the body and face to pull off anything.

"Okay," was all she said, simple and short.

Tumalikod na ako at humiga ulit sa kama, nag-scroll sa phone habang hinihintay siya matapos. Ilang minuto rin ang lumipas—mga ten, maybe fifteen—tahimik lang ang buong kwarto. No sounds except sa mahina kong playlist sa background at ‘yung occasional pag-flip ko ng phone screen.

Then finally, bumukas na ang pinto ng CR.

Napaangat ako ng tingin at.

.

.

ayun siya.

Lumabas siyang suot ang isa sa mga hoodie ko, ‘yung kulay navy blue pero sobrang comfy, tapos black na pantalon ko. Her hair was still a little damp, and she was drying it with the towel I gave her habang naglalakad palabas ng CR, as if this was her room.

Napakagat ako sa labi, trying not to make it too obvious na na-starstruck ako. Damn. That hoodie never looked that good on me.

"You look good in it," I said casually. Hindi ko na pinigilan, to be honest. Baka sakaling ngumiti man lang siya o kahit simpleng “thanks.”

Pero hindi. Deadma. She didn’t even look at me. Diretso lang siya sa may pinto ng kwarto, parang may hinahabol na oras.

"I'll return this tomorrow," she said, flat, tulad ng dati. Laging composed. Laging walang emosyon.

I sat up from the bed, resting my arms sa tuhod. "No need, Miss. Keep it or throw it away," I replied, trying to sound cool, kahit deep inside parang gusto ko sabihin na “actually, suotin mo ‘yan lagi para maalala mo ako.”

Wait. Sino ba ako?

She didn’t respond after that. Binuksan niya ‘yung pinto at dire-diretsong lumabas ng kwarto, parang wala lang nangyari. Ako naman, naiwan sa kama na nakatingin sa pinto, tahimik lang.

Napailing ako habang bumubuntong-hininga. What is it with this woman?

She walks in like she owns the place, ignores every compliment I give, pero eto ako—tuwang-tuwa pa rin na sinuot niya ‘yung hoodie ko.

Stupid heart.

But why am I acting like this?

---

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro dahil sa pagod at medyo masama pa talaga ang pakiramdam ko kagabi. Pero ngayon, kahit papaano, mas maayos na ang katawan ko—hindi na mabigat ang ulo ko at hindi na rin masyadong masakit ang katawan ko.

Pagkagising ko, dumiretso agad ako sa banyo para maligo.

Kailangan kong ayusin ang sarili ko, ayoko namang magmukhang bangkay sa school lalo na’t first time kong papasok ulit after ilang araw.

Pagkatapos maligo, nagsuot ako ng simpleng white cropped top at black slacks—effortless pero classy, alam mo na, signature look ko.

Pagkababa ko sa bahay, medyo tahimik. Napansin kong wala nang tao sa sala, at ang maid lang namin ang andoon, nag-aayos ng mesa.

"Ma'am, pinapasabi po ng Ate mo na mauuna na sila dahil may kailangan silang puntahan," sabi ng maid habang inaayos ang plato sa lamesa. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pinaghainan niya ako ng almusal—scrambled eggs, toasted bread, bacon, at orange juice. Mukhang si Ate talaga ang nag-utos nito. Nag-abot din siya ng vitamins sa akin.

"Utos daw po ni Ate, Ma'am. Inumin niyo raw 'yan," dagdag pa ng maid kaya kinuha ko na lang at ininom agad.

Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang bag ko at lumabas ng bahay. I walked towards the garage and slid into my McLaren P1. Yes, I'm driving today. Hindi ko feel magpa-driver, at least may peace and control ako sa biyahe.

Habang nasa daan, naka-full volume ‘yung playlist ko—mostly R\&B and a bit of alternative. It kept my mood steady. Pagdating ko sa university, halos lahat ng mga estudyante napatigil at napatingin sa akin. Obvious na obvious ‘yung pagtingin nila, at naririnig ko pa ‘yung mga bulungan nila habang naglalakad ako papunta sa building.

"Bunso pala siya ni Ms. Gomez... Ang ganda niya!" sabi ng isang estudyante, clearly amazed.

"Manang-mana niya talaga ‘yung kagandahan ng Ate niya," dagdag pa ng isa, probably referring to Ate being a known figure sa university.

"Siya na ata new crush ko," sabat naman ng isa pa, na halos matapilok sa hallway kakatingin.

Hindi ko na lang sila pinansin. Deadma is power. Diretso lang ako sa hallway patungo sa classroom ko. Still, I could feel their eyes following me—parang walk of fame, but with too many unnecessary eyes.

Pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad ang mga kaibigan ko—Cecilia, Kinsley, at Eliana. Nandoon na sila sa usual spot namin.

"Omggg! Missuuuuu!" sigaw ni Kinsley at dali-daling lumapit sa akin para yakapin ako.

"Can you let go?" I said, habang dahan-dahang inaalis ang kamay niya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Ay, grabe ka pa rin talaga. Hindi pa rin marunong magpakita ng affection," reklamo niya sabay pout.

"Okay ka na ba?" tanong naman ni Eliana, looking at me with concern.

"Syempre," sagot ko sabay upo sa tabi nila.

"Pinagkakaguluhan ka kaya ng mga studyante," sabi ni Cecilia habang sumisipsip ng milktea.

"True! Lalo na nung nalaman nilang bunso ka ni Ms. Gomez. Like, hello?! Celebrity levels!" dagdag pa ni Kinsley, obvious na kilig na kilig para sa akin kahit hindi naman siya ang pinagkakaguluhan.

"Like I care," sagot ko sabay irap. I don't really enjoy the attention unless it's from someone specific.

Unless it was her?

Oof.

"Slay," saad ni Kinsley na parang sarcastic pero supportive. Napatawa na lang ako sa kanya.

"Bar later?" biglang aya ni Cecilia habang inaayos ang buhok niya gamit ang phone camera.

"Tara," sagot ni Kinsley agad, parang matagal na niyang pinlano ‘to.

"Sure," sagot ko naman, sabay tingin kay Eliana na tumango lang, cool as usual.

"Btw, sino naman trip mo ngayon? It’s been, what? Days? Or almost a week? Himala naman na wala ka pang ineentertain," panunukso ni Kinsley habang nakangisi.

"Secret," sagot ko sabay ngiti, ayoko ngang sabihin.

How could I say that I like our Professor?

Wait, 'like'? No. This was just a game after.

"Exciting 'yan ah. Pa-mysterious ang lola mo," dagdag pa ni Cecilia habang kinikilig.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok na si Ms. Sanchez. As usual, hindi siya tumingin sa kahit kanino at diretsong naglakad patungo sa desk niya. Maayos pa rin ang suot niya—plain white blouse at dark slacks, professional as always.

Binati namin siya agad. "Good morning, Miss!" sabay-sabay pa kami halos.

She looked up slightly.

"We're having a Valentine's Day event next week," she announced.

"Your participation will be graded. You can either set up a booth to showcase your talents or audition for one of our clubs: Acting, Singing, Drawing, Problem Solving, Speech Choir, Dancing, Essay Writing, or Poetry Writing. University professors will judge the club competitions, and acceptance depends on the audition."

Nagkatinginan kami ng mga friends ko, and you could already tell na wala pa kaming plano.

"What if we don't get accepted into the club we audition for, Miss?" tanong ng isa sa mga kaklase namin, legit concerned.

"Then you'll have to find another club," she replied, very direct and professional as always.

"Huwag nalang talaga mag-aral," bulong ni Cecilia sa amin sabay buntong-hininga. Napatawa kami lahat.

"Saan kayo sasali?" tanong ni Kinsley, obviously excited.

"Baka sa acting ako," sagot ni Cecilia habang nagfi-fidget sa ballpen niya.

"Pwede naman, magaling ka naman mag acting na baliw o multo," sagot pa ni Eliana dito at inirapan lang siya ni Cecilia.

"Ikaw, Sylvia?" tanong naman ni Kinsley sa akin habang nag-aayos ng gamit niya sa upuan.

I looked at her for a second, then shrugged casually. "I don't know, maybe singing?" sagot ko habang inaayos ang buhok ko gamit ang daliri.

"Ayaw mo sa math solving? You're good with it,"

"No, masyadong basic para sa akin. I want to challenge myself," sagot ko.

"Edi ikaw na!" saad pa ni Cecilia, sabay irap pero halatang natatawa. "Yung ibang tao nga hindi na maka-solve ng X tapos ikaw bored na?"

"Iba talaga ‘pag genius," sabat ni Kinsley, rolling her eyes playfully. "Flex mo pa, girl."

"Uy hindi ah," natatawa kong depensa. "Gusto ko lang ng bago. Baka sa singing may spark of interest ako na di ko pa alam."

We were clearly enjoying the convo, pero hindi rin namin namalayang nagiging maingay na kami. Lumingon agad si Ms. Sanchez mula sa table niya, may hawak nang papel, halatang iritado.

"Stop talking in my class. Discuss it later," sabing may diin sa boses. Sungit talaga as usual, pero wala kaming choice kundi manahimik.

Tahimik kaming umupo nang maayos, parang mga batang nahuli ng principal. Tumikhim si Miss at lumingon uli sa amin.

"Now, get ready for the oral recitation and a quiz after," dagdag pa niya habang naglalakad papunta sa harapan ng klase. She placed the papers down on the table with a soft thud na parang warning.

"Hala, Cecilia, wala ka rin bang review?" tanong ni Kinsley habang panik mode na nagbabasa ng notes.

"Wala! Kasi akala ko di na siya magpaparecite today! May mood swing na naman si Miss," reklamo niya habang hawak ang ulo.

"Ayaw niyo kasi makinig kanina," sabi ko, trying not to smirk.

I'm just chilling because this was just a basic to me. That's a flex, I guess.

Bumuntong-hininga silang lahat. Parang collective realization na wala na silang kawala. Ang bilis talaga mag-shift ng mood ni Ms. Sanchez. One moment she’s dead serious, the next she’s ruining your academic peace.

Pero kahit ganon, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya habang inaayos niya yung class list. Still composed, still cold as ever—pero ang weird, parang mas gusto ko siyang titigan ngayon. Ewan. Siguro kasi nakasuot siya ng light blue blouse ngayon na medyo fitted, bagay na bagay sa kanya.

"Focus, Sylvia," bulong ko sa sarili ko, sabay shake ng ulo. Hindi ito yung tamang oras para ma-distract.

Nag-start na si Ms. Sanchez mag-roll call for recitation. One by one, tinatawag niya ang mga pangalan ng classmates ko.

Parang kahit ayoko pa, hindi ko maiwasang ma-excite na parang gusto ko mapansin niya ako today. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto ko lang.

What the hell is happening to me?

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.