CHAPTER 6
Rassia
"Lady Rassia! Let me explain!"
"Elena-call the knights!" Without hesitation, Elena rushed out, casting Corazon a sharp, warning glare before disappearing beyond the doors.
Nanlaki ang mga mata ni Corazon. Bahagya siyang napayuko at namumula. The knights arrived almost instantly, seizing her arms without mercy.
"My lady-!"
"Nagmamakaawa ako! magpapaliwanag ako! ano ba?! bitawan niyo ako!" she cried, struggling against their grip.
I felt Russel cling tighter to me, trembling as he hid behind my back. My gaze darkened, fury simmering beneath the surface. How dare she... lay a hand on my brother?
"To the punishment chamber," I commanded coldly.
My eyes flicked down to Corazon, "You can explain yourself there."
The knights dragged her away as her voice echoed through the hallways. Then slowly fading into the distance until only silence remained.
"L-lady Rassia..." Mahinang tawag ng aking kapatid, nanginginig pa rin ang boses. Humigpit ang hawak niya sa damit ko, tila takot na takot pa ring bumitaw.
"I'm scared..." He continued. I glanced down at him, my expression softening, just for him.
"It's okay," I placed my hand over his cute cheeks. "No one will hurt you again."
Bahagya siyang sumilip mula sa likod ko, pero agad ding yumuko.
"She... she grabbed me..."
My jaw tightened, but I kept my voice steady.
"I know." I gently pulled him closer. "And she'll pay for that." Napatingin siya sa akin, halatang nag-aalangan.
"...Will she be punished?"
A faint, cold smile touched my lips.
"Yes." I brushed his hair back carefully, "So don't be afraid, Russel. I'm here." I continued with a smile on my face.
"B-big sister!" Nangilid ang luha ng aking kapatid at niyakap ako.
"I... actually prefer that," I said softly, with a small smile forming. He nodded, tears spilling freely as he held on tighter.
"Iiyak mo lang," I gently rubbing his back. "Nandito lang si ate."
How dare a mere servant do that to my brother, the heir of House Quentin? Just thinking about it makes my blood boil. She didn't just cross a line! she shattered it! Russel is not just a child! he is the male heir, someone who should be protected and respected!
At ngayon malinaw na sa akin na matagal na itong ginagawa ni Corazon sa kapatid ko. Russel collapse wasn't sudden! It was the result of repeated cruelty!
Nandito ako ngayon sa punishment chamber, nakaupo ng maayos habang naka-cross ang aking mga braso at binti. Sa harapan ko naroon si Corazon. Nakatayo ito at nakagapos ang mga kamay, gusot ang anyo, ngunit pilit pa ring nakatingin nang diretso sa akin.
Pinapanood ko siya habang nilalatigo. Nakatakip ang kanyang bibig upang pigilan ang anumang sigaw o ingay na maaaring makagambala sa katahimikan ng silid. Tahimik lang akong nakamasid, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
When I decided that her suffering had been enough, I slowly raised my hand, a silent signal for the knights to stop.
"Tanggalin n'yo ang takip sa bibig niya." nang matagal ang mga takip sa bibig niya ay agad siyang napasigaw at gigil na tumitig sa akin.
"My lady! I was only disciplining him!" nanginginig niyang paliwanag, pilit kumakawala sa nakagapos sakanya. "The young master was being difficult! I was only trying to correct him!"
"Hindi ito maari!" dagdag niya, halos pumiyok ang boses. "Ilang taon kong sinilbihan ang pamilya ninyo! walong taon! walang pahinga, walang reklamo! at ganito n'yo ako tratuhin?!"
"Walong taon.." bahagya akong napatingin sa kanya. "Sa loob ng walong taon na 'yon, wala ka pa ring natutunan kung sino ang dapat mong kinakatakutan?"
"Bakit sino ba ang dapat kong katakutan-?" Napatigil siya. "Ikaw?" She laughed.
"Hayok sa attention ng ama at bukod doon sino ka?" dagdag niya pa.
"A Quentin," I said quietly. "The last face you will remember before you die." ngumiti ako ng matamis. Kitang kita ko ang gigil at pinaghalong takot sa kanyang mga mata.
"Hindi na ako nagulat na namatay ang ina mo! hindi niya kayang magpalaki ng isang demonyo na katulad mo!"
Anger rushed through my veins. How dare she speak about my beloved mother?
"Cut her-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may narinig akong boses.
"End her. A tongue is not enough." an evil voice whispered. It's disturbingly familiar, as if it had always known me. Napatingin ako sa paligid ngunit natitiyak ako na wala iyon sa mga kabalyero na narito. Sino iyon?
"I've been with you since the beginning." tila sinagot nito ang katanongan sa isip ko.
"Show her what a Quentin truly is."
Napatayo ako sa kinauupuan ko. A sharp pain split through my head. I pressed my fingers to my temple, breathing unevenly as the world around me seemed to blur. Corazon's voice fading into meaningless noise I could no longer process.
"M-my lady? a-ayos ka lang?" A knight approached me. Nakahawak pa rin ako sa sintido ko.
"Yes! don't mind me! cut her goddamn tongu-!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may narinig akong bumagsak sa sahig.
Corazon's head hit the floor. Ang kanyang katawan ay nakagapos pa rin. Tumalsik ang kanyang dugo sa kasuotan ko.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko.
"She can keep her tongue."
It was him. The Duke. My father.
Nakatayo ang aking ama sa gitna ng katahimikan, hawak ang isang espada na may bahid pa ng dugo, habang dahan-dahang tumutulo ito sa marmol na sahig at umalingawngaw sa buong silid.
Nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa ulo ni Corazon na hindi kumukurap, at walang bakas ng pag-aalinlangan o awa.
Poor Corazon... she chose the wrong family to mess with.
Isinawalang-bahala ko na ang mga boses na narinig ko. It was probably just a hallucination. Isang bunga ng galit, stress, at pagod na unti-unti nang kumakain sa aking isipan. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at isinara ang isip sa anumang bulong na maaaring muling bumalik.
Narito ako ngayon sa hall ng aming palasyo. May mga bahid pa rin ng dugo ang aking damit, ngunit hindi ko na inabala pang magpalit. Gusto ko nang matapos ito.
Labinlimang mga katulong ang naroon. Ang mga katulong na malinaw kong naaalala mula pa noong aking kabataan. In Rassia's memories.
"I'm sure... you've already guessed why you are all here," malamig kong sabi.
Binanggit ko ang nangyari kay Corazon, at sa sandaling iyon ay lalo pang bumigat ang hangin sa silid. Nakayuko silang lahat, nanginginig sa takot, tila bawat isa ay natatakot na sila naman ang susunod na hatulan. Wala ni isa ang makatingin sa akin.
"Have you all forgotten what you have done?" taas noo kong sambit sakanila.
"I guess I have to remind you..." I glared at them.
"You.." turo ko sa isa, "You nearly poured hot tea on me when I was a child and pretended it was an accident.
"You served me spoiled food while everyone else in this palace ate fresh meals right in front of me."
"You tightened my dresses on purpose, making it hard for me to breathe, then smiled like you were doing your duty."
Iniisa-isa ko ang bawat ginawa nila sa akin sa loob ng maraming taon. Ang bawat galaw nila ngayon, bawat pagyuko at panginginig, ay nagpapaalala sa akin ng lahat ng pagtitiis ko noon. I was.. just a fucking innocent child.
Nang matapos ako ay sabay sabay silang napaluhod.
"Please forgive us, my lady!"
"Have mercy on us!"
"Hindi na ito mauulit!"
Umalingawngaw ang kanilang mga pakiusap sa loob ng hall, nanginginig at sabay-sabay, halos magkahalo sa takot at desperasyon. Ngunit nanatili akong nakatayo, malamig ang ekspresyon, pinagmamasdan silang lahat at sinusukat kung alin sa kanilang mga salita ang may katotohanan.
"How ridiculous it is to see you regret those things only now." I tilted my head.
"All of you are fired." I continued.
Maraming nangyari pagkatapos noon. Mabuti na lang at wala na si Corazon sa tabi ni Russel, kaya mas nakapag focus siya sa paghahanda para sa Emperor's Banquet.
Sa mga maid naman na inalis ko, halos lumuhod pa sila sa pagmamakaawa, hinihiling na bigyan ko sila ng recommendation letter. Gagamitin daw nila iyon sa pag apply sa ibang houses para mas madali silang matanggap. Ngunit hindi ko iyon ibinigay.
Kapal ng apog nila. Sa dami ng ginawa nila sa akin, nagawa pa nilang humingi ng ganoon! parang wala silang kahit anong alaala ng kanilang mga kasalanan, na para bang may karapatan pa silang makiusap sa akin pagkatapos ng lahat.
Sa loob lamang ng dalawang araw, napalitan na namin ang lahat ng maids sa palasyo. Except for Elena. Utos to mismo ng aking ama.
Sa ngayon, ang mga bagong maid ay mas maingat, mas tahimik, at mas disiplinado sa kanilang trabaho. Wala nang bulungan sa likod ko, wala nang matang mapanghusga, at wala nang galaw na puno ng takot o pagdududa.
Now... everything seems to be running smoothly.
At last, after days of preparation, the day of the Emperor's banquet has arrived.
Nakatitig ako sa salamin, halos hindi ko maalis ang tingin ko sa repleksyon ko, sa mukha ni Rassia. Sobrang ganda niya. Magaan lang din ang suot kong makeup, sapat lang para mas iangat ang mga tampok ng mukha ko.
I am wearing a gold gown with deep burgundy velvet details that give it a rich, regal look.
It fits closely to my body in a mermaid style, with an off-shoulder design and a high slit.
Matching velvet gloves and a long train add a touch of drama, making the whole outfit feel elegant.
Elena curled my hair and pinned it with a hairpin that perfectly matches my gown. I wore pearl earrings, and a winged-motif diamond necklace completed my entire look.
Behind me, the maids stood in quiet awe.
"Mahihimatay ako sa ganda mo!" Natawa ako sa puri ni Elena.
"Parang sadyang ginawa para sa iyo ang kasuotang iyan." Tumango ang isa at ngumiti.
"Salamat," mahinahon kong sabi habang nakatingin pa rin sa salamin. "It's all thanks to you... dahil sa inyo 'to. Tinulungan niyo ako."
Humagikgik ako nang mahina sa naisip, saka bahagyang lumingon sa kanila. "Actually, kung ako lang mag-isang nag ayos sa sarili ko, baka nag mukha akong naligaw sa banquet."
Laughter filled the room when suddenly, the door opened. We all turned.
"My lady, the carriage is ready. The duke is waiting for you." It was our butler, Mikhael.
Mikhael escorted me to the carriage, walking a few steps behind me with his usual composed demeanor.
Father was already standing near the carriage, as if he had been waiting for a while.
"Father?" Tawag ko sakanya.
Dahan-dahang napabuka ang mga labi ni aking Ama nang mapatingin siya sa akin na parang isa akong hindi niya inaasahang makita. Napatigil siya at matagal na nakatitig sa akin. Ang mga mata niya ay tila isa-isang sinusuri ang bawat detalye ng aking anyo. A corner of his lips lifted.
"By the way, Father? Where is Russel?" basag ko sa katahimikan, habang lumilinga sa paligid at sumisilip pa sa loob ng karwahe.
"He already left earlier to prepare for his performance."
"Oh... I see."
We stepped inside the carriage, the soft thud of the door closing behind us as if sealing the moment. For a brief while, silence settled between us. But not as heavy as it once was, yet not entirely light either.
"Rassia," tawag niya.
Lumingon ako sakanya. Words couldn't fully capture how striking Father was.
He wore a sharp black velvet doublet, rich with gold embroidery and structured shoulder pieces that gave him an imposing presence.
Beneath it, a metallic gold vest caught the light, crossed by a silver ceremonial sash over his chest.
But what drew my eyes the most was the long cape draped over one shoulder, lined in gold and flowing behind him with quiet authority. Paired with slim black trousers and polished boots. His entire look was nothing short of commanding.
Father looked remarkably young despite his age, his features still sharp and refined. He could still marry, if he wanted to.
But from what I've heard, he never truly married Russel's mother, not out of love, but for the sake of an heir. And when she passed away from illness, that chapter of his life seemed to close with her.
"Yes, Father?" Tanong ko sakanya nang mapansin ko na nakatitig pa rin ito sa akin.
"You look... beautiful," sambit niya, ngunit agad ding umiwas ng tingin, na para bang hindi sanay sa ganitong mga salita.
Marahang sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
Sa paglipas ng panahon, tila unti-unting nagbago ang lahat. Hindi ko man matukoy kung kailan nagsimula, ngunit ang dating malamig na hangin sa pagitan namin ay tila naging mas payapa na.
"Thank you, Father," sagot ko nang marahan. "So are you."