CHAPTER 7

Rassia

Nang makarating na kami sa Imperial Courtyard, dahan-dahang tumahimik ang paligid, parang may biglang pumisil sa ingay at pinatahimik ang lahat. Ramdam ko kung paano nagbago ang hangin, how it grew heavier with attention.

"I present to you... The Duke, Cesare Fuegoleon Quentin, and his daughter, Lady Rassia Saint Quentin. They have arrived."

Nag-echo ang boses ng herald, malinaw at matalim, sapat para hilahin ang lahat ng mata papunta sa amin.

Dahan-dahan akong humakbang kasabay ng aking Ama. I didn't look around. The stares. The whispers. The weight of their curiosity pressing against my skin.

"She looks... different from the rumors."

"She's quite a beauty..."

"The Duke is dashing as always..."

At sa bawat hakbang namin papalapit sa mga Imperial Seats, the whispers only grew louder. As if my presence alone was already a scandal they couldn't ignore.

"Is she really here?"

"I heard Lord Caspian and Lady Rassia have broken up..."

"I heard she's the same lady who caused chaos at multiple tea parties..."

Go ahead talk all you want, there's nothing you can do about me anyway. Who would dare to challenge me, the daughter of a duke? Who among you has the status, the courage, or even the right to question my presence?

"We are honored to be here, Your Majesty," Bahagyang yumuko ang aking ama, ang mga mata niya ay nakatingin sa Emperor ng may paggalang.

We stopped at the base of the grand staircase leading up to the Imperial Seats. The Emperor and Empress's thrones stood at the very center above, sa gilid nila there were three empty seats.

Bahagyang yumuko ang Emperor, may maliit at maingat na ngiti sa kanyang mga labi. "The honor is ours, Duke Quentin. Your House has always served the empire with distinction."

Luthor Maximillian IV Vacardi, The Current Emperor of Erenhal Sartorias Empire.

"Lubos ang aking pasasalamat, Your Majesty," sagot ni aking ama. "Isang karangalan ang makaharap ang inyong kataas-taasan."

Ngumiti ang Emperor, sa unang tingin ay kitang-kita na rin ang bakas ng katandaan sa kanyang mukha, ang bigat ng mga taon ng pamumuno ay nakaukit na sa bawat guhit nito.

Sandali kong ibinaling ang tingin ko sa Empress.

Mas bata siya kumpara sa Emperor, maayos ang tindig nito at kalmado ang anyo, parang sanay na sa bigat ng posisyon na hawak niya ngayon.

After the Crown Prince and Cayena's mother died when they were still children, a year later, nabuntis ng Emperor ang Fifth Concubine, the one who is now the current Empress.

Their child is Cardinal Prince Lurtheron Azul, who now serves in the temple, far from the center of court politics, his attention is more focused there than on the imperial throne.

I heard there was love between the Emperor and the Empress.

And that, in time, the Emperor chose to marry her officially, elevating her from concubine to Empress, not merely out of duty or necessity, but because of something deeper that even the court could not openly deny.

The Empress finally spoke, her voice calm yet carrying a soft authority. "Your daughter has quite a beauty. She must have taken after you."

Bahagya kaming yumuko ng aking Ama bilang paggalang, ang ekspresyon niya ay hindi nagbabago. "You honor us, Your Majesty."

A brief pause followed, before the Emperor turned his attention slightly, his tone measured but curious. "Does she have any suitors?"

"I am afraid hindi pa nagaganap ang aking debutante, Your Majesty." I replied before my father spoke.

A faint shift of interest passed through the Empress' expression, her gaze briefly landing on me. "I heard next year is your debutante."

"Indeed, Your Majesty," my father asnwered for me. "It has been scheduled for the coming year."

Sandaling nanatiling nakatingin ang Empress sa akin, bago siya bahagyang ngumiti. "Ipapakilala ko ang aking anak, si Lurtheron. He is just two years older than you."

"Your Majesty," maingat na singit ni aking ama. Ang boses niya ay kalmado ngunit malinaw ang pagtanggi. "I am honored by your thought, but I must respectfully decline."

"As my daughter is not yet ready," dagdag niya, "and she has an eye for the heir of House Laurent."

Nanigas ako sa narinig. Sa tingin ko ay ginagamit niya lang ang pangalan ni Caspian for an excuse! hindi ba nakarating sakanya ang balita ni Elena? Ganon ba talaga ako kabaliw sa paningin nila kay Caspian?! even father?!

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig at lumingon sa aking ama.

"F-father..." mahina kong bulong, agad na lumingon sa kanya. "Caspian and I have broken up..."

Ngunit huli na ang lahat, halatang narinig na iyon ng Empress.

Bahagyang tumawa ang Empress, hindi ito mapang-asar, kundi parang pinapawi ang bigat ng usapan. "Relax, Cesare. Hindi aagawin ng anak ko ang iyong anak. I'm just saying they should get to know each other. Malay mo?"

Huminga ako nang maayos bago tumingin nang diretso.

"I am honored to get to know the Cardinal Prince when the time comes and we happen to meet. However... whatever decisions my father makes for me, I will respect them, Your Majesty." I respectfully said.

Wala akong balak kilalanin ang Theron na iyon, lalo na't wala akong ideya kung anong klaseng ugali ang mayroon siya. Ang alam ko lang ay isa siyang prinsipe na nagse-serve sa temple. Wala rin itong masyadong appearances sa novel.

We are gathered here in the Imperial Courtyard, where tonight's banquet will be held under the open sky. The space has been carefully prepared for the evening's performance. Lanterns are lit, the stage is set, and every detail reflects the grandeur of the empire.

Makikita mo pa lang, everything is arranged with elegance. The atmosphere feels lively, yet composed, as if everyone is anticipating something more than just a simple celebration.

And as expected, mag-isa lang ako rito sa gilid, walang kausap, walang lumalapit.

Just like the loner I used to be back in my previous life.

That familiar feeling... it's starting to come back again.

My chest feels oddly quiet, as I stand there surrounded by people who are laughing, talking, living in their own worlds.

Sa malayo, nakita ko ang aking Ama, busy sa pakikipag-usap sa ibang Lords, as expected. He fits there effortlessly, like he belongs in every conversation and every circle.

Samantalang ako... I remain where I am, just an observer at the edge of everything.

Having a natural intimidating aura is exhausting. People will go to the wildest dreams while I'm just trying to exist. It's like no matter what I do, they already have a version of me built in their minds.

Nagulat ako nang mahagip ng aking mata si Caspian na papunta sa akin. Gago! anong ginagawa neto rito?! at bakit papunta ito sa akin!

Weirdo talaga, hindi ko talaga gets si Rassia.

Mabilis ang lakad ni Caspian habang papalapit kung nasaan ako, halos humahabol pa ang ilang mga babae sa kanya mula sa kabilang dulo ng courtyard.

"Lord Caspian!"

"Please wait—!"

"Nasaan na siya?!"

Halatang pilit niyang iniwasan ang mga ito, hanggang sa tumigil siya mismo sa harapan ko at nagtago sa likod ko na tila isa akong human shield.

Napatingin ako sa kanya, at agad na sumimangot.

"Why are you here?" Agad kong sambit.

"Doon ka nga!" dagdag kong sabi habang bahagyang inilalayo ang sarili ko sa kanya. "Baka sabihin pa nila nagkabalikan na tayo."

Sa likod namin, narinig ko pa ang mga bulungan na parang lalong lumakas dahil sa eksena namin. Caspian, meanwhile, huminga lang nang malalim at ngumiti, yung ngiting nakakainis.

"Wow," sabi niya, tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ganap na ganap ka talaga sa pag-iwas sa'kin, 'no?"

"Excuse me? Ikaw kaya 'yung tumatakas sa kanila, tapos ako pa gagamitin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Strategic positioning lang 'to," sagot niya agad, parang walang kasalanan.

"...Strategic?" ulit ko, hindi makapaniwala.

"Of course," tumango siya, parang proud pa. "You're the safest place in this entire courtyard."

"Safe?" napatawa ako nang mahina, halatang iritado. "Sa lahat ng tao, ako pa talaga?"

"Exactly," sagot niya ng mabilis. "Kasi kahit sila, takot lumapit sa'yo."

"Nakakainis ka!" namula ako at hinampas siya ng malakas. Tumawa lang ito at napahawak pa sa tiyan.

"Aray! hindi na talaga ikaw ang Rassia na nakilala ko!" Madrama niyang sambit. Hinihimas niya pa ang dibdib niya na tila siya ay nasasaktan.

Nag-iwas ako ng tingin, dahil oo. Hindi nga ako si Rassia.

All I have are her memories in this body since she was young, memories that feel like mine but never truly are.

And the worst part... I know what will happen to her five years from now, because of the novel.

I know how it starts, I know how it slowly falls apart, and I know exactly where it ends.

But even if everything is already written, I refuse to accept that ending.

I'll live this life on my own terms.

"Tigilan mo na nga ako, Caspian!" Singhal ko ng hindi pa rin ito tumigil kaka-asar sa akin.

"Pero Rassia... pwede bang dito muna ako?" Nawala ang loko-lokong ngiti sa mga labi niya at sumeryoso.

"Kasi... kanina pa nakatingin sa akin ang ama mo..."

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang aking ama, tahimik na nakamasid sa direksyon namin. Mula roon, matalim ang kanyang tingin kay Caspian habang marahang humihigop ng wine, tila sinusukat ang bawat galaw namin nang walang kahit anong bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

Ano naman kaya ang na sa isipan ng aking ama?! Kasalanan ito lahat ni Caspian!

Naagaw ng Emperor ang aking atensyon nang magsalita ito.

It was as if the air itself tightened the moment he spoke.

All the conversations, laughter, even the music slowly fading into silence.

Every gaze turned toward him, and just like that, the entire hall froze mid-motion.

Even those who had been dancing a moment ago.

Nakatayo ang Emperor hawak ang isang wine.

"I am glad to see every house present here today.

You have all answered the invitation and gathered under one roof, and for that, I extend my sincere gratitude.

Tonight marks my sixtieth year of existence, a milestone I do not take lightly, for it is not only a celebration of life, but of the empire that has endured alongside me through the years.

" Nagpalakpakan ang paligid.

"...Each of you here represents the strength, loyalty, and history of your respective houses, and it is in moments like this that we are reminded that the empire does not stand because of one crown alone, but because of the many hands that uphold it." He continued.

"And now, to bring further joy and to honor tradition as it has always been upheld in this very courtyard-" Hindi natapos ang sasabihin ng Emperor nang may narinig kami.

Natigilan kaming lahat ng makarinig na tila ingay mula sa langit.

Lahat ay napasigaw sa gulat. At napatingin sa langit.

Agad na kumilos ang Imperial Knights at nagkalat sa bawat sulok, habang mga mage ay mabilis na pumuwesto sa paligid ng Emperor at ng Empress, handang protektahan ang mga ito.

Isa-isa ring lumitaw ang mga magic circle sa kanilang mga kamay, kumikislap sa magkakaibang kulay na pula, berde, asul, o kulay lupa.

Alam ko agad na hindi ito basta ingay. Isa itong nilalang. Malayo pa ito, ngunit malinaw ang bigat ng presensya nito, at mas lalong bumibigat ang kaba sa dibdib ko habang papalapit na ito!

Lalong lumalakas ang ingay. Hindi lang ito malakas, kundi matalim, parang hinihiwa ang hangin sa bawat pag-alingawngaw. Kahit takpan ko pa ang aking tenga, hindi ito sapat para pigilan ang sakit na dulot nito.

The hall, the voices, even the Emperor's presence, all of it blurred into nothing. All I could feel was that unbearable, screeching pressure, like the air itself was screaming at me.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung ano ang lumilipad sa langit.

"What the fuck! A dragon!" sigaw ni Caspian sa gilid ko, agad akong hinila papalapit sa kanya, instinctively shielding me.

A-a dragon?!

Napakalaki nito! hindi ko agad ma-process ang nakikita ko! Biglang umihip ang malakas na hangin, sapat para guluhin ang buhok at mga kasuotan ng lahat. Napalunok ako, nanlalamig ang kamay, hindi ko alam kung gagalaw ba ako o mananatili na lang sa kinatatayuan ko.

Parang sabay-sabay kaming napalunok ng buong bulwagan, lahat nakatingala, walang nagsasalita, tanging ang halimaw na iyon ang laman ng paningin namin.

The dragon is massive.

Kung ikukumpara sa taas ng palasyong ito... hindi hamak na mas malaki pa ito. Para bang kaya nitong lamunin ang buong lugar nang isang galaw lang.

It's a black dragon.

Madilim ang kulay nito, na parang gabi. There's a royal purple mana, making its entire form visible even against the dark sky.

Nakakatakot!

Hindi ko mapigilan na mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin kong diretsong papunta ito rito!

"S-shit!" sigaw ko, napahawak ako kay Caspian nang hindi ko namamalayan.

Napalingon ako sa aking ama pero taliwas sa inaasahan ko, wala man lang bakas ng pag-aalala sa kanyang mukha. Tahimik lang siyang na nakatingin sa akin, kalmado ito, na para bang binabantayan lang ang bawat galaw ko. Wala lang ba sa kanya ang dragon na iyon?!

Napatingin din ako sa Emperor. Hindi rin ito natatakot. Sa halip, para bang hinihintay pa niya ang pagbaba ng halimaw mula sa langit.

Biglang napahiyaw ang lahat nang tuluyan nang bumaba ang dragon. Umalingawngaw ang malakas na hangin sa buong courtyard habang dahan-dahan itong lumapag at sa harap ng aming mga mata, unti-unti itong lumiit, nagiging sapat para magkasya sa espasyo.

Pero hindi iyon ang pinakanakakagulat. May nakasakay dito.

Isang lalaki. Tila siya ang may kagagawan kung bakit nagbago ang laki ng dragon.

Even if the dragon had already shrunk compared to earlier, it was still massive.

Lumalagpas pa rin ang ulo nito sa mga pader na nakapaligid, an overwhelming presence that refused to be ignored.

Hindi pa rin bumabagal ang tibok ng dibdib ko, lalo na't napakalapit nito sa direksyon namin ni Caspian.

Nanahimik ang lahat nang tuluyan nang bumaba ang lalaking nakasakay sa dragon. Hindi ko makita kung sino siya. Natatakpan siya ng itim na cloak, sapat para itago ang kanyang mga mata at halos kalahati ng kanyang mukha.

Bahagya akong napasinghap at mas lalong napakapit kay Caspian nang dahan-dahang lumingon ang ulo ng lalaki sa direksyon namin.

Kung bibilangin... limang segundo iyon.

Hindi ko masabing nakatingin siya sa amin, hindi ko man lang makita ang kanyang mga mata. Ang tanging malinaw kong nakita... ay ang matangos niyang ilong, at ang kanyang mapupulang labi.

Nang tuluyan siyang humarap sa Emperor, nakita kong bahagyang ngumisi ang lalaki.

Napakunot ang noo ko.

Bakit...?

Bakit ganoon lang ang reaksyon ng aking ama? at Bakit tila walang kahit anong pag-aalala ang Emperor?

He's so suspicious.

Mas lalo akong natigilan sa sumunod kong narinig.

"All hail Vincenzo Amadeus of House Vacardi, the Crown Prince of the Sartorias Empire, the Blood Dragon, the undefeated blade, the protector of the realm... and the man who ended a war with nothing but steel."

"I am honored... for the prince has arrived." The Emperor smirked.

Vincenzo...?

T-the Crown Prince?!

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.