CHAPTER 12
Rassia
"No."
"But father!"
My Father, the Duke, leaned back in his chair, narrowing his eyes at me.
I don't get why Father is being like this.
My late Mother was also a Swordwoman, someone who stood on the battlefield with a blade in her hand and pride in her name.
If she was allowed to fight, if she was strong enough to be remembered that way, then why am I being treated like I am not even allowed to try?
"Rassia... that is not something I can simply allow. You are not ready, and a daughter of this house shall not throw herself into combat."
"I don't care about being ready! gusto kong matuto!" I shot back, stepping closer, and my fists clenched.
"Enough! You have no mana, Rassia. You are human and fragile!" napahilot sa sintido ang aking ama.
Bakit ba ganito ang aking ama? Hindi ba pwedeng suportahan na lang niya ako sa mga gusto kong gawin, kahit minsan lang, kahit hindi niya lubos maintindihan?
Bakit laging may hangganan ang mga gusto ko sa mata niya, parang bawat hakbang ko ay kailangang sukatin muna kung naaayon ba sa inaasahan ng iba?
Ako ba ay anak niya, o isa lang akong responsibilidad na kailangang protektahan at kontrolin?
"Father! that is the point! wala akong mana at kahit anong kapangyarihan. How can I even protect myself, huh?!"
"Rassia, first you are throwing tantrums about that stupid tiara and now this? Just stop talking nonsense and go back to your room and sleep." huminga ng malalim ang aking ama at umiling.
"Lady Rassia, you are a lady. It is not appropriate for a lady to hold a sword." one of the commanders interrupted.
"My lady, you should just focus on learning etiquette and leave combat to those born for it." another said, carefully avoiding my gaze.
"My lady, the sword will only bring harm to your reputation and place you in unnecessary danger,"
"My lady, it is not your role to stand on the battlefield when there are knights sworn to protect you,"
I see.
Napailing ako sa narinig. Bumigat ang hangin na tila sumiksik sa bawat sulok ng silid. Isa-isa silang nagsalita, pero iisa lang ang mensahe, pare-parehong hangganan, pare-parehong tanikala na pilit nilang sinasambit sa akin.
In a world built under patriarchy, most men see a woman not as someone who can choose her own path, but as something that must be placed, safe, quiet, and controlled.
A name to be protected, not a soul to be trained.
A figure meant to stay behind walls while others write history outside.
At sa mata nila, ganoon din ako.
Isang babae. Isang bagay na hindi dapat humawak ng espada, hindi dapat mangarap ng digmaan, at hindi dapat lumaban para sa sarili.
What a sad reality.
Just because I am a woman doesn't mean I am fragile. Doesn't mean I am weak, or incapable, or destined to only stay behind walls while others fight my battles for me. It doesn't erase my will, my mind, or the fire that burns inside me every time they try to silence what I want.
Dahan-dahan akong lumingon sa apat at tinaasan ko ng kilay. I feel my rage through my veins.
"You, men have no right to tell me what to do just because I am a woman!" I glared at them.
The room went silent.
One of them stiffened, eyes widening slightly as if my voice had struck harder than any blade. One of them stepped forward, panic flickering across his face.
"N-no, ang ibig namin sabihin ay-"
"I don't care about your nonsense," I cut him off sharply, I keep my voice steady despite the storm in my chest. "Get out of this room. I wish to speak to the Duke in private."
The commanders exchanged uneasy glances. One by one, they lowered their gazes, bowed their heads, and began to leave the room without another word.
As the door closed behind them, silence swallowed everything.
Napatingin ako ulit sa gawi ng aking ama. Tinanggal niya na ang kanyang salamin at dahan-dahang pinunasan iyon, para bang sa simpleng galaw na iyon ay sinusubukan niyang itago ang bigat ng usapan.
"Rassia... I am not allowing it just because you are a woman. I know you are capable of doing things. I just... want to protect you."
Humigpit ang kanyang boses sa huling salita, mas mababa, mas mabigat na parang doon nakasiksik ang lahat ng hindi niya masabi nang direkta.
"... and you think lacking mana makes you suited for a sword? It makes you more vulnerable, not less." he added.
"I don't care, father."
Tumalim tumingin kanyang tingin sa akin.
"You do not understand what you are asking. The world outside this office does not forgive recklessness. A blade will not protect you if you cannot even sense mana pressure."
Parang bawat salita niya ay pader na isa-isang bumabagsak sa harapan ko, sinasadyang harangan ang kahit anong daan palabas.
"But father-!"
"I will not allow it. End of the discussion."
Napayuko nalang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri.
"Father... then why don't I have mana?"
My father, the Duke, went silent. His expression softened like something inside him had cracked the moment those words left my mouth.
I stepped forward a little.
"I'm a Quentin," I continued, my throat tightening.
"I'm your daughter... and I have no mana at all. Not even a trace."
Mas humina ang boses ko, pero mas tumalim ang sakit sa bawat salitang binitawan ko.
"So tell me, Father... bakit wala akong kapangyarihan?"
Umiwas ng tingin ang aking ama, tila may malalim na iniisip. Hindi siya agad sumagot, at sa katahimikang iyon, mas lalo kong naramdaman na may bagay siyang itinatago.
Is he hiding something?
"Tell me the truth, Father. Am I adopted?" I asked, nararamdaman ko ng nangingilid na ang aking mga luha.
Iyon lang ang paliwanag na naiisip ko. Isang dahilan na kahit papaano ay may saysay.
"That would explain everything..." mahina kong tugon sa sarili.
"No! Rassia! You are my flesh and blood, believe me! It's just that..." mabilis nitong tugon ngunit nag-iwas itong muli ng tingin at hindi natapos ang sasambitin.
"I... I myself don't know, Rassia."
Mahina ang boses niya, halos parang ayaw niyang marinig kahit ng sarili niya ang sagot.
Napatingin ako sa kanya. Alam kong may itinatago ang aking ama. Hindi man niya sabihin, ramdam ko iyon sa bawat pag-iwas niya ng tingin, sa bawat sagot na kulang at bitin. At mas lalo lang akong kinikilabutan sa katotohanang iyon.
Kailangan kong malaman iyon. Kung hindi niya ito sasabihin... gagawa at gagawa ako ng paraan para malaman ang katotohanan.
Dahil kung ang katotohanan ay tungkol sa kung sino ako…
Wala silang karapatang ipagkait iyon sa akin.
Sa ngayon, gusto ko munang makapag isip-isip.
I decided to lock myself in my room for a week.
I told Elena that I wanted to be alone that I didn't want to be disturbed and she didn't ask any more questions.
She simply nodded, and carried on with her duties without a word.
Alam niyang wala ako sa mood para mag kwento.
Elena only came to bring my food and prepare my bath.
I just want to breathe.
Napatingin ako sa malaking salamin na malapit sa kama ko, at doon ko nakita ang sarili ko.
I look like a mess.
Maputla ang balat ko, parang naubos ang kulay ko kasabay ng mga araw na hindi ako lumabas.
Maputla rin ang aking mga labi, bitak-bitak at tuyo na para bang nakalimutan ko na ring alagaan ang sarili ko.
May mabibigat na eyebags sa ilalim ng aking mga mata, bakas ng mga gabing hindi ako nakatulog nang maayos.
Ang dark red kong buhok, na dati'y maayos at maaliwalas tingnan, ngayon ay magulo at halos bumabalot na sa mukha ko na parang sinasalamin din ang kaguluhan sa loob ko.
Nakaupo ako sa kama, at nakatingin lang sa bilog na buwan. Tahimik ang paligid, at tanging liwanag lang nito ang bumabagsak sa silid ko, parang pilit akong kinakausap kahit wala akong gustong marinig.
May pagdaramdam pa rin ako sa aking ama dahil sa mga sagutan namin. Kahit alam kong may malasakit siya, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na parang may pagitan pa rin sa amin na hindi madaling tawirin.
Hindi ko alam kung ilang oras akong ganito. Nakaupo lang. Nakatulala. Hindi gumagalaw.
Hanggang sa unti-unting nagbago ang kulay ng langit.
Dumating ang madaling-araw.
Suminag ang araw.
Dahan-dahang nilalamon ang dilim na kanina lang ay kasama ko.
Maya-maya pa ay may ilang katok akong narinig. It was probably Elena.
Nagtaka ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng aking silid. Hindi ito ginagawa ni Elena, as long as I give her the permission to enter.
Dahan-dahan akong lumingon.
At doon ko nakita ang pigura ng aking ama.
Am I hallucinating? Why is he here?
"F-father?" tanong ko, halos hindi ko maiproseso ang presensya niya sa loob ng silid ko.
He looked at me for a moment bago siya huminga ng malalim.
"These are letters for you, Rassia. I informed your friends you are unwell for a week. The Princess is worried about you. Get up and hang out with them." Inabot niya ang mga sulat.
I blinked.
I just stared at the letters.
Father sighed and simply placed them on my bed when I didn't move.
Really? Bakit kailangan pa na siya mismo ang magdala nito rito? May Head Butler naman kami. May mga servants. Seriously? Father?
Mas gugustuhin ko pa na turuan niya nalang ako ng espada.
"If you have no energy to hang out with them, go shopping. I will send one of the commanders to accompany you..." he paused, and for a moment, his eyes softened as they landed on me. "Just stop isolating yourself, Rassia. It is not healthy..."
Father won't admit it but I feel that he's worried about me.
Minsan napapaisip ako, kung ganito kaya ang trato ng Duke kay Rassia sa novel, hindi kaya nabago ang lahat? Hindi kaya hindi na umabot sa ganoon ang mga plano at kasamaan niya?
Kasi kung tutuusin, the reason why Rassia turned out that way was because of the people around her. The way they treated her, the way they limited her, the way they made her feel small, paulit-ulit, hanggang sa unti-unti siyang nagbago.
Hindi naman siguro siya ipinanganak na ganoon.
Ginawa siya ng mundo na ganoon.
Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nagbago sa aking ama. Simula nang makauwi siya rito, iba na ang pakikitungo niya sa akin. Mas maingat. Parang may binabawi siyang pagkukulang na hindi niya sinasabi nang direkta.
He treats me differently now... as if he actually loves me.
At doon ako mas nalilito.
Kasi kung ganito pala siya... bakit sa kwento, hindi niya ito nagawa?
"I'll go shopping, Father." tipid kong sagot sa aking ama at tumingin muli sa mga bintana.
"Good." tipid din nitong sagot, at dahan-dahan nang tumalikod.
Ngunit huminto ito saglit, "Rassia, I believe time will tell you everything..."
Bago pa naman ako makapagsalita ay nakaalis na siya.
Nagulat ako sa kanyang mga sinambit. Sa katagang iyon ay nakumpirma ko na may itinatago nga talaga sa akin ang aking ama. Alam kong hindi ito nagawang malaman ng Rassia ng na sa novel na nabasa ko.
Kailangan ko nang kumilos. Hindi ako pwedeng manatiling nakatulala lang dito at nakakulong sa sarili kong iniisip.
Huminga ako nang malalim at pilit inaayos ang sarili.
Ang totoo, hindi ako mag s-shopping. Pupunta ako sa isang local market, hindi para mamili ng mga damit o alahas, kundi para hanapin ang mga artifact, mga lumang bagay na may dalang misteryo, mga kagamitang tutulong sa akin malaman ang aking mga katanungan.
Alam kong naroon ang susi kung paano ko mahahanap ang sagot sa aking mga katanungan.
Napadako ang tingin ko sa mga liham na nakapatong sa aking kama.
Hindi ko man gustong harapin ang lahat ngayon, hindi ko rin pwedeng basta na lang iwasan ang mga taong nag-aalala para sa akin.
Nakakapagtaka na maraming lih
am doon dahil wala naman akong mga kaibigan, siguro kumalat ang balita dahil kay Elena.
Alam kong si Hyacinth at Cayena lang ang sinabihan ng aking ama.
Napailing nalang ako at bahagyang ngumiti.
Ang liham ni Hyacinth at ni Cayena lamang ang bubuksan ko.
?My Dearest Friend, Lady Rassia,
?I was so worried to hear that you haven't been feeling well lately. I truly hope you are resting comfortably and starting to feel better.
?Since our house still have one month left here before returning to Oskandor, I am very anxious to see you again.
I would love to invite you to a tea party this Saturday.
I truly hope you can make it, but please let me know if another day works better for you, I am happy to reschedule to suit your schedule.
?Thinking of you,
?Lady Hyacinth Jayselle Awla Anarov
Dear, Lady Rassia
I heard you've been unwell lately, and I just wanted to reach out.
I don't know exactly what you're going through, but I want you to know that you don't have to carry it alone.
It's okay to take space when things feel heavy, but please don't let that space turn into silence that hurts you more.
People still care about you, even if it doesn't always feel that way.
Lady Hyacinth will be hosting a tea party this Saturday, and I sincerely hope you will come.
Your friend,
Cayena
Napangiti ako sa aking mga nabasa. Words can really comfort you. Isang gabi lang kaming nagkita, ngunit agad ay naging magaan ang loob ko sa kanila. Sana maging maganda ang samahan namin, hindi yung pilit, kundi natural na unti-unting nabubuo.
They won't turn against me... right?
They seemed kind. Warm, even. The kind of people who smile easily and speak gently, as if they already understand you a little.
But still…
What if I'm wrong?
I shook the thought away and exhaled slowly. I don't want to push them away before they even have the chance to stay. If anything, I should give it time. Let things unfold naturally. Let their actions prove what their words already suggested.
For now... I'll just take it one step at a time.
Napatingin pa ako sa ibabaw ng kama, sa dami ng mga liham na halos nagkalat roon, hindi ko na makita ang mga liham nina Freya at Athena sa sobrang dami. Magpapaliwanag na lang ako sa kanila kapag nagkita kami.
Sinagot ko ang kanilang mga liham at nagpasalamat sa paanyaya, ngunit sinabi kong hindi ako makakapunta. Bukas na pala ang Sabado, at nakaplano na ang pagpunta ko sa local market.
Ngayon, kailangan ko munang ayusin ang sarili ko. Huminga ako nang malalim at tumingin sa salamin. Magulo ang buhok ko, maputla ang balat, at para bang ilang araw ko nang kinalimutan ang sarili ko.
Ayokong lumabas na mukhang mangkukulam.