CHAPTER 13
Rassia
I looked at myself in the mirror. Maingat ang pagkakalagay ng light makeup sa aking mukha, sapat lang para buhayin ang kulay ko. May bakas pa rin ng eyebags sa ilalim ng aking mga mata, ngunit natakpan na iyon ng concealer. At kahit anong isuot ko ay babagay at babagay sa akin.
I was wearing a sleeveless white turtleneck dress, simple at first glance but the open back gave it a quiet boldness.
The fabric hugged my body perfectly, tracing my curves as if it was made just for me.
Sa bandang leeg, may pulang diamond na jewel na nakaukit sa tela, kumikislap nang marahan sa bawat galaw ko.
Pinartneran ko ito ng white lace gloves, adding a touch of elegance. My outfit today is simple.
Pero kapansin-pansin pa rin ako. Kaya naman kinuha ko ang burgundy cloak at isinuot iyon sa aking balikat. Tinakpan nito ang karamihan sa aking itsura at nilulunod ang presensya ko sa mas madilim na kulay.
Ayokong pinagkakaguluhan ako roon.
Ngayon, ang pinoproblema ko ay ang mga knights at ang isang pasakit sa ulo na commander. Ayon sa aking ama, kailangan ko raw mamili sa apat na kaharap ko ngayon kung sino ang isasama ko. Nakahilera sila sa harapan ko at tuwid ang tindig,
Sila rin ang mga kameeting ng aking ama noong isang araw.
Inaamin ko, may mga itsura rin sila.
"I am Commander Valentino, My Lady." sambit ng isang walang ekspresyon ang mukha.
Napunta agad ang tingin ko sa kanya.
Valentino looked nonchalant, halos parang wala siyang pakialam sa paligid.
Tahimik lang siya at parang isang estatwang bihirang gumalaw kung hindi kinakailangan.
May itim siyang buhok at dark purple eyes na tila walang ibinibigay na kahit anong emosyon.
Matangos ang kanyang ilong, at ang kanyang mga labi ay bahagyang makurbang parang likas na seryoso.
Maputi ang kanyang balat, at kahit wala siyang ginagawa, may presensya siyang hindi mo basta-basta maiwasan.
"I am Commander Agostin, Lady Rassia." sambit naman ng isa, sabay kuha ng kamay ko at marahang hinalikan iyon.
Tinaasan ko siya ng kilay at agad kong inilayo ang aking kamay. Ngumiti lang siya. Ang kanyang mga ngiti ay halatang sanay mang-asar. I'm pretty sure Caspian and him will get along.
He looked like a fuckboy. May aura siyang parang laging nasa gulo pero siya pa rin ang pinakanakakatawa sa grupo.
Malapad ang kanyang pangangatawan, he also has a tan skin, at may isang peklat na pababa sa kaliwang mata niya ngunit lalo lang nitong dinagdagan ang kanyang charisma.
May dark gray siyang buhok at gray eyes na tila laging may kalokohan sa likod.
"C-Commander Finn here, My Lady..." mahina namang sabi ng katabi ni Valentino.
Dumako ang tingin ko sa kanya.
Mukhang mahiyain ito, halos hindi makatingin sa akin, at halatang namumula pa.
He looked... cute. Sa tingin ko, siya ang pinakabata sa kanila.
May curly yellowish blonde hair siya at blue eyes na parang hindi sanay sa ganitong sitwasyon.
Maputi rin ang kanyang balat, at kahit ganoon, matitipuno rin ang kanyang pangangatawan, hindi lang halata dahil sa kanyang kilos.
"Commander Owen, My Lady." pakilala naman ng huli, ang katabi ni Agostin.
Sa kanilang apat... siya ang pinakanormal.
May maliit na ngiti sa kanyang labi, sapat lang para magmukhang approachable pero hindi rin sobra.
Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. May itim din siyang buhok, tulad ni Valentino, pero ang kanya ay mas madilim tingnan.
His eyes are green and observant. Maputi rin ang kanyang balat.
Napansin ko rin na napapatingin sakanila ang ilang maids sa gilid. Bigla silang naging abala sa kung anu-anong gawain malapit sa amin, halatang naghahanap lang ng dahilan para makasilay. May mahihina pa akong narinig na tili at bulungan.
My choice is either Owen or Valentino. Sa kanilang dalawa, sila ang may pagkamatino. Hindi magulo. Hindi maingay.
But I think...
I will take Finn.
Sa kanilang lahat, sakanya lang ang ako mukhang magiging komportable. Mukhang hindi siya masyadong mapanghimasok, at higit sa lahat hindi siya mukhang magtatanong ng sobra dahil mukhang mahiyain ito.
"Walang magandang idudulot sa'yo ang tatlo, Lady Rassia..." maangas na sambit ni Agostin.
"Mga pasakit lang 'yan, kaya ako na lang ang isama mo..." dagdag pa niya, may halong kumpiyansa sa tono.
Tiningnan ko lang siya at inirapan. Nakita kong mas lalo lang siyang ngumiti, parang mas natuwa pa sa reaksyon ko.
That alone was enough reason not to choose him.
Baka makasagabal lang siya sa mga plano ko.
At isa pa, kailangan ko rin ng madaling takasan.
At sa kanilang apat, mukhang si Finn ang pinaka-perpekto para doon.
"Shut the hell up, Agostin." napatingin ako nang makita kong siniko ni Owen si Agostin, halatang napipikon na sa kadaldalan nito.
"I'm fine with Finn. Let's go now," matipid kong sambit bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa karwahe.
"Luh! Bakit ikaw, totoy?!" rinig kong reklamo ni Agostin mula sa likuran.
"Jackass, maghahanap ka lang ng mga babae roon." rinig kong sambit ni Valentino.
Hindi ko na sila pinansin.
Pagdating ko sa karwahe, agad akong inalalayan ni Finn, maingat ang galaw na parang natatakot magkamali.
"I-it is an honor to accompany you, My Lady..." mahina niyang sabi, may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi, ngunit halata pa rin ang pamumula ng kanyang mukha.
Saglit ko siyang tiningnan bago ako tuluyang sumakay. Nang makapasok ako sa loob, akala ko ay susunod siya. Ngunit hindi.
Mabilis niyang isinara ang pinto ng karwahe, saka agad na sumakay sa kanyang kabayo.
I think I made the perfect choice by choosing Finn.
Pagdating namin sa local market, napansin ko agad ang mga nagtatakang tingin ng mga knights kung bakit kami naririto at hindi sa mga magagandang boutiques. Paano ko kaya tatakasan si Finn at ang limang knights na 'to?
"M-my lady, are you sure we are in the right place?" bulong ni Finn sa tabi ko, habang palinga-linga pa sa paligid na para bang anumang oras ay may mangyayaring gulo.
Mali pala ang naisip ko. Mapagtanong pala siya.
"Yes, Finn. Just shut up and follow me." mataray kong sagot, at hindi ko na naitago ang inis ko nang maalala ang kaniyang sinabi sa opisina ng aking ama.
Kailangan kong ipakita sa kanila na may tunay akong pakay dito. Hindi pwedeng mahalata nila na may tinatago akong plano.
Una, pumasok kami sa isang tindahan ng mga ibon.
Agad akong tumingin sa paligid, hanggang sa napagdesisyunan kong bumili ng ibon. Plano ko na talaga ang mag-alaga ng ibon noon pa, hindi ko rin alam kung bakit, pero may parte sa akin na naaakit sa kanila.
Pagpasok pa lang namin, biglang nag-ingay ang isang parrot, malakas at walang pakialam.
"Beautiful! Pretty! Beautiful!" paulit-ulit na sigaw ng parrot habang kumakampay sa loob ng hawla.
Napangiti ako nang hindi ko inaasahan. So, may magandang mata pala ang ibong ito. Alam niya kung sino ang bagong amo niya, huh?
"I see," mahina kong sabi habang bahagya akong lumapit sakanya. "Bibilhin kita."
Agad na nag-ayos ang tindera at tinapos ang transaksyon, habang ang parrot ay patuloy lang sa pag-ingay na parang tuwang-tuwa pa lalo.
Sa gilid ko, naramdaman ko ang mga tingin ng knights na mas alerto ngayon kaysa kanina. Halatang hindi sila komportable sa lugar at ano mang sandali ay baka mawala ako.
Pangalawa, inutusan ko ang mga knights na magbigay ng mga gold coins sa mga nanlilimos.
Hindi dahil gusto kong magmukhang mabuti sa kanila. Kundi hindi ko kayang balewalain ang mga nakita ko. May mga bata sa gilid ng kalsada na payat, marumi, halos buto at balat na lang ang natira sa kanila. Saglit akong natigilan habang nakatingin.
Kahit sa ganitong lugar, may ganito pa rin.
"Hindi ako ang nag bigay nito, bata... siya ang nag utos ibigay sa'yo iyan..." yumuko si Finn at itinuro ako.
"T-talaga p-po ba, kuya?" sambit ng bata. "S-salamat po-" hindi na natapos ang sasabihin ng bata ng lumingon ito at natigilan nang makita ako.
Nakita ko ang bata na nagulat sa akin. Nagtaka ako dahil itinuro niya sa akin ang kanyang daliri na tila natatakot at nanginginig.
Maya-maya pa ay tumakbo ito. Tumingin pa ako at ang mga knights sa aming likod kong may pigura ba roon na nagpatakot sa bata ngunit wala.
Tila natakot ata ito sa presensya ko.
"N-natakot ata sa'yo, Lady Rassia," umiling-iling na sambit ni Finn.
"It's alright. At least he can buy something..." tugon ko, nananatili ang tingin ko sa dulo ng eskinita kung saan nawala ang bata.
"Pero may potensyal ang batang iyon..." bulong pa ni Finn, halos para sa sarili niya lang.
Napalingon ako sa kaniya, bahagyang nakakunot ang noo. "Why?"
"Ah... kasi," sagot niya habang bahagyang tumatango, "naramdaman ko ang mana pressure niya nang mahawakan ko ang kamay niya, Lady Rassia."
Uminom ako ng tubig bago muling nagsalita. "Anong kakaiba sa mana pressure niya?"
"Masyadong malakas. Hindi normal para sa isang batang kalye."
Natigilan ako sandali. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kuryosidad ang biglang kumapit sa isip ko.
"I see..." mahinang sambit ko. "If he receives proper food, training, and education, he can become a powerful mage."
Napahinto ako sa sariling iniisip.
Kailangan ko ng mga taong malalakas sa hinaharap.
Hindi pwedeng umasa lamang ako sa mga tauhan ng aking ama na mga taong hindi ko naman lubos kilala, at hindi ko alam kung kailan ako pagtataksilan.
Kung makakakuha ako ng mga taong katulad niya.
.. mas lalaki ang tsansa kong makaligtas sa hinaharap.
At kung tama si Finn, kung talagang ganoon kalakas ang mana niya, sayang kung hahayaan ko lang siyang mawala sa lansangan.
"I agree, My Lady." mahinang sang-ayon ni Finn. "Sayang lang ang ganung potensyal kung pakalat-kalat lang dito."
"Right, Finn," dagdag ko habang inabot sa isang knight ang water bottle na walang laman. "So take him to Quentior Palace. Inform the Head Butler to provide his education and needs. When he reaches the right age, he will start working for the dukedom."
"...And he will work for me." I added.
Alam kong may nakitang kakaiba ang batang iyon sa akin. At kailangan ko rin iyong malaman.
Natigilan si Finn at agad na napalingon sa akin, parang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sa likuran niya, napansin ko rin ang limang knights na nagkatinginan at halatang pati sila ay nabigla.
"W-what? My Lady?" pautal niyang sabi. "Are you sure? We cannot just trust anyone, even if he's a kid. Lady Rassia, I must inform you that every knight in the dukedom must meet strict qualifications before being accepted."
Pinanatili ko ang kalmado kong ekspresyon. "What qualifications?"
Saglit siyang natigilan, parang nag-aalangan pang sabihin.
"At least... they must be born of a recognized knightly bloodline."
Sandaling katahimikan ang bumagsak sa pagitan namin.
"Then I will buy him an identity." tumango ako na parang wala lang.
Mas lalong nanigas si Finn. Kitang-kita ko kung paano siya napakurap, bago umiwas ng tingin na parang may bigat na hindi niya alam kung paano sasabihin.
"My gut feeling," dagdag ko nang mahinahon ngunit diretso, "is I can use him in the future."
"U-understood, My Lady."
Wala na rin nagawa si Finn kaya't inutusan niya ang dalawang knights na hanapin ang batang iyon. Tatlong knights at isang commander nalang ang narito. I have to get rid of them.
Narinig ko na may isang hidden artifact store raw sa lugar na ito. Kung totoo iyon, doon ako pupunta. Ngunit ang mas mahalaga, kailangan kong alisin ang mga matang nakabantay sa akin bago pa nila mapansin ang plano ko.
Kaya't sinadya kong pumasok sa mas mataong bahagi ng local market. Mas maraming tao. Mas maraming gulo. Mas madaling mawala.
"Go, fetch me another water bottle," utos ko sa isang knight.
"Go, buy those cupcakes for me. I will give them to Elena."
"Can you ask the merchant how they make those things?"
Hanggang sa si Finn na lang ang natira sa tabi ko.
"Lady Rassia, dito ka lang sa tabi ko," mahinahon ngunit mariin niyang sabi.
"Of course," sagot ko.
Naglakad kami papunta sa mga prutas. Nang makarating kami roon ay sinadya kong matisod para malaglag ang mga prutas na nakadisplay doon.
"Ay nako! mga hindi nag i-ingat! ay kamahal mahal ng mga prutas sa panahon ngayon!" sigaw ng tindera at nakatingin sa akin.
I hate the way she stares at me, pero isasawalang bahala ko nalang iyon.
"Oh my! I'm sorry! hindi ko sinasadya! Finn, help her!" I acted.
Agad naman tumulong si Finn at pinagkukuha na ang mga prutas na nagsilaglagan. Nang makayuko si Finn ay agad akong umalis doon.
"L-lady Rassia?" narinig kong tawag ni Finn na may kaba.
Halatang napansin na nito ang pagkawala ko. Humigpit ang hawak ko sa aking cloak, at bahagyang napangiti.
Too late.
"Do you perhaps know an artifact store here somewhere?" tanong ko sa matandang babae na nagbebenta ng dyaryo.
Sandaling natigilan ako nang mapansin ang mga headline sa mga dyaryo. Nandoon ang pangalan ko. At pati ang kay Vincenzo. So we are still relevant?
The Crown Prince Prevents Lady Quentin's Fall During the Emperor's 60th Birthday Celebration at the Imperial Hall.
The Crown Prince's Dragon Draws Attention at State Celebration in Imperial Banquet.
Napailing ako nang bahagya. He is really popular.
"Anong klaseng artifact ba ang hanap mo, iha? 'Yung mga normal ba, o 'yung may mga salamangka?" tanong ng matanda, ibinaba ang dyaryo at tinitigan ako.
"Yung may salamangka, ho."
Bigla siyang luminga sa paligid, parang tinitiyak na walang makakarinig. Lumapit siya nang kaunti at bumulong.
"May underground dito, iha. Punta ka sa casino na iyon." Itinuro niya ang isang malaking gusali sa hindi kalayuan. "Doon ang daan papunta sa hidden artifact store."
Humigpit ang tingin ko sa direksyong iyon.
"Pagkababa mo roon, madilim ang sasalubong sa'yo. Pero diretso ka lang. Makikita mo rin ang daan," dagdag niya.
"Salamat ho," sabi ko, bago ako huminto. "Matanong ko lang... bakit nakatago iyon?"
Bumuntong-hininga siya, bahagyang lumayo muli.
"Iba't ibang klaseng mahika ang naroon, iha. Hindi kaya ng normal na tao ang enerhiya doon. Kaya itinago. Para hindi mapahamak ang mga walang kakayahan."
Napalunok ako nang marinig iyon. Shit. Wala akong mana. Kung mamalasin nga naman. Sana pala ay isinama ko nalang si Finn.
"Eh... kumusta naman po ang nagbabantay doon?" tanong ko pa, kahit alam ko nang hindi ko dapat itanong.
"Hindi ko alam. Pero ang sabi ng iba... nakakatakot daw ang imahe. 'Yung iba naman, parang hindi raw tao ang nagbabantay."
Napalunok ako sa aking mga narinig. Ngunit hindi ko hinayaan na kainin ako ng takot. Kailangan kong pumunta roon. Tahimik akong napatitig sa casino sa malayo. Hindi ito simpleng lugar. Delikado roon.
Humigpit ang hawak ko sa aking cloak.
I should take the risk if I want my questions answered.