CHAPTER 14

Rassia

Pagkapasok ko sa casino, hindi ko inaasahan na ang daming tao sa loob. Para lamang itong isang normal na casino, walang kakaiba sa unang tingin na parang imposible na may nakatagong artifact store sa ilalim nito.

Maraming tao ang abala sa pagsusugal gamit ang baraha.

May mga nag-iinom din sa gilid, habang ang usok mula sa tobacco ay bumabalot sa buong lugar.

Naghahalo ang amoy ng alak at sigarilyo, at nakakahilo sa kapal.

Sa di kalayuan, napansin ko pa ang isang lalaki na tumataya ng napakaraming ginto, parang wala itong pakialam sa halaga nito.

Ilang sandali pa, bigla itong nagdabog nang malakas, halatang natalo. Napailing na lamang ako.

Napatigil ang lahat at napalingon sa kaguluhan.

Kitang-kita ko ang lalaki na galit na galit na ibinuka ang kanyang mga palad. Lumitaw ang isang asul na magic circle sa harap niya.

"H-Hindi ito maaari!"

Itinaas niya ang kanyang kamay, at biglang ang mga matatalim na bagay sa paligid ay umangat sa ere, nakatutok sa kanyang kalaban. Umiilaw rin ang kanyang mga mata ng kulay asul na halatang puno ng galit. Sa tingin ko ay lasing ito kaya nagtaya ng napakalaking halaga ng ginto.

"You fool! Tanggapin mo na talunan ka lang!"

Hindi nagpaawat ang kanyang kalaban. Naglabas rin ito ng magic circle, ngunit kulay berde. Sa kanyang mga palad, handa nang kumawala ang isang energy blast, na nakatutok sa galit na kalaban. Mukhang lasing din ito.

Napatingin ako sa paligid. Walang tumutulong. Walang umaawat. Tila normal lang sa kanila ang ganitong kaguluhan. Bumalik pa sila sa kani-kanilang ginagawa na para bang walang nangyayari.

Seriously? These people are not normal. Dapat may pumipigil dito.

Maya-maya pa, may dumating na isang lalaki.

Sobrang tangkad niya na hindi na normal. Malapad ang katawan niya at halos kalahati ng espasyong ito ay parang sakop niya. Mabigat ang presensya niya, parang biglang lumamig ang hangin sa paligid.

Habang papalapit siya sa dalawang nag-aaway, ay biglang lumindol. Yumanig ang buong paligid.

Umuga ang mga mesa. Gumalaw ang wall clock sa gilid. Narinig ko pa ang pag-alog ng mga bote ng alak sa display, ngunit hindi ito bumagsak tila may salamangkang pumipigil upang hindi ito mabasag at mabagsak.

Mukhang ang lalaking iyon ang sanhi ng pagyanig.

Wala siyang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga peklat sa kanyang katawan. Para siyang halimaw sa laki na parang kapre. Pero hindi lang basta malakas, ramdam ko ang nakakatakot niyang presensya.

Kaya pala walang pakialam ang iba. May tagapagbantay ang casino na ito.

Dahil sa lakas ng pagyanig, napaatras ako at napasiksik sa gilid.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Mga baliw ang mga tao rito!

Napalingon ako sa malaking bintana. Sa labas, normal lang ang lahat. Walang kahit anong reaksyon ang mga tao sa nangyayari sa loob.

Napalunok ako.

Ibig sabihin, dito lang sa loob ang yumanig!

Biglang huminto ang dalawang nag-aaway nang marating sila ng matangkad na lalaki. Parang natauhan sila sa presensya nito.

Akala ko ay papalabasin sila, pero sa halip... pinabalik pa sila sa laro.

These greedy fools.

Huminga ako nang malalim at tinalikuran ang gulo. Kailangan kong hanapin ang daan papunta sa ilalim ng lugar na ito. Pero saan?

Wala akong mapagtanungan. Lahat ng nandito ay mukhang may tama sa ulo.

"You, with the burgundy cloak."

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang babaeng boses sa likuran ko.

"Hmm... you're interesting. I can't sense your mana pressure," dagdag pa nito.

Unti-unti akong lumingon. Isang babae ang nakatayo roon, nakasuot din ito na itim na cloak na nakatakip sa buong katawan niya. Hindi ko makita ang kanyang mukha.

"What do you want?" tanong ko.

"Sa ating dalawa, ikaw ang may kailangan," agad niyang sagot.

She looks suspicious, but malaki ang tsansa na alam niya ang daan papunta sa hinahanap ko.

"Saan ang daan papunta sa hidden artifact store?"

"Are you sure? Maraming hidden artifact store dito." she said meaningfully.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Mukhang hindi niya naiintindihan ang tinutukoy ko, akala niya siguro ay mga ordinaryong artifacts lang.

"Ang mga may salamangka ang tinutukoy ko," paglilinaw ko.

"Yeah... what I meant is, it depends on what you are looking for."

Hindi ko pa rin siya maintindihan.

Hindi ko pwedeng basta sabihin sa kanya ang buong dahilan. Baka may ibang motibo rin siya sa akin.

"Just... take me there," naiinip kong sabi.

"I don't think makakaya mong pumunta roon. Aware ka ba kung bakit nakatago iyon?"

"Oo. Marami akong kailangang gawin at malaman. Kaya dalhin mo na ako roon!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"You are quite impatient, Lady. Follow me."

Tumalikod siya at naglakad. Wala na akong pagpipilian kundi sumunod.

Malayo ang nilakad namin. Mas malawak pala ang casino na ito kaysa sa inaakala ko. Sa labas, mukhang isa lang itong ordinaryong gusali, hindi mo iisiping may ganitong kalalim na bahagi sa loob.

Dumaan kami sa maraming pasikot-sikot na daan, hanggang sa makarating kami sa isang napakahabang paikot na hagdan pababa.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming bumababa.

Madilim sa paligid, at tanging iilang torch lamang ang nagbibigay-liwanag.

Napalunok ako. Fuck. Hindi ako pwedeng matakot.

"Medyo matagal pa ba?" tanong ko, halatang naiinip na.

"Malapit na tayo. Huwag kang mainipin," sagot niya nang malamig.

"Kanina mo pa sinasabing malapit na. Niloloko mo ba ako?"

Wala siyang sinagot.

I rolled my eyes. May ugali rin pala ang babaeng ito.

Halos dalawampung minuto kaming paikot-ikot sa hagdan. Ramdam ko na ang hilo ko sa paulit-ulit na pag-ikot.

Akala ko ba may malalakas na enerhiya rito? Bakit parang wala naman?

Sa wakas, narating namin ang dulo. Isang lumang pintuan ang nasa harap namin.

Huminto ang babae at humarap sa akin.

"Listen. This is not an ordinary place. Maraming enerhiya sa loob nito. Malaki ang tsansa na may makasalamuha kang mga nilalang na hindi natin kagaya. And worst, baka hindi ka na makalabas."

Tumingin siya sa akin nang diretso.

"I don't sense any mana pressure from you, so sinasabi ko na ito ngayon para may tsansa ka pang umatras."

"How many times do I have to tell you?" mariin kong sagot. "Marami akong tanong na kailangan kong masagot. I will fucking go there."

"I'm only doing this because I feel like I should be helping you..." huminga siya nang malalim. "...Here."

May inabot siyang bracelet.

"Ano ito?" tanong ko habang tinatanggap iyon.

"May mana ako riyan. In case you need help. So be careful, lady."

Hindi ko pa rin siya lubos na pinagkakatiwalaan... pero wala naman sigurong mawawala kung isusuot ko ito.

"Thanks. Anyways, pupunta ka rin ba roon? Sumabay ka na."

"I told you already," malamig niyang sabi. "It depends on what you are looking for. Malaki ang tsansa na maghihiwalay tayo."

"Can you elaborate?" naiirita kong tanong.

Humarap siya sa pintuan.

"Within this door lies an entirely separate dimension. It does not lead to a single destination, but to numerous artifact repositories that appear to extend without limit."

Napalunok ako.

"...You cannot choose where you go freely. The place you are taken to depends on your questions, your purpose, and what you need to do. The dimension itself decides your destination."

Napakurap ako.

Biglang nanuyo ang lalamunan ko.

"So before I even step inside... it already knows?"

"Yes."

Tumingin ako sa lumang pintuan.

"Let's say nakapunta na ako roon at nasagot na ang mga katanungan ko... paano ako makakauwi?"

Sandaling katahimikan ang naganap. Nakita ko sa isipan ko ang imahe ng aking ama na galit at nag-aalala sa akin.

Mas gusto ko pang mamatay kaysa makulong dito.

"Don't worry, makakauwi ka." mabilis niyang sagot.

Nagulat ako nang bigla niyang binuksan ang pintuan na hindi man lang niya tinanong kung handa na ba ako.

Lumapit ako nang bahagya at sinilip ang sinasabi niyang dimensyon. Ngunit wala akong nakita kundi kadiliman. Halos walang laman. Walang hugis. Walang direksyon.

"Ah-!"

Hindi ko inaasahan nang bigla niya akong itinulak papasok nang malakas.

"Hoy-!" sigaw ko, agad na lumingon sa kanya.

Ngunit ngumisi lamang siya, parang aliw na aliw sa nangyayari.

What the hell? What is wrong with that woman?!

Mabilis kong sinubukang hawakan ang pintuan nang makita kong nagsisimula na itong magsara. Ngunit, dumaan lang ang kamay ko rito. Hindi ko ito mahawakan. Tumagos lamang ang aking kamay, habang nakikita ko itong dahan-dahang nagsasara sa harapan ko.

Shit.

"Farewell. The rest will depend on whether the dimension accepts your presence," sambit nito na may nakakatakot pa ring ngisi sa labi.

That fucking bitch!

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong wala akong natatapakang lupa.

Ibig sabihin... nakalutang ako? Wala akong makita dahil masyadong madilim. Walang direksyon. Walang pader. Walang kahit ano.

Ito na ba ang dimensyon? ngunit sa tingin ko ay hindi pa ito.

Paglingon ko sa kanang bahagi ko, may nakita akong liwanag.

Hindi ito malakas sa simula, parang maliit na bitak lamang sa dilim.

Pero ito lang ang tanging direksyon. Kaya nagsimula akong maglakad papunta roon.

Habang papalapit ako, mas lalo pang lumalakas ang liwanag.

Hanggang sa halos lamunin na nito ang buong paligid.

Hanggang sa paglapit ko, wala na akong makita. Napapikit ako sa sobrang liwanag.

Bigla kong naramdaman ang malakas na hangin na dumaan sa paligid ko. Sobrang lakas nito na tila hinihila ako pasulong. Humahampas ang cloak ko sa katawan ko dahil sa lakas ng hangin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ako makaalis!

Parang ang hangin mismo ang nagdadala sa akin sa ibang lugar.

Naramdaman ko nang bumagsak ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Una kong napansin ang bracelet ko na biglang umilaw ng itim. Tiningnan ko lang iyon saglit at hindi na pinansin, saka inilibot ang tingin ko sa paligid.

Ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa aking nakita.

Kahit saan ako tumingin, may mga salamin. At hindi lang iyon. Marami akong repleksyon na nakatingin sa akin. Halos hindi ko mabilang.

Is this a mirror dimension?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin kong kakaiba ang mga repleksyon ko sa salamin.

May imahe ko na itim ang buhok at ang mga mata ay halos itim din, wala nang makitang puti sa mata.

May imahe ko namang pula ang balat at puti ang mga mata, halos walang itim sa mata nito.

May isa ring itim ang balat at normal ang mga mata, ngunit ang buhok nito ay hindi pantay-pantay, parang sira-sira.

Marami pang ibang repleksyon na nakakatakot sa paningin. Ngunit isa lang ang pagkakapareho namin, ang aming mga buhok.

Sino sila? At bakit wala akong makitang normal na repleksyon ko?

"You are us, Rassia."

Natigilan ako. May narinig akong boses katunog ng akin. Ngunit hindi ito nanggaling sa akin.

"We are one, Rassia."

"Even your fear has our face, Rassia."

"The mirror is inside you, Rassia."

Hindi ko matukoy kung sino ang mga iyon sa dami nila. Hindi rin sila gumagalaw at nakatingin pa rin sa akin. Doon ko napagtanto na naririnig ko sila sa aking isipan.

"Rassia..."

"Rassia..."

"Rassia..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaluhod ako at napahawak sa aking sentido. Sobrang sakit ng ulo ko!

Para bang sabay-sabay silang sumisigaw sa loob ng utak ko.

Bakit may mga ganito sa isipan ko? Hindi ko maintindihan kung bakit may naririnig akong mga boses.

Pero parang matagal na silang nandito. At ngayon lang ako naging aware.

Bakit pakiramdam ko, may alam ako na ayaw kong tanggapin?

Lalong bumibigat ang dibdib ko dahil sa kaba. Ano bang nangyayari sa akin?

"Ah-!"

Naramdaman kong sumakit ang kanang kamay ko kung saan nakasuot ang aking bracelet. Napasinghal ako sa sakit.

That fucking bitch! Pag nakita ko talaga siya ay malalagot siya sa'kin!

Sinubukan kong tanggalin ang bracelet, ngunit mas lalong humigpit ang pagkakakapit nito sa aking pulsuhan. Parang buhay ito. Parang may sariling pag-iisip.

Maya-maya pa ay biglang nawala ang sakit. Dahan-dahan akong tumingala. Tiningnan ko ang aking mga repleksyon. Nakatitig pa rin sila sa akin.

Ngunit hindi na sila nakangiti.

Isa sa mga repleksyon ko ang gumalaw. Dahan-dahan nitong hinawakan ang salamin. Sunod-sunod, ginaya rin ito ng iba. Nakatingin pa rin silang lahat sa akin.

Bakit sila gumagalaw? at bakit tila may lungkot sakanilang mga mata?

"Fuck-!"

Biglang sumakit muli ang bracelet ko. Ngayon, kumalat na ang itim na mana sa aking braso, paakyat sa aking mukha, at sa dibdib ko. Para akong sinusunog mula sa loob, sobrang sakit nito na halos hindi ko na kaya.

Napatingin ako sa mga salamin. At doon ko napagtanto, hindi lang ako ang nasasaktan.

Kita ko rin sa kanilang mukha na nasasaktan din ito. May napahawak sa dibdib. May napaluhod. May tila halos mabasag sa sobrang panginginig.

May napahawak sa salamin, nanginginig. Isa sa kanila ang unti-unting humina. May mga repleksyong tila nasusunog. May mga napapikit sa sakit.

They were hurting, just like me.

Biglang umilaw nang mas malakas ang bracelet ko. Parang pinipigilan ako. Parang pinipigilan ang koneksyon ko sa kanila.

Isang repleksyon ang dahan-dahang humawak sa salamin. Mahina, ngunit malinaw ang boses nito sa aking isipan.

"It hurts, Rassia..."

Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko. Gusto ko siyang abutin. Gusto ko silang tulungan. Ngunit bago ko pa magawa iyon, muling sumiklab ang sakit sa aking buong katawan.

Nakita kong lalong umilaw ang bracelet, tila pinipigilan ako sa aking gagawin.

"Stop, you are not ready yet." isang nakakatindig balahibong boses ang narinig ko, alam kong galing ito sa bracelet.

Pumikit na lamang ako at pinilit pinakalma ang aking sarili. I have to think about other things, not about the bracelet and the reflections.

Father. Mother. Russel. Father. Mother. Russel. Father.

I have to clear and calm my mind.

I have to survive by holding myself together. By obeying the bracelet, and maintained my stability.

One reflection gave me a faint, broken smile not cruel, not mocking, but tired and filled with quiet understanding.

Para bang alam niya ang lahat ng gumugulo sa isip ko, ang takot at pagtanggi na pilit kong kinakapitan.

Kahit hindi siya magsalita, sapat na ang paraan ng pagtitig niya sa akin upang iparamdam na naiintindihan niya ako.

At doon ko ito naramdaman, hindi lang sa isip ko kundi sa kaibuturan ng pagkatao ko.

Sila ay hindi basta mga repleksyon. Sila ay bahagi ko.

Ang presensya nila ay parang isang nakatagong kapangyarihan na matagal nang pinipigilan, matagal nang kinukulong, at ngayon ay pilit na kumakawala.

I understand now... may kakaiba nga sa akin. At ang mga boses na matagal ko nang naririnig, ang mga bulong na hindi ko maipaliwanag ay hindi kailanman naging hallucinations. Matagal na silang totoo... at matagal na silang bahagi ng sarili ko.

Naramdaman kong may pumutok sa aking pulsuhan, ang bracelet.

Kasabay noon ang pagkawala ng mga repleksyon sa mga salamin.

Napasinghap ako nang malakas, tila biglang nabawasan ang bigat na kanina'y pumipigil sa akin, ngunit kasabay nito ay ang matinding pagod na kumalat sa buong katawan ko.

Unti-unti akong bumagsak, hanggang sa tuluyan akong napahiga. Ang katawan ko ay tila sumuko na sa lahat ng nangyari, sa sakit, sa takot, at sa hindi ko maipaliwanag na koneksyon sa mga repleksyong iyon.

Hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid.

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.