CHAPTER 15

Rassia

Nang unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, hindi ko magalaw ang aking katawan.

Nang inilibot ko ang aking tingin, narito ako ngayon sa aking silid sa Quentior Palace. Madilim ang paligid ngunit alam kong ito ang aking silid.

Teka… anong ginagawa ko rito? Ang naaalala ko ay nasa mirror dimension ako bago ako mawalan ng malay. Pinipilit kong gumalaw ngunit tila diwa ko lamang ang gising at ang katawan ko ay nananatiling tulog.

Napunta ang aking tingin sa bandang terrace ng aking silid.

May pigura roon na nakatalikod. Hinahangin ang kanyang mahabang buhok na may bahid ng orange-red na kulay.

Mas lalo itong lumitaw sa liwanag ng buwan.

Kahit mahaba ang buhok nito, alam kong lalaki ito dahil sa kanyang presensya at sa matipunong katawan na hindi maitatanggi.

Ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya. May mga pulang mana na umiikot sa kanyang paligid, parang apoy na buhay, kaya mas lalong nakakaagaw-pansin ang kanyang anyo.

"Child, to awaken the flame of eternity… you must first make peace with the darkness that keeps you alive."

Ang kanyang boses ay napakalalim, parang hindi na boses ng isang ordinaryong tao. Matapos niyang sambitin iyon, lalo pang luminaw ang pulang liwanag na bumabalot sa kanyang pigura, hanggang sa tuluyan akong masilaw at napapikit.

Maya-maya pa ay naimulat ko ang aking mga mata at bigla akong napaupo. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa bahagyang pananakit nito. Ibig sabihin… panaginip lamang iyon! Ngunit bakit parang may epekto pa rin ito sa akin?

What the hell? Sino iyon? At ang presensya niya… hindi ito tao, o kahit anong nilalang na alam kong nabubuhay. At ano ang ibig sabihin ng kanyang mga sinambit?

"To awaken the flame of eternity, I must make peace with the darkness that keeps me alive?"

Hindi ko ito maintindihan tila may lalim ang mga salitang binitawan niya. I'm sure konektado ito sa mga repleksyon na nakita ko sa mirror dimension. Mas lalo lamang nadagdagan ang aking mga katanungan.

Teka!

Nasaan ako?

Lumingon ako sa aking paligid, at bigla akong natigilan.

Na sa gubat ako! Maraming matatayog na puno ang nakapalibot, at ang mga damo ay sumasayaw sa malamig na hangin ng gabi. Madilim ang paligid, at tanging mga aninong gumagalaw sa pagitan ng mga puno ang nagbibigay ng mas nakakatakot na tanawin.

Bakit ako nandito? At bakit hindi ako dinala sa artifact store na sadya ko? Bakit gubat ito? Don’t tell me… pakana lahat ito ng babaeng iyon!

Sinasabi ko na nga ba! there is something wrong with that wench!

Nakakatakot dito! What if may mga halimaw dito? Dito na ba ako ulit mamamatay? I already have enough dealing with those reflections and that goddamn bracelet, at ito naman ngayon ang p-problemahin ko?

May alulong na umalingawngaw sa di kalayuan. Fuck! Natataranta na ako! Mabilis akong naglakad, hindi ko alam kung saan pupunta. Madilim, at puro puno at damo lang ang nakikita ko, parang walang katapusan ang gubat na ito.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang langit.

Dalawa ang buwan.

Dalawa ang buwan dito! ibig bang sabihin ay nasa ibang mundo ako? Totoo ba itong nakikita ko? Bakit dalawa ang buwan?

Napadako ang aking tingin sa mga puno, at doon ko sila nakita. Mga raven at crow.

Sobrang dami nila, nakaupo sa mga sanga habang nakatitig sa akin. Pula ang kanilang mga mata, parang mga buhay na anino na sinusundan ang bawat galaw ko.

Teka… Bakit ang dami nila? Mabuti na lang at nakatitig lang sila sa akin at hindi ako inaatake!

Pinilit kong ituloy ang paglakad, sinusundan ang direksyon ng kanilang mga tingin na parang may inaakay ako papunta sa kung saan. Hanggang sa may bigla akong nakita.

Isang napakalaking kastilyo.

Kulay itim.

At tila abandonado.

What. the. fuck.

Artifact store ang sadya ko, hindi abandonadong kastilyo!

May matataas na gates na nakapalibot dito, parang kulungan para sa isang bagay na hindi dapat makalaya. Ang buong istruktura ay nakakatakot!parang mula mismo sa mga horror movie na napanood ko sa dati kong buhay, lalo na sa madilim at nakamamatay nitong kulay. At ngayon, narito ako!

Kung ikukumpara ang laki ng Imperial Palace, masasabi kong mas malaki ito. Hindi, mas tama pang sabihing wala pa sa kalahati ng laki at lawak ng Imperial Palace ang abandonadong kastilyo na ito.

No. Hindi ako papasok diyan. Baka may mga multo riyan na papatayin ako! At sinong tangang papasok sa abandonadong kastilyo na iyon?!

Tumalikod ako at naglakad papalayo, habang napasabunot ako sa aking buhok sa inis at pagkalito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. A lot of this just for a fucking answer?! Bakit ba kasi ayaw sabihin ng aking ama ang kanyang mga sikreto? Edi sana hindi na ako umabot sa sitwasyong ito!

May alulong na naman akong narinig. Bigla akong natigilan. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil mukhang mas malapit ito kaysa kanina, parang ilang hakbang na lang ang pagitan namin.

I have no choice.

Hindi ligtas dito sa gubat dahil hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang narito. Wala rin akong makitang kubo o kahit anumang silungan… maliban sa kastilyong iyon.

Dali-dali akong bumalik sa direksyon ng abandonadong kastilyo.

Mas nakakatakot pala ito sa malapitan. Huminto ako sa harap ng gate. At kasabay noon, dahan-dahang bumukas ang gate nang kusa, na para bang inaanyayahan ako.

Kinilabutan ako. Lalo na nang umalingawngaw ang napakalakas na tunog ng bakal habang gumagalaw ito, kasabay ng pagbukas nito ay ang pagsiliparan ng mga paniki, nagliparan sa madilim na langit na parang mga itim na anino. Pinilit kong lunukin ang kaba sa lalamunan ko.

Please… sana walang tao rito.

Pero sa itsura ng lugar, mukhang matagal nang iniwan ang kastilyong ito, hindi para sa tao, kundi para sa kahit anong hindi dapat nabubuhay. Dito na muna ako magpapalipas ng gabi. Bukas nang maaga, hahanapin ko ang artifact store na dapat kong puntahan.

Bakit kaya dito ako dinala ng dimensyon?

Humakbang ako papasok sa napakalaking gate. Mahaba ang nilakad ko sa loob, hanggang sa marating ko ang dambuhalang itim na double doors na tila sumasalubong sa akin na parang may sariling kamalayan.

Paano ko kaya ito mabubuksan? Mukhang hindi ito kayang itulak lang at kahit ilang tao pa ang magsama-sama.

Napalunok ako.

At nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti itong bumukas nang kusa at dahan-dahan.

Kagaya rin ng main gate sa labas. May mahika ba ang kastilyong ito? Nang tuluyang bumukas ang double doors, kadiliman ang sumalubong sa akin. Tanging liwanag ng dalawang buwan lamang ang pumapasok mula sa likuran ko at iyon na lang ang nagiging gabay ko papasok sa loob.

Ang akala ko, ang mga kagamitan sa loob ay nakatakip na ng puting tela, gaya ng mga nakikita ko sa mga pelikula, mga abandonadong lugar na hinihintay na lamunin ng alikabok at limot.

Ngunit ang sumalubong sa akin ay kabaligtaran.

Magagarbo. Eleganteng mga furnitures.

Luma man, ngunit halatang pagmamay-ari ng mga mahaharlika noon. May red carpet na nakalatag mula sa kinatatayuan ko, diretso papunta sa trono na nasa harapan ko.

Ang trono ay parang sa Imperial Palace, may limang hakbang na hagdan paakyat doon, ngunit ang isang ito ay mas nakakatakot sa hindi maipaliwanag na paraan.

Itim ang trono, at may kaunting pulang disenyo na tila hindi lamang pintura kundi parang ugat na nakabaon sa mismong materyal nito.

Pinaggitnaan ito ng dalawang engrande at napakalalaking hagdan na tila humahati sa silid, parang ang buong espasyo ay ginawa hindi para sa isang lugar… kundi para sa isang taong dapat sambahin.

Sa bawat paligid, may malalaking chandelier na nakasabit, ngunit hindi ito tulad ng mga chandelier sa Quentior Palace. Dito, kandila ang nagsisilbing ilaw. At ngayon ay hindi na nakasindi ito. Ibig sabihin, sobrang luma at sobrang tagal na nitong nakatayo.

Napatingin ako sa mga hagdan. Saan kaya ako aakyat, sa kaliwa o sa kanan?

Ngunit bago pa man ako makagawa ng kahit anong hakbang, habang papunta na sana ako sa kaliwang hagdan ay may naramdaman akong gumalaw. Anino.

May nakatira ba rito?

Paglingon ko sa kaliwang banda, ay may anino namang mabilis na gumalaw sa bandang kanan ko. Lumingon din ako roon ngunit wala akong makita. Pero ramdam ko na may mga anino.

Kahit saan ako tumingin ay ramdam kong may nagmamasid sa akin. Napalunok ako ngunit hindi ko hahayaan na kainin ako ng takot dahil kailangan ko ng matutuluyan ngayong gabi.

May napadaan nanamang anino sa likod ko. Pagkalingon ko ay wala nanaman akong makita.

Pinaglalaruan ata ako ng mga nilalang na ito! Ramdam kong hindi lang ito mag-isa, kundi marami sila.

"May tao ba riyan? Kung oo, lumabas ka!" hindi ko na napigilang sigaw.

"Stop playing with me!"

"Anong klaseng nilalang kayo? Show yourselves, this instant!"

"I shall take my sleep so don’t fucking disturb me!"

I said just like a brat I am. Hindi ko na rin napigilan ang huling katagang binitawan ko, as if pagmamay-ari ko ang kastilyong ito. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay matulog.

"Rassia, sa likod mo." a seductive evil voice whispered to inside of me, the usual voice I keep hearing for so long. May pag alala sakanyang tono.

Paglingon ko sa aking likuran, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang punyal na mabilis na paparating sa akin, dire-diretsong uukit sa aking katawan.

Halatang may kung sinong nilalang ang naghagis nito.

Ang direksyon ng atake ay eksaktong kung saan ako nakatayo, ako ang malinaw na target.

Hindi ko namalayang sinalo ko ang punyal. Para bang kusa akong kumilos, ang aking instinct ang umalalay sa akin. Napakabilis ng lahat! nasalo ko ito ilang pulgada lamang mula sa aking mukha! kung hindi ko ito nasalo ay patay na ako! Fuck! May mali talaga sa lugar na ito!

That seductive evil voice save me! kung hindi ay wala na ako ngayon. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko nagawa iyon, parang mas mabilis pa sa sarili kong pag-iisip ang galaw ng aking kamay

"Rassia, on your left." muling bulong ng boses sa loob ko.

Agad akong lumingon sa aking kaliwa. Isa na namang punyal ang humiwa sa hangin papalapit sa akin, kumikislap ang talim habang humahati ito sa dilim. Muli ko itong nasalo nang walang kahirap-hirap.

Tahimik akong nagpasalamat sa boses na patuloy na nagbibigay babala sa akin hindi ko alam kung ano siya, pero malinaw na inililigtas niya ang buhay ko.

"On your right, Rassia."

May panibagong punyal na paparating, at muli ko itong nasalo nang mabilis. Tangina talaga! Tatlo na ang punyal na nakakalat sa sahig!

Kumuha ako ng isa sa mga iyon bilang pansamantalang panangga at proteksyon kung sakaling may susunod pang atake. Kung ganito ang sitwasyon, mukhang hindi ito basta simpleng pananakot. May tunay na gustong pumatay sa akin dito.

Sino bang gumagawa nito? Para bang ayaw nila akong patulugin sa kastilyong ito. Alam kong marami sila at nagmamasid sa akin. Hindi ko lang matukoy kung anong mga nilalang ang mga ito. Kung ayaw nilang magpakita, ako na mismo ang aalis!

"Fuck all of you! Kung ayaw niyo akong patulugin dito, aalis na lang ako!" sigaw ko nang malakas, at umalingawngaw ang boses ko sa buong kastilyo.

Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang kumalabog ang malalaking double doors sa likuran ko at nagsara iyon nang napakabilis. Sobrang bilis, na para bang hinigop ng kung anong puwersa, kasabay ng napakalakas na tunog na muling umalingawngaw sa buong bulwagan.

Napaatras ako sa gulat.

Kasabay ng pagsara ng pintuan, isa-isa namang nagliyab ang mga kandila sa paligid ko.

Unti-unting nagkaroon ng liwanag ang buong lugar, na para bang may gumising sa kastilyong matagal nang natutulog.

Sumunod ang mga chandelier, bigla na lamang silang nagningas, nagpapalakas ng liwanag sa madilim na espasyo.

Maya-maya pa, umalingawngaw ang biglang pag-andar ng napakalaking wall clock sa gilid, Kasunod noon, nagliyab din ang napakalaking fireplace sa kanang bahagi ng kastilyo.

May mga nilalang nga rito. At hindi ako nag-iisa.

Ngunit sino sila?

Kahit wala akong nararamdamang mana pressure, ramdam na ramdam ko ang kanilang presensya na nakapalibot sa akin mula sa lahat ng direksyon. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo… kundi higit pa sa kaya kong bilangin sa isang iglap.

Ngayon ko lamang lubos na nasilayan ang kastilyong ito. Sobrang engrande, napakaganda, black and gold ang interior, marangya at makapangyarihan ang dating, ngunit ang liwanag ng mga kandila ay nagbibigay ng kakaibang anino na tila gumagalaw sa bawat sulok.

Maya-maya pa, unti-unting nagpakita ang mga anyo na kanina pa nakapaligid sa akin.

Lahat sila ay nakasuot ng itim na cloak. Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil natatakpan ito ngunit ramdam kong nakatitig ang mga ito sa akin.

At ako lang ang naiiba. Ako lang ang nakasuot ng puti sa gitna ng dagat ng dilim.

Napaatras ako.

Napakarami nila!

Alam kong higit dalawang daan ang narito, hindi lang presensya, kundi mga katawan, mga aninong buhay na biglang lumitaw mula sa kawalan. Ang dating bakanteng bulwagan ay ngayon puno na ng mga nilalang na tila kanina pa ako pinagmamasdan.

Sila ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?

"S-sino kayo?!" sigaw ko, habang mahigpit kong itinutok sa kanila ang punyal. Nakita kong ngumisi lamang ang ilan at umiling-iling na parang aliw na aliw sa akin.

"K-kayo ba ang mga anino na iyon?!" sigaw ko muli, mas mariin na ngayon.

Ngunit nanatiling nakatingin lamang sa akin ang lahat. Walang sumagot. Walang kumilos. Para bang ako ang palabas na hinihintay nilang matapos.

"Interesting. That brat should be dead by now."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ng isang babae. Matinis, maarte, at puno ng kumpiyansang tila nanggagalaiti sa pang-aasar.

Napalingon ako sa direksyon ng trono. May nakaupo na roon.

It was a man who looked like he ruled this castle.

He had long black hair and dark ruby eyes, with a teasing smirk on his face.

He was ridiculously pale. Sharp jawline, straight nose, and lips that looked red.

He looked around my father’s age. He was sitting casually on the throne, legs crossed, holding a wine glass, though I wasn't even sure if it was really wine.

He wore a black outfit with high-collared cloak with a deep red lining, a dark patterned vest, and a black shirt with a red silk cravat and a ruby brooch.

"Cassandra, you should take it easy on her," isang bagong boses ang nagsalita mas mahinahon at mahinhin.

Napalingon ako. Isang babae ang naroon, at sandali akong natigilan.

Napakaganda niya.

She was also ridiculously pale, with straight black hair down to her waist tied in a half bun.

She had the same ruby eyes. Light makeup, but bold red lipstick that stood out.

She wore a floor-length black dress with detailed embroidery, sheer lantern sleeves, and a high slit.

Sa kanyang bisig ay may itim na pusang tahimik na hinahaplos niya.

Napatingin ako sa babaeng tinawag niyang Cassandra. Tinapunan ko siya ng tingin, tinaasan ng kilay, at mas hinigpitan ang kapit ko sa punyal.

But even I couldn’t deny she was really beautiful too.

Pale skin, sharp nose, long black hair tied up high but clearly very long.

She wore an off-shoulder black dress with embroidery, sheer sleeves, and a thigh-high slit.

She wore a strong eyeliner, red lips, and an attitude that screamed trouble.

"Take it easy?" Cassandra repeated and smirked. "Natalia, I just threw three daggers at her and she’s still breathing. That’s me being generous."

So Natalia is her name.

"You’ve got centuries of power and you’re still using daggers?" Natalia rolled her eyes. "That’s embarrassing."

Before Cassandra could say anything else, I spoke up. I was already getting annoyed. And honestly, Cassandra was starting to piss me off.

"Are you two done talking about me… or do I need to start throwing this back?" sambit ko, mahigpit ang hawak sa punyal habang nakatitig sa kanila.

Nakita kong lalo pang ngumisi ang kanilang hari, tila natatawa pa ito sa akin. Sino ba ang mga ito? At bakit parang hindi sila normal?

Napalingon akong muli sa kaliwa at kanan ko, ngunit naroon pa rin sila, ang nakapalibot sa akin na mga nakaitim na cloak.

Ibinalik ko ang tingin ko sa trono.

May siyam na pigura ang nakatayo sa tabi ng kanilang hari.

May apat na babae ngunit si Cassandra at Natalia lang ang agad kong nakilala. Ang dalawa ay tahimik lang nakamasid sa akin. Sila ay mapuputi rin, at nakasuot ng eleganteng itim na kasuotan na mas lalong nagbigay sa kanila ng nakakatakot na aura.

May limang lalaki namang nakatayo roon. Ang tatlo sa kanila ay may mga ngising hindi maipinta sa labi, parang aliw na aliw sa sitwasyon.

Ang dalawa naman ay walang emosyon, nakatingin lang na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

Lahat sila ay nakaitim din, at lahat sila ay kapansin-pansing mapuputi.

I am pale, but when I saw them… mas may ikakaputi pa pala sa akin.

"Oh, you are such a brat indeed," Cassandra smirked at me.

"Nahanap mo na yata ang katapat mo?" isang lalaking may malalim na boses ang sumingit, halatang nang-aasar ang tono.

"Shut up, Dimitri." mabilis na sagot ni Cassandra.

"Just fucking tell me! why am I here?! Bakit ako nandito?! At sino kayo?!" sigaw ko sa kanila. "Artifact store ang hinahanap ko, hindi itim na kastilyo!"

"Show some respect, brat," isang lalaki na katabi ni Natalia ang nagsalita, malamig din ang boses.

Respeto? Paano ako magpapakita ng respeto sa mga taong hindi ko naman kilala? Wala akong ideya kung anong pakay nila sa akin! Baka mamaya gawing sakripisyo pa nila ako sa kung anong ritwal!

"She indeed resembles that motherfucker… but beautiful," narinig kong bulong ng isa sa kanila.

"Her beauty is incomparable…"

"It’s been a long time since I saw that hair…"

Bulungan ng tatlo na hindi ko pa alam ang mga pangalan.

"Jazer, are you sure she is the girl in the prophecy?" isang bulong ng babaeng nasa tabi ng hari ang nagsalita.

"Hindi pa nakukumpirma, Devi." sagot ng nangangalang Jazer.

Prophecy?

Huh?

Pero wala akong oras para doon. Ang mahalaga ngayon, ay kailangan kong makuha ang aking mga kasagutan at bakit ako nandito sa kastilyong ito.

"Wag niyo akong tratuhin na parang hangin!" sigaw ko muli, mas matalim na ngayon ang boses ko. "Sagutin niyo ako! Bakit ako nandito?!"

"Hush, Little Red."

Napalunok ako nang tuluyang magsalita ang kanilang hari.

And excuse me, who the hell is Little Red?!

"The truth is, you are in the right place, Little Red," dagdag niya, "Dinala ka ng dimensyon na iyon dito para masagot ang iyong mga katanungan. You don’t need artifacts. We can answer everything for you."

Dahan-dahan kong ibinaba ang punyal na kanina ko pa itinutok sa kanila.

Sino ba sila para masagot ang mga tanong ko? Mukha naman silang walang alam sa buhay ko. Hindi nga nila ako kilala.

"That’s true," singit ni Natalia. "Ngayon lang nagdala ang dimensyon na iyon ng buhay dito."

Napakunot ang noo ko.

"What do you mean buhay? Dapat bang patay na ako, huh?" mataray kong sagot.

"Yes," diretso sagot ng lalaking katabi ni Devi. "Only powerful beings can survive the dimensions, brat. And in your case… wala kang mana na mailabas, yet you survived."

"And what do you think that means, brat?" dagdag ni Cassandra, may makahulugang ngisi.

Napalunok ako. Pakiramdam ko… nandito na ang sagot sa lahat.

"A-am I a powerful being?" mahina kong tanong, napakapit ako sa puting tela ng suot ko.

"Yes," sagot ng hari na walang pag-aalinlangan.

"You can wield mana. But your mana core is sealed... by your other power, Little Red."

Napatigil ako. My… other power?

"And what do you think that is, brat?” tanong ulit ni Cassandra, maarte ang boses at tila nang-aasar.

"I-I have no fucking idea! That’s why I’m looking for answers! That’s why I’m here!" sigaw ko.

Napalunok ako, kinakabahan sa mga posibleng malalaman ko pa. May parte sa akin na natatakot at parang ayaw ko nang marinig ang susunod. Ibig sabihin, kung totoo ang sinasabi nila, edi sobrang lakas ng isa ko pang kapangyarihan enough to seal my own mana core?

If ads affect your reading experience, click here to remove ads on this page.