CHAPTER 16
Rassia
But then, what the hell is the reason behind my other power sealing my mana core?
Bigla ring nagdugtong-dugtong sa isipan ko ang panaginip ko kanina, ang mga repleksyon na nakita ko sa loob ng dimensyon, at ang boses na paulit-ulit na bumubulong sa akin.
Connected ba silang lahat? Pero bakit? Paano nangyari ‘yon? Posible bang mangyari talaga ang ganito?
So that's why people keep insisting na wala akong mana, because my mana core is sealed? Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin sila kayang basta-basta paniwalaan. Baka ginugulo lang nila ang isip ko.
"Wait!" singhal ko, muling tumingin sa hari. "You said my mana core is sealed, but how do you even know I have another power? Eh hindi nga ‘yon masense ng iba!"
"You see," kalmado niyang sagot, "I am not an ordinary weak being.
I can see right through anyone in a single glance, Little Red.
" Bahagya siyang ngumiti, parang may alam na hindi ko pa kayang maunawaan.
"And the moment you stepped into this great hall…
I already saw something special about you. "
"I sense the Eternal Flame Mana within you," dagdag niya. "But it is sealed and suppressed by your other power. If you want to fully awaken it, you must learn to coexist with that other power, Little Red."
Eternal Flame Mana?
Ngayon ko lang narinig ang ganoong uri ng mana. Pero sa pangalan pa lang… alam kong hindi ito ordinaryo. Hindi ito basta-bastang kapangyarihan.
And somehow… I can wield that?
"Have you ever heard of that kind of mana?" tanong ni Dimitri.
"Ang alam ko lang ay fire, water, air, earth, dark, and light mana. Does that even belong to fire?" tanong ko.
"Well… technically, yes," sagot niya. "Fire mana ito but far more powerful. I can sense that you’re an elemental holder. You wield both fire and air… but fire is your dominant element.”
Natigilan ako. Fire… and air?
"But your fire isn’t just ordinary fire," dagdag niya. "It’s called Eternal Flame Mana because it surpasses normal fire mana."
"You need to learn how to control your other power if you want to awaken it, brat," sabat ni Cassandra na may pilyang ngisi.
"That mana last appeared hundreds of years ago," dagdag ni Natalia.
Hindi ko pa rin maproseso ang lahat ng naririnig ko. Tama ba 'to? Totoo ba 'to? Hindi ko alam kung dapat ko ba silang paniwalaan o hindi, pero hindi naman ako basta-basta dadalhin ng dimensyon dito kung walang dahilan.
Ramdam ko na lahat sila ay kayang i-sense ang kapangyarihan ko. Isa lang ang ibig sabihin noon.
Malalakas sila.
'Yung mga tao sa capital na tinuturing na malalakas? Wala silang naramdaman kahit kaunti sa akin. Pero itong mga ‘to, kitang-kita nila. Ramdam na ramdam nila. Ibig sabihin ay hindi sila ordinaryong nilalang.
Sino ba talaga sila?
"Do you want to know the name of the mana that sealed your Eternal Flame Mana?" tanong ni Cassandra na parang ine-enjoy niya ang bawat nangyayari.
"Ano 'yon?" taas-noo kong sagot, pilit pinapanatili ang tapang ko.
"Demonic Mana." singit ng hari.
Nanlamig ako.
"You have a demon inside you, Little Red. The one who sealed your Eternal Flame Mana."
A-a demon?!
Paano ako magkakaroon ng demonyo sa loob ko?What the fuck?! Ito ba ang tinatago sa akin ng aking ama?! Biglang bumigat ang dibdib ko, hindi ko kayang paniwalaan lahat ng ito!
What if… they’re telling the truth?
"Totoo ba iyan?! at bakit may demonyo sa loob ko?! baka naman sabi-sabi mo lang iyan para gawin akong sakripisyo sa mga ritwal?!" sigaw ko at muling iniharap ang punyal.
Narinig ko ang singhapan nila dahil sinigawan ko ang kanilang hari. Ang iba ay natatawa at ang iba ang napapailing sa aking inakto.
"I told you, I am telling the truth. Hindi ako ang tipo na nag sisinungaling, Little Red. I can only sense your powers but I don't know the reason why you have that demonic mana." sambit ng hari.
At doon ko nakumpirma na ang tinatago ng aking ama ay tungkol sa aking demonic mana. Pero bakit niya ito itinago sa akin? Ikinahihiya ba niya ang kapangyarihan ko? O may mas malalim pa siyang dahilan na hindi ko pa kayang maintindihan?
Napatahimik na lamang ako. Biglang bumigat ang dibdib ko, parang ang daming tanong na sabay-sabay na sumisigaw sa isip ko pero wala akong kahit isang sagot na mahawakan. Hindi ko na alam ang aking gagawin!
"…You shall make me your master. I am the perfect person to teach you about that immense power of your demonic mana inside you…" may pilyong ngiti ang hari habang sinasabi iyon.
What?
He himself will teach me? A king?! Totoo ba ito?!
Sandali! walang dahilan para basta-basta ko silang pagkatiwalaan. Lalo na at may narinig akong propesiya kanina. Ano naman kaya iyon?
"Brat, your potential is indeed good. Since our king himself is willing to be your master," sambit ng nangangalang Jazer, tila ba wala siyang nakikitang mali sa sitwasyon.
I think they are telling the truth… pero kahit gano’n, hindi ko pa rin sila kayang pagkatiwalaan. At mas lalong hindi pa malinaw sa akin kung sino ba talaga sila. Ni hindi pa nga nila ipinapakilala ang sarili nila.
"I know may kapalit ito!" singhal ko sa kanila, hindi ko na napigilan ang aking galit at pagdududa. "Halata sa inyong mga itsura na may pakay kayo sa akin kaya tila nagtipon kayo rito para salubungin ako! parang alam na alam niyo na darating ako!"
"Yeah, yeah… because we already felt your presence before you even entered this world," singit ng isang lalaki na nakatayo sa gilid.
"Leonardo is right. We were already expecting you since you are also—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang pinutol ng hari ang kanyang salita.
"Now is not the time yet, Rovan."
Napasinghap ako. Ano 'yon? Anong tinutukoy nila?
"Anyways, Little Red. If you think I have evil intentions toward you, then you are wrong. We’ll help you become stronger. I can even teach you swordsmanship. What we need from you is simple gratitude." ngiti ng hari.
"Gratitude, my ass. I know you’ll just use me."
Do I look like a fool? Magkakaroon lang ako ng utang na loob sa mga ito at alam kong puwede nilang gamitin iyon laban sa akin sa hinaharap. Puwede nila akong pagtaksilan kapag hindi na ako kailangan.
"I see your potential, Little Red," sambit agad ng hari. "I don’t want to waste that kind of mana and ability. That’s why I want to help you…"
"Kung sa tingin mo ay gagamitin ka namin," singit ni Natalia, malamig pero diretso ang tingin sa akin, "then why don’t you use us too? You’ll get stronger, and you’ll learn a lot from us.
We can also help you control your demonic mana, your Eternal Flame Mana…
as well as your spirit summoning."
Napakagat labi ako.
I won't still trust them. Pero isa itong oportunidad.
Sila mismo na ang nag-aalok sa akin at hindi ko ito sasayangin.
Gagamitin ko sila para sa sarili kong layunin.
I don't want to get executed by the Dungeon in five years from now.
At para hindi mangyari 'yon… kailangan kong lumakas to protect myself.
Ayokong manatiling isang walang silbing anak ng duke.
Tiningnan ko sila isa-isa. Lahat sila nakatitig sa akin, parang hinihintay ang magiging desisyon ko.
Inayos ko ang aking tayo. Huminga ako nang malalim, at bahagyang yumuko.
"The King of whoever you are… please take me as your student. Teach me everything, and make me stronger," seryoso kong sambit.
"Hm… finally, Little Red," sabi ng hari, may ngiting hindi ko mabasa. "But what could I gain if I teach you?"
Sinasabi ko na nga ba. May kapalit ang lahat ng ito. At ang gratitude na sinasabi niya ay hindi lang simpleng pasasalamat ang ibig sabihin noon. Humigpit ang kamao ko.
"I will be your greatest weapon you could ever have, Black King. My loyalty shall be yours. I am worth investing your time in," mariin at maingat kong sagot.
If I have to survive this goddamn world, then I'll use whatever I can. Kahit sila.
"Hm… I think she’s indeed the girl in the prophecy…" ani Devi, habang nakatitig sa akin na para bang sinusukat ang bawat galaw ko.
"Even without knowing our existence, she’s willing to trust us, huh. Interesting," rinig kong boses ni Rovan, malamig pero may bahid ng pagkamangha.
Narinig ko ang kanilang mga bulungan, at lalo lang uminit ang dugo ko.
You fools. Hindi ko pa rin kayo mapagkakatiwalaan. I am just using you for my plans in the future. At anong propesiya ba ang sinasabi niyo?
"Hey," mariing tanong ko, pinilit kong panatilihing malamig ang tinig ko kahit nanginginig na ang loob ko, "what prophecy are you talking about?"
Tiningnan ko nang masama ang babaeng si Devi.
"Our king can answer that for you. After all, he’s the one who saw the vision," sagot niya, sabay tingin sa kanilang hari.
Unti-unting nawala ang ngisi sa mukha ng hari. Parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng silid. Ilang sandali siyang hindi kumibo, tila pinag-iisipan kung dapat ba niyang ibunyag ang lahat.
Ramdam ko ang tensyon. Lahat ng nakaitim na cloak ay biglang naging seryoso, parang ang simpleng usapan ay naging isang bagay na mas delikado pa kaysa inaasahan ko.
"Centuries ago, Little Red, amidst the chaotic of the Holy War, I was struck by a vision that stained my mind. It revealed a grim certainty, The Blood of Old Erenhal was destined to fall, cast down by the hands of those they trusted most."
Nanlaki ang mga mata ko. What does that mean?!
Kung totoo ‘yon… ilang siglo na ba siyang nabubuhay?! At silang lahat?!
"But following that shadow, a second vision emerged. I saw a red-haired girl standing beside a red dragon, and a powerful being by her side. She carried a deep darkness inside her."
Napalunok ako.
"In the vision, she was surrounded by fire, yet hindi ito nasusunog. Even though she was burning, the flames did not hurt her. I believe she is the weapon that will finally make the world bleed for the Blood of Old Erenhal."
Nanlaki ang mata ko. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
What the hell…? Ako ba ang tinutukoy nila?!
Hindi ito maaari!
"Hindi!" singhal ko, halos mapunit ang boses ko sa tensyon. "Sinasabi mo ba na ako ‘yon?!"
"Yes," malamig ngunit matatag na sagot ng hari. "The very moment you entered this castle, Little Red… I saw it clearly."
Nanlaki ang aking mga mata. Tila bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. What the hell? Sinasabi ba nila na ako ang nasa propesiya?! Hindi ito maaari! Hindi ko maaaring pagtaksilan ang aking ama at ang Imperial Family!
Ang dugong nananalaytay sa akin ay dugo ng mga kumalaban sa Blood of Old Erenhal at siyang nagwagi sa Holy War!
Hindi ko pwedeng sayangin ang sakripisyo ng aking mga ninuno!
Isa na nga akong kahihiyan sa pamilya, at iyon pa ang aking gagawin?
! Hindi ito maaari! Malabong mangyari ang sinasabi niyang nakita niya dahil hindi ko ito hahayaan!
"Teka! naguguluhan ako sa mga sinasabi mo, Imposibleng mangyari 'yan!
" malakas kong sigaw sa kanilang hari. "Because the Blood of Old Erenhal has long been believed to be extinct!
An entire lineage whispered about only in fading records and half-forgotten legends!
So paano niyo nasasabi 'yan?!"
Napansin kong mas lalo silang ngumisi, parang natuwa pa sa reaksyon ko. Lalo lang uminit ang dugo ko.
Sila ba ay loyalista ng Erenhal?! Posible ‘yon… mukhang may pinaplano sila sa hinaharap. Are they planning to bring them back from the dead?! For what? for revenge?!
I changed my mind.
I will learn how to control my powers on my own. Hindi ko sila kailangan. Tama nga ang hinala ko mula pa lang sa simula, may masama silang pakay sa akin.
"Oh, brat… do you truly believe that something so powerful could fade into nothing, as if it never existed at all?" may martang boses na sabi ni Cassandra, sabay iling na parang aliw na aliw siya sa akin.
"The highest form of royal blood… will simply vanish just like that? Hell nah." dagdag ng isang babae na hindi ko pa alam ang pangalan.
"Perhaps… you’ve grown too comfortable in a world that has forgotten what true power feels like," pilyong sambit ni Dimitri.
"How annoying. When did lesser bloodlines grow bold enough to question what stands above them?" napahilot sa sintido si Devi, halatang naiinis pero may halong pangmamaliit.
"There is always the other side of the story," mahinahong singit ni Natalia, mas kontrolado ang tono kumpara sa iba.
"Natalia is right. That Holy Cathedral… is not what you think it is, red hair," dagdag ni Rovan, mas seryoso na ngayon ang ekspresyon.
"They are lunatics," natatawang sambit ng isang lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan, parang hindi naaapektuhan sa bigat ng usapan.
Ano ba 'tong mga sinasabi nila? Sino ba talaga sila? At bakit gano'n sila magsalita tungkol sa The Holy Cathedral, na para bang may galit silang matagal nang kinikimkim laban dito?!
The Holy Cathedral is served by devoted members of the clergy and sacred order.
There are priests, priestesses, and high clerics who dedicate their lives to prayer, study, and guidance.
At the highest level stand the Archbishops and High Cardinals, the keepers of ancient teachings and the ones who offer counsel to the Imperial Family.
Among them stands a rare figure, Prince Lurtheron Azul Vacardi, also known as the High Cardinal Prince.
Though he carries royal blood, within the Cathedral he is bound by its vows, expected to serve its teachings with the same devotion as any other cleric.
The Holy Cathedral does not rule, it preserves. It stands not as a throne, but as a pillar of faith and wisdom. It offers guidance, not commands.
That's why I still don't understand why they seem to resent it so much. From everything I know… the Cathedral is good.
From what I can see, it doesn't even rule the empire.
And if I think about it… long ago, they must have gathered and formed alliances among powerful houses, uniting themselves against the Blood of Old Erenhal. Because they believed that the intentions of that lineage were dangerous… perhaps even evil.
"Why are you speaking about the Holy Cathedral like that?!" singhal ko sa dalawang huling nagsalita.
Ngunit tumingin lamang sila sa akin at umiiling.
"Oh my… it seems you think the Blood of Old Erenhal is evil… What do you truly think of them, Little Red?" nakakunot-noong tanong ng hari, habang diretso ang tingin sa akin.
"Y-yes! I believe they are evil! Sa tingin ko, wala silang ibang hangarin kundi ang maghari-harian at maniwala na sila ang pinakamataas sa lahat ng nilalang!
Wala silang kakayahang magmahal! Wala silang kakayahang umunawa!
Masasama silang nilalang… at tama lang ang nangyari sa kanila! " mahaba kong salaysay.
"I think you’ll end up swallowing your own words, brat... once you find out the truth... and your mate," umiling si Dimitri, tila may alam na hindi niya sinasabi.
"Hush, Dimitri. Let her find it herself," malamig na sambit ni Devi, ngunit may bahagyang bigat ang tono.
Tiningnan ko silang lahat. Sa isang iglap, parang may kakaiba sa kanilang mga mata na tila tinamaan sa mga sinabi ko. Pero baka guni-guni ko lang iyon. Bakit naman sila masasaktan… dahil sa mga Erenhal? Ano bang koneksyon nila sa lahing iyon?
At ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Dimitri?
Mate?
Tangina… ang dami ko nanamang tanong.
Ngunit hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Ang kailangan kong maintindihan ay kung sino ba talaga sila at kung ano ang koneksyon nila sa Blood of Old Erenhal.
"You're being too harsh, Little Red," sambit ng kanilang hari, nakakunot ang noo habang muling umiinom sa kanyang wine glass, tila hindi sang-ayon sa mga sinabi ko.
"I changed my mind!" mariin kong sambit. "I will learn how to control my powers myself! I will find another way! Hindi ko kailangan ang tulong ninyo!"
Nagbago ang tingin ko sa kanila. Hindi na ito basta pagdududa.
Ramdam ko na malinaw ang galit nila sa mga taong naglilingkod sa Holy Cathedral.
At hindi ko hahayaang mangyari ang nakita nila sa propesiya.
Hindi pa man nakukumpirma na ako iyon, ngunit alam kong kailangan kong mag-ingat.
Hindi ko pagtataksilan ang aking mga ninuno…
at lalong hindi ang Holy Cathedral.
"Magpakilala kayo! Sino ba talaga kayo?!" sigaw ko, hindi na mapigilan ang tensyon sa dibdib ko.
Hinihintay ko ang kanilang sagot, ngunit nagkatinginan lamang sila at Isa-isa silang umiling, at muling napatingin sa hari, tila ba humihingi ng pahintulot kung dapat na ba nilang ibunyag ang kanilang mga sarili.
Naiinip na ako.
Sino ba talaga sila? At bakit kailangan pang paikot-ikot ang lahat?
"I repeat," singhal kong muli, mas malamig ngunit mas mariin ang boses ko.
"Who the hell are you?! Tell me the truth!
How can I even trust all of you kung hindi ko kayo kilala?
You stand there speaking of prophecy, of bloodlines, of the Holy Cathedral…
but you hide your names, your intentions… everything!"
"Oh dear… calm down, Little Red," muli na namang ngumiti ng pilyo ang hari, tila ba naaaliw sa aking galit.
"Don’t be scared when we introduce ourselves, brat," taas-noong sambit ni Cassandra, may bahid ng hamon ang tono. "I hope you can handle it… when you finally learn who you’ve been speaking to."
Nagkatinginan ulit silang lahat at sabay-sabay na nagtanguan, parang may tahimik na kasunduan na napagdesisyunan sa isang iglap. Muli silang tumingin sa kanilang hari, tila naghihintay ng hudyat, ng pahintulot na tuluyan nang ibunyag ang lahat.
Sandali pa ay muling bumaling ang kanilang atensyon sa akin. Kanina ko pa ramdam ang bigat ng kanilang presensya, ngunit ngayon lalo itong lumala, tila ba sinasadya nilang ipadama kung gaano sila kalakas.
Ang kanilang mga pulang mata ay malamig at matalim, halos tumatagos sa aking kaluluwa.
Ang kanilang napakaputing balat ay tila walang bahid ng buhay, lalo pang pinatingkad ng kanilang marangyang itim na kasuotan.
Ang ilan sa kanila ay may puti o pilak na buhok, habang ang iba naman ay may itim, ngunit anuman ang kulay nito, iisa ang kanilang aura.
Hindi pangkaraniwan.
Mas lalo pang bumigat ang paligid dahil sa mga nakapalibot sa akin, ang mga naka-itim na cloak sa kanan at kaliwa ko. Alam kong malalakas din sila. Ramdam ko iyon sa tahimik nilang presensya pa lamang.
Ngunit ang siyam, lalo na ang hari na nasa harapan ko ay naiiba sakanila. Mas malakas. Mas mapanganib.
"Alright, Little Red. Morticia…" mahinang utos ng hari, sabay senyas sa babaeng tinawag niya.
Sabay-sabay silang tumuwid, seryoso at taas-noong nakatitig sa akin na tila ba dapat ko silang kilalanin, na dapat ko silang igalang, na dapat ko silang katakutan.
Ngunit sino ba sila para gawin ko iyon?
"You stand in the presence of the Blood of Old Erenhal, The Ten Rulers of Old Erenhal Sartorias, The highest and most powerful royal bloodline of all. Remember your place, for before you stands our king, The Sovereign of the Old Blood, Drakkon Vykar de Erenhal."
"Welcome to Vlymir Castle, Little Red."