CHAPTER 17
The Blood of Old Erenhal
Hundreds of years ago,
Vermeleyon was once a large continent where humans and vampires lived together.
There were many powerful vampire clans, not only the Blood of Erenhal.
At first, there was peace between them. But over time, greed grew in the hearts of the vampires.
They wanted to rule everything and they began killing humans to satisfy their thirst for blood.
Because of this, the Great Goddess gave her punishment. Vampires were cursed to turn into ash under the sun. Daylight became their weakness, and many of them were destroyed.
But the Blood of Erenhal survived.
They were different. They were half human and powerful mages. They also did not kill humans to satisfy their thirst, so they were spared.
As time passed, the Blood of Erenhal became known as the most powerful mages in all of Vermeleyon. Their blood gave them strong magic, and they were the ones who taught people how to summon spirits. Many admired them, but many also feared them.
They were the only vampires who could walk under the sun without turning to ashes.
Because of this, people began to believe that the Blood of Erenhal were the rightful rulers of Vermeleyon.
With their great power, all Seven Kingdoms were united and ruled by the Empire of Erenhal Sartorias, located in the capital city of Sartores, under the first emperor, Drakkon Vykar de Erenhal, who was supported by nine rulers as his right hand.
Yet, even the powerful ones are bound to fate.
Rassia
Am I insane?! or mali lang ba ang pagkarinig ko?! Totoo ba na ang kaharap ko ay mga Erenhal?! Paano nangyari iyon?! may immortality ba sila?!
Pero ang sabi-sabi, at nakasulat pa mismo sa mga sinaunang libro at talaan, matagal na silang wala! The last bloodlines of vampires, ang pinaka-huling mga bampira sa buong kasaysayan at nang bumagsak sila, naniniwala ang lahat na tuluyan na silang naglaho!
At hindi lang iyon, sa mga kwento ng head butler, malinaw na malinaw na ang aking ninuno, si Aurelius Quentin, kasama ang Second Emperor na si Beaumont Vacardi, ang siyang pumatay sa kanila. Sila ang nagwakas sa kanilang lahi. Sila ang nagtakda ng katapusan ng mga Erenhal!
So why?! Bakit ngayon ay nandito sila sa harapan ko?! nabuhay ba sila ulit o hindi naman talaga sila namatay?!
Ibig bang sabihin nito ay nagsinungaling ang mga aklat? at may mga katotohanang itinago sa amin sa loob ng napakaraming taon?!
"Is that a valid reason to show some respect?" sunod na sambit ni Morticia nang inanunso niya ang kanilang kakilanlan.
"So the red-haired brat finally knows our secret…" dugtong ni Jazer, may nakakalokong ngisi sa labi. "Tell me… do you feel honored? Or terrified?… Or both?"
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Ang mga piguryang na sa harap ko ay nakangising nakatingin sa akin tila tuwang tuwa sa naging reaksyon ko.
Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.
It makes sense... an abandoned castle and vampires live here!
Kung bakit malamig ang hangin kahit walang bintanang bukas.
Kung bakit parang may mga matang sumusunod sa bawat galaw ko kahit wala namang tao sa paligid nang makapasok ako rito.
Kung bakit ang katahimikan ng kastilyong ito ay hindi katahimikan…
kundi parang may naghihintay lang na gumalaw ako para tuluyan itong magising.
Of course. Of course, vampires would choose a place like this. A castle na matagal nang iniwan ng mundo.
Nanlamig ako at ramdam ko kung paanong unti-unting nawala ang kulay sa aking mukha sa matinding takot.
Napalingon ako sa paligid, Ibig sabihin…
ang mga naka-itim na cloak na ito ay may dugo rin ng Erenhal?
! at ang kumitil sakanila ay si Aurelius Quentin!
kailangan kong maka-alis dito! baka gusto nilang gumanti kay Aurelius sa pamamagitan ng pagpatay sa akin!
"T-tangina! mga bampira!" sigaw ko at nag echo sa buong kastilyo.
"What's tangina?" rinig kong bulong ni Rovan kay Natalia.
Dali-dali akong tumakbo palabas sa malaking double doors at dali-dali rin akong hinarangan ng mga naka itim na cloak.
Naalala ko ring nakasara na pala ito. Napalunok ako sa kaba!
mga bampira sila! sigurado ako na gusto nilang matikman ang aking dugo!
ayoko maging adobo! gusto ko pang umuwi!
kasalanan ito ng aking ama kung sana sinabi niya nalang ang lahat edi sana hindi ako magiging adobo!
"Hoy, tangina niyo! wala akong pakielam kung kayo pa ang pinakamakapangyarihan sa lahat! palabasin niyo ako rito! hindi ko ibibigay sainyo ang dugo ko!" sigaw ko ng malakas at humarap sakanila.
"Mas gusto ko pang masagasaan ng truck kaysa gawin ninyong adobo!" sigaw kong muli.
Bampira sila at alam kong naaamoy nila ang aking dugo! at anytime pwede nila akong atakehin. Iyon ang katotohanang paulit-ulit na bumubulong sa isip ko habang pilit kong pinipigil ang panginginig ng aking mga kamay.
"...pft.." napalingon ako sa kanilang hari na hindi na mapigilang ang kanyang tawa. Kahit sa pagtawa lang ay nananatili pa ring malalim at malamig ang boses nito.
"Naririnig niyo ba ako?! buksan niyo at palabasin niyo ako!" tinuro ko pa ang malaking double doors. mahina ko ring tinadyak ang aking paa sa sahig.
"Jeez, she's like a brat throwing tantrums when she didn't get what she wants…" rinig kong sambit ni Devi.
"I know whoever her father is must be stressed about her." ani Morticia.
"The hell… the way she talks is strange." rinig kong bulong ni Overon.
"Hmm... I wonder what tangina and adobo means..." ani Rovan.
"She's the very first human who dares to talk like that to us." umiling iling na si Cassandra.
"Calm down, Little Red. Yes, we smell blood, and blood satisfies our thirst, but we are also half human.
That means we can control our thirst. And in your case, your blood is indeed sweet, and it smells throughout the entire castle.
Ngunit kung gugustuhin man namin na ikaw ay atakehin…
malabong mangyari iyon." mahinanong paliwanag ng hari.
"Because of the demon's blood inside you and your own blood are one and the same. If we drink your blood, we would also be drinking the demon's blood..." sambit ni Leonardo.
"If we drink it without your permission, your blood will become poison to us, Brat." paliwanag ni Jazer.
Nang marinig ko iyon ay medyo huminahon ang aking diwa. May mga tanong pa rin ako sa demonyong na sa loob ko, tila pinoprotektahan niya ako ngunit sa anong dahilan bakit niya sineal ang aking mana core?
Tumingin ako sa kanilang may kunot sa aking noo. Nagtataka pa rin ako kung bakit sila nabubuhay, at kung ano ang dahilan kung bakit sila nagtatago sa abandonadong kastilyong ito.
"Still, I can’t fucking trust all of your words. Bakit buhay pa rin kayo?! Paano nangyari iyon?! Akala ko ba matagal na kayong naglaho?!" singhal ko sakanila.
"Even though we carry human blood, we are still vampires.
We can use our immortality to prevent our tragic deaths.
The immortality power activates when we are on the brink of death.
However, no one knows that we have this immortality power, so we are able to fake our deaths.
However, this is all I can say." paliwanag ni Dimitri.
"What the—? Even my ancestor, Aurelius, and the Second Emperor announced that you were all dead. So paano nangyari na you were able to fake your deaths?"
"As you said, hindi mo kami pinagkakatiwalaan. And how can you be sure that we trust you as well? Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat. Kailangan mong patunayan ang iyong sarili at maging isa sa amin bago mo malaman ang buong katotohanan." pagtataray ni Cassandra.
"At malabong mangyari iyan! I will never join you for your evil intentions and schemes for Vermeleyon!" sigaw kong muli.
"And who says we have evil intentions for Vermeleyon, when we were the ones who kept the peace?" sagot agad ni Cassandra.
"Ang Holy Cathedral na iyon.... ang mga baliw lang ang sumira. Sila ang nagdulot ng kaguluhan, hindi kami." pag depensa naman ni Overon.
"And we just want to help Vincarion—" hindi na natapos ang sasabihin ni Natalia nang magsalita ang hari tila pinigilan ito.
Huh? who the fuck is Vincarion?
"That's enough. Little Red, you should rest. It's the middle of the evening, I know you’re tired from the dimension. We can talk again tomorrow and we can continue the chaos and... you can continue your fight…" sabay tingin ng hari kay Cassandra.
"... just try not to break the castle while I’m asleep." dagdag niya.
"Wait! how can I sleep here when—"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magulat ako nang tumayo ang hari.
Matangkad siya, tila kapantay ng aking ama.
Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang sa isang iglap lang ng kanyang pagtayo, ay nawala siya na parang hangin.
Tila ginamit niya ang kanyang kakayahan, ang vampire speed.
"Then it’s a bye then. See you tomorrow, brat." sambit ni Jazer na may ngisi sa mga labi.
Habang ang apat na lalaki ay tinanguan lang ako. Gaya ng ginawa ng kanilang hari ay nawala rin sila na parang hangin. Sobrang bilis ng kanilang kilos na tila isang pikit ko lang ay wala na sila sa paningin ko.
Ang mga naka itim na cloak lang ay normal na naglakad papalayo, papunta sa kung saang bahagi ng kastilyo.
Ang apat na babae na lamang ang naiwan sa harapan ko, at dahan-dahang lumapit sa akin.
Si Cassandra ay tinaasan lang ako ng kilay habang naka-cross ang mga braso, halatang hindi pa rin kumbinsido sa akin.
Si Natalia naman ay may maliit na ngiti sa labi habang hawak ang kanyang itim na pusa, parang aliw na aliw sa sitwasyon.
Si Devi at Morticia ay nanatiling seryoso, tahimik na nakatingin sa akin na para bang sinusukat pa rin ang buong pagkatao ko.
Nang pinaglipat-lipat ko ang tingin ko kina Devi at Morticia, ngayon ko lang napansin na magkambal sila.
They are fraternal twins, magkaiba ang kanilang mukha kaya madali mong makikilala kung sino ang alin, ngunit sa kabila nito, hindi maikakaila ang pagkakapareho nila sa aura, galaw, at malamig na presensya na tila iisang patak ng dugo ang pinanggalingan.
Nakita kong matagal ang titig sa akin ni Cassandra. Tiningnan ko ito at tinaasan din ng kilay. Halatang nagulat ito at nag-iwas ng tingin at bahagya pang umubo.
"So, Natalia, I think this brat is a little
bit comfortable in your presence among the four of us. Go on then, take her to her room." ani Devi at lumingon kay Natalia.
"Ofcourse..." ngiting tango ni Natalia.
"Then, magpapahinga na kami. Let's go." tumalikod na si Cassandra at agad ring sumunod ang dalawa.
"Cassandra, you should be a little bit nicer to her..." narinig kong bulong ni Morticia habang papalayo sila.
"Tsk. why would I?"
"Just because she looks like your—"
Hindi ko na narinig ang kanilang bulungan nang tuluyan na silang nakalayo. Nagtaka pa ako dahil hindi nila ginamit ang kanilang kakayahang bumilis sa paglalakad.
Nagkibit balikat nalang ako at humarap kay Natalia. Pasimple pa akong tumikhim dahil nakatitig pa rin ito sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
"Hmm... I think they’re planning to hunt deers before they rest that's why they didn't use speed right now." nagkibit balikat din si Natalia habang nakatingin sa direksyon kung saan umalis ang tatlo.
"Akala ko ba malalakas kayo? Mga usa lang 'yan, bakit kailangan niyo pang magtipid ng lakas?" pabalang kong tanong.
"The animals here have powers. Even the deers are fast, just like us. That's why we save our energy, so we can hunt them quickly." natatawang sambit ni Natalia.
Napalunok ako sa aking narinig. Tama lang pala na nandito ako sa kastilyo.
Mapanganib ang gubat, lalo na't may mga hayop palang may sariling kapangyarihan.
Kahit pa may mga bampira rito na mas delikado kaysa sa mga hayop na iyon, at least…
maaari ko silang mapakiusapan, at mukhang hindi nila ako kayang saktan.
"Let's go na." taas noo kong sambit. Nakita ko pang natigilan si Natalia sa aking inakto at natawa.
Hindi ko alam kung makakatulog ako sa lahat ng aking mga nalaman ngunit gusto ko na rin munang mapag-isa. Ang dami kong nalaman ngunit alam kong wala pa ako sa kalahati ng katotohanan. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang aking kapangyarihan at bakit itinago sa akin ito ng aking ama.
Nang makarating kami sa aking magiging silid ay nagulat ako dahil malaki at marangya ang silid. The gothic room is full of black and red interiors. May mga kandila na rin na nakasindi, alam kong kagagawan ito ni Natalia.
"So... can I ask what your name is?" mahinang tanong ni Natalia at umupo sa kama habang tinitingnan ko ang kabuoan ng kwarto.
"... I know you are from the House of Aurelius Quentin, because of your hair..." tumingin na sa akin si Natalia.
"W-well, kung ayaw mong sabihin ay i-rerespeto—"
"Rassia." matipid kong sambit.
Mapagtanong din pala itong babaeng ito? pero kung ikukumpara sa tatlong babae kanina ay siya ang mukhang pinakamabait sakanila.
Napatingin ako sa pusang hawak ni Natalia. Ibig bang sabihin nito ay immortal din ang kanyang pusa?
"Natalia, immortal din ba ang pusang 'yan?" hindi ko na napigilan ang kuryusidad ko.
"Hindi... napulot ko lang ito sa kontinente ng Nervales..." tumingin siya sa kanyang pusa at hinaplos ito. "Nagulat pa ako nang makita ako ng pusang ito at lumapit sa akin tsaka ako nilambing... kaya kinuha ko na ito, sana lang ay walang nag a-alaga sakanya..."
"Paano ka naman nakakapunta sa Nervales? ang tahanan ng mga lobo at shapeshifters? at bakit ka rin naroon?" tanong ko rito.
Nakita ko pang umiwas siya ng tingin at namula. Don't tell me may nagugustuhan itong lobo?
"A-ah kasi ano... may mga susi kami para bumukas ang lagusan papunta sa bawat kontinente... 'wag ka ring mag alala may ibibigay kami sa'yong susi ng lagusan papuntang Vermeleyon..."
Mabuti naman ay may daan pauwi ng Vermeleyon. Isa rin iyon sa kinakatakutan ko ngayon na baka hindi na ako pauwiin ng mga baliw na bampirang ito.
"Okay, tell me the reason."
"Sana huwag mo itong i-kwento kahit kanino kapag nakauwi ka na sa Vermeleyon..."
"Yeah, yeah." I rolled my eyes. Pa-intense din talaga mag kwento ang bampirang ito.
"Rassia, I have a mate and he is a wolf."
Natigilan ako sakanyang sinambit.
"At hindi ko maaaring ipakilala ang aking sarili sa kanya dahil sa sitwasyon. Kung magpapakita ako, baka ako'y kanyang pagtaksilan at makarating ang balita sa buong kontinente ng Vermeleyon, at magdudulot ng kaguluhan at maaaring makasira sa mga plano ng hari."
"Meow..." narinig namin ang pusa at lalong nilambing si Natalia. Bahagya akong napangiti sa nakita.
"So sinasabi mo bang sinisilayan mo lang ang lobong iyon?" mahina akong natawa sa aking nasambit.
"W-well, nakakahiya mang aminin pero, oo.... Alam mo ba, Rassia. Isa siyang prinsipe sa Nervales. Matipuno ang kanyang katawan at ang lakas ng presensiya. Gusto ko man siyang lapitan pero hindi ko magawa. Maski, ang lobong anyo niya ay malakas ang dating..."
"Meow..." nakita kong nilambing ulit ng pusa si Natalia.
Biglang lumabas sa isipan ko ang mukha ni Vincenzo sa katagang matipuno at malakas ang presensiya. Nag-iwas ako ng tingin dahil doon. Why the hell am I thinking about that fuckass out of nowhere?!
"Just try, Natalia. We will never know. Malay mo kapag nakita ka niya ay malove at first sight iyon saiyo." biro ko sakanya ngunit pinatili ko ang seryosong ekspresyon sa aking mukha.
Pero totoo ang aking sinambit, sobrang ganda ni Natalia. Sa apat na babae siya ang may pinaka anghel na mukha.
"You sure talk strange, Rassia..." umiling si Natalia at natawa.
"But then, Natalia... how does mate works?" tanong ko habang pumipili ng night dress sa malaking cabinet.
"Bagay ito saiyo, Rassia..." may kinuha si Natalia sa cabinet at inabot sa akin. Wala akong nagawa kaya tinanggap ko ito, her taste is nice, huh.
"... A vampire mate is like a soulmate, Rassia. We feel a strong and undeniable bond the moment we encounter them. It’s not just simple attraction, it's something deeper, like the soul recognizing its other half."
"I can imagine how much you long for that wolf prince of yours." sambit ko.
"Oo, Rassia. The emotions that come with it are overwhelming. The yearning becomes constant, and the need to be near them only grows stronger over time."
"... At kapag pula ang buwan, mas tumitindi ang uhaw namin sa dugo. Ang tanging dugo lang nila ang makakapagpawi ng uhaw na iyon. They are the only ones who can satisfy it, and no other blood can ever replace them." nakita ko ang lungkot sa kanyang nga mata.
"Paano mo ito hinaharap?"
"Nagkukulong kami sa sarili naming kapangyarihan, Rassia.
Ang kastilyong ito ay mayroong dungeon kung saan namin ikinukulong ang aming sarili kapag pula ang buwan.
Ang kulungang iyon ay pinapalakas din ng sarili naming kapangyarihan para hindi kami makawala at makalabas tuwing ganitong gabi. "
"... Hindi namin kayang kontrolin ang sarili namin kapag pula ang buwan. Hindi namin namamalayan na maaari na kaming makapanakit ng ibang nilalang, kaya't kusa kaming nagkukulong upang maiwasan ang anumang panganib." dagdag niya pa.
"So are you saying that the other Erenhals also have mates, even the king?" tanong ko.
"Yes. But the king's mate was human and she already died long ago."
"R-really?"
"Rassia, kapag namatay ang aming mate, humihinto rin ang aming pagkauhaw tuwing pula ang buwan. Pero kasabay nito, nawawala rin ang dahilan namin para mabuhay." seryosong sambit ni Natalia.
"Paano kapag nabuhay muli ang inyong mate? at nareincarnate ito, babalik ba ang pagkauhaw niyo tuwing pula ang buwan?" tanong ko.
"Of course, Rassia. Dimitri's mate was an engkantada from the continent of Palazan. Engkantadas have a lifespan of 400 years same as Wolves and they do not age like humans. She died during the Holy War of Vermeleyon, and Dimitri was never by her side when it happened."
"But then, 82 years ago, we were shocked when Dimitri lost control of himself during the red moon. And that was when we realized that his beloved engkantada had finally been reincarnated." she added.
"So ibig bang sabihin nito ay sinisilayan niya ang engkantadang iyon ngayon gaya ng ginagawa mo?" may halong pang-aasar sa aking tono.
"Yes, the king allowed us to see our mates from a far. Ngunit mahigit pinagbabawal ng aming hari na lapitan sila, he says his plans must happen first, and the prophecy he has seen must be fulfilled."
So they are yearners despite their scary aura.
Gusto ko sanang tanongin kay Natalia kung ano ang plano ng hari ngunit alam kong hindi niya ito sasabihin sa akin. Even if I ask, she will just stay silent or avoid my question. I have to accept that some things are not meant for me to know yet.
"By the way, Rassia, I must take my leave now so you can rest. And perhaps, you should bathe..." sabay tingin ni Natalia sa aking puting kasuotan at may ngisi sa mga labi.
Napatingin tuloy ako sa salamin. What the hell? I look like a mess! For sure pinagtatawanan ako ng mga baliw na bampira sa kanilang loob-looban nang makita ako! mukha akong gusgusin!